Chapter 36 - TP: 34

Now playing: Hindi Tayo Pwede - The Juans

Felicia POV

Pagising ko ay mahimbing pa ring natutulog si Skyler. Sandaling iniharap ko ang aking sarili sa kanya at marahan na hinawi ang buhok nitong nakaharang sa kanyang mukha.

Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang pinagmamasdan siya.

Kapag kasama ko siya napaka-safe talaga sa pakiramdam. Iyong tipo na walang sino o ano man ang pwedeng manakit sa akin.

Palagi kong naaalala kung paano niya ako ipagtanggol at protektahan mula pa man noon. I became her priority and responsibility kahit hindi naman dapat. Hindi siya umaalis sa tabi ko kahit na ikapahamak niya pa mismo.

Ni hindi nga ako pwedeng hawakan ng kahit na sino, maski dulo ng buhok ko dahil ayaw niyang mapahamak ako.

Muling gumuhit ang ngiti sa aking labi kasabay ang paghinga ng malalim bago napasabunot sa aking buhok habang inaalala ang mga nangyari kaninang madaling araw.

Yes. We made love again. At hindi ko alam kung ilang beses na naman naming nagawa at inulit-ulit iyon. Kaya siguro tulog na tulog pa rin si Skyler hanggang ngayon.

Ngunit sa hindi malamang dahilan habang tinititigan ko ang payapang natutulog na si Skyler ay basta na lang pumasok sa aking isipan si Lucka.

Never kong sinabi sa kanya na mahal ko siya. Ni hindi ko nga magawang ibigay sa kanya ang sarili ko katulad ng kung paano ko ito ipagkatiwala kay Skyler. Hindi ko rin alam kung bakit.

Mabuti na lamang at hindi niya ako pinipilit. Kahit na ganoon si Lucka malaki ang respeto niya sa akin.

Natatakot lang talaga akong magbigay ng chance sa kanya dahil ayokong palitan si Skyler sa buhay ko. Ngunit hindi naman maitatanggi na nagki-care ako sa kanya.

Malaki ang utang na loob ko kay Lucka. Siya ang tumulong sa akin noon para makaalis kay Marsha. Napapikit ako ng mariin noong maalala kung paano niya handang itaya ang buhay niya para sa akin.

Ngunit agad ko ring iwinaglit sa aking isipan ang mga alaalang iyon. Bigla na lang kasing nanikip ang dibdib ko dahil sa trauma noong araw na iyon.

Kaya tuluyang bumangon na ako mula sa higaan, dahan-dahan upang hindi ko magising si Skyler. Bago ako nagtungo sa may veranda para magpahangin.

I do really care for Lucka. And I don't wanna lose her. I don't wanna hurt her either. Lalong lalo na si Skyler. Masasaktan ko na naman siya muli. But knowing kung anong personality ang meron sila ni Lucka, alam kong walang pagpapatalo sa kanilang dalawa.

Napahilamos ako sa aking mukha.

Ba't ko ba kasi hinayaan na umabot pa sa ganito? Kung alam ko naman in the very first place na magiging ganito ka komplikado.

Pero hindi ko naman masisisi ang sarili ko. Gusto ko lang din talagang makasama muli si Skyler.

The fact is matagal ko nang alam na nandito sa Prague si Skyker. Pero never akong nag-initiate na magpakita sa kanya except doon sa araw sinundan niya ako dahil parte na iyon ng plano ko para makasama siyang muli.

Wala akong balak na gawing komplikado ang lahat. Pero ewan ko rin kung bakit naisipan kong itakas si Skyler at dalhin siya rito sa Hacienda.

Tama siya, what's the sense na dinala ko siya at ipinakita sa kanya ang lahat ng ito kung nakatali na ako sa iba. Kung meron na akong asawa at iyon ay si Lucka.

"Something is bothering you?" Napasinghap ako noong marinig ang boses ni Skyler.

Sa lalim ng pag-iisip ko hindi ko namalaman na gising na pala siya.

Medyo magulo pa ang buhok nito at halatang naalimpungatan lang.

"Go back to sleep, Sky." Utos ko sa kanya at tinignan siya ng malamlam sa kanyang mukha.

Ngunit mababasa sa kanyang mga mata na mas gusto niyang i-release ko ang kung ano mang gumugulo sa isipan ko kaysa ang matulog ulit.

Muli akong huminga ng malalim.

"What is it?" Tanong nitong muli in a serious tone.

Kaya wala na akong nagawa pa kundi ang humarap ng maayos sa kanya at tinignan siya ng diretso sa kanyang mga mata.

