Chereads / Taming The Killer's Son (Tagalog) / Chapter 11 - CHAPTER 10

Chapter 11 - CHAPTER 10

"PAANO nangyari 'yon?!" Gulong-gulo kong sigaw.

Ilang beses kong nasabunutan ang aking buhok. Ang batok ko at bigla na lang sumakit. Pakiramdam ko'y tumaas ang dugo ko. Hindi ako napakali sa kaiikot sa loob ng apartment. Si Evie naman ay halos mahilo kakasunod sa akin.

"I'm trying to explain!" Gano'n na lang din ka-haggard ang itsura niya. "Nakailang ulit na ako ng paliwanag! Just listen kasi, napapagod na ako, Naz. Galing pa akong America at walang pahinga!"

Kahit anong pagpapakalma ko sa sarili ko ay hindi talaga ako mapakali! Ang hirap i-proseso sa utak ko ang nangyayari! Nakita ko na kay Colby ang birthmark! Paanong nag-positibo ang resulta ng DNA test namin ni Ryker?!

Binuksan ko ang maliit na refrigerator at kinuha ang pitsel ng tubig. Tinungga ko iyon at halos habuling ko ang hininga pagkatapos uminom. Doon ko lamang nakalma ang aking sarili.

"Okay!" Hinarap ko si Evie. "Explain mo ulit sa'kin."

Ipinatong niya sa lamesa ang envelope at mga piraso ng papel. "Check it out."

Lumapit ako roon saka dinampot ang mga papel. Nalukot agad ang mukha ko nang walang maintindihan. "Hindi ko alam kung ano ang nakasulat dito. Hindi ako marunong bumasa ng test results."

"Look here," Pabuntong-hininga niya iyong inagaw sa akin. "these papers are the record of your parents' DNA results. At ito ang sa'yo at kay Damon Ryker--"

"Wait, wait!" Pigil ko sa kanya saka siya takang tiningnan. "Mayroon kang DNA results ng mga magulang ko? But how? They are dead!"

Tumaas ang dalawa niyang kilay. "My mama got the record of your mama's DNA results dahil ginawa na nila 'yon dati before she die. Same as kay tito." Napabuntong-hininga siya. "Required ito para maging clear kung totoo bang kapatid mo ang 'anak' ng Campbell na 'yon."

Naliwanagan naman ako at napatango-tango. "So? How can you say na positive nga kaming dalawa?"

"You know? Siblings shares half of their DNA.. and they can also share any number of markers in a DNA test."

Nakamot ko ang aking noo. "So?"

"We match up your DNA sa DNA ni Damon Ryker by looking at your parents' DNA." Pagtutuloy niya. "This is what we got. Look carefully at the first marker, the CSF1PO." Pagturo niya sa bahagi ng papel. "See? Match ang results ng parents mo sa inyo ni Ryker. Tingnan mo lahat, Naz."

Pinakatitigan ko ang mga iyon. Unti-unti kong nauunawaan ang mga numerong nakalagay. Bagama't may ibang hindi malinaw, kaya para sa akin ay hindi iyon naging sapat.

"So what? Siblings DNA test can be unclear and very tricky! I just found out!" Mariin akong napapikit.

"Yes that's true! But look at the results again, Naz! Sa parents mo at kay Damon Ryker! The probability of paternity is 99.9996 percent!" Saad niya na para talagang pinapatunayan iyon. "Hindi pa ba 'yon sapat para masabi mong hindi siya anak ng parents mo at hindi mo siya kapatid?"

"But--"

"Only if you're there para maipaliwanag sa'yo ng mga doktor or whatsoever na tawag sa kanila ang resulta na 'yan." Bakas ang pagod sa boses niya.

Nagpakawala ako ng hininga. Naupo ako sa kalapit na upuan na para bang nanghihina. Taka naman akong tinitigan ni Evie.

"Ano bang nangyayari sa'yo? Aren't you happy or something kasi nahanap mo na ang kapatid mo?" Naguguluhan niyang tanong.

