ADVICE
Mabibilis at mahahaba itong humakbang palapit sa 'kin ng hindi man lang tinatanggal ang masamang titig nito sa mga mata ko. Binabawi ko na talaga ang kaninang sinabi kong hindi ako natatakot!
Napapaatras na lamang ako at nanginginig ang mga kamay na napapahawak sa kung anong mahahawakan ko habang nilalabanan ang matatalim niyang mga mata na palapit lamang ng palapit sa 'kin. Talagang nakakatakot ang agresibong katulad niya, mukhang mapapantayan pa yata niya ang pagkaagresibo ni Zach na, jusko!
"B-bakit?" Pinipilit kong ayusin ang mga salita ko pero hindi talaga maitatangging nauutal ako sa kaba lalo pa ngayong nasa harap ko na siya.
Sa halip na sagutin ang tanong ko ay malimit lamang ako nitong nginisian. Napakabilis magbago ng ekspresyon niya sa mukha. Kung kaninang palapit pa lamang siya ay parang papatay ang mukha niya sa sobrang galit ng mukha nito, ngayon naman ay weirdong nakangisi na ito. Kung hindi ako nagkakamali ay Evil Grin ang tawag nila rito, kapatid lang ng Evil Smile e.
"Well, I didn't know that you'll work here," hindi mawala ang ngisi sa mga labing sabi nito. Kailangan ko pa bang ipaalam sa 'yong dito ako nagtatrabaho? "Ba't parang natakot ka bigla?" May halong sarkasmo sa tinig ng pananalita nito at ako naman ay parang batang guilty lang na ipinapahalata sa kilos na mayroon akong tinatago.
"H-hindi naman po sa gano'n, Ma'am, i-iinom po ba kayo, may oorderin po ba kayo, ano pong gusto niyo?" Magalang na tanong ko rito habang abalang itinatago ang kaba ko.
"Nah, I'm not here to drink," tugon naman nito. "Kilala mo naman siguro si Cai?"
"P-po?" Patay malisya kong tanong rito na para bang walang alam sa pinagsasasabi niya.
"Yung gwapong lalaking kasama ko sa park na hiniwalayan lang naman ako dahil sa 'yo?" Punong-puno ng sarkasmo ang mga salita nito habang patindi ng patindi ang talim ng mga matang nakatingin sa 'kin.
Napatulala na lamang ako ng mamalayan ang mga sinabi niya. Pa'nong ako naman ang naging dahilan ng hiwalayan nila?
"But don't worry, wala kong ganang papangitin pa lalo iyang panget mong mukha, have you seen Cai here?" iiiling ko pa lang sana ang ulo ko ng bigla idinuro ang isang daliri niya sa mukha ko at pinandilatan ako ng mata. "Huwag mong sabihing hindi? Dito ko huling nakitang pumasok si Cai kaninang hinahabol ko siya!"
Kahit na kinakabahan ay pinilit ko pa ring iniling ang ulo ko at sinikap na umaktong hindi talaga siya nakita. Patay talaga ako rito 'pag nahuli ako. "Hindi talaga, hindi ko siya napansin," sana naman maniwala ang babaeng 'to! "B-baka umalis na!" Dagdag ko pa.
Mabilis niyang tinanggal sa 'kin yung daliri niyang nasa mukha ko at nakaduro, pero hindi pa siya humakbang paalis dahil na sa 'kin pa rin ang mga mata niyang matatalim ang tingin.
"Sabagay, paano nga naman magtatagal ang Cai kong 'yon rito, e ang cheap rito. Kahit mga waitress ang papanget, lalo ka na!"
Ang akala ko ay tatalikuran na niya ako at aalis na siya pero mabilis na dumapo ang isang kamay niya sa harap ng balikat ko at malakas na tinulak iyon. Napahakbang pa 'ko ng ilang beses sa sobrang lakas.
"Ops! Sorry," may halong sarkastikong ngiti niyang sabi saka na humakbang patalikod at naglakad palabas. Sumakit ang balikat ko sa lakas ng tulak niya pero hindi ko na inisip 'yon at nakahinga na ng maluwag nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko.
