Now playing: Moving On - Kodaline
Skyler POV
Magmula noong araw na iyon, noong mas pinili ni Felicia ang putulin ang meron kami kaysa piliin ako ay para bang mas lalo akong nawalan ng gana sa lahat ng bagay.
Hindi ko magawang lumabas ng aking kwarto. I don't wanna have fun knowing na wala na siya sa akin. Kahit anong pilit na pangyayaya sa akin ng mga kaibigan ko, pakiramdam ko kalahati ng kasiyahan ko ay dala-dala ni Felicia.
I can't even laugh and smile again. Parang nakalimutan ko na paano ang magsaya.
And shit dude! Hindi pa ako umiyak sa babae sa tanang buhay ko, pero ngayon kung sumpungin ako ng pagre-relapse ko, daig ko pa ang isang bata na iniwan ng ina.
Ang sakit-sakit isipin na kayang-kaya ko siyang ipaglaban, pero bakit naman hindi niya iyon magawa sa akin? Or kahit man lang 'yung willingness na ipaglaban ko siya, na hayaan niya akong gawin iyon para sa kanya, bakit hindi niya nagawa?
Pinagtulakan pa niya ako at mas pinanindigan niya ang sumama sa taong hindi nga siya sigurado kung ituturing ba siya nitong pamilya.
I hate her!
Hindi ko mapigilan ang magalit at mainis kay Felicia. Ngunit kahit na ganoon, mas lumalamang pa rin sa akin ang pagmamahal na meron ako para sa kanya.
Mahal na mahal ko pa rin siya kahit na ang sakit ng ginawa niya.
At kahit na anong mangyari, I will continue to do the things I did just to protect her. Sa ngayon, hahayaan ko muna siya sa naging desisyon niya. Hahayaan ko siyang tumayo sa sarili niyang mga paa. I will let fate take its course for the two of us because this matter is out of my control.
At oo, sa muling pagkikita namin,kung pagtatagpuin man kaming muli ng tadhana, tutuparin ko ang sinabi ko sa kanya.
I will take her down. Hindi dahil sa hindi ko na siya mahal sa mga panahon na 'yun, but it's because I want to show her that I'm better to be her lover than her enemy. I will show her that she should have chosen me when she had the chance.
Sa ngayon, wala akong sinasagot na kahit anong tawag, messages or kahit na ano mula sa mga kaibigan ko. I don't even want to go to any of my classes at school.
I just can't.
Hanggang sa naputol ang malalim kong pag-iisip noong may kumatok mula sa pintuan ng kwarto ko. Hindi ako tumugon o nagsalita. Hinayaan ko lamang na magpakilala kung sino man ang kumakatok na iyon.
"Honey, it's me." Agad na nabosesan ko ito.
Si Mimi, Aerin.
Hindi pa rin ako nagsalita.
Unti-unting binuksan nito ang pintuan ng aking kwarto. Agad naman na namataan ako nitong nakahiga sa aking higaan, magulo ang buhok, nakabalot ang katawan sa kumot, ilang araw nang hindi naliligo, nakakalat ang mga pagkain sa sahig at talagang medyo maamoy na ang aking kwarto, samahan mo pa na naka-aircon at kulob ang buong silid.
Hindi nakaligtas sa aking paningin ang hindi maipintang itsura ng aking ina bago ito tuluyang lumapit sa akin.
Sumampa ito sa kama at dahan-dahan na ibinangon ako sa aking higaan.
Kitang-kita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata. Hindi ko gustong pag-alalahanin siya pero what should I do? Maski sarili ko hindi ko magawang tulungan sa sitwasyon na ganito.
I'm so hurt to the point na hinahayaan ko na lang na lamunin ako ng kalungkutan at sakit na nararamdaman.
"I am so worried about you. Ilang araw ka nang hindi lumalabas ng iyong kwarto. Your friends keep coming back here to check on you because you don't want to talk to any of them." Panimula nito habang diretso lamang na nakatingin sa mga mata ko.
