Chereads / Tales of Demons and Gods(Tagalog) / Chapter 8 - Ikaanim na kabanata:Xiao Ning'er

Chapter 8 - Ikaanim na kabanata:Xiao Ning'er

Si Nie Li,ako talaga ang ginawang pain.Napakapangahas niya!"tumingin si Lu Piao sa Horned Sheep na patungo sa kinaroroonan niya.Itoy nakakapagpatakot sa kanya,dahilan kaya siya nanginginig habang tumatakbo paatras.

Samantala,si Du Ze at Nie Li ay nagkukubli sa may damuhan.Hawak nila ang mga pana sa kanilang mga kamay.

"Diyos ko po!ang Horned Sheep na ito ay nakakatakot,patamaan nyo!patamaan nyo!"sumisigaw na si Lu Piao.Nang makita niya ang Horned Sheep ay papalapit na,siya ay tumakbo ng walang humpay.

"Itong si Lu Piao,hindi ba napagkasunduan natin na siya ay mananatili lamang doon at huwag gagalaw?Ang Horned Sheep ay siguradong mahuhulog sa ating pain.Subalit,kapag siya ay tumakbo,ang halimaw na iyon ay makakaiwas sa direksyon ng ating pain."napasimangot si Nie Li.

Ang pain ay isang maliit,dalawang dangkal na lapad na lalim na hukay kapag ang Horned Sheep ay hindi sinasadyang makaapak sa kanilang pain,siguradong mapipilayan ang binti nito.Patamaan ito ng palaso,kapag ito ay nangyari,sigurado maganda ang magiging resulta.

Makita si Lu Piao na tumatakbo nang natataranta,si Du Ze ay nakaramdam ng kaba at walang humpay ang pagtira ng palaso sa halimaw.

"Shoo!shoo!shoo!"tatlong palaso ang pinakawalan gamit ang pana. Hindi naman masyado malaking halimaw ang Horned Sheep.At

hindi pa nasusugatan ito kaya sadyang napakabilis pa ang mga galaw at kilos nito.Nang maramdaman ng Horned Sheep ang paparating na palaso na patungo sa kanyang direksyon,mabilisan itong gumawa ng ilang talon,na naging dahilan na lumampas ang tatlong palaso rito,kaya nakaiwas ito.

"Ano,sumablay!"

Si Lu Piao ay naguguluhan habang papalapit sa kanya ang Horned Sheep.Maisip niya na sina Du Ze at Nie Li ay gumawa ng ganitong pagkakamali;napapaiyak na lamang ang kanyang puso.Naisip niya na nagkamali yata siya ng desisyong makipagkaibigan sa mga ito.Kung makarating sa kanya ang matalas nitong sungay,siguradong ito ay magdudulot ng sakit sa kaniyang likuran.

Nang makita niya na nakaiwas ito sa mga palaso,at nagpatuloy sa pagsugod kay Lu Piao,nagdulot ito sa kamay ni Du Ze na pagpawisan.Kung muli niyang susubukan na kargahan ng palaso ang pana,siya magiging huli pa din.Hindi niya maisip ang senaryo kung saan ang sungay ng Horned Sheep ay nakatusok sa bandang likuran ni Lu Piao.

"Nie Li,anung gagawin natin..."natigilan sa pagsasalita si Du Ze.Natatakot siyang abalahin si Nie Li.Si Nie Li ay nakayuko.Nakatuwid ang kanyang mga braso habang ang pana ay nasa kaliwang kamay.Ang kanang kamay ay nakahanda anumang oras upang pakawalan ang palaso.Ang kanyang mga mata ay nakatutok sa kanilang pakay at ang pana ay matatag na tila nakalagay sa isang lagayan.Nakaramdam ng pagkamangha si Du Ze.Hindi pa nasubukan ni Nie Li ang gumamit ng pana,Ngunit pakiramdam ni Du Ze na siguradong matatamaan ng palaso ang Horned Sheep.Si Nie Li,sa mga oras na ito,ay tila isang tigre na nakayuko sa damuhan,na nakaabang sa kanyang bibiktimahin.Siya ay naglalabas ng kamangha-manghang awra.