"Are you okay?" Hinawakan ni Cai ang siko ko ng nag-aalala ang mga matang nakatingin sa 'kin. Tumango naman ako at hindi na sinabi pang sumakit talaga ang balikat ko.
"Uhm... T-thanks, you save me from that girl," nag-aalangan niyang tugon habang nakakamot sa ulo.
"Ayos lang, ba't ba kase tinatakbuhan mo 'yon, para namang wala kayong pinagsamahan."
"For some reason, sapat naman sigurong sabihin kong hindi ko gusto ang ugali niya and it's already late. Kami na ng marialized ko 'yon, I didn't have a choice. I don't want to spend not my life, just only my time for that kind of girl. I don't really like her attitude, kaya nakipag-break ako sa kaniya."
"Pero ba't sabi niya ako daw ang dahilan kung ba't kayo nag-break dalawa?" Tanong ko at napangiti naman siya. Ano namang nakakangiti sa sinabi ko?
Hindi mawala ang ngiti na gumuhit sa mukha niya ng hindi ko namamalayan ang dahan-dahan niyang paglalapag ng kamay sa balikat ko.
"Aray!" Wala sa sariling sigaw ko ng dumapo ang kamay niya sa balikat kong hindi lang halata, pero kanina pa talaga nananakit sa lakas ng tulak ng babae.
"Oh sorry! Why? What happened to your shoulder? Are you okay?" Sasagot pa lamang ako ng halata ang inis itong napabuntong hininga at napahawak sa kaniyang noo. "Is it Biy?" Mabilis akong umiling dahil ayoko ng lumaki pa ang gulong 'to at baka kung saan pa umabot, sanggkot pa naman ako.
"Hindi! Hindi! Masakit nang talaga 'to, walang kinalaman 'to sa girl este ex-girlfriend mo!"
"Miss, two beers please!" Naagaw ang parehong atensiyon namin ng kaharap ko sa pagtawag sa 'kin ng isang customer. Lihim akong napangiti at nakahinga ng maluwag sa kadahilanang makakalusot na rin ako sa kaharap ko. Kahit ang gaganda at gugwapo nila ng babae kanina, kapagod silang kausap!
"Sige, magta-trabaho pa 'ko," nakangiti kong paalam rito at wala na rin naman siyang nagawa kaya humakbang na 'ko palayo sa kaniya at palapit naman sa customer.
Nagpatuloy lamang ako sa pagta-trabaho hanggang sa mawala na ng tuluyan ang nangyari kani-kanina lang sa isip ko. Sa dami ng tao rito ay hindi ko alam kung nakaalis naba yung Cairo na 'yon rito sa bar. Wala siya rito sa tables na binabantayan ko at hindi naman ako sigurado kung wala rin siya sa table na binabantayan nila Shiela at iba pang mga waiters.
Hanggang sa tuluyan na ngang natapos ang trabaho ko at kasalukuyan na rin akong nasa labas ng bar at maghihintay-hintay ng taxing masasakyan ng biglang may humintong sasakyan sa harap ko. Dahan-dahang bumababa ang driver's window nito habang unti-unti ko na ring nakikita ang taong nasa loob nito.
"Looking for a taxi?" Ang buong akala ko ay wala na ito, kaunti na lamang ang mga tao sa loob ng bar at hindi ko na ito nakita roon tapos bigla na lamang ito ngayong susulpot sa harap ko kasama ang napakaganda at kumikinang nitong kotse.
"O-oo, uuwi na kase ako. Ikaw ba't nandito kapa, hindi kapa umuuwi?"
"Actually, I was just about to go home when I saw you here. Hatid na kita if you don't mind."
"Hindi na, may mga taxi pa namang dumadaan. Kaya ko naman nang umuwi mag-isa." Kahit gustong-gusto ko ay kailangan ko pa ring tanggihan ang alok nito. Mahirap naman kasing magtiwala. Alam ko na 'yon sa panahon ngayon.
