Now playing: Angels Like You - Miley Cyrus
Skyler POV
Nagising ako na para bang may nagbubulungan at ingat na ingat ang mga ito para ako ay huwag magising.
Noong dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nadatnan ko si Autumn at Sydney na nagbubulungan. Halatang nagtatalo ito dahil sa isang bagay.
"Ehem! Wala talaga kayong respeto sa natutulog, ano?" Reklamo ko aya agad na natigilan silang dalawa at mabilis na nagbaling ng atensyon sa akin.
"Sky!/Skyler." Chorus nilang dalawa na animo'y nabunutan ng tinik sa kanilang dibdib.
"Thank God at nagising ka na." Dagdag naman ni Autumn.
"What are you two doing here?" Tanong ko pa bago tuluyang bumangon na mula sa aking paghiga.
"Excuse us? Hindi lang silang dalawa ang nandito." Rinig kong singit ni Gabby kaya mabilis akong napalingon sa may terrace ng kwarto ko at agad na napailing noong makita na kasama rin nito ang mag-asawang sina si Nicole at Violet, Tabitha at Kezia.
Nagtataka ang mga mata na muling ibinalik ko ang aking paningin sa dalawang kaibigan ko na nasa aking harapan.
Agad namang nagkibit balikat si Autumn.
"What? We're here for you." Paliwanag nito.
"Yeah. 'Cause actually, we were thinking that you're dead." Dagdag pa ni Sydney.
"Dead?" Patanong na sa sagot ko bago natawa dahil mukhang pinasasaya yata nilang lahat ang gabi ko ngayon.
Noon naman nagsimulang lumapit sa amin ang iba pa naming mga kaibigan.
Isang sapak naman ang natamo ko kay Kezia noong makalapit ang mga ito sa akin.
"Magpapakamatay ka ba nang hindi namin nalalaman?" Tanong nito sa akin.
"Oo nga! Sabihin mo lang kung gusto mo nang mawala sa mundo at kami na lang ang gagawa no'n para sa'yo." Pagsang ayon naman ni Tabitha.
"Tsk. Tsk. Tsk. I didn't think na mahina ka pa rin pala." Dagdag naman ni Nicole kaya tinignan ko siya ng masama.
"Eh kung kayong lahat 'yung barilin ko ngayon isa-isa?" Pikon na sabi ko sa mga ito ngunit sabay-sabay lamang na pinagtawanan nila akong lahat.
Noon naman napansin ko na biglang nawala sa eksena si Sydney at Autumn. Ngunit hindi iyon nagtagal nang muling bumalik sila sa loob ng aking silid with a serious face.
"Where have you been?" Maarteng tanong sa kanila ni Tabitha habang magkasalubong ang mga kilay.
"Nagsasarili na naman kayo ng plano at lakad, for sure." It's Gabby.
"For sure! Ganyan naman 'yang mga iyan eh." May hinagpis na wika ni Nicole. "Kapag ako nanganak di ko kayo kukuning Ninang. Hmp!"
Oh my gosh!
Awtomatiko na lamang akong napahilot sa aking sintido dahil talagang mas lalo nilang pinasasakit ang ulo ko ngayon.
"We have a plan." Seryosong wika ni Sydney habang diretsong nakatingin sa akin.
"Yes! We have." Dagdag naman ni Autumn habang tumatango-tango.
Muli ay sabay-sabay namang napalingon sa kanila ang mga kaibigan namin.
"Don't worry, Sky. Kaibigan naming langit, we got you." Sabay kindat na muling wika ni Autumn.
Pagkatapos noon ay agad na ibinahagi nilang dalawa sa amin ang planong napag-isipan at nabuo nila.
Kahit na kailan talaga itong dalawang kaibigan ko na ito ang palaging rumeresbak sa akin eh. Hindi kasi sila mga pabebe gaya nitong apat. Tss! Isama mo na si Violet na sunod-sunuran na rin ngayon sa asawa niyang si Nicole.
"Nasisiraan na ba kayo ng bait? Bakit naman natin gagawin 'yun?!" Nagagalit na singhal ni Kezia.
Napapailing na lamang ako habang naka-cross arms. See?
"Why not? Nag-break lang naman sila. Hindi pa naman pumapayag si Sky na tuluyan silang maghiwalay. Right?" Pag sang-ayon ni Gabby.
