Chapter 39 - TP: 37

Now playing: Always Remember Us This Way - Lady Gaga

Skyler POV

Nakatulog na si Felicia pagkatapos kong gumawa ng apoy kanina. Siguro dahil hindi na siya masyadong giniginaw kaya tuluyan nang inantok at nakapagpahinga.

Mabuti na rin iyon dahil kailangan niya ng lakas para gumaling agad. Nilalagnat na rin kasi ito kaya mas lalong nanghina.

Umalis lang ako sandali para kumuha ng ibang pang gatong na tuyong kahoy dahil malapit nang mamatay ang apoy na ginawa ko.

At habang naglalakad ako pabalik kung nasaan si Felicia ay bigla na lamang akong nakarinig ng pagsigaw at sunod-sunod na tili.

Awtomatikong nabitiwan ko ang mga hawak kong kahoy nang marinig na boses iyon ni Felicia. Mabilis na napatakbo ako sa direksyon kung saan ko siya iniwanan kanina.

Pagdating ko sa kuweba ay kaagad na sinuyod ng aking mga mata kung nasaan siya ngunit hindi ko ito mahanap.

"Felicia!" Pagsigaw at pagtawag ko sa pangalan niya ngunit walang sumasagot.

"Damn it!" Pagmura ko at agad na pumihit para hanapin siya sa gubat.

"Feliciaaa!" Muling pagsigaw ko ngunit katulad kanina'y bigo pa rin ako. Wala pa ring sumasagot o gumaganti sa pagtawag ko sa pangalan niya.

Hanggang sa may nahagip ang flashlight ko na mantsa ng durog na tumulo sa ilang dahon sa paligid.

Dali-daling lumapit ako rito at hinawakan iyon para amuyin kung dugo ba ng hayop o ng tao. At nung makumpirma kong dugo ng tao ay kaagad na sinundan ko ito dahil pagdating sa unahan ay may iba pang bahid ng dugo.

Panay rin ang pagmura ko at paulit-ulit na sinisisi ang sarili dahil nagawa ko siyang iwanan.

Ayaw kong isipin na nahanap at natagpuan siya nina Lucka. Ngunit hindi maalis sa isipan ko na baka nga...baka nga natangay na siya ng mga ito.

Ang lakas din ng kabog ng dibdib ko. Ngunit pilit na kinakalma ko ang aking sarili at patuloy pa rin na hinanap siya.

---

Felicia POV

Nagising ako na wala si Skyler sa tabi ko. Kaya kahit hilong-hilo at nanghihina ang aking buong katawan ay pinilit kong bumangon sa pag-aakalang baka sa labas lamang siya ng kuweba.

Medyo malapit na kasing mamamatay ang apoy na ginawa nito eh.

"W-Wild boar..." Bulong ko sa aking sarili at kaagad na napatili at sumigaw nang makitang walang Skyler sa labas kundi isang wild boar.

Mabilis na humarap ito sa direksyon ko. Habang ako naman ay kaagad na tumakbo papalayo dahil tiyak na susugurin niya ako.

Sumabit pa nga 'yung kaliwang braso ko sa sanga ng punong kahoy kaya muling nagkasugat ako.

Hindi ko mapigilan ang mapangiwi sa sakit at hapdi ngunit patuloy pa rin ako sa pagtakbo. Iyong takbo na animo'y huling takbo ko na dahil tiyak na maaabutan ako ng panget na baboy-ramong iyon oras na bumagal ang mga paa ko.

Pero shit! Sobrang kinakapos na ako sa paghinga kaya wala akong nagawa kundi ang magkubli sa isang malaking punong kahoy.

Naiiyak na rin ako dahil muling naramdaman ko ang pagkahilo, plus may bagong sugat na naman ako na dumagdag sa sakit ng katawan ko.

Pasimpleng sinilip ko kung nasa paligid pa rin ba ito ngunit hindi ko pa man tuluyang nailalabas ang aking ulo mula sa pinagkukublian ko, nang biglang may tumakip sa bibig ko kaya napatili ako.

The good thing is nasa bibig ko pa rin ang kamay niya kaya hindi ito naging dahilan para makagawa ako ng ingay sa paligid.

Naramdaman ko na niyakap niya ako. Dahil doon ay kusang kumalma ang katawan ko atsaka dahan-dahan na humarap sa kanya at tumangad para tignan ang kanyang mukha kung sino, dahil blury na naman ang paningin ko sa sobrang hilo.

As if naman na makikita ko ang mukha niya sa dilim ng buong paligid.

"Hey, it's me." Bulong nito sa akin. Sapat lamang para marinig ko.

