Pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Nie Li.Mababakas sa mga mata ng mga magaaral na nagmula ordinaryong angkan ang liwanag at pagasa.Hindi lingid sa kanilang kaalaman ang naging kwento ni panginoong Ye Mo.Siya ay magandang halimbawa upang tularan,kung gusto mong maging makapangyarihang nabubuhay.Pwera sa mga masasakit na salitang binitiwan ng kanilang guro na si Shen Xiu.Na nagdulot sa kanila ng lungkot at kawalang pagasa.
"Ikaw.....sa nakalipas na daang taon,si panginoong Ye Mo lamang ang nakarating sa tugatog ng tagumpay gamit lamang ang sariling kakayahan." Tugon ni Shen Xiu , na natutulala,pinilit niyang ibalik ang sarili sa pagiging mapagmataas na guro.
"Pero ikaw na din ang nagsabi na ito'y napakaimposibleng mangyari?Bakit ninyo sinasalungat ang iyong sarili?balik tanong ni Nie Li na nakangisi."Si panginoong Ye Mo na ang isang patunay.Kahit anuman ang estado mo sa buhay,nagmula ka man sa pangunahing pamilya,aristokratong angkan o ikaw man ay galing sa ordinaryong angkan,sa hinaharap posible ang imposible.Walang imposible bastat ikaw ay nagsusumikap na maabot ito."
Malapit na talagang sumabog sa galit si Shen Xiu.Itong binatilyo na ito ay masyadong matalas magsalita.Palaging may nahahanap na butas sa bawat kanyang sabihin.Tinignan niya ng masama si Nie Li.Ang lakas ng loob nito na kontrahin siya sa harap ng maraming tao.Hindi niya pahihintulutan na maging madali ang kanyang buhay sa akademiya sa hinaharap.
Sa hindi kalayuan,tumingin si Du Ze kay Nie Li.Ang kanyang mga mata ay puno ng pasasalamat.Kahit na nagmula si Nie Li sa prominenteng angkan,sinubukan niyang kontrahin ang kanilang gurong mapanghamak para ipagtanggol silang mga nanggaling sa ordinaryong angkan.Naantig ang kanyang damdamin.Ang puso ng isang kabataan ay sadyang napakatibay,kaya,nakikita niya si Nie Li bilang isang kaibigan.
Napangisi si Shen Xiu,"Magaling ang iyong mga sinabi,pero sa akala mo ay nakakatulong iyang sinabi mo sa totoong buhay.Tinitignan mo lang ang mga narating ni panginoong Ye Mo,subalit hindi mo ba alam kung gaano karami ang mga nabigo.Higit sa lahat,hindi mo ba alam kung gaano kahirap maabot ito.Nie Li,tama?ikaw ay nagmula sa aristokratong angkan.At hindi mo alam kung hanggang saan ka lamang,matignan nga kung anung talentong meron ka."
Yumuko si Shen Xiu upang tignan ang kalatas na kanyang hawak.Matapos makita ang laman ng kalatas,siya ay mapangutyang tumawa,"Nie Li,kulay pulang soul realm,soul force 5,lakas ng katawan, 21.Sa iyong talento maari mo lang maabot na antas ay ang pagiging demon spiritualist sa tansong rango sa buong buhay mo.Nais mong maging makapangyarihan, imposibleng mangyari iyon.Kahalintulad mo lang ang mga nanggaling sa ordinaryong angkan.kaya naman pala ganitong uri ka manalita.Inilalayo mo lang ang usapan sa sarili mong kakayahan."
Ang soul realm ay nahahati sa iba't ibang uri base sa kulay tulad ng pula,kahel,dilaw,berde,cyan,bughaw at lila.Sa mga kulay na ito,pula ang pinakamahina,sa lahat ng mahina ito ang pinakamababa.Ang normal na tao ay may kulay na kahel o dilaw na awra.Ang pagkakaroon ng berde o cyan ay maituturing mahusay.At para sa may kulay bughaw o lila ,sila ay maituturing na maalamat at bibibira lang sa ating kasaysayan.
