GLARE
Lumipas ang ilang minutong nasa iisang table kami at inaamin kong sobrang nag-enjoy ako. Hindi ko inakalang ang bait pala nilang pareho. Sa unang usapan, medyo nahihiya pa ako. Pero sa paglipas ng ilang minuto hindi ko na 'yon naramdaman. Sa una pa lang kita namang mabait na talaga si Raila. Hindi ko na siya tatawaging prinsesa dahil pinagbawalan niya na ako pati na rin si Laira.
Mabait siya at masayang kakwentuhan. Si Laira naman ay sa una, oo medyo may pagkamaldita at pagkamaarte pero hindi naman 'yon gano'ng kalala kaya ayos lang. Kahit 'yon ang ugali niya, alam ko namang mabait siya. Silang dalawa, maganda ang turing sa 'kin, inakala ko pang out of place ako pero hindi. Ako pa nga ang laging topic.
Habang narito sa iisang table at nagpapalipas ng sandali ay marami kaming napagkwentuhan. ungkol sa 'kin, kay Esther na siya pa lang pinaka-good girl sa kanilang tatlo at syempre hindi rin mawawala ang mapagkwentuhan silang dalawa.
Kahit hindi na dapat na mapagkuwentuhan pa ay napasok din sa usapan ang Hellion3 o sabihin na rin nating Hellion4 dahil napasok pa ang isang nasa China raw. Habang pahaba ng pahaba ang usapan, marami akong nalaman. Tungkol sa kanila at sa Hellion4.
Na boyfriend pala nitong si Raila yung isa sa Hellion4 na nasa China at yung hindi na masukat na inis na nararamdaman nitong si Laira kay Cairo. Mabuti na lang talaga at tinanggihan ko si Cairo na tulungan siyang makuha itong si Laira. Dahil unang tingin ko pa lang talaga alam kong wala ng pag-asa e. Halatang ayaw na ayaw talaga nitong si Laira kay Cai at dahil lang naman 'yon sa pagiging babaero nito.
Naiintindihan ko naman siya ro'n dahil kung hindi rin makulit na mabait sa 'kin ni Cai ay ayaw ko rin rito.
Habang masaya kami sa sarili naming table kasama ang Emerald Princess at Inheritor na si Esther ay nakikita ko ring masaya ang dalawang matandang si Mr. Principal at Mr. Emerald na nag-uusap sa sarili nilang table habang ang iba namang nakaupo roon ay may sarili ring mga mundo at may sarili itong topic.
Hindi ko talaga mapigilan, nawi-wierduhan na rin ako sa sarili ko e. Hindi lang nahahalata ng tatlong ka-table ko pero kanina pa talaga ako nagnanakaw ng tingin sa direksiyon ni Mr. Emerald. Kanina pa akong nahuhumaling sa mga ngiti niyang talaga nga namang napakaganda.
Natigil pansamantala ang ingay ng lahat ng may biglang tumikhim sa harap at ng balingan ko ito ng tingin ay ang SSG President pala ito na siyang tumikhim. Naagaw nito ang atensiyon naming lahat at bago magsalita ay parang nagso-sorry muna itong ngumiti.
"Sorry for interrupting your doings or bonds with each other everyone, the Inheritor Charity Esther Amethyst Leigh have a very important performance for her two best friends, the Emerald Princesses. We all know that this is dedicated to them. Let's give a round of applause to our Violin HHU Queen!" Kasabay ng pagpalakpak ng emcee ay ang pagpalakpakan ng crowd.
"I'm so excited Esther!" Ani Raila na inaalayan ng cheering smile si Esther.
"Para sa 'min 'yan, so dapat maganda!" Mataray na biro pang dagdag ni Laira.
"Kaya mo 'yan!" Sabi ko naman saka ito naglakad at umakyat ng stage na may dala ng Violin.
Ngumuti muna siya sa banda namin saka nagsimulang patugtugin ang instrumentong hawak. Tahimik ang lahat at tanging ang musikang pinatutogtog lamang ang maririnig sa buong loob ng gym. Nagsisimula na ring umuwang ang pang-ibabang labi ko sa sobrang ganda niyon sa aking tainga.
Nakapikit lang siya habang pinapatugtog iyon at 'yon bang feel na feel niya lang yung musika. Nilingon ko ang dalawa at 'yon na nga rin ang pagkatulala nila habang nakikinig sa musika. Nagmamaldita pa ang mukha nitong si Laira pero kita at hindi naman maitatangging nagugustuhan niya rin ang musikang pinatutogtog ni Esther.
