FIRST DAY
Halos matumba ako sa pagkakatayo ko ng tumama ang likod ng kung sino mang 'yon na bumunggo sa noo ko. Bahagya akong napaatras sa nangyari at hinihimas-himas ang noo ko habang iniaangat ang tingin ng kung sino mang taong 'yn. Ano ba kasing nangyayari sa 'kin at may patula-tulala pa 'kong nalalaman, sakit tuloy nitong noo ko.
Pagkaangat ko naman ng tingin ay saktong paharap din siya, pero hindi 'yon ang unang nakaagaw ng atensiyon ko dahil paharap palang siyang nasa gitna ay nakatitig na sa 'kin ang dalawang pamilyar nitong kasamang nasa gilid niya. Hindi sila makapagsalita at bakas sa mukha nila ang gulat. Gulat na gulat rin ang mukha ko dahil ni minsan hindi ko naisip na makikita ko pa sila, lalo na siyang nasa gitna sa malaking University na ito.
Dahan dahan kong ibinaling sa kaniyang nasa gitna ang mga mata ko at hindi naman ako nagkamali. Nakatingin na siya agad ng masama sa mukha ko. "Ikaw na naman?" May halong irita sa tono ng boses niya at hindi na 'yon nakapagtataka pa, dahil halata naman na talaga 'yon sa mukha niya.
Hindi ako makapagsalita dahil sa totoo lang ay hindi ko naman talaga alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi naman niya kase kasalanan kung ba't nabunggo niya 'ko dahil hindi naman talaga mangyayari 'yon kung nasa tamang huwisyo ako. May kasalanan din ako at 'di ko talaga alam pa'no magrereact o ano ang sasabihin ko sa sitwasyong 'to.
"I bet this is not a coincidence anymore, you're really following me, right?" Tanong niya na bahagya naman ding ikinagulat ko. Habang ang dalawang nasa gilid naman niya ay nananatili lamang tahimik na animo'y nanonood ng teleserye na ako ang bida at 'tong lalaki sa harap ko naman ang kontrabida.
"Pasensiya na, pero pag-aaral ang ipinunta ko rito," kalmadong saad ko.
"Pag-aaral nga ba o sumusunod ka dahil may gusto ka sa 'kin? Para lang malaman mo, hindi ako pumapatol sa mga nerdy girls na pasakit lang sa mata,"
"Pasensiya na, pero pag-aaral ang ipinunta ko rito," ulit ko.
"Yea, whatever. Get out of my way!"
Hindi pa man ako nakakagilid ay dumiretso na kaagad siya ng lakad kaya medyo napaatras ako ng banggain niya ang gilid ng balikat ko. Nilagpasan lang nila 'kong tatlo ng mga blanko lang ang mukha. Isama ko na rin kaya siya sa mga prayers ko gabi-gabi, ng bumait-bait naman siya. Ilang minuto rin bago ko nahanap sa wakas ang section ko, hindi na rin ako nag-aksayang pa ng oras at mabilis akong pumasok at naupo sa isang bakanteng desk.
Hindi ko alam pero habang paupo pa lang ako ay kinabahan kaagad ako, papasok pa lang kase ako ay may iilan-ilan ng tao sa loob ng room na 'to na nakaupo at ang iba pa ay nagkukwentuhan. Tinapunan ko ng tingin ng ilan sa kanila at lahat ng 'yon, masama ang mga matang nakatingin sa 'kin. It's not new to me so I just ignored it even though some parts of my body felt ashamed.
"Ang panget naman niyan,"
"Sinabi mo pa!"
"Why did that end up here?"
"Baka naligaw lang,"
"Sobrang ganda naman yata nitong room natin para mapagkamalan niyang tambakan ng mga basura!"
"I agree, ang sakit niya sa bangs like eww!"
Hindi ko na lamang pinansin pa ang kung ano anong mga bulong-bulongan nilang naririnig ko. Teka, may bulong bang malakas? So anong tawag ko roon, e'di bulong na malakas! Hehe. A few moments later, the crowd started to increase and soon, the Prof just arrived who I had actually been waiting for.
"Good morning Class!" Our teacher greeted.
I stood up to say hello but my greeting was interrupted because my attention was immediately taken away by people who suddenly looked at me when I stood up to say hello. They were just looking at me, some were holding back their laughter, some were looking at me evilly and others were just looking at me with a blank face.