Matapos marinig ang mga sinambit ni Shen Xiu,ang grupo ng mga nagmula sa ordinaryong angkan ay nakaramdam ng awa para kay Nie Li.Para sa nagmula sa aristokratong pamilya,si Nie Li ay mayroon lamang mababang talento.Iniisip nila na magiging mahirap makamit ang tagumpay sa buong buhay ni Nie Li.
Si Shen Yue,na katabi ni Ye Ziyun sa upuan,ay umangat ang gilid ng labi na may panghahamak.Kung nalaman lamang niya ng maaga kung gaano kasama at kababa ang talento ni Nie Li,hindi sana niya ito itinuring na isang karibal.At hindi siya maituturing na karibal,sa ganitong talento,maituturing lang siyang mababang uri sa buong syudad ng Glory city.At ako,si Shen Yue,na galing sa isa sa tatlong pangunahing angkan.Bilang pangunahing miyembro ng angkan ng Sacred family,paano maikukumpara ni Nie Li ang kanyang sarili sa kanya.Kung hindi dahil kay Ye Ziyun,hindi niya maiisipang magaral sa napakababang klase na ito,at kasama pa ang basurang si Nie Li.
Agrisibong nagpatuloy si Shen Xiu,"Sa ganyang uri ng talento,kahit sa inyong angkan,walang makakapansin sa iyo.Ngunit sa aking harapan,ikaw ay nagmamagaling at bastos sa nakakatanda."
Sa mga sinabi ni Shen Xiu ay hindi mapigilang bumalik ang alaala ng nakaraan.Bago mawasak ang syudad ng Glory city.Si Nie Li ay napakahina.Katulad ng nabanggit ni Shen Xiu,siya ay nanatili sa tansong rango ng pagiging demon spiritualist.At hindi makausad sa kanyang pagsasanay.Wala siyang natanggap na atensyon mula man sa akademiya o sa kanyang sariling angkan.Itinuring na parang dumi.
Kung hindi lang iniligtas ni Nie Li si Ye Ziyun ng walang pagaalinlangan,Hindi magkakaroon ng posibilidad na mapansin ng kanyang tinatangi.Nasa 3 nothing iron na gintong rango na pagiging demon spiritualist si Ye Ziyun sa mga panahong iyon.Ang distansya ng dalawa ay parang langit at lupa.Sa huli,walang karapatan si Nie Li na makipaglaban kasama ni Ye Ziyun.Tanging nagawa lamang niya,ang panoorin kung paano nasawi si Ye Ziyu sa kamay at kuko ng mga halimaw,at ang kanyang mga labi ay tuluyang nilamon ng buhangin ng diayerto.Ito ang nagsisilbing tinik sa kanyang dibdib.
Sa kanyang naging swerte,nakalabas siya ng buhay sa endless desert.Maraming misteryosong bagay ang nangyari kay Nie Li kanyang paglalakbay,napagtanto niya na ang tinatawag na soul realm ay pwedeng paglinangin.
Kung nasa nakaraang buhay pa siya,si Nie Li ay hindi magkakaroon ng lakas ng loob upang kontrahin at sagutin ang kanilang guro.Ngunit iba na ngayon.Tiwala siya na isang araw ay malalaman ng mga taong ito na nanghahamak sa kanya kung paano niya abutin ang tuktok ng kapangyarihan, na hindi pumasok sa isip nila na imposibleng mangyari.Dahil siya ay nakabalik,siya ay hindi matitinag,kalabanin man niya ang lahat ng uri ng dyos na hahadlang sa kanyang mga mithiin.
Lahat ay nagulat,kahit na hinahamak si Nie Li ng kanilang guro ,walang anumang mababakas na kahihiyan sa kanyang mukha.Kasalungat nito,mariing nakatitig si Nie Li sa kanilang guro at nagsalita siyang muli"Binibining Shen Xiu,sa iyong palagay sa kulay ng soul realm nakasalalay ang hinaharap ng bawat tao,tama ba?sa iyong masamang ugaling taglay,tanging may mga mataas na talento lamang ang iyong pinupuri pero panghahamak ang ginagawa mo sa may mababa ang talento.Gayun pa man,ikaw ay nagpapahayag ng madaming prinsipyo.Subalit sinusubukan mo lamang pagtakpan ang tunay mong pagkatao."