"This is not right...Sky." Napalunok ako ng mariin. "I'm sorry."

Awtomatikong kumunot ang kanyang noo at naguguluhan na napailing.

"What? What do you mean this is not right?"

Ngunit binalewala ko lamang ang tanong niya. Mabilis ang mga hakbang na nilapitan ko siya bago hinawakan sa kanyang braso.

"Mabuti pa siguro ihatid na kita---"

"What do you mean is not right." Pag-ulit nito sa kanyang sinabi tsaka binawi ang kanyang braso mula sa akin.

"I have a wife, Sky." Mariin na sagot ko sa kanya while staring straight into her eyes.

"I'm sorry, I brought you here. I'm sorry that we did things that shouldn't happen. I'm sorry... I'm sorry, that I can't say back the word that you wanted me to say." Paulit-ulit na paghingi ko ng tawad sa kanya.

I know sorry is not enough pero what should I do? Maski ako naguguluhan na naman sa sarili ko.

At isa pa, alam ko kasi na hinihintay lang nito na piliin ko siya at magsimula kaming muli.

But I can't. I just can't.

"I'm sorry." Paghingi ko muli ng tawad at muling napasabunot sa aking buhok.

"Well, you know me. I get everything I want." Cool na lang na sabi nito na para bang hindi niya siniseryoso ang mga sinasabi ko.

"Sky, you don't understand. Magpapatayan lang kayo ni Lucka. Masasaktan ko lang siya. I don't wanna hurt her."

Napanganga siya in disbelief.

"So, ako okay lang na masaktan mo?" Her voice cracked and I could see also the pain in her eyes.

"No! Of course, not!" Mabilis na sagot ko. "I don't want to hurt you either. Please, Sky..." Hahawakan ko sana siyang muli ngunit siya na mismo ang naglayo ng sarili niya sa akin.

"Maybe we should talk later." Medyo kalmado pa rin ang boses na saad niya.

"No. Wala na tayong oras---"

"NO!" Biglang sigaw nito kaya medyo napasinghap ako sa gulat.

"You cannot tell me what to do Feli. This is my life, so, kung gusto kong makipagpatayan para lang maging akin ka ulit, I would. Pero hindi naman ako ganun katanga at ka desperada para gawin yun. Dahil ipaglalaban kita ng patas. At patutunayan ko sa'yong walang ibang kayang magmahal sa'yo tulad ng pagmamahal ko sa'yo." Sabay walk out nito.

Wala na akong nagawa pa kundi tignan na lamang ang likod niya papalayo mula sa akin.

Shit!

---

Skyler POV

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan paulit-ulit itong gawin sa akin ni Felicia. If she doesn't want me anymore, pwede niya namang sabihin iyon sa akin at hindi na kailangang magpakita pa ng kahit na anong motibo. 

Hindi ko naman na ipipilit ang sarili ko kung ayaw na niyang bumalik ako sa buhay niya. Hindi 'yung sasabihin niyang may asawa na siya o kung anu-ano pang dahilan pero iba naman ang actions na pinapakita niya.

Kung ayaw na niya sa akin and the fact na may asawa na siya bakit kailangan pa niya akong ikulong in the very first place at dalhin sa hacienda na ito na kaming dalawa lang ang magkasama?

And the fact na ang daming beses na ulit na may nangyari sa amin. Tapos ngayon sasabihin niya na this is not right? 

What the! 

Hindi ko mapigilan ang hindi maghinagpis sa mga sinabi niya. I'm so pissed right now and I can't help but getting hurt because of what she said. 

Ang dali-dali lang sa kanya sabihin lahat ng iyon. Ang dali lang para sa kanya magdesisyon agad agad without thinking kung anong mararamdaman ko. 

Pero baka naman kasi umpisa pa lang ako lang ang umaasa na may happy ending itong kwento namin. Na baka biglang magkaroon ng plot twist at maging kami parin sa huli. 

Ewan ko! Gulong-gulo na ako. 

Hayst! 

Tahimik na ang paligid pagbalik ko sa loob ng bahay. Sa inis ko kanina eh nagpahangin na muna ako dahil nasasaktan ako sa mga sinabi ni Felicia.

Okay naman kasi kami kagabi at noong mga nakaraang araw tapos biglang ganito. 

Mukhang naliligo na rin siya kaya naisipan kong buksan na lamang ang TV para manood.

Fudge! Tinitiis ko lang ang boredom sa lugar na ito dahil mas gusto kong makasama siya at ayoko siyang iwan mag-isa tapos sasaktan lang na naman niya ako.

