Katabi ni Ye Ziyun sa kanyang kinauupuan ay isang matangkad at gwapong binatilyo,na panakanakang nakatitig kay Ye Ziyun.Napansin niya nakatitig si Ye Ziyun sa gawi ni Nie Li.Tinitigan niya ng masama si Nie Li.Siya ay matangkad ng kaunti kay Nie Li,at nagsimulang maging malamig ang kanyang awra.
Nakikilala ni Nie Li ang taong iyon.Siya ay si Shen Yue.Kabilang siya sa angkan ng Sacred family,isa sa tatlong pangunahing angkan sa syudad at siya ay may kamanghamanghang talento.Si Shen Xiu,na kasalukuyang nagtuturo sa harapan,ay kaniyang tiyahin.
Sa nakaraang buhay ni Nie Li,si Shen Yue ay masugid na manliligaw ni Ye Ziyun.Bago mawasak ang syudad ng Glory city,si Shen Yue at Ye Ziyun ay muntikan ng magpakasal noon.Sa mata ng kani-kanilang angkan sila ay napakaperpektong magkapareha.Kung hindi nawasak ang syudad ng Glory city,sila ay tuluyang nagkaisang dibdib.Bago pa man gawin ang seremonyas ng kasal,ang syudad ng Glory city at nasa ilalalim ng paglusob snow wind beast na halimaw.Bago mawasak ang syudad sa kagagawan ng mga halimaw,ang angkan ng Sacred family ay nagtaksil sa syudad ng Glory city sa pamamagitan ng pagiwan ng kanilang responsibilidad at tungkulit upang tumakas.
Ito siguro ang itinakda ng tadhana.Si Ye Ziyun ay hindi naging kaisang dibdib ni Shen Yue sa nakaraan.Imbes siya ay nagkaroon ng kaugnayan kay Nie Li.
Sa pagiisip pabalik,si Nie Li ay hindi mapigilan magalak ang puso.Subalit matapos niyang makita ang tinginan ni Ye Ziyun at Shen Yue,si Nie Li ay hindi mapigilan makaramdam ng pamumuo ng sakit sa ulo.Sa kasalukuyan,si Ye Ziyun ay may kaunting paghanga kay Shen Yue.Ang ibinibigay ni Ye Ziyun na tingin kay Nie Li ay puno ng paghamak.Iniisip ni Ye Ziyun na siya ay tamad at mapaglarong tao.Nang makita niya na tumingin si Ye Ziyun sa kanyang gawi,si Nie Li ay nakaramdam ng paglukso ng dibdib.Nang makita niya ang pamilyar nitong mukha,nagsimulang manumbalik ang mga alaala ng nakaraang buhay niya.Hindi mapigilan ni Nie Li ang malungkot at makaramdam ng hapdi sa puso.Ngumiti siya habang nakatitig kay Ye Ziyun.
"Siya ay nagpapasalamat sa aklat ng Temporal Demon Spirit.Binigyan nito ng pagkakataon na sila ay muling magkatagpo."sa isip ni Nie Li na may pagpapasalamat.
"Baliw"naisip ni Ye Ziyun.Pakiramdam ni Ye Ziyun na kakaiba ang mga titig ni Nie Li sa kanya.Ang kanyang mga mata ay nagniningning ng may lungkot.Ang puso ni Ye Ziyun ay nagtatanong.Kilala niya ba si Nie Li?.Bakit ito tumititig sa kanya ng ganun.
Ang kagandahan ni Ye Ziyun,kasama ang kanyang mapuputing ngipin at mapupulang labi.Para siyang rosas sa hardin na kakaiba ang taglay na kagandahan.Ito ang dahilan kaya marami ang nagkakagusto sa kanya.
Sa oras na ito,napatingin si Shen Xiu sa bandang likuran ng klase at natanaw niya si Nie li.Ang mga kilos ng labing tatlong taong gulang na binatilyo ay hindi nakaligtas sa kanyang paningin.Siya ay demon spiritualist na nasa 3 bituing pilak na rango.Dumating na sa punto na ang kanyang isip at katawan ay malakas ang pakiramdam.Matalas na ang kanyang paningin.Walang makakligtas kahit ang nagtatakbuhang daga sa daang metro ang layo.
Si Ye Ziyun ay may misteryosong pagkatao.Siya ay anak ng pinuno ng syudad,apo ng demon spiritualist na nasa legend na rango.At higit sa lahat kulay cyan ang kanyang soul real ibig Sabihin napakataas ng kanyang talento bilang demon spiritualist at ito ay bibibira lamang.