Napunto mo Gabby. Mabuti na lang. Hayyy!
"Yeah. You got the point here." Wika ni Sydney bago inakbayan si Gabby.
"Alright! Let's do that." Tila ba naging excited na wika ni Tabitha.
"Sino pang gustong sumama sa pag-rescue kay Kulot?"
"Fine! I'll go with you." Napilitang wika ni Kezia habang tumutulis ang nguso.
Pagkatapos noon ay sabay-sabay kaming napalingon kay Violet at Nicole. Bago nagtawanan ang lahat dahil sila lamang dalawa ang hindi pwedeng sumama.
"Hahahahahahaha!"
"What's so funny?" Inis na tanong ni Nicole na kulang na lang dumabog siya.
"Pfft. Kayong dalawa lang naman kasi ang hindi namin pwedeng isama." Pigil ang tawa na paliwanag ni Autumn.
"Yeah. And we understand." Sagot naman ni Violet sabay haplos nito sa medyo may kalakihan nang tiyan ngayon ni Nicole.
Pero si Nicole... hahahahaha! Ang asim ng mukha. Buntis buntis kasi ng maaga ayan tuloy!
---
I don't know where Kulot is right now, but it's fortunate that Tabitha was able to quickly locate her. She's really the expert in our group when it comes to finding missing people.
I mean, that's her specialty.
Tahimik kaming kumilos lahat nanf walang may nakakaalam at nakakapansin dahil tiyak na malalagot na naman ako sa aking Dada Billy.
Hindi naman namin pinatay 'yung mga guard na nagbabantay, pinatulog lang naman ng mahimbing. Hehehe.
Of course, before we go into a battle, we must be prepared. We have already planned what task each one of us will do, where, and how we will rescue Felicia from Marsha's clutches.
Sa hideout kung saan dinala at itinago ni Marsha si Felicia ay walang masyadong maraming guard. Kaya naman hindi kami nahirapang makapasok at mabilis naming natunton kung saan ikinulong na silid si Felicia.
Si Kezia ang tao sa pinaka-entrance dahil ang task niya ay aliwin at kunin ang atensyon ng mga nagbabantay roon. Of course, siya itong expert sa pang-aakit ng ibang tao.
Si Tabitha naman ang naiwan sa aming sasakyan dahil siya ang nag-a-access sa lahat ng codes and camera ng building. She's the real hacker here.
Habang si Gabby naman ang kasama niya at bantay in case na may makapansin sa aming sasakyan na naka-park sa labas.
Sydney and Autumn were with me as we entered inside to get Felicia and make our escape. They are really the two real badasses when it comes to fighting.
Hindi kami masyadong nahirapan sa pagpasok loob. Akala namin mapapadali lamang ang pagkuha namin kay Felicia, pero nagkamali ako.
Dahil mukhang napaghandaan kami ni Marsha. Nasa loob na s'ya agad ng silid kung nasaan niya ikinulong si Felicia at para tuluyan kaming makapasok sa loob, kinailangan muna naming makipaglaban sa halos seventy karaming tauhan niya.
"Pwew! Piece of cake!" Pagmamayabang ko habang nakatingin ng masama kay Marsha noong pinihit ko ang leeg ng huling tuta niya.
Pagkatapos ay mabagal ang mga hakbang na nagtungo kong nasaan siya habang nakatutok ang kanyang baril sa ulo ng nakagapos na si Felicia.
Napapailing ako habang nakatingin sa mga mata ni Marsha. Halatang timitiklop na ang kanyang buntot. Kaya naman hindi ko napigilan ang mapatawa ng malakas.
"I think you underestimate me, Marsha. Why are you trembling? Because you know this is the end for you?" Tanong ko sa kanya bago dahan-dahan na muling naging seryoso ang aking mukha.
"Enough! Stop talking or I'll blow up this woman's head." May pagbabanta na wika nito. Awtomatikong naramdaman ko ang paggalaw ng magkabilaang panga ko.
"Stupid! We both know you can't do that because you need Felicia." Matapang na wika ko sa kanya.
Noong ma-realize niya ang sinabi ko ay buong pwersang sinipa nito si Felicia palayo mula sa kanyang katawan at papaputukan na sana niya ako ng baril nang maunahan siya ni Sydney.