Napatitig ako sa kawalan. Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang tungkol sa nakita ko kay Colby. Marahil ay naguguluhan din siya sa naging reaksyon ko. Sadya talagang hindi ako makapaniwala. Naguguluhan na ako!

"Is there something bothering you? Aren't you convinced sa naging result? Should I go to America again or sa ibang countries para ulitin 'yan--"

"Evie." Pigil ko sa kanya, pinakatitigan ko siya ng malalim. "It's enough. I'm just confused.. and shocked.."

"How come? Hindi mo ba expected na kapatid mo siya? Eh kaya ka nga nag pa-DNA 'di ba? Kasi you know that perhaps he's your long lost little brother." Napabuntong hininga siya. "I just don't get it, Naz. Tell me what's wrong."

Tumayo ako at tipid na ngumiti. Nadala ako ng pagod niyang itsura. "Nothing, Evie. I just need to process everything kasi nabigla lang ako. I mean after so many years na paghahanap, ngayon ay bigla-bigla ko na lang mahahanap si Duziell."

Kinuha ko ang mga papel sa kanya at ipinatong iyon sa lamesa. Pagod na si Evie, kailangan niya nang pahinga.

"You need to rest na, Ev. I can see your eyes falling." Sinsero akong ngumiti. "Thank you for the little sacrifice. Ako na'ng bahala rito. Sa ngayon ay umuwi ka na muna para magpahinga."

Lumiwanang ang mukha niya. "Oh, thanked goodness!"

Napatawa ako at tinapik siya sa braso. "Go home na."

"I will, but if you needed me AGAIN, as usual. Just call me, okay?" Sinsero niyang sabi. "I got you, Naz. Always here for you."

"Thanks, Ev." Sandali ko siyang niyakap. "You're the best cousin ever."

"I know." Tumawa siya na kinatawa ko rin.

NANG makaaalis siya ay bumalika ko sa pagseseryoso. Inintindi ko nang maigi ang resulta at gaya ng paliwanag ni Evie, gano'ng-ganon nga 'yon!

Halos maubos ko ang tubig sa pitsel sa kakaisip. Paano nangyari? Nakita ko ang birthmark ni Duziell kay Colby. Pero nag positibo ang DNA namin ni Ryker. Ano 'yon? Nahati sa dalawa ang kapatid ko? Ano namang kalokohan ang ginawa nang Campbell na 'yon?!

Pero paano kung.. Ginugulo lang niya ang isip ko? Maaaring si Colby talaga o si Ryker ang kapatid ko. Pero maaari ding wala sa kanilang dalawa.

Bagama't may resulta na si Ryker, kinakailangan ko rin ng sample ng kay Colby. At ako na ang kikilos ngayon. Kailangan ko ng mas mabigat pang proseso at resulta!

Hmm.. Kung anumang laro ang hinanda ng Flencher Campbell na iyon.. Handa rin akong makipaglaro.

-

KINABUKASAN. Binago ko ang aking itsura gaya ng nakagawian. Sinuklay ko ang aking kulot na buhok hanggang sa bumuhaghag iyon ng todo. Gano'n ko na lang babuyin ang koloreto sa mukha ko para lang matakpan ang pagiging makinis at maputi ng mukha ko. Ang pormado at manipis kong kilay ay gano'n ko na lang kung kapalan. Para akong nagkaroon ng ibang bersyon ng mukha, bagama't mababakas pa rin naman ang totoo kong itsura.

Nagmumukha pa ring natural ang nilagay kong kolorete.. Nagmukha akong natural na pangit. Hindi naman masama sa mga mata ko, sa katunayan ay na-eenjoy ko. May mga mata lang talaga na mapanghusga sa itsura ng iba. At marami niyon sa akademya.

Tumuloy ako sa paaralan at gaya ng inaasahan ay gano'n na lang nila ako kung pagtinginan at pagbulungan. Nagtungo ako sa classroom na kinabibilangan ko. Halos lahat ay naroon na, maliban sa guro.

Naroon na rin si Colby at Aliyah. Nang balingan ko naman ang pwesto ni Ryker ay blangko iyon, wala pa siya. Naupo na ako sa aking pwesto hanggang sa mapansin ako ng lahat.