Kahit ganito lang naman ang hitsura ko at hindi nga maitatangging may hitsura naman siya, pero lalake pa rin siya. Hindi ko pa siya gaanong kakilala. Kahit pa tinulungan ko na siya, hindi 'yon sasapat para mapigilan kung may balak man siyang masama.
Kung tutuusin ay bago ko pa lamang siyang kakilala at kahit pa ganito lang ang hitsura ko ay hindi niya kaagad mabilis niya na makukuha ang tiwala ko.
"Don't worry wala 'kong gagawing masama sa 'yo. Nakita na lang rin naman kita dito, ihahatid na kita as a thank you na rin na tinulungan mo 'ko kanina," hindi muna ako nakapagsalita sa sobrang pagpipigil ko sa sarili ko. Inaantok na rin kasi ako, ilang gabi na rin kasing kulang ang tulog ko at gusto ko ng umuwi.
Bigla na lamang itong napangisi sa gitna ng pag-iisip ko kung sasakay na lang ba ako o maghihintay ng taxi rito tapos kung walang dumating ay maglalakad na lamang pauwi.
"I'm just a playboy not a badboy, I just wanna take you home for atleast saving me from my ex. Wala talaga akong gagawing masama and besides... Hindi naman kita type..." Dahan-dahan lamang nitong sinasabi ang linyang 'yon na parang ingat na ingat sa pagbibitiw ng salita.
Sa kaniya na mismo nanggaling, hindi niya 'ko type at walang rason para may gawin siyang masama gayong wala naman siyang interes. Ako lang yata itong ambisyosa at hindi muna tinitingnan ang sarili bago mag-isip kung may gagawin siyang masama.
Kung tutuusin ay hindi ko naman kailangang matakot katulad ng sa mga rapist dahil imbis na ako ang tumakbo sa takot ay sila ang tatakbo sa takot sa mukha ko. Mabuti na nga lang at heto ang isang gwapo na playboy ay nagsasayang pa ng oras na ihatid ako.
Minsan na lang ang ganitong klase ng tao na kayang pag-aksayangan ng oras ang isang katulad ko at wala naman sigurong rason para tumanggi ako. "S-sige," maigsi kong tugon rito at nang makasakay na 'ko sa passenger's seat ay pansamantala munang nabalot ng katahimikan ang loob nito. Nabasag lamang ito ng tanungin niya ako kung saan mismo ang direksiyon ng bahay ko.
"I heard kaibigan mo raw ang bestfriend ng Emerald Princess?" Tanong niyang nakangiti habang nasa harap ang tingin.
"Uh, si Esther ba?" Si Esther lang naman ang kaibigan ko kaya siya na ang awtomatikong pumasok sa utak ko.
"Yea, Charity Esther Amethyst Leigh," aniya.
"Oo kaibigan ko siya, pero matagal ko ng naririnig 'yang Emerald Princess na 'yan, Princess? Hm... Sino ba ang mga prinsesang 'yan?" Kuryoso ang mukha ko siyang tiningnan.
"They are the heiress of Emerald Kingdom own by their grandfather who was also the bestfriend of Zach's grandfather. Isa sila sa mga stuck holders ng HOuLYn Hellion University," mas lalong kapansin-pansin ang ngiti sa kaniyang mukha habang nagsasalita siya.
Ako naman ay binabalewala lamang iyon dahil ang buong atensiyon ko ay nasa pakikinig sa kaniya. Gusto ko rin namang malaman kahit kaunting detalye lang tungkol sa Emerald Princess na bestfriend ng friend kong si Esther.
"And of course the Emerald Princess are very famous not only in the University, here in Philippines but in the whole world. They are known so beautiful as heaven, brighter than the stars, and lovely in my eyes!"
Sa boses pa lang nito ay ramdam na talaga ang sobrang kilig at saya. May balak rin pala ito sa Emerald Princess. Ano pa nga naman ba ang aasahan ko sa isang gwapong playboy na katulad nitong nasa tabi ko.
"Pati ba naman ang Emerald Princess na 'yon?" Tanong ko rito ng nakangisi, nakuha naman nito kaagad ang naging reaksiyon ko at napangisi na lamang ito na parang batang nahihiya nakangiti sa sobrang kilig.
