Chapter 3 - CHAPTER 2

Nanlaki ang mga mata ko nang matitigan ang dibdib niya. Kusa na lamang akong napaatras habang mahigpit na nakakapit sa telang napunit ko mula sa itim niyang damit.

Dahan-dahan akong nag angat ng paningin sa kanya at gano'n na lang ang sama ng tingin niya sa akin. Para na niya akong papatayin sa mga titig na 'yon.

"Do you want to die?" Madiin, malalim na boses niyang tanong sa akin.

Muli akong nag baba ng tingin sa kanyang dibdib.. ang puti-puti no'n! At 'yung nipples niya.. kulay pink..

Pero wala ang hinahanap ko. Wala siyang birthmark tulad ng kay Duziell! Wala siyang itim na balat sa dibdib!

Napalunok ako.. kung gano'n.. may anak si Flencher Campbell, at siya 'yon.

Napasinghap ako ng hangin nang madiin niya akong hawakan sa braso at marahas na hatakin papalapit sa kanya! Halos ilang pulagada lamang ang layo ng mukha namin sa isa't-isa at kitang-kita ko ang pumapatay niyang titig! Paanong kalmado ang mukha niya samantalang ang mga mata ay nagliliyab sa galit?

"Who the fuck are you to touch the hell out of me?" Nakakatindig balahibo niyang tanong sa akin.

"A-Ano kasi.."

"And you ripped my shirt off, huh?" Napalunok ako nang ngumisi siya sa paraang nakakaloko!

Ang ngisi niyang 'yon.. kuhang-kuha ang ngisi ng kanyang ama noong matuklasan ko ang pagpatay sa aking mama.

Pinisil niya nang husto ang braso ko at kusa akong gumalaw nang makaramdam ng sakit! "Bitiwan mo ako!"

Pilit kong piniglas ang kamay niya subalit lumaki lamang ang pagkakangisi niya. "I'm not even touching you. This is what you called pain."

Bahagya akong nabigla nang marahas niya akong itulak! Napapikit ako at handa na sana akong bumagsak sa sahig nang maramdaman kong may sumalo sa akin mula sa likuran! Nagugulat kong minulat ang mga mata ko at napatingala sa lalaking nakasuot ng humiporme na siyang pinagtanungan ko kanina lang.

Hindi siya nakatingin sa akin, ang paningin niya ay deretso sa Ryker na 'yon. Napaayos ako ng tayo nang naramdaman ang kamay niyang bahagyang humawak sa braso ko.

"When will you stop, Ryker? You're such a pain in the ass." Walang emosyon niyang saad.

Napatitig ako kay Ryker na hindi pa rin nawawala ang ngisi habang nakatitig sa akin! "Witch."

Nilabanan ko ang titig niyang 'yon at hindi ko na nabilang kung ilang segundo na ang nagdaan na nagtitigab kaming dalawa. Natigil lamang 'yon nang malakas na tumunog ang bell at dumating ang isang matandang lalaki na sa tingin ko'y isang guro. Mabilis na nagsipag alisan ang mga estudyante nang makitang may hawak itong pamalo. Kanya-kanya silang takbo at natatarantang lumayo. Samantalang ako ay hindi man lang nakagalaw sa aking kinapupwestuhan.

"Ryker and Colby! Stop the fight, will you?!" Pumagitna ang lalaking guro sa amin at saka lamang ako nakita. "And you! Sino ka?! Kasali ka rin dito sa away nila?!"

Sunod-sunod akong umiling. "H-Hindi po!"

"Well then, go back to your class!"

Mabilis akong nakagalaw, inalis naman ng lalaking naka huniporme ang kamay niya sa aking braso. Tumalikod ako sa kanila at humarurot ng takbo papalayo. Dinala ako ng sarili ko sa banyo ng pambabae at hingal na hingal na nahinto sa tapat ng lababo. Nakita ko ang aking repleksyon sa kaharap na malaking salamin at doon ko pinakatitigan ang aking sarili.

Nandito ako para magpanggap na ibang tao, sana'y umayos ako at hindi nagpapadala sa sarili kong emosyon! Ayaw kong pumalpak, ang tagal ko 'tong hinintay at pinaghandaan..

Subalit.. bakit hindi ko alam na may anak ang Campbell na 'yon! Bakit hindi kasama sa record na may anak siya?

Kinuha niya ang kapatid ko noon at hindi ko malaman kung saan niya itinago o kung ano na ang nangyari! Kaya hindi naglalayong ang Ryker na 'yon na nasabing anak niya ay ang kapatid ko..

Pero bakit wala siyang birthmark na sigurado kong mayroon naman si Duziell?