Natamaan si Marsha sa kanyang kanang kamay dahilan upang mabitiwan nito ang kanyang hawak na baril.
Sinubukan niyang damputin itong muli nang mabilis ang mga hakbang na nilapitan ko siya at sinipa sa kanyang sikmura. Pero agad na nagantihan niya ako ng isang malakas na suntok at tinamaan ako sa aking panga.
Sasakyan pa sana ako nito noong patihayang natumba ako ngunit nakabangon naman agad. Kaya sinipa ko siya sa kanyang womanhood at hinawakan sa kanyang noo bago tinuhod ang kanyang mukha.
Agad na umagos ang dugo mula sa kanyang ilong na pinakatinamaan ng aking tuhod.
Habang si Autumn naman ay nilapitan si Felicia para itayo dahil hanggang ngayon ay nakagapos pa rin ito sa kanyang kinauupuang silya habang may tape ang bibig.
Hinawakan ko sa buhok si Marsha at hinila ito na animo'y sinasabunutan siya patalikod. Pilit na inihaharap ko siya paharap sa mga tauhan niyang nakahandusay sa sahig. Dahil karamihan sa kanila ay mga wala ng buhay.
"Look at all of them. Any last words for your dogs?" Tanong ko sa kanya na mayroong pang-aasar bago dahan-dahan na itinutok ang aking baril sa kanyang lalamunan.
"Sky, nakikiusap ako. 'Huwag!" Rinig kong sigaw ni Felicia noong tuluyang makawala siya sa kanyang pagkakagapos.
At pagkatapos ay mabilis na lumapit ito sa akin para yakapin ako mula sa aking likod.
"Nakikiusap ako! Please." Napapikit ako ng mariin. Pinipigilan na huwag tuluyang kalabitin ang gatilyo ng aking baril.
"Please!" Muling pakiusap ni Felicia kaya galit na napaharap ako sa kanya at sa halip na tuluyang tapusin ang buhay ni Marsha ay pinatamaan ko lamang ito sa kanyang balikat.
"Why, Felicia? Why?!" Sigaw ko sa mukha ni Felicia.
"Wag mo nang ipilit. 'Wag na nating ipilit." Nakayukong sabi niya sa akin.
Hindi ko siya maintindihan. Pero siguro alam niya naman 'di ba? Na nandito ako ngayon, kami ng mga kaibigan ko para iligtas siya.
"Naalala mo 'yung sinabi ko sa'yo? T-Tungkol kina Beauty? Sila na lang ang pamilya ko, Sky. At ngayon, ngayon ko lang nahanap ang totoong kapamilya at kadugo ko talaga. Kaya please, nagmamakaawa ako. 'Wag naman pati si---"
"Sa tingin mo ba magiging ligtas ka kapag pinakawalan ko siya?!" Putol ko sa kanya. "Sa tingin mo ba palalampasin niya ang pagkakataong ito?! " Pagpapatuloy ko.
"At sinabi ko na sa'yo, ako nang bahala sa sarili ko, Sky. Hindi mo ako responsibility so, please..." This time tinignan na niya ako ng diretso sa mga mata ko. "Hayaan mo na ako, Sky."
"Why?" Nanghihina na tanong ko sa kanya. "You know, I'm here for you, to rescue you, kasi mahal kita. And I don't want you to get hurt anymore, I want us to be together, I want you to come home." Paliwanag ko sa kanya.
"Pero hindi iyon ang tahanan ko, Sky. Pansamantalang tahanan ko lamang 'yung tahanan na meron kayo. Gusto kong mahanap rin 'yung para talaga sa akin. 'Yung tahanan na masasabi kong talagang akin." Paliwanag n'ya at pagkatapos ay marahan na hinawakan ako sa magkabilaan kong pisngi.
"Mahal din kita, sobra. Pero hindi ito ang buhay na gusto ko, Sky." Isa-isang nagpatakan ang luha sa mga mata niya. Iyong makikita mong nasasaktan siya at nahihirapan sa nangyayari sa buhay niya pero wala siyang choice.
"At aaminin ko, kulang ako ngayon. At kahit na piliin ko mang manatiling magkasama tayo, hindi pa rin ako mabubuo kasi ako mismo, kulang. At hindi ikaw ang makakabuo sa pagkatao ko, Sky."
