Chereads / Hidden Persona Zarie Series / Chapter 7 - Chapter 07

Chapter 7 - Chapter 07

NEW JOB

Mabilis pa sa alas kwatro ang pagmamadali ko makarating lang sa napakalayong mall na ito. Nalaman kong naghahanap sila ng janitor kaya sinamantala ko na ang pagkakataon para makapag-apply. Pero kahit na anong bilis at pagmamadali ang gawin ko ay talagang kulang na ako sa oras.

May usapan kami ng isa sa mga Controller rito sa mall na makipagkita daw ako sa kaniya. Halos dalawang minuto na lang ang natitira sa 'kin para puntahan at makipagkita sa kaniya na dapat talaga ay nasa tamang oras.

Hindi pa man ako nakakalayo sa entrance ay biglang nahagip ng paningin ko ang lalaking may pasan-pasang, patong-patong na kahon at ramdam ko ang pamimilog ng mga mata ko ng masaksihan ang dahan-dahan nitong pagkawalan ng balanse at ang masaklap pa roon ay hindi alam ng lalake.

Bumaba ang tingin ko sa gumigewang-gewang na mga kahon at doon, nakaramdam ako ng kaba ng makita ang babae sa katabi nito na posibleng bagsakan ng mga kahon. Titig na titig ako sa pagewang-gewang ng kahon at kaunting-kaunti na lang ay babagsak na talaga ito.

Mabilis kong tinakbo ang babae para maiwas ito sa papabagsak na mga kahon. Pagkalapit ko sa babae ay mabilis ko itong hinawakan sa kabilang braso at hinatak palayo sa mga kahong halos isang segundo na lang ang pagitan ng pagbagsak nito at pag-iwas ko sa babae.

Kasabay ng pagbagsak namin ng babae sa sahig ay ganoon na din ang pagbagsak ng mga kahon-kahong nakapatong sa walang kamalay-malay na lalaking nagbuhuhat nito. Naalarma lang ito ng nagsibagsakan nang talaga ang mga maliliit na nagpatong-patong na mga kahon.

Naunang nakabawi sa pagkabigla ang babae at gano'n-gano'n nalang rin ako kabilis na tumayo, pagkatapos ay siya naman ang kaagad na tinulungan ko.

"Miss, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ko kasabay ng paniniguro kung may napa'no ba sa katawan niya. "May masakit ba sa 'yo, Miss?" dagdag ko pa at mabilis naman niya kong tiningnan sa mata.

"Uh, nothing. Nothing hurts, I'm okay," may pilit na ngiting aniya habang hindi iniiwas sa mga mata ko ang paningin. "Ikaw? Nasaktan ka ba? Okay ka lang ba? hindi ka din ba napa'no huh?" sunod sunod na tanong nito at mabilis din naman akong ngumiti, patunay na wala talagang napa'no sa katawan ko.

"Huwag kang mag-alala, ayos lang rin ako. Hindi naman ako napa'no, ikaw lang ang inaalala ko. Mag-iingat ka sa susunod at baka magkataong wala ng katulad kong makakita ng nangyari kanina, walang magliligtas sa 'yo kaya mag-ingat ka," seryosong paalala ko rito.

Kahit kailan talaga ay ayaw na ayaw matanggap ng sistema ko, ang kahit sinong babaeng nalalagay sa panganib, lalo pa kung wala akong ginawa kahit meron naman akong magagawa.

"I will, I'm sorry to distract you. Naabala pa yata kita, but still, thanks really," aniya.

"Hindi abala ang tumulong kaya hindi ka dapat na mag-sorry, Miss," ginantihan ko naman siya ng ngiti na kahit alam kong kalahati ng bahagi ng ngiting iyon ay iyong pilit lamang.

"Okay," tipid bagaman nahihiya nitong usal. Matapos kong tipid ding ngumiti ay magpapaalam na sana ako para umalis pero. "Wait, wait, wait," dagli nitong sabi sabay pigil at hawak sa may palapulsunan ko.

"Huh?" inosente ko siyang tiningnan.