Kakaunti lamang ang nakakaalam sa tunay na pagkatao ni Ye Ziyun.Kapag naging magkabiyak sina Shen Yue at Ye Ziyun,ito ang magpapalakas sa impluwensya ng angkan ng Sacred family sa syudad ng Glory city.Ito ang dahilan kaya siya ay naririto.Ito ang dahilan kaya siya ay nagtuturo sa klaseng ito.
Bumalik sa normal na kaanyuan si Shen Xiu,habang ang kanyang mga kamay ay nakayakap sa kanyang dibdib.Ang kanyang mga mata ay naglakbay sa buong klase at nagpatuloy magsalita,"Sa loob ng dalawang taon,kayo ay aking mga magaaral.Kahit na nabanggit ng punong guro ng akademya ng holy Orchid na ang mga magaaral ay pantay pantay,sasabihin ko sa inyo ang masakit na katotohanan,sa mundong ito,walang katotohanan ang pagkakapantay pantay."pahayag ni Shen Xiu sa medjo matinis na boses.At ang bawat salitang binitiwan nito ay tila punyal na tumatarak sa mga puso ng mga magaaral nito.
Ang mga magaaral sa harapan ng klase ay tahimik na nakikinig.Wala ni isa man sa kanila ang nagsasalita."At sa inyong paglaki at lisanin ninyo ang akademya,kayo ay sasang-ayon sa aking mga salita.Ang pagkakapantay pantay ay isa lamang kasinungalingan ng mga matatanda na ipinapasok sa inyong mga isipan .Wag kayong mabuhay sa isang alamat lamang habang buhay"mahabang pahayag ni Shen Xiu,iniyuko niya ang kanyang ulo upang matitigan ang mga magaaral.
"Ang syudad ng Glory city ang tanging syudad na natitira na Tirahan ng tao mula pa noong panahon ng Age of Darkness.Tayo lang ang tanging nabubuhay na nilalang.Sa ating syudad ng Glory city ay may dalawang uri ng makapangyarihan.Ang mandirigma at demon spiritualist.Ang pagiging demon spiritualist ay marangal.Isa sa libo o sampung libong mandirigma ang nagkakaroon ng pagkakataong ipanganak na makapangyarihang demon spiritualist.Hanggang ngayon,sa kabuuan ng syudad ng Glory city,iilang libo lamang ng demon spiritualist ang nabubuhay.Tayo ang nagsisilbing tagapangalaga ng syudad ng Glory city.
"Ang mga Mandirigma at demon spiritualist ay nahahati sa rango na tanso,pilak,ginto,itim na ginto at legend.Mas mataas na rango,mas makapangyarihan.Kapag nagkaroon ng isang gintong rango na demon spiritualist sa inyong angkan maari kayong mapabilang sa angkan ng mga aristokratong angkan.At kapag naman nagkaroon kayo ng isang itim na gintong rango na demon spiritualist maari kayong mapabilang sa prominenteng angkan.Kapag nagkaroon sa angkan ng tatlong itim na gintong rango o legend na rangong demon spiritualist kayo ay mapapabilang sa pangunahing angkan.Tatlongpu't anim kayo naririto sa klaseng ito.Ang iba sa inyo ay galing sa ordinaryong angkan.At ang iba sa inyo ay nagmula sa prominenteng angkan.Kahit na pare parehas ko kayong nagumpisang magaaral,ngunit ang mga estado ninyo sa buhay ay magkakaiba.Kayong galing sa ordinaryong angkan ay palaging mananatiling ordinaryo lamang.Wala kayong pagkakataong umangat ang estado sa buhay,kaya tigilan na ninyong mangarap ng gising.Kahit ang mga angkan ng aristokrato ,magkakaiba din ang antas ng estado sa buhay."
Sa pagtingin ni Shen Xiu,nakita niya ang pagkadisgusto ng kanyang mga magaaral sa kanyang naging pahayag.Sila ay napayuko na lamang sa kanilang kinauupuan.Ang mga nanggaling sa prominenteng pamilya ay mababakas mo sa kanilang mga reaksyon ang pagmamalaki at pagyayabang.Tanging sina Nie Li,Ye Ziyun,Lu Piao at ilan sa mga nanggaling sa prominenteng pamilya ang piniling manahimik.
Tumingin si Nie li sa kanyang tabi.Nakasuot ng luma at kupas na kasuotan si Due Ze.Mariing nakakuyom ang mga kamao,habang napapakagat labi.Si Du Ze ay nagmula sa ordinaryong angkan.Ang kanilang angkan ay lubhang napakahirap.Ngunit alam ni Nie li kung gaano kalakas ang kanyang determinasyong maiangat ang estado ng kanyang angkan.
