Chereads / Tales of Demons and Gods(Tagalog) / Chapter 5 - Ikaapat na kabanata:Milyong demon spiritual coin

Chapter 5 - Ikaapat na kabanata:Milyong demon spiritual coin

Sumulyap si Nie Li kay Xiao Ninger,siya ay may maliit na pigura,nakasuot ng maiikling dilaw na palda,at pares ng mataas na takong na boots.

Ang kanyang itim na buhok na nakalugay sa kanyang balikat.Ang kanyang maliwanag,malinaw na mata,maganda ang kurba na kilay,at mahahabang pilikmata na bahagyang gumagalaw.Ang kanyang makinis at maputing kutis na medjo namula-mula,ang kanyang magandang labi na kulay rosas.

Bukod sa bahagyang paghangang kanyang nararamdaman para rito,siya ay hindi maipagkakailang,kakaiba ang taglay na kagandahan at ang malamig na ekspresyon sa kanyang mukha na nakapagpadagdag sa taglay niyang kagandahan.

Bumigat ang pakiramdam ni Nie Li nang maalala na si Xiao Ninger ang pangunahing supling sa angkan ng winged dragon family.Bahagi siya ng isa sa pitong prominenteng angkan.Ang kanyang talento sa soul force ay bahagyang mababa ng kaunti kumpara kay Ye Ziyun.

Bago mawasak ang syudad ng Glory city,siya ay nasa antas na nang pagiging demon spiritualist sa pilak na rango.Kasama si Ye Ziyun,sila ay tinaguriang kambal na Gemini sa makabagong henerasyon.

Isang bagay lang,upang makakuha ng pabor mula sa tatlong pangunahing angkan,ang angkan ng Winged Dragon family ay sapilitang ipinakakasal si Xiao Ninger sa angkan ng Sacred family.Kailangan niyang pakasalan ang nakakatandang kapatid ni Shen Yue.Ngunit ayaw niya itong tanggapin,kaya naman,lumisan siya sa kanyang angkan at pumunta sa bundok ng st. Ancestral sa may black devil forest at hindi na muling bumalik.Siya ay isang babae na hindi nagpapatinag.

Naawa si Nie Li para Kay Xiao Ninger.Kung bibigyan ng pagkakataon,tutulungan niya si Xiao Ninger sa buhay niyang ito.

At kung tanung kung may pagtingin siya kay Xiao Ninger,siya ay walang anumang pagtingin para rito.Sa puso ni Nie Li,si Ye Ziyun lamang ang nagiisang laman nito.

"Ang pagsusulit dalawang buwan mula ngayon para sa mga mandirigma at demon spiritualist,umaasa akong meron ilan na magiging 1 bituin na demon spiritualist sa tansong rango sa inyo.Ako at ng akademiya ng Holy Orchid ay magagalak sa inyo!"tumawa si Shen Xiu.

Tanso,pilak,ginto,itim na ginto, legend,itoy mga rango na nahahati sa limang bituin na antas,kaya ang makarating sa 1 bituing tansong rango ay maikukunsidera na paguumpisa pa lamang.

Kapag ang lakas ng isang mandirigma o ng isang demon spiritualist ay umaabot ang soul force sa 100 sila ay maituturing na 1 bituing  tansong rango.

Pagpasok sa unang antas ay sadyang napakahirap.Maraming tao ang nabigong makapasok sa unang antas upang maging tunay na mandirigma o demon spiritualist.

Matapos marinig ang mga binitiwang salita ni Shen Xiu,nagumpisang magbulungan sa isat isa ang mga magaaral.Upang maging 1 bituing tansong rangong mandirigma,ikaw dapat ay may kakayahang buhatin ang batong may bigat na 100 at masira ang isang puno na kasing kapal ng braso sa pamamagitan ng suntok lamang upang makarating ng 1 bituing tansong rango.Para sa mga kabataang ito,itoy sobrang hirap.Maliban kung sila ay nakakaubos ng mga elixir simula pagkasilang,mahirap itong pagtagumpayan.At upang maging demon spiritualist,isa sa mga kailangan ay pinuhin na makaipon ng malaking soul force sa loob ng kanilang katawan.Mas mahirap itong pagtagumpayan kumpara sa pagiging isang mandirigma.

Ang soul realm ay nahahati sa pitong kulay pula,orange,dilaw,berde,bughaw, cyan at lila.Ang normal na tao ay may kulay pulang soul realm.Para sa kanila ang pagiging demon spiritualist ay napakaimposible bagay.Mas pipiliin na lang nilang maging mandirigma.Para sa nga taong may kulay orange o dilaw na soul realm,sila ay mas angkop na magsanay ng kanilang soul force.Ang mga taong may kulay na berde o cyan ay maituturing na extraordinaryong talento.

