Chapter 6 - CHAPTER 5

"THREE to four weeks?!" Gulantang kong sigaw at hindi makapaniwalang tumitig kay Evie.

Tumango-tango siya at pinalibot ang paningin sa kabuuan ng aking apartment. "Are you sure na makakatulog ka rito sa ganitong apartment, Naziena? Mabaho at madungis! Maarte ka pa naman."

Mariin akong napapikit. "Magpaliwanag ka muna sa'kin, Evie. Anong three to four weeks bago ko malaman ang resulta ng DNA test?" Mahinahon kong tanong.

Pinagpagan niya ang tabi ng kama ko bago roon maupo na para bang gano'n na lang 'yon kadumi. Napaikot ako ng mga mata, siya nga itong maarte. Pinalibot niya pa rin ang mata sa buong silid nang may pagkadismaya.

"Kung ako sa'yo, kumuha ka na lang ng condo unit. Marami ka namang pera." Suhestiyon niya pa.

"Ev, please, focus!"

"Parang inaanay na itong apartment mo na 'to. Nakakadiri!"

Talagang hindi niya pinagtutuunan ng pansin ang usapan namin! Sa inis ay padabog akong tumayo upang kunin ang aking baril sa drawer. Itinutok ko iyon sa kanya na kinabigla naman niya.

"Okay! Okay! Mag fofocus na 'ko!" Nginusuan niya ako. "Syempre, Naz, talagang matagal ang pagpapa DNA test. Hindi naman agad-agaran mong malalaman ang resulta. You have to wait, noh!"

Nanlulumo kong binaba ang baril at bumalik sa pagkakaupo sa kama. "Ang tagal naman."

"Gano'n talaga! Be patient. Kung desperada ka nang malaman na kapatid mo ba talaga ang anak ng Campell na 'yon, magtiyaga ka sa paghihintay. Hindi naman matagal ang tatlong linggo. Mabilis lang ang panahon, magugulat ka na lang isang araw dumating na ang araw na 'yon."

Nahilot ko ang aking sintido. "That didn't help. Para sa'kin matagal 'yon."

Tumawa siya at tinapik-tapik ang likod ko. "Well, wala kang magagawa."

Binalingan ko siya. "Make it one week, Ev."

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. "Ako ba ang doktor? Pano ko gagawing one week?"

Desperada ko siyang tinitignan. "Do it, Evie! Hindi ako makakapaghintay ng gano'n katagal! Gusto ko nang malaman kung kapatid ko ba ang Ryker na 'yon para makuha ko na siya! Pero kung hindi ko siya kapatid.." naningkit ang mga mata ko.

Magbabayad siya sa kasalan ng ama niya!

Narinig ko ang malakas na buntong hininga ni Evie. Napatulala naman ako sa kawalan.

Ang Ryker na 'yon, masyadong pilingero! Naku, sa totoo lang ay hindi ko na gugustuhing dumating ang oras na makita ang positive sa DNA test. Paniguradong mahihirapan ako sa gano'ng ugali niya 'pag nagkataong siya si Duziell. Paano ba kasi siya pinalaki ng Flencher na 'yon?

"I'll go now." Naagaw ang atensyon ko nang maglakad si Evie.

"Pero 'yung result, Ev! I need it asap--"

"Yes, I know, Naz! Akong bahala. Pupunta ako ng America kung kinakailangan mo ng mas mabilis na resulta." Nakangiwi niyang saad.

Nabuhay ang loob ko at hinabol siya upang yakapin! "Aw! Best cousin ever!"

Narinig ko ang pagtawa niya. "But you owe me, baby girl."

Napangiti ako ng malaki. "I'll give you whatever you want!"

"I want a luxury car." Bumakas sa boses niya ang excitement.

Nawala naman ang ngiti ko at kumalas sa yakap. "No."

"But sabi mo whatever I want! Ang daya!"

Napailing ako at tinulak siya. "No way, sisirain mo lang 'yon, Ev. Kung magmaneho ka ng sasakyan, para kang magpapakamatay."

Inirapan niya ako at napanguso. "I want a box of jewelleries na lang."

Napaasik ako. "Whatever! Umalis ka na."

"Sure! I don't want to stay here naman, ang baho kaya rito! Pwe! I can't believe you can stay here all ni---"

"Goodbye!"

Pinagsaraduhan ko siya ng pinto at napailing. Maarte si Evie, ayaw niya sa ganitong lugar. Pero ako ay sanay na. Noong bata nga ako ay sa kalsada ako natutulog. Kamuntikan pa akong tumira sa lansangan dahil hindi ko na alam kung saang lugar ang pwede kong puntahan. I was 6 years old back then. Walang kamuwang-muwang, panay lang ako tawag kay mama.. na alam ko namang.. patay na.

