Chereads / Hidden Persona Zarie Series / Chapter 17 - Chapter 17

Chapter 17 - Chapter 17

WATCHING

Kahit na cancel ang afternoon class ay nanatiling sarado pa rin ang gate ng HHU at hindi pinayagang makalabas ang mga gusto ng umuwi. Para raw mas marami ang makatulong sa paghahanda para sa welcome party bukas.

Ang sabi mag-volunteer, ang linaw-linaw sa pandinig ko niyon pero inilista ng class president namin ang pangalan ko sa sampung magvo-volunteer raw! Pero hindi talaga volunteer iyon dahil hindi naman ako nag-volunteer. Hindi na lang ako umimik pa at dumiretso na sa gymnasium para tumulong pagandahin ang kabuoan niyon.

Pagkarating ko sa loob ng gym ay marami na ang mga estudyanteng nandoon at kasalukuyang nakaharap sa stage kung saan naroon ang baklang SSG President at ang iba pang mga kilalang SSG Officers. Sumali na lamang ako sa mga nakatayo at nakaharap sa stage at nakinig sa sinasabi ng SSG President. 

"First, let's give a round of applause to our volunteers! Palakpakan niyo ang mga sarili niyo!" Kasabay ng pagpalakpak nito ay ang pagpalakpakan ng marami, pumalakpak na din ako para palakpakan ang sarili ko.

Ikokonsidera ko na lamang ang sarili kong volunteer kahit hindi naman.

"This is actually an immense gym, we, the SSG Officers really needs your help to make this presentable and beautiful for the welcome party. By the help of our volunteers, we can finish this task in just a brief of time. The decorations are now here at the stage... so, let's begin!"

Bakla nga itong biglang tumili pagkatapos magsalita. Wala ng oras na sinayang pa at kumilos na kaming lahat papuntang stage at kinuha na ang mga dikoraston para idesenyo sa kabuoan ng Gymnasium. Habang nasa gitna ng pagdedecorate ay napapaisip ako, kung bakit lahat sila ang saya-saya?

"I'm so happy they're coming tomorrow girls!"

"Yea, me too! I'm so excited!"

"We need to make this Gym beautiful like me!"

"No! Like me!"

"No, me!"

"No! The emerald princesses you know!"

Lihim na napangisi na lamang ako habang nakatalikod na nakikinig sa kanila. Kalaunan ay tinigilan ko na lang ring makinig sa mga ito at nagpokus na lamang sa ginagawa ko. Tumutulong ako sa pagpapalamuti sa mga gilid-gilid ng gymnasium at pagpupuno niyon ng mga makukulay na dekorasyon.

Sa sobrang laki nitong gym at inabutan kami ng halos tatlong oras para matapos. Marami ang umangal sa pagod pagkatapos niyon. Nakakapagod naman talaga, sobrang laki nitong gym. Malaki talaga ang tulong ng maraming bilang namin dahil talagang aabutin ng araw kung kaunti lamang kami.

Sumunod naming pinalamutian ay ang stage. Medyo hindi na rin gaanong kahirap dahil nakayanan naman namin ang buong gilid at gitna ng gym at stage na lang naman 'to e. Pero syempre dapat sobrang ganda raw. Hindi katulad ng marami, hindi na lamang ako umangal pa dahil ayos lang naman sa 'kin.

Wala namang masyadong nang-aaway sa 'kin rito dahil lahat sila abala sa pagpapaganda nitong buong gym kaya hindi nila ako napapagbalingan ng atensiyon.

Pero dahil sa biglang lumapit sa 'kin mula sa kung saan si Esther ay umugong bigla ang bulungan. Hindi ko na sinubukan pa silang tingnan dahil tiyak na mga tanging nakakamatay lang ang sasalubong sa 'kin.

"Why is Charity keeps on approaching that nerdy girl?"

"Hindi ba siya nandidiri sa babaeng 'yan?"

"Intay lang kayo, itatakwil din niya 'yan."

"Oo nga, lalo pa't babalik na ang emerald princess."

"Yeri, I've been looking for you for a while. Hey!" Mataman niyang niyugyog ang katawan ko dahilan para makawala ako sa pagkakatulala ko.

