Now playing: Unlearn you - Keenan Te
Skyler's POV
"Mimi?"
"Skyler...what happened?" Agad na tanong ni Mimi Aerin sa phone noong tumawag ako. "We cannot contact you for almost a month! Taylor cannot find y---"
"I wanna go home." Malungkot ang boses na putol ko sa kanya kasabay ang muling pangingilid ng luha mula sa aking mga mata.
Agad naman tumahimik ang kabilang linya.
"What happened, sweetie? A-Are you okay?"
"I'm not...I'm not okay, Mi. Please, I-I wanna go home. Not tomorrow, but today." Lumuluha pa ring pakiusap ko sa kanya.
"A-Alright. I will contact the pilot to fly there immediately to pick you up." Kaagad na pagpayag ng aking ina. Dahil wala na akong lakas pa para mag-book ng flight, pumila at maghintay sa airport para makauwi ng Pilipinas.
Besides, kaya nga kami may private plane dahil kailangan iyon lalo na sa mga pagkakataong ganito.
"Thank you, Mi." Pasasalamat ko sa aking ina.
"I'll see you, Sky. I love you. Sasabihan ko na rin ang Dada mo na pauwi ka na ngayon." Pagkatapos ay ibinaba na nito ang tawag.
Pagkatapos kong makalabas kahapon sa gubat ay nakisakay ako sa isang truck na dumaan. Sumaktong patungong City ito para mag-deliver ng mga gulay at prutas kaya nakiusap akong isabay.
Mabuti na lamang din at mabait ang mag-asawa kaya pinagkatiwalaan nila ako.
Pagdating namin sa City ay dumiretso na ako rito sa tinutuluyan kong apartment. Hindi ko mapigilan ang hindi malugmok lalo dahil pagpasok pa lamang ay memories kaagad ni Taylor ang nakikita ko.
Nasasaktan talaga ako doon sa part na nagawa niya akong linlangin. Nagawa niya akong paikutin sa sarili niyang palad.
At lahat ng iyon ay nang dahil kay...Felicia.
Dahil sa taong labis na pinagkakatiwalaan ko at minamahal ko.
"Aaahhhhh!!!!" Hindi ko mapigilan ang mapasigaw at pinaghahagis lahat ng mga mahawakan kong bagay.
Pagkatapos ay pinagsusuntok ang pader hanggang sa dumugo na ang kamao ko at mawalan ng lakas. Hinihingal at lumuluha na napaupo ako sa sahig habang humahagulhol.
I still can't hurt her. Kahit na anong galit at sama ng loob pa ang maramdaman ko, I cannot hurt her.
Pumunta ako rito sa Prague dahil kailangan kong singilin si Felicia sa mga ginawa niya noon. Lalo at nangako ako kay Nicole dahil sa muntikan nang mapahamak ang anak niya noon. Pero bakit hindi ko pa rin magawang saktan si Felicia?
Why is it that the moment our eyes met again and the universe allowed us to cross paths once more, kusang nabura sa isipan ko lahat ng mga ginawa niyang kasalanan?
Bakit mas nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko sa kanya? To the point that I discovered something that has shattered and crushed my heart even more now? Why?
Sakit na sakit na ako sa mga nalaman ko. Mula sa Pilipinas hanggang ba naman dito? Mabibigo pa rin ako?
Kailangan ko na ba talagang tanggapin na hindi lahat ng taong makikilala ko ay makakasama ko hanggang dulo?
Katulad na lang ni Felicia? Baka sadyang may gusto lamang ipakita at ipa-realize sa akin ang mundo kaya ko siya nakilala. At kaya kami muli hinayaang pagtagpuin ng tadhana.
Pero ang sakit naman. Bakit naman sa dami ng taong pwedeng magbigay ng lesson sa akin 'yung tao pang pinangarap kong makasama hanggang dulo?
Hindi ba pwedeng magmahalan kami at magbigay ng maraming lesson sa isa't isa nang kami pa rin ang magkasama? Ng kami pa rin hanggang dulo?
Why does love hurt? Why does the person you love the most have to be the one to give you so much pain just to wake you up to reality and learn? Why?
Napapayakap na lamang ako sa sarili kong tuhod.
Fuck love!
"Fuck! Fuck! Fuck!" Paulit-ulit na sigaw ko habang umiiyak pa rin.
Felicia hurts me so much. She has no idea how she broke my heart into pieces.
Sigurado akong magagalit 'yung dating ako kapag nakita niya ang situation ko ngayon, kapag nakita niya na hinayaan kong mawasak ako ng ganito dahil sa 'love'.
This isn't who I am anymore. Because I wasn't like this before. I was once a happy person even though I couldn't enter into a serious relationship back then. But I also can't deny the fact that I felt more alive when I learned what love meant, how to love and care for someone you don't want to lose.
Hindi ko nga lang ini-expext na ganito ka rin pala wawasakin nito sa dulo.
Kaya hindi ko magagawang tanggapin si Felicia muli sa buhay ko, unless nagawa na niyang ayusin ang sarili niya dahil hindi ko yun kayang gawin sa kanya.
