Chapter 25 - TP: 23

Now playing: Celeste - Tothaphi

Felicia POV

Kinabukasan, nagising na lamang ako na nasa ibabaw na ako ng aking kama. Panay din ang pag asikaso sa aking ng dalawang maid, dinadalhan ako ng makakain at kung ano pang sa tingin nilang kakailanganin ko.

Walang nagbago sa pakikitungo nila sa akin. Wala akong naramdaman na pagkailang o panghuhusga dahil sa mga nangyari kahapon at mga pagtataas ng boses ko lalong lalo na kanilang mga boss.

Ngunit dahil wala talaga akong gana sa pagkain kaya 'yung pagkain magmula kaninang umaga ay hindi ko pa rin nagagalaw.

Hindi rin ako lumabas ng aking kwarto. Buong araw lamang akong nagmukmok at nagkulong rito. Pakiramdam ko kasi hindi pa ako handa na makita ang mag-inang Mrs. Rose at Skyler dahil sa mga nangyari. Sobrang masama pa rin kasi ang loob ko at hindi ko pa gustong makita sila pareho, lalong-lalo na si Sky.

Hinayaan ko lamang ang sarili ko sa buong araw na matulog at magpahinga. Ninanamnam ang bawat sandali na wala akong ibang dapat gawin kundi ang sisihin at paulit-ulit na dibdibin ang mga nangyari sa mga mahal ko sa buhay.

Hanggang sa hindi ko namalayan na madilim na naman pala ang paligid. Gabi na naman.

Wala pa akong kain dahil hindi naman ako nakakaramdam ng anumang gutom.

Hindi pa ako naliligo dahil pakiramdam ko, tamad na tamad ang buong katawan ko at wala akong ibang gustong gawin kundi ang humilata lamang habang ngumangawa at tahimik na humihikbi.

'Di kita matitiis

Kahit na ako ay mainis sa'yo

Ako'y manunuyo pa rin

Sa mga araw na ika'y matampuhin'

Kusa akong napabangon sa higaan noong sandaling marinig ko na parang mayroong kumakanta mula sa balcony ng kwarto ko.

Kitang-kita ng dalawang mga mata ko ang nakatayong si Skyler sa labas habang mayroon itong hawak na ukulele at kapwa nakapikit ang mga mata habang kumakanta.

'Dahil ikaw ang aking tahanan

Ikaw pa rin ang aking uuwian'

Dahan-dahan na tumayo ako at mabagal ang mga hakbang na nilapitan siya. Napakabilis ng pagtibok ng aking puso. Hindi dahil sa gulat na may kumakanta para sa akin kundi dahil ang sarap pakinggan ng boses niya, napakalambing kahit na medyo may pagkalibag. Eerrr!

Isa pa ang sarap pakinggan ng kantang napili niya. Halatang nanunuyo nga siya.

At noong tuluyan na akong makalapit sa kanya ay siya rin namang pagbukas ng dalawang mga mata niya, para salubungin ang mga tingin kong nakatitig lamang din sa kanyang magandang mukha.

'Pilit mang itulak palayo

Hihilahin ng tadhana pabalik sa'yo

Dahil sa minsan mong pag-ngiti

Alam kong ako'y mananatili'

Gustong gusto ko nang bigyan siya ng ngiti. Gustong gusto ko na siyang yapusin ng mga bisig ko, halikan ng malambing at magsiksik sa kanyang katawan pero hindi ko magawa.

Hindi ko magawa sa dahilang galit pa rin ako sa sarili ko at siya ang patuloy na pinagbabalingan ko nito.

'Dahil ikaw ang aking kanlungan

Ako naman ang iyong sandalan'

Mabilis na nagbawi ako ng aking paningin noong makita ko ang pasa sa kanyang noo. Na alam kong natamo niya mula sa kanyang Dada Billy kahapon.

'Umabot man sa puntong kailangan mo akong iwan

Ay bibitaw na rin labag man sa'king kalooban

Dahil ika'y aking mahal'

Humakbang ito ng isa, dalawa, hanggang tatlong beses palapit sa akin hanggang sa kalahating dipa na lamang ang pagitan naming dalawa.

Hindi niya inaalis ang kanyang mga mata sa akin habang kumakanta at binibigkas ang bawat liriko. Tila ba sa pamamagitan ng awiting ito ay ipinapaalam niya sa akin ang kanyang damdamin.

Ang kanyang nag-uumapaw na pag-ibig sa akin.

Dahil dito ay sinubukan ko na muling salubungin ang kanyang mga nakakapasong titig sa akin. Habang patuloy na inaawit ang kanta na alay niya sa akin.

'At kung may susunod mang buhay para sa atin

Hihilinging makilala muli

Ikaw pa rin ang aking uuwian'

Awtomatikong napasinghap ako sa huling liriko ng kanta na kanyang inaawit. Napakasarap marinig ang mga iyon mula kay Skyler. Dahil makikita sa mga mata niya ang pagiging totoo at sinseridad nito.

