Chapter 35 - TP: 33

Now playing: Time Machine - Six Part Invention

Skyler POV

"Sorry babe, hinding-hindi mo matatalo ang isang Skyler. You know this is my hobby right? Racing." Pagmamayabang ko sa kanya noong makarating kami sa burol.

"Argh! I hate you!" Pikon na tugon nito sabay padyak ng kanyang paa.

Sign na hindi niya matanggap na natalo ko siya. Bago ito nauna nang maglakad sa akin.

Agad naman na sinundan ko siya habang may malawak na ngiti sa aking labi.

Sinalubong din kami ng dalawang trabahanti na tumulong sa akin sa pag-ayos ng surpresa ko para kay Felicia. Inunahan ko siya sa paglalakad at mabilis na nagpasalamat sa dalawa dahil sa kabutihang loob nila.

"Why do you seem so close to the workers here? Hmmm?" May pagdududa na tanong ni Felicia sa akin with mathing taas pa ng kilay.

Natawa lamang ako ng mahina bago siya inalalayan patungo sa pinatuktok ng burol.

"I told you I have a surprise for you." Paliwanag kong muli sa kanya bago napatango banda kung saan naka-set up ang magiging dinner namin ngayong gabi.

She gasped as her hands automatically covered her mouth due to shock. Hindi ko na naman tuloy mapigilan ang hindi maging proud sa sarili ko habang tinitignan ang kanyang reaksyon.

Aba! Pinagpuyatan ko kaya itong date na ito dahil sa tanang buhay ko, hindi pa ako nakipag-date ng seryosohan. Sa kanya lang naman ako naging interesado paulit-ulit at naging seryoso.

Kung anu-ano pang iginoogle ko kagabi para lang mabigyan siya ng romantic date sa lugar na ito. And I am so glad that she like it.

Me and the workers here just laid out a blanket on the grass, and set up fruits and pasta for our dinner date na ako rin ang patagong nagluto at galing sa YouTube ang recipe and, also some wine. It's just a simple date pero alam kong special ito dahil si Felicia ang kasama ko, especially we have a sunset to watch as it goes down.

"Oh my gosh! You made these?" Kumikinang ang mga mata na tanong niya sa akin bago parang batang nagtatatalon sa excitement.

I nodded as my answer.

As the sun descended behind the rolling hills, casting a warm golden hue over the landscape, ay para bang slow motion na lumapit sa akin si Felicia, agad na niyakap ako ng mahigpit na mahigpit bago ako mabilis na binigyan ng halik sa aking labi.

"Thank you, Sky." Pasasalamat nito sa akin nang merong matamis na ngiti sa sa kanyang labi.

Sandali pa akong napatulala sa kanyang magandang mukha at napakurap ng ilang beses bago siya binigyan ng isa ring matamis na ngiti.

"Anything for my Kulot." Hinapit ko ng mas mahigpit ang kanyang beywang at hinalikan siya sa kanyang noo.

A soft breeze carried the delicate fragrance of wildflowers, adding to the enchantment of the evening. Felicia and I both watched the romantic sunset.

I helped her sit on the blanket, and of course, I immediately sat beside her. Halos hindi ko nga magawang alisin ang mga mata ko sa kanya dahil hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi. It reminds me of the old Felicia I know.

While watching the sunset, I slowly took Felicia's hand and pressed our palms and fingers together. She glanced at me before slowly lowering her eyes to our hands.

"Since then, until now, you never fail to amaze me, Sky. You are still the sweetest person I have ever met." Wika niya habang nakatingin pa rin sa mga kamay namin. Bago muling ibinalik nito ang kanyang mga mata sa papalubog na araw at marahan na sinandal ang kanyang ulo sa aking balikat.

The sun painted the sky in a symphony of deep oranges and fiery reds, its radiance casting a warm, romantic glow upon us. Lalo rin tuloy tumitingkad ang ganda ni Felicia dahil tumatama sa kanyang magandang mukha ang sinag ng papalubog na araw. Napapikit siya habang lumalanghap ng sariwang hangin. Naging pagkakataon ko naman iyon para mas matitigan siya ng maayos.

Hindi ko maitago sa pamamagitan ng mga ngiti at mga mata ko ang saya na aking nararamdaman sa mga sandaling ito. Dahil sa bawat pagkakataon na nasa tabi ko si Felicia at naaabot siya palagi ng paningin ko, ay walang anumang bagay o yaman sa mundo ang makakatumbas sa saya na ibinibigay niya sa akin.