"The side of your palm is bleeding," nag-aalalang aniya habang nakatutok ang tingin sa hindi ko namamalayang sugat ko pala sa gilid ng palad ko. "Let's go to the clinic, let them apply your hand initial treatments at baka maimpeksiyon pa 'yang-"

"Hindi, okay lang, nagmamadali kase ako-"

"But your palm is bleeding?"

"Hindi, maliit na sugat lang naman 'to," papalag pa sana ako pero nagmatigas pa rin siya at mariing pa lalong hinawakan ang pulapulsunan ko.

"Hindi, baka mapa'no kapa niyan kung hayaan mo lang."

"Ayos lang talaga ako kaya huwag na po kayong mag-alala, aalis na 'ko, may pupuntahan pa po kase ako at kulang na kulang na talaga ako sa oras, kailangan ko ng umalis," kasabay ng aking pagsasalita ang dahan dahan kong pagtanggal ng kamay niyang nakahawak sa may palapulsunan ko.

"Pero-"

"Miss, aalis na 'ko," mabilis akong tumalikod pero halos mamilog at manlaki ang mga mata ko ng pagkatalikod at pagkatalikod ko ay nasilayan kaagad ng mga mata ko ang isang lalaking hindi ko maitatangging gwapo, pero magkagano'n man ay hindi din gano'n kaattractive sa paningin ko.

Ganoon na lang ang pagkatulala at gulat ko ng lampasan lang ako nito. Awtomatikong napatalikod ako at sinundan ito ng tingin at hinarap ang kaninang babaeng tinulungan ko.

"I heard, muntik ka nang mabagsakan ng mga kahon kanina. Are you okay now, huh?" Sobra ang pag-aalala nitong tanong habang sinusuri ang kabuoan nito. Pero hindi ko na nagawang makinig pa sa sagot ng babae, dahil aalis na 'ko sapagkat kong makikiusyoso pa 'ko ay wala na talagang tyansang mapromote sa trabaho sa sobrang late ko.

Pagkatalikod ko ay ganoon na lang rin ang gulat ko nang makasalubong ng mga mata ko ang mukha ng baklaing lalake na bagaman ay hindi nakatingin sa 'kin dahil naroroon ang paningin nito sa babaeng tinulungan ko at lalaking bigla na lang sumulpot.

"M-Ma'am, S-Sir?" hindi ko alam kung pa'no siyang tatawagin, dahil liban sa hiya sa sobrang late ko ay nakakatakot rin ang mukha nito. Batid kong narinig ako nito pero hindi ako nito nagawang lingunin dahil abala ang buong atensiyon nito sa dalawang taong nasa likod ko. "Jovial?" mabilis pa sa alas kwatro ako nitong nilingon matapos nitong marinig ang pagtawag ko sa kaniyang apelyedo sa tonong patanong nga lang.

Pagkalingon nito sa mukha ko ay nabakas kaagad sa mukha nito ang pandidiri at pagkadismaya sa hitsura ko. "Uhm ako po si Yeri Miel Del Rey, yung kagabing kausap niyo sa telepono na mag-aaplay bilang janitress." Hindi pa muna ito nakapagsalita at ilang segundo lang ang nakalipas, pagkatapos ako nitong nandidiring tinitigan ay tsaka na ito nagsimula ng magsalita.

"Ikaw pala iyon," sambit nito ng kahit sa pagsasalita ay ramdam kong napipilitan lang. "Ang ganda ng boses sa cellphone, tapos ganito kapanget ang mukha," pabulong nitong aniya na inakala pang hindi ko narinig kahit ang totoo ay dinig na dinig ko. "But your late! Ilang minuto kanang late. Hindi ka pa nga napo-promote ay hindi kana tumutupad sa usapan ano pa kaya iyong natanggap ka na ano? Mabuti naman at hindi ka nahiyang iharap pa 'yang pagmumukha mo sa harap ko gayong sobrang late na ng idinating mo."

"Pasensiya na po, pero huwag po kayong mag-alala. Ngayon lang po ako male-late at hindi na po kapag natanggap na 'ko, hindi ko na po uulitin. Pangako po, Ms. Jovial," sa huli ay Ms. parin ang naitawag ko, para naman mas ganahan sa 'kin at bigyan pa 'ko ng second chance.