Lahat ng magaaral sa klase ay napatingin kina Ye Ziyun,Shen Yue at Xiao Ninger.Kinaiingitan nila ang mga  ito sapagkat sila lamang ang maaring makarating ng 1 bituing tansong rango sa loob lamang ng mas maiikli pa sa kalahating taon.

Pagkatapos na maging ganap na 1 bituing tansong rango,maari na silang makapasok sa opisyal na klase para sa mandirigma o para sa demon spiritualist.At sa mga oras na iyon,hindi na sila maaaring magkasama sa iisang klase.

Nang maramdaman ang mga sulyap ng ibang magaaral sa klase,si Shen Yue ay buong pagmamalaking ibinuka ang kanyang dibdib.Bilang miyembro ng angkan ng Sacred family,mayroon siyang lahat ng klaseng elexir simula pagkabata.Matagal nang panahon na niyang nalagpasan ang kanyang mga kasabayan.Mas madali siyang makakakuha ng 100 soul force sa loob lamang ng dalawang buwan.

Tumingin si Shen Yue sa napakaeleganteng katabi niya na si Ye Ziyun.Siya lamang ang nararapat dito,Si Nie Li ay maituturing na wala kwenta!Ang lakas ng loob na makipagpustahan sa aking tiyahin na siya ay magiging 1 bituing tansong rango sa loob lamang ng dalawang buwan.Napaangas at ignorante!Iniisip ni Nie Li na madaling maging  1 bituing tansong rango?Isang may kulay pulang soul realm na basura ang nangahas na gumawa ng isang hindi makatotohanang pahayag!ha!.

Si Ye Ziyun at Xiao Ninger ay nagkatinginan sa isat isa.Parehas silang hindi ordinaryo ang pinagmulan,na tiyak na hindi masama.Ang tanging nais lamang ni Ye Ziyun ay ang makipagkaibigan kay Xiao Ninger,Ngunit karibal lamang ang turing sa kanya ni Xiao Ninger.Ginawa siyang target nito upang magsanay mabuti at nang maging magkapantay sila nito.

Tumingin si Shen Xiu patungo sa gawi ni Nie Li na may matang mapangutya at nagsalita sa tono na may panghahamak."Para sa mga malakas ang loob na  sabihin na sila ay makakarating ng 1 bituing tansong rango sa loob ng dalawang buwan,tignan ko kung hanggang saan kayo Makakarating!"

Ang soul realm at kondisyon ng katawan ang makakapagsabi ng bilis ng kultibasyon ng isang tao.para sa kondisyon ni Nie Li,batay sa antas,kakailangan niya ng mahigit tatlo hanggang limang taon upang makarating sa pangunahing antas.

Kahit na siya ay maging 1 bituing tansong rango,ang maging demon spiritualist habang meron lamang kulay pulang soul real ay isang ilusyon lamang.Hindi dinibdib ni Nie Li ang mga binitiwang salita ni Shen Xiu.

"Dalawang buwan?may oras pa siya upang mangyari ito!"saad ni Nie Li sabay angat ng gilid ng kanyang labi,at ngumiti ng bahagya na nagpapakita ng tiwala sa sarili.'Panoorin mo kung paano ako maging 1 bituing tansong rango sa loob ng dalawang buwan!'

Palihim na naguusap sina Nie Li,Lu Piao at Du Ze.

"Nie Li,may gusto ka ba kay Ye Ziyun?"tanong ni Lu Piao sabay titig kay Nie Li.

"Oo"buong tapat na sagot ni Nie Li.Tumingin si Lu Piao sa mga mata Nie Li,pagkatapos ng ilang sandali siya ay napabuntong hininga."Sadyang napakaganda ni Ye Ziyun.At dahil ikaw ay aking tunay na kaibigan,ako'y hindi makikipagpaligsahan sayo.Ngunit bilang aking kaibigan,binabalaan kita,ang pagkatao ni Ye Ziyun ay sobrang napakamisteryoso.Siya ay hindi natin magiging kapantay kailan man."

Kahit na ang kanyang angkan ay nabibilang sa isa sa labing dalawang aristokratong angkan,ang pagkatao niya kumpara kay Ye Ziyun ay malaki ang pagitan at pagkakaiba.