"Oh, look who's here?" si Sally ang siyang lumapit sa gawi ko. "Nana. Ako lang ba o talagang sa bawat araw na lumilipas, mas lalo kang pumapangit?"

Malaki akong ngumiti sa kanya. "Ikaw lang." tugon ko.

"Excuse me?" pagtataray niya pa.

"Daan na." nginuso ko ang maliit na espasyo ng daanan.

"Not that! Ugh, kairita!" tinarayan niya ako saka agad na inalisan. Bumulong siya sa mga kasama.

"Masarap ba, Nana?" Si Nick naman ang siyang sumigaw mula sa row ng upuan niya, nakatanaw sa akin. "Masarap ba ang coat ni Ryker? Hahahahaha!" nagtawanan pa sila ng mga kagrupo niya.

Hindi pa rin nawawala ang malaki kong ngiti, sunod-sunod akong tumango. "Oo naman! Mas masarap pa 'yon sa'yo."

Nawala ang tawa niya at ngumisi na lamang. "Talaga lang ah? Anong lasa?"

"Lasang matamis na Ryker, hindi lasang maasim na Nick." ngisi ko pabalik, nang-iinsulto sa kanya.

Tuluyang nawala ang ngisi niya, samantalang nagtatawanan pa rin ang mga ka-grupo niya. Nag-iba na ako ng tingin nang hindi na siya nang-asar pa.

Tumama naman ang mga mata ko kay Colby nang seryoso siyang lumingon sa akin mula sa kinauupuan niya. Bumakas sa alaala ko ang birthmark niya sa dibdib!

"GOOD news, guysss!" biglang sumigaw ang naming kaklase, sa kanya nabaling ang atensyon namin. "Walang klase hanggang third period! May emergency meeting ang mga teachers!! Whoooo hooo! Celebrate!"

"Yesss!! Walang klase!!"

"Naku naman! Sana hindi na lang ako pumasok!"

"Laro tayo sa labas!"

"Tara sa canteen!!"

Kanya-kanyang reaksyon mula sa kanila ang nangibabaw. Ang iba ay lumabas agad ng classroom. Naiwan naman ang paningin ko kay Colby na niyayaya ngayon ni Aliyah na lumabas.

Bago pa man 'yon mangyari ay tumayo na ako para lapitan si Colby. Kinakailangan ko rin ng buhok niya!

"Colby!" kinalabit ko siya mula sa likuran.

Bahagya ko pang naramdaman ang pagkatigil niya bago niya ako lingunin. Si Aliyah naman ay agad na napabusangot.

"Nana?" taka niya pa. "Bakit?"

Ngumuso ako. "Ang dami mo pa lang puting buhok, noh?"

"Ha?" namula ang ilong niya!

Napatawa ako at ginulo ang buhok niya. "Steady ka lang, bubunot ako. Hahahahaha!"

"W-Wait what?"

"Hey!" asik pa ni Aliyah.

Hindi ko na pinalampas pa ang pagkatataon at eksperto akong sunod-sunod na bumunot ng buhok sa kanyang ulo.

"Ouch, ouch, ouch!!" nakailang daing si Colby ngunit hindi ako nagpaawat. Ang nabunot ko ay agad kong iniipit sa panyo kong puti.

"Nana! Stop, you crazy--"

"Tapos na!" malaking ngiti kong putol sa kanya.

Napahawak siya sa kanyang buhok at gulat na napatingala sa akin. "Are you really crazy?"

Pinisil ko ang pisngi niya. "Balang araw." malalaman mo rin.. kung ikaw nga si Duziell.

Lalong bumakas ang pagtataka niya. Tinalikuran ko naman siya at agad na pinasok sa bag ang panyo. Pero hindi pa roon natatapos ang lahat. Kailangan ko ulit ng kay Ryker.

Nasaan na ba ang isang 'yon?

Sinuyod ko ang building para hanapin siya. Natagalan ako sa paghahanap, pero sa tulong ng mga babaeng nag-uusap sa daan ay nalaman ko kung nasaan siya ngayon.

Nasa clinic!

