Ang demon spirit coins ay ang currency na ginamit sa syudad ng Glory City. Karaniwan, dalawa hanggang tatlong libong Demon Spirit coin ay magiging sapat para sa taunang gastos ng isang karaniwang pamilya. Ang halaga ng mga item sa syudad ng Glory City ay sinusukat gamit ang Demon Spirit coin. Halimbawa,ang kalasag sa pakikidigma, demon crystals, balahibo ng mga halimaw, elixir at iba't ibang item.
Ang taunang bayad sa akademiya ng Holy Orchid ay humigit-kumulang tatlong libong Demon Spirit coin. Para sa isang karaniwang pamilya, ito ay magiging isang malaking gastos para sa kanila. Ngunit mas gusto ng maraming karaniwang pamilya na mamuhay nang matipid at ipadala ang kanilang mga anak sa akademiya ng Holy Orchid. Ito ay dahil, kapag sila ay naging isang mandirigma o isang Demon Spiritualist, kahit na tansong rango lamang ito, maaari nilang baguhin ang kapalaran ng kanilang pamilya.
Ang isang tansong rangong mandirigma, kung sila ay sumali sa hukbo at magiging isang sundalo, ay magkakaroon ng taunang suweldo na humigit-kumulang lima hanggang anim na libong Demon Spirit coin. Kasabay nito, maaari rin silang makipagsapalaran sa kabundukan ng St. Ancestral at makakuha ng higit pang mga benepisyo mula rito.
Si Nie Li ay nabibilang sa angkan ng Heavenly Mark Family. Ito ay isang medyo humihinang Aristokratong angkan. Ang Patriarch nito ay 1 bituing Gintong rangong Demon Spiritualist. Ang taunang kita ng angkan ay humigit-kumulang anim na daang libong Demon Spirit coin. Napakalaki ng taunang gastusin ng pamilya. Ang mga gastusin lamang sa mga bayarin sa akademiya ng mga kabataan rito ay humigit-kumulang tatlong daang libong Demon Spirit coin. Ito, kasama ang iba't ibang gastusin, ay madalas na nagpapahirap sa angkan upang matugunan ang mga pangangailangan. Nang walang pagpipilian napilitang ipagbili ang ilan sa negosyo ng angkan para masuportahan ang kanilang sariling pangangailangan, nagawa ng angkan ng Heavenly Mark Family na maipasok ang lahat ng nakababatang henerasyon sa akademiya ng Holy Orchid.
Minsang sinabi ng Patriarch na ang isang natatanging miyembro lamang ng mga nakababatang henerasyon ang makapagpapabangon muli ng antas ng angkan. Kahit na kailangan nilang mabuhay nang may mataas na gastusin, hahayaan nila ang bawat isang kabataang henerasyon ng pinakamalaking pag-aalaga na maibibigay nila.
Sa kanyang nakaraang buhay, hindi masyadong naiintindihan ni Nie Li ang pangungusap na ito. Nakaramdam siya ng kakaiba sa Patriarch, sa mga naging aksyon ni Nie Hai. Napakahigpit ng Patriarch sa kanila. Pagkatapos ng kanyang muling pagsilang, sa wakas ay naunawaan ni Nie Li ang ginawang pangangalaga at pag-iisip ng Patriarch.
Bilang miyembro ng angkan ng Heavenly Mark Family, gusto rin niyang lumakas ang angkan at maging mataas ang antas ng pamumuhay sa syudad ng Glory City.
Pagkatapos ng kanyang muling pagsilang, ang memorya ni Nie Li ay nagkaroon ng maraming makapangyarihang pamamaraan ng paglilinang ng kultibasyon. Bago iyon, kailangan niyang kumita ng kaunting pera upang makabili ng ilang pangunahing mga Soul Krystal. Para masubukan ang katangian ng kanyang Soul Realm kailangan niya ng Soul Krystal. Pagkatapos, maaari siyang magpasya kung aling uring pamamaraan ng paglilinang ng kultibasyon ang dapat gamitin. Kung ang pamamaraan sa kultibasyon ay tumutugma sa mga katangian ng Soul Realm, kung gayon ang pagsasanay ay magiging mas mabilis at epektibo.
