Now playing: Old Love - Yuji ft. Putri Dahlia
Felicia's POV
Nakapag-work out na ako lahat-lahat pero hanggang ngayon tulog pa rin yata si Skyler.
Kaya sa halip na mainip sa kahihintay sa pagising niya eh nagtungo na lamang ako sa kusina para gumawa ng banana smootie ko.
Plano ko rin kasi sanang mag horseback riding pagkatapos kong maubos ang aking smoothie para bisitahin ang ibang hayop at pananim ng hacienda.
Ngunit patapos pa lamang ako sa pagawa ng aking smootie noong dumating si Skyler. Hindi ko mapigilan ang mapasinghap noong maamoy ko ang gamit nitong shampoo at fabric conditioner na nagmumula sa kanyang damit. Mabango na siya at nakabihis na rin. Halatang kanina pa siya gising dahil nakaligo na.
Dahil dito ay lihim na pinagmasdan ko siya mula sa aking kinatatayuan.
She looks fresh and gorgeous in her white t-shirt, layered with a light blue polo left unbuttoned. The sleeves of her polo are neatly folded up to her elbows, giving her the appearance of someone casually modeling her outfit.
Her t-shirt is tucked into her faded blue jeans, and she's wearing farm boots. Her hair is tied back in a ponytail, and she looks stunning even without makeup. Gosh! Hindi pa rin talaga nagbabago ang isang Skyler Jenn Ross na nakilala ko. Napaka-effortless pa ring ng ganda niya or should I say magandang pogi? Errr.
She resembles a hacienda owner, perfectly suited for this place. Eh sa itsura niya ngayon siya pa ang mapagkakamalang may ari nitong hacienda eh.
Napatikhim ako noong tuluyang makalapit na siya sa akin.
"Oh, look who's awake now." Panimula ko habang inililipat ang aking smoothie sa aking baso mula sa blender.
Pero hindi niya yata narinig ang sinabi ko kaya muling binati ko siya.
"Morning." Malawak ang ngiti na aking pagbati. Ngunit dahan-dahan na nawala ang malawak na ngiti sa aking labi noong tinignan lamang niya ako tsaka walang sabi na umalis sa harap ko.
Awtimatikong napakunot ang noo ko.
What is wrong with her? Ang aga-aga yata eh ang init ng ulo. Kaya naman wala akong choice kundi sundan siya habang bitbit ang smoothie ko.
"Helloooo! May kasama ba ako rito?" Kunwaring parinig ko sa kanya. Pero parang wala pa rin siyang naririnig at nameywang lamang habang pinagmamasdan ang malawak na paligid na natatanaw mula rito sa loob ng bahay.
Atsaka siya tuluyang lumabas at kahit 'Hi' man lamang ay hindi ako binati.
"Hmp! Bahala nga siya!" Padabog na naupo na lamang din ako sa sofa habang ini-enjoy ang smoothie ko.
Ngunit lumipas na ang tanghali at ngayo'y hapon na naman, ilang minuto na lamang ay magdidilim na naman ang paligid pero hindi pa rin niya ako kinakausap.
Dadalawa lamang kami sa buong bahay na ito dahil may ibang bahay ang mga trabahante na narito sa hacienda. Anong gusto niya, mapanis ang laway namin na hindi nag-uusap?
Dahil kaya sa kanya kaya hindi man lamang ako nakapag-horseback riding ngayon. Hmp! Masyado niyang ginugulo ang isipan ko. Kung may problema siya sabihin niya na lang sana.
Pasalamat nga siya at dito ko siya dinala at inilayo kay Lucka dahil sigurado akong hindi lamang bugbog ang aabutin niya habang nakakulong siya.
"May problemaka ba sa'kin?" Agad na tanong ko sa kanya noong tuluyan ko siyang malapitan habang nagsasalin ito ng kanyang whiskey at prenting nakaupo lamang sa may table ng aking bar na nandito sa pool.
Napa-cross arm ako. See? At parang may sariling mundo pa siya.
Ngunit tinignan lamang ako nito sabay turo sa kanyang sarili.
"Ako bang kinakausap mo?" Pamimilopo nito. Hindi ko mapigilan ang hindi mapatirik ang mga mata.
"Siguro?" Pamimilosopo ko rin sa kanya.
"Ah." Iyon lamang ang tanging nasabi niya bago muling uminom mula sa kanyang baso kaya napikon na ako.
"What the hell is your problem, Sky?! Kanina mo pa ako hindi kinakausap." Inis na sambit ko at pagdabog na kinuha sa harap niya ang bote ng whiskey na iniinom niya at naglagay din sa sarili kong baso, bago isang lagukan ko lamang iyon at muli siyang hinarap.
"Oh eh dapat ba kausapin kita?" Pambabara nito sa akin.
Hindi ko mapigilan ang mapanganga in disbelief.
