Chereads / Tales of Demons and Gods(Tagalog) / Chapter 2 - Unang Kabanat:Muling pagkabuhay

Chapter 2 - Unang Kabanat:Muling pagkabuhay

Sa napakalaking saklaw ng bundok ng st. Ancestral,sumisikat ang araw sa siwang sa pagitan ng mga bundok patungo sa kailaliman nito.Sa gilid ng burol katabi ng lambak may mga naiwang nyebe.

Kahit na nagumpisa na ang panahon ng tag-init,hindi pa natutunaw ang mga nyebe.Sadyang napakatagal mawala ang malamig na temperatura rito.At may panaka-nakang maririnig na dagundong ng mga halimaw.

Sa ibabaw ng burol nakatayo ang kahanga-hangang syudad.

Sa mundo sa labas ng bundok ng st. Anceatral ay inookupahan ng mga halimaw.Ang mga taong naninirahan sa saklaw ng bundok ay walang kumunikasyon sa mundo sa labas ng bundok sa nakalipas na daang taon.

Ang mga taong naninirahan sa syudad ay hindi sigurado sa sitwasyon sa labas ng mundong iyon.

Nakatala sa kasaysayan na ang pinakamatagumpay na panahon ng sangkatauhan,ang pagkakaroon ng libo libong mga Legend na rangong mandirigma at demon spiritualist,ang sangkatauhan ng panahong iyon ay nakapagtatag ng maraming emperyo sa malawak na kontinente,ngunit ang mga emperyong ito ay unti unting nabura sa kasaysayan.

Ang syudad,sa kadahilanang palihim na matatagpuan sa heograpiya,na maayos na napreserba mula sa panahon ng Age of Darkness.

May panaka naka silang nakakasagupang pagatake ng snow wind beast sa loob ng bundok ng st. Ancestral,subalit,matapos dumaan sa napakaraming nakakawasak na tungalian,ang syuda ay paulit ulit lang itinatayo.

Ang nagtataasang mga pader ay tila matibay na monumento.

Ang syudad na ito ay tinawag nilang Glory city,ito ay nagsisilbing pagasa ng sangkatauhan.

-----

Akadamiya ng holy orchid,sa loob ng klase ng mandirigmang apprentice.

Lagpas tatlongpung magaaral ang nakaupo na nagaantay na makinig sa isang babaeng guro na magbabahagi ng kanyang kaalaman.Ang mga magaaral rito ay binubuo ng mandirigmang apprentice.Sila ay mga magaaral ng akademiya ng holy orchid ng syudad ng Glory city.

"Nabalitaan nyo ba ang ating bagong guro,si Shen Xiu, ay miyembro ng angkan ng Sacred family na may 3 bituing pilak na rango bilang isang demon spiritualist? "

Ilan sa mga magaaral ang naguusap ng pabulong sa isang sulok ng silid.

Ang atensyon ng lahat ng magaaral ay nakatuon sa kanilang bagong guro.Siya ay matangkad at nakasuot ng maganda at eleganteng kasuotan na nakahapit sa kanyang napakagandang katawan.Siya ay may mahahaba at mapuputing hita,at mayroong kolorete ang kanyang magandang mukha.Ngunit ang kanyang mga mata ay puno ng pagmamataas at pagyayabang.

Ang angkan ng Sacred family ay nabibilang sa tatlong  pangunahing angkan sa syudad ng Glory city.Dahil siya ay ipinanganak sa marangal na angkan,at may 3bituing pilak na rango bilang demon spiritualist,mayroon siyang maipagmamalaki upang maging mapagmataas.

Bilang isang demon spiritualist na may 3bituing  pilak na rango,hindi na kailangan pa niyang magturo.Pumayag lamang siya sa kadahilanang ang kanyang pamangkin ay nasa klaseng ito.

"Ang mga mandirigma at demon spiritualist ay may limang ibat ibang rango,ang tanso,pilak,ginto,itim na ginto at legend,bawat rango ay nahahati sa limang lebel,mula 1 bituin hanggang 5 bituin."

"Ang demon spiritualist ay angat sa mga mandirigma.Tayo ay totoong marangal na nabubuhay.Ang demon spiritualist ay maaaring bumuo ng soul realm sa loob ng ating dantian.Sila ay may kakayahang pagsamahin ang mga  nahuling demon papunta sa kanilang soul realm at maging iisa upang makipaglaban.Itoy nagbibigay ng pagkakataong magtaglay ng walang katumbas na lakas na angat sa lakas na taglay ng isang mandirigma."Itinaas ni Shen Xiu ang kanyang ulo at nagsalita na may pagmamalaki

"katulad ko,ang aking demon ay isang scarlet flame fox" 

Biglang nagbago ang anyo ni Shen Xiu ,naging matapang ang kanyang anyo ,nagkaroon sya ng matatalas na ngipin at kuko at sa wakas nagkaroon sya ng nagaapoy na buntot sa kanyang likuran.

