Chapter 43 - TP: 41

Love is a choice. A relationship is a choice. Staying in love is a choice.

Now playing: Still You - Kyle Juliano

Skyler's POV

Weeks and months have passed again.

Believe me, nakikita ko ang mga effort ni Felicia. At sincere siya sa lahat ng mga ginagawa niya na gusto talaga niyang makabawi sa akin at ayusin ang lahat. 

But lately, napapasin ko na parang ilang na siya sa akin. Maybe because wala rin akong ginagawa to fix what we have at hinahayaan lamang siya. Bukod kasi sa gusto ko siyang matuto sa mga pagkakamali niya eh napakaabala ko rin talaga sa kompanya.

Isa pa, tinupad nga nito ang sinabi niyang bibigyan niya ako ng space. At some point, nakatulong nga ito sa akin para mas ma-figure out ko rin kung ano ba talaga ang gusto at plano ko para sa aming dalawa.

At ngayon, ngayong araw na ito. I wanna make up to her.

Gusto ko ring makabawi sa kanya sa lahat ng mga ginagawa kong pagtatabuyan sa kanya.

And I want us to have a fresh start.

Gusto kong magsimula kaming muli ng masaya at walang bahid ng kahit na ano mula sa nakaraan.

She's still the woman I love. She's still the woman I want to spend the rest of my life with.

And this time...hindi ko na palalampasin pa iyon.

Maaga akong nag-prepare para pumunta sa apartment na kinuha niya.

Isa rin pala iyon sa dahilan bakit napansin kong parang umiiwas na siya sa akin, noong umalis siya sa mansyon last week at nagpasyang magbubukod na lang.

Tss! Ni hindi man lang siya nagpaalam sa akin.

Kung sabagay, sino ba naman ang mag-aabalang magpaalam pa. For sure iniisip no'n na susungitan ko lang na naman siya.

Maingat na ipinarada ko ang aking sasakyan sa tapat ng gate ng kanyang apartment. Hindi ko kasi alam kung anong room number niya and it has three floors. Ayoko namang isa-isahin pa ang mga kwarto ng building dahil nakakahiya.

Napangiti ako noong muling lingunin ko ang bouquet of flowers na naka-arrange sa back seat na pinasadya ko talagang ipagawa para sa kanya. Kinuha ko iyon bago tuluyang lumabas ng sasakyan.

Prenting napasandal ako sa pintuan ng kotse ko bago inilabas ang aking phone at tinawagan iyong number niya na hiningi ko pa talaga mula kay Autumn.

Nakakadalawang ring pa lamang ito noong sagutin niya.

Agad na naging malawak ang ngiti ko.

"H-Hello---"

"Wrong dial?" Unang bungad na tanong nito sa akin. "Or wrong number ang natawagan mo." Pagkatapos ay binabaan ako agad ng tawag.

Kunot noo na napatingin ako sa screen ng cellphone ko at muling idinial ang kanyang numero.

Noong sagutin niya ulit iyon ay inunahan ko na siya sa pagsasalita.

"Hindi ako wrong number. I'm outside your apartment." Matigas ang boses na sabi ko sa kanya sabay hinga ng malalim.

"Galit ka ba?"

"What? Of course not!" Agad na depensa ko. Paano naman kasi ako magagalit eh excited pa nga akong makita siya.

"Hindi eh. Mukhang galit ka. Pinagtataasan mo ako ng boses. Galit ka." Saad nito at ibababa na naman sana ang tawag nang muli akong magsalita.

"Feli, seriously. Nandito ako sa labas ng apartment mo---"

"So?"

"Anong so?"

"So, what? Ano ngayon kung nasa labas ka ng apartment ko?" Pamimilosopo nito. "Pagkatapos mo akong pagtabuyan at tarayan ng paulit-ulit ngayon pupunta ka sa apartment ko." Bubulong-bulong na sabi nito ngunit diig ko naman.

"Hey, I heard you." Napapairap na wika ko.

"Password." Biglang sabi niya.

Muling napakunot na naman ang noo ko.

"What?! Anong password?!"

"Gusto mo akong makita 'di ba? You must know the password to see me." Sagot naman niya.

"Anong pinagsasabi---"

"I'm waiting..." Putol nito sa akin.

"Fine! Tss!"

Wala akong ibang maisip kundi.

"Kulot."

"What the! WRONG."

"Ha? Eh ano?"

"You're time is running. Dalawang beses na pagkakamali pa at pwede ka nang lumayas. Hindi mo ako makikita." Muli akong napahinga ng malalim habang nag-iisip muli.

"Ang corny naman. Kailangan may ganto talaga? Tss!" Naiinip na reklamo ko.

"I wanna see you, Feli. PLEASE!" Pakiusap ko pa.

"Eeennnnk! WRONG. Alam mo, bumalik ka na lang sa mansyon niyo. Tigilan na lang talaga natin ito at---"

"Sandali naman." Putol ko sa kanya. "Meron pa akong isa." Dagdag ko pa bago nagpakawala ng isang napakalalim na paghinga.