"Eh ikaw na nagsabi, I am your prisoner here, right? Pinapadali ko lang naman at pinagagaan ang sitwasyon para sa'yo, ba't parang kasalanan ko pa?" Sabay tayo nito mula sa kanyang upuan at tumalikod sa akin.
Kaya naman dahil sa pikon ko eh mabilis na hinawakan ko ito sa kanyang braso at pilit na iniharap siya sa akin.
"Huwag mo nga akong mapilosopo pilosopo. Ano bang problema mo?" Sabay cross arms kong muli sa harap niya habang magkasalubong ang mga kilay.
Ngunit natawa lamang ito ng mapakla.
"What about you? What is your problem? Nanggagalaiti ka sa galit dahil lang sa hindi kita pinapansin?" Tanong nito sa akin habang nakangisi ng nakakaloko.
"Oo, eh nakakabastos---"
"Wow! Big word!" Putol nito sa akin. "Kung gusto mo pala ng kausap edi sana 'yung asawa mo ang sinasa mo rito at hindi ako."
This time ako naman ang natawa.
"Nagseselos ka ba?"
Bigla na lamang itong napaiwas ng tingin mula sa aking mukha at tatalikuran na naman sana niya ako nang pilit na muli ko siyang iniharap sa akin.
"Sandali kinakausap pa kita!" Para kaming mga ewan na nagtatalo at nag-aaway sa walang dahilang bagay.
Nakakapikon kasi. Kanina pa ako nagpapapansin, hindi man lang niya ako kinikibo.
Eh ba't ka ba kasi nagpapapansin? Tuya ng aking isipan.
Oo nga naman! Ba't nga ba?!
Natawa akong muli noong tinignan niya ako sa aking mga mata. Ang dali-dali lang pala niyang basahin kapag tungkol na sa nararamdaman niya para sa akin ang pinag-uusapan.
"Yes, you are indeed jealous. Why don't you just admit that you're jealous---"
"Oo, malamang. Magseselos ako! Anong akala mo sa akin robot?" Bigla akong natigilan sa diretsahang sagot niya. Wala man lang kapreno-preno. "A-Atsaka hindi kasi ako in denial na katulad mo!"
Muli akong napanganga in disbelief.
"Wow! In denial, huh?"
"Bakit totoo naman ah. At least I know when I'll admit what I feel. I don't need to pretend that I've already moved on. Hindi ko nga alam kung bakit hanggang ngayon mahal pa kita eh, na dapat matagal na kitang kinalimutan." Nahihimigan ko ang pait at pagtatampo sa boses nito dahil sa bawat salitang binibitawan niya ay may diin.
Napapailing na lamang ako.
"So, bakit parang kasalanan ko pa na hanggang ngayon hindi ka pa rin nakamapag-move on? Edi mag-move on ka!" Sigaw ko sa mukha niya.
Napatitig lamang siya sa mukha ko at hindi na nakapagsalita pa. May kung anong lungkot akong nabasa na gumuhit sa kanyang mga mata kaya napaiwas na lamang din ako ng tingin.
Napasobra yata ang tabas ng dila ko, pero totoo naman ah.
It's not my fault that until now, she still hasn't been able to move on. I mean, if she wanted to, she should have done it a long time ago. Especially since I was the one who left her.
"It's easy for you to say that because you weren't the one who left behind. And you're not in my position to tell me what is and isn't right for me to do." Panimula nito habang nakatingin pa rin ng diretso sa mga mata ko.
And all I can see now is the pain in her eyes. And her voice cracked on the last word she uttered.
"You fucking left me!" Singhal nito at pagsisisi sa akin. "Anong gusto mong maramdaman ko matuwa? Atsaka akala mo ba gusto ko ito? Na natutuwa ako sa nangyayari ngayon? Kung kaya ko lang kalimutan ka agad agad, noon ko pa ginawa pero hindi ko kaya!" Nag-uunahan na sa pagtaas baba ang kanyang dibdib.
Ibig sabihin lamang noon ay nasa peak na siya ng kanyang emosyon, na anumang oras ay pwede na siyang sumabog. And I don't want Skyler to explode, especially when she's at the peak of her emotions because she can't think straight.
But all she can do is blame me, when in fact, everything is already in the past, and we can't do anything about it anymore. I can't do anything to change it, but I can make up for it now.
"Well, you lied to me." Wala na akong ibang masagot pa sa kanya. "You fucking lied to me, baka nakakalimutan mo, Skyler. Nawala ang mga mahal ko sa buhay nang hindi ko alam ang tunay na dahilan, dahil mas pinili mong itago sa akin ang katotohanan."
Gusto niyang ibalik 'yung past?
Gusto niya bang magsisihan kaming dalawa?
Fine.
"I did that to protect you!" Mataas pa rin ang tono ng kanyang boses.
"And so am I. I LEFT to protect you!" Agad na sagot ko rin sa kanya.
