Chereads / Taming The Killer's Son (Tagalog) / Chapter 10 - CHAPTER 9

Chapter 10 - CHAPTER 9

"Nana? Are you okay?" Bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Colby. Humawak siya sa aking braso at bahagyang yumuko sa akin.

Hindi ako nakatugon at naiwan lang ang paningin ko sa kanyang mukha. Matagal, sobrang tagal akong natigilan! Dumadagundong ang kaba sa dibdib ko at halos habulin ko ang sariling hininga.

Kahit anong buka ko sa bibig ko ay hindi ko magawang bumigkas ng salita. Naghalo-halo ang laman ng isipan ko!

"Nana?"

Bumalik sa alaala ko 'yung araw na huli kong mahawakan si Duziell. Iyong una naming pagkikita ni Colby.. noong sinabi niya sa'king anak siya ng katulong sa mansyon nina Ryker..

B-Bakit.. Bakit hindi ko 'yon napagtanto agad!?

"Let's go, Colby! Magpalit ka na muna ng damit!" Dinig kong sabi ni Aliyah.

Nasundan ko sila ng paningin nang hilain ni Aliyah si Colby papalayo sa akin. Tinangka kong sumunod ngunit ayaw gumalaw ng mga binti ko, ganito na lang ang pagkabigla ko!

Umingay bigla sa loob ng canteen nang mula sa pintuan ay pumasok doon si Ryker. Sari-saring pagtili mula sa mga kababaihan ang namayanig. Na para bang may isang sikat at kilalang tao ang dumating.

"He looked so hot in uniform!"

"Gan'yan ang tipo ko, bad boy!"

"He looks like an angel but with demonic behavior!"

Dahan-dahan akong napatitig sa paglalakad ni Ryker. Ang seryoso ng  mukha niya habang deretso ang paningin sa daanan. Ni hindi niya alintana ang mg babaeng halos isigaw ang pangalan niya, na para bang sanay na sanay na siya sa gano'n. Talagang sa lahat ng mga lalaking narito ay ang buhok niya ang naiiba.

At sa tingin ko.. Si Ryker ay hindi ko kapatid.

Dahil si Colby, nasa sa kanya ang palatandaan ko kay Duziell.

Mas lumakas ang ingay sa canteen nang magkabangga sina Colby at Ryker. Kitang-kita na ang mantsa sa damit ni Colby ay dumikit sa huniporme ni Ryker! 

Bumaba ang paningin ni Ryker sa huniporme niya at gano'n na lang katalik ang mga mata nang mag angat ng paningin. Ang kaninang sigawan ay napawi at lahat sila ay natahimik.

"Look what you did." Seryoso ngunit madiing sambit ni Ryker, kay Colby ang paningin.

Bahagya pang natigilan si Colby ngunit agad ding nakatugon. "I'm sorry, let me wipe it out--"

Akma na sana niyang pupunanasan ang mansta sa damit ni Ryker nang inisang tapikin nito ang kamay niya.

"Don't you dare" mariin niyang sabi. "Lay your fingers on me."

"What do you want me to do, then?" Gumalaw ang panga ni Colby. Batid kong nagtitimpi ng inis.

Nakalolokong ngumisi si Ryker. Hinubad niya ang kanyang coat at hinagis iyon sa mukha ni Colby.

"Clean it." Lalo siyang ngumisi. "Using your tounge."

"What?"

"You heard me." Gano'n kayabang ang tinig niya! "You're a servant, aren't you? Do it now, in front of us."

Namuo ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Kitang-kita ko ang pagkuyom ng kamao ni Colby na siya ring kinakuyom ko ng kamao. Nagbulong-bulungan naman ang mga estudyante na para bang inaabangan din kung gagawin ba ni Colby. Mas nadagdagan ang inis ko.

"Tumigil ka, Ryker!" Nangibabaw ang boses ni Aliyah. "Napakasama mo talaga!"

"Stop butting in." Binalingan siya ni Ryker at nginisihan. "But why don't you lick the stain on my coat instead? So that your Colby won't have to do it for me."

Rumehistro ang galit sa mukha ni Aliyah, ngunit hindi siya nakapagsalita at nakakilos. Tanging matalim lang na pagtingin ang nagawa niya kay Ryker.

"I'll wash your coat." Seryosong sabi ni Colby kay Ryker.

"No!" Tumaas ang boses niya, agad na nagsalubong ang mga kilay. "I want you to clean the stain using your tounge. Do as I say or you'll know what will happen."

