Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Hidden Persona Zarie Series

Janelle_Pico
--
chs / week
--
NOT RATINGS
29.9k
Views
Synopsis
Hidden Persona (First Novel of Zari Trilogy) Synopsis: A girl who's deprived by the world's gentleness.  A nerdy girl who was gifted only by the inside but lacked by her outside. Pain isn't new to her.  But that doesn't mean she's already numb.  She can still feel the pain, but why can't people stop from insulting every corner of her? Her body was losing in tiredness.  Her brain was succoring in overthinking.  Her heart was melting in pain. Until when she can always have the courage to endure the pain?  When pain itself was the meaning of her life? First: Hidden Persona Zach Ecleo Evilord, the most famous member of the Hellion4. The grandson of the owner of the HOuLYn Hellion University. The handsome one who never fails to capture the hearts of all girls inside or even outside of their school. He was a wealthy young man with a fertile life. Always indulge with every attention, comfort and kindness of all people around him - a spoiled brat to be exact. All he wants is all he gets. But that wasn't enough for him to enjoy the life that everyone wants. He doesn't even give importance nor value the life that he has. He has a perfect family but that doesn't make any sense for his rude personality. Being offensively impolite was his usual doings. Being him as a young man with an ill-mannered personality wasn't new for the people around or close to him. He was always used to that kind of stuff so no wonder people sometimes get scared being near him even though they like him for having a good-looking outer form. For unknown reasons, happiness doesn't fill him despite the fact that happiness that a lot of people want is already on his hands. All the people want for their life, money, resources, assets, wealth was already in his life. All that he already had wasn't enough for him to feel happiness in his heart. To value his life and to look forward for the future. That's the life he was always used to so probably people liked him for his handsomeness and wealthiness. But when it comes to his rude personality, he's nothing. When she meets this nerdy girl who's always getting on his nerves for her quality of being repulsive in her own appearance, he doesn't seem to notice but his colorless life starting to get colored by her colorless nerdy face. He doesn't have any idea how far she was walking, how deep this nerd was digging to give the biggest impact he ever received inside himself. How come this nerdy girl he was hating was slowly becoming the girl his heart was loving. Pitying someone wasn't written on his vocabulary, but when she came and entered his life he just felt it, especially when he saw how life can be very hard for the variety of people who are deprived of having a wealthy life. There, he realized the importance of life that he was actually playing and wasting around. That for them it's not all about being free as a young individual. It's about preferring first the needs over the preference. Being concerned from the things that was a complete indifference and mostly, their appreciation that always ends in him a depreciation. From the fact that he pity her he didn't realize it's not only the mercy he was feeling for her. It's not about making him realize the value of life nor opening his eyes to see the reasons why people are having such a hard time dealing with the problems in life. It's not just about wasting your own life. It's not about thinking only the present, the 'today' to be specific and not having a planned future. It's about him... that continually falling every seconds of being with her...
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 01

GENESIS

"Yeri! Bumangon kana diyan! Sa pagkakaalam ko'y may trabaho ka ngayon kaya labas na diyan at malapit na akong matapos maghanda ng agahan!" Rinig na rinig kong sigaw ni Nay Maria.

Bigla naman agad akong bumangon sa matamlay na pagkakaupo ko sa maliit kong kama dahil nawala sa isip kong may trabaho nga pala ako ngayong araw. Lumabas ako ng kwarto at agad na tinungo ang banyo para maligo.

Matapos kong maligo ay lumapit naman ako sa hapag kainan kung saan kakaupo lang rin ni Nay Maria. Pagkatapos manalangin ay nagsimula narin kaming kumain.

"Kumain ka ng marami para makapagtrabaho ka ng maayos kung sa'n man 'yang trabaho mo," biglang sabi ni Nay habang sumusubo ng pagkain.

"Nay, sa park lang ho ako ngayon, bebenta ng icecream," sabi ko.