"Protect me from what?! You don't have to protect me, Feli. I can protect myself---"
"To protect you from yourself!" Nag-uunahan na rin sa pagtaas baba ang aking dibdib dahil anytime pwede na akong maiyak.
Gosh! I hate blaming game like this! Kasi bumabalik lang 'yung dating sakit. 'Yung sakit na iniwan ko siya at hindi pinili na labis kong pinagsisihan.
Hanggang ngayon pinagsisisihan ko pa rin.
"B-Because I know you will always risk your own life just to protect me, Sky. So, I must do something para hindi 'yun mangyari." Pagpapatuloy ko pa.
"You know I loved you. I loved you and you were always my savior back then, but I couldn't do anything for you, that's why I did it. Because that was the only way para magkaroon ka rin ng kapayapaan sa buhay mo, that's why I told you I am not your responsibility because---"
But I was stunned by what I was saying as she quickly took steps towards me, closed the gap between us, and suddenly kissed me on the lips.
"It doesn't matter now. What's important is the present." Bulong nito sa pagitan ng aming labi. "I'm sorry that I---Aww!"
Bigla ko na lamang kasi siyang sinampal sa kanyang mukha dahilan para mapahawak siya sa kanyang pisngi na nasaktan.
"That's for always stealing a kiss from me." Napapairap na wika ko ngunit merong sumisilip na ngiti sa gilid ng aking labi. Agad naman niyang nabasa iyon sa aking mukha kaya napangiti siya ng nakakaloko.
"You know they said, hindi masamang gumanti kapag may ginawa sa'yo ang isang tao. So, that's iyan ang ganti ko." Sabay taas baba nito ng kanyang kilay pagkatapos ay natawa kaya natawa na lamang din ako.
"You're insane." Saway ko sa kanya habang napapailing.
"Pangarap kong matikman ang sinasabi nilang langit o heaven. Do you remember whose line that was? Pfft!" Pang-aasar nito sa akin.
Dahil doon ay awtomatikong nang-init ang aking mukha at tenga.
Siguro kung hindi lang nag-aagaw ang liwanag at dilim ngayon baka nangangamatis na ang mukha ko sa sobrang pula.
"Shut up!" Saway ko sa kanya at tinignan siya ng masama ngunit nakangiti naman.
Parang timang lang!
"And there was this girl na hindi nahihiyang maghubad sa harap ko." Pagpapatuloy niya. "O kung hindi naman kakamutin 'yung private parts niya sa harap ko hahahahahaha."
Awtomatikong napatakip na lamang ako ng aking tenga at basta na lamang siya tinalikuran habang nagsasalita.
"OH MY GOD! Shut upppp! Wala akong naririnig!"
Arrrghhh! Nakakahiya! Naaalala pa niya lahat. Hayst!
"Tapos, nung time na nalaman kung hindi siya nagpapanty dahil nakakalimutan niyang magsuot. HAHAHAHAHAHA!" Patuloy na pang-aasar pa rin niya sa akin.
Oh my goodness! Gusto ko nang magpalamon sa lupa ngayon din. Bakit ko ba nagawa iyong mga bagay na ganun noon?!
"Shut up!" Sigaw ko pero hindi pa rin siya tumitigil.
"Then there was one night na---" kaya wala na akong choice kundi ang patahimikan siya using my mouth and give her a savage kiss.
"I told you, SHUT THE FUCK UP!" May diin na sabi ko sa kanya between our lips.
I felt proud of myself dahil napatahimik ko nga siya. Pero noong sandaling ilalayo ko na dapat ang katawan ko sa kanya ay siya namang muling hinapit niya ako ng mas mahigpit sa aking beywang and gave me an intense and earth-shattering kiss.
I couldn't protest because Skyler was a good kisser for me to resist, so I could do nothing but reciprocate the kiss and completely give in.
Until I realized that we were already back inside the house and she had laid me down on the sofa while she was on top of me. With both my hands raised above my head and her lips freely roaming from my neck down to my chest, all I could do was moan and let her do what she wanted.
"I miss you," She said as she gently caressed my cheek.
Napalunok lamang ako at hindi na nakapagsalita pa.
"And I want you," She said again. Her voice was enough to weaken my knees. It was so sweet and enticing that it could take you to a heavenly paradise.
Gosh! I never imagine na mapupunta kami ulit sa ganitong sitwasyon. And I don't know why it felt so good to be with her again.
"But are you sure you want to continue this?" She asked me.
I nodded.
"Yes. I want you, Sky."Pagbibigay ko ng permission habang kapag namumungay ang aming mga mata. "I want you to touch me...again." Because of what I said, she continued what she was doing.
Habang ako naman, I willingly surrendered and offered myself completely to her. And we did that from the sofa, to the bedroom, to the shower room, until both of our strengths were completely exhausted throughout the night.