Chapter 9 - CHAPTER 8

SUMALUBONG sa akin ang mga estudyanteng nagpapamigay ng mga papel nang makapasok ako sa campus. Lunes ng umaga at nagsisipasukan pa lamang ang ibang mga mag aaral.

"Vote for the light party-list!" Bungad nila sa akin sabay abot ng mga papel.

Tiningnan ko iyon at nakita ang listahan ng mga pangalan ng mga estudyante. Napakamot naman ako sa aking ulo. Ano bang ganap ngayon?

"Nana!" Naglinga-linga ako ng tingin nang may tumawag sa akin.

Napataas ang dalawa kong kilay at unti-unting napangiti nang makita si Colby na kumaway sa akin mula sa malayo. Mapapansin ang puting long sleeve na suot niya, hindi siya naka-complete uniform. Nagsimula siyang tumakbo upang lapitan ako.

"Good morning!" Masaya niyang bati nang tuluyang makalapit sa harapan ko.

"Hihi!" Tumaas ang balikat ko at napahawak sa hawakan ng aking backpack. "Good morning din sa'yo, Colby. Mukhang masaya ka yata ah?"

Lumaki ang ngiti niya. "Not really.."

Not really? Eh ang laki nga ng ngiti mo!

"Ahh.." kumamot ako sa aking ulo at nag iwas ng tingin. "Ano nga palang nagaganap ngayong araw?"

"May campaign." Tugon niya. "Para sa mga gustong manalo bilang student councils."

Napatango-tango ako at nabaling ang paningin sa papel na hawak niya. Gaya iyon ng papel na binigay sa akin ng isang estudyante. Muli akong napaangat ng paningin sa kanya.

"Kasali ka sa kanila?" Pagtatanong ko sa kanya.

May ngiti siyang tumango-tango. "I'm with light party-list."

Napangiti ako ng malaki at nag thumbs up sa kanya. "I will vote for you, Colby! Hahahahaha!"

Natawa siya at napakamot sa batok. "Thanks.. Um--"

"Colby!!" Pareho kaming napalingon nang sumigaw si Aliyah.

Agad itong lumapit sa kinaroroonan naming dalawa at dumikit kay Colby. Seryoso naman niya akong tiningnan.

"Nana, ikaw pala." Aniya. "Bakit kayo magkausap?" Tanong niya pa sa akin.

Napataas naman ang isa kong kilay. "Masama ba?"

"Uh, no! Nagtatanong lang naman ako." Sumimangot siya at humarap kay Colby. "Are you close with Nana?"

Napalabi siya at sumulyap sa akin. "Kinda. Why?"

"Just asking."

Nagpalit-palit ang paningin ko sa kanilang dalawa. Ang sabi ni Colby ay kaibigan lang sila ni Aliyah. Pero ano naman kaya ang tingin ni Aliyah sa kanya? Hmm..

"Sige, mauuna na ako." Pagsasalita ko at pumagitan sa kanilang dalawa. "Kita na lang tayo sa classroom, hehe.."

Binalingan nila ako, akma na sana akong aalis nang habulin ni Colby ang kamay ko. Gulat akong napalingon sa kanya.

"B-Bakit?"

Bahagya siyang ngumiti. "Can we have lunch together later?"

Bahagya namang umawang ang labi ko at napipilitang ngumiti ng malaki. "Oo naman, syempre!"

"Great!" Matagal siyang tumitig sa akin.

"Ahehe.." nagbaba ako ng tingin sa kamay ko na hindi niya pa binibitawan. "Pwede mo nang bitawan ang kamay ko, Colby.."

Kaagad siyang natauhan at mabilis na nabitawan ang kamay ko. Alanganin akong ngumiti at kumaway sa kanya. Napasulyap ako kay Aliyah na ngayon ay lumaki ang simangot. Saka ko lamang sila tinalikuran at nagmamadaling naglakad papalayo.

