Chereads / Hidden Persona Zarie Series / Chapter 24 - Chapter 24

Chapter 24 - Chapter 24

BIKO

Pagkatapos naming pagsaluhan ang dala nilang mga pagkain ay hinayaan na kami ni nay sa salas. Nagpahinga siya sa kaniyang kwarto habang kami naman ay nagpasiyang manood ng movie. Thursday ngayon at meron talagang pasok, pero hindi na pumasok ang tatlo at dito na lang daw sila.

Wala naman akong nagawa at sa huli ay nanood na lamang kami ng movie. Tapos ko na talagang mapanood iyon, pero isa kasi 'yon sa maraming magandang tape dito sa bahay kaya iyon na lang ang pinalabas ko. Turkish movie siya, Water and Fire. Hindi naman siya nakakasawa kahit ilang ulit ko pang panoorin, ang ganda kasi ng story niya, sad ending nga lang.

Natapos ang movie na umiiyak ang tatlo, hindi na 'ko kasama dahil maraming beses na 'kong umiyak sa movie na 'yon at ilang beses ko naman na siyang napanood at hindi na 'ko masiyadong apektado. Pero nalulungkot pa rin talaga ako sa naging ending niya.

"The heck is that movie!" Sigaw ni Laira.

"I feel sad for the girl," si Esther

"He chose to kill himself for the sake of the girl and their son," tatlo silang pinupunasan ang mga luhang tumutulo at naglalandas sa kanilang mga pisngi.

Buong maghapon gano'n lang ang ginawa naming apat sa maliit naming salas. Kung ano-ano lang mga nakakaiyak, nakakatawa, nakakatakot na mga movie ang pinanood namin habang sumisimsim ng dala rin nilang mga chichirya.

Nakatulog pa 'tong si Laira habang nanonood. Pinagtripan naman ng pinsan niyang si Raila at kinuha ang marker sa mesang hinihigaan ng ulo nito at sinulatan ang mukha. Pigil na pigil lang kami ng tawang tatlo sa sobrang nakakatawa ng hitsura niya.

Medyo magtatakip-silim na silang nagpasiyang umalis pagkatapos magpaalam kay nay. Wala pa ring kaalam-alam si Laira hanggang sa umalis, kawawa naman.

Nang sumapit ang alas-syete ay naiwan na si nay sa bahay habang ako ay magtatrabaho na rito sa Bar. Si ate Cristal pa rin ang namamahala rito, hindi pa talaga umuuwi ang parents niya.

Nagsimula na 'kong magtrabaho at kahit papa'no ay naging maayos naman ang lahat. Tulad ng laging inaasahan ay maraming customers ang dumarating, medyo madilim rin naman dito at hindi gaanong pansin ang mukha ko, kaya walang nagiging problema.

Sumapit ang alas dose at nagpaalam na rin akong uuwi na kay ate Cristal. Naghintay muna ako ng ilang minuto sa gilid ng kalsada ng masasakyan, pero lumipas na lang ang ilang minuto ay wala pa ring dumarating kaya nagpasya na lamang akong maglakad pauwi. Ilang metro rin ang layo pero sanay naman na 'ko kaya ayos lang.

Sa gitna ng aking paglalakad dito sa medyo madilim na bahagi ng daan ay nakakaramdam na 'ko ng antok, pero napawi rin iyon ng tinawag yata ako ng isa sa dalawang lalaking nadaanan ko kanina na nag-iinuman pa sa ganitong oras ng gabi sa labas. Napalingon naman kaagad ako sa pinanggalingan ng boses.

"Huh?"

"Halika rito!"

Napalingon ako sa likod ko para masigurado kung ako ba ang kinakausap ng lalaki.

"Ako po?" Kuryusong tanong ko.

"Oo ikaw, halika!"

Naglakad ako pabalik sa direksiyon ng lalaking pinapalapit daw ako. Mga limang hakbang lang 'yon kaya naman sinunod ko ang sinabi nito at baka may kailangan.

"Bakit po?" Tanong ko. Narinig ko ang pagtawa ng kainuman nitong lalaki sa harap niya.

Kung titingnan mukhang hindi pa naman sila masyadong lasing. Sa halip na sagutin ang tanong ko ay naglagay ito ng alak sa isang baso at iniharap sa 'kin habang wala pa ring hinto ang pagtawa ng kaharap niya.

"Uminom ka!" Aniya at napangiti naman ako.

"Pasensiya na po, pero hindi po ako umiinom. Sige po aalis na 'ko," magalang na pagtanggi ko at hahakbang na sana paalis nang tawagin na naman ako ulit nito.