Dali-dali akong nagtungo sa malaking clinic. Malaya akong nakapasok doon, maging ang nurse ay wala. Napakatahimik sa loob at napakalamig kumpara sa classroom namin. Dahan-dahan akong naglakad sa loob at tiningnan isa-isa ang mga kama na naroon.

Napatigil ako sa paglalakad at matagal na napatitig sa dulong kama. Naroon nakahiga si Ryker, na para bang natutulog. Nakagat ko ang ibabang labi at nagtungo sa kanya.

Matagal akong napatitig sa mga mata niyabg nakapikit. Doon ko lang natitigan ang matangos niyang ilong at magandang hubog ng labi. Hindi iyon gaya ng akin, sa totoo lang ay sobrang layo ng mukha namin sa isa't isa. Masasabi kong.. halos perpekto na ang sa kanya. Ugali lang talaga ang may deperensya.

Naupo ako sa katapat nitong upuan. Maingat kong inangat ang aking kamay para sana hawakan ang buhok niya. Subalit doon ko lang napansin na pinagpapawisan ang noo niya kahit na malamig naman dito sa loob!

"H-Hmm.." napalunok ako sa daing niya!

Napanood ko ang paggalaw at pagkibot ng kanyang mga labi, mas lalo siyang pinagpapawisan!

Ano 'to? May sakit ba 'to? Akala ko ay simpleng natutulog lang!

Nakagat ko ang ibabang labi at hindi malaman kung anong gagawin! Kaya naman napagdesisyunan kong bumunot na lang ng buhok niya, tapos saka ako aalis! Tama!

Tinangka kong bumunot ng hibla ng buhok niya, pero 'di gaya ng kay Colby, sa kanya ay talagang madulas! Nahirapan ako at maging ako ay pinagpawisan!

"N-No.." nagsalita siya! "P-Please.."

Nanlaki ang mga mata ko at kusang natigilan. Matagal akong napatitig sa mukha niya. Para bang gano'n na lang ang panginginig niya!

"D-Dad.."

Sunod-sunod akong napalunok. Dad? Si Flencher?

Anong nangyayari sa'yo, Ryker?

Hindi maalis ang paningin ko sa kanya, unti-unti nang namumutla ang labi niya. May kung anong kaba akong naramdaman. Awtomatiko kong hinawakan ang buhok niya para haplusin nang paulit-ulit..

"Ryker," mahina kong pagtawag sa kanya. Marahan at mabagal kong hinaplos ang madulas at malambot niyang buhok.

Nakita ko nang kumalma siya mula sa panginginig. Bumagal ang paghinga niya kumpara kanina. Kumuha ako ng tela sa kalapit na hunos para punasan ang pawis sa kanyang noo. Hindi ko alam, bakit ko ba ginagawa 'to? Kailangan ko lang ng buhok! Hayst!

"N-Nana?" nagmulat ang mga mata niya!

Bigla akong natigilan! Dumagundong bigla ang kaba sa dibdib ko! Nagtama ang mga mata namin. Ngunit hindi gaya ng madalas kong makita sa kanya, hindi matalim ang pagtitig niya sa akin.

Napalunok ako at kusang inalis ang kamay ko sa buhok niya na agad naman niyang sinalo at binalik iyon!

"S-Stay.." ang mga mata niya ay nanunubig! "Please k-keep doing it.."

Ilang beses akong napakurap, kusa kong natuloy ang paghaplos sa buhok niya!

Muling pumikit ang mga mata niya. Ngunit hindi ko inaasahang hahawakan niya ang isa kong kamay na may hawak na tela at ilagay iyon sa dibdib niya! Para ko na ring naramdaman ang bilis ng pagtibok ng puso niya!

Sa ganoong paraan ay nakita kong payapa siyang natulog. Ganito ba siya 'pag may sakit?

Sa hindi malamang dahilan ay bumalik sa alaala ko ang sinabi sa akin ni Colby tungkol sa kanya.

'Because he have no mother. No one cares for him, even his father.'

'His father give him everything he wants. But.. He can't give him what he needs.'

Kung gano'n ba.. Anong buhay ang mayroon siya?