"Hindi! Late ka, sa una pa lang ay binigyan mo na 'ko ng rason para hindi ka matanggap! Iresponsable kang bata, maghanap ka na lamang ng ibang trabaho at hindi dito," ang akala ko ay mababago ko pa ang isip niya pero mas lalo lang itong nagmatigas at ganitong kabilis niya akong tinanggihan na akala mo'y kung anong mahalagang trabaho ang aapplyan ko kahit janitress lang naman.

"What's going on here, Ms. Jovial?" Biglang nangibabaw ang boses ng isang lalake sa likuran ko at ng lingunin ko ito ay ito nga ang lalaking bigla na lang sumulpot sa paningin ko. Nang ibalik ko naman na ang tingin ko kay Ms. Jovial ay gano'n na lang nagbago ang mukha nito at mukhang kinabahan pa yata.

"Eto po kaseng babaeng ito, Sir. Mag-aaply pa lang ay late nang naparito at hindi sa usapan, naisip kong sa iba na lamang ibigay ang trabaho bilang janitress at hindi sa tulad niyang hindi sumusunod sa usapan o napagkasunduan. She don't deserve to have a job here in your mall, Sir,"

Paliwanag nito sa lalaking nakikinig naman sa eksplinasyon niya. Ilang sandali pa ay ibinaling naman nito ang mga tingin sa mga mata ko.

"I'm sorry, Ms. Del Rey, but we're not tollerating someone who's not responsible in fulfilling what she or he says, acronychally in a girl like you na hindi sumisipot sa oras ng usapan."

"Please, bigyan niyo pa po sana ako ng second chance, pangako hindi na po talaga mauulit."

"I'm sorry, you can't work-"

"Yes, of course you can Miss," natigilan kaming lahat pati na rin ang lalake sa sinabi niyang iyon. Sa gulat na pagkakatitig namin sa kaniya ay iyon naman ang masayang limitado niyang ngiti.

"Y-You know this witch ay este this girl Ma'am Trixie?" Nauutal at may halong kabang tanong nito sa babaing tinulungan ko kanina.

"Siya ang tumulong sa 'kin, siya 'yon, Kuya Lance," may kaunting ngiti sa mga labing aniya sa kaharap na lalake. Pagkasabi at pagkasabi niya ng linyang iyon ay mabilis niyang naibaling sa akin ang tingin.

"Thank's for helping my cousin sister," bagaman may kaunting ngiti sa mga labi ay mas namumuo pa rin ang seryosidad sa mukha niya, kaya 'di ko maiwasang kabahan. Mabilis na ngiti na lamang ang naigawad ko sa lalaking kaharap ko dahil na sa babaeng likuran nito ang buong atensiyon ko.

"Nag-thank you na ang boss ko at paniguradong pati na rin 'tong pinsan niyang si Ma'am Trixie, so you can go now Miss," biglang sabi ng baklang si Ms. Jovial. "Sorry, Ms. Del Rey, if you don't mind, let's go, I can escort you out," marahan nitong hinawakan ang may siko ko at pinandilatan ako ng mata.

Bagaman marahan ang kaniyang pananalita ay ramdam na ramdam kong napipilitan lamang o maaari ngang nag-mamabait dahil nariyan ang boss at ang pamangkin nito. Wala akong nagawa kung hindi ang magpahila sa kamay niyang hinuhugot ang siko ko papunta sa labas.

"Wait, Ms. Jovial!" Biglang tawag ng tinig ng babaeng Trixie na awtomatikong nagpatigil sa paglalakad namin at dahan dahang pagharap dito.

"Anything you need, Ma'am?" Sa boses pa lang nito ay talagang sarkasmo ang dating nito, hindi ko lang alam kung ramdam rin ba ito ng dalawang mas nakatataas ang posisyon sa kaniya.

"Na-late lang naman siya e, so give her a second chance," tugon naman nito habang na kay Ms. Jovial ang mga mata at ilang sandali pa ay bigla naman nitong ibinaling sa lalakeng katabi niya ang paningin kasabay ng pagkakahawak nito sa may baba ng siko nito. "Kuya, naga-apply lang naman siya bilang janitress. Walang mawawala kung ipromote natin siya, and besides, nalate lang siya cause she helped me, nagkasugat pa nga ang kamay niya sa pagtulong sa 'kin, e."