"G-Good m-morning p-prof?" Hindi ko alam, pero ba't parang ang awkward, ako lang ang nakatayo. Kahit nakakahiya, bumati pa rin ako. Pero dapat lang naman diba, ano namang masama? Tiningnan ko ang gurong nasa harapan. Pero parang gulat din ito sa ginawa ko. Ano bang nakakagulat doon, pasalamat ka pa nga Prof e, may estudyante pang bumabati sa 'yo ng Good Morning.
Wala sa oras akong dahan-dahan na naupo sa silya ko habang nananatili pa rin ang tingin sa 'kin ng ibang tao. Umiwas lamang sila ng tingin nang maagaw at magsalita na ang Prof sa harap. Doon na lang rin ako nakahinga ng maluwag. Ewan ko ba! Pero parang kinukulong ako ng mga tingin nila, na parang umaabot pa sa puntong halos hindi na 'ko makahinga.
"My name is Armani Baltazar, the Professor of this section Molave and your Major English subject lecturer. First, I just wanna tell all of you the rules of this section that you need to follow. Start with treating each other as you want them to treat you back, no cheating, cooperation and the most important. Respect and study hard."
Walang kahit anong ingay akong narinig habang nagsasalita ang prof sa harap. Hindi naman nakakatakot ang hitsura niya, mukha lang siyang maamong teacher na may walang katapusang pasensiya kung titingnan. Nagmumuka lang talaga siyang nakakatakot dahil sa tono at uri ng pananalita niya.
You can immediately feel the authority in his voice, which is the opposite of his gentle face. Bakit nga ba, lahat nalang ng nakakasalamuha ko mga baliktad? Pero hindi literal na baliktad, huh. Yung iba sexy at maganda, ang panget naman ng ugali. Yung iba ang gwapo pero ang sama naman.
Itong si Prof, maamo pero nakakatakot. Kailan kaya ako makakakita ng taong perpekto. Wala naman talagang perpekto. Pero anong magagawa ko kung ganoong klase ng lalaki ang hinahanap at gustong nakatuluyan ko. Nerd na kung nerd, panget na kung panget, weirdo na kung weirdo basta't 'yon ang gusto ko.
"Simple right? That kind of behavior that you should follow is actually very easy but it can't be denied that no one can follow it properly. Weird right? Napakadali pero walang may kayang gawin. Kung bakit, 'yon ang hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit ang babaliktad ng lahat ng tao. They're doing such things that is hard to do and scaping the good things that is simple to do!"
Mahahalata na ang galit sa maamo niyang mukha habang kaming mga estudyante naman ay seryosong nanonood lang sa kaniya. Nakakapagtaka nga rin naman kase, hindi naman sa mga abnormal kami o 'tong si prof 'yon lang talagang ang mga normal kase na pangyayari sa ganitong unang araw ng klase ay magpapakilala sa harap isa isa o 'yon namang maglesson kaagad, pero ito monologue kaagad ni Prof ang bungad.
"Tama ako hindi ba? A lot of people wants to do the hard things compared to people who can't do the easy things. You Miss!" My eyes suddenly widened when prof's finger pointed at me. I slowly stood up with my face down and shaking with nervousness.
"P-Prof,"
"Come here infront," wala na 'kong nagawa at kahit nanginginig na ang buo kong katawan sa kaba ay naglakad pa rin ako papunta sa harap. Nang makalapit ay huminto ako sa harapan niya.
"P-Prof," pag-uulit ko na sa ganitong pagkakataon ay nasa harap na niya. Ano bang ginawa ko at ginagawa yata akong artista rito? Ilang segundo lang nakalipas ay hinawakan niya ang magkabilang braso ko.
"Face your classmates," pagkasabi niya ay kasabay naman niyon ang paghila niya sa magkabilang braso ko paharap sa mga kaklase ko. "Papasok palang ako sa room na 'to, marami sa inyo ang mukhang hindi sang-ayon na maging kaklase siya. Maraming nakatingin ng masama at pinagtatawanan siya, tama ba?"
Sa isang iglap ay natahimik ang lahat.
"Alam niyong mali ang ginagawa niyo at sa ginawa niyo, may nilabag na kaagad kayong rule. Treat everyone as you want them to treat you back. Respect her not only as a girl but also a human living with us," hindi ko alam kong ano ba dapat ang maging reaksiyon ko ngayong kaharap ko ang lahat ng mga kaklase ko. Nakatingin silang lahat sa 'kin at lahat talaga ng 'yon ay masasamang tingin.
"Respect her, even not for the sake of her but for the sake of yourself-"
"I'm sorry Prof, but who's that girl para bigyan namin ng respeto," biglang sabi ng isa sa mga kaklase ko at tinarayan pa talaga ako bago naupo.