Matapos marinig ang bawat salitang binitawan ni Nie Li,si Pandora ay nagpupuyos sa galit,wala pa siyang nakakatagpong ganitong klaseng nilalang.Ang lakas ng loob na kontrahin siya ng husto.Lahat ng binitawang salita ni Nie Li ay diretsong tumama sa mga nakatagong damdamin ng kanyang puso,na dahilan kung bakit lalo siyang nagagalit.Nagpupuyos na galit siyang nagsalita,"sino ka sa akala mo,wala kang respeto sa iyong guro."
Napangisi si Nie Li na may paguuyam,"Ako'y nahihiya na mayroon akong gurong katulad mo.Sigurado akong sa klase na ito,marami sa mga galing sa ordinaryong angkan ang hindi mo inaasahan na magtatagumpay.Sila ay magkakaroon ng magandang hinaharap.Imbes na ikaw ay nagtuturo ng maayos,gamit ang iyong mga salita ay inaatake ang mga tiwala nila sa sarili.Wala kang karapatang maging guro.Kahit na napakahina ng aking talento,ano naman?isang araw,magiging katulad din ako ng maalamat na demon spiritualist na si panginoong Ye Mo at papakasalan ko ang pinaka magandang babae sa buong syudad ng Glory city."
Habang siya ay nagsasalita,tumingin siya kay Ye Ziyun,na nakaupo sa hindi kalayuan.Ang kanyang mata ay nagniningning na may tapang.
Nang makita niya pagtingin ni Nie Li sa kanya,naramdaman ni Ye Ziyun ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.Ang kanyang pisngi ay nagiinit na namumula.Hindi niya akalain na walang takot si Nie Li at masasalita ng ganitong bagay sa harap ng klase.matapos salubungin ang tingin ni Nie Li,alam niya nang malinaw kung anung ibig sabihin nito.maliban sa,ang kanyang puso,ay walang anumang nararamdan para kay Nie Li.Matapos marinig ang naging pahayag nito,may kakaiba siyang naramdaman mula sa kanyang kaibuturan.
Nang makita kung ano ang naging reaksyon ni Ye Ziyun,ang mukha ni Shen Yue ay nawalan ng kulay.Kahit na hindi sila magkapantay ng talento,nakaramdam siya ng kaunting kaba na magiging hadlang ito sa pagitan nila ni Ye Ziyun.
"Hahahaha....!ito ang nakakatawang bagay na aking narinig sa buong buhay ko.Kulay pulang soul realm nagsabi namagiging demon spiritualist sa legend na rango katulad ni panginoong Ye Mo.Kahit na nung kabataan ni panginoong Ye Mo,siya ay nasubukan na at nagpakita ng nakakamanghang talento.Ang kulay ng kanyang soul realm ay cyan.Anung akala mo ang tagumpay ay nakukuha sa swerte.Nakakatawa ka!!,walang awang panghahamak ni Shen Xiu."imbes na nagmamagaling kang magsalita dito,bakit hindi mo subukang magaral mabuti"
Ang sumunod na salitang binitiwan ni Nie Li ay matindi at malakas."Alam ko ang puso mo ay puno nang pangungutya.Pero isang araw patatahimikin kita ng matigas na katotohanan.Hindi basehan ang talento ng tao upang maging matagumpay.Tayo ay sanay na ang mahina ay matatalo ang malakas,para lagpasan ang langit,tayong mga demon spiritualist ay sinusubukan ang imposible sa pamamagitan ng pagkalaban sa kagustuhan ng langit."
Hindi mapigilan mabuhayan ng dugo ang mga magaaral sa klase sa mga salitang binitiwan ni Nie Li.Ang kanilang pagsasanay ay salungat na sa kagustuhan ng langit.Kung sila ay hindi sasalungat sa langit,bakit pa nila iisipin ang magsanay.