Hindi ako makapagsalita at nanatili lamang nakaestatwa. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaksiyon ko sa sinabi ng babae. Bahagya pa akong nahihiya na kinakabahan na ewan dahil sa gilid ng mga mata ko ay nahahagip nito ang nanlilisik na tingin ng nasa gilid kong si Ms. Jovial.

"Ok then," walang emosyong aniya ng lalake na bagaman ay walang nabago sa reaksiyon sa mukha ay malaki naman ang epekto sa nararamdaman ko. "Your hired, Ms. Take this second chance and opportunity as my thank you for what you did to my li'l co'z," habang sinasabi niya ang mga katagang iyon ay gano'n parin ang blanko niyang mukha, naiintindihan ko naman kung ba't gano'n siya, siguro dahil hindi naman big deal sa kaniya ang trabahong ito dahil janitress lang naman ang papasukin ko.

Pero hindi porket gano'n iyon sa kaniya ay gano'n narin iyon sa 'kin. Sa totoo lang sa mga oras na ito ay sobrang saya ko, may bagong trabaho lang naman ako at ang masaya pa du'n ay saturday lang ang pasok kaya hindi sagabal sa nalalapit kong pag-aaral.

"Thank you po, Sir, Ma'am," pasasalamat ko sa dalawang mag-pinsang nasa harap ko. "Gano'n na rin po sa iyo Ms. Jovial," nagbaling ako ng tingin kay Ms. Jovial at hindi maitagong sayang nagpasalamat.

"Your welcome, Ms. Del Rey. By the way, you can start your work tommorow Saturday," napipilitan pa rin siya.

"Opo, darating po ako ng maaga, hindi na po talaga ako malelate, promise po," masayang at mabilis na sagot ko naman. Sa pagkakasabi ko ng mga huling kataga ay kasabay niyon ang pagpapakita at pagtataas ko ng naninindigang palad para maipangakong hindi na talaga ako male-late. "Thank you po ulit sa inyo," masaya kong tinanguan ang dalawa.

"Your welcome, thank you din ulit kanina. Congrats to your new job then, Ms. Del Rey. Ms. Jovial ikaw na ang bahala sa kaniya. Good luck," aniya at pagkatapos ko naman itong gantihan ng ngiti ay saka naman na ito bumaling sa pinsan nitong boss ni Ms. Jovial. "I'll go ahead kuya, maybe my friends are already waiting for me," paalam nito sa lalake at nagbeso pa muna sila bago kami nito talikuran.

"I'll go ahead, too," blanko pa rin ang kaniyang mukha ng sabihin niya ang huling salitang iyon pagkatapos ay tinalikuran na rin kami. Sinundan pa muna namin ito ng tingin at nang makalayo-layo na nga ito ay saka ko naman marahang ibinaling ang paningin ko sa nasa kabilang gilid kong si Ms. Jovial.

"You can go, start your work tommorow and come here at time, and don't forget AT THE RIGHT TIME," may kalakasan pa talaga ang pagkakasabi niya sa huling salita na para bang nagbabanta. "Kahit sino mababa man o mataas ang estado ng trabaho, basta kasama sa pamamalakad ko ay dapat na sumusunod sa kung ano ang pamamaraan ko rito, maliwanag?"

"O-Opo! Ms. Jovial."

"Hala, makakaalis kana, bukas kana lamang bumalik at simulan ang trabaho mo."

"Opo, salamat po ulit Ms. Jovial." Pilit niya lamang akong tinanguan pagkatapos ay nilayasan na rin ako. Panibagong trabaho! Sobrang saya ko! Masayang masaya akong nakauwi ng bahay at naabutan ko namang naglilinis ng bahay si Nanay.

"Hello, nay!" masayang bati ko at lumapit sa kaniya't marahang nagmano. "Ako na lang po ang gagawa nito, nay. Alam ko namang pagod kayo diba? Kaya imbis na magpakapagod ay magpahinga na lang po kayo." Marahan kong kinuha sa kanang kamay niya ang lawisan at sa kaliwang kamay naman ang pamunas.