Bagaman ang kanyang pangangatawan ay mahina at hindi pa nakakarating sa antas ng tansong rangong mandirigma,ang kanyang mayamang karanasan mula sa kanyang nakaraang buhay ay kaniyang tinataglay pa rin.Ang mga karanasan na nakuha ni Nie Li sa mga madugong labanan na kanyang nalagpasan.Ilan dito ay karanasan sa bingit ng kamatayan.Kahit anumang uri ng sandata,espada man yan,pana o kahit piraso ng metal.Sa mga kamay ni Nie Li,itoy nagiging isang nakakamatay na sandata.Kahit na si Nie Li ay hindi pa tansong rangong mandirigma,marami siyang paraan upang paslangin ang tansong rango o kahit na pilak na rangong mandirigma.Ang kapaligiran ay tila ba iisa lamang ang taong nandoroon.Ang mga titig ni Nie Li sa kanyang mga mata ay tila lawin na nagaabang ng kanyang biktima.

Ang bahagyang makabuluhang malambot na pisngi ni Nie Li,matatag na tingin at ang kanyang kilos na nakapagbibigay ng pakiramdam na tila lawang walang kasing lalim.

Psh!

Pinakawalan ni Nie Li ang palaso at itoy mabilis na naglakbay.Ang palasong kumawala ay naging pilak na liwanag na magandang lumipad nang mabilis.Ang anggulong pinatamaan ni Nie Li ay ang lugar na hindi sakop ng paningin ng Horned Sheep.

"Tumama!"

Makitang lumipad ng mabilis ang palaso,ang puso ni Du Ze ay nagulat.Binibigyan siya ng kakaibang pakiramdam ni Nie Li.Na tila ba ay ito  ay isa nang beterano sa pagpapana.

Hindi na nagawa pa ng Horned Sheep na umiwas sa oras.

Plop!

Ang palaso ay tumama sa likurang bahagi ng binti nito.

Thud!

Bumagsak ang Horned Sheep sa lupa nang nanginginig,bumagsak ito sa harap ni Lu Piao at nagpataas ng mga alikabok sa paligid.

Kinakapos sa hininga si Lu Piao.Siya ay sobrang kinabahan.Nang makita niya ang Horned Sheep na walang tigil sa panginginig,hindi niya maiwasang mapaisip,'Diyos ko,iyon ay talagang nakakakaba,oh dyos ko po nakaligtas ako'

Kung ang pinakawalang palaso ni Nie Li ay bahagyang mabagal,siguradong tinamaan na ako ng Horned Sheep.Kung ang palaso ay pangkaraniwan lamang,ang ganitong pinsala ay hindi makakaapekto sa halimaw na  Horned Sheep at itoy makakabangon muli.Ngunit ang palasong gamit nila ay hindi pangkaraniwan.Itoy pinahiran ng gamot mula sa pinaghalong halamang Pool Grass at Zoysia Grass .Itoy naging mabisang panlaban sa Horned Sheep.Ang gamot ay mabilisang dumaloy sa mga ugat patungo sa puso ng Horned Sheep.Sa ilang sandali ang ungol ng Horned Sheep ay pahina nang pahina.

"Ang bilis!"si Du Ze ay nasopresa.Hindi niya akalain na ang gamot na ginawang paghaluin ni Nie Li ay magdudulot ng ganung kalakas na epekto.Ilang sandali pa ang hindi kalakihang halimaw ay bumigay na.

Nasopresa din si Lu Piao.Alam niya kung gaano kalakas ang halimaw na iyon,itoy katumbas ng lakas ng dalawang tansong rangong mandirigma na pinagsama.kadalasan mahabang oras ang ginugugol sa paggapi ng isa,ngunit ang Horned Sheep na ito ay nagapi lamang ng isang maliit na palaso.

"Sobrang nakakasabik iyon!"

Sa tuwing maiisip ni Lu Piao ang mga senaryo mula kanina,muling namamayani ang takot sa kanyang dibdib.

"Kung hindi ka tumakbo,ang Horned Sheep na iyon ay hindi magiging banta para sa iyo.!"bahagyang tumawa si Nie Li.

"Okay!"bulong ni Lu Piao at ang kanyang pisngi ay namula.Hindi siya sumunod ayon sa kanilang plano,mabilis siya nataranta nang makita na sumsugod sa direksyon niya ang Horned Sheep.