Maganda rin na niyaya akong mag lunch ni Colby mamaya, sa gano'ng paraan ay matatanong ko siya sa nangyari noong nakaraan pang araw! Anong ginagawa nila ni Ryker sa lugar na 'yon? Shoot! Mabuti't madali lang kausap si Colby.

"Hoy, bruhang Nana!"

Napahinto ako sa paglalakad nang harangin ako ni Sally at nang mga kagrupo niya. Nakataas ang isa niyang kilay habang inabot sa akin ang piraso ng papel.

"Mukhang pumapangit ka sa bawat araw ah?" Mapang-asar niyang sabi. "Anyways, magkakaroon ng election sa friday. Kung hindi ka sana absent ng dalawang araw no'ng nakaraang linggo ay malalaman mo 'yon." Napairap siya.

Tumango naman ako. "Kahit absent ako, alam kong nangangampanya kayo ngayon."

"Really? Then vote for me as a student coordinator. Kasi kung hindi.." sinamaan niya ako ng tingin. "I will make your life misirable! Ha!"

Tinanggap ko ang papel niya at napanguso. "Kung ganyan ka mangampanya, 'di ka mananalo."

Nag flip pa siya ng hair. "Whatever! Maaaring maldita ako, pero that's what makes me a good leader. I am mean but honest person! Kapag sinabi kong mukha kang bruha, totoo 'yon. But at least, hindi ako plastik at mas lalong hindi ako sinungaling, so vote for me!"

Napatawa ako at sunod-sunod na tumango. "Sige, Sally. Iboboto kita!"

Ngumisi siya. "Good! Thank you." Sumenyas siya sa mga kasama. "Let's go girls!"

Napatawa ako sa lakad nilang kay aarte. Nagtuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang classroom. Ang akala ko ay walang katao-tao sa loob dahil tahimik at wala talaga akong nakitang mga kaklase ko. Pero nakita ko si Ryker na nakasubsob ang mukha sa kanyang mesa habang tahimik na nakaupo. Sa ulo niya nakasabit ang headphones at ang mga mata'y nakapikit.

Nanliit ang mga mata ko at napangisi. Nagtungo ako sa kinapupwestuhan niya at sandali roong tumayo. Pinakatitigan ko pa ang mukha niya. Kamukha ko ba siya?

Kung siya si Duziell, parang ang layo naman ng mukha ko sa kanya..

Sabagay, may mga magkapatid naman talagang hindi magkamukha. Isa pa, babae ako at lalaki siya. Talagang malayo!

Sinipa ko nang malakas ang upuan niya subalit hindi siya natinag. Kaya naman sinipa ko ulit ang upuan niya sa pangalawang pagkakataon at talagang nayanig ang mukha niya! HAHA!

Napamulat siya ng mga mata at tiningala ako. Gano'n na lang ang pagsasalubong ng mga kilay niya.

Nginisihan ko naman siya at muling sinipa ang upuan niya. "Ha! Anong feeling?" Pinagsisipa ko na ang upuan niya. "Ano, Ryker? Sagot! Haha!"

"The fuck?" Binaba niya ang headphone niya at sinabit iyon sa kanyang leeg. "Do you take special vitamins, Nana? Para kang baliw."

Natigil ako at unti-unting napasimangot. Para akong baliw?

"Tsk! Ngayon alam mo na 'yung feeling na sinisipa ang upuan mo kahit wala ka namang ginagawa?" Pagsusungit ko.

Umayos siya ng upo at deretso akong tiningala. Ang sinag ng araw ay tumatama sa mga mata niya kaya lalo kong nakikita ang kulay tsokolate niyang mga mata. Hindi ko maiwasang kaiinggitan 'yon, lalo na't ang haba pa ng mga pilik-mata niya.

"So," pinagkrus niya ang mga braso niya. "You're not absent today, obviously."

Napangisi ako. "Hinahanap mo ba ako? Miss mo 'ko?"

Umasim agad ang mukha niya. "What?"