Natapos na ang kanta at natapos na rin itong mag-bow si Esther pero wala pa ring may nagsalita o kahit nag-ingay man lang. Sigurado akong hindi pa nakakarecover ang lahat sa galing ni Esther magpatugtog. Ilang segundo munang nanaig ang katahimikan bago may isang taong marinig na pumalakpak ng dahan-dahan na parang hindi pa makapaniwala sa klase ng pagkakapalakpak.
Sinundan naman kaagad iyon ng napakaraming palakpakan ng crowd at maging kaming tatlo nila Raila at Laira ay napapapalakpak na rin. Halata ang pagkamangha sa mukha ng dalawang prinsesa at hindi na nga 'yon nakakapagtaka dahil maging ako ay gano'n rin. Ang galing talaga niyang mag-violin.
"Grabe!" Komento ng baklang emcee at nagpalis pa talaga ng pawis sa noo kahit wala namang pawis. "I can't take it! It's great! That music of hers makes me feel like I was flying! I'm sure the Emerald Princesses aren't the only ones who love it, right everyone?"
Nagsigawan na naman ang crowd tanda ng pagsang-ayon.
"That was the Violin HHU Queen extremely intense performance! Later we will show off on the dancefloor, let's rest first at our table, grabe! That performance was really exhausting! Really beautiful! Better if we all take a rest before we lose all of our consciousness!"
Katulad nga ng sinabi niya ay nag-spend pa kami ng time sa kaniya-kaniya naming mga tables. Pero habang nag-uusap-usap kaming tatlo ay nagpasiya akong hanapin ang matang kanina ko pa talaga nararamdamang nakatitig sa 'kin. Nagpalinga-linga ako pero wala naman akong makitang nasa akin ang tingin.
Alam kong may nakatingin talaga sa 'kin, hindi ko lang malaman-laman kung sino dahil sa napakaraming tao rito at hindi ko mahanap kung kaninong mata iyong kanina pa nakakapagpabagabag sa 'kin. Habang nagpapalinga-linga ay napatalon ako sa kinauupuan ko sa sobrang lakas ng tugtog na bigla na lang pumuno sa kabuoan nitong Gym.
"Let's enjoy and own the dancefloor, everyone!" Sigaw ng emcee at nagtakbuhan naman ang marami papuntang dancefloor. Akala ko ba pahinga muna?
"Let's dance?" Alok bigla ni Raila.
"Nah, I don't want to huddle and exhaust my magnificent self on that crowded dancefloor."
"Tss! Kaya nga dancefloor diba? It wouldn't be called a dancefloor if it's not crowded, Laira."
"Yea, that's why I don't want to."
"Whatever! Ikaw, Yeri? Let's go?"
"Uh! Huwag na, hindi ako marunong."
"Hay, kayo talagang dalawa nitong pinsan ko! Let's go, Esther! Tayo na lang dalawa ang sumayaw!" Hinatak nito ang kamay ni Esther na hindi na lamang nakaimik at bago dumiretso sa dancefloor ay binalingan muna niya kami ng tingin. "Tse!" Pabiro kami nitong inirapan at dumiretso na rin sa pupuntahan. Nagkatinginan at natawa na lamang kami ni Laira ng makalayo na ang dalawa.
"Do you know Zach?" Biglang tanong ni Laira at napalingon naman ako.
"Huh? Z-Zach?" Kunwaring hindi ko narinig ang sabi nito.
"Right! Zach, that guy oh," inginuso niya ang direksiyon at nang lingunin ko ito ay nakita ko nga si Zach. "How are you related to him? He's been looking at you for a while now," walang pakialam niyang sabi.
Napakurap-kurap naman ako. Sabi ko na nga ba't kanina pa may nakatingin sa 'kin e! Pero pa'no naman naging siya ang kanina pang nakatingin sa 'kin? May gusto ba siya sa 'kin? 'Yon naman ang sabi ng mga nababasa ko, matagal-tagal na rin at hindi ko na maalala kung saan at kung kailan. Ang sabi raw, kung may nahuli kang tinitingnan mula sa 'di kalayuan ng isang lalaki, may gusto raw iyon sa 'yo.
