Now playing: You & I - Diego Gonzalez
Felicia's POV
Lumipas muli ang ilang araw magmula noong magkaayos kami ni Skyler. Aba! Syempre hindi na ako magpapabebe pa sa pakikipag-ayos niya sa akin 'no? Ilang buwan ko ring hinintay na kausapin niya akong muli, ano?
Ilang buwan ko ring inasam na marinig mula sa kanya 'yung mga salitang binitiwan niya noong nakaraang araw. Akala ko nga eh tuluyan na niya akong hindi kakausapin. Akala ko katulad din siya sa iba na humihingi ng space pero ang totoo wala nang planong makipagbalikan o makipag-ayos.
Pero mga bes, iba siya!
Dahil gusto niyang magsimula kaming muli.
Walang-wala 'yung mga araw at gabi na humahagulhol ako ng iyak at pananabik sa kanya. Kusang napawi lahat ng hapdi at pagtitiis dahil muling pinagbigyan ni Author na magkabalikan kami. Este ng tadhana pala.
Grabe! Parang timelapse lang talaga ang oras at panahon ngayon. Napakabilis!
Ngayong araw ay kagagaling lamang namin ni Skyler sa Manlac Island. Dumalaw kasi kami sa libingan ng aking ama at pati na rin sa libingan ng pamilya nina Beauty. Ang aking mga matatalik na kaibigang pumanaw.
Noon ko lamang din nalaman na ipinaayos pala ni Skyler 'yung bahay nila Beauty roon na nasira at nawasak noong pinagbabaril sila. Isa pa, I didn't know na ipinagawa niya iyon dahil nung mga panahon na iyon ay wala ako rito sa Pilipinas.
* Flashback *
"Pinaayos ko kasi in case na bumalik ka, meron tayong mauuwiang bahay kapag gusto mong pumunta rito." Parang tinutunaw ang puso ko nang marinig ko iyon mula kay Skyler habang nakatutok lamang ang mga mata nito sa bahay na ngayon ay buo nang muli, mas maayos, mas matibay at mas maganda na rin.
Siguro kung nabubuhay lang ngayon sina Aling Lucia at Mang Ben, sigurado akong umiiyak na 'yun sila sa saya dahil mas maganda na ngayon ang bahay nila kumpara nung una. Wala nang tutulo kapag umuulan, hindi na nila kailangang kumuha ng balde o palanggana para lang pangsalo sa tubig ulan dahil butas ang bubong. Hindi na rin sila mabubulasot dahil mas maayos at matibay na ang sahig.
"Paano kung hindi na pala ako bumalik ng Pinas at habambuhay na kitang tinalikuran noon? Sinong makikinabang sa bahay na pinaayos mo?" Curious na tanong ko sa kanya.
"Hindi 'yun mangyayari." Sagot nito bago nagbaling ng tingin sa akin. "Because I always knew you would come back to me and you were made for me." Napangiti siya ng matamis. "You know, our names are already written in the book, and we are each other's end game. Look at what happened now." Sabay kindat na dagdag pa niya.
Isang malawak na ngiti naman ang pinakawalan ko bago siya pabirong sinuntok sa kanyang braso.
"Ang yabang mo naman, Ms. Ross!" Hindi maitago ang kilig na wika ko bago siya nilapitan at niyakap.
"I love you. And thank you for doing this. Sobrang na-appreciate ko."
"Oh, I love you more than you know, kulot." Buong puso naman na sagot nito. "Atsaka hindi ko sinabing libre 'to. Dahil babayaran mo ako at isesend mo ang mga nagastos ko sa bank account ko." Pabulong na dagdag pa niya kaya mabilis akong kumalas sa pagyakap sa kanya at tinignan siya ng masama.
"WHAT?!!"
Ngunit isang malutong na tawa lamang ang pinakawalan nito bago nagsimulang tumakbo palayo mula sa akin dahil alam niyang kukutusan ko siya.
"YOU! Come back here!" Sigaw ko kay Skyler bago siya hinabol habang siya naman ay pinagtatawanan lamang ako.
* End of flashback *
Madilim na noong makabalik kami ng Manila. Kumain muna kami ng dinner sa isang Thai Restaurant bago nagpalipas ng oras sa isang Park na walking distance lang mula sa kung saan kami naghapunan.
"Have you watched the rewind movie, Sky?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami at magkahawak kamay.
Naks! HHWW yarn? Hahaha.
Awtomatikong kumunot naman ang kanyang noo.