Dong! Dong! Dong!
Tumunog ang kampana sa kabuuan ng syudad ng Glory City. Hudyat ng pagtatapos ng klase.
Ang mga estudyante ng Holy Orchid Institute ay nagmamadaling lumabas sa malalaking tarangkahan, at dumaan sa mataong kalye sa harapan. Sunud-sunod na nagsisigawan ang mga maririnig mula sa mga mangangalakal.
"Pinakabagong tansong rangong kalasag sa pakikidigma! Na may nakaguhit na Snow Wind Patterns sa kanila! Mga ginoo ,at mga binibini, interesado ba kayo?" Isang tindero na may kulay abong tunika ang sumalubong sa mga tao na may labis na sigla. Hindi nagtagal ay nakakuha ito ng atensyon ng maraming estudyante. Ang tansong rangong kalasag ay hindi isang bagay na kayang bayaran ng isang ordinaryong estudyante. Gayunpaman, sa loob ng akademiya ng Holy Orchid, marami pa rin ang mga anak ng maharlika. Ang ilan sa kanila ay sobrang kargado, at maaari silang magbenta sa mga mayayamang estudyante kung sila ay papalarin.
"Tingnan mo, tansong rangong kalasag na may nakaguhit na Snow Wind Patterns!"
Tuwang-tuwa ang mga estudyante at nag-usap-usap. Ang isang pares ng guwantes na bakal ay naglalabas ng malalim na asul na liwanag. Ang ibabaw ay natatakpan ng misteryosong mga ukit at nagpakita ng mahinang malamig na pakiramdam.
"Magkano ito?" Tanong ng isang estudyante sa mahinang boses.
"Animnapung libong Demon Spirit coin!" Sabi nung tindero habang nakangiti.
"mahabaging langit, napakamahal!"
"Ito ay tansong rangong kalasag na may nakasulat na Snow Wind Patterns. Ang Snow Wind Pattern ay iginuhit gamit ang dugo ng isang Snow Wind Banshee. Ang banshee ay nasa kasagsagan ng kanyang kalakasan bago ito paslangin. Ang Snow Wind Banshee ay hindi madaling tugisin. Dahil sa kanilang mga katangian, nagkaroon din ng malakas na kakayahan sa pag-atake ang mga guwantes na bakal na ito. Ito ay tiyak na angkop na sandata para sa Snow Wind na uri ng mandirigma o Demon Spiritualist!" Nagyayabang ang tindero habang ipinakilala niya ang kalasag.
Maraming mga magaaral ang tumingin sa pares ng guwantes na bakal na may pagnanais makuha ito, ngunit umalis pa rin sila. Ang ganung mamahaling bagay ay hindi nila kayang bayaran.
"Kung ang tansong rangong kalasag lang ay nagkakahalaga ng animnapung libong demon spirit coins, hindi ba mas mahal ang pilak na rangong kalasag at gintong rangong kalasag?" ungol ni Lu Piao. Ang kanyang buwanang allowance ay halos limang daang Demon Spirit coin lamang. Maraming negosyo ang pamilya ni Lu Piao, kaya maaaring ituring na mayaman si Lu Piao. Sa kanyang nakaraang buhay, madalas na tinutulungan ni Lu Piao sina Nie Li at Du Ze. Ngunit kahit na may pera si Lu Piao, ang tansong rangong kalasag ay hindi niya kayang bayaran.
Habang naglalakad sina Nie Li, Lu Piao, at Du Ze, tumingin sila sa paligid. Ang kalye na ito ay puno ng lahat ng uri ng mga bagay. Kahit anong item, mahal man o mura, makikita dito.
"Nie Li, anong balak mo?" tanong ni Lu Piao, nalilito habang nililingon ni Nie Li ang paligid.