Gano'n na lang din ang pagrehistro ng galit sa mukha ni Colby. Lalong binalot ng katahimikan ang buong canteen. Nasa kanila ang tensyon at wala man lang ang nagtatangkang umawat. Mas ginusto nilang panoorin silang dalawa!

"Why?" Kalmado man ay bakas ang inis sa boses ni Colby. "Why do you want me to do it?"

"Because I want to.. and it'll be fun to see." Gumalaw ang kanyang panga. "Dog."

Dog?

Hinagis ni Colby ang coat ni Ryker pabalik sa kanya. Hindi iyon sinalo ni Ryker dahilan upang mahulog lang sa sahig. "Stop being so childish, dude." Seryosong sabi niya pa. "Grow up! We're not kids anymore."

Sumama ang mukha ni Ryker. Bago pa man ang lahat ay tumama na ang kanyang kamao sa panga ni Colby! Ngunit hindi iyon naging sapat para mapatumba siya!

"Don't tell me what to do!" Malakas nitong sigaw!

Napasinghap ng hangin ang mga estudyante. Nagtuturuan kung sino ang aawat. Ngunit ang iba'y pumipigil at sinasabing hayaan silang dalawa na mag-away. Para bang gusto pa nilang makasaksi ng bugbugan. Bagaman walang mga guro ang nasa loob kaya't ganito sila kung magkagulo.

Napatingala ako sa kisame at mariing napapikit. Ang mga kuko ko ay bumabaon na sa aking mga palad dahil sa pagkakakuyom.

Kung gano'n.. isa ba itong sample sa sinasapit ni Colby sa puder ng pamilyang Campbell?

Ganito ba? Kaya ba noong una ko pa lang siyang makita ay gano'n na lang siya bugbugin ni Ryker? Naalala ko 'yong sinabi ni Aliyah, na si Colby ang punching bag ni Ryker.

At ibig sabihin.. Si Duziell ay nasa pangangalaga ngayon ng katulong sa kanilang mansyon.. at iyon ay si Colby.

"Make him stop!"

"Awatin niyo na!"

"Oh, come on! They're fighting again!"

"Awatin niyo si Ryker! Baka ano na namang magawa niya!!"

Nagpakawala ako ng marahas na hininga. Nang imulat ko ang mga mata ko ay deretso na ang paningin ko sa kinaroonan nilang dalawa. Nakita kong pilit na inaawat ng mga lalaki si Ryker, ngumit gano'n na lang ang takot nila sa kanya. Si Colby ay inilalayo naman ng iba. Na sa tingin ko ay gusto ring lumaban pabalik.

Nakagat ko ang sarili kong mga ngipin at nagsimulang humakbang hanggang sa makarating ako sa kinapupwestuhan nila.

Mabilis kong naagaw ang atensyon ng lahat lalo pa nang pumagitna ako at damoutin ang coat ni Ryker sa sahig.

"What is she doing?"

"'Yung bruhang Nana! Paalisin niyo siya diyan!"

Hindi ko sila pinansin o pinakinggan man lang sa kahit anong sigaw nila sa'kin. Humarap ako kay Ryker na ngayon ay natigilan.

Deretso ko siyang tinitigan at bahagyang inangat ang coat niya na hawak ko. Sinadya kong ipakita sa kanya iyon. Naramdaman ko rin nang magsitahimik ang lahat, nasa akin na ang mga paningin.

"Ryker," matalim man ang aking mga mata sa kanya ay tumaas ang sulok ng aking labi. "Ako na ang gagawa ng gusto mo."

Nilabas ko ang aking dila, dahan-dahan na dinilaan ang mansta ng pagkain sa kanyang coat. Dinig na dinig ko ang pagkabigla ng lahat sa ginawa ko. Lalo lamang akong napangisi at pangatlong ulit na ginawa iyon.

"Nana!" Malakas na sumigaw si Ryker, galit ang boses.

Hininto ko ang paglinis sa mantsa gamit ang aking dila sa coat niya at muling bumaling sa kanya. Nanlalaki ang tsokolate niyang mga mata, ngunit magkasalubong ang mga kilay. Ngumisi ako ng nakaloloko at hinagis iyon sa kanya na hindi na man niya sinalo.

"Ayan malinis na." Ngisi kong pang sabi. "Masaya ka na?"

