Chereads / Hidden Persona Zarie Series / Chapter 3 - Chapter 03

Chapter 3 - Chapter 03

ENCOUNTER

Naglalakad ako sa gilid ng kalsada habang kinakalikot yung laman ng bag ko dahil kulang ng dalawang piso ang baryang papamasahe ko para mamaya pauwi sa bahay.

Malakas na pwersa kong hinalbot yung dalawang nakapang baryang iyon sa kailalim-laliman na sulok ng bag ko.

"Yah!" Biglang sigaw ko at sa wakas ay nakuha ko rin pero sa kamalas-malasan ay tumilapon iyon pataas at pabagsak sa gitna ng kalsada.

Napasimangot na lamang ako pero kaagad ding lumapit para kuhanin yung baryang tumilapon.

Pagkapulot ko ng dalawang barya ko ay bigla akong napalingon sa kanan ko sa lakas ng tunog ng hindi ko namamalayang kotseng padaan.

"Nay!" Biglang sigaw ko sa takot pero hindi ko na nagawang tumayo pa dahil sa biglaang panghihina ng tuhod ko at panginginig ng buong katawan ko. Wala sa sariling napayuko na lamang ako sabay patong ng dalawang kamay ko sa ulo ko at pinikit ng sobrang diin ang mga mata ko. Palapit ng palapit ang kotse, palakas lang din ng palakas na naririnig ko ang busina nito.

Diyos ko! Huwag niyo po akong hayaang masagasaan ng kotseng ito, pinupulot ko lang naman po ang barya ko!

Ilang segundo pa ang lumipas at akala ko ay mamatay na talaga ako pero himalang hindi ko naramdaman ang paglapit ng kotse iyon sa katawan ko.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko sabay angat ng ulo ko at nakita ang malapit na malapit na talagang kotse sa katawan ko.

Paniguradong ilang segundo lang niyon ang pagitan at kung hindi ay talagang titilapon na ako.

Mala-sport car na kotseng kulay pula ang nasa harapan ko ng tingnan ko ito. Biglang nag-slow motion ang lahat pagkabukas at pagkabukas ng pinto ng kotse at bigla na lamang lumabas ang isang napaka-gwapong nilalang na hindi ko pa nakikita sa tanang buhay ko. Nakakamangha ang ka-gwapuhan niya.

Sa biglang naisip at pumasok sa utak ko ay hindi na ako sigurado kung tumutulo na ba ang laway ko. Siya na yata ang pinakamagandang lalaking dumaan sa mga mata ko.

Nabalik lang ako sa pagpapantasiya ko sa biglaang pagsigaw niya at dun ko lang din nakita ang salubong na salubong niyang kilay at nakakatakot na nakakatakot niyang mukha.

"What the heck are you triying to do? Magpapakamatay kaba?"

Hindi pa man ako nakakasagot ay sumunod na naman itong nagsalita.

"Then do it by yourself! You're fckng stupid, didn't you see my car passing huh?!" Nanggagalaiting sigaw ng lalaking kanina lang ay pinupuri ng isip ko, binabawi ko na talaga 'yon ngayon.

Ni hindi man lang ako tinulungan munang makatayo at nagsalita na kaagad ng nagsalita. Pinilit kong itinayo ang sarili ko at iniangat sa kaniya ang tingin ko. Malapit na niya kong mabangga tapos ganito na agad siyang magalit?

"Pasensiya na po kayo. Hindi ko lang po talaga kayo napansin," pagpapakumbaba ko.

"Tsk! Tatanga-tanga ka kase e! Palibhasa, dukhang nerd na nga, papakamatay pa yata!" Galit na aniya. Napatungo na lamang ako kahit nakakainsulto na ang mga sinasabi niya. "Tss! Stupid!" Inirapan ako nito at mabilis na tinalikuran.

Ganoon ba siyang mag-sorry?

Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko ng bumusina na naman ang kotseng pula sa harap ko ng napakalakas.

"Ano? Gusto mo tuluyan kita?!" Sigaw niya pa, mabilis naman akong gumilid ng kalsada. "Tss! How stupid!"