Hindi niya kase alam ang ibang mga sideline ko dahil kung ano-ano talaga ang pinapasok ko makakita lang ng pera at makatulong sa panggastos para sa pang-araw-araw lalo na sa buwan-buwan na pagbayad sa inuupahan naming simpleng bahay. Simple lang talaga siya para sa'kin at kay Nay Maria pero ang taas ng singil ng may-ari samin.

Magdadalawang buwan pa lamang kami ni Nay sa bahay na 'to kaya medyo naga-adjust pa rin ng kaunti. Maganda naman siya kahit masikip sa loob pero ayos na rin siguro 'to, dalawa lang naman kami ni nay e, kaya kasya. Saka malapit-lapit din 'to sa University na papasukan ko ngayong nalalapit na school year, kaya mas lalong lang gumanda para sa 'kin.

Kailangan talagang kumayod sa panahon ngayon o maaaring sa sitwasyon ko lang 'ata ngayon. Kahit anong trabaho pinapasok ko, pero kung hindi naman natatanggap, hindi nga lang din naman nagtatagal yung iba.

Hindi ko naman sila masisisi, lahat sila masama ang turing sakin dahil ang sama ng dating ko sa mga mata nila, sa mga paningin nila.

Katulad na lamang ng pagtatrabaho ko bilang waitress sa kahit saang restaurant, hindi nakakayanan ang hitsura ko. Maging ang mga katrabaho ko o kahit ang mga customers, ipinapamukha talaga sa 'king hindi ako tanggap sa mundong 'to.

Kaya sa huli, tanggal ako sa trabaho. Sa halip na makatulong daw kase ako sa business nila ay nilulugi ko ito.

Sobrang iyak ko nung araw na iyon dahil si nay hindi makapagtrabaho dahil nagkasakit. Nagkaroon ng lagnat, sipon at ubo, kinailangan pang bumili ng gamot para hindi lumala ang sakit at hindi magdulot ng kung ano-anong makakasama pa lalo sa katawan niya.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa mga oras na iyon at wala kong ibang masisi kun'di ang sarili ko dahil kahit anong gawin ko hanggang dito na lang talaga ako. Sa pagiging 'nerd' kung saan ako kumportable sa panunuot ko, kung saan mas malinaw ang mga mata ko suot-suot ang malaking itim na lumang salamin ko.

Wala din akong oras na mag-aayos para sa sarili ko dahil puro trabaho ang inaatupag ko, pero wala din naman akong planong baguhin ang sarili ko dahil wala silang karapatang pakialamanan ang buhay ko, yon nga lang ay naaapektuhan nito ang trabaho ko. Pero kung naiinis man silang lahat, sa tingin ko'y hindi ko na problema't isipin yun dahil hindi naman nila buhay ang buhay ko.

Pero isa lang talaga ang alam ko, na kung masakit man ako sa mga mata nilang humuhusga sa pagkatao ko. Wala 'kong pakialam hanggat hindi sila nanakit sa mga taong malapit sa buhay ko.

Pero kahit ano talagang pilit ang gawin ko, hindi ko parin alam kung nararapat ba ako sa mundong 'to! Kung sana ako lang ang nahihirapan at hindi ang nay ko, matagal na akong sumuko, dahil sa lahat ng natamo ko sa hindi pantay na pagtingin ng mga tao, pagod na pagod na ang kaluluwa ko na parang ang katawan ko nalang ang nananatiling buhay sa loob ko, ramdam ko na ring gusto ng mamahinga ng kaluluwa ko't tumigil na sa pagtibok 'tong puso ko.

Pero pilit kong nilalabanan ang pagod ko at pag-asam na sana mawala nalang ako dahil kahit papano'y natatakot akong maiwan ang nay kong walang ibang ginawa kun'di ang mahalin ako.