Napalunok ako noong mabusisan kong si Skyler ang katabi ko at nakayakap pa rin sa akin ngayon. 

Muling niyakap ko siya pabalik dahil sa takot na muli siyang mawala sa tabi ko. Akala ko kasi kung napaano na rin siya eh.

"Kaya mo bang umakyat?" Tanong nito sa mahinang boses.

Knowing na si Skyler itong kasama ko, wala akong ibang pwedeng gawin kundi ang pagkatiwalaan siya. Kaya kung ano man ang mga gusto niya at ipagagawa niya ay malugod ko iyong susundin.

"Yes!" Mahinang sagot ko rin sa kanya.

Kaya naman inalalayan niya akong makaakyat sa puno kung saan kami nagkukubli ngayon, hanggang sa dalawa na kami ang nasa itaas. Hindi naman ito kataasan, sapat lamang para hindi kami maabot ng baboy raro. Ang alam ko kasi kaya nitong hukayin 'yung isang punong kahoy lalo na kapag hindi pa ito masyadong matibay eh.

Hindi kasi kami pwedeng gumawa ng ingay o ang basta na lamang barilin ito dahil matutunton kami nina Lucka. 

"Sorry." Rinig kong paghingi ni Skyler ng tawad habang nilalagyan ng bandage na tela ang sugat ko sa braso.

"Sorry for what?"

"For leaving you earlier." Sagot niya.

"Hindi mo naman alam na maghahabulan kami ng baboy-ramo na iyan eh." Tukoy ko sa wild boar na hanggang ngayon ay nasa ibaba pa rin ng punong kahoy kung nasaan kami. "Atsaka ano ka ba---"

Natigilan ako at hindi na natapos ang gustong sabihin nang biglang mag-ingay ang tiyan ko. Sinyales na nagugutom na ako. Noon ko lamang naalala na wala pa nga pala kaming kain magmula kanina.

Napakamot ako sa aking batok. "Sorry about that." Nahihiyang paghingi ko ng tawad.

Hindi kumibo si Skyler. Ang tanging narinig ko lamang ay ang malalim nitong buntong hininga.

Atsaka niya dahan-dahan na inayos ang kanyang sarili. Noong napansin ko na aalis at baba siya ng punong kahoy ay mabilis ko siyang hinawakan sa braso para pigilan.

"You need food." Saad niya. "Sa ingay ng tiyan mo mukhang hindi mo maisu-survive ang gabing ito nang hindi nakakakain." Dagdag pa niya.

Hmp! Hindi ko alam kung concern ba talaga siya sa akin o nilalait niya ako.

"I'm just kidding. Of course, kailangan mo ng lakas." Dagdag na paliwanag pa niya.

Tumango na lamang ako sa kanya. Pababa na dapat siya nang muling tawagin ko ang pangalan niya. "Uhh, Sky...b-be careful." Iyon na lamang ang tanging nasabi ko. Hindi rin ito nag-abalang sumagot sa akin na animo'y naiilang pa rin siya.

Pagkatapos ng isang oras at ilang minuto ay meron na kaming pagkain ni Skyler. I'm amazed how she managed to knock down the wild boar na humahabol sa akin kanina nang hindi kailangan ng baril, pero hindi na mahaga iyon, dahil ang importante ay may pagkain na kami, na ngayon ay nileletson na ni Skyler.

"T-Thanks." Pagpapasalamat ko noong binigyan niya ako ng hiniwa-hiwang karne.

Sinabayan na rin niya ako sa pagkain. Nakailang hiwa lamang ako dahil kahit na masarap ang karne nito eh matabang pa rin sa panlasa ko.

Pagkatapos namin parehong kumain, eh pumwesto kaming muli sa ilalim ng punong kahoy at doon namin isinandal ang aming mga sarili.

Hindi na kasi kami bumalik sa kweba na pinanggalingan namin kanina dahil tiyak na nakalayo na kami. Or worst, baka maligaw pa kami.

Kinabukasan, nagising na lamang kami pareho ni Skyler dahil may narinig kami na para bang may nabali at naapakang sanga. Mabilis na nagkubli kami ng maayos sa malaking punong-kahoy kung saan kami nagpalipas ng gabi. Atsaka hinintay kung sino o may tao bang lalabas sa direksyon kung saan namin narinig ang ingay nang...

"Taylor?" Biglang pagbanggit ni Sky sa pangalan noong may lumabas na babae mula sa masukal na parte ng gubat. 

Halatang nagulat din si Taylor at hindi inaasahan sa nakita. Nanlalaki ang mga mata at mabilis ang mga hakbang na lumapit ito kay Skyler at agad na niyakap niya ng mahigpit.