"Rewind?" Tanong nito kaya agad na tumango ako bilang sagot. "At sino namang kasama mong nanood ng sine?" Sunod na tanong nito sa akin.
"Of course si Autumn. Sino pa ba? Tss!"
"Ba't 'di mo'ko sinama." Sabay nguso niya. Halatang nagtatampo.
Cute.
Pero hindi 'yun uubra sa akin dahil busy siya palagi kaya hindi ko na siya inabala pa.
"Kung may gusto kang i-rewind sa buhay mo anong part at bakit?" Tanong ko sa kanya at piniling huwag pansinin ang pagtatampo niya. Hahaha.
Napakasama ko bang girlfriend? Peace.
"Pang pageant na tanungan lang? Tss!" Pamimilosopo niya bago ako natawa.
"Sige na! 'Wag kang KJ. Sasagutin mo lang naman eh!" Sagot ko pa.
Sandali namang nag-isip niya habang ako eh excited na sa magiging sagot niya.
"Siguro kung may babalikan ako iyon 'yung panahon na..." Natigilan siya sandali. "You know what? Wala. Wala akong gustong i-rewind." Parang siguradong-sigurado na sagot niya kaya napakunot ang noo ko.
"Ang daya naman. Bakit naman wala?" Sabay bitiw ko sa kamay niya.
"Eh for me everything happens for a reason eh." Sagot nito. "Wala akong gustong i-rewind, just because."
"Anong just because? Syempre may reason ka. Imposible namang wala." 'Yung boses ko medyo pabagsak na, eh paano naman kasi ang KJ niya. Tss!
"Everything happens for a reason, kulot. Nangyayari 'yung mga bagay na dapat mangyari sa buhay natin kasi may purpose. And I believe one of those are the results of our decisions and choices in life. Like, you and me." Paliwanag nito sa akin.
"Hindi naman tayo magkakabalikan kung hindi natin desisyon iyon pareho at hindi natin choice na piliin ulit ang isa't isa. Hindi tayo magkakahiwalay noon, kung hindi ka naging firm sa decision mo. At hindi tayo aabot muli rito kung hindi kita hinanap at sinundan kung saang lumalop ka man ng mundo at hindi mangyayari yun kung hindi ako nagdesisyon." Dagdag pa niya.
"Am I make sense or what? 'Yun lang naman para sa akin. So, kung tatanungin mo ako kung may gusto akong i-rewind sa buhay ko? Wala. Masaya ako sa kung saan ako ngayon, with you, with my family, with my friends and even my career, maayos ang takbo ng kompanya." Pagpapatuloy pa niya.
Pero dahil may pagka-stubborn ako kaya hindi pa rin ako convince sa naging sagot niya.
"Ang daya naman. It's just a 'what if' question." Sabay tirik ko ng aking mga mata at nauna na sa kanyang maglakad.
"Kulot, walang rewind sa tunay na buhay. So, dun tayo sa reality." Muling wika niya habang sinusundan ako.
Hindi na lang ako kumibo dahil gusto ko lang naman malaman 'yung thoughts niya about that. Kung may gusto ba siyang i-rewind. Ba't ang KJ niya sa part na 'yun? Tss!
"Wala akong gustong i-rewind o balikan kasi nangyari na lahat ng 'yun. Pero meron akong gustong i-fast forward." Kaya dahil doon sa sinabi niya ay napalingon akong muli sa kanya.
Hindi kasi maitatanggi sa mga mata ko na interesado akong malaman ang susunod na sasabihin niya. Well, curiosity hits me. Bakit ba? Hmp!
"I-fast forward?" Walang ideya na tanong ko sa kanya.
"Yes." Sagot nito.
"Gusto kong i-fast forward 'yung panahon kung saan magkaparehas na tayo ng apelyido. Sa panahon kung saan sigurado nang ikaw at ako. 'Yung wala nang kakawala pa. 'Yung tipong kahit may magpumiglas na isa, hindi na makakawala pa." Pagpapatuloy niya.
Napailing ako. "W-What d-do you mean, S-Sky?" Nauutal na tanong ko sa kanya.
Napangiti siya na parang kinakabahan.
"Wala akong gustong i-rewind sa buhay ko, but there's something I want to fast forward and that's you becoming my wife, Felicia Dizon." Pagkatapos ay parang slow motion siyang lumuhod sa harapan ko.
Sobrang napaka-unexpected no'n.