"Sandali!"

"Huh?"

"Upo ka!" Nagulat ako sa sinabi niya, tinapik-tapik ang hita niya para yata ituro kung sa'n daw ako uupo.

Mabilis naman akong tumanggi at lalakad na paalis ng biglang hawakan nito ang kamay ko at hinila iyon palapit sa kaniya. Malaki ang katawan niya kaya walang-kahirap hirap akong naupo sa mga hita nito. Kaagad akong tumayo at tatakbo na sana paalis nang pigilan na naman niya ako.

"Bitiwan niyo po ang kamay ko!" Naiiyak ng sabi ko habang pilit na tinatanggal ang kamay niya, pero ang lakas talaga niya.

"Halika na,"

"Ayaw ko po," tumutulo na ang luha ko sa kaba at takot na nararamdaman ko.

"Sige na!" Lumampas na ang kaba ko sa ulo ko nqng tumayo ang kaninang tatawa-tawang lalaking kaharap nito. Ang tangkad niya at ang laki rin ng katawan niya. Sa isang lalaki pa nga lang wala na kong kawala, ano pa kaya kung dalawa na sila, jusko!

"Parang awa niyo na po," naluluhang pakiusap ko pero tumawa lang silang pareho.

Napapaatras na lamang ako sa bawat hakbang ng lalaking biglang tumayo, pero may hangganan din iyon dahil hawak pa rin ng isang lalaki ang kamay ko.

"Huwag po," nagpupumiglas na 'ko pero wala 'kong magawa.

"Tanggalan mo muna ng malay para hindi tayo masiyadong mahirapaa," ani ng lalaking may hawak ng kamay ko.

Tumawa lang ang lalaki pagkatapos ay ipinagdaop nito ang dalawang kamay at nakakatakot akong tiningnan habang binabasa ng dila ang mga labi. Akmang sasampalin na sana ako nito nang biglang may humawak sa palapulsunan ng lalaki bago pa makapit ang kamay nito sa mukha ko.

Napalingon ako sa may-ari ng kamay na 'yon at napakurap-kurap ako ng makita ang mukha niya. Galit na galit, mas malala pa sa mga ekspresyon na kadalasang nakikita ko sa kaniya sa t'wing galit siya. Kulang na lang talaga ay umusok ang ilong at tainga niya base sa nakikita ko sa kaniya.

Mas natakot pa yata ako sa kaniya kumpara sa dalawang mamang 'to. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya na hawak ang kamay ng lalaking dapat ay sasampal sa 'kin at wala pang isang segundo ay ibinalikwas niya ang lalaki ng kamay lang ang hawak, gamit lang din ang isang kamay niya.

Nakakamangha.

Nagawang buhatin ng isang kamay niya ang buong katawan ng malaking lalaking 'yon. Umikot ang katawan nito sa ere at talagang namilipit sa sakit nang malakas ang pwersang bumagsak sa lupa.

Bumitaw naman ang lalaki sa pagkakahawak sa kamay ko at mabilis na sinugod si Zach pero nakailag kaagad ang katawan nito kaya nasubsob lamang ang ulo nito sa katawan ng lalaking kasama nitong nakatihaya sa lupa at agad din ulit itong namilipit sa sakit.

Sinulyapan ko ang mukha ni Zach at wala pa rin talagang pagbabago sa mukha niya, namumula pa rin ito sa sobrang galit. Mabilis na nakabawi ang dalawa at sabay itong tumayo ngunit hindi para sulungin si Zach kun'di para tumakbo. Bakas ang takot ng dalawa at nakaramdam ako ng awa para sa mga ito.

Akmang hahabulin na sana iyun ni Zach ang dalawa nang pigilan ko ito. Akala ko itutulak niya lang ako, pero mabuti na lamang at nagpapigil siya. Siguradong matinding pagpipigil talaga ang ginagawa niya dahil hanggang ngayon, kitang-kita ko pa rin talaga ang galit sa mga mata niya.

"What the fck? They try to do something cheeky on you and now your putting this to an end?" Salubong na salubong ang kilay at iritadong-iritado ang mukha niya.

"E, wala namang nangyari sa 'kin. Saka hindi mo ba nakita, namilipit sa sakit yung isang mama kanina, tapos hahabulin mo pa, hindi kaba naaawa?"

Sa halip na sagutin ang tanong ko ay hindi ito nakapagsalita at napatulala bigla.

"What?" Aniya makalipas ang ilang segundo.

"Wala! Salamat uh, kung hindi ka dumating ay baka kung may nangyari ng masama sa 'kin.

