"Prepare yourselves! We're going to the field!"
Nang ianunsyo iyon ng gym teacher ay dali-daling kaming kumilos. Bakas ang excitement sa kanilang mga itsura. Siguro dahil maglalaro kami sa labas at walang discussion.
Ako naman ay hindi mapakali, dahil tirik ang araw at makapal ang jacket na suot ko. Pinagpapawisan agad ako, paano na lang kaya kapag naglaro pa ako?
"This is part of your performance," saad ng gurong lalaki nang marating namin ang field. "Before we get to play dogeball, perform the stretching exercise first."
Nagsimulang mag bilang ng sabay-sabay ang aking mga kaklase at inunat ang mga katawan sa iba't ibang posisyon. Nakisabay na lang din ako hanggang sa matapos iyon.
Nagkaroon ng dalawang groupings bago masimulan ang laro. Batuhang bola ang ilalaro namin, nakakapagod ito! Pinagpapawisan na talaga ang katawan ko.
"Oh my gosh! What are you wearing, Nana?" Lumapit sa akin si Sally at gulat na nagtanong, kasama ang tatlo niyang kaibigan.
"Is that Ryker's leather jacket?!" Gulantang tanong ng isa.
"I think it is!"
"Did you stole it from him?" Gulat pa ring tanong ni Sally sa'kin.
Umiling naman ako. "Hindi, pinaheram niya 'to sa'kin."
"No way!" Nanlaki ang mga mata niya. "You're lying!"
Nginisihan ko siya. "Bakit? Inggit ka?"
Sumama ang mukha niya, gano'n din ang mga kaibigan niya. "Bakit ako maiinggit? Eh ninakaw mo lang naman 'yan sa kanya! Ibalik mo na 'yan o isusumbong kita!"
Napatawa ako. "Pinaheram nga niya sa'kin 'to.. Kapag inggit, pikit! Hahahaha!"
Nilagpasan ko sila ng lakad at nagtungo sa grupo ko. Hindi na ako nagtaka nang magsimula ang laro at ako ang puntirya nila Sally. Pilit nila akong binabato ng bola, todo naman ang pag iwas ko. Tiwanan ko pa sila nang makasalo ako ng bola.. Dalawa na buhay ko! Haha!
"Sapulin niyo si Nana! Unahin niyo 'yan!" Sigaw pa ni Sally.
Tawang-tawa ako sa pag iwas at pagtakbo kahit na tagaktak na ang pawis ko. Hindi pa rin nila ako matamaan!
"Yeeees! Apat na buhay ko! Whooo hoooo!" Tuwang-tuwa kong sigaw nang makasalo muli ng bola. Sila naman ay mukhang stress na.
"Ang tatanga niyo! Ipalobo niyo muna!"
"Ipagulong lang!"
"Tamaan niyo muna 'yung iba! Lugi na tayo!"
Tinamaan muna nila ang iba sa mga grupo ko. Napangiti naman ako ng pumasok si Colby, kasali siya sa grupo ko. Halos kaming tatlo na lang ang nasa gitna kasama si Aliyah. Ngunit maya-maya lang ay nasapul na si Aliyah.
"Itira niyo si Nana!" Kaya naman si Colby ang pinupuntirya nila.
Bilib din ako sa kanya dahil tulad ko, magaling siyang umiwas sa bola.
"Magpatalo naman kayo!" Inip na sigaw ni Nick, pagod na sa kakabato.
Inasar ko pa siya imbes na magpatalo, ang manyak na 'to!
Nagulat ako nang tamaan nila si Colby at sapul sa mukha! Tuwang-tuwa pa ang mga loko. Agad naman akong lumapit sa kanya.
"Oy? Ayos ka lang." Sinilip ko ang mukha niya.
Nakasimangot siya nang balingan ako. "Buhayin mo 'ko."
Buhayin? Ah! "Binubuhay ko na si Colby! Hahaha! Tatlo na lang buhay ko!" Natatawang anunsyo ko.
Nawala ang pagkatuwa nila, inis na inis sa aming dalawa. Palakas nang palakas ang bato nila sa bola! Paniguradong masakit 'yon kapag tumama sa akin. Nahihirapan na rin ako sa pagsalo dahil matulin ang paglipad ng bola.