Hindi pa kasi nito binabalik ang aking cellphone magmula noong ikinulong niya ako. Pero hindi na bale, I can buy a new one. 

Pero hindi pa ngayon dahil nasa malayong kabihasnan pa kami. Tss! 

Maya-maya ay bigla na lang nag-ring iyong telepono na nakapatong sa may TV.

Napaka-unusual dahil ngayon lang yata ako nakakita ng telepono sa bahay na ito. O baka naiwan lamang ni Felicia kaya ganoon. 

Hinayaan ko lamang ito sa pag-ring dahil sigurado akong hindi ko naman kilala kung sino ang tumatawag. Mamaya asawa niya pala, edi natapos na ang maliligayang araw namin ni Felicia.

Isa pa, may kailangan pa kaming issue na dapat pag-usapan. At ayoko muna siyang kausapin sa ngayon na punong-puno ako ng sama ng loob. 

Noong matapos na ang pag-ring ng telepono ay muling tumunog ito. Napa-rolled eyes ako at tamad na tamad na tumayo para kunin ito at tuluyang sagutin.

Bahala na. 

"Where the hell are you?!"

Gosh! Inilayo ko sandali 'yung telepono sa tenga ko dahil sa lakas ng boses ng babaeng nasa kabilang linya. 

Magsasalita na sana ako para sabihing naliligo pa si Felicia nang biglang... 

"I can't find Skyler." Awtomatikong napakunot ang noo ko when I heard my name. And her voice seems familiar to me. 

"So, wala akong choice kundi tumawag sa'yo kahit mahigpit na ipinagbabawal mo. Because I know you know where she is. Or should I say, bring her out from where you are hiding her, dahil galit na galit na ang asawa mo at parehas niya kayong pinaghahanap at kapag may nangyaring masama kay Skyler dahil sa asawa mo, baka mapatay ko siya. Do you hear me?!"

Napahawak ako ng mahigpit sa telepono noong sandaling nabosesan ko kung sino ang nagsasalita mula sa kabilang linya. Agad na umusbong ang matinding galit sa aking dibdib habang nag-uunahan ito sa pagtaas baba. 

"W-W-What the fuck?! T-Taylor??! What is the meaning of this?!"

Sandaling natahimik ang kabilang linya. 

"S-Sky?" 

"What the hell is going on- T---" 

*Toooot toooot toooot*

I cursed repeatedly the moment the line went dead.

Hanggang sa may marinig ako na mga yabag patungo sa akin. Mabilis na nagbaling ako ng tingin sa direksyon nito habang nag-uunahan pa rin sa pagtaas baba ang aking dibdib.

Tapos nang maligo si Felicia.

Halatang nagmadali siya na matapos kaagad, marahil dahil naalala niya kung saan niya nailagay ang kanyang telepono. 

But too bad for her dahil nasagot ko na ang tawag na dapat para sa kanya. 

Awtomatikong napatingin siya sa hawak ko habang may dahan-dahan na mga hakbang palapit sa akin. 

Mukhang may kutob na siya kaagad sa nangyari kaya napalunok ito ng mariin.

"Sky. S-Sino 'yung tumawag?" Nanginginig ang boses na tanong nito sa akin. 

Sa galit ko eh bigla ko na lang naihagis ang telepono sa pader hanggang sa nagkapira-piraso ito. 

"You know Taylor." Hindi iyon isang katanungan. Kundi isang pahayag na at kumpirmadong kasagutan.

Pilit na pinakakalma ko pa rin ang boses ko kahit na gusto ko na siyang sigawan. 

Kaagad naman na napatango siya bilang sagot. 

"I-I hired her...to---to be your girl." Utal utal na pag-amin nito. 

Napalunok ako ng mariin noong marinig ang ipinagtapat niya. Pakiramdam ko rin bigla na lang nanlumo ang mgabtuhod ko at nawalan ng lakas. 

Matagal bago ako muli nakapagsalita. Pinipigilan ang sariling magalit dahil baka bigla kong makalimutan na mahal ko siya. 

Na itong babaeng nasa harapan ko ay mahal ko. 

Hindi ko malaman kung anong gagawin ko. Napapakagat ako sa aking labi, habang nag-uunahan sa pagtaas baba ang aking dibdib na parang gusto kong sumabog at magwala sa galit. 

"W-What?" Tanong ko at napiyok pa sa dulo dahil sobrang nagpipigil ng emosyon.

For the second time around, I felt betrayed by the woman I love.