Noong matapos na ito sa kanyang pagkanta ay binigyan ako nito ng isang mabagal na ngiti. Iyong ngiti na nagsasabing bumalik na kami sa dati.

"A-Anong ginawa mo?" Tanong ko sa kanya.

Nagkibit balikat lamang ito. "Hinaharana 'yung babaeng mahal ko?" Patanong din naman na sagot niya sa akin kaya naman natahimik ako.

Nagpalinga-linga ako sa paligid. Hindi ko naman kasi siya nakitang pumasok. Paano siya nakarating sa balcony ng kwarto ko?

Hay! Para namang hindi ko siya kilala. Syempre, gagawa at gagawa siya ng paraan.

"Hindi ko hihilingin na patawarin mo ako ngayon. Ang sa akin lang, gusto kong malaman mo na hindi ako mawawala, Kulot. Dito lang ako palagi para sa'yo. At kahit na anong mangyari, patutunayang kong kakampi mo ako sa mundong ito." Mabagal ngunit klaro ang mga salitang binitiwan niyang iyon.

Napalunok ako upang pigilan ang nagbabadya ko na muling pagluha.

Kahit na gusto ko siyang kausapin, pinipigilan ko muna ang sarili ko dahil masyadong marami na akong masasakit na salitang nasabi sa kanya. Ayoko na sana iyong dadagan hangga't hindi pa maayos ang takbo ng aking isipan.

Tatalikuran ko na sana ito nang mabilis at walang sabi na tumalon si Skyler sa balcony ng kwarto ko.

Halos malaglag ang puso ko sa gulat noong makita kong naglaho siya sa paningin ko, kaya mabilis at natatarantang hinanap kaagad siya ng dalawang mga mata ko.

Ang taas taas kaya nitong balcony ng kwarto ko, ano?

Pero nakita ko itong nakasabit lang naman pala at halatang pinagtitripan lamang ako.

"Magpapakamatay ka ba?!" Singhal ko sa kanya habang nanginginig ang boses dahil sa takot na baka mahulog siya.

"Yes. I'd die for you." Para bang wala lamang sa kanya na nag-aalala ako.

"Can you come back up here because---"

"Because?" Putol nito sa akin habang amazed na tinitignan pa ako dahil wikang ingles ang nasabi ko.

Maging ako ay nagulat din sa sarili ko. Kusa lamang kasi iyong lumabas sa mga labi ko.

"Baka lalo lang kitang hindi mapatawad." Pagpapatuloy ko at mabilis na tinalikuran na siya.

Nakakainis! Ang hilig niya akong idaan sa mga bagay na ganyan. Sa mga bagay na alam niyang mag-aalala ako para sa kanya at wala akong choice kundi bumigay.

"Walang bawian ah. Touch move!" Rinig kong sabi niya noong muli siyang makaakyat ng balcony at agad na sinundan ako sa loob ng aking kwarto.

Habang ako naman ay padabog na naupo sa ibabaw ng higaan, naka-cross arms at tinitignan siya ng masama.

"Asan na 'yung sinasabi mo kaninang hindi mo hihilingin na patawarin kita kaagad?" Tumutulis ang nguso na wika ko.

Ngunit natawa lamang ito ng mahina bago lumapit sa akin at ikinulong ako sa mga bisig niya.

"Yes. Hindi ko naman talaga hinihiling at hindi rin kita pinipilit. It just happened. See?" Mukhang proud pang wika niya. "Hindi mo lang talaga ako matiis." Sabay halik nito sa pisngi ko at muling niyakap ako ng mas mahigpit.

Napahinga na lamang ako ng malalim. Wala naman kasi talaga akong magagawa. Kahit na anong galit at kirot ang nararamdaman ko ngayon, alam ko sa sarili kong kailangan ko si Skyler.

Okay na kami ni Skyler. Pero andoon pa rin ang panlalamig ko sa kanya.

Siguro dahil hanggang ngayon alam ko sa sarili ko na hindi pa rin ako maayos. At hangga't hindi maayos ang takbo ng isipan ko, alam kong paulit-ulit ko ring ibabaling sa kanya ang mga pagsisisi na para lamang sa sarili ko.

Alam kong hindi naman talaga ginusto ni Skyler na may masamang mangyari sa pamilya nina Beauty. Alam ko rin na wala siyang ibang gustong gawin kundi protektahan ako, pati na rin 'yung mga taong malalapit sa akin.

Nagkataon lamang talaga na hindi sapat ang mga tauhan na meron sila sa Isla kaya nangyari ang bagay na iyon sa pamilya ng kaibigan ko.

Kaya hindi ko na hahayaan na may isa pang buhay na naman ang mawala nang dahil sa akin. Ayaw kong pati si Skyler o ang pamilya niya ang sunod na mapahamak.

Kaya poprotektahan ko rin siya sa paraang alam ko. Sa paraang masasaktan siya pero kailangan kong gawin.

---

Hinintay ko lamang na tulog na ang lahat at iilang guards na lamang ang umiikot sa buong mansyon, bago ko inihanda ang sarili ko at lihim na lumabas ng aking kwarto.