Ewan ko ba dito sa sarili kong 'to, alam namang masasaktan ako pero nakikinig pa rin ako. Hindi ko mapigilang hindi pakinggan ang sinasabi nilang hindi magaganda kahit dapat namang wala kong pakialam sa kanila at sa mga sinasabi nila.

"Are you okay?" May pag-aalalang tanong nito nang magtama ang mga mata namin. Kaagad naman akong ngumiti sa kaniya at tumango-tango.

"Oo may naisip lang, bakit ka nga pala nandito?" Pag-iiba ko ng usapan at ngumiti naman kaagad ito.

"Come on, I'll show you something," walang sabi-sabing hinawakan niya ang kamay ko at hinatak papunta sa kung saan.

"Sa'n tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya sa gitna ng aming pagtakbo.

Hindi na 'ko nito sinagot at huminto kami sa isang restroom na walang katao-tao.

"Anong gagawin natin dito?"

Naguguluhan na talaga ako, inilock niya ang pinto at sa halip na sagutin ang tanong ko ay iniabot niya sa 'kin ang isang damit at isang pares ng sapatos na ang taas-taas ng takong.

"Put it on, quick," iginiya ako nito papasok sa isang cubicle at kahit hindi siya maintindihan ay wala na 'kong nagawa.

Habang nasa loob ng cubicle ay natulala ko ng buklatin ko ang kulay pink na dress na ibinigay niya. Napakaiksi nito at sa totoo lang hindi ko makita ang sarili kong suot-suot ang damit na 'to.

"Yeri, make it faster marami ka pang susuotin dito!"

Nawala na 'ko sa pagkakatulala ng marinig ko ang boses niya at sa hindi malamang dahilan ay sinuot ko ang damit na hawak ko at pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas ako ng cubicle na suot ang dalawang sapatos na ang taas-taas ng takong at ang dress na 'to na sobra talagang iksi sa katawan ko. Fit na fit pa ito sa katawan ko at kita talaga ang kabuoan ng likod ko.

Halata ang pagkamangha sa mga mata niya nang buksan ko ang pinto ng cubicle at makita ako nito. Hindi na 'ko magugulat kung mandidiri ito, dahil kahit ako ay nandidiri talaga sa hitsura ko suot-suot ang damit na 'to.

"Wow! Literally wow, Yeri! You look Beautiful, but try this one, you'll look better here I think," iniabot niya sa 'kin ang isa pang damit na kulay black naman at isa ring black na sapatos na mas tumaas pa lalo ang takong, kumpara sa naunang iniabot nito.

Aangal na sana ako at magtatanong kung bakit niya ginagawa at para saan 'to, pero huli na naman dahil iginiya na 'ko nito papasok sa loob ng cubicle. Hindi na talaga tama ang ayos ng mukha ko at siguradong nakasimangot na ito habang nakatitig sa bagong damit na kulay itim na iniabot naman nito.

Mas umiksi pa ito lalo at kung kaninang nauna ay halos likod ko, ngayon naman ay ang dibdib ko. Parang pinunit kasi yung harapan sa may dibdib yung damit at halos makita na yung magkadikit na dibdib ko. Dapat ngang ipagmalaki ko ang laki nito pero habang suot ang damit na 'to, talagang ikakahiya ko talaga itong dibdib ko!

"Yeri! Ang tagal mo promise!"

Matapos kong marinig ang boses nito ay mabilis ko nang isinuot ang damit na hawak ko.

"Para saan ba kase 'to?" Naiinis na talagang tanong ko kay Esther habang nagkakandaogagang isuot ang masikip na damit na ito sa katawan ko. Hindi naman sa mataba ako, sadyang masikip na maigsi lang talaga ang damit na pinapasuot sa 'kin, jusko!

"I'll tell you later, hurry up there and you'll wear a lot more here!"

Matapos kong maisuot ang damit ay tiningnan ko muna ang sarili ko bago lumabas ng cubicle. Mas lalo lamang akong napasimangot ng tumama ang paningin ko sa katawan ko suot-suot ang damit. Sobra talaga niyang igsi at halos makita na ang dalawang dibdib ko, nakakainis naman oh!