Subalit sa huli, natapos na lang ang oras na hindi man lang sila nanalo. Nalugi sila dahil sa amin ni Colby. Gano'n na lang ang galit nila at pagkapikon nang pabalikin kami ng gym teacher sa classroom.
Hindi ko alintana ang pawis na gumagapang sa buo kong katawan dahil nag enjoy ako sa laro. Ang sarap sa pakiramdam na nanalo ka na, napikon pa sila. Hahahaha!
"S-Sandali lang!" May humabol sa akin.
May ngiti akong nilingon 'yon. "Oh, Colby? Bakit?"
Lumapit siya sa akin pero hindi ako matingnan ng maayos. "Let's have some lunch."
Bahagya akong natigilan. "Lunch na pala?"
Tumango siya, nagtama naman ang mga mata namin nang tumingin na siya sa akin ng deretso.
"Let's go?" Umaasa niyang tanong.
Napatawa naman ako. "Oo ba! Pero wait lang ah? Tali ko lang buhok ko, ang init eh."
Napatawa rin siya sandali at tumango. "I'll wait outside."
Nagtungo ako sa upuan ko para kunin sa bag ang pantali sa buhok saka ko iyon initali. Mas presko sa katawan, hinubad ko na rin ang jacket at pinulupot iyon sa aking baywang. Ang panyo na makapal sa aking bag ay kinuha ko para ipasok sa aking dibdib. Hindi na halata ang bakat, hihi! Mas komportable ang naging pakiramdam ko. Lumabas ako ng classroom at nadatnang naghihintay si Colby.
"Tara na!" Tinapik ko ang braso niya.
Napatingin siya sa akin at sandaling natigilan. Nanlaki pa ng bahagya ang mga mata niya. "Y-You.."
Nagtataka naman akong tumawa. "Hehe.. Bakit?"
Napaiwas siya ng tingin at napalunok. "Nothing." Nagsimula na siyang maglakad at sumunod naman ako.
Tahimik kami hanggang sa makababa kami ng 4th floor. Binasag ko naman ang katahimikan. "Amm, nasan si Aliyah? Hindi ba siya sasabay sa'tin?"
Bumaling siya sa akin at umiling. "Just the two of us."
"Ahh.." Napanguso ako. "Bakit mo nga pala ako niyayang mag lunch? 'Di 'bat naiirita ka sa'kin?"
Nangunot ang noo niya. "Am I?"
Napatawa ako. "Hindi ba? Hahaha! Salamat nga pala sa carbonara kahapon!"
Sandali siyang tumahimik, patuloy pa rin kami sa paglalakad. "M-Mas maganda.."
"Hmm? Ano 'yon?" Hindi ko marinig ang sinasabi niya.
Huminto siya sa paglalakad na kinahinto ko rin. Humarap siya sa akin at tipid na ngumiti. "Mas maganda kung nakatali ang buhok mo."
Sandali akong nawalan ng imik at unti-unting napangiti ng malaki. Hinampas ko siya sa braso. "Hahahahaha! Ang honest mo pala!"
Napaasik siya. "'Just don't laugh like that. Para kang bruha kung tumawa."
Pinigilan ko ang aking tawa at tumango-tango. "Okay! HAHA!"
Nagtuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating ang canteen. Sabay na kaming pumila para kumuha ng pagkain at naupo sa dulong mesa. Tahimik lamang kaming kumakain at pinakikinggan lang ang ingay ng mga estudyante. Nang hindi ko makayanang hindi magsalita ay binasag ko na ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Ano nga pala kayo ni Aliyah?" Kuryoso kong tanong.
Nag angat siya ng paningin sa akin. "Best friends. Since grade one."
Namilog ang labi ko. "Oooh, alam mo? Bagay kayo."
Umiling siya. "I like her as a friend. We're really just friends."
Napatango-tango naman ako. Kaya siguro noong nakita ko sila kaninang umaga ay gano'n na lang niya ipagtanggol si Colby.
"Bakit kasi hindi ka lumalaban kay Ryker?" Ngunot kong tanong. "Nakita ko kayo kaninang umaga sa locker area."
Deretso siyang napatitig sa akin at tipid na ngumiti. "I am not allowed to touch him."
"Hmm? Bakit?"
"You see.." Naiilang siyang nag iwas ng paningin. "My mother is one of their maids. Nakatira lang kami sa mansyon nila."