May ilang segundo bago ako muling nakapagsalita.

"Kulot, I miss you...I miss you so much." Panimula ko. Noong sabihin ko iyon ay basta na lamang din natahimik ito sa kabilang linya. Kaya naman nagpatuloy ako.

Bahala na.

 "I'm sorry, I invalidated your feelings. I shouldn't do that. Dapat pinakinggan kita, I should have listened to your side and let you explain. Hindi dapat kita pinagtabuyan na lang, knowing na...you know, I still love you." Napalunok ako ng mariin bago nagpatuloy.

"You did sacrifice everything for me. You made an effort to fix everything for us and me. And now I am here, at the front of your apartment, because I wanna see you, I wanna hug you and to tell you personally that---"

"Say what you want to say to my face." Putol nito sa akin. "I want you to say it while looking into my eyes." Dagdag pa niya at noon din ay lumabas siya mula sa gate ng apartment niya. Habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata.

Napapalunok ako ng mariin habang tinitignan siyang dahan-dahan na naglalakad papalapit sa akin.

"I uhhh...I am here to tell you personally na...I forgave you, Feli. And I want us to have a fresh start, you and me, as a couple?" Tsaka ako nangiti ng may pagkaalanganin dahil bigla na lang akong nakaramdam ng hiya sa kanyang harapan.

"Alam kong hindi rin ako perfect, pero gusto ko ring humingi ng tawad sa lahat kasi I know I hurt you too." Sinasabi ko ang iyon habang nakatingin sa mga mata niya. Iyong makikita niyang sincere ako at seryoso sa mga sinasabi ko.

"Mahal na mahal pa rin kita, Felicia. At hindi iyon nabawasan kahit lumipas pa ang mga araw, linggo, buwan at taon. I still want you in my life. I still want you to be my 'misis' someday." Pagpapatuloy ko pa habang isa-isang naglalaglagan ang mga luha sa mga mata niya pagkatapos ay bigla na lang itong ngumawa na parang bata at napaupo sa lapag.

Habang ako naman ay hindi ko mapigilan ang mataranta at mabilis na nilapitan siya. Bigla na lang din kasi kaming pinagtinginan ng mga dumadaan sa kalsada.

"What the hell?? Why are you crying? Tumayo ka riyan!" Saway ko sa kanya.

Pero mas lalo pang lumakas ang boses nito habang nagpapadyak ng paa.

"Oh my goodness!"

Bakit nakikita ko ulit ngayon 'yung dating Felicia?

Kaya sa halip na mapikon eh natawa na lang ako sa naging itsura niya. Noon naman siya tumigil sa pag ngawa niya bago ako tinignan ng masama.

"Anong tinatawa-tawa mo riyan?" Tanong nito kaya natigilan ako agad. Siya na rin mismo ang tumayo sa sarili niya bago napa-cross arms.

Pfft. May second personality ba siya? Natatawa na tanong ko sa aking sarili.

"Anong gusto mong gawin ko? Mainis? You're too cute for me to be mad, you know." Sagot ko sa kanya.

"Hmp! Kiss mo'ko." Parang bata na utos niya sa akin habang nakatangad bago ngumuso.

Napakamot ako sa batok ko.

"D-Dito talaga? Are you sure? Sa gilid ng kalsada---"

"Eh bakit? At kailan ka pa nagkaroon ng pake sa ibang tao kapag nanghahalik ka ng mga babae mo---"

"Fine!" Mabilis na sagot ko at walang isang segundo na nilapitan siya bago pinatahimik gamit ang labi ko. It was a soft and gentle kiss.

Hindi iyon nagtagal nang muling ihihiwalay ko na sana ang aking labi sa kanya nang basta na lamang niya akong hawakan sa batok ko at mas nilaliman nito ang halik.

Damn! It was a good and satisfying kiss that would really give you butterflies in your stomach. 

I miss this feeling. Having her in my arms, kissing her slowly and gently, making her feel how much I love her and the feeling that no one else matters around me but just the two of us.

Hanggang sa ipagdikit nito ang aming mga noo at kapwa kami hinihingal na napatitig sa isa't isa na merong sumisilip na ngiti sa aming mga labi at mga mata.

Hindi ko mapigilan ang haplusin siya ng marahan sa kanyang pisngi dahilan para mapapikit siya, upang damhin ang aking palad na nakadikit sa balat niya.

"So, love mo pa rin ako?" Tanong nito sa akin bago nag-pout like a little kid.

I can't stop laughing because of her cuteness. She's really adorable no matter what she does. Kaya naman muling niyakap ko siya na may halong panggigigil at lambing.

"Love naman talaga kita ah. Love na love." Sagot ko sa tanong niya sa paraang masasabayan ko 'yung pagpapabebe niya. Atsaka siya hinalikan sa tungki ng kanyang ilong.

Noon ko lamang naalala na may bulaklak nga pala ako para sa kanya.