Pero mukhang hindi naman totoo 'yon, malabo namang magustuhan ako ng lalaking 'yon, mandiri kamo! Sarili lang niyon ang gusto niyon. Saka isa pa hindi ko naman siya nahuling nakatingin sa 'kin kaya 'yon na 'yon! Walang katotohanan yung nabasa kong 'yon!
"Pero huwag kang kiligin riyan. He's not gazing at you because last time I saw, he's actually glaring at you."
Tama na naman ang iniisip ko sa pangalawang pagkakataon. Hindi niya 'ko tinitingnan — ng masama! Dahil sa gusto niya ako, tinitingnan niya talaga ako dahil siguradong naiirita na naman ang mga mata niya sa mukha ko. Walang nagbago sa ekspresyon ko dahil hindi na naman na bago sa 'kin 'yon.
"Huwag mo na siyang pansinin," mahinahong sabi ko naman. "Ewan ko ba riyan, wala naman akong ginagawang masama sa kaniya pero kung makatingin sa akin parang kinuha ko ang kaligayahan niya."
Napangisi siya sa sinabi ko at uminom na lamang ng juice sa baso niya.
"Ang tindi mo uh! Halos lahat na ng babae rito sa HHU, magpapakamatay mapansin lang ng kahit isa sa Hellion4, tapos ikaw huwag lang pansinin?"
"Anong magagawa ko? Ayokong pumatol ng immature," wala sa sariling sambit ko at natawa na naman siya, hindi ko na lang pinansin pa dahil hindi ko naman alam kung sa'n banda sa sinabi ko ang nakakatawa.
Ilang minuto lamang kaming nakaupo habang pinanonood sila Esther at Raila na sumasayaw sa dancefloor ng hindi nagtagal ay nahagilap ko na ang dalawa na naglalakad na palapit sa table namin.
"Hay! Kapagod!"
"Yea,"
Pagod silang naupo sa kaniya-kaniya nilang mga silya ng biglang nag-iba ang tono ng kanta. Binalingan ko ng tingin ang mga tao sa dancefloor at ngayon ay nagsasayaw na nga ito ng slow dance yata ang tawag nila rito.
Naagaw ang atensiyon ko nang biglang sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko si Cai na dahan-dahang tumayo at inayos muna ang necktie at maalindog na naglakad papunta sa direksiyon kung sa'n nakatutok ang kaniyang mga mata. Sa direksiyon ni Laira, na ngayon ay nakatingin rin sa kaniya ng nakataas ang isang kilay na halata talagang nagtataray.
Hindi lang ako ngayon ang nakatingin sa kaniya dahil pagkatayo at pagkatayo pa lang niya ay nasa kaniya na agad ang mata ng halos lahat ng tao rito sa party. Maging ang table rin nina Mr. Principal at Mr. Emerald ay nasa kaniyang lahat ang tingin.
"Allow me to dance you, my princess." Nakangiting sambit ni Cai at inilahad ang kamay sa harap ni Laira.
Unang tingin pa lang kay Laira ay talagang wala na itong planong paunlakan si Cai. Ngumisi lang ito at ipagk-krus sana ang dalawang kamay nito at sasandal ng pasimpleng lumapit sa kaniya si Raila at bumulong. Hindi ko alam kung ano ang ibinulong nito pero ng matapos niyon at bumalik na sa pagkakaupo si Raila ay nagbago ang kaninang nagtataray na nakangisi nitong mukha.
Dahan-dahang binalingan niya ng tingin ang table nila Mr. Principal at Mr. Emerald na kasalukuyan ng nakatingin sa direksiyon niya. Humugot muna ito ng malalim na hininga saka napipilitang inilapag ang palad sa nakalahad na kamay ni Cairo. Lumapad ang ngiti ni Cai at dinala sa dancefloor si Laira.
Napangiti na lamang ako habang pinagmamasdan sila. Ang cute nilang tingnan, kahit pa mukhang galit na naiinis na ang mukha ni Laira. Bagay sila para sa 'kin, pero walang kasiguraduhan kasi maliban kay Cai, kaibigan ko na rin itong si Laira at ayaw kong mabiktima siya nito sa kahit ano pang paraan.
"Kawawang Laira!" Rinig kong sambit ni Raila na tatawa-tawa pa talaga.
"Ikaw kasi e! Halatang ayaw, napilitan tuloy," nakangusong tugon naman ni Esther.
"As if I had a choice! Grandpa's watching on the scene, it will surely give shame on him seeing one of his grand daughter embarrassing someone. She just did dance with him 'cause she clearly don't want to upset grandpa, me neither!"