"Kayong dalawa,maging makatotohanan nga kayo,si Ye Ziyun ay isang pinaka henyong nilalang, na may kulay cyan na soul realm!malapit na siyang maging 1 bituing tansong rango bilang demon spiritualist.Sa aking tantya sa loob ng dalawang buwan siya ay makakapasok sa opisyal na klase para sa demon spiritualist.Matapos makapasok sa opisyal na klase ng para sa demon spiritualist,ang kanyang kultibasyon ay siguradong tataas.Kung maalala ka niya o hindi ay problema na niya iyon.Ang ayaw ko ay kayong mga galing sa alta sosyedad na angkan na walang ibang gawin kundi ang maghabol ng mga babae,at hindi ninyo alam ang paghihirap sa pagsasanay."ngumuso ng walang humpay si Du Ze.

"Anung ibig sabihin mo na galing sa alta sosyedad na palaging iniisip ang paghahabol ng babae?anung kalokohang sinasabi mo!Palagi akong nagsusumikap!Kadalasan kalahating araw lang ako nagiisip ng tungkol sa babae"napakibit balikat si Lu Piao.

"Diyos ko po!anung klaseng nilalang ang aking nasamahan!"ang nasabi na lang ni Du Ze na pinaikot na lang ang mga mata.

Hindi naman masama ang talento ni Du Ze.Siya ay may kulay na soul realm at siya ay talagang nagsusumikap sa kanyang pagsasanay.At siya ay may mga mararanasang misteryosong bagay, na makakatulong sa kanyang makarating sa antas na 1 bituing gintong rango bilang demon spiritualist.Pangungunahan niya ang kanyang angkan at tulungan ang kanilang angkan maging isang aristokratong angkan.Ito'y isang kamangha-manghang tagumpay.Si Du Ze ay napakatapat na tao,ngunit medjo makaluma ang paniniwala at laging siniseryoso ang mga bagay bagay.Sa kabligtaran ni Du Ze,si Lu Piao ay may mapino at eleganteng kaanyuan.Bagama't kulay pula lamang ang kanyang soul real,mayroon siyang mataas na talento bilang isang mandirigma.Kung maglalagay siya ng tyaga at pagsusumikap,ang kanyang kultibasyon ay siguradong tataas.Subalit,Siya ay masyadong tamad.Sa nakaraang buhay ni Nie Li,pilak na rango lamang ang kanyang narating,malaki ang pagkakaiba kumpara kay Du Ze.

Kakaiba nga talaga magbiro ang tadhana.Bagama't silang dalawa ay sadyang malaki ang pagkakaiba,sila ay naging tunay na magkaibigan sa nakaraan.

Sa pakikinig sa pagtatalo nina Lu Piao at Du Ze,pakiramdam ni Nie Li dati na ito ay hindi maganda.Ngunit ngayon,naantig ang puso ni Nie Li.Maroon siyang ganitong kaibigan,nakakagalak sa puso!

"Nie Li,pinapayuhan kitang tumigil na.Tumuon ka na lamang sa iyong pagsasanay",seryosong panghihikayat ni Du Ze.Kung talagang tuluyan na mahulog ang loob niya rito,ay talagang nakakalungkot na bagay.Sa nakaraan,si Nie Li ay hindi maiwasang mahalin siya.Pagkatapos malaman ang pagiisang dibdib ni Shen Yue at Ye Ziyun,ang kanyang puso ay nasaktan.Ngunit sa buhay niyang ito,kung siya ay wala pa ding mararating,mabuti pang siya ay magpakamatay na lamang.

"Huwag kayong magalala,alam ko ang mga bagay na aking dapat gawin at lahat ito'y aking mapapagtatagumpayan"lakas moon na pahayag ni Nie Li.

Matapos marinig ang mga binitiwang salita ni Nie Li,si Lu Piao at Du Ze ay napatulala sandali.Hindi nila maisip kung saan kumukuha ng lakas ng loob si Nie Li.Matapos makita ang naging ekspresyon ni Nie Li,pakiramdam nila na talagang mapagtatagumpayan niya ito.Hindi mapigilan na maimpluwensyahan sila ni Nie Li.

Naisip si  Du Ze sandali at nagsalita,"Sige ,kahit anuman ang iyong gagawin ,kami ay laging nakasuporta sayo."Ang pagkakaparusa at pagtayo nilang magkasama ay naging hudyat  ng  pagkakaroon nila ng matinding kaugnayan sa isat isa.

"Du Ze at Lu Piao,gagawin ko kayong pinakamalakas na demon spiritualist!"madamdaming pahayag ni Nie Li.Sa kanyang nakaraan,si Du Ze at Lu Piao ay kasama niya sa buhay at kamatayan.Magkasama silang nakipaglaban at maraming beses na iniligtas ang kanyang buhay ng mga ito at ngayon na siya ay muling nagbalik,sisiguraduhin niyang matulungan sina Du Ze at Lu Piao na makamit ang kanilang mga mithiin.