"Tss! Si Laira lang ang gusto ko, wala kong balak agawin ang pinsan niyang si Raila sa bestfriend ko!"
"Bestfriend?" Napuno naman ng pagtataka ang mukha kong nakatingin sa kaniya. "Si Chad ba ang tinutukoy mo?" Bigla na lamang itong napangisi na hindi maintindihan saka nagbalik ng tingin sa harap.
"It's not Chad, she don't have any girlfriend... no, girlfriends yet! Mahina ang bestfriend kong 'yon," hindi mawala ang ngisi niyang sabi.
"Huwag mong sabihing yung Zach na 'yon?" Hindi ko na yata napigilan ang boses ko at bigla ngang napataas ito. "Sa sobrang panget ng ugali niyon, walang magkakagusto roon!" Sa sobrang inis ay napairap pa ako.
"Mukhang ang tindi ng galit mo kay Zach uh?"
"Talagang matindi! Sino ba naman kasing hindi maiinis sa pag-uugali ng abnormal na 'yon!"
"Hindi naman sa abnormal... immature lang, hindi pa kase nagmamature e."
"Pareho lang 'yon, pinasosyal mo lang tsk!"
"Tss, but really... not even him,"
"E sino?"
"Si Shawn,"
"Shawn?"
"Yea, our half Chinese bestfriend too, hindi mo siya kilala?"
Bahagya akong nag-isip, parang pamilyar.
"Parang pamilyar," napabuntong-hininga na lamang ito bago sumunod na magsalita.
"He's Shawn Li Yu, part of the Hellion4. Girlfriend niya ang isa sa Emerald Princess, while me, still here. Waiting for her to come back and love me back."
"Waiting na may sideline, diretsohin mo kase," pambabara ko rito pero sa ngayon ay gusto ko na lamang iyong bawiin dahil sa nakikita kong lungkot sa mukha niya.
"Ang tagal-tagal ko na kase siyang hinahabol-habol, but still she can't give me the love I wanted to have."
"Pa'no niyang maibibigay sa 'yo ang pagmamahal na gusto mong makuha kung hindi mo naman ipinakikitang deserving ka?"
"I've tried really hard to become a better one, hindi na 'ko tumingin pa sa ibang babae noong hinahabol-habol ko siya, believe it or not, talagang nagpigil ako! Kahit tuksong-tukso na 'kong tumingin sa iba ay pinigilan ko talaga para lang sa kaniya. Sa kaniyang hindi naman ako binigyan ng kahit isang chance lang para tanggapin ako as her boyfriend."
"Baka nauunahan lang siya ng mga prejudices niya sa 'yo kung kaya't hindi ka mabigyan-bigyan ng chance, liban na lang rin kung takot lang siyang masaktan dahil alam niyang matinik na playboy ka?" Sambit ko pero wala pa ring pagbabago sa kaniyang mukha.
Blanko man ang kaniyang mukha, hindi pa rin talaga maitatago niyon ang emosyon sa kaniyang mga mata, puno iyon ng kalungkutan at nararamdaman ko na talaga sa katawan ko ang awa ko para sa kaniya.
"Ang hirap mo kaseng mahalin, dahil parang kakambal ng pagmamahal sa 'yo ang sakit na maidudulot mo sa isang taong nagbigay sa 'yo ng pagkakataon," sa harap ko na lamang din itinuon ang paningin ko habang nag-sasalita, kahit hindi na kami magtitigan sa mata basta alam ko lang na nakikinig siya.
"Kung gusto mo talaga siya, ipaglaban mo 'yang nararamdaman mo at kapag nakapasok ka na sa puso niya dapat na mas maging responsable at tapat ka dahil napakahirap magbalik ng tiwala."
Napabuntong-hininga ako.
"Huwag mo siyang sukuan, kung pilit ka niyang tinutulak mas lalo mo lang siyang lapitan. Lalo na kapag nalulungkot siya at itinataboy ka niya. Sa halip na sundin mo siya at lumayo ka sa kaniya, yakapin mo lang siya at 'yon ay kung talagang gusto mo siya."