"Right! She's only a nerd and she's too much unworthy to get our respect!" Ani ng isa pang maldita at katulad lang noong ginawa ng nauna ay tumaray pa muna sakin bago maupo. Tama naman sila, ito kasing si Prof ginagawa pa 'kong artista. Hindi pa nga ko sikat marami na kaagad akong bashers. Sino ba naman kase ako para bigyan ng respeto hindi ba?
"She's a human that deserves respect too, Every single person deserves it! A person does not have to prove anything to be respected by his fellow human beings. Nakalimutan niyo na yata o talagang hindi niyo alam na hindi para sa taong pakikitaan ng respeto ang purpose kung bakit mo siya nirerespeto."
She heaved a deep sigh.
"Respect is earn and not given! That's why I have said that respect not for the sake of anyone's self, but for the sake of yourselves!" Nakakagulat, nakakamangha at nakakabingi ang sinabi niyang iyon. Tila ngayon ko lang rin yata naunawaan ang kahalagahan ng salitang 'respeto'.
Maging ang mga tao rito sa harap ko ay wala na ring imik at marami-rami na rin iyong mga nakatungo lang, siguro dahil sa lakas ng boses ni Prof. "Hope you get what's my point, also remember that respect is a good attitude and the only disability in life is a bad attitude."
Nakakatakot siya pero napakabait niya. Nakakamangha na ipinagtatanggol niya ako sa mga estudyanteng nandidiri sa 'kin rito. Talagang bakakataba ng puso. Masasabi ko na talaga Prof na parehong-pareho ang kagandahan ng pisikal na katangian at ugali niyo.
A few moments passed and finally the time for the first subject was over, which was soon followed by two other subjects, so it was lunch time. It's sad that the morning class ended without a single friend.
Tahimik kong inaayos ang mga gamit ko dito sa desk ko para makakain na rin ako ng marealized kong ako na lang pala ang tao rito sa loob ng room. Dali-dali naman akong lumabas pagkatapos kong magligpit pero paunti ng paunti ang mga hakbang ko dahil hindi ko alam kung saan banda ang cafeteria rito.
Pero dahil matalino ako ay sinundan ko na lamang ang ibang mga taong naglalakad dahil sigurado namang cafeteria din ang punta nila. Hindi lang ako magpapahalata para hindi naman masiyadong halata. Sakto namang may barkadang mga magagandang babae ang naglalakad sa direksiyon ng dadaanan ko kaya nagpasiya akong sila na lamang ang sundan ko.
Habang hindi ako nagpapahalata rito sa likod nila na sinusundan ko sila ay sa kamalas-malasan ay bigla 'kong natalisod dahilan para mawalan ako ng balanse at bumagsak sa sahig. All the books I was carrying were thrown and when I looked up I didn't realize that all the girls I was following were looking at me and what's worse is that they were all looking at me badly.
"Yan naman kase, panget na nga, lampa pa!"
"Haha what a clumsy nerdy girl!"
"Ganoon na lang ba kaganda ang floorage namin rito at sa sobrang ganda, ginagawa mo ng kama!"
"Hahaha!"
Mukhang nagkamali yata ako ng disesyong sila pa ang sundan ko papuntang cafeteria. Naglakad sila palayo ng pinagtatakpan parin ako habang ako, heto at hindi makatayo dahil sa sakit ng paa kong natalisod. Sinusubukan kong itayo ang sarili ko pero ayaw talaga ng isang paa ko. Gusto yatang asawahin itong sahig dito sa hallway. Nagulat na lang ako ng mag-angat ako ng tingin at napako ang mga ito sa isang kamay sa harapan ko.
"Need a hand?" Mahinahon na may ngiti sa mga labing sambit ng isang magandang babaeng ito na nasa harap ko ngayon. Napakaganda niya, kakaiba rin ang ngiti niya. Wala sa sariling naiabot ko ang kamay ko sa kaniya habang pinagmamasdan lang ang kagandahan niya.
"Huwag mo na lang pansinin ang mga 'yon, mean girls doesn't deserve an attention okay?"
Napakaganda mo...
"Miss!"
"Uh! Huh?" Aish, nakakahiya! Ano ba itong kinikilos ko?
"Are you okay? Looks like... your not, gusto mo dalhin kita sa clinic?"
"Uh, hindi. Huwag na, oo huwag na. Salamat," parang ewang pagtanggi ko sa magandang babaeng nasa harap ko.
"Sure ka?"
"Oo, sige mauna na 'ko."