"Kalimutan mo na,kulay pula lamang ang aking soul realm.Sa tulong ng elixir ng aking angkan,ang maging mandirigma ay hindi magiging problema.Ang maging demon spiritualist ay sadyang napakahirap"sambit ni Lu Piao sabay na napaatras.

"Ano ang saysay ng pagiging mandirigma?habang ikaw ay nagpapataas ng antas ,mas humihirap ang pagsasanay at ang mandirigma ay hindi kasing lakas ng demon spiritualist.Sa labanan,ang itim na gintong rangong demon spiritualist ay mas malakas keysa sa nasa legend na rangong mandirigma.Hindi lingid sa iyong kaalaman na malakas sila pagdating sa labanan!"pakikipagtalo ni Du Ze.Siya ay buong umaasang maging demon spiritualist.Kung siya ay may nais gawin,lagi niyang ibibigay ang kanyang lahat nang makakaya.Iyan ang kaniyang paniniwala.

"Hindi ko na kailangang maging mandirigma sa legend na rango.Ang maging mandirigma sa gintong rango,ako'y masaya na."prangkang pahayag ni Lu Piao na hindi matitinag.

Walang masabi si Du Ze.Walang kapaga pagasa ang walang gustong marating na taong ito.

"Kulay pula ang iyong soul realm,ano naman?kulay pula din naman ang aking soul realm!"pahayag ni Nie Li at tumitig kay Lu Piao.

Nagtataka sina Lu Piao at Du Ze.Si Nie Li ay may pulang soul realm,ngunit ang lakas ng loob niyang magsalita na mararating ang tansong rango sa loob ng dalawang buwan.Mayroon kaya itong espesyal na paraan na gagamitin.

"Nie Li,anung paraan ang iyong gagamitin sa paglinang ng iyong soul force upang mapataas ang iyong antas sa pagiging demon spiritualist?"tanong ni Du Ze.Siya masyadong interesado.Sa kanyang pagkakaalam walang madaling paraan upang sanayin ang soul force.

"Makinig lang kayo,hanggat hindi kayo sumusuko,magiging malakas na demon spiritualist kayo!"

"Susuko?hindi yan mangyayari!"hindi natitinag na pahayag ni Du Ze.Siya ay magiging malakas upang mabago ang kapalaran ng kanyang angkan.Sa ganitong pagkakataon,hindi siya maaring sumuko!

Kung posibleng maging demon spiritualist,nararapat lamang na magalak si Lu Piao.kung magiging demon spiritualist siya,hindi na siya masasaktan ng kaniyang ama sa pagiging tamad.Si Lu Piao ay nabibilang sa uri ng taong kapag may pagkakataong magpahinga ay hindi niya ito pakakawalan.

"Hindi ba magiging mahirap?"bulong na tanong ni Lu Piao.

Tinapunan siya ng tingin ni Du Ze.Wala nang pagasa ang taong ito.Gusto niyang maging demon spiritualist nang walang kahirap hirap.Kung siya ay magiging demon spiritualist,gagawin niya ang lahat.Gaano man ito kahirap!

"Hindi ito magiging mahirap!"sagot ni Nie Li habang umiiling.Ang kanyang kulay ng balat ay normal at nagpatuloy"Ang kailangan natin ay maraming pera"

"Kung ito'y masusulosyunan lamang ng pera,itoy mas mapapadali,"pahayag ni Lu Piao na niluwagan ang paghinga."Magkano ang kakailanganin natin?marami akong perang hawak.Nakapagipon ako hanggang dalawang libong demon spirit coin.Kung ako ay magiging demon spiritualist,handa akong gamitin lahat ito."

Kung ang dalawang libong demon spirit coin upang makuha ang titulong demon spiritualist,ay talagang nakakamangha.

Tumingin si Nie Li kay Lu Piao.Ang lakas ng loob ni Lu Piao isipin na ang kanyang dalawang libong demon spirit coin ay sapat na.Walang nagawang nasabit na lang ni Nie Li,"Anung magagawa ng dalawang libong demon spirit coin?syempre hindi ito sapat.Ang kailangan mo ay hindi baba sa milyong demon spirit coin,o hindi kaya hindi baba sa sampung milyon!"

Sampung milyong demon spirit coin.Sina Du Ze at Lu Piao ay napabuntong hininga.Isang milyong demon spirit coin.Iyan ay katumbas ng taunang kita ng mga aristokratong angkan!Saan sila kukuha ng ganung kalaking halaga?