"What?" Ginaya ko siya para asarin. "Alam mong nag-absent ako.. At isa lang ang ibig-sabihin no'n! Hinahanap mo rin ako, hahahaha!"

Sumeryoso ang mukha niya. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa gulat nang biglaan siyang tumayo para humarap sa akin.

"Biro lang, ano ka ba!" Napahampas ako ng kamay sa ere.

"Well, that's true.." Napaatras ako nang nilapit niya ang mukha sa akin. "Hinahanap nga kita." Seryoso niyang sabi.

Napataas ang dalawa kong kilay. "Weh?"

Tumaas naman ang sulok ng labi niya. "Oo nga,"

Humakbang pa siya lalo papalapit sa akin at akto sana akong aatras nang hawakan niya ako sa magkabilang braso!

"Where's my jacket?" Sumeryoso bigla ang mukha niya.

Napaawang ang labi ko! "Ay! Dahil ba do'n kaya mo 'ko hinahanap? Ahehe.." Napaiwas ako ng tingin.

"Tsk! Ambitious witch." Bulong niya pa. "Well? Where is it?"

Matamis akong ngumiti at muling nag angat ng paningin sa kanya. "Naiwan ko sa bahay, Ryker. Bukas na lang!"

Naningkit ang mga mata niya, matagal na napatitig sa akin na para bang sinusuri kung totoo ang sinabi ko.

"Naiwan or sinadya mong iwanan sa house mo?" Nanunuri niyang tanong.

"Eh? Bakit ko naman sasadyain na iwanan?"

"Because you're obsessed with me and you'll find way para hindi ko makalimutan ang appearance mo." Nakakahibang niyang eksplenasyon! "And when I think of my jacket, I think of you. Is that how you play your trick on me? 'Cause I'm telling you, I will never fall for you!"

Nalukot ang mukha ko at sandaling hindi nakaimik. Nanlaki ang butas ng ilong ko sa haba ng sinabi niya.

"Ang galing naman ng konklusyon mo, Ryker. Maging ako ay hindi ko maiisip 'yon."

"Just admit it." Ngumisi pa siya! "Are you that obsessed with me?"

"Paano naman napunta sa ganyan ang usapan? Naiwan ko lang jacket mo, obsessed na agad ako sa'yo?" Napakamot ako sa aking ulo. "Ikaw yata ang may kailangan ng special vitamins, Ryker. Kung anu-ano pumapasok sa ulo mo."

Akma na siyang magsasalita nang malakas na tumunog ang bell. Pareho kaming natauhan at saka lamang napagtanto ang posisyon namin. Mabilis kaming nakakilos at naupo sa kanya-kanyang upuan.

Mabilis ding nagsipag-datingan ang aming mga kaklase at nagsimulang umigay sa loob ng classroom. Naroon na rin si Colby at Aliyah na naupo sa pinakagitnang row. Malaki akong ngumiti nang nilingon ako ni Colby. Gano'n na lang din ang ngiti niya sa akin.

Maya-maya lang ay pumasok na ang unang guro na si Miss An. Mabuti ay hindi siya masungit gaya ng ibang guro. Siya yata ang pinakamabait sa lahat ng napasukan kong subject dito. Pero syempre, hindi ako nakinig sa discussion niya. Kunwari'y nagte-take notes ako sa notebook pero ang totoo'y nagsusulat lang ako roon ng kung ano-ano. Si Ryker naman ay hinayaan kong sipain ang upuan ko, wala naman akong ibang magagawa eh. Isa pa, mapapagod din siya at mananakit ang mga binti.

Napanguso ako nang mahuli si Colby na lumilingon sa akin ngunit mabilis ding nag iiwas ng paningin.

Hmm? Ako ba tinitingnan niya o si Ryker?

Nilingon ko si Ryker nang maramdamang tumigil na siya sa pagsipa sa upuan ko. Pero gano'n na lang ang gulat ko nang magtama ang paningin namin at parang papatayin na niya ako sa titig na 'yon!