Muli akong napangiti habang lihim na tinititigan siya. Kung pwede lamang na huwag nang matapos ang mga sandaling ganito. But deep inside knowing how the world plays, I know there is another obstacle waiting for the two of us.

Hindi nagtagal ay binuksan ko na ang bote ng wine. Velvety red wine, its scent mixed with the smell of pine and earth, creating an intoxicating bouquet that heightened our senses and deepened the intimacy between us.

As we sipped the wine, our eyes locked in a silent promise of affection, the beauty of the scene enveloped us more. Kaya naman noong sandaling nagkatitigan kami ni Felicia at awtomatiko ring sabay kaming napangiti sa isa't isa.

Kapwa nangungusap ang aming mga mata na tanging sila lamang ang nagkakaintindihan. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagbaba ng mga mata niya sa aking labi, kaya napalunok ako at dahan-dahan na inilapit ang aking mukha sa kanya, hanggang sa maglapat ang aming mga labi.

Gosh! I felt the electricity rushing through my entire body as our lips touched, especially when my lips started moving as Felicia immediately kissed back.

Damn! I felt like many butterflies surrounded us as we were slowly lifted into the clouds.

Hindi iyon nagtagal nang muling paghiwalayin namin ang aming mga labi at kapwa hinihingal nang ipinagdikit namin ang aming mga noo. Nakapikit pa rin ang dalawang mga mata niya, habang ako naman ay marahan na inabot ang kanyang pisngi at hinaplos ito.

"I lo---"

Ngunit hindi ko na naituloy pa ang gusto kong sabihin nang muli niya akong bigyan ng halik sa labi. Iyong smack lang ngunit madiin.

"Save it for the best, Sky." Wika nito bago inubos ang huling laman ng kanyang alak.

Napaiwas ako ng tingin mula sa kanyang mukha.

"Dinner?" Biglang pag-iiba ko ng usapan dahil medyo may kirot sa dibdib ko na hindi niya ako hinayaan na sabihin 'yung gusto kong sabihin sa kanya.

Agad namang napatango siya bilang sagot.

"And dessert later?" Pilyang dagdag ko na rin sabay kindat sa kanya para maaliw ang sarili at mawala ang kirot na nadama ilang segundo lamang ang nakalilipas.

"Pervert!" Sabay irap na sagot naman niya ngunit nakangiti. "Later then." Atsaka kami nagtawanang dalawa.

---

Kanina pa tahimik ang buong paligid, nasa higaan na rin kami pareho ni Felicia at malalim na ang gabi ngunit hanggang ngayon ay dilat na dilat pa rin ang mga mata ko at hindi man lang dinadalaw ng antok.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako nandito or kung kailan ako balak bitiwan ni Felicia. Ngunit isa lang ang sigurado ko, hanggang ginugusto niyang nasa tabi niya ako ay susulitin ko rin ang bawat sandaling kasama ko siya.

Sa totoo lang, kayang-kaya ko namang umalis dito without anyone's help. Pero mas pinipili kong makasama siya. Mas pinipili kong nandito sa tabi niya.

Napalingon ako sa tabi ko noong maramdaman ko ang pag-ikot ni Felicia paharap sa akin kaya naman inayos ko ang paghiga ko para mas maging komportable siya sa kanyang pagtulog.

Magkatabi kasi kami ngayon sa higaan. I insist na tumabi sa kanya kasi dude, mawala lang siya ng kahit isang segundo sa paningin ko, pakiramdam ko hindi ko na siya makikita na namang muli at matagal na panahon ko na naman siya bago muling makasama.

I am so obsessed with this woman. At hindi na ako magtataka pa dahil siya lang naman talaga ang dahilan bakit ako nandito sa Prague. All the revenge I was planning before, nabura ang lahat ng iyon the moment our eyes met again.

Hindi ko pa rin siya kayang saktan kahit na ilang beses pa niya akong nagawang saktan noon o maging ngayon. Dahil para sa akin, siya lamang ang kayamanan na matatawag ko talagang akin.

Really? But she's married now, Sky. Saad ng aking isipan.

It doesn't matter. As long as nararamdaman kong mahal pa rin niya ako and she's still cares for me, alam ko may pag-asa pang maging kami sa huli.

Napangiti ako sa thought na iyon at marahan na hinalikan siya sa tungki ng kanyang ilong.

Naririnig ko ang bawat paghinga niya na tumatama rin sa may leeg ko. She is peacefully sleeping right now. Gosh! Parang tinutunaw 'yung puso ko sa cuteness ni Kulot lalo na noong mas nagsumiksik pa siya sa leeg ko.