Kaya pala, sa mukha pa lang kasi ni Laira halata ng napilitan lang.
"Oh my gosh! What's happening? What's happening?"
"Kyahh! Come on baby, ask me to dance!"
"WTF! Is he goin' to dance someone?"
Naagaw ang atensiyon ko ng malakas na bulungan at sigawang iyon. Pero hindi sa mga nagbubulungan natuon ang atensiyon ko kun'di sa kaniyang nakatayo ngayon at na sa 'kin ang tingin. Kinabahan kaagad ako ng magtagpo ang mga tingin namin at talagang nangarera na ang mga kabayo rito sa dibdib ko nang magsimula na itong humakbang palapit... palapit... sa 'kin?
"Gosh! He's walking towards that nerd?"
"Of course not! We all know, how much he dislikes that nerd!"
"But he really is walking towards that nerd!"
"Don't tell me... don't tell me, he'll goin' to dance that freaking nerd!"
"Hell no!"
Hindi ko alam kong sa'n itutuon ang atensiyon ko. Ano bang plano niya? Kung ang iba ay hindi makapaniwala, ano pa kaya ako.
Diyos ko, nakakakaba naman po ito!
Palapit na siya ng palapit!
Ilang hakbang na lang!
Isang hakbang na lang at ngayon ay nasa harap ko na siya. Wala sa sariling napayuko na lamang ako dahil sa ayaw kong mag-assume at tingnan ang mga tao sa paligid na siguradong na sa kaniya ang tingin.
Dahan-dahan akong nag-dilat ng mga mata habang nananatiling nakatungo ng marinig ang huling yapak ng paa nito sa harap ko. Pilitin ko man ay hindi ko magawang mag-angat ng tingin rito dahil sa hindi mapangalanang nararamdaman kong 'to. Hindi ko matukoy kung hiya ba 'to o ano!
"Can I dance with you?"
Napakurap-kurap ako. Nagkamali ba ako ng dinig? Nag-angat ako ng tingin para malaman ang totoo. Baka naman kasi nagguguni-guni na naman ako. Iwas-iwas rin minsan sa kahihiyan. Pagkaangat ko ng ulo at napuno ako ng kahihiyan para sa sarili ko. Nakalahad ang isang kamay niya sa harap ng na sa tabi kong si Raila. Napagkamalan ko pa talaga siyang nasa harap ko, jusko!
"Oh my! Akala ko sa nerdy girl na 'yan siya makikipagsayaw!"
"Yea, mabuti na lang... mas matatanggap kong ang emerald princess na lang ang isayaw niya kumpara naman sa nerdy girl na 'yan!"
"Pero mas matatanggap ko kung ako diba?"
"Ew! Kilabutan ka nga riyan sa sinasabi mo. Mas katanggap-tanggap kung ako!"
At napakarami pang bulungan ang umugong bigla. Kahit na nakakadismaya iyon para sa ibang tao, nagpapasalamat naman ako at hindi ako ang inaaya nitong isayaw. Kahit talagang napakalabo namang mangyari niyon. Mukha pa lang ng Zach na 'to, alam na e! Pero ako rin naman. Hindi ko rin siya gustong makasayaw kaya patas lang kami.
Nananatili lamang sa ere ang kamay nito at naghihintay kay Raila na sa nakikita ko ay mukhang walang planong paunlakan si Zach. Nagulat na lamang ako ng kuhanin ni Raila ang kamay ko at inilagay iyon sa nakalahad na kamay ni Zach. Marami ang nagulat sa ginawa niyang iyon at isa talaga ko roon. Naramdaman ko kaagad ang init ng kamay niya nang magdampi ang mga palad naming dalawa.
Kakakalma ko pa nga lang tapos ngayon heto at bumabalik na naman ang napakabilis ng tibok ng puso ko. Ayoko sa ganitong klase ng heartbeat dahil hindi 'to normal at lahat ng hindi normal ay abnormal!
"I'm not in the mood to dance right now, but Yeri is available so you can dance her."
Gulat man sa nangyayari at nagawa ko pa ring mag-angat ng tingin sa kaniya at do'n, kitang-kita ko kung pa'no ring nagulat ang mukha niya. Pero ano 'tong nakikita ko sa kaniya? Liban sa gulat ay mukhang hindi rin siya makagalaw.