Bahagya akong natigilan. "G-Gano'n ba?" Napabuntong hininga ako. "Ayos lang 'yan. Mga magulang ko nga walang trabaho eh."
Tinuloy ko ang pag nguya sa pagkain. Matamis akong ngumiti nang magtama ang mga mata namin.
"Walang trabaho mga magulang mo?" Ngunot niyang tanong.
Tumango-tango ako at uminom ng tubig. Oo, patay na sila eh..
"Pero ayos lang 'yon, importante buhay ako ngayon." Nilihis ko ang usapan. "Nga pala, bakit mukhang malaki galit sa'yo ni Ryker?"
Nagkibit-balikat naman siya. "I don't know, maybe he's jealous of me."
"Ha? Nagseselos siya sa'yo?"
Ngumiwi ang labi niya. "Because he have no mother. No one cares for him, even his father."
Napataas ang dalawa kong kilay. Mukhang marami akong mahahakot na impormasyon kay Colby ah.
"Anong ibig mong sabihin?" Kuryoso kong tanong.
Nag isip siya at bumuntong hininga. "Simula pagkabata, mag isa na siya. We're actually good friends when we're little. Then one day, he admire me for having a caring mother. He started to feel jealous, since then.. Noong lumaki na kami, galit na siya sa'kin."
Naningkit ang mga mata ko. "Ang babaw naman no'n."
Napatawa siya. "'Yon ang sa tingin ko kung bakit siya galit sa'kin. Wala naman kasi akong kasalanan sa kanya."
Napatango-tango ako. "Pero.. Hindi ba't may ama naman siya? Hindi ba 'yon ang nag aalaga sa kanya?"
Nagkibit-balikat siya ulit. "His father give him everything he wants. But.. He can't give him what he needs."
Napatango ako at hindi na umimik pa. Kaya siguro gano'n ang ugali ng isang 'yon.
-
NANG matapos kaming kumain ay naglakad na kami pabalik ng classroom. Subalit bago pa man kami makapasok sa loob ay hindi ko inaasahang haharang sa amin si Ryker.
Nakatingin na agad siya sa akin bago pa man ako mag angat ng paningin sa kanya. Binalingan niya pa si Colby sa likuran ko saka muling bumaling sa akin.
"Give me back my jacket." Blangkong emosyon niyang sabi.
Ngumiti ako ng malaki. "H-Hindi ko pa tapos gamitin, hehe.."
"You're not using it anyway." Sinamaan niya ako ng tingin.
Ngumuso naman ako. Gagamitin ko pa naman ito. Nainitan lang ako kaya't panyo ang pinalit ko.
"Um, excuse me." Akmang papasok si Colby sa loob nang itulak lang siya ni Ryker, dahilan upang tumama siya sa akin at sabay kaming mapaatras.
"Sorry!" Agad na umalalay sa'kin si Colby.
"Ayos lang." Ngumiti ako at bumaling kay Ryker na nakasalubong ang mga kilay sa amin. "Ba't ayaw mong magpapasok? Pagmamay-ari mo ba 'tong classroom?"
"I own this school." Malamig niyang tugon.
Napangiwi naman ako. Yabang..
Matunog niya lang ako nginisihan at nilahad ang kamay niya sa akin. "Give it to me." Pagtukoy niya sa jacket.
Napasimangot ako at labag sa loob na tinanggal ang jacket sa aking baywang. Akma ko na sana iyong ibibigay sa kanya nang sabay-sabay kaming tatlo na mapatingin sa panyong nahulog sa sahig mula sa aking dibdib!
Gano'n na lang ang panalalaki ng mga mata ko nang mapagtanto ang nangyari! Ang panyong pinasok ko sa loob! Gulat akong napatingin kina Ryker at Colby na kamuntikan nang mapaangat ng tingin sa aking dibdib. Agad ko iyong tinakpan ng jacket at mabilis na nadampot ang panyo sa sahig!
"Shoot!"
"A-Are you using handkerchief--" Hindi ko na pinatapos ang sinasabi ni Colby nang dali-dali akong pumasok ng classroom!
Sobrang asim na asim ang mukha ko at nagmamadaling sinuot ang jacket ni Ryker saka naupo sa aking upuan para isubsob ang aking mukha sa lamesa dahil sa kahihiyan!
Shoot! H-Hindi na ako lang papasok bukas..