"Iha! Simula na nang klase, ano pang ginagawa mo dito?" Natigil ako sa pag iisip nang umalingawngaw ang boses ng janitress sa banyo.

Nagpakawala ako ng hininga at hinanda ang aking sarili. Ako si Nana ngayon, kaya't dapat akong umakto nang naaayon sa katauhan ko.

Napatingin ako sa telang itim na nasa kamay ko pa na nanggaling sa damit ni Ryker. Isinulod ko iyon sa aking bulsa saka tuluyang lumabas ng banyo. Nagtungo ako sa classroom na kinabibilangan ko. Ang totoo niya'y kabisado ko ang paaralang ito. Kabisadong-kabisado.

Saktong pagpasok ko ng classroom ay nakabangga ko ang lalaki kanina! Na siyang pinagtanungan ko at kaaway ng Ryker na 'yon.

"Oh?" Natigilan ako at tinuro siya. "Classmate tayo?"

Umawang ang labi niya at napapalunok na nag iwas ng tingin. "Don't talk to me."

Hindi ko napigilang matawa at nahampas siya sa braso na kinagulat niya. "Classmate tayo! Hahahaha! Coincidence? Or destiny? Whahaha!"

Nanlaki ang mga mata niya at bakas ang hiya nang magsimula kaming pagtinginan ng aming mga kaklase. May iilang nagbubulungan at tumatawa pagtapos akong matitigan.

"You're crazy! Go away." Paasik na sabi niya.

Bago pa ako makatugon ay may lumapit na sa aming isang babae. 'Yon ang nakausap ko kanina sa gulo!

"Colby!" Sigaw nito at kaagad na nakadikit sa lalaki. Napatingin siya sa akin at ngumiti. "Ikaw! Iba ka rin ah? Paano mo nagawang punitin ang damit ni Damon Ryker sa harap naming lahat? 'Di ko 'yon expected!"

Ngumiti ako pabalik. "Sabi mo kasi na masama ang ugali niya. Nararapat lang 'yon! Hahahahaha!"

Bahagya siyang nagulat sa pagtawa ko.

"Ahh.. Ako nga pala si Aliyah." Inilahad niya ang kamay sa akin.

May ngiti ko iyong tinanggap. "Ako naman si Nana."

"And are you aware that you are a crazy person?" Sumingit ang lalaki kanina.

Binalingan ko siya at malaking ngumiti. Sinuko naman siya ni Aliyah at nagsalita. "Siya si Colby. Punching bag ni Ryker."

Sumama ang mukha niya. Tumaas naman ang dalawa kong kilay at napatitig sa kanya. Doon ko lang napansin na may sugat sa kanyang labi.

"I am not his punching bag! I can beat his ass off if I wanted to. I just don't want to fight." Inis niya kaming tinalikuran.

Napanguso ako nang alisan nila akong dalawa. Naupo sila sa gitnang upuan at hindi na ako pinansin pa. Naningkit naman ang mga mata ko at naghanap ng mauupuan na bakante. Nagliwanag ang mukha ko nang makita ang isang upuan sa dulo tabi ng bintana. Akma akong maglalakad doon nang harangin na ako ng isang babaeng matangkad sa akin.

"May may-ari na 'yan." Mataray niyang sabi. "Go sit elsewhere."

"Ah gano'n ba?" Napakamot ako sa aking ulo. "Saan ba rito ang bakante?"

Ngumuso siya sa upuan na kaharap lang din ng upuan na 'yon sa dulo. "Ayun ang bakante. Sit there if you want to.." ngumisi siya. "have a misirable seat."

Nalukot ang mukha ko. "Eh? Ano 'yon?"

"Nothing." Nilahad niya ang kamay sa akin. "I'm Sally Feliccha Santiago. Soon to be your class monitor."

Akma kong tatanggapin ang kamay niya nang agad niya iyong iniwas. "On second thoughts.. Let's not shake hands. Yours is dirty."

Napatingin ako sa kamay ko at ibinaba iyon. "Sige, hehe.."

"I'll be honest with you, you look disgusting." Iwas na iwas niya akong nilagpasan bago pa man ako makatugon.

Bahagya akong napangisi sa sinabi niya at naupo na sa nasabing upuan. Maya-maya lang ay dumating na ang bagong teacher namin. Isang matandang babae at nakataas na kaagad ang isang kilay. Masasabi kong nakakatakot ang itsura niya.

Pinalibot niya ang paningin sa loob ng aming classroom. "Hmm.. Where's the short-tempered spoiled brat?"