Nagtama ang tingin naming dalawa at do'n na sana niya akmang ihahagis ang kamay ko ng pigilan iyon ng kamay ni Raila na nasa ibabaw lang ng kamay ko. Pagkatapos at pinandilatan ito ng mata.
"Try to throw her hand away and I will complain about this to ninong," kalmadong aniya na para bang ordinaryong tao lang ang kaniyang kausap. Sa bagay, prinsesa naman kasi siya.
Kumunot lamang ang noo ni Zach at bakas ang masamang dating ng epekto ng sinabi ni Raila sa kaniyang mukha.
"He may be mad seeing your rudeness here, right? I can make him disappointed to you and I can make you fail for his high expectations, it's easy for me to flip you up and ruin you to ninong and you really don't seem to like it, Zach."
Grabe, humahanga na talaga ako sa tapang niya. Sa tono pa lang ng pananalita wala talagang bahid ng takot at sa nakikita ko ay mukhang si Zach pa ngayon ang medyo lang naman, na natakot ang mukha.
"What's happening here, grandson?" Biglang salita ni Mr. Principal na bagong dating lang sa direksiyon namin at sa ngayon ay kasalukuyang na sa may baba ng batok ni Zach ang kamay.
"Yea, is there a problem, why're your both hands on the top of Mr. Principal's grandson's hand? Raila?" Mahinahong tanong ni Mr. Emerald at ngayong heto na naman siya ay hindi talaga mangyayaring hindi ako mapapatitig sa kaniya. Hindi naman siguro masamang main-love sa ngiti niya hindi ba?
"No, he's goin' to dance my new friend. Yeri-"
"No-"
"Actually... Granpa... ninong... Ito po kasing si Zach-"
Hindi na natapos pa ang sasabihin ni Raila nang hinila ni Zach ang kamay ko patayo.
"I'm going to dance her," malamig na sabi ni Zach habang nakatingin ng masama kay Raila.
Ngiting nang-iinis lang ang iginanti ni Raila sa kaniya. Wala man lang nakakahalata sa bangayan ng tingin nila. Galit na galit ang mukha ni Zach, hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakakita niyon at hindi ang iba.
Pakiramdam ko tuloy kasalanan ko kung ba't nangyayari 'to. Sigurado naman akong ayaw ni Zach na maisayaw ako, gano'n din naman ako pero mas naaawa ako sa kaniya. Sobra siyang naiinis sa 'kin tapos ngayon mapapasubo siyang maisayaw ako. Ako na siyang pinaka-ayaw at kinaiinisan niya sa lahat ng tao.
Hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko at walang sabi-sabing iniwan sila Raila at naglakad papunta sa dancefloor kung sa'n nagsasayaw ng slow dance ang marami. Nagpahila naman ako at umaktong hindi nasasakal sa paghila niya.
Hindi naman yung 100% na nasasakal, kaunti lang naman. Hindi naman sobrang higpit ng pagkakahawak ng kamay niya sa kamay ko at hindi rin naman din gano'n kalakas ang pagkakahatak niya. Siguro mga 10%? Ewan ko! Basta ang sigurado lang ako ay nasasakal talaga ako ay sa mga tinginan ng mga tao.
Magkaharap na kami sa dancefloor at nagkatinginan lang kami. Dahan-dahan kong inilagay sa balikat niya ang isang kamay ko tulad ng ibang babaeng nagsasayaw rito.Dahan-dahan ko siyang tiningnan ng hindi pa rin niya inilalagay ang isang kamay niya sa likod ko at nananatiling nakatitig lang sa 'kin ng bago at hindi ko mapangalanang ekspresyon sa mukha.
Mukhang ayaw niya talagang makasayaw ako. Hindi niya man lang magawang ilagay ang kamay niya sa baywang ko tulad ng ibang lalaking nagsasayaw. Naiintindihan ko naman siya, ayaw niya sa 'kin kaya hindi niya matanggap na maisayaw ako. Napabuntong hininga na lamang ako sa sariling naisip at pinakatitigan ang kaniyang mga mata.
"Ayaw ko rin namang maisayaw ka pero mas naaawa ako sa 'yo," peke akong napangiti. "Siguro dahil alam kong mas ayaw mo at mas napipilitan ka sa 'ting dalawa."
Dahan-dahan kong ibinaba ang isang kamay ko sa balikat niya ngunit bigla niyang hinawakan iyon at ibinalik kung nasaan kanina.
Sa balikat niya.