"Edi, bubuuhin kita. Dadamayan kita. Sasamahan kita hanggang sa mahanap mo 'yung bagay na gusto mong gawin o makakabuo sa pagkatao mo." Pilit na pagkumbinsi ko sa kanya ngunit mariin na napailing lamang ito.
"Hindi mo naman obligasyong buuin ako, Sky. Gawain ko 'yun. Ako ang dapat na gumawa no'n para sa sarili ko. At hindi ako tuluyang mabubuo kung may masasaktan akong ibang tao." Paliwanag niya.
"Hindi mo na sana ako iniligtas pa rito. Kasi kahit na ano pa ang mangyari, buo na ang desisyon kong sumama kay Marsha. Wala na akong pakialam kung anong kapalaran ang naghihintay sa akin. Okay naman ako eh. Inaalagaan niya ako rito. Naigapos niya lang naman ako kanina dahil dumating kayo---"
"So, parang kasalanan ko pa." Putol ko sa kanya habang naluluha sa magkahalong galit at inis nang marinig iyon mula sa kanya.
Dahil doon ay muling tinignan ko si Felicia sa kanyang mga mata. Ngunit dahan-dahan ding agad na binawi ang tingin sa kanya nang makita ang kasiguraduhan sa mukha niya. Kasiguraduhang kahit anong pangungumbinsi ko sa kanya, kahit anong sabihin ko sa kanya, hindi ko na mababago pa ang isip niya.
Hindi ako ang pipiliin niya.
Malungkot na napangiti ako habang nakayuko.
Napatango-tango rin ako habang unti-unting binubuhat ang mga paa para ihakbang paatras mula sa kanya.
"Alright." Isa-isang nagpapatakan ang mga luha ko mula sa aking mata, habang napapalunok ng mariin at binigyan siya muli ng tingin.
"Hindi ko na ipipilit kung talagang ayaw mo na." Napapakagat sa aking labi na wika ko sa kanya.
"P-Patawarin mo'ko, Sky." Patuloy sa pag-agos ang mga luha niya. "Kung naidamay kita sa magulong parte ng buhay ko. K-Kung bakit mas kailangan kong piliin ang sarili ko ngayon kaysa sa'yo. K-Kung hindi ikaw ang kailangan ko para mabuo ako---"
"Just...GO!" Putol ko sa kanya.
Dahil hindi ko na kayang marinig pa ang anumang mga sasabihin niya. Pakiramdam ko kasi para itong kutsilyo na paulit-ulit na sinasaksak ang aking puso.
"Umalis ka na." Napalingon ako kay Marsha na tahimik lamang ding nakikinig sa amin habang nakahiga pa rin sa sahig. "At ingatan mong huwag nang magtagpo ang mga landas namin." Tukoy ko kay Marsha. Pagkatapos ay tinginan kong muli si Felicia sa kanyang mga mata, "O magtagpo ang landas natin." Seryosong dagdag ko pa.
"S-Sky..."
"You made a choice. Walang take two sa buhay, Felicia. You chose to be my enemy rather than be with me." Paglilinaw ko sa kanya.
"Pero pamilya ko siya, Sky."
"No. Alam naman natin pareho na hindi ka ituturing na pamilya niyan. But uhh, hindi na bale. Dahil sabi mo nga, hindi ako ang kailangan mo." Dagdag ko pa in a bitter tone. "The next time our paths cross again, I will remember you as my enemy, not the woman I love."
Pagkatapos kong sabihin iyon ay mabilis na tinalikuran ko na siya at hindi na muling nilingon pa.
Pinili kong hindi na siya muling lingunin pa dahil ang sakit-sakit sa part ko na ngayon na nga lang ako nagmahal ng ganito, hindi pa ako kayang piliin ng taong mahal ko. Ang masakit pa, harap-harap niyang pinamukha sa akin na hindi ako ang kailangan niya sa buhay niya.
Hindi ko kailangang magtanim ng galit kay Felicia. Dahil ang totoo ay naiintindihan ko siya. Pero namili na siya at pinili niya ang sumalungat sa akin.
Tama si Dada Billy, ang misyon ay misyon. Hindi dapat baliin. Hindi pala talaga dapat ako nakikinig sa puso. And when I see Felicia again next time, I won't hesitate to bring her down.