Chapter 37 - TP: 35

Now playing: Kailan? - Maki

Skyler POV

"W-What?" Tanong ko at napiyok pa sa dulo dahil sobrang nagpipigil ng emosyon.

For the second time around, I felt betrayed by the woman I love.

"I-I hired her para merong magre-report sa'kin tungkol sa'yo. I hired her p-para meron kang proteksyon at... at para na rin---"

"That's bullshit!" Putol ko sa kanya. "Why don't you just say that you hired her to replace you? Do you really think that my love for you is just a joke, huh?" Hindi maitago ang hinagpis at pait sa boses ko dahil nanginginig rin ito.

"Ganun ba kababaw ang tingin mo sa akin? That my love for you is just shallow? Na kayang palitan at makalimutan agad kapag may nakilalang bago?"

Hanggang sa bigla na lang nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko. Pero mabilis ko iyong pinahid.

"Sky..."

"You hired her so I can love someone else, right? Para makalimutan kita? I don't understand why are you doing all of these when you knew I love you that much."

Pero ayaw nang magpapigil pa ng mga luha ko na animo'y nasasaktan din sila para sa akin, na nararamdaman din ng mga ito ang nararamdaman ko.

I can't stop being hurt too much because I feel like Felicia is just playing with me while what I'm giving and showing her is pure and genuine love and treatment that I can give.

"And now you marry...you marry a woman na hindi mo naman talaga mahal. Para saan? Para ipamukha sa akin na hindi ako sa'yo kawalan? Ganun ba? O p-para...para ipamukha sa akin na sa ating dalawa ako lang ang mas nagmamahal."

"Hindi yan totoo." Agad na depensa nito.

"O baka--- baka hindi mo talaga ako minahal. 'Di ba? Kinailangan mo lang ako noon pero hindi mo talaga ako minahal. Kaya siguro..." Napasinghot ako. "Kaya siguro ganun na lang kadali para sa'yo na hindi ako piliin at iiwan!"

"No! That's not true." Sigaw nito at basta na lamang din tumulo ang kanyang luha habang umiiling.

"Then what? Huh?! Bakit kailangan pang umabot tayo sa ganito! Bakit kailangan pang may ibang taong ma-involve? Bakit kailangan mo pang magpakasal sa iba? Bakit hindi na lang pwedeng ako ulit? Maging tayo ulit kung mahal mo ako---"

"Because I don't deserve your love, Sky!" Sigaw nitong muli at hinayaan na lamang din sa pag-agos ang kanyang mga luha.

"I left you. I-I blamed you for the things that you also don't want to happen. Hindi ako bumalik sa'yo kahit na alam ko naman ang daan pabalik. Kahit na alam ko namang tatanggapin mo ako. Kasi ako mismo, hindi ko kayang patawarin ang sarili ko. Dahil nasaktan kita at iniwan." Paliwanag nito habang humihikbi.

"Mas pinili kong magalit sa sarili ko kaysa humingi ng kapatawaran sa'yo kasi alam kong kahit anong gawin ko tatanggapin at tanggapin mo ako. Pero hindi ko kasi deserve 'yun, Sky." Pagpapatuloy niya.

"So, I hired Taylor to replace me instead. Para magawa mo akong kalimutan. Kahit na ang totoo eh sakit sakit marinig ang bawat nirereport ni Taylor sakin kung anong mga ginagawa ninyong dalawa. Knowing na may nangyayari sa inyong dalawa, paulit-ulit. Habang ako ni hindi ko kayang makipag-holding hands sa iba kahit na sa sariling asawa ko pa." Napahinga siya ng malalim para makapagsalita ng maayos dahil sobrang nanginginig ang boses niya.

"T-Tiniis ko 'yun kasi hindi ko deserve na makasama ka! Because I hurt you, Sky." Dagdag pa rin niya.