Nabubuhay na rin ang hiya sa katawan ko at parang ayaw ko ng lumabas ng cubicle. Si Esther pa nga lang sobrang hiya na ang nararamdaman ko, ano pa kaya kung makikita na ako ng maraming tao suot-suot 'tong damit na kasalukuyang suot ko ngayon.

Nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong hininga bago tuluyang lumabas ng cubicle suot-suot ang parehong kulay itim na sapatos at damit.

Kung kanina ay gulat ang mukha niya, ngayon naman ay parang mas gumulat pa pagkalabas ko ng cubicle. Hindi na lamang ako umimik pa dahil alam ko namang hindi talaga bagay sa 'kin.

"Ang ganda mo Yeri!" May panggigigil na aniya at nagulat naman ako, hindi 'yon ang inaasahan kong reaksiyon o sasabihin nito. "I didn't know you have that great... c-chest!" Sa hiya ay nag-init ang pisngi ko.

Hindi ko inaasahang ang mga salitang 'yon sa kaniya. Halos maluwa pa ang mga mata nito sa gulat habang nakatutok lang sa dibdib ko ang mga mata nito. Marami talagang nakakapansin nitong dibdib ko, lumilitaw kase ang laki nito sa katawan kong hindi naman gano'n kataba.

Hindi naman ako mapayat, pero talagang agaw pansin 'tong dibdib sa katawan ko. Napagpasyahan ko na nga lang na magdamit pa ng mas makakapal na mga damit para hindi masyadong halata. Sinasadya ko ring hindi talian 'tong mahaba kong buhok at panatilihin lamang buhaghag para makatulong na matakpan 'tong dibdib ko.

"Hindi ka talaga matatawag na flat sa laki niyang dibdib mo, ano ba 'yan! Naiinggit tuloy ako diyan sa cocomelon mo!" Hindi na ko nagulat sa huling sinabi nito dahil madalas ko na talagang marinig 'yon sa mga nakakapansin rito sa dibdib ko. Katulad na lamang nila aling Marites o Aling Tisya na mga kapit-bahay namin. Na ang laki daw nitong dibdib ko.

"Alright, here's the next one you wear, I'm this will look even better to you with these high heels that'll match the dress."

Bumalik na naman akong cubicle at pilit na namang isinuot ang bagong damit na namang iniabot nito. Kung ang iba ay nag-eenjoy sa ganito, ako hindi talaga. Kahit umaangal na, sige pa rin ako ng suot sa mga damit.

Gano'n pa rin naman ang mangyayari. Isusuot ko yung damit, lalabas ng cubicle, bobolahin pa niya akong maganda raw sa 'kin yung damit tapos magpapasuot na naman ng bago tapos gano'n na naman ulit sa huli pangit pa rin naman ako kaya ano pang silbi.

Sa halip na mag-enjoy ay halos maiyak na 'ko sa pagod. Ang iiksi pa ng mga dress. Parang pinipiga ang katawan ko tapos lahat mga reveling na tipo pa ng damit.

Kaibigan naman niya ako, alam kong alam niyang ayaw ko ng mga damit na 'to, na mga damit na ganitong ipinapasoot niya sa 'kin, pero bakit ganito? Humihingal na pagod akong lumabas ng cubicle suot ang damit na hindi ko na mabilang kung pang-ilan na bang pina-suot sa 'kin ni Esther.

"Hmm.. You look beautiful on that, but try this another-"

"Ayoko na!" Putol ko na ikinagulat niya "Alam mo naman sigurong ayaw ko sa mga damit na katulad nitong mga damit na pinasusuot mo sa 'kin, Esther?"

Pagod na sabi ko rito at lumungkot naman bigla ang mukha nito.

"Para saan ba kase 'to?" Sinusubukan kong ikalma ang sarili ko at alamin muna ang dahilan nito. Bahagya siyang napayuko at para bang hindi makatingin sa 'kin ng diretso.

"That's for the welcome party," hindi makatingin sa 'kin ang mga mata niya ng diretso habang sinasabi ang linyang 'yon. Bakas kaagad sa mukha ko ang gulat sa naging sagot niya. Wala sa sariling humakbang ako sa harap niya at hinanap ang kaniyang mga mata.

"Party? Suot ang isa sa mga damit na 'to?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya sabay turo ng mga damit na kaninang pinasuot niya sa akin kanina.