Makita ang nakahandusay na Horned Sheep,si Lu Piao ay nakaramdam na tila siya ay nasa isang panaginip.Ang pigura at kilos ni Nie Li mula kanina hanggang ngayon ay nakatatak sa kanyang isip,ito ang kaunaunahang pagkakataon na si Lu Piao ay humanga sa isang tao.Ang kakayahan ni Nie Li sa pagpapana ay nasa lebel ng pagkamaster.Kahit na magsanay ang isang ordinaryong tao ng sampung taon,hindi nito mararating ang lebel ni Nie Li.

"Bilis at linisan mo na ito.Wala tayong ibang nais kungdi ang mga sungay nito,ang balahibo sa may leeg,ang Demon krystal,at ang Demon Spirit nito!"mabilisang utos ni Nie Li.Ang Demon Krystal at Demon Spirit ng Horned Sheep ay matatagpuan sa may utak nito.Ang Demon Krystal ay isang maliit na kristal at karamihan sa mga halimaw ay mayroon nito.Ang Demon Spirit naman,isa o dalawa lamang sa sampung libong Horned Sheep ang nagkakaroon nito.Ang hugis ng Demon Spirit ay tila apoy sa kandila.

Ang Horned Sheep na may Demon Spirit ay karaniwang mas malakas sa ibang Horned Sheep.

Ang Horned Sheep ay mababang uri lamang,1 bituing tansong rangong halimaw lamang ito.Ang mga materyal na makukuha mula rito ay karaniwang nasa mababang halaga lamang.Ang isang pares na sungay ay maipagbibili lamang ng limang Demon Spirit coin,ang balahibo sa leeg nito ay nagkakahalaga lamang ng tatlong Demon Spirit coin.At para naman sa Demon Krystal,nagkakahalaga naman ng limang Demon Spirit coin.

Sa kabuuan nito,kahit na wala itong taglay na Demon Spirit, itoy nagkakahalaga pa rin sa kabuuang halaga na labing tatlong Demon Spirit coin.

Kadalasan kinukuha lang nila ng limang minuto ang pagpaslang sa Horned Sheep.Kung ganito lamang katagal,siguradong makakakuha silang tatlo ng libo libong Demon Spirit coin.

Hindi mapigilan ni Du Ze ang makaramdam ng pagkasabik.Ang kanyang pamilya ay sobrang hirap na kumikita lamang kada taon ng dalawa hanggang tatlong libong Demon Spirit coin.Para lang makapasok sa akademiya ng Holy Orchid,ang angkan ni Du Ze ay kinailangan pang humiram ng malaking halaga mula sa mga kamag anak at mga kaibigan nito.Si Du Ze ang pagasa ng kanilang angkan!kung siya ay sasama kay Nie Li sa panunugis ng Horned Sheep,magkakaroon siya ng kakayahang mabayaran ang bayarin niya sa akademiya sa hinaharap!

Ngumiti si Nie Li at nagsalita"Kailangan nating maging mas mabilis pa.Hindi tayo magpapahinga ngayong Gabi!"

"Okay!"nagagalak na sagot ni Du Ze.Bagaman hindi pa sila nakakapasok sa antas ng 1 bituing tansong rango,ang kanilang pangangatawan ay malakas.Ang magpuyat ng buong gabi ay balewala lamang.

Hindi mapigilan ni Lu Piao ang mapaluha sa dalawang taong ito na simpleng kuripot.Kaya nilang talikuran ang magpahinga alang alang sa pera!Bagaman siya ay nalulungkot,wala siyang ibang pagpipilian.Sino ba ang nagsabi sa kanya na sumama sa grupo na ito?

Sama sama silang tatlong nagtrabaho at nanugis ng mga Horned Sheep.Matapos makapaslang ng dosena nito,si Lu Piao ang naghahakot palabas ng mga materyales mula sa Horned Sheep upang ipagbili.Sa isang gabi,ang grupo ni Nie Li ay nakapanugis ng Horned Sheep ng kabuuang isang daan at dalawangpu,na maaring ipagbili sa halagang isang libo at dalawang daang Demon Spirit coin.Kung ibabahagi ng pantay pantay,ang bawat isa sa kanila ay makakatanggap ng halagang apat na daang Demon Spirit coin.

Ang ganitong kalaking halaga ay sadyang nakakamangha sa katulad nilang hindi pa nakakapasok sa antas ng 1 bituing tansong rango.Kahit na ang tansong rangong mandirigma,ang makakuha ng dalawangpu hanggang tatlongpung Demon Spirit coin ay maituturing ng malaking halaga.