Habang nag-uusap sila, may dumating na pigura sa harap ng nagtitinda.
"Tingnan mo, si Shen Yue!" Sinabi ni Lu Piao, itinuro ang kinaroroonan ni Shen Yue gamit ang kanyang bibig, "At pati si Ye Ziyun!"
Tumingin si Nie Li sa direksyong iyon. Nakita lang niya si Ye Ziyun at ilang kababaihan ang masayang nag-uusap. Puno ng sikat ng araw ang magandang mukha at matamis niyang ngiti. Sa grupo ng mga babae, ang ngiti ni Ye Ziyun ay talagang ang pinaka nakakasilaw, na nakakapagpatingin sa lahat. Nagiging mas makulay ang lahat sa kapaligiran nang dahil kay Ye Ziyun.
Napapatingin din si Shen Yue sa kanya paminsan-minsan.
"Magaling, kulang ako sa tansong rangong guwantes na bakal. Ibalot mo itong tansong rangong guwantes na bakal para sa akin," mahinang sabi ni Shen Yue sa tindero.
"Masusunod, YOUNG MASTER!"
Agad na napangisi ang tindero nang marinig ang mga salitang binitiwan ni Shen Yue at mabilis na ibinalot ang guwantes na bakal.
"Narito ang animnapung libong Demon Spirit coin."
Naglabas si Shen Yue ng anim na Demon Krystal card. Ang isang Demon Krystal na card ay katumbas ng sampung libong Demon Spirit coin.
Ginawa niyang balewala lamang ang animnapung libong Demon Spirit coin. Sa isang'Wala akong pakialam' na uri ng ekspresyon ay inilagay niya ang tansong rangong guwantes na bakal sa kanyang interspatial na singsing.
Ilang mga kababaihang nakapaligid sa kanya ang nagpakawala ng mahinang tinig. Madali lang siyang nakapaglabas ng animnapung libong Demon Spirit coin, napakayaman! Ang ilan sa medyo magandang mga kababaihan ay lumiwanag ang kanilang mga mata. Tinapunan nila ng mapangakit na tingin si Shen Yue. Gayunpaman, itinuring sila ni Shen Yue na parang hindi sila nakikita. Buong pagmamalaki niyang tumingin sa grupo ni Nie Li. Pagkatapos, tumingin siya kay Ye Ziyun. Malinaw na sinabi ng kanyang mga mata, 'ang aking mga mata ay nakalaan lamang sayo.'
"Kasuklam-suklam!" Ungol ni Lu Piao, "Ito ay isang balang kulay pilak na pagatake!"
"Napakalupit! Madaling itapon ang animnapung libong Demon Spirit coin, at maging ang pagkakaroon ng interspatial na singsing." Inilahad ni Du Ze ang kanyang mga kamay. Umiling siya, tumingin siya kay Nie Li at sinabing, "Nie Li, ang mga katulad niya ay guwapo at mayaman. Ano ang maipagmamalaki mo laban sa kanya?"
"Hehe. Walang pakialam si Ziyun sa halagang iyon," kaswal na nagsalita si Nie Li. Iniwas niya ang kanyang tingin kay Ye Ziyun. Hindi niya pinansin ang pagkilos ni Shen Yue, at nakikipag-usap sa ilang babae sa tabi niya. Ang kanyang mga mata ay paminsan-minsan ay nakatingin kay Xiao Ning'er, ngunit si Xiao Ning'er ay tumahimik sa isang tabi.
Malamig ang ekspresyon ni Xiao Ning'er. Karaniwan siyang palaging nag-iisa, at hindi gaanong nakikipag-ugnayan sa ibang mga magaaral.
Alam ni Nie Li na ang pinaka nanais ni Ye Ziyun ngayon ay pagkakaibigan. Sa kanyang nakaraang buhay, laging nais ni Ye Ziyun na maging kaibigan si Xiao Ning'er, ngunit ang kanilang mga pagkakakilanlan ang nagdulot sa kanila upang tuluyang maghiwalay ang kanilang landas.