"Matapos makiisa sa isang demon,kaya kong manipulahin ang lakas nito at magkaroon ng kakayahan sa elemento ng apoy.Sa lahat ng mga demon ang ang scarlet flame fox ay nasa rango ng ginto sng mga halimaw.Ibig sabihin ang pinakamataas na antas na aking mararating ay ang gintong rango ng pagiging demon spiritualist.Syempre kapag akoy naging gintong rango ng pagiging demon spiritualist,maari kong palitan ito ng anumang mas malakas na demon."

Pagdating sa kanyang kultibasyon,mababakas sa mukha ni Shen Xiu ang pagmamalaki.

Bawat salitang kanyang binibitawan ay nakakapagpamangha sa bawat magaaral.Ang pagiging demon spiritualist sa gintong rango ay mga nilalang na hindi maaabot ng ilan sa kanila.

Habang patuloy na nagtuturo si Shen Xiu ,si Nie Li na nasa likuran ng klase,ang isip ay nasa kawalan ng ulirat habang ang kanyang spiritu ay lumulutang paikot.

Pagkalipas ng ilang saglit muli niyang iminulat ang kanyang mga mata at hindi mapigilan ang sarili sa pagtataka sa kanyang nakikita.

"Nasaan ako"tahimik na tanong ni Nie Li sa sarili.Siya ay nagulat ng kanyang mapagtanto na lumiit ang kanyang mga kamay at lumambot ang kanyang mga balat.

Nakita nya si Shen Xiu sa harapan na walang tigil sa pagsasalita.Malinaw na naaalala ni Nie Li na ito ang taon kung kailan siya nagumpisang magaral sa akademiya.Ang nagtuturo sa harapan ay isang demon spiritualist na nasa 3 bituing pilak na rango.Dahil sa gurong ito hindi na nais ni Nie Li ang magaral.

"Ako'y muling nabuhay?"sambit ni Nie Li na may pagkagulat.Kanyang naaalala na siya ay napapaligiran at sinasalakay ng Sage emperor at anim na deity na rangong mga halimaw.Sa palagay niya ang kanyang spiritu ay muling ipinanganak sa panahong labing tatlong taong gulang pa lamang siya.Tumingin si Nie Li sa kanyang tabi,at nakita niya ang mga pamilyar na mukha,si Lu Piao at Du Ze.Sila ang kanyang mga tunay na kaibigan na kasama niya sa buhay at kamatayan liban sa kanilang mga anyo na musmos pa lamang.

At siya,tuminingin si Nie Li sa harapan,ang napakaganda at makinis nitong mukha ang tumambad sa kanyang paningin.Siya si Ye Ziyun.Kahit na ang kanyang kaanyuan at para sa labing tatlo o labing apat na taong gulang,siya ay mukha nang payat at elegante kasama ng kulay lila na palamuti sa buhok na hanggang bewang.Ang kanyang magandang hubog na kilay,ang kanyang mga mata na nagniningning sa kaalamanan.

Kahit na siya ay mukha pang maliit na bata,alam ni Nie Li,kapag siya ay lumaki pa ng kaunti,siya ay magiging napakaganda at nakakaakit na babae.

"Hindi pa siya nasasawi"

Si Nie Li ay sobrang nagagalak at nasasabik

"Bumalik ako sa nakaraan,totoo ba ito o isang panaginip?"tanong ni Nie Li sa kanyang sarili sabay pisil sa knyang pisngi at naramdaman niya ang sakit at napagtanto niya ito ay hindi isang panaginip.At bigla siyang napaisip.

"Ang aklat Temporal Demon Spirit,ito siguro ang dahilan, ang aklat Temporal Demon Spirit"

Yumuko so Nie Li upang hanapin ang aklat ngunit hindi niya makita ang aklat ng Temporal Demon Spirit.

Ang lumikha ng aklat ng Temporal Demon Spirit ay hindi matukoy.Sadyang napakamisteryoso ng aklat kaya palaging itinatabi ni NieLi ang aklat sa kanyang tabi.

Malinaw niyang naaalala,noong nakikipaglaban siya sa Sage emperor at anim na gintong rangong mga halimaw,na ang kanyang dugo ay dumaloy patungo sa balat ng aklat.

Siguradong ang aklat ng Temporal Demon Spirit ang nagdala sakin pabalik sa panahon na akoy labing tatlong taon pa pang.

Matapos masilayan lahat ng mga pamilyar na mukha,muling inalala ni Nie Li ang nakaraang lumipas.