Tulala pa rin ako sa gilid ng kalsada kahit na wala na ang kotse at kanina pa umalis. Hindi pa rin ako makapaniwalang ang kaninang pinupuri ng utak ko ay ganoon pala kasama makitungo sa ibang tao. Ang sama niya, wala siyang pakialam kung nakapanakit ba siya o hindi. Hindi man lang niya ako tinanong kung ayos lang ba ako, sa halip ay sinigaw-sigawan pa ako.

Nabalik lamang ako sa huwisyo ko ng saktong may humintong jeep sa harap ko. Napangiwi na lamang ako sa iniisip ko at pumasok na kaagad sa jeep.

Sa gitna ng biyahe ay dahan-dahan na namang inuukupa ng gwapo niyang mukha ang utak ko. Hindi ko maintindihan kung bakit nakikita ko siya ngayon sa imahinasyon ko. Ano naman kung may itsura siya, kung gwapo siya, kung ganiyan naman kasama ang ugali niya ay wala pa ring halaga.

Mukang kulang sa panalangin ang lalaking iyon at ganoon na lang kung magsungit at makitungo sa ibang tao.

Pagkauwi ako ng bahay ay naabutan ko pa sa nay na nasa kusina at nilalapag ang naihandang pagkain sa mesa.

"Oh! Tamang-tama at nakarating ka na. Halika na, kain ka na muna nak," pag-aaya niya at naupo naman kaagad ako sa tapat ng mesa para kumain. "Kamusta naman ang trabaho?" Tanong niya na nasa harap ko't kumakain.

"Ganoon parin naman po nay, yung pag-uwi ko lang talaga dito ang nagkaproblema,"

"Bakit? Anong nangyari?" Seryoso ngunit may bahid ng pag-aalalang tanong niya.

"Uh hindi naman po importante, may nakasalubong lang po talaga akong pinaglihi sa ampalaya at ang pait-pait ng ugali,"

"Hay nako, hindi kapa nasanay-"

"Hindi naman po sa ganoon nay, talagang sobrang sama kase ng ugali niya, nakakatakot, lalo na yung mukha niyang galit,"

"Bakit? Anong ginawa sa iyo, nak? Sabihin mo at ng basagin ko ang ulo niya at baliin ko ang buto niya!"

"Nay naman e, kahit kailan, napaka-brutal niyo talaga,"

"E anong magagawa ko? Hindi ko maaatim na may nananakit sa kaisa-isa kong anak! Kaya ipaaalam mo sa 'kin sa t'wing may mananakit sa 'yo, uh! Para naman mapatikim ko sa kaniya ang kamaoo ko at ng flyingkick ko!" Sabi niyang inaaksiyon pa talaga ang pagsuntok niya sa hangin at pagtadyak sa sahig.

"Nay, wala naman pong nananakit sakin e," pagsisinungaling ko. Phisically wala, emotionally sobrang dami pero sanay na talaga e at wala na akong magagawa doon.

"Aba'y dapat lang dahil ang nay mo ang makakalaban nila!" Seryoso at mararamdaman mo talaga ang galit sa mata at tono ng pananalita niya. Ngunit magkaganoon man naaapreciate ko parin siya.

"Nay," Biglang sabi ko at wala sa sariling hinawakan ang kamay niyang nasa ibabaw ng mesa at tiningnan naman niya kaagad ako ng may pagtataka sa mga mata. "Salamat po,"

"Para saan naman, nak?" Enosenteng aniya.

"Dahil parati kayong nasa tabi ko at hindi ko nararamdamang mag-isa ako dahil alam kong nandiyan kayo't hindi niyo ko iiwan," napangiti siya bigla sa sinabi ko at maya-maya ay hinawakan naman niya ang kamay kong nakahawak sa isa niyang kamay.

"Anak, hindi ka naman talagang nag-iisa e. Nandito ako't hindi kita pababayaaan. Responsibilidad ko talagang alagaan ka, bantayan ka, ipagtanggol ka at kahit hindi mo man hilingin sa akin iyon, ibibigay ko sa iyo dahil anak kita at mahal na mahal kita."