Binigkas ng malakas ni Nie Li,"kung walang patuloy na lumalabang puso,kung walang determinasyong gawing imposible ang posible,kahit na ikaw ay nagtataglay ng kamanghamanghang talento wala itong saysay.Simula ng ako,si Nie Li,ay ipinanganak sa mundong ito,susubukan Kong kalabanin ang kagustuhan ng langit.Binibining Shen Xiu,bakit kaya hindi ka makipagpustahan sakin?"
Kahit na nakaranas si Nie Li ng maraming kabiguan sa kanyang nakaraang buhay,hindi siya sumuko.Nang binigyan ako ng pagkakataong mabuhay muli,sa panibago kong buhay aakyatin ko nang mabilis ang rurok ng tagumpay.
"Anung pustahan?"nanguuyam na tugon ni Shen Xiu.
"Pagpustahan natin sa darating na pagsusulit, dalawang buwan mula ngayon,ako'y makakarating pagiging demon spiritualist na tansong rango.Kung ako ay mabigo,ako ay lilisan sa akademiya.Pero kung ito'y aking marating,ikaw ay magbibitiw sa iyong tungkulin,ano sa palagay mo?"walang takot na hamon ni Nie Li habang nakatingin kay Shen Xiu.
Habang nakikinig sa mga sinasabi ni Nie Li,ang lahat ay natigilan.Lahat sila ay nagulat at hindi makapaniwala,sa paghahamon ni Nie Li ng pustahan sa kanilang gurong si Shen Xiu.Kahit na umaasa silang mananalo si Nie Li,ngunit walang paraan upang ito'y manalo.
"Hahahaha...nakakatawa ka para sabihin sakin na makakatungtong ka sa pagiging demon spiritualist sa tansong rango sa loob lamang ng dalawang buwan.Anung akala mo mapapataas mo ang antas ng iyong soul real mula 5 hanggang 100 sa loob lamang ng dalawang buwan?"hindi makapaniwala ang mababakas sa mukha ni Pandora.nababaliw na ba si Nie Li?
"Isa lang ang aking tanong,kaya mo ba o hindi?"binaliwa lang ni Nie Li ang mga sinabi ni Shen Xiu.
"Kung yan ang iyong nais,bakit hindi!,hindi ako naniniwala na ang isang katulad mo ay may mararating.Sino sa akala mo ang nagpapalakas ng iyong loob?"galit na sagot ni Shen Xiu.
"Iyang kawalang galang mo sa iyong guro.Simula ngayon hanggang sa Simula ng pagsusulit,dalawang buwan mula ngayon,ikaw ay tatayo sa likuran ng silid na ito habang nakikinig sa aking klase."Si Shen Xiu ay kilala sa pagiging hindi makatwirang tao.Tumitig ng mariin si Nie Li kay Shen Xiu.Ano naman kung nakatayo siya sa likuran ng klase,itong simpleng parusa ay napakababaw lamang.
"Dahil sumangayon ka na binibining Shen Xiu sa ating pustahan,huwag kang magsisi sa huli"tugon ni Nie Li habang papuntang likuran ng klase.
"Pagsisisihan?....nakakatawa ang biro mo,pagkatapos nito huwag kang lalapit sakin."tumatawang si Shen Xiu.
Makita si Nie Li sa likuran,ilan sa mga magaaral na mula sa prominenteng angkan ay nagbulungan na may pangungutya."Ang susunod daw na demon spiritualist sa legend na rango ay nakatayo sa likuran at pinaparusahan"
"Tsk tsk,hindi daw siya takot lisanin ang ang akademiya?"
"Diba nagmamataas ka kanina lang?"
"Mapapataas niya ang kanyang soul real mula 5 hanggang 100 sa loob lamang ng dalawang buwan.Sino ba siya sa akala niya?kahit si panginoong Ye Mo nung kabataan niya,hindi nagawang pabilisin ang antas ng kapangyarihan niya ng ganung kabilis."
Napangisi si Shen Xiu.Ano naman kung malakas loob ni Nie Li.Hindi ba nasa kanya pa din ang huling desisyon sa loob ng klase?Hindi na niya pinagkaabalahan ang mga salitang binitiwan ni Nie Li.Dalawang buwan upang mapataas ang lebel ng soul realm mula 5 hangang 100.Hindi ito mangyayari!Inaabangan na niya ang paglisan ni Nie Li sa akademiya.