Naalala niya nung panahon na ang syudad ng Glory city ay nasa ilalim ng paglusob ng mga snow wind beast na halimaw.Ang tagapangalaga,na si panginoong Ye Mo,na nasa legend na rango ng pagiging demon spiritualist,ay nasawi sa laban kasama ng mga halimaw at daang libong katao.Ilang libo lamang ang nakaligtas at tumakas patungong disyerto,kanlurang saklaw ng bundok ng st. Ancestral.Sa kanilang pagtakas,isa isang may namamatay sa gitna ng disyerto.Isang araw, sila ay  napapaligiran ng mga halimaw sa disyerto.Nang gabing iyon,si Nie Li at Ye Ziyun ay natagpuan ang isat isa.

Sa gabi ding iyon nagkaroon ng pagkakataon si Nie Li na mayakap ang  tinatangi ng kanyang puso sa ilalim ng kadiliman ng gabi, tanging liwanag lamang ng buwan ang naging saksi.Sa taglay na kagandahan ni Selena,sa kanyang maganda at malabot na balat,na akala mo'y inililok mula sa isang napakagandang iskultura.Niyakap nila ang isa't isa ng puno ng pagmamahal.

Kung Hindi lamang nawasak ang syudad ng Glory city,at ang kakila-kilabot na pagtakas,hindi siya  magkakaroon ng pagkakataon na mapansin ni Ye Ziyun.Sa kadahilang siya ay may mababang talento lamang at ang kanyang angkan ay papalubog na.

Pagkatapos ng gabing iyon, sila ay muling nakasagupa ng mga grupo ng halimaw,upang maprotektahan siya, si Ye Ziyun ay nasawi sa kamay ng isa sa mga halimaw.At hindi iyon makakalimutan ni Nie Li habang siya ay nabubuhay.

Pagkatapos ng kahindi-hindik na pagatake ng mga halimaw,si Nie Li ay nakaligtas at nakalabas sa gitna ng disyerto.

Kahit na mababa ang kanyang talento sa pakikidigma, sa tulong ng kanyang kagustuhan makaligtas at mabuhay,nakapaglakbay si Nie Li sa iba't ibang bahagi ng kontinente.Nakasalamuha siya ng iba't ibang uri ng tao na lumalaban sa mga halimaw.May mga natagpuan din siyang mahihiwaga at misteryosong bagay,at syempre kasama dito ang aklat ng Temporal Demon Spirit.Kung hindi dahil sa aklat hindi magkakaroon ng pagkakataon makabalik si Nie Li sa nakaraan.Itong misteryosong aklat ng Temporal Demon Spirit,tinulungan siyang makabalik sa nakaraan.

Ibinalik siya sa nakaraan bago ang pagkawasak ng kaharian.Bago masawi ang kangyang mga magulang,angkan at ng mga tunay niyang kaibigan dahil sa pakikipaglaban sa mga halimaw.At bago din ang kamatayan ni Ye Ziyun habang sila ay tumatakas mula sa mga halimaw.

"Dahil ako ay binigyan ng pakakataon ng langit na makabalik sa nakaraan, hindi ko hahayaan na muling maganap ang pagkawasak ng syudad ng Glory city"madamdaming sambit ni Nie Li.

Naalala niya na kakaumpisa pa lang ng klase ngayong taon at siya ay labing tatlong taon pa lang sa panahon na ito."Ako'y nakabalik nakakagalak naman ito."

"Aking mga kaaway sa susunod na magtagpo ang ating landas ay aking sisiguraduhin na kayo ay masasawi sa aking mga kamay,ipaghihiganti ko ang aking nakaraang buhay.

Kung hindi nawasak ang syudad ng Glory city,siya at si Ye Ziyun na galing sa magkaibang mundo ay walang pagkakataong magkasama.Si Ye Ziyun ay anak ng panginoon ng syudad ng Glory city at higit sa lahat ang kanyang lolo ay isang demon spiritualist na nasa legend na rango,na si panginoong Ye Mo.Samantalang si Nie Li ay mula sa angkan ng walang kapangyarihan sa lipunan.Ngunit kahit ganun,sa gitna ng kanilang pagtakas ay nakabuo sila ng damdamin para sa isa't isa.

Simula ng pumasok si Ye Ziyun sa klase walang sino man ang nakakaalam ng kanyang tunay na pagkatao.Tanging si Nie Li lamang ang makakaalam nito kalaunan.