Sa mga oras na 'to, parang gusto ko na lamang maiyak rito sa kinauupuan ko.

"Walang inang hahayaang nasasaktan ang kaniyang anak na wala man lang ginagawa para kahit papano'y maibsan mo ang sakit na nararamdaman niya. Mahal na mahal kita at hindi ko hahayaang maramdaman mong nag-iisa ka dahil nandito ako't susuportahan kita."

"Pero nagpapasalamat pa rin po ako, nay, na ikaw ang ibinigay sa akin ng panginoon na maging aking ina na sobrang maalaga, mapagmahal, masuporta, mabait, at mapagtanggol na ilaw ng aking buhay," maluha-luhang sambit ko.

"Ganoon din ako, nak, hay! naiiyak tuloy ako, halika nga't yakapin mo ang nay mo!" pigil na luha at pilit na ngiting sambit niya. Bigla na lang rin akong napangiti at tumayo pagkatapos ay niyakap siya sa likuran, naramdaman ko na lang rin ang pagkakayakap niya sa akin habang nakatalikod, ginagantihan ang yakap ko.

"Mahal na mahal kita, nay," wala sa sariling sambit ko habang nakasandal ang ulo ko sa ibabaw ng balikat niya.

"Mas mahal kita nak," mahinang usal niya. Kahit papano'y may magandang nangyari sa buhay ko, at yun ay kung sino ang naging ina ko. "Hay! Tama na nga yan, naluluha na ako, e. Sige na anak, kumain kana, itong isa masarap to, at syempre eto! Masarap yan, subukan mo rin itong isa, para talaga sa iyo lahat ng iyan kaya magpakabusog ka," sabi niya habang nilalagyan ng ulam ang plato ko.

"Sige na po nay, kumain rin po kayo ng marami at huwag kayong mag-alala dahil talagang mabubusog ako dito sa mga luto niyo," nakangising tugon ko pa habang ginaganahan sa pagkain. Ilang sandali pa ang nakalipas matapos naming kumain ay nagsimula na rin akong maghugas at maglinis ng bahay.

Pagkatapos kong gawin lahat ng gawaing bahay ay tsaka ko naman na ipinahinga ang sarili ko at maya-maya'y naghanda na para sa trabaho ko, sa isang bar. Oo, sa isang bar.

Kahit bawal pa ako sa edad kong ito, ayos lang dahil kahit papano'y malapit kong kaibigan ang anak ng may-ari ng bar at tinulungan niya ako na makapasok sa trabaho. Noong una ay inayawan ako ni Mr. and Ms. Baylen na parents ni Ate Cristal dahil nga sa hindi pa sapat ang gulang ko.

Masyado pa raw akong bata para sa isang bar kahit waitress lang ay hindi pa rin pwede iyon. Pero dahil sa tulong ni ate Cristal at sa mabait sila ay pumayag pa rin sila basta't pag-igihan ko lang daw ang trabaho ko at pagkatapos ng trabaho ay uuwi na kaagad.

Hanggang 7 PM to 12 AM ang trabaho ko at nag-usap na kami ng nay ko, hindi talaga siya pabor sa trabaho ko dito. Pinilit ko lang talaga siya dahil na rin kase sa kakapusan at talagang kailangan namin ng pera.

Nagpaalam na ako kay nay na aalis na papuntang trabaho at pagkarating ko naman doon ay tsaka na ako nagbihis ng waitress's uniform. Saka ko naman nakasalubong si ate Cristal sa loob ng bar. Actually nasa legal age na talaga si ate Cristal, malaki ang agwat ng tanda niya sa akin, parang older sister na rin kase ang turing ko sa kaniya.

Maganda siya, ganon rin ang katawan niya, sobrang bait pa niya, pero base sa pagkakakilala ko sa kaniya ay kapag ayaw niya sa isang tao ay masama siya. Doon na siya nagsusungit, nagtataray, pabalang lagi magsalita, sa madaling salita ay nagmamaldita.