Ngunit nanatili pa rin akong tahimik.
Pakiramdam ko kasi oras na ibuka ko ang bibig ko ay kasabay na mag-uunahan sa pagpatak ang mga luha ko. At ayokong mas masaktan ang aking ina dahil nasasaktan ako.
Napahinga ito ng malalim at maingat na iniangat ang nakayuko kong ulo para salubungin ang mga tingin niya.
"Natatandaan mo ba 'yung love story namin ng Dada Billy mo?" Tanong nito sa aking muli.
Noon din ay tuluyang naagaw na nito ang atensyon ko.
"It took us three years to see each other again. Inisip pa niya noong patay na ako. Habang ako naman, iniisip kong hindi na ako makakabalik pa sa kanya kahit na kailan." Napapangiti si Mimi while remembering the past.
"Pero muli pa ring hinayaan ng mundong pagtagpuin kami. At sa muling pagkakataon na ibinigay sa amin, hindi namin iyon sinayang. Wala kaming sinayang." Dagdag pa niya.
Hinawakan nito ang kamay ko, habang ang isang palad naman n'ya ay nasa pisngi ko. Binigyan niya ako ng isang mabagal ngunit mayroong pag-asang ngiti. Assuring me that everything will be okay, especially me.
"Mahal ka ng Dada Billy mo." Her voice cracked when she says that to me. "Tinanggap ka nga niya ng buong-buo kahit hindi ka niya kadugo eh." Naglalaglagan ang mga luha sa mata niya.
At dahil doon ay tuluyan na akong nanlambot. Awtomatikong naramdaman ko ang nagbabadya kong pagluha.
"Mi..." Naiiyak na wika ko. "Mi, please don't cry." Mahinahon at malambing ang boses na pagpapatahan ko sa kanya.
Ngunit napalunok lamang ito, pinahid ang luha na nasa kanyang pisngi bago nagpatuloy sa kanyang sinasabi.
"She just wants to protect you either." Pagpapatuloy niya.
"At hinuhubog ka niya to be the best version of yourself. 'Yung malakas, matalino, 'yung hindi matitibag ng kahit na anumang bagyo. Kasi gano'n siya pinalaki. Idol mo nga siya 'di ba? Gusto mong tularan ang mga ginagawa niya at sundan ang mga yapak niya. Ginagawa niya lang din ang best niya to the best Dada in the world, anak. Kaya sana... please, 'wag sasama ang loob kay Dada mo ha? Mahal ka no'n kahit istrikta 'yun."
Napatango ako ng maraming beses habang lumuluha na ring kagaya niya.
"I know. I know, Mi." Wika ko at niyakap siya kahit na hindi ko sigurado kung kaya niya pa bang titiisin ang amoy ko.
Ngunit hindi nagtagal ang pagyakap ko sa kanya nang muling kumalas kami sa isa't isa.
"Palagi mong tatandaan, na kung para sa'yo, para sa'yo. Na kahit na mawala man ito ng ilang beses sa mga kamay mo, mahawakan at mapunta man sa ibang tao, kung para sa'yo, babalik at babalik ito sa mga kamay mo, anak." Paliwanag nito. "You don't have to strain and use all your strength just to get it. Dahil mauubos ka, until there is nothing left for yourself."
Napasinghot ako. "T-Thank you, Mi." Buong pusong pasasalamat ko sa kanya.
"Oh! My baby! Dalaga ka na nga or should I say, binata?" Pagtapos ay natawa ito ng mahina. "And just like your Dada, gagawin mo rin ang lahat for the sake of love." Nangingiting wika niya ngunit lumuluha pa rin.
"Come on! Bumangon ka na riyan at maligo." Utos nito sa akin. "You stink. And your friends are miss you so much." Pagkatapos ay hinila ako nito paalis sa ibabaw ng aking kama.