Pitong araw na magkakasunod ang kanilang ginugugol sa pagpasok sa klase sa umaga,pagdating ng gabi,silang tatlo ay pumapaslang ng mga Horned Sheep.Ang kanilang nalikom na pera ay umabot na ng sampung libong Demon Spirit coin,na maituturing na malaking halagang kayaman sa kanila.

Ang mga magaaral sa akademiya ng Holy Orchid ay nagtataka kung bakit ang bilang ng mga Horned Sheep sa lugar ng pagsasanay ay bumababa.Noong nakaraan,maglakad lamang sila sa loob at makakakita na agad sila ng  grupo ng mga Horned Sheep.Subalit ,ngayon kailangan pa nila gumugol ng maraming oras makahanap lang ng isa.Siguro may halimaw na tila Leon na nakapasok sa lugar kung saan nanunugis ng mga Horned Sheep?Ang akademiya ng Holy Orchid ay nagpadala na nang mga instruktor upang imbestigahan ang nangyayari,ngunit wala silang anumang makitang kakaiba.

Sa walong araw na magkakasunod na gabi,ang grupo ni Nie Li ay nasa kadiliman na nanunugis ng mga Horned Sheep.Ang kalangitan ay madilim at ito ay hatinggabi na.

Humikab si Lu Piao at nagsalita"Nie Li,hindi ko na kaya at ako ay iidlip muna sa ibabaw ng puno"

Pitong araw na magkakasunod na walang humpay na panunugis sa Horned Sheep ang nagdulot upang siya ay mapagod at hindi na kayang magpatuloy pa.Hindi lamang si Lu Piao,pati si Du Ze ay hindi na rin kinakaya.

"Nie Li,kailangan ko na muna matulog"saad ni Du Ze.Ang talukap ng kanyang mga mata ay lumalaban upang manatiling gising sa loob ng pitong araw.Kahit na ang isang taong bakal ay hindi ito kakayanin.

" Kayo ay mauna munang matulog,ipagpapatuloy na lang natin ito bukas ng gabi,may iba akong plano  ngayon!"pahayag ni Nie Li.Siya ay nakalikom na ng labing anim na libong Demon Spirit coin.Ito ang kanilang paunang pondo.Sa pamamagitan nito,maraming bagay na silang magagawa.Hindi na nila kailngan na manugis ng mga Horned Sheep.

Si Lu Piao at Du Ze ay umakyat sa mataas na puno,humiga sa sanga nito at mabilis na nakatulog.Mababakas sa kanilang batang mukha ang pagkapagod.Bagaman parehas silang nabibilang sa uri ng hindi pa nahihinog,sa huli sila ay binatilyo pa lamang.

Mabilis na naglakbay sa kakahuyan si Nie Li.May bilugang buwan na nasa kalangitan.Ang tunog ng ibat ibang uring insekto ang maririnig paminsan minsan,ang nagdudulot sa kapaligiran ng katahimikan.

Nang biglang,si Nie Lie ay may marinig na kakaibang tunog sa hindi kalayuan,na parang may ibang tao doon.

"Sino pa ang tao sa mga oras na into?"

Napakunot si Nie Li at tumakbo sa direksyon na iyon.Nagtago siya sa kakahuyan habang tumitingin sa lugar na nasisinagan ng liwanag ng buwan.Siya ay may buhok na hanggang balikat,na may suot ng leather jacket,at naglalabas ng malabong kulay bughaw na liwanag.Ito ay liwanag ng Soul Force!Bagaman hindi pa siya nakakatungtong sa antas ng tansong rango,subalit malapit na ito na kanyang makamit.

Gamit ang liwanag mula sa Soul Force,napadako ang titig ni Nie Li sa mukha nito.Nakapikit ang mga mata nito,ang Mahaba nitong pilikmata na bahagyang gumagalaw,at ang makurbang kilay nito.Ang makinis,na maputing balat na nagliliwanag ng kulay rosas,at mayaman at maselan nitong labi.Siya at si Ye Ziyun ay nagtataglay ng dalawang magkaibang uri ng ganda.Si Ye Ziyun ay nagtataglay ng tahimik na may pagkaeleganteng ganda,na tila isang magandang kulay lilang bulaklak.Samantalang siya ay kaakit akit na may mapangakit na ganda,na tila rosas na may tinik.