Hindi ako natatakot mawala sa mundong to. Pero hindi man ako takot, ginagawa ko parin ang tama para iwasan ito dahil ayokong may maiiwan akong luhaan at masasaktan 'pag nawala ako.

Kaya kahit anong hirap ang pagdaanan ko, maramdaman ko lang na may taong nagtitiwala sa kakayahan ko, magsisikap akong abutin lahat ng pangarap ko at maialay lahat sa kaniya ang tagumpay ko.

Siya lang ang dahilan kung bakit nananatiling matatag ako at sobrang pasasalamat ko sa Diyos dahil gumaling ang nay ko.

Marami na akong napagdaanang hirap sa buhay ko at tiyaga lang ang patuloy na ginagawa ko, dahil hindi mawawala ang hirap sa buhay ng isang tao kung hindi ito magti-tiyagang malampasan ito.

Alam kong lahat ng tao walang pinagkaiba, kagaya ko ay may pinagdadaanan din silang mga problema, pero kung ano ang paraan mo sa paglutas ng sarili mong problema ay yun ang pinagkaiba mo sa lahat sa kanila. Kaya hindi ako nanggagaya dahil darating ang araw kung nakikita man nilang iba ako sa kanila, tao parin akong naninirahan sa mundong tinitirhan at iniikutan kasama nila.

Kahit ganito lang ako para ganyanin at ganituhin ng ibang tao, hindi ko parin kailangan ng kahit ano, sumaya lang ang pamumuhay ko dahil meron na akong buhay na may karapatang i-enjoy ang kahit ano.

Naibalik lang ako sa mahabang paglalakbay ng diwa ko ng marinig ko nanaman ang boses ni nay na sa sobrang lakas nga ng boses ay bahagya pa akong napatalon sa pagkakaupo ko.

"Yeri kanina kapa uh! Hindi mo ginagalaw ang pagkain mo! Kumain kana at baka mahuli kapa sa trabaho mo," sabi niyang nandidilat pa ang mga mata na nakatingin at nakaturo pa ang kutsarang hawak-hawak sa pagkain ko. "Ano bang iniisip mo at natutulala ka diyan?"

"Uh wala po nay, may naisip lang po, hindi naman po importante."

"Kahit na, hindi parin makabubuti ang natutulala lalo na kung nasa trabaho ka, mas mabuti pa sigurang magpahinga ka nalang muna at mahiga ka sa kwarto mo para-"

"Uh wag na po nay! Ayos lang po ako," biglang sabat ko, sinadya ko talagang hindi na siya patapusin pa dahil kailangan ko talagang makapasok at kumita ng pera. Dagdag ipon narin para sa darating na pasukan. Mabilis akong tumayo at nagpaalam na magsisipilyo kahit di pa naman ako talagang tapos na kumain.

"Teka Yeri! Hindi pa tapos itong-"

"Busog na po ako nay!" Sabat ko na naman. Baka kung hindi pa 'ko tumayo doon ay pilitin na naman akong hindi pumasok sa trabaho, kaya mas mabuting iwasan ko na lamang.

Pagkatapos kong magsipilyo ay nagpaalam na ako kay nay na pupunta na ng trabaho. Binilisan ko din ang kilos ko dahil mukhang mali-late yata ako ng ilang minuto. Ayokong madisappoint ang may-ari ng icecream truck na 'yon, mabait pa naman. Patunay na mabait kase hindi ako tinatanggal sa trabaho tulad ng ibang mga taong pinagtatrabahuhan o manager na pinapasukan ko noon.

Hindi naman full time job 'tong trabahong 'to, kaya pwedeng-pwede pa 'kong maghanap ng iba pang trabaho. Hindi na malaking sagabal sa halip ay makakatulong pa.

Nagsimula na akong magtrabaho at hindi nga rin maiiwasan na marami ang natatakot na mga bata na bumili pero dahil sa masarap ang icecream na beni-benta namin, marami-rami rin naman ang mga bumibili.