Hindi ko rin mapigilan ang mapahinga ng malalim.

"Pwede bang bumalik na lang tayo sa dati?" Mahinang tanong ko kahit na alam ko namang natutulog siya at hindi niya ako maririnig.

"Pwede bang 'yung dating Felicia na lang ulit? 'Yung kahit isip bata, ayos lang. 'Yung malambing, 'yung kahit burara at damang, ayos lang sa akin." Malungkot na napangiti ako sa aking sarili habang inaalala kung paano kami dati.

Kung paano siya kainosente dati.

Iyong Felicia na sobrang dependent sa akin. Iyong tipong akala mo hindi mabubuhay kapag wala ako sa tabi niya. Pero...alam ko naman na wala na akong magagawa sa fact na nag-grow na siya ngayon.

Maybe, nalulunngkot lang din ako doon sa katotohanang she chose to grow without me by her side. Or maybe...sa aming dalawa ako talaga ang naging dependent sa kanya? Because she's the only woman I love. At sa lahat ng nakilala kong babae siya lamang din ang nagturo sa akin how to pray. Without she knowing na siya ang araw-araw at gabi-gabi na laman ng prayers ko until now.

"Paano kung hindi na ako bumalik sa dating gano'n?" Nawala ang malalim na pag-iisip ko noong marinig ang boses niya.

Napalunok ako ng mariin.

Hindi ko alam na nagising ko pala siya. Dahan-dahan na iniangat niya ang kanyang ulo hanggang sa magtama ang mga mata namin. Naka-open kasi ang LED light ng kisame kaya nakikita at naaaninag ko pa rin ang kanyang mukha.

"Hindi na kasi ako ang dating Felicia, Sky. Don't you see? Malayo na ako sa dating ako. And this is me now." Pagpapatuloy niya. "Hindi na ako iyong dating inosente na nakilala mo at walang alam sa mundo. Ginagawa ko na rin ang mga ginagawa mo. I can shoot and kill people like what you can do. Malayong malayo na ako sa dating ako na halos kahit lamok dati nakokonsensya pa akong patayin." Dagdag pa niya.

Napakagat siya sa kanyang labi halatang nagpipigil ng emosyon na nararamdaman.

"Gusto mo pa rin ba akong makasama? Gugustuhin mo pa rin ba ako kahit na---"

"Hey!" Putol ko sa kanya at agad na hinawakan siya sa kanyang pisngi. "It doesn't matter what or who you are now. I still love you." 

There, finally! Nasabi ko rin ang salita na gusto kong bitawan kanina sa burol na pinigilan niyang sabihin ko.

Dahil doon ay napaiwas siya ng tingin.

"I told you, save it for the last."

"What? I just want you to know. Gusto ko lang sabihin at ipaalam sa'yo kahit paulit-ulit na mahal pa rin kita." Pagtatanggol ko naman agad sa sarili ko.

"You just love the idea of being with me again, Sky." Napahinga siya ng malalim.

"Maybe namimiss mo lang ako dahil nakakulong ka pa rin sa dating tayo, sa DATING AKO." Bigay diin nito sa huling sinabi. "Pero hindi mo na ako mahal. Magkaiba 'yun---"

"Walang nagbabago doon sa mahal kita mula noon hanggang ngayon." Muling putol ko sa kanya. "And even if I end up in another world or time, you will always be the one I will love and the one I will look for." Pagpapatuloy ko.

Dahil doon ay muling ibinalik niya ang kanyang paningin sa akin bago ito napalunok ng mariin.

"S-Sky..."

"I love you. At 'yan ang totoo." Pag-ulit ko sa magic word na never naman talagang nawala sa akin. "At patuloy na mamahalin kita, Felicia."

Dahil roon ay mas inilapit n'ya ang kanyang katawan at niyakap ako ng mahigpit. Iyong higpit na para bang ayaw na niya akong bitiwan pa. Iyong higpit na nagsasabi ng maraming salita at tanging sa yakap niya lamang ipinapadama.

Sapat na sakin ang mga yakap na iyon kahit na hindi niya magawang sabihin. Sapat na sakin para maramdaman kong may pag-asa pa para ipagpatuloy namin ang aming nasimulan noon.

Nanatili kami sa ganoong posisyon, yakap ang isa't isa habang sinusuklay ko naman ng marahan ang buhok n'ya gamit ang aking mga daliri. Hanggang sa hindi namin namalayan parehas na kaming nakatulog na dalawa.