"Langit! Thank God you're safe." Para bang nabunutan ng tinik sa dibdib na wika nito. Kumalas siya sa pagyakap kay Skyler.

Marahan na inabot ni Taylor ang pisngi ni Skyler at hahalikan sana nang mabilis na iwinasiwas ni Sky ang kamay nito mula sa kanyang mukha at lumayo mula kay Taylor.

Halatang galit din siya pati kay Taylor.

"What are you doing here?" Tanong ni Skyler sa kanya. "Ah! I knew it." Sabay lingon nito sa akin nang nakangisi. "Your boss. You're looking for her." Tukoy nito sa akin.

"Sky---"

"Pwede bang lumabas na tayo sa gubat na ito nang makapag-kanya kanya na tayo?" Putol ni Sky kay Taylor. Habang ako naman eh tumikhim muna bago tuluyang lumabas sa pinagkukubliang punong kahoy.

"Halos mamatay na ako sa pag-alala at paghahanap sa'yo tapos iyan lang ang sasabihin mo sa akin ngayon? How dare you!" Singhal ni Taylor sa kanya bago nito ibinaling ang kanyang mga mata sa akin.

"And you! Kasalanan ito ng magaling mong asawa kung bakit kayo humantong sa gubat na ito! So, bakit parang sinisisi mo ako, Sky?" Muling baling niya ng tingin kay Skyler.

Ngunit natawa lamang ng pagak si Skyler habang umiiling.

"Have you forgotten? Oh well, I will remind you," Sarkastikong sagot ni Skyler. Habang ako naman ay napapikit ng mariin.

Damn you, Taylor. Kung bakit naman kasi nagpakita ka pa. Eh okay na kami last night.

"Nagagalit ako ngayon hindi dahil sa napunta kami sa gubat na ito, nagagalit ako ngayon dahil nagsinungaling kayo sa akin. Bakit ka na nga ulit pumasok sa buhay ko, Taylor?" Tanong ni Skyler sa kanya.

Agad naman na napaiwas si Taylor ng tingin sa mukha ni Skyler.

"Ah! Because Felicia hired you to pretend to be our family's weapons supplier, right? You pretended to be my friend too. And worst, she hired you to...to be my next girl?" Muling natawa si Skyler bago pumapakpak na animo'y natutuwa sa nangyayari ngunit ang totoo'y nagiging sarcastic lamang siya.

"Bullshit! Tingin niyo sa akin? Laruan? Ganoon lang kababaw?"

"Sky, hindi naman sa---"

"Well, it's good that the three of us are here today." Muling pumalakpak si Skyler. "Bravo! Ang galing niyo! Ang galing niyo!" Sandali siyang natigilan. "You know what? I don't want to see your face anymore. Both of you!"

Dahan-dahan na inihakbang niya ang kanyang mga paa paatras kay Taylor. Agad na sinalubong din nito ang mga tingin ko, I can still see the pain in her eyes, the disappointment and sadness na dulot ng ginawa ko.

Bago ito mabilis na tumalikod sa aming dalawa ni Taylor. Pero ano pa nga ba ang dapat na gawin ko kundi ang sundan at pigilan siya.

Kaya mabilis ang mga hakbang na hinabol ko siya.

"Sky, please pag-usapan muna natin ito." Pakiusap ko sa kanya.

"No!" Pagmamatigas niya bago muli akong hinarap. "This...This is an issue between you and your wife, it's just your issue, Feli. Tama na ang pakikipaghabulan at pakikipagtagu-taguan sa kanya. Nagagalit si Lucka hindi dahil sa akin kundi dahil sa magulong desisyon mo sa buhay! Hindi mo alam kung ano ba talaga ang gusto mo. And we just are both victim of your selfishness!" Hindi ko mapigilan ang hindi masaktan sa mga sinasabi niya ngayon. But yeah, maybe she's right.

"I know, you know what you're going to do but don't make me feel sorry for you. Huwag mo na rin akong idamay! You made this mess so fix it." Agad na nangilid ang mga luha sa mata ko.

Parang mga kutsilyo ang mga salita nito, paulit-ulit na sinasaksak ang puso ko.

"You married someone you don't love, then you want me to stay with you after what you did? For Pete's sake, Feli. At least once in your life, make a decision that doesn't have to be this complicated." Mariin at tuloy-tuloy na wika niya. "And once in your life...sana kung gagawa ka ng desisyon, panindigan mo. At kung pipiliin mo ako...a-ayaw ko na ng dahil lang sa...ng dahil lang sa pinilit ko lang ang gusto ko." Katulad ko ay tumulo na rin ang luha sa mga mata niya.