"Oo nga pala." Muling kinuha ko ang bouquet na ipinatong ko kanina sa hood ng sasakyan. "Flowers for you." Nakangiting wika ko bago iniabot sa kanya ang naka-arrange na bulaklak.

Malawak naman ang ngiti na tinanggap niya iyon bago inamoy ang mga bulaklak.

"Thank youuuu!" Nagba-blush na pasasalamat nito sa akin. Kaya naman napaiwas ako ng tingin mula sa kanyang mukha.

Oh God. Baka makalimutan kong nasa labas pa kami ng gate at bigla ko na lang siyang mahubaran. Tss!

"Ahem! H-Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" Tanong ko sa kanya dahil wala akong planong umalis ngayon sa tabi niya.

I want to be with her all day and all night. Every minute and every second.

She couldn't stop looking at me with a seductive gaze as she bit her lip.

"Sure! Come in." Wika niya bago ako tuluyang iginaya papasok ng gate ng kanyang apartment.

Agad na cheneck ko kung safe naman ba dito sa loob. At sa nakikita ko ay magiging panatag naman ako dahil mula sa gate ay meron na agad dalawang security guard na nagbabantay. Plus iba rin 'yung security guard na meron sa mismong building na nag-a-assist sa mga bisita ng mga tenant rito.

And knowing Felicia, alam kong kayang-kaya na niyang protektahan ang sarili niya ngayon even without me.

Nasa pinakataas na floor ang unit ni Felicia. Iyon ang pinakamalaki at nag-iisang kwarto sa third floor with a nice view dahil merong maliit na garden ito at nagsisilbing rooftop na rin ng building.

"Sorry, I don't have a chef here unlike in your mansion." Paghingi nito ng tawad kaya napairap ako dahil halatang nang-aasar siya. "So, you decide what food you want me to prepare? Simple Filipino breakfast? Any foreign breakfast food?" Tanong nito ngunit napahinto sa bandang dulo.

"Or... me?" Dagdag pa niya bago itinuro ang kanyang sarili.

Ngunit sa halip na sunggaban siya at pagbigyan sa gusto niya eh natawa lang ako.

"You want me to eat you?" Nangingiti na tanong ko.

"Why not? Mas masarap naman ako kaysa sa mga kinakain mo." Kaya naman hindi ko na napigilan pa ang mapahagalpak ng tawa.

"Are you insulting me? Why the hell are you laughing?" Inis na tanong nito at magwa-walk out na sana nang mabilis ko siyang mahawakan sa kanyang braso at walang sabing hinalikan sa kanyang labi.

Noong magki-kiss back na sana dapat siya ay muling ipinaghiwalay ko ang aming mga labi. And there, kuhang-kuha ko lalo ang pikon niya. Kaya mabilis na hinampas ako nito sa aking braso habang ako naman ay muling pinagtawanan siya.

"Bahala ka nga sa buhay mo!" Inis na singhal nito bago ako tuluyang tinalikuran. Habang ako naman ay tumatawa pa rin na sinundan siya patungong kusina.

If we make love again, I want it to be more special, not just driven by our physical desires. I want every intimate moment we share to be a reflection of our love and nothing else.

And at this moment, all I crave is to be with her. We'll discuss our life plans, where she can openly share her thoughts and aspirations, and I'll wholeheartedly support and accompany her in achieving her goals. My vision is for us to be a power couple, where our connection transcends the physical aspect, focusing on building a meaningful and fulfilling relationship.

Hindi na ako 'yung dating Skyler na mababaw lang ang gusto sa buhay, gimik dito, babae doon, sex dito, sex doon.

No. I want to be a mature partner for Felicia. I want to be the right person for her.

And yes, tama nga sila. Love is always a choice. And it is not just a feeling; it's a conscious choice we make every day.

Hindi madali ang manatili sa isang tao o sa isang relasyon, lalo na kapag nakita mo na ang worst nito. But if you truly love that person? Patatawarin mo. Pipiliin mo pa rin siya sa araw-araw kahit sa mga araw na ramdam mong hindi na kayo magwo-work.

Choosing to love and be in a relationship is a beautiful commitment that requires our effort, understanding, and patience. It's about actively deciding to support, cherish, and uplift each other through the highs and lows.

Remember, staying in love is a choice too. Yes. Kahit minsan pakiramdam mo hindi mo na siya mahal o hindi na siya kamahal-mahal o bwisit ka na lang sa kanya palagi at hindi na kayo nagkakaintindihan, piliin mo pa rin sana na mahalin siya because that's what true love is. Ang totoong pagmamahal ay nananatili pa rin kahit sa mga araw na hindi na siya kapili-pili.

Embrace the journey, nurture the connection, and let your choices be a testament to the enduring strength of your love story.

And that's what happened to Felicia and me. Even though we were separated for many reasons, opportunities, and a long time, in the end, we know that we will return to each other's arms, and we will still choose to love each other.

I hope we can keep this journey of us going smoothly, hindi man perpekto ang aming magiging pagsasama ngunit gaya sa mga magulang ko, pinapangako kong aalagaan at iingatan ko siya.