Pabagsak akong nahiga sa kama at nagsimula na namang maramdaman ang kawalan. Ano kaya ang pakiramdam.. na may pamilya ka?

"Hmm.. Duziell.. ikaw na lang ang pag asa ko."

Miss ka na ni ate Nana..

Napapikit ako at inalala ang huling sandali siyang nakasama. Para bang bangungot ang pagkuha ng lalaking iyon sa kanya. Hinding-hindi ko malilimutan ang trauma..

-

NALIGO ako kinabukasan ng maaga. Lutang ako habang nag aayos ng aking sarili, halos hindi ko na alam ang mga pinaggagawa ko. Para bang ang bigat sa pakiramdam na pumasok ngayong araw.

Makikita ko na naman ang Ryker na 'yon, na pinagkakamalan akong obsessed sa kanya. Shoot! Hindi ko na talaga alam pa kung anong gagawin ko kapag siya ang kapatid ko!

Hindi ko namalayang nagayak ko na ang aking sarili sa loob lamang ng isang oras.

Nakasuot ako ng P.E. uniform dahil tuwing araw ng Miyerkules ang schedule ng gym class namin. Tipo ko ang kulay nito, gray na may halong itim.

Lumabas ako ng apartment at naglakad papuntang sakayan ng jeep. Habang nakasakay ako roon ay pinakiramdaman ko ang aking sarili.

Parang ang gaan? Bakit gumaan ang pakiramdam ko bigla?

Niningkit ang mga mata ko nang makita ang isang mamong sa jeep na nakatitig sa akin kanina pa. Hindi ko na lang siya pinansin hanggang sa marating ko na ang Campbell Academy. Kumpara sa mansyon ko, napakalapit lang ng apartment ko papunta sa school na 'to.

"Good morning, manong guard!" Malaking ngiti kong bati.

Ngumiti siya pabalik. "Nays! Ganyan dapat, hindi late!"

"Opo! HAHA!"

Tuloy-tuloy akong pumasok hanggang sa path way. Ngunit pakiramdam ko pa rin talaga ay parang magaan? Hindi ako mapakali, ang gaan talaga eh! Para nang may mali sa magaan kong pakiramdam?

Nahinto ako sa paglalakad, may naiwan ba ako sa apartment? Ano naman 'yon?

Bakit kasi lutang ako habang kumikilos kanina? Pakiramdam ko may naiwan ako pero hindi ko alam kung ano!

"The crazy girl is here!"

"Look at her! She look like stupid standing there!"

"Pfft! Hahahahaha! She's an idiot!"

"Oh my god! Look at her--" hindi ko narinig ang kasunod niyon nang bumulong na lamang ang isang babae sa kanyang mga kasama at sabay-sabay silang nagtawanan.

Napailing na lang ako at tumuloy sa paglalakad. Subalit nakakapagtaka na sa tuwing may mapapatingin sa akin na mga estudyante ay nagtatawanan sila.

Dahil pa rin ba 'to sa aking itsura?

Pero may mali talaga eh!

Isinantabi ko na lang 'yon hanggang sa mapadaan ako sa locker area. Gano'n na lang ang pag andar ng kuryosidad ko nang marinig na sumisigaw si Aliyah.

"Can't you stop?! Napakasama mo Ryker! Leave Colby alone! You're being too much?!!"

"I see.." boses ni Ryker! "Do you want to be my punching bag instead?"

Nagsalubong ang kilay ko at deretsong tinahak ang lugar. Sa malayo pa lang ay nakikita ko na si Colby na namimilipit sa sakit sa semento! Habang si Aliyah ay nanginginig na nakatayo sa harapan ni Ryker. Na ngayon naman ay kuyom na kuyom ang mga kamao, bakas ang galit.

"K-Kailan ka ba titigil? Hanggang sa makapatay ka na?! Hanggang sa mapatay mo na si Colby o sinumang matripan mo?!" Muling sigaw ni Aliyah sa kanya, naroon pa rin ang panginginig.

"Why do you care so much? Get lost." Malamig ngunit may diing tugon ni Ryker.

"Colby is my best friend! And you're hurting him NONSTOP! I can't stand it anymore! Kung hindi ka titino sa mga teachers dito dahil anak ka ng may ari ng school, ipapakulong na lang kita!"

Matunog na ngumisi si Ryker. "Try it then." Tinuro niya si Colby. "He'll end up living on a street. His mother is one of my maids, if I'm gone.. they will lost their job."

"Aliyah, s-stop." Pilit na tumayo si Colby para hatakin si Aliyah.

"N-No! How can you let him hurt you!" Bumuhos ang luha niya, patuloy sa panginginig.