Hindi ako sapat. Hindi sapat ang pagmamahal ko para sa kanya para magkaroon siya ng clear path sa buhay niya. I know this isn't my fault. Hindi niya rin naman kasalanan. She's just a little feel lost kaya natatakot siyang harapin ang katotohanan.
Alam kong kaya niyang ayusin ito even without me in her side. Minsan na kaming nalayo sa isa't isa and this time, I know it will be much better kung magfo-focus kami sa paghe-heal ng mga sarili namin.
Baka...baka isang araw, maging tamang tao na kami para sa isa't isa.
Hindi naman ako mawawala eh. Hihintayin ko pa rin siya. Kailangan ko lang lumayo at idistansya ang aking sarili kasi sobrang nasasaktan na niya ako. At natatakot ako na mas masaktan pa niya ako lalo in the future, maipon lang ng maipon ang lahat ng sakit hanggang sa mawala na ang pagmamahal ko sa kanya.
No. I cannot let that happen. So, this time, kailangan ko siyang i-let go at hayaan siyang ayusin ang buhay niya ng wala ako. Para wala na ring kailangang madamay. Katulad na lamang nina Lucka at Taylor.
Fuck! I remember, Lucka. How I wish I can apologise to her in behalf of Felicia. But I know it will not solve and undo anything. Kasi si Felicia lang ang makaka-solve ng lahat, lalong-lalo na at pinakasalan siya nito.
Sometimes kahit gaano natin kamahal ang isang tao we gotta let them go lalong-lalo na kung nasasaktan na tayo ng lubha. At kung hindi tayo magawang piliin? Piliin na lang natin ang mga sarili natin.
Kasi kung hindi natin iyon gagawin, tayo ang lalong mawawasak. Tayo ang lalong mapag-iiwanan.
Mahal ko ng sobra si Felicia kaya ko ito ginagawa. I really wanted to stay with her but she has to learn her leasson. Kasi kapag mahal mo ang tao, hindi mo siya ito-tolerate sa mga mali, 'di ba? Gusto mo mapabuti siya. At lalong hindi mo siya ito-tolerate na patuloy ka niyang saktan kasi kapag hinahayaan mo lang na paulit-ulit kang saktan ng taong mahal mo, mawawala na ang respeto sa pagsasama ninyo.
And I don't want that to happen because of all people, si Felicia ang isa sa pinakanirerespeto ko ng sobra.
Kinabukasan, maaga akong tinawagan ng pilot noong makalapag na ito sa airport. Kaagad na nag-book ako ng taxi at bumiyahe patungong airport.
Generally, the flight time for a private plane from Prague to the Philippines takes approximately 14 to 16 hours. But it depends on the specific route and any necessary stopovers and of course, depende rin sa kung anong aircrafts ang gamit, depende rin sa weather conditions and flight plan specifics.
Kaya naman buong biyahe ay wala akong ibang ginawa kundi ang matulog lamang ng matulog dahil ayaw kong mag-isip ng mag-isip.
Pagdating namin ng Manila ay agad na sinalubong ako ng mga kaibigan ko kasama ang mga magulang ko.
Pagyakap pa lamang sa akin ni Mimi Aerin at Dada Billy ay halos kaiyakin na ako.
Lahat sila ay masaya na nakabalik na ako ng Pilipinas habang ako ay broken hearted na umuwi.
Dating gawi ako, hindi makangiti ng genuine, hindi makatawa ng totoo, palaging merong sumisilip na lungkot sa aking mga mata at puso.
They all asked for updates about Felicia and me. Kung nagkita at nagkasama raw ba kami or kung tinupad ko ba ang pangako ko kay Nicole.
But it was Nicole who first read my mind. She talked to me in person until I cried in front of her, saying sorry for failing her.
Sa kanya ko unang kinuwento lahat. Hanggang sa mag-iyakan na kaming dalawa.
Hindi siya galit at wala rin siyang sama ng loob.
Alam kong sa lahat ng mga kaibigan ko ngayon, siya ang unang makakaintindi sa nararamdaman ko dahil bukod sa siya ang pinakanakakatanda sa amin, eh siya ang isa sa pinaka-solid na takbuhan ko kapag ganitong lugmok ako.
Hindi ko alam kung anong mangyayari. Hindi naman kasi natin hawak ang future. Hindi ko rin alam kung anong mangyayari kay Felicia at Lucka, pero deep inside I'm still hoping na sana maging maayos ang lahat lalong-lalo na silang dalawa.
And for Taylor, I hope she meets someone who can love her unconditionally, someone whom she can call home and who will feel home with her, someone who will give her the world. 'Yung taong kayang mag-reciprocate ng mga bagay na hindi ko kayang maibalik sa kanya because she deserves that.
At ako? I don't know. As I said, maghihintay lang ako. Hihintayin ko lang si Felicia. Dito lang ako, mamahalin siya kahit malayo habang hinihilom ang sariling puso. Maghihintay sa walang kasiguraduhan, maghihintay kahit hindi alam kung hanggang kailan.
Pero sana...kung babalik man siya. Kung babalik pa man siya, kung pipiliin man niya ako, sana hindi na magulo ang isipan niya. Sana sa araw na iyon, sigurado na siya.