Sa nakaraan buhay ni Nie Li,si Du Ze ay napakasipag sa kanyang pagsasanay,kahit na hindi maganda ang kalagayan ng kanyang angkan.Ang kanyang talento ay hindi naman ganun kasama.Sa kanyang pagsusumikap,naabot nya ang antas ng pagiging demon spiritualist sa itim na gintong rango.Nagawa niya ito kahit na walang malaking suportang pinagkukunan,at hindi mataas ang kanyang talento.Nakamit niya ito gamit lamang ang kanyang pagsusumikap at determinasyon upang marating ang antas na iyon.
Bago mawasak ang syudad ng Glory city,maraming mga prominenteng angkan ang nagiisip kung paano sila makakatakas sa pagsalakay ng mga halimaw.Tanging mga ordinaryong angkan lamang ang lumaban para sa syudad hanggang sa kanilang huling hininga.Si Du Ze ay kanyang kaibigan,isa sa tunay at tapat niyang kaibigan.
Makita ang mapanghamak na tingin ni Shen Xiu,hindi mapigilang mamuo ang galit sa puso ni Nie Li.Sa kanyang nakaraang buhay,bago mawasak ng tuluyan ang syudad,ang angkan ng sacred family ang kauna-unahang tumakas.kaya,walang magandang impresyon siya sa angkang ito.Si Shen Yue man o si Shen Xiu ,wala ni isa sa kanila ang may magandang katangian.Sa kanyang nakaraan si Shen Xiu ay may masamang paguugali,kaya naman malaki ang pagkadisgusto niya rito.
"Binibining Shen Xiu,ako'y may tanong",biglang nagsalita si Nie Li.Ang buong klase ay natahimik at napatingin kay Nie Li.Napatigil sa pagsasalita si Shen Xiu at napakunot noo.Nakikilala niya si Nie Li,nararamdaman niyang may pagtingin ito kay Ye Ziyun.At ang kanyang bawat salita kanina ay patungkol lahat kay Nie Li.Hindi siya makapaniwala na magkakaroon ng lakas ng loob si Nie Li magsalita.
Siya ay malamig na tumugon"ano ang iyong katanungan?"
"Sinasabi mo binibining Shen Xiu na tanging syudad lamang ng Glory city ang nakaligtas mula sa panahon ng Age of Darkness, at tayo lamang ang bukod tanging taong nabubuhay sa buong kontinente.Anung patunay ang meron ka na magpapatotoo sayong mga sinasabi?Matanong ko lang nasubukan mo bang makapaglakbay o makarating sa labas ng lupaing ito,tulad ng walang endless desert,sa toxic forest,blood moon marsh,spirit gulf,sa kabundukan ng heavenly luster o sa northern snow?"tanong ni Nie li.
Tulad niya na muling ipinanganak,dala dala niya ang mga alaala ng kanyang karanasan mula sa nakaraan niyang buhay,kaya niyang maliitin ang kakayahan ni Shen Xiu.
"Anun kabundukan ng heavenly luster,northern snow"napakunot noo si Shen Xiu.Narinig na niya kung saan ang endless desert,ang blood moon marsh at ang toxic forest pero ito ay malalayong lugar mula dito sa syudad ng Glory city at naririnig niya lamang ito mula sa mga alamat.
Napasimangot si Shen xiu,"Nandito na ko sa syudad ng Glory city mula ng ako'y pinanganak,pero hindi pa ko nakakarating sa mga lugar na iyong nabanggit."
Napangiti si Nie Li at muling nagsalita,"Kung hindi ka pa nakarating sa mga lugar na iyon binibing Shen Xiu,paano mo nasasabi na bukod tangi lamang tayo ang taong nabubuhay." Natahimik si Shen Xiu at hindi malaman kung ano ang kanyang isasagot sa mga katanungan ni Nie Li.Nagsimulang kausapin ng mga magaaral ng buong klase ang kani kanilang sarili.Wala silang ideya kung anung klaseng lugar ang sinasabi ni Nie Li.Si Ye Ziyun,na nakaupo sa hindi kalayuan,mababakas sa kanyang mga mata ang pagkainteres sa mga sinasabi ni Nie Li.Napatingin siya kay Josef.Papaano nalaman ni Nie Li ang mga lugar na iyon.