Sa syudad ng Glory city ay may tatlong  pangunahing angkan.Ang angkan ng Devine family,angkan ng Sacred family at ang ng Snow Wind family.Sila ang nagrerepresenta ng kapangyarihan sa syudad ng Glory city,ang pinakamataas sa mga prominenteng angkan.Palaging napipili mula sa tatlong pangunahing angkan ang nagiging pinuno ng syudad.Sumunod sa pangunahing angkan ay ang pitong prominenteng angkan at pagkatapos nila ay ang labing dalawang aristokratong angkan.

Si Nie Li ay nabibilang sa angkan ng Heavenly Mark family,na nasa dulo pwesto sa mga aristokratong angkan.Bagama't maliit ang kanilang katayuan,merong malaking pagkakaiba sa katayuan kumpara sa tatlong pangunahing angkan at sa pitong prominenteng angkan.

Dahil sa katayaun ni Nie Li,ang kagustuhang makasama si Ye Ziyun ay napakaimposibleng bagay.Pero sa determinadong pagiisip ni Nie Li at siya ay binigyan ng pagkakataon makabalik sa nakaraan,magiging problema pa ba ito?Kahit na mababa ang kanyang talento ,sa tulong ng mga kaalaman mula sa kanyang nakaraan,ang paglinang sa kanyang talento ay magiging posible ang lahat sa buhay niya ngayon.

"Nie Li bakit ka napapangiti magisa?"tanong ni Lu Piao habang nakatingin Kay Nie Li ng may pagtataka.iniisip niya kung nasisiraan na ba ng isip si Nie Li,sapagkat kanina pa ito ngumingiti magisa habang nakatitig ng mariin kay Selena .

"Ako'y masaya lamang,masaya ako at nakita ko kayong mga tunay kong kaibigan."pahayag ni Nie Li sabay yakap kay Lu Piao ng puno ng pananabik.Ito'y kanya nang nakasanayan mula sa kanyang nakaraang buhay.

Pagkatapos biglang yakapin ni Nie Li,si Lu Piao ay nagalit"Nie li,anung tunay na kaibigan ang sinasabi mo jan,bakla ka ba ?,bilis pakawalan mo ako"

Nagpumiglas si Lu Piao,kakaumpisa pa lang ng klase ngayong taon at ilang araw pa lang silang nagkakasama.Hindi pa sila gaano kalapit sa isa't isa.Hindi kumalas si Nie Li sa kanyang pagakakayakap.Tumingin siya ng seryoso habang nakangiti at sinabi niya"kahit ano man ang iyong isipin sa aking puso ikaw ay aking tunay na kaibigan."Hindi masabi ni Nie Li kay Lu Piao ang kanilang masalimuot na paglalakbay sa kanilang nakaraan.

Habang nakatingin kay Nie Li,si Lu Piao ay nagtataka at hindi makapaniwala sa mga sinasabi nito."Baliw" kahit na ganun iyong mga sinabi ni Nie Li ay tumagos sa kanyang puso at nakaramdam siya ng pagkaantig ng damdamin.

Tumingin si Lu Piao kay Nie Li at sinabi niya" alam ko nabibilang ka sa angkan ng mga aristokrato pero,wag na wag kang magkakaroon ng ideya para sa babaeng iyon.napakamisteryoso ng kanyang pagkatao.Balita ko nung pamasok yan dito sa akademiya mismong ang punong guro ang nagayos ng kanyang tutuluyan."

Pilyong ngumiti si Nie Li,hindi pa alam ni Lu Piao ang tunay na pagkatao ni Ye Ziyun ngunit siya ay alam na niya.

"Akin siya"pahayag ni Nie Li habang nakatingin sa mahaba at magandang buhok ng isang babae hindi kalayuan.Ang kanyang puso ay naninindigan sa gabing kanilang pinagsaluhan.Hindi mapigilan ni Nie Li ang bugso ng kanyang damdamin.Biglang naalala ni Nie Li , siya at si Ye Ziyun ay labing tatlong taon pa lang ngayon.Ngunit sa kanilang pagtanda si Ye Ziyun ay lalaking maganda at kakaakit-akit na dalaga.At sisiguraduhin niyang maproprotektahan niya ito ,sabay silang tatanda.Sa di kalayuan,nakaramdam ng kakaiba si Ye Ziyun.Napatingin siya sa direksyon ni Nie Li.Marahang kumunot ang kilay niya,at napaisip siya, si Nie Li ay kilalang pilyo.Simula ng klase ngayong taon palagi niyang nahuhuling nakatitig ito sa kanya.Subukan lang gumawa ng masama ni Nie Li, ito'y hindi niya patatawarin.Sinisigurado ni Ye Ziyun na hindi niya ginagamit ang estado sa buhay upang makipagkaibigan,ngunit hindi ito dahilan para ipawalang bahala niya ang bawat panghahamak at pamamahiya sa kanya.