"Yes,"

"Pero Esther-"

"It's because I want to introduce you to my best friends, the emerald princesses. I want you to be beautiful on that welcome party and in front of them."

Sa totoo lang ay unti-unti talagang nanlalambot ang katawan ko sa mga naririnig ko sa kaniya. Wala kong nakikitang tama sa mga ipinupunto niya.

"Your kind, generous, unselfish, selfless, warmhearted and many good more. I want to introduce you to my two best friends, I want you to be not just my friend 'cause I really want you to be part of our friendship."

"Iyon lang naman pala ang gusto mo, pero bakit gusto mo pang ipasuot sa 'kin itong mga damit na ito?" May ngiting pilit sa mga labing tanong ko rito.

"It's because I want them... to... accept you,"

"Accept?"

"Yea, may pagka picky kase sila... but they're kind-" Hindi na natuloy pa ang kung ano mang sasabihin nito matapos kong hawakan ang balikat nito.

"Esther, hindi naman kailangan nito," mahinahon kong sabi rito.

"Hindi naman kailangang baguhin mo ako, gawin akong maganda. Gawing bagay na maging kaibigan nila, pasuotin ng mga damit na itong sa una pa lang, hindi naman na talaga bagay sa 'kin."

Bakas ang lungkot sa kaniyang mukha at mas lalo lamang nagbaba ng tingin.

"Hindi mo kailangang gumawa ng paraan para katulad mo, maging kaibigan ko rin sila. Ayaw na ayaw kong baguhin itong sarili ko dahil masaya na ako sa kung ano talaga ako. Hindi ko kayang baguhin ang sarili ko para matanggap lang ng ibang tao."

Napangiti ako.

"Kung hindi man nila ako matanggap bilang kaibigan, maswerte pa rin ako. Dahil may kaibigan naman na akong tanggap ako bilang ako at ikaw 'yon Esther. Hindi ko naman na talaga kailangan ng taong tatanggap sa 'kin, dahil sobra na kayong mga kaibigan ko rito sa HHU na tanggap ako kung sino talaga ako."

Nagulat na lamang ako ng pinutol ng mga yakap nito ang susunod pang sasabihin ko.

"I'm sorry, Yeri!" Narinig ko ang iyak nito habang yakap-yakap pa rin ako. "Mali ako, sobra kasi ang kagustuhan kong maging parte ka ng friendship namin at 'yon lang ang inisip ko. Nakalimutan ko yung mararamdaman mo. I'm really sorry Yeri!"

Napangiti na lamang ako sa gitna ng pagkakayakap niya at marahang hinimas ang likod niya.

"Ayos lang 'yon. Basta ba hindi na 'ko magsusuot ng mga damit na 'to huh?" Tanong ko rito ng magkahiwalay kami ng yakap.

"Tss, sige na nga!"

"Yes!"

"Pero infairness sa 'yo huh, ang ganda mo suot 'yang mga damit na 'yan."

"Nagbibiro kaba? Kahit sa 'yo nga hindi bagay e!"

"Dahil ba sa flat ako huh?!" Kumunot ang noo niya.

"Ano kaba hindi ano! Ibalik mo na lang 'yan sa kung saan mo man 'yang mga 'yan binili. Ayoko ring nagsusu-suot ka ng mga ganyan. Ang damit, itinatago niyan ang mga maseselang parte ng katawan, pero bakit 'yang mga 'yan parang lantarang pinapakita?!"

"Pero sayang-"

"He! Basta huwag mong suotin 'yang mga 'yan, babastusin ka lang ng mga kalalakihan," matigas na sabi ko sa kaniya at napabuntong hininga na lamang siya.

"Oo na, tara na nga! Tulungan na lang kitang magdecorate sa may gym!" Napangiti na lamang ako ng hawakan niya ang kamay ko at naglakad palabas ng restroom.

"Teka! Pa'no yung mga damit doon, iiwan mo?"

"Hayaan mo na ang mga 'yon, marami namang nangangailangan niyan dito e, kaya bigay ko na lang sa kanila."

Hindi na lamang ako sumagot pa at nagpatuloy na lamang maglakad ng magkahawak ang kamay papuntang gymnasium. Pero huli na ng makarating kami ng gym dahil tapos na ang lahat. Napalamutian na ang buong stage at ang kabuoan talaga nito. Sobrang elegante, nilagyan pa nila ng red carpet.