Hanggang sa may isang customer na kahit ako'y nakatalikod ay alam kong boses lalake kasama ang paniguradong babaeng naririnig ko pang tumitili.

"Ms. two ice cream please," rinig kong boses ng lalake.

"Uhm, what flavor do you like sir?" Kalmadong sabi ko habang nakatalikod at naghugas muna ng kamay bago ihanda ang gusto nitong icecream.

"Uhm... I want this dioscorea alata, ikaw babe, what do you want hm?" Malambing na tono na tanong nito sa paniguradong girlfriend nito.

Humarap na ako sa kanila pagkatapos kong ihanda ang ice cream na gusto daw niya.

"Ikaw babe, ikaw ang gusto ko," sagot naman ng babaeng girlfriend ng lalakeng aaminin kong gwapo pero hindi gaanong attractive sa paningin ko. Napangisi ang lalake sa sinabi ng girlfriend niya.

"That's not what I mean babe, anong gusto mong flavor hm?" Naglalambing ding sabi ng lalake sabay akbay sa kaniyang girlfriend.

"Yeah I know I'm just kidding," bumaling ang paningin ng babae sa mga flavor na available na nakadikit sa may gilid ng ice cream truck. "This curd flavor Ms-"

Nang ibaling niya ang paningin sa akin ay nandiri kaagad ang mukha nito at parang nairita pa ng makita ako. Salubong na salubong ang kilay nito habang diretsong nakatingin sakin ng nanlilisik.

"Ew! Kadiri naman niyang face mo!" Prankang aniya. "Hindi na ako magtataka kung kasing panget niyang face mo ang lasa niyang icecream na bine-benta mo!"

Mabilis niyang ibinaling ang tingin sa boyfriend niya.

"Babe lets go! I don't want to eat ice cream made by this nerdy cheap girl!" Galit niyang sabi sabay hila sa kamay nito pero hindi man lang nagpahila ang boyfriend niya at pilit na ngumingiti sa kinatatayuan.

"It's okay babe, hindi naman siya ang kakainin natin e, yung icecream," hindi pa rin matanggal ang pilit na ngiti sa mga labi nito. Sinusubukang habaan ang pasensiya.

"Yeah I know! Look at her face?! Sino namang gaganahang kumain ng icecream tapos galing sa kaniya? Urgh! Disgusting!"

"Babe-"

"No babe listen to me! Let's go. Ang sagwa ng mukha ng babaeng nerd na 'yan and I'm sure, that ice cream she was selling taste surely like a sht, too!"

Mabilis niyang kinuha sa kamay ko ang ice cream na para sa boyfriend niya ng biglang niya itong isubsob iyon sa pisngi ko.

"Biy!" Sigaw ng lalaki sa gulat. Mabilis niyang hinatak ang girlfriend niya palayo sa 'kin.

Bigla ko na lang naramdaman ang malamig na likidong dumadaloy sa pisngi ko kung saan sinubsub ng babae ang ice cream sa mukha ko.

"What? Her face deserved it!" Matigas na sabi ng babae.

Hindi man lang ba siya nakokonsensiyang gawin 'to sa isang tao? Kung patuloy lang na ganito ay siguradong aabot talaga ako sa puntong kukwestiyonin ko ang sarili ko kung tao pa ba ako para tratuhin ng ganito ng ibang tao.

Nakita ko na lamang na naglapag ng tatlong libo ang lalaki sa harap ko at nakokonsensiya ang mga matang tinapunan ako ng tingin.

"I'm really sorry Miss," aniya at hinawakan ang babae sa palapulsunan at hinila palayo.

Wala na sila sa paningin ko pero heto parin ako't tulalang lumuluha lang sa kawalan. Ayaw kong magalit sa kaniya, kaya kahit na masakit ang ginawa ko sa kaniya ay ipinagpasa-Diyos ko na lamang ang kamaliang ginawa niya.