Tulak-tulak niya rin ako hanggang sa tuluyang makapasok sa aking banyo.
"Take time, honey. Your friends are waiting for you downstairs." Nakangiti na ngayong sabi sa akin bago ako kinindatan.
"You'll get through this, I promise." Muling saad ni Mimi. Hinalikan ako nito sa aking noo bago tuluyang tumalikod na sa akin para makaligo na ako.
Agad na pinalinis rin nito ang aking kwarto habang naliligo ako.
Hindi ko alam kung paano kakayanin, pero hindi ko malalaman kung hindi ko susubukan. Right? At kung hindi ko lalakasan ang loob ko.
Isa lang naman ang paulit-ulit na tanong ko sa aking sarili eh.
Do I really need to move on now? Is it possible to just move forward and still love her?
Felicia.
I don't think I can forget her. I don't think I can unlove her.
Pero...bahala na.
Bahala na kung saan ako dadalhin ng tadhana.
Mahirap mag-let go pero kailangan.
---
Noong tapos na akong maligo at magbihis. Pansin ko ang medyo pangayayat ng mukha ko. 'Yung nangingitim na bahagi sa ilalim ng mga mata ko. Ang dry din ng lips at balat ko. Daig ko pa 'yung may malalang sakit na tao.
Hayst.
"Come on, self. You can do it." Pangungumbinsi ko sa aking sarili habang nakaharap sa salamin.
Naghintay pa ako ng ilang minuto bago tuluyang lumabas ng aking kwarto.
At paglabas na paglabas ko pa lamang ay agad na sinalubong na ako ng mga kaibigan ko. Sandamakmak na pang-aasar ang bungad ng mga ito sa akin. Habang iyong iba naman ay ginugulo 'yung buhok ko, hanggang sa pinagtulungan nila akong buhatin patungong pool area at agad na inihagis sa tubig pagdating.
Mga walangya! Kabibihis ko lang eh!
Noong nasa tubig na ako ay isa-isa ring nagsitalunan ang mga ito at pinagtulungan na namang lunurin ako.
Except Nicole na prenting nakaupo lamang dahil sa lumulubo na niyang tiyan.
Thanks to them dahil nagawa kong tumawa ulit. Iyong tawa na genuine na akala mo ay hindi broken hearted. Iyong tawa na akala ko hindi ko na muling mararanasan pa.
Pagkatapos naming maligo sa pool ay sabay-sabay na rin kaming nagpalit muli ng damit. Hindi na kami nakahabol pa sa morning classes namin kaya ngayong hapon na lamang kami papasok sa school.
"Yun oh!" Nakangiting wika ni Autumn noong makarating ako ng parking area.
"Mabuti naman at lumabas ka na. Duh! Ayokong grumaduate nang hindi ka kasabay 'no?" Napapairap na wika ni Kezia.
"Ako rin." It's Gabby.
"Yeah! Me too." Pag-sang ayon din ni Sydney.
"Oh sige, lahat na lang tayo." Singit naman ni Tabitha bago kami nagtawanang lahat.
Pagkatapos noon ay sabay-sabay na kaming nagtungo ng Goldin Hills. Habang si Nicole naman ay sinundo na lamang ng kanyang asawa.
I know life is beautiful to waste on someone who chose to leave your life.
I mean, nawalan man ako ng isang tao sa buhay ko, pero I still have friends, I have my family at marami pang tao at bagay ang darating sa buhay ko. Sabi nga nila, kung may umalis? Of course, meron din namang bagong darating.
Alam ko rin na walang madali sa pagmo-move on, it will take a lot of patients and long process to move forward pero ang importante naman eh sisimulan, hindi ba?
I don't want to change who or what I am. And I want to be happy again, and I don't want my current broken heart to be the reason the genuine Skyler disappears.
I realized I still wanna have fun, enjoy this season I have right now, and enjoy this beautiful life with or without Felicia.