Atsaka merong maliit na box siyang inilabas mula sa bulsa ng leather jacket na suot niya. Awtomatikong naglaglagan agad ang mga luha mula sa mga mata ko nang buksan nito ang box at tumambad sa aking harapan ang minimalist white gold ring na merong maliliit na white diamond ang nakapaikot rito.
"Will you marry me?" Naluluha rin ang mga mata na pagpapatuloy nito.
"I-I know it's just a simple proposal. Wala rin sa plano. Hindi rin engrande katulad sa iba, alam ko lang ito 'yung perpect moment for me to ask you since you brought up the rewind thing." Paliwanang niya. At halata sa boses niya na kinakabahan talaga siya because her voice are very shaky.
"But one thing I am sure of, Kulot, is that you're the only woman I want to spend the rest of my life with. Wala na akong ibang gustong makasama at pakasalan, ikaw lang." Dagdag pa niya bago napayuko sa singsing.
"Binili ko itong singsing na ito, y-years ago. Kakakilala pa lang natin noon. Bago ka pa lang sa mansyon. Wala pa rin akong special feelings sa'yo noon but...but there's a weird feeling akong naramdaman noong sandaling iyon. Because the moment I saw the ring, y-you..." Natigilan muli siya bago napalunok at nagpunas ng kanyang sariling luha.
"You were the first thing that came to my mind. I-I even imagined you wearing a wedding gown, w-walking down the aisle, smiling sweetly at me. At that moment, I knew you were the one, Felicia." Pagpapatuloy niya kaya hindi ko mapigilan ang lalong maluha sa saya bago napatakip ng aking kamay sa bibig upang pigilan ang sarili sa paghikbi.
Dahil hindi ako makapaniwalang meron na siyang singsing para sa akin noon pa man.
"Since then, palagi ko ng dala ang singsing na ito. Kahit saan ako magpunta, kahit noong mga panahon na nakikipagbarilan ako. Kasi I... I-I always considered that every moment I had with you back then could have been a perfect moment for me to propose to you. And even if I have to wait a few more years before I can finally give it to you, I will wait because I only want to give this ring to you." Muling dagdag pa niya bago ako muling tinignan ng diretso sa aking mga mata.
"All you have to do is say yes... or no, Kulot. Will you be my wife?"
Walang pag-aalingan na mabilis ko siyang hinalikan sa kanyang labi at itinayo siya.
"YES! Yes, yes, yes, yes, yes, yes na yes, Sky. I will marry you!" Hinahalikan ko siya ng maraming beses sa kanyang labi habang inuulit-ulit ang word na 'Yes'.
Hanggang sa siya na mismo ang nagbigay ng isang mariin at matamis na halik sa aking labi. Tumagal iyon ng ilang segundo dahil agad din akong gumanti sa halik na ibinigay niya. Bago nito tuluyang isinuot ang singsing sa akin.
Kapwa kami naluluha sa saya habang tinitignan ang singsing na ngayon ay suot ko na.
"What are you doing?" Tanong ni Skyler noong nagbibiyahe na kami pauwi sa apartment ko. Nagpalipat-lipat ang mga mata nito sa akin at sa kalsada.
"Chene-check ko lang baka kasi tig 299 pesos lang ito eh ang yaman-yaman mo." Pabirong wika ko sa kanya dahil kanina ko pa tinitignan ang singsing pero ang totoo nag-uumapaw lang sa galak at saya ang puso ko dahil sa wakas naisuot na rin niya ito sa akin pagkatapos ng ilang taon.
"What?! Of course not!" Agad na depensa nito. Hindi maipinta ang itsura niya pero pinipigilan ko lang ang matawa.
"Pero Sky, kahit na magkano pa ito mamahalin man o hindi I'm still going to marry you, okay?" Nakangiting wika ko bago siya tinignan at binigyan ng matamis na ngiti.
"Ano bang pinagsasasbi mo, kulot?"
Pfftt.
"Wala. Masyado lang siguro akong nilalamon ng social media lately." Kagat labi na sagot ko sa kanya.
"Tss! Halika nga rito. Pa-hug at pa-kiss na lang ako sa magiging asawa ko." Malambing na sabi niya kaya naman lumapit ako sa kanya, binigyan siya ng warm hug at isang matamis na halik sa kanyang labi.
Quicky lang. Dahil baka ang kaharutan naming dalawa ang maging dahilan para sumakabilang buhay pareho.
Mahirap na, gusto ko pang maging misis niya ano?