"Anak, hindi lang naman ako ang pagod sa ating dalawa. Pagod ka rin at kailangan mong magpahinga, kaya akin na 'yang mga 'yan at magpahinga kana," pilit niyang inaagaw sa 'kin ang kaninang kinuha ko sa mga kamay niya pero hindi ko iyon ibinigay at inikot lang ito papunta sa likuran ko.

"Pero mas kailangan niyong magpahinga, huwag niyo na 'kong alalahanin dahil malakas pa ang katawan kong 'to."

"Sinasabi mo bang ang katawan ko ay hindi na?"

"Hindi naman sa gano'n, nay. Ang ibig kong sabihin masasayang lang 'yang lakas niyo sa mga bagay na kaya namang gawin o trabahuhin ng iba, kaya mahiga na lamang kayo at magpahinga," tugon ko naman at pagkatapos ay magalang siyang inalalayan sa kabila nitong siko. "Hatid ko na kayo sa kwarto para naman makapagpahinga kayo, gigisingin ko na lamang kayo 'pag nakaluto na 'ko mamaya pagkagtapos kong maglinis. Maliwanag ba 'yon, nay?" nakangiting biro ko pa.

"Ano pa nga ba naman ang magagawa ko, e wala kong laban sa iyo." Pagkatapos ko itong maihatid sa kwarto ay saka ko naman ipinagpatuloy ang kaninang pinagkakaabalahan nito.

Ilang sandali pa ang nakalipas ay masaya kong natapos ang lahat ng gawaing-bahay kaya naman matapos kong makapagpahinga ng kahit ilang minuto ay saka ko naman sinimulang magluto para sa aming hapunan.

Kahit pa sobrang dami kong ginawa simula pagkadating ko ay hindi ko pa rin maramdamang sobrang pagod ko dahil natapos ko ang lahat ng ito ng hindi nawawala ang masayang emosyon na nararamdaman ko, hindi na 'ko magtataka kung bunga ito ng kanina, sobrang saya sa pakiramdam na may bago na naman akong trabaho.

Baga man hindi ko pa natitikman ang luto ko ay sigurado na 'kong masarap ito, kampante na ako sa lasang kalalabasan nito dahil maliban sa masaya 'ko ngayon ay may halong pagmamahal 'tong luto ko. Ika nga nila, 'pag sinasabayan at hinahaluan mo ng pagmamahal ay kahit anong ulam pa ang lutuin mo ay awtomatikong sasarap.

At naniniwala ako sa mga ika nilang iyon, matagal ko ng nakahiligan ang pagluluto at iyon rin ang nakapagpapatanggal ng stress ko sa t'wing pagod ako sa buong araw na trabaho ko. Kapag maaga akong nakakauwi galing trabaho ay hindi agad sa kama ang bagsak ko, kun'di sa kusina at sinisimulan ng magluto, gano'n ang stress reliever ko.

Masaya naming pinagsaluhan ni nay ang luto ko at hindi na kailangang tanungin pa kung nasarapan si nay sa luto ko dahil kahit naman tuyo lang ang ilapag ko sa hapag ay masasarapan ito. "Nay, may good news nga pala ako," mahihimigan ang saya ko sa tono pa lang ng pananalita ko ang sobrang saya na namumutawi ngayon sa sistema ko.

Hindi na talaga maiiwasan iyon lalo na kung bagong trabaho ang swerteng lumalapit sa 'kin. "Mm, ano iyon, nak?" Kaunting ngiti lang ang iginawad niya pero sapat na rin iyon para maramdaman kong masaya siya para sa 'kin kahit hindi pa man din niya alam kung tungkol saan ito.

"May bagong trabaho na po ako!" Sobrang sayang sigaw ko kasabay ng pagtaas ng kutsaritang nasa isang kamay ko habang tinidor naman sa isang kamay ko pa. Sobrang saya ko pero nabitin din kaagad iyon ng tingnan ko siyang hindi masaya ang mukha pero hindi rin galit, sa madaling salita ay wala itong naging reaksiyon sa masayang balitang inihayag ko.