"Si Xiao Ning'er,hindi ko akalain na siya ito!"bulong ni Nie Li na bahagyang nasopresa nang sandali.Hindi niya akalain na si Xiao Ning'er ay ganito kapursigidong magsanay.Nililinang niya ang kanyang Soul Force sa ganitong oras ng gabi.Tantiya niya na ito ay malapit nang makapasok sa tansong rango.

Sa kanyang pagiisip sa kanyang nakaraang buhay,nang makapasok si Xiao Ning'er sa 1 bituing tansong rango,siya ay magkakasakit ng dalawang taon at ang kanyang kultibasyon ay maaapektuhan ng malaki.Bagaman kailangan niyang muling magsanay mula umpisa,ngunit ang sabi sabi simula noon siya ay may dinadala nang sakit.Bagaman siya ay nagkasakit,sa mata ng nakakarami,siya ay isang maningning na bituin.Siya ay malakas na babae!

Isipin lang na kung paano magsanay si Xiao Ning'er rito sa gitna ng gabi,biglang naintindihan ni Nie Li ang lahat.Bagaman si Xiao Ning'er ay pursigido,ang turing niya sa kanyang buhay ay isang katawatawa lamang.

"Sino!?"biglang iminulat ni Xiao Ning'er ang kanyang mga mata at mahinang sumigaw,habang may kinukuhang maliit na patalim.Siya ay maingat na tumingin kay Nie Li.Malamig ang kanyang ekspresyon sa mukha.

Sa pamamagitan ng sinag ng buwan,ang kanyang malalim at alertong mata na may kaakit akit na taglay.Bagaman siya ay labing tatlong taong gulang pa lang,ang kasalukuyang siya ay talagang maituturing na napakagandang nilalang.Ang harapang bahagi ng leather jacket sa parte ng dibdib na may bahagyang nakaumbok.Sa ganitong edad,dapat siya ay magmalaki.

"Ako si Nie Li!"sagot ni Nie Li.Bagaman hindi sila naguusap ni Xiao Ning'er,sila ay maituturing pa ring magkaklase at bahagyang pamilyar sa isat isa.

Ibinaba ni Xiao Ning'er ang maliit na patalim,ngunit hindi pa ring kampanteng tumingin kay Nie Li at nagtanong"Anung ginagawa mo rito?"

Ngumiti ng bahagya si Nie Li"Ikaw anung ginagawa mo rito?

"Nagsasanay ako ng aking Soul Force rito"sagot ni Xiao Ning'er,tumingin kay Nie Li mula sa liwanag ng buwan.Matalas ang kilay ni Nie Li.May pagka kagandahang lalaki ito,hindi katulad ng iba na nakakatakot sa unang tingin.

Nagkibit balikat si Nie Li at nagsalita"ako ay nanatili muna rito"

"Nagsisinungaling ka.Akala mo hindi ko alam.Nitong mga nakaraang araw kayo ng mga kaibigan mo ay pumapaslang ng mga Horned Sheep,"saad ni Xiao Ning'er.Nakikita na niya ang grupo ni Nie Li,ngunit hindi siya nagtangkang bumati sa mga ito.Napapaisip lang si Xiao Ning'er sa kung anung inilagay ng grupo ni Nie Sa palaso na nakakapagpabagsak sa mga Horned Sheep sa pamanagitang lamang ng isang piraso nito,ngunit hindi para magtangka siyang tanungin ang sikreto ng iba.

"Matagal mo na pala alam"sabi ni Nie Li,na tumingin kay Xiao Ning'er.Habang ito ay napapanguso,ang mayaman nitong labi,na mapangakit na umaakit sa kanya.Ngunit si Ye Ziyun na ang laman ng kanyang puso,kaya ang nararamdaman niya sa kagandahan ni Xiao Ning'er ay simpleng paghanga lamang.Hinahangaan lamang niya ang kagandahan nito at kung paano  ito kapursigido.Sa kaanyuan pa lang ni Xiao Ning'er,maari na itong makatayo sa mataas na posisyon,subalit umasa pa rin siya sa kanyang sariling lakas upang mabago ang tingin sa kanya ng ibang tao.Nakakaawa lang dahil siya ay gumagamit ng maling pamamaraan.