Sa pagtingin sa ekspresyon ni Ye Ziyun, medyo nadismaya si Shen Yue.
"Okay, talagang walang pakialam si Ye Ziyun sa pera. Nie Li, hindi niya gusto ang mga babae, tama ba? Kung oo, wala ka nang pag-asa," pumikit si Lu Piao, na tinutukso si Nie Li.
Tumawa si Nie Li. Natural na hindi niya isapuso ang mga salita ni Lu Piao. Sa kanyang nakaraang buhay, siya lang ang nagiisang lalaki sa buhay ni Ye Ziyun.
"Tara na, sisimulan ko na ang aking mga plano!"
Naging mataimtim ang ekspresyon nina Du Ze at Lu Piao, tumango ang kanilang mga ulo.
"Lu Piao, bumili ka ng dalawang pana at limang daang palaso. Ang isang pana ay nagkakahalaga ng isang daan at animnapung Demon Spirit coin bawat isa at ang mga palaso ay nagkakahalaga ng tatlumpung Demon Spirit coin bawat isa, huwag kang magpapalinlang sa mga mangangalakal!" Sinabi ni Nie Li kay Lu Piao, "Magkikita tayo sa lugar ng pagsasanay ng akademiya."
"Sige!" sabi ni Lu Piao na tumango-tango at na may kaunting kuryusidad sa kanyang puso. Bumili ba si Nie Li ng mga pana at palaso noong nakaraan, dahil alam niya ang presyo ng mga ito?
Ang buwanang allowance ni Nie Li ay limampung demon spirit coins lamang, kaya wala siyang sapat na pambili ng mamahaling bagay.
"Du Ze, bibili tayo ng halamang Black Pool Grass," sabi ni Nie Li. Ang Black Pool Grass ay may tiyak na epekto ng paralisa.
Mas malala pa ang sitwasyon ni Du Ze kaysa kay Nie Li. Natural, hindi hahayaan ni Nie Li na gamitin ni Du Ze ang kanyang pera. Kaya noong bumili ng mga halamang iyon, si Nie Li lamang ang nagbabayad.
Ang halamang Black Pool Grass ay napakamura lamang.Isang Demon Spirit coin ay sapat na upang makabili ng isang bungkos nito.Karagdagan nito,si Nie Lie ay bumili din ng mababang antas ng Fusing Agents at pumunta sa isang maliit na burol sa gilid na bahagi ng syudad ng Glory city upang manguha ng ilang halamang Zoysia Grass.
"Anung pinaplano mo?"interesadong tanong ni Du Ze.
Misteryosong tumawa si Nie Li."Ang halamang Black Pool Grass ay may tiyak na epektong pagkaparalisa,ngunit mababa ang pagkabisa nito.Ito ay karaniwang pinapahid sa mga sugat upang maibsan ang sakit.At para sa halamang Zoysia Grass,ito ay karaniwang damo lamang na wala pang sinuman ang nakakatuklas ng tunay na gamit nito.Subalit,kapag ginamit kasama ng Fusing Agents at ng halamang Black Pool Grass,itoy nakakatulong na palakasin ang epekto ng pagkaparalisa ng halamang Black Pool Grass."
Ilang sandaling natigilan si Du Ze at biglang nagtanong "Gaano kalakas ang epekto ng pagkaparalisa?"
Tumawa si Nie Li at muling nagsalita "Walang masyadong epekto sa isang ordinaryong halimaw.Ang epekto ay mababa pa keysa sa mababang uri ng paralyzing agent.Ngunit hindi mo ba alam ang Horned Sheep ay hindi kailan man kumakain ng damong Zoysia Grass."
"Horned Sheep?" Paguulit ni Du Ze at natahimik ng ilang sandali.At may bahagyang nahuhulaang bagay,nabuhayan ang mga mata,"Nie Li,ikaw ba ay ganap na Alchemist?"