"Is there a problem, maybe I can help. I saw you, your following them... na-naliligaw ka ba?" May pag-aalinlangang tanong nito, naestatwa naman ako't hindi makapagsalita kahit hindi naman talaga ako naliligaw, hinahanap ko lang naman ang cafeteria. Pero wala naman sigurong masama kung sabihin at tanungin ko siya kung sa'n banda ang cafeteria diba? Mabait naman siya kaya siguradong ituturo niya.
"Sa totoo lang, hinahanap ko kase ang cafeteria rito. Ang lawak kase ng Unibersidad na ito kaya hindi ko alam kung nasaan," diretsong tanong ko rito kahit medyo nakakahiya, kanina pa kase umaangal 'tong tiyan ko.
"Actually, papunta din ako roon. Let's go!" Aniya sabay hatak sa kamay ko papunta sa kung saang direksiyon. "Sabay na tayo," sobrang ganda pa ng pagkakangiti niya, hindi na rin ako makatanggi dahil hinatak na 'ko. Total hindi na rin talaga ako tatanggi dahil kakaibang gutom na ang nararamdaman ko.
Sa ilang minuto naming paglalakad rito sa hallway ay nahinto kami sa entrance door ng sa wakas, cafeteria! Hindi pa man din kami nakakapasok at nanatili lang sa harap ng entrance door ay kita na talaga ang napakaraming tao sa harap ng napakalawak na cafeteria.
"Let's go?" tanging tango na lamang ang naibaling ko sa katabi ko pero wala sa kaniya ang paningin ko dahil, nananatiling nagniningning pa rin ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang magandang kabuoan ng cafeteria. Hinila na naman niya ko papasok at naupo kami sa isang bakanteng table. "So, just sit there and I'll go take our lunch okay?"
"Huh? Sabay na tayo, nakakahiya naman kung ikaw pa kukuha ng pagkain-"
"No," biglang pigil niya sa 'kin kaya naman nabalik ulit ako sa pagkakaupo ko.
"Huh?"
"It's okay, just stay where you are sitting right now and wait 'til I come back. Don't worry, nagugutom na rin naman ako. Babalik agad ako dala lunch natin," hindi na niya hinintay pa ang pagtanggi ko dahil umalis na kaagad siya papunta roon sa may counter.
Napabuntong hininga na lang rin ako at hinintay na lamang siya, grabe! Nagugutom na talaga ako. Si nay kaya, sana tapos na yung kumain. Huwag lang talaga siyang papagutom. Ilang minuto pang paghihintay ko ay dumating na rin si, ano nga bang pangalan niya?
"Here!" Masayang aniya sabay lapag ng maraming pagkain sa mesa. "This is my treat, so don't worry."
"Salamat," medyo nahihiyang sambit ko sa kaniyang ngayon ay nakaupo na sa harap ko.
"You're wel-"
"They're coming!" Naagaw ang atensiyon namin sa sigaw na iyon ng isang babaeng malapit sa may entrance door. 'They're coming'? Sino naman?
Mabilis namang nagsitilian ang mga kababaihan at mas lalong nag-ingay rito sa loob ng cafeteria matapos ang sigaw ng babaeng iyon. May artista ba ritong parating? Mabuti kung si Mario Maurer 'yon.
"Anong nangyayari?" Nag-aalangang tanong ko sa kaharap kong hindi na rin halos maipinta ang mukha sa sobrang saya.
"Parating na sila," aniya. Kinikilig pa.
"Parating? Sila? Sino?" kuryoso pa ring tanong ko, dahil mukhang mga artista yata ang parating at ganito na lang ang epekto nito sa mga tao rito.
"The Hellion3," saktong pagkasambit niya ng mga katagang iyon ay saka naman pumasok ang kanina pang inaantay ng lahat ng tao rito sa cafeteria.
Sa puntong 'yon ay talagang bumagal ang lahat sa paningin ko ng mahagilap ng mga mata ko ang tatlong lalaking pamilyar na pamilyar sa dalawang mata ko. Ang ingay-ingay ng lahat ng mapako ang paningin ko sa gitnang tao na dapat ay kainisan ko pero iba ang nararamdaman at ang weirdo pa roon ay hindi ko alam kong ano.
"Hoo! Papa Zach, saranghae!" Biglang sigaw ng isang babae sa isang sulok na nagpabalik sa 'kin sa riyalidad. Hindi nagtagal ay sinundan na rin ito ng sigawan at kung ano-anong klase pa ng mga papuri sa tatlo.
Nakakabingi, nakakarindi na parang may world war III na ang sigawan ngayon rito ng mga tao sa cafeteria. Mangyayari kaya ang ganito kung kasing panget ng mga ugali nila ang pagmumukha nila?