"Because that's not true love." Sabay punas ng kanyang luha. "True love doesn't need to be forced to choose you." Dagdag pa niya at napiyok pa sa dulo bago ako muling tinalikuran.

Pero muling hinabol ko siya at niyakap mula sa likod. Ramdam ko rin ang panginginig ng buong katawan ko sa takot na baka hindi na niya ako magawang patawarin pa. Sa takot na baka this time, hindi na ako magkaroon ng pagkakataon para mabawi siya.

"I'm sorry." Paghingi ko ng tawad sa kanya.

"O-Oo, tama ka. Selfish ako. Duwag ako. Takot mapag-iwanan, takot hindi piliin kaya kahit alam ko naman talagang pure ang intension mo sa akin noon, hindi pa rin kita pinili dahil takot ako na baka ako ang mapag-iwanan. Inunahan na kita kaya ko 'yun nagawa noon at pagkatapos ay magsisisi sa huli. Hiyang-hiya ako sa'yo to the point na pinili kong magpakalayo at panindigan na lang na huwag nang bumalik sa buhay mo. I'm sorry. I'm really sorry, Sky." Tuloy-tuloy na pag-amin at paghingi ko ng tawad sa kanya, habang nakayakap ng mahigpit sa likod niya, kasabay ang patuloy na pag-agos ng luha sa aking mga mata.

At umaasang sana...sana kahit ngayon lang, hayaan niya akong makabawi sa kanya at maitama lahat.

"Yes, I'm just justifying my reasons before, that I'm not your responsibility pero ang totoo, I'm not sure of what I'm doing and I know I can't reciprocate what you can give me. And now, I-I married the person I didn't really love, kaya mas naging complicated ang lahat, I'm sorry. Please, please, please, lemme fix this. Patawarin mo lang ako---"

"Feli, please stop." Putol nito sa akin bago kumalas mula sa pagyakap ko sa kanya at humarap sa akin. Marahan na hinaplos nito ang pisngi ko, tinignan niya ako ng diretso sa aking mga mata at binigyan ako ng malungkot na ngiti.

"I...I cannot fix you nor tell you what you have to do. Pero alam ko...a-alam mo naman ang kailangan mong gawin eh. Swear, maghihintay ako." Matigas na napailing ako kasabay ang mas lalong pag-agos ng mga luha sa aking mga mata.

Napapahikbi na rin ako.

"No! Please stay HERE with me while I am fixing this. Please." Muling pakiusap ko sa kanya. "I-I need you, Sky." Napakagat siya sa kanyang labi habang patuloy rin sa pag-agos ang kanyang luha.

"No, I cannot." Umiiling na saad niya. "I cannot, Feli. Kailangan ko ring pahilumin ang sarili ko. Nasaktan mo'ko. You need to...You need to fix your issue with Lucka first, she loves you so I know she will understand, just please no more lies. I know you owe her a lot, but marrying her won't solve the problem you have with yourself. Admit the truth to her because she deserves that too." Paliwanag niya sa akin.

"Sky..."

"Ako...ako dito lang naman ako. Hihintayin lang kita. Uuwi ako ng Pilipinas pero alam mo naman kung saan ako hahanapin. K-Kung saan mo ako iniwan noon, doon pa rin ako." Dagdag pa niya atsaka tuluyang bumitaw sa paghawak sa akin.

"I-I love you, please!" Humihikbi na sabi ko sa kanya dahil alam kong isang hakbang na lang palayo mula sa akin ay tatalikod na siya at hindi na muling lilingon pa. At gusto kong marinig niya muli ang mga katagang iyon mula sa akin.

"I love you soooo much, Feli. But I won't tolerate this." Umiiling muli na sabi niya. "We have to be better to deserve each other." 

At katulad nga ng inaasahan ko. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumalikod na siya. Pero muling hinabol ko pa rin siya at muling niyakap, niyakap ko siya ng mahigpit, mas mahigpit sa kung paano ko siya yakapin kanina.

Ngunit pwersahan na niyang tinanggal ang mga bisig kong nakayapos sa kanya at tuloy-tuloy na sa paghakbang palayo mula sa akin.

"Skyler!" Pumipiyok-piyok nang sigaw ko sa kanya hanggang sa mapaupo ako sa lapag at niyakap ang sarilig tuhod habang umiiyak.

Noon naman lumapit sa akin si Taylor. Napahinga ito ng malalim atsaka ako niyakap habang lumuluha rin.

"I told you, this is not gonna work. Hindi ka kasi nag-iisip eh!" Paninisi nito sa akin.