Si Shen Yue na nakaupo sa tabi ni Ye Ziyun ay medjo napaarko ang kilay.Napatingin siya sa gawi ni Nie Li,at napagtanto niya na magandang lalaki pala ito.Hindi nalalayo si Nie Li sa kanya, pagdating sa kagandahang lalaki.Nang hindi niya nalalaman,unting unti siyang nakakaramdam ng pagkatakot sa puso.
Matapos makita ang mga naging reaksyon ng kanyang mga magaaral,hindi na maipinta ang kanyang mukha. "Ano naman ngayon?paano mo naman mapapatunayan na hindi lamang tayo ang bukod tanging taong Nabububay?"
"Patunay?"napangiti si Nie Li,tanging mga karanasan niya sa nakaraang buhay ang patunay.Ang kaalaman ng tao ay nakakamangha.Pagkatapos maranasan ang panahon ng pagkawasak,ngunit maraming tao ang nakaligtas.Nakapagtatag sila ng iba't ibang syudad.Ngunit hindi niya ito pwede sabihin ito.Imbes sinabi niya,"May ilalahad akong kwento sayo binibining Shen Xiu.Mayroong palaka sa ikailaliman ng balon.Mula ng siya ay isilang,siya ay palaging nasa balon.Simula umpisa,tanging kapirasong bahagi ng langit lamang ang kanyang nakikita,at pumasok na sa kanyang isipan na ang tanging langit na kanyang nakikita mula sa butas ng balon ang kabuuan ng langit.Ngunit ang kabuuan ba ng kalangitan ay kasing laki lang ba ng butas ng balon?masasabi natin na ang palaka sa balon ay walang kaalam alam kung gaano kalaki ang mundo sa labas ng balon."
Habang nakikinig kay Nie Li,ang buong klase ay hindi mapigilang mapangiti.Napagisip isip nila na may punto lahat ng mga sinasabi ni Nie Li."Ang palaka na tanging alam lamang na ang kalangitan ay kasing laki lamang ng butas ng balon"at batid nila na ang kanilang guro ang pinatutukuyan ni Nie Li.
"Tignan ang kalangitan mula sa kailaliman ng balon,napakagandang paglalarawan."napapangiting sambit ng ilang kababaihan sa klase.Lahat sila ay ayaw sa kanilang guro na si Shen Xiu,at hindi nila mapigilang mamangha kay Nie Li,at si Nie Li lamang ang may lakas ng loob na magsalita laban sa kanilang guro.
"Ikaw..."nagsimula ng manginig sa galit si Shen Xiu at tumingin ng masama kay Nie Li.Siya ay galit na galit na,anumang oras ay sasabog na lang siya sa sobrang galit.Si Nie Li ikinumpara siya sa isang hamak na palaka.Hindi pa siya nakakaranas ng ganitong panghahamak.
Si Ye Ziyun,na nakaupo sa hindi kalayuan,hindi na rin mapigilan ang sarili na mapangiti.Siya ay nagkaroon ng interes na kilalanin si Nie Li at napansin niya na napakahusay nito magsalita.Hindi niya akalain na mapapatahimik niya ang kanilang guro.
Si Ye Ziyun ay napakagandang dilag.Ang kanyang mga ngiti ay nakakaakit.Kininditan ni Nie Li si Ye Ziyun sabay ngiti.
Makita ang ginawa ni Nie Li,si Ye Ziyun ay napatalikod at sa kanyang isip,"napakapilyo....."Sa kanyang pagkakakilala kay Nie Li ay hindi maganda.
Makita ang ginawa ni Nie Li sa kanilang guro na hindi na maipinta ang mukha,at ang panunuksong ginawa nya kay Ye Ziyun.Si Lu Piao ay hindi mapigilang humanga kanya.
Muling tumingin si Nie Li kay Shen Xiu,at nagpatuloy sa pagtatanong."binibining Shen Xiu ako'y mayroon pang katanungan?
Si Shen Xiu ay malapit ng sumabog sa galit,ngunit hindi niya pwede ipakita ito rito.Tumugon lamang siya ngunit patid sa kanyang boses ang pagkainis."Ano pa ang iyong mga katanungan?"
"Sinasabi mo binibining Shen Xiu,ang mga ordinaryong angkan ay mananatiling mababa,wala silang pagkakataong maiangat ang kanilang mga estado sa buhay.Tanong ko lang,hindi ba si panginoong Ye Mo na demon spiritualist sa legend na rango ay nagmula rin sa isang ordinaryong angkan, nung panahon ng kanyang kabataan."Tanong ni Nie Li,habang kinukurapkurap ang mga mata,at tumitig kay Shen Xiu."Hindi mo ba ito alam?"