Natahimik ang lahat at nagkakatinginan. Si Sally ang may lakas ng loob na sumagot. "We have no idea, miss Flor."

"Hmm.." Tumango-tango siya. "Kung sinuman ang makakita sa kanya. Tell him that he's in a big trouble.. AGAIN."

Tahimik na nagtawanan ang iba at palihim na napapangiti. Ako naman ay napanguso at pinagmamasdan lang sila.

"Ang batang 'yon! Gagraduate na't lahat-lahat ay hindi pa nagbabagong buhay." Iiling niyang saad. "Anyways, I've heard na may transfer student. Whoever you are, stand up." Istrikta niyang utos.

May malaking ngiti akong tumayo, lahat sila ay sabay-sabay na napatingin sa akin. "Ako po! I'm Nana Zie Dela Vega!"

Tahimik at gulat nila akong pinagmasdan lahat. Mula ulo hanggang paa at sabay silang nag iiwas ng paningin upang bumulong sa katabi. May iilan na panay ang tawa habang nakatingin sa akin at may nakakainsulto ring tingin. May iilang nalulukot ang mukha at bakas ang pandidiri.

Hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin at nakatingin lang sa guro na halos hindi na maipinta ang mukha habang pinagmamasdan ako.

"May suklay ka ba, iha?" Bungad niyang tanong sa'kin.

Hindi pa rin nawawala ang malaki kong ngiti. "Meron po! Kaso bungi-bungi na hahahaha!"

Nagulat sila sa sinabi ko at may iilang hindi napigilang tumawa. Sumama naman ang mukha ng guro sa akin.

"May salamin ka ba?" Muli niyang tanong.

"Meron din po kaya lang basag na e, hehe.."

"May plantsa ka ba?"

"Wala po, sira na." Napatawa ako nang may maisip. "Nag overheat kasi nakalimutan kong tanggalin sa saksakan. Hahahaha!!"

Hindi ko inaasahan nang magtawanan din ang lahat. Subalit bigla kaming natigilan nang malakas na ihampas ng guro ang libro sa kanyang mesa na nagbuo ng malakas na ingay.

"Do you think I'm fooling around with you?!" Bigla siyang sumigaw! "You looked disgusting! You are studying in this school, but you look more like a garbageman than any other student!"

Nagalit agad siya na kinatikom ng lahat. "Bago mo sana hinangad na pumasok dito, tiningnan mo muna ang sarili mo kung nababagay ka ba talaga sa paaralang 'to! Are you that poor?! Ang huniporme mo ay sobrang gusot-gusot parang 'yang buhok mo! I'm sorry to say this but you're such a disgrace! Para mong binababoy ang humiporme at mismong paaralan natin!"

Humaba ang pagkakanguso ko. Ang lakas naman pala ng pakiramdam ng matandang 'to..

Hindi pa man ako nakakatugon ay kumalabog na ang harapang pintuan. Doon nabaling ang aming atensyon. Deretso akong napatitig doon.

"Oh great! Isa pang nangunguna sa pagpapasaway!"

Bahagyang umawang ang labi ko nang magtama na agad ang mga mata naming dalawa! Ano ba namang mga mata ang meron siya?

Ryker.. Campbell..

"I see you.." Tumaas ang sulok ng labi niya, hindi inaalis ang titig sa akin!

Gusto kong kainisan ang sarili dahil dumagundong ang kaba sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay traydor ito dahil labag sa loob kong makaramdam ng kaba!

"Will you please sit down, Damon Ryker?!" Pagsigaw ng guro.

"Shut up for a sec. I can sit whenever I want." Tugon niya na hindi man lang nililingon ang guro!

Napatingin ako sa itim niyang leather jacket na nakasarado na ang zipper. Batid kong dahil iyon sa pagpunit ko sa panloob niyang damit. Awtomatiko akong napaiwas ng tingin nang magsimula siyang maglakad!

Naglalakad lang siya pero gano'n na lang ang tensyon na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay hindi lang ako ang nakakaramdaman no'n kundi na rin sila na nasa loob ng silid na 'to. Paano niya nagagawang gawin ito sa amin?

Nahinto ang yapak ng sapatos niya sa aking gilid. Sinipa niya ng malakas ang upuan ko!

"Damon Ryker! You're not allowed to do this!! Stop messing around!!" Umawat kaagad ang guro subalit parang hindi niya 'yon narinig!

"Look at me.." Iyon ang malalim, kalmado, at malamig niyang boses na halos malapit sa aking tainga!

Dahan-dahan akong nag angat ng paningin sa kanya. Gano'n na lang ang pagtaas ng sulok ng labi niya. "Witch."