Napangiwi naman ako. Umagang-umaga, hilig sa away. Ano bang nangyayari sa pagitan ng mga 'to? Pati rin sa una kong pagpasok ay silang dalawa na ang agaw eksena.

Nawala lamang ang paningin ko sa kanila nang harangan ako ng mga lalaki kong kaklase. Sila ang malakas mang asar kahapon!

"Hi, Nana!" magiliw pero halatang nang aasar na bati sa akin ng isa. "Nick nga pala."

Nginiwian ko siya. "Nick? 'Yung assumero na nagsabing inaakit kita?"

Ngumisi siya. "Hindi ba?"

"Pektusan kaya kita?"

"Go on." Nilapit niya ang ulo sa akin na para bang gustong-gusto rin.

Lalo akong napangiwi. "Ayaw kong hawakan ulo mo, madumihan pa kamay ko."

Tumawa siya, nag eenjoy pa! "You're kind of interesting, Nana."

Tuluyan nang nalukot ang mukha ko. Nilalandi niya ba 'ko? 'Yung mga kasama niya ay nagtatawanan lang sa likuran niya. Ibig sabihin ay pinag titripan ako ng mga loko. Tsk, mga lalaki nga naman.

Lumapit pa sa akin ang Nick na 'yon. Medyo nakakailang dahil nasa dibdib ko ang paningin niya. Anong tinitingin-tingin niya ro'n?

"Manyak ka ba?" Iritado kong tanong.

Ngumisi siya ng nakakaloko. "How about you? Nag papa-manyak ka ba?"

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Anong sabi mo?"

Bumaba ang paningin niya sa dibdib ko. "Kasi 'yon ang nakikita ko e.."

Naikuyom ko ang kamao, handa ko na sanang sapulin siya ng matigas kong kamao nang may humatak sa kanya palayo sa akin at nabigla ako nang bumagsak na siya sa semento! Hindi lang 'yon dahil tumama ang ulo niya sa kalapit na locker!

Shoot, masakit 'yon!

Gulat akong nag angat ng tingin. Sunod-sunod akong napalunok nang makita si Ryker na matalim ang paningin sa ibang mga lalaki.

"Want to fight?" Madiin niyang tanong sa kanila.

Nawala ang kaninang ngisi ng mga lalaki at awtomatikong nagsipag atrasan. Binuhat nila si Nick at walang salita na umalis. Parang mga aso na nakabahag ang mga buntot!

Nanginig ako nang balingan ako ng matalim na tingin ni Ryker. B-Bakit nakikita ko sa mga mata niya ang mga mata ni Flencher Campbell..

Kahit ilang taon na ang nakalipas.. Ang mukha ng lalaking 'yon ay hindi ko malilimutan lalo pa noong patayin niya ang mama ko.

Ang mga mata ngayon ni Ryker, kuhang-kuha sa kanyang ama..

Napaatras ako nang lumapit siya sa gawi ko. Parang kahit anong oras ay magagawa kong tumakbo sa hindi malamang dahilan. Pero hindi na ako nakagalaw pa sa pwesto nang hubarin niya ang suot niyang leather jacket.

Natigilan ako nang ipatong niya 'yon sa magkabilang balikat ko.

"Don't you have bra? I can see your hard nipples."

Nanlaki ang mga mata ko. "H-Ha?"

Nag iwas siya ng paningin. "You're not wearing any bra, Nana."

Napaawang ang labi ko at gulat na gulat na nagbaba ng paningin sa dibdib ko!!

Shooooot! Kaya pala ang gaan!! Waaaah!! Kahihiyan!

"Waaah! Huhu, sabi na parang may kulang eh! Kaya pala feeling ko malaya ako!" W-Wala akong suot na bra!

Sa dinami-rami ng pwede kong malimutan sa apartment, heto pa!

Kaya ba sabi ng Nick na 'yon na nagpapa-manyak ako? Kaya ba nagtatawanan ang mga babae kanina? Kaya ba gano'n na lang ako titigan ng manong sa jeep kanina?!

Napatakip ako ng mukha. "Shoot!"

Naka P.E. uniform pa naman ako, kaya ganito kahalata.

"Tsk, stupid witch." Nag angat ako ng paningin kay Ryker.

"P-Pahiram muna ng jacket mo ah?" Umaasa kong tanong.

Hindi siya tumingin sa akin, dali-dali kong sinuot ang jacket at sinarado iyon. Napakaluwag sa akin, sobrang laki!

"Give it back to me after class." Sabi niya at bigla akong tinalikuran. Maangas siyang naglakad palayo.

Napangiti naman ako at humabol ng sigaw. "Salamat! Ryker!"

Nagpakawala ako ng malakas na hininga at tumuloy sa paglalakad hanggang sa marating ko na ang classroom.