Dahil pinarusahan si Nie Li ni binibining Shen Xiu na tumayo sa likuran ng klase,natahimik sandali si Du Ze.Nagngangalit ang kanyang mga ngipin,tumayo siya at pumunta sa likuran upang samahan si Nie Li.
Nang makita niya na tumayo si Du Ze para samahan si Nie Li,nagdilim ang paningin ni Shen Xiu at nagalit"kung gusto mong tumayo jan sa likuran kasama si Nie Li,magsama kayo Jan"
Nagkatinginan si Nie Li at Du Ze.Makikita sa kanilang mata ang pagkakaintindihan at tumawa sila ng bahagya para sa isa't isa.
At sa sandaling ito,naramdaman ni Nie Lu,katulad noong nakaraan niyang buhay sila ay tunay nang magkaibigan ni Du Ze.Si Lu Piao ay nasa malalim na pagiisip sabay tumayo at pumunta patungo sa tabi ni Nie Li.Ngumiti si Nie Li at nagtanong,"bakit ka nandito?"
Nagkibit balikat si Lu Piao,"nakakatamad ng umupo,mas maangas akong tignan kapag nakatayo.Hindi ba pwede?"
"Haha haha....yan ang bagay sayo!"tawa ni Nie Li.Parehas lang ng paguugali si Lu Piao sa nakaraang buhay niya,siya ay napakatapat na tao.Ang parusang ito ay walang kinalaman kay Lu Piao,pero iniisip niya na kaibigan niya si Nie Li,at ang tunay na magkakaibigan ay magkasama sa hirap at ginhawa.
Maliban kina Lu Piao at Du Ze,may tatlong kabataan na galing sa ordonaryong angkan ang tumayo at sila ay sinamahan sa likuran.si Nie Li ay nabibilang sa aristokratong angkan,ngunit isinugal niya ang kanyang katayuan sa akademiya upang maging boses nila.Malaki ang kanilang pasasalamat nila rito,kaya kailangan nila itong suportahan.
Kasama ng mga kaibigan sa kaniyang tabi,napaisip si Nie Li na hindi naman pala masama ang maparusahan at nakaramdam siya ng tuwa at sigla.
Nang makita niya ito,lalong hindi maipinta ang mukha ni pandora.Nakasimangot ang kanyang mukha at patuloy na nagturo.
"Matapos kayong suriin,sa kabuuan ng klase,Ye Ziyun,na may kulay cyan na soul realm,mayroong 86 na soul force.Si Shen Yue at Xiao Ninger na parehong may kulay berde na soul real,at may 78 soul force.Sila ay malapit ng makatungtong sa pagiging demon spiritualist sa tansong rango.Batiin ninyo sila."marahang pahayag ni Shen Xiu.Ito ang tunay na talento, ano ang maipagmamalaki ni Nie Li sa kanila.
Sa pakikinig sa bawat salita ni Shen Xiu,ang lahat ng magaaral sa loob ng klase ay napasigaw sa gulat.Kulay cyan na soul realm,may 86 na soul force!ang ganitong tao ay naririto sa loob ng kanilang klase.Sa ganitong kataas na talento,siya ay may pagkakataong makatungtong sa pagiging demon spiritualist sa legend na rango.
Para kina Shen Yue at Xiao Ninger ,mayroon din silang hindi ordinaryong talento.Malayo din ang kanilang mararating sa hinaharap.
Si Ye Ziyun ,na walang nakakaalam ng tunay na pagkatao.Siya ay may napakagandang kaanyuan,samahan mo pa ng kanyang pambihirang talento at misteryosong pagkatao.Ito ang dahilan kaya siya ay namumukod tangi sa buong klase.At para kay Xiao Ninger,hindi nalalayo ang kagandahan kay Ye Ziyun,ngunit kinapos lang ng kaunti pagdating sa talento nito.Anumang mangyari,ang mga ordinaryong tao ay walang pagasang makahabol sa kanila.