Nakakamangha ang kabuoan nitong gym, handang-handa na para sa party bukas. Maging si Esther ay gano'n rin ang pagkamangha nang makita ang kubuoan nito. Pumasok naman bigla sa isip ko kung pupunta ba 'ko rito bukas, wala naman kasing pasok at party lang ang magaganap.

Mas mabuti sigurong hindi na muna ako pumasok at ipahinga ko na lamang ang sarili ko sa buong araw para hindi ako masiyadong mapagod sa mga susunod pang araw. Medyo maaga nagbukas ang gate ng University kaya naman hindi ko kailangang magmadali na makauwi sa bahay at pumunta sa Baylen's Bar.

Gusto ko sanang sabay na kaming lumabas ni Esther ng University pagkabukas ng gate pero hindi pa raw siya pweding umuwi. Pupunta pa daw siyang Music Hall at doon ie-ensayo ang performance niya para sa dalawang best friends niya sa welcome party bukas.

Napag-isip-isip kong samahan na muna ito total medyo maaga pa naman at gusto ko rin namang makita si Esther na tumutugtog na sa totoo lang ay kailanman hindi ko pa nakita.

Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa music hall habang nakikinig sa mahabang salita nitong si Esther. Ang dami-dami niyang ikinu-kuwento habang patuloy lang kami sa paglakad. Pero sa dami at lahat ng sinabi niya ay isang salita lang ang naintindihan at nakaagaw ng atensiyon ko. Napalingon kaagad ako sa kaniya ng bilog na bilog ang mata sa gulat.

"Marunong kang tumugtog ng violin?" Gulat na tanong ko at napangisi naman ito at napatango-tango.

"Yea, that's what I'm going to perform for my two best friends, I hope they like it."

"Ano kaba, paniguradong magugustuhan nila 'yon. Ano pa't best friend ka nila hindi ba? Saka paniguradong ang ganda ng performance mo bukas!"

"Huwag mo nga akong binu-bola! Wala pa nga ang party alam mo ng magiging maganda? Besides, you haven't heard me play yet, right?"

"Basta... nararamdaman ko lang, saka mukha ka namang magaling tumugtog ng violin," ngiti na lamang ang naitugon nito at sa bigla na lamang itong napahinto sa gitna ng aming paglalakad. "Bakit? May problema ba?" Takang tanong ko rito. Sa halip na sagutin ako nito ay nagmamadali niya akong iginiya paupo sa may bench na malapit lang sa 'min.

"Upo ka muna rito, I forgot something in my locker. I'll be right back!" Halos tumakbo na ito palayo at naiwan naman akong nakaupo rito sa may bench.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at saka ko lamang napagtantong narito pala ako't nakaupo, nakaharap rito sa may gilid ng greenspace rito sa University. Medyo malayo-layo pa ang lalakarin namin ni Esther papuntang music hall.

Tahimik lamang akong nakaupo at hinihintay si Esther nang sa gitna ng paglilibot-libot ko ng tingin ay nahinto ang mga mata ko sa isang lalaki na nakaupo sa malayo pero kung tutuosin ay nasa harap ko lang. 'Yon nga lang ay nakapagitan sa 'min ang napakalawak na plaza.

Nakaupo rin siya sa isang bench roon at kitang-kita ko ang madidilim na mga titig niya na sa tingin ko ay kanina pa nakatingin sa 'kin. Hindii ko na namamalayan ang dahan-dahang paninindig ng balahibo ko ng ilang segundo kong labanan ang mga titig niyang napakasama.

Masamang pangitain 'to! Ba't pa kasi nagpakita na naman ang lalaking 'to?! Hindi pa naman ako gano'n kasama para gantihan ito ng masamang tingin at ordinaryong tingin lamang ang pinanlalaban ko rito kahit na sa loob-loob ko ay natatakot na talaga ako sa madilim na titig nito.

Halos mag-iisang minuto na kaming nagtititigan at napakurap-kurap ako ng sa gitna ng madilim na titig nito ay bigla siyang galit na tumayo. Humigpit pa lalo ang pagkakahawak ko sa tote bag ko ng maglakad ito papunta sa direksiyon ko.