Mabilis akong nag iwas at umayos ng upo. Kunwari'y nakikinig ako sa guro. Bakit gano'n makatingin ang isang 'yon?

-

NAGDAAN ang ilang subjects na gano'n ang naging daloy. Halos makatulugan ko na ang huling subject, tuloy ay hindi ko namalayang dumating na ang lunch break.

"Nana," napaangat ako ng tingin kay Colby nang lumapit siya sa kinauupuan ko.

Ngumiti ako at inunat ang aking katawan. "Lunch tayo?"

Tumango siya. "Let's go."

Tumayo agad ako pero kahit na gano'n ay kinailangan ko pa ring tingalain si Colby dahil sa tangkad niya. Halos kasingtangkad din niya si Ryker. Paano kaya tumatangkad ng ganito ang mga lalaki? Siguro'y three times a day silang nag--aano.

Sandali akong natigilan nang mapayuko ako kay Ryker na nakaupo pa rin sa kanyang pwesto habang nakatingala sa akin, ang masama niyang tingin ay hindi nababago. Para siyang binabalot ng kadiliman at hinanakit! Para siyang nilalamon ng sariling galit mula sa mga taong mapanakit!

Bahagya ko siyang tinawanan at napapailing na lumabas ng classroom. Nagbibiruan kami ni Colby na naglakad patungong canteen. Masaya rin naman siyang kausap, ngunit hindi ko maisingit ang gusto kong itanong sa kanya. Kung anong ginagawa nila ni Ryker sa lugar na 'yon.. Baka magtaka siya kung paano ko nalaman at magkaroon din siya ng kakaibang konklusyon gaya ni Ryker.

Pumila kami sa canteen at nag serve ng kanya-kanyang pagkain. Pinuno ko ng pagkain ang tray ko, nahuli ko pang natawa si Colby dahil sa dami niyon.

"Excuse!" Nanlaki ang mga mata ko nang may babae ang tumulak sa akin sa pila!

Kaagad akong nawalan ng balanse at hindi sinasadyang tumilapon ang tray na hawak ko!

Mas nanlaki ang mga mata ko nang makita iyong natapon sa puting long sleeve ni Colby!

Nagsi-ingayan ang mga estudyanteng nakakita sa nangyari.

"Hala!" Gulantang kong usal. Nang lingunin ko ang babaeng tumulak sa akin ay gano'n na lang ang inis ko. "Aliyah?! Nananadya ka ba?"

Nagulat din siya ngunit hindi ako pinansin, kay Colby siya lumapit. "Oh my gosh, Colby! I'm sorry! Si Nana kasi nakaharang eh!"

Nagsalubong ang kilay ko. "Ano?"

"It's okay." Kalmadong sabi ni Colby habang nakatingin sa namantsahan niyang polo. Punong-puno iyon ng mga nagkalat na pagkain na sinandok ko.

Nag-aalala akong lumapit sa kanya at hinugot sa bulsa ang panyo ko para punasan iyon.

"Pasensya na, Colby.. Hindi ko sinasadya." Sinsero kong sabi.

Matagal siyang natigilan at kusa akong pinahinto sa pagpunas. "It's okay, Nana. I can change."

Ngunit.. Gano'n na lang ang paninigas ng katawan ko sa aking kinatatayuan. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang katawan ko!

Naramdaman ko ang panunuyo ng lalamunan ko at matagal na napatitig sa botones ng polo ni Colby na bahagyang nakabukas..

Ilang beses akong napakurap nang mula roon ay nakita ko ang isang birthmark..

B-Birthmark sa dibdib.. na gaya ng kay.. Duziell?

"D-Duziell.." Kusa akong napataras at napatakip ng aking bibig.. Napaangat ako ng tingin kay Colby na tila naguluhan sa naging reaksyon ko.

Si Colby..

Siya si Duziell?!