Hindi ko alam pero kahit na wala pa akong karanasan, ramdam na ramdam ko ang kanilang nararamdaman.
"Sa kondisyon mo, kailangan mo talagang pakiramdaman kung sigurado ka riyan sa nararamdaman mo. Baka kasi isa lang 'yan sa mga babaeng pampalipas oras mo- dito na Cairo!" Inihinto niya ang kotse niya sa tapat ng bahay namin.
"Sige, saka na lang natin pag-usapan 'yang problema mo kung talagang sigurado kana riyan sa nararamdaman mo. Hindi ako magaling sa mga advices pero may alam naman ako kahit papa'no, kaya pwede mo naman akong lapitan," nakangiti kong sabi rito at lumabas na ng kotse. Isa-sarado ko na sana ang pinto ng kotse ng bigla nitong tawagin ang pangalan ko.
"Yeri, wait!"
"H-huh?"
"Thank you, you may be not a good advicer but I can sense it, that at least your a good listener," tanging ngiti na lamang ang naitugon ko rito at pagkatapos ay tinalikuran na rin ito. Dumiretso kaagad ako sa maliit kong kama at hindi nagtagal ay nakatulog na rin.
Maaga akong nagising dahil magagalit na naman si Miss Jovial kapag nalate ako. Inasikaso ko muna ang pagluluto habang tulog pa si nay. Nagising ito ng saktong naihaon ko na sa mesa ang luto kong agahan. Sabay kaming kumain at naghanda para sa kaniya-kaniya naming trabaho.
Namasahe lamang ako sa jeep papuntang Zamian Mall at ng makarating ay walang sere-seremonyang naglinis na kaagad ng mga restrooms rito sa Mall. Marami-rami rin kaming mga tagalinis ng restrooms rito. Ang laki ba naman kasi nitong Mall at sa mga cubicles pa lang hindi na kakayanin ng iilan-ilang mga tagalinis lang.
Kasama ko ang apat na tagalinis at kasalukuyan namin ngayong iniisa-isa ang maraming cubicles rito sa restroom sa second floor. Habang si Miss Jovial ay tahimik ring binabalik-balikan kami rito para bantayan kung maayos ang pagkakatrabaho namin. Wala naman siyang imik dahil lahat kami rito maayos ang pagkaka-trabaho.
Sa wakas ay natapos din naming malinis ang lahat ng mga cubicles rito sa second floor kaya sinunod naman namin ang third floor nitong Mall. Tanghali na at hindi pa rin kami tapos, kailangan talagang malinis na malinis ang bawat cubicles dahil kung hindi ay uulit kana naman, kung kinakailangan ay matingkad talaga. Gano'n kaestrikto si Miss Jovial.
Ako na lamang yata ang tao rito na tahimik na naglilinis sa isang cubicle dahil tinawag ni Miss Jovial ang apat na lalaking kasama ko rito at may iuutos daw. Marami na ring tao rito at padami lang sila ng padami ganoon na rin ang gumagamit nitong CR.
Pero kani-kanina 'yon at wala na ngayon, dahil mag-isa na lang naman yata ako. Tahimik lamang akong naglilinis ng inidoro rito sa paghuling cubicle ng may marinig akong yabag ng mga paa.
"Ohh... Zach... Ohh..." napatulala ako habang mulat na mulat ang mga mata nang marinig ko ang kung hindi ako nagkakamali ay ungol na iyon ng isang babae at ano daw-Zach?
Palapit ng palapit ang mga yabag ko at nagsisimula na rin akong kabahan. Ang dami-daming cubicles huwag naman sana sa panghuling cubicle na 'to na lilinisan ko na sa kamalasmalasan ay nasa halos bukana lamang ng pintuan.
Nagulat na lamang ako ng bumukas ang pintuan nitong cubicle kung nasaan ako. Kung panong nagulat ang mukha ko ay gano'n rin bigla ang babae ng makita ako.
Dobleng gulat ang bumalot sa katawan ko ng makitang ang Zach Evilord na ito ang may ari sa pangalang Zach na inuungol ng babae.