Hindi na talaga maiiwasan 'yon at madalas 'yon sa mga lalaking nakakasalamuha niya, ni hindi ko pa nga nalamang nagka-boypren na iyan e. Ang una kaseng papasok kapag narinig mo ang pangalan niya ay man haters siya.

Hindi ko naman masabing bitter dahil NBSB siya. Talagang ganoon lang talaga ang buhay niya, lapitin pa naman sa lalake itong bar nila kaya nakapagtataka kung ba't nandito siya ngayon dahil ayaw na ayaw niyang pumasok dito.

"Oh, ate Cristal! Himala yatang nandito ka?" Nilalabanan ang malakas na tunog ng bar na sabi ko kay Ate Cristal na hindi naman na maipinta ang mukha.

"Pa'no? Ako ang pansamantalang mamamahala ng bar na ito!" Nakasimangot niyang tugon.

"Bakit anong nangyari? Nasaan ang parents mo?"

"Mga 2 weeks silang nasa Thailand may aasikasuhin daw,"

"Uh paano iyan, tiis-tiis ka lang muna dito,"

"Ano pa nga ba, kainis! Makakayanan ko pa nga sanang one week pero yung two weeks? Mamamatay na yata ako niyan Meil!" Galit na aniya.

"Okay lang 'yan ate Cristal! Kung ako ang tatanungin mo, maganda nga yung nandito ka, e!"

"Huh?" Litong tanong niya.

"Wala ng lasing ang magwawala dito, talagang takot lang ng mga 'yon sa 'yo!" Nakangiting sabi ko.

"Tsk!"

"Okay lang 'yan, magtiwala ka lang sa trust!" Sabi ko at tinaasan lang naman niya ako ng kilay. "Sege na, magtatrabaho na po ako," paalam ko at nagsimula ng maglakad para roon sa mga ino-order ng mga customers.

Maya-maya pa'y sa maayos na pagta-trabaho ko ay may pumasok sa entrance na tatlong matatangkad na lalaki. Mukhang pamilyar na pamilyar pa sa akin ang dalawa. Bigla agad namilog ang mga mata ko nung maalala kong siya yung lalaking masamang masamang masama ang ugali na muntik pang makabangga sa akin.

Bakit naman kaya siya nandito? Namumuong tanong ko sa likod ng isip ko. Natural iinum bar to diba? Alangan naman dito iyan magpakamatay. Hinding-hindi din ako nagkamali, dahil ang isang kasama niya ay iyon ding lalaking kasama ng babaeng nang-insulto sa 'kin sa park.

Kaagad namang nagsitinginan at nagsitilian ang mga babaing nandito sa loob ng bar maging kahit ang mga lalaki ay nakukuha ang atensyon ng mga ito. Hindi ko naman namamalayang natulala na pala ako ng biglang tapikin ni Sheila ang balikat ko.

"Girl, ano kaba! Natutulala ka diyan? Puntahan mo na yung tatlong gwapong 'yon!"

"Huh? Ba't ko naman sila pupuntahan?! Hoy! Kahit ganito lang mukha ko hindi pa rin ako pokpok! Saka-"

"Gaga! Anong pinagsasasabi mo diyan, Yeri! Table mo yung inuupuan nila, huwag ka ngang feeling diyan! Kunin mo na yung order, baka layasan pa tayo!"

"Uh, hehe. Sorry, sige maiwan muna kita," pautal-utal kong sabi habang dahan-dahang naglalakad papalapit sa table kung nasaan sila.

Nakakahiya.

Hindi ko maintindihan pero pabagal ng pabagal ang lakad ko papunta sa direksiyon nila at mas lalo pang bumagal ng magtama ang paningin namin ng lalaking masungit na iyon. Pero kakaibang klase ang kabang naramdaman ko nang magtama ang paningin naming dalawa.

Alam kong hindi dapat ako makaramdam ng kabang ito sa dibdib ko dahil siya naman ang may atraso sa akin, pero hindi ko maiwasan at hindi pa rin tumitigil ang mabilis na tibok ng puso ko. Hindi nararapat ang ganito! Hindi dapat ako kabahan ng ganito! Tsaka wala naman akong atraso sa kaniya para kabahan ng ganito, uh?