"Mas gusto ko pang magalit ka sa akin, itakwil mo ako at kasuklaman kaysa patuloy na mahalin mo dahil hindi ko deserve 'yun pagkatapos ng mga nangyari."

Ngunit tinitigan ko lamang siya ng maigi sa kanyang mukha.

I really wanted to hug her and tell her it's okay. Pero hindi ko gagawin dahil nasasaktan din ako ngayon.

And I don't want to tolerate her para saktan ako paulit-ulit. Because she have done these things na hindi pinag-iisipan kung anong consequences ang pwedeng mangyari.

Hindi ko na alam kung alin pa ba ang totoo sa hindi. Kung maniniwala pa ba ako sa kanya, susundin ko pa rin ba ang puso ko despite the fact that she did those things o pakikinggan ko kung ano ang tama. I don't know.

I really don't know.

"You shouldn't have complicated things, Felicia. All you have to do is run back to me and you know I will forgive you. But..." Napailing ako. "But this? I don't know. You guess... you guess kung anong nararamdaman ko ngayon pagkatapos ng mga nalaman ko. But I'm sure, I'm sure, you will never want that to happen to you either." Dagdag ko pa at basta na lamang siyang tinalikuran.

Dumiretso ako sa kwarto para mag-impake ng mga gamit ko. Pero ang tanga lang sa part na mag-iimpake ako nang wala nga pala akong kagamit-gamit rito dahil pati mga damit na suot ko eh kanya.

Kaya muling lumabas ako ng kwarto hanggang sa tuluyang makalabas ng bahay at handa nang maglakad patungong gate ng hacienda kahit na may ilang kilometro ang layo muna rito sa mismong bahay.

Ngunit tulad ng inaasahan ko, hinabol ako ni Felicia para pigilan. But knowing my self-worth and value kahit na ano pang sabihin niya sa akin, I'm still willing to walk away because she's hurting me too much.

And I can't believe that I let this happen to myself.

That's why I didn't want to love before nor to be in a serious relationship because this kind of love was too scary and dangerous pero sinubukan ko pa ring magmahal at maging seryoso dahil sa kanya.

Para sa kanya.

"Skyler. Please! Don't leave unless we settle this."

Ngunit hindi ko siya pinakinggan, hindi rin ako nagsalita pang muli at dire-diretso pa rin ako sa aking paglakad.

Hanggang sa may marinig akong pag-click ng isang baril. Alam ko na agad kung ano iyon pero hindi ko pa rin siya pinakinggan.

"Please, don't make me do this." Napahinto ako sandali sa paghakbang.

"Go on, Feli. Shoot me if you want but you can't stop me." Wika ko at ipinagpatuloy ang paghakbang hanggang sa pinaputukan nga niya ako.

Ngunit hindi ako nito pinatamaan. Pinatama lamang niya ito sa gilid ng paa ko atsaka siya napahagulhol at napaupo sa damuhan.

"I'm sorry. I'm really sorry." Paulit-ulit na paghingi niya ng tawad habang umiiyak.

Para namang pinipiga ang puso ko na marinig siyang humihikbi ng ganun na halos hindi na makahinga. Kaya naman napahinto akong muli at dahan-dahan na umikot paraharap sa kanya.

May limang dipa ang layo niya sa akin. Noong ihahakbang ko na ang mga paa ko palapit sa kanya ay siya namang natigilan siya sa pag-iyak habang nakatingin sa may hindi kalayuan.

Kaya naman lumingon din ako sa direksyon kung saan siya nakatingin.

Medyo nasa taas na bahagi kasi ang kinatatayuan namin ngayon kaya matatanaw mula rito ang mga paparating na sasaktyan mula sa pinaka-main gate or entrance ng hacienda.

And there, I saw five cars speeding towards where we were. Mukhang armado rin ang mga ito at maraming dalang tauhan.

"Fuck! I think Lucka found us." Saad nito at muli kaming nagkatinginang dalawa ni Felicia.