Dala ang iilang damit at gamit sa loob ng backpack ko, lilisanin ko ang mansyon na ito kasama na si Skyler.

Ngunit ang hindi ko maintindihan ay kung bakit mabilis akong nakita ng isa sa mga guard at agad na tinawag nito si Skyler.

Pumaparoon at parito ito habang hindi maipinta ang kanyang itsura. Dalawa na lamang kami ngayon at nandito kami sa garahe kung saan walang ibang makakarinig sa pag-uusapan namin.

"Aalis ka? Iiwanan mo ako?" Napakagat ito sa kanyang labi.

Alam kong nagpipigil lamang siya ng labis na emosyon.

Tinitigan ko naman siya ng diretso sa kanyang mga mata.

Ewan ko rin kung anong nangyari sa dating ako na hindi alam palagi kung ano ang gagawin at sasabihin sa mga sitwasyon na ganito. Pero pakiramdam ko ngayon parang biglang naglaho na ang dating ako at napalitan ng isang Felicia na mayroong lakas ng loob at hindi na mangmang katulad noon.

"Hindi naman siguro masama na piliin ko ngayon 'yung gusto ko, di ba?" Matigas at may diin na sagot ko sa kanya.

"Edi sasamahan kita sa gusto mo. Kahit ano 'yan, kahit saan." Wika nito habang tinitignan ako ng diretso sa aking mga mata.

Ngunit ako naman itong nagbawi ng paningin.

"Yun na nga, Sky eh." Sagot ko. "Ang gusto ko, lumayo. Lumayo sa'yo. Sa inyo. Sa mga taong sunod na pwedeng mapahamak nang dahil sa akin."

"Feli---"

"Hindi, Sky." Putol ko sa kanya. "Ngayon ako naman sana ang pakinggan mo. Sa akin ka naman makinig."

"Mahal mo ba talaga ako?" Biglang tanong nito sa akin bago napiyok pa sa dulo.

Sa boses pa lamang niya alam kong nasasaktan ko na siya ngayon. Pero kailangan kong panindigan ito.

"Mahal? Alam mong totoong mahal kita, Sky. Hindi ko man magawang sabihin, pero alam kong ramdam mo 'yun. Sa ngayon siguro sapat na yun. Kasi yun lang naman ang gusto mo di ba? Ang maramdaman na may nagmamahal sa'yo at---"

"Yung gusto ko 'yung mamahalin ako at pipiliin hanggang dulo. Hindi 'yung iiwanan ako." Putol nito sa akin.

"Kung gusto mong umalis sa mansyon na ito, fine. I'll let you go. Pero sasama ako sa'yo. Hindi ko hahayaan na umalis ka rito nang walang kahit na anong proteksyon, Felicia. Naiintindihan mo ba? Hindi kita hahayaan mag-isa." Pagpapatuloy niya.

"Pasensya ka na. Buo na ang desisyon ko." Pagmamatigas ko.

"Isa pa, hindi tungkol sa pagmamahal ang buhay ko, Skyler. Masyado pang magulo ang buhay ko. Hindi tayo tuluyang magiging masaya kung patuloy na may mga humahabol sa akin. Ni hindi ko nga kilala kung sino ang totoong mga magulang ko kahit patay na sila 'di ba? Kaya please, hayaan mo na muna ako." Pakiusap ko.

"At saan ka naman pupunta? Wala ka ng ibang mapupuntahan---"

"Ganun ba talaga kaliit ang tingin mo sa akin? Na tingin mo hindi ko kaya ang sarili ko?" Muling putol ko sa kanya.

Napapikit ito ng mariin bago bumuga ng hangin sa ere.

"Feli... that's not what I mean. Hindi ko sinabing hindi mo kaya ang sarili mo. I know you can take care of yourself. Pero iba ang sitwasyon ngayon, may mga taong gustong magpapatay sa'yo at kailangan mo ng proteksyon. At sa tingin mo ba hahayaan kong may masamang mangyari sa'yo?! OVER MY DEAD BODY!"

"Wala akong pinag-aralan o mayaman, o kakayanang makipaglaban, pero kaya ko ang sarili ko, Skyler. Kaya pwede ba? Hayaan mo na akong makaalis ng mansyon na ito mag-isa dahil hindi mo ako responsibilidad." Huling pakiusap ko sa kanya.

"Yes, you are my responsibility."

"NO, Sky. I am NOT your responsibility. Aalis ako sa ayaw at sa gusto mo. At 'wag na 'wag mo akong susundan. Kasi baka mas lalong hindi ko na gustuhin pang bumalik sa'yo kapag hindi mo nirespeto ang desisyon ko."

Pagkatapos noon ay walang sabi na tinalikuran ko na siya at walang lingon likod na nilisan ang mansyon na iyon.

Alam kong masakit na iwanan si Skyler at putulin ang kung ano mang meron kami. Ngunit sa ganitong paraan alam kong mas magiging ligtas siya. Sa ganitong paraan mas lalong hindi siya tuluyang mawawala sa akin.