"Isang Alchemist?.."napaisip sandali si Nie Li at tumawa "Siguro....!"
Ang Alchemist ay tumutukoy sa mga gumagamit ng halamang gamot upang makabuo ng isang elixir o mga taong nagbibigay ng mga reseta.Si Nie Li ay hindi isang Alchemist.Sa kanyang nakaraang buhay,siya ay may kaunting kaalaman lamang rito.Subalit,sa syudad ng Glory city ang batayan ng pagiging Alchemist ay sadyang napakababa.Hindi sila maaring ituring na totoong Alchemist.Maaring maliitin lamang ni Nie Li ang tinatwag nilang Alchemist sa syudad ng Glory city.Noong Naglalakbay si Nie Li sa kabuuan ng Kontinente,siya ay nakapasok sa Toxic forest.Ang mga naninirahan sa Toxic forest ay nakaligtas sa ilang beses na pagatake ng mga nakakalasong mga halimaw.Sila ang maituturing tunay na Alchemist.
Inuumpisahan na ni Nie Lie ang paghahalo ng mga halaman at Fusing Agents,siya ay nakabuo ng mahigit na anim na punong bote ng gamot.
Sa lugar ng pagsasanay ng akademiya ng Holy Orchid.
Ang lugar ng pagsasanay ay itinayo ng isang legend na rangong Demon Spiritualist na si panginoong Ye Mo at punong guro ng akademiya,na isang Demon Spiritualist na nasa itim na gintong rango.Ang lugar ng pagsasanay ay napapaligiran ng nagtataasang mga pader.Kada taon,ang mga eksperto ng syudad ng Glory city ay humuhuli ng mga mababang antas ng halimaw at inilalagay sa loob ng lugar ng pagsasanay.Kahit sinumang magaaral sa akademiya ng Holy Orchid na may antas na hindi aabot sa pilak na rango, ang maaring makapasok sa lugar.Ang mga magaaral ay maaring manugis sa loob at makakuha ng mga balahibo ng halimaw ,Demon Krystal, at ibat ibang materyales na mula sa mga halimaw na ito at malayang makakapili kung itatapon ito o pakikinabangan.Ang mga mahirap na magaaral ay pinapayagang manugis sa loob ng lugar ng pagsasanay upang matulungan ang kanilang angkan sa mga pinansyal na pangangailangan.
Ang grupo ni Nie Li na binubuo ng tatlong miyembro ay hindi pa nakakarating sa antas ng 1 bituing tansong rango.Kaya ang lugar na kanilang tutunguhin sa loob ng lugar ng pagsasanay ay ang pinakaligtas na bahagi nito.Meron lamang Horned Sheep sa bahaging ito.Kahit na ang Horned Sheep ay may napakaagrisibong katangian,sila ay uri ng halimaw na tanging mga halaman lamang ang kinakain.Samakatuwid,ang kanilang atake ay makakapgdulot lamang ng seryosong pinsala.Kaya maituturing silang ligtas para sa tao.
Ang grupo ni Nie Li ay nakapasok matapos mapatunayan ang pagkakakilanlan ng bantay sa pasukan ng lugar ng pagsasanay.Ang lugar ng magaaral sa lugar ng pagsasanay ay nasa loob ng kalat kalat na mga punong bahagi,mayroong paunti unting umuusbong na damo sa kinaroroonan ng Horned Sheep na unti unting humaharap sa kanila.Namumula ang kanilang mga mata.Paminsan minsan,nilalabas nila ang kanilang mga tenga upang makinig.Kapag tagalabas ang nakapasok sa kanilang teretoryo,sila ay walang awang aatake.Nang biglang,hindi normal na tunog ang kanilang narinig.Ang Horned Sheep na malapit sa grupo ni Nie Li ay nagpakawala ng isang ungol at mabilis na tumakbo patungo sa direksyon ng hindi normal na tunog.