Matagal siyang natigilan, hindi nabago ang reaksyon at titig na titig lamang sa akin. Kasabay naman no'n ang ingay na namayanig mula sa mga nakasaksi ng ginawa ko.

"She's crazy!"

"She's a sick peron! She's sick!"

"Nana is really something! How can she do that?!"

"May sakit siya sa pag-iisip! Una pa lang gan'yan na siya!"

Hindi ko inintindi ang pinagsasabi ng iba. Naputol lamang ang titigan namin ni Ryker nang maramdaman ko ang mahigpit na hawak ni Colby sa aking braso. Napalingon ako sa kanya at gano'n na lang kalalim ang tingin niya sa akin. Hindi ko mawari ang emosyong sinasabi ng mga mata mata niya.

"N-Nana.."

Gano'n ko na lang din siya titigan pabalik. Ngunit hindi ko iyon pinatagal, muli kong binalingan si Ryker. Inalis ko ang pagkakakapit ni Colby sa braso ko saka lumapit harapan ni Ryker. Tiningala ko siya at ilang pulagada lamang ang layo ng mukha namin sa isa't-isa. Bahagya siyang nakayuko sa akin, kumikinang ang tsokolate niyang mga mata.

"Alam mong obsessed ako sa'yo, 'di ba?" Ngisi kong inayos ang kwelyo niya. "Pero alam mo ba kung hanggang saan aabot ang pagka-obsessed ko sa'yo?" Madiin, nakakaloko kong tanong.

Mas lalo siyang natigilan at matagal na hindi nakatugon. Nang hindi na siya nakapagsalita ay saka ako lumayo sa kanya. Tinalikuran ko siya at binalingan si Colby na hindi nawawala ang paningin sa akin.

Dali-dali ko siyang nilapitan at walang sabing kinuha ang kamay niya na sandali niya pang kinagulat. Hinila ko siya palabas ng canteen. Nagpatangay lang siya sa akin hanggang sa makarating kami sa mga benches ng garden. Nahinto ako sa paglalakad at napahinto rin siya saka ko siya hinarap.

Bumungad sa akin ang kamunting bahagi ng dibdib niya kung saan ko nasisilip ang birthmark niya. Matagal akong napatitig doon. Muli na namang naggali ang emosyon ko. Gaya iyon ng naaalala ko..

"Nana? A-Are you okay?" Gulat man, ay kalmadong tanong sa akin ni Colby dahilan upang mapatingala ako sa kanya. "Why did you do that? B-Baliw ka na ba talaga? You shouldn't have!" Hindi niya tinuloy ang sasabihin.

Inis man ay lumamang ang pag-aala niya sa akin. Subalit hindi ko magawang makapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin! Pakiramdam ko'y nalulutang ako at nagiging blangko ang pag-iisip ko.

Sandaling binalot ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Batid kong naiilang na siya sa titig ko. Naputol lamang iyon nang umigay ang cellphone sa bulsa ko. Bumalik ako sa katinuan at dali-dali iyong kinuha.

Napatitig ako sa di-yupi kong cellphone saka binuksan iyon at sinagot. Lumayo ako kay Colby.

"S-Sandali lang.." paalam ko sa kanya. "Huwag kang aalis diyan."

"O-Okay.." ilang pa rin niyang tugon.

Mas lumayo pa ako sa kanya bago tuluyang sinagot ang tawag.

"Hello, Evie?" Pagsasalita ko sa cellphone.

"Hey there, Naziena! Asan ka? Hawak ko na ang DNA result! At syempre, sinilip ko na rin kung ano ang laman--"

"Hindi si Ryker ang kapatid ko," putol ko sa kanya. "Hindi ba?"

Matagal siyang nawala sa kabilang linya.  Hinintay ko pa siyang magsalita ngunit hindi siya agad nakatugon.

"Evie, I found him." Bahagya akong sumulyap kay Colby. "Si Duziell.."

"Naziena.." Bakas ang pagkabigla sa boses niya. "Alam mo ba kung ano ang result sa DNA niyo ni Ryker?"

Nagsalubong ang kilay ko. "Yes, he's not my little brother! Dahil--"

"You share the same results.." Putol niya sa akin na kinatigil ko naman. "It's positive, Naziena."

Unti-unting nanlaki ang mga mata ko. "Ano?!"

Narinig ko nang magpakawala siya ng hininga. "Go home, Naziena. I'll explain it to you. Damon Ryker is your littile brother."

Napapalunok kong nabitawan ang aking cellphone..

A-Ano.. Paano nangyari..