"Tss! I didn't have thought someone would have interest on that face of yours tho."

Kahit papa'no, may puso pa rin naman pala siya. Kahit minsan o madalas talagang masakit siyang magsalita, may tinatago pa rin siyang bait sa loob niya. Salamat talaga at kahit galit siya sa 'kin dahil sa hitsura ko ay tinulungan pa rin niya 'ko.

"Kahit na, maraming salamat pa rin sa 'yo."

"Tss, whatever! Hop in."

"Hmm?" Napalingon ako sa kaniya, nakasandal ang isang braso niya sa pinto ng kotseng nakabukas at tumaas ang kilay niya ng tingnan ko siya ng may pagtataka.

"What are you waiting for? Hop in the car!" Napakurap-kurap na lamang ako sa gulat.

"Ako? Sasakay? Diyan? Sa kotse mo?"

"What do you think? Ikaw lang naman ang tao diyan 'di ba?" Sarkastikong aniya.

"Pero-"

"Don't make things hard! Just hop in the car and I'll drive you home!" Nagsisimula na naman magsalubong ang mga kilay nito, kaya mabilis na 'kong pumasok.

"Bakit mo ko ihahatid?" Hindi naman siguro siya magagalit sa tanong kong iyon. Nagtataka lang naman ako, ayaw niyang makita ang mukha ko pero ngayon, ihahatid niya 'ko?

"It's already past midnight and your still at the middle of the street. You're putting your life in danger!" Bakas ang inis sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya. "O baka naman gusto mo talagang nababastos ka!"

"Huh?" Ano bang sinasabi niya?

"You think I haven't seen you, I caught you right at the first moment you turned your walk back just to get their attention right?" Galit na galit na aniya na halos mapatungo na lang ako sa pagsigaw niya.

"Tinawag kasi nila 'ko, baka may kailangan sa 'kin o hihingin ang tulong ko kaya lumapit ako."

"And you think, they won't do anything wrong for fck's sake?"

"Oo!"

"Ipinagmamalaki mo pa talagang, Nerdo ka, huh?

"Hindi naman, akala ko lang kasi talaga may kailangan sa 'kin kaya lumapit ako."

"Poor nerdy girl, fck!" Pabulong na sigaw niya pero narinig ko talaga siya, hindi na lamang ako umimik pa.

Tahimik lamang kami sa gitna ng biyahe ng biglang umulan ng napakalakas. Halos lumabo na rin ang daan sa sobrang lakas nito. Lumipas na ang ilang minuto at huminto na rin ang kotse sa tapat ng bahay namin ng hindi pa rin tumitila ang malakas na ulan. Bukas ang ilaw sa bahay at kita iyon sa labas kaya alam kong gising pa si nay.

Bumukas ang pinto at lumabas doon si nay na may dalawang payong na ang isa ay nakatiklop lang sa kamay nito habang ang isa naman ay ang siyang ginagamit niya. Halos takbuhin nito ang direksiyon namin at sumulyap muna ako kay Zach bago buksan ang pinto ng kotse.

"Nay!"

"Anak, oh, heto ang payong at papasukin mo muna 'yang kasama mo rito sa loob at mukhang matagal-tagal pa bago tumila ang ulan!"

Bumaba 'ko ng sasakyan at agad na kinuha kay nay ang isang payong. "Pasok ka muna sa loob, ang lakas pa ng ulan. Mapanganib kapag bumiyahe ka na kaagad."

Nagkibit balikat lang siya pagkatapos ay bumaba ng sasakyan at nang maisara ang pinto ay mabilis na kinuha sa kamay ko ang payong. Napalingon kaagad ako sa kaniya dahil do'n.

"Ako na. Lapit ka nga dito, mababasa ka!" Parang naiirita pa ang boses niya pero hindi ko na iyon napansin pa nang paakbay na hinawakan niya ang braso ko at hinatak iyon palapit sa kaniya.

Halos mabulunan pa ako sa sarili kong laway sa gulat. Mabuti na lamang at si nay ang nasa unahan kaya hindi nito nakita ang pagkakaakbay ni Zach sa 'kin. Medyo awkward pa, hindi ako sanay sa sitwasyong 'to. Magkadikit na magkadikit ang katawan naming dalawa kaya binilisan ko na lamang ang paglakad ko para maabot agad ang pinto ng bahay.

"Maupo muna kayo riyan at ikukuha ko kayo ng mainit na sabaw," dumiretso kaagad ito sa kusina at naiwan naman kami ni Zach rito sa maliit naming salas.

"Uh, maupo ka muna." Inilahad ko ang kamay ko sa sopa.

Napalingon naman siya sa maliit naming sopa ng nakataas ang isang kilay. Napa-iwas na lamang ako ng tingin kalaunan, mukhang ayaw niyang maupo. Nadudumihan siguro siya. Talo pa yata niya ang kaartehan ni Laira.

"Uh, sige kung ayaw mong maupo, tayo ka lang muna riyan. Papalit lang ako ng damit pantulog," awkward na paalam ko sa kaniya at nag-aalangang naglakad papasok sa kwarto ko.

Habang nagpapalit ay napapaisip ako, kung bakit niya 'ko tinulungan sa dalawang mamang lasing sa may kanto at kung bakit niya pa 'ko hinatid rito sa bahay gayong sa pagkakaalam ko ay ayaw na ayaw niya sa mukha ko. Hindi talaga siya maintindihan. Pero baka naman hindi na siya naiirita sa mukha ko.

Wala sa sariling napangiti na lamang ako sa sarili kong naisip. Kung tama 'yon siguradong matatahimik na rin kahit papa'no ang buhay ko, siya yata ang number one hater ko!

Lumabas ako ng kwarto pagkaraan ng ilang sandali at nagulat naman akong makita siyang nakaupo na sa kulay sopa at sa halip na humihigop ito ng sabaw ay ang biko na gawa ko lang kanina ang nilalantakan nito.

Ang bilis niyang kumain, parang ngayon pa lang yata nakakakain ng masarap na biko e. Nahinto ito sa pagkain nang makita ako, hindi ako makagalaw nang hagurin ako nito ng tingin. Mula ulo hanggang paa.

"Bakit?" Nauutal kong tanong.

"Tss! Ang panget, as usual," pabulong na aniya. Mabuti na lang talaga at nasa kusina si nay, mapapalayas talaga siya rito ng wala sa oras. Ang lakas pa naman ng ulan.

Alam ko naman na panget 'yon sa kaniya, pero maganda naman 'tong suot ko ngayon para sa 'kin, binili kaya ito ni nay para sa 'kin!

"Oh, Miel! Upo kana rito at kumain ka rin ng biko, samahan mo 'tong kaibigan mo. Alam kong wala pang laman 'yang tiyan mo." Si nay nang makalabas ng kusina.

Naupo na lamang ako at sinabayan nga siya sa pagkain. Habang ngumunguya ay lasap na lasap ko talaga ang sarap nitong biko ko.

"Heto pa, hijo, ubusin mo na lamang at mukhang hindi ka pa rin kumakain," iniusog ni nay ang natitirang biko na nasa isang plato sa harap ni Zach.

Napanguso ako bigla. Ubos na ang biko ko at hindi pa 'ko kontento roon, gusto ko pa. Ang dami na kayang nakain ni Zach, tapos sa 'kin kaunti pa lang, tapos sa kaniya na naman yung natitira? Pigil na pigil ko ang sarili kong kunin yung biko sa harap ni Zach dahil siguradong pagagalitan ako ni nay.

Alam ko naman yung sinasabing magandang pagtrato sa bisita kaya wala na 'kong magawa. Sayang! Napansin yata iyon ni Zach dahil kita 'ko ang pagtataka sa mga mata niya nang magtama ang tingin naming dalawa.

"Uh... busog na po ako."

Pero hindi yata!

Napangiti ako bigla sa narinig kong 'yon. Mabilis na kumilos ang dalawang kamay ko at kukunin na sana ang bikong ayaw na niya raw kainin nang bigla niya itong kinuha at inilayo sa 'kin. May halong kaunting inis ko siyang tinapunan ng tingin.

"Sabi mo ayaw mo na?"

Tumaas lang ang kilay niya at malademonyong ngumiti, "yea, I'm full, but I haven't said I'm done eating," aniya at nakangiting tiningnan si nay.

Pasimpleng lumapit si Nay sa 'kin at saka bumulong. "Hayaan mo na Miel, mukhang gutom 'yang kaibigan mo. Pasalamat ka pa nga't hinatid ka dito." Hindi na lamang ako umimik pa at tama naman siya. Pasalamat ko na rin 'yan sa pagligtas niya sa 'kin sa dalawang mama at paghatid na rin dito. "Sandali at ikukuha ko kayo ng tubig."

Nasa kusina na si Nay at nang mapasulyap ako sa kaniya ay saka naman siya nakangiting kumain at talagang nang-iinggit pa! Nag-iwas na lang ako ng tingin dahil sa totoo lang, nakakainggit siya.

"You want?" Sumeryoso bigla ang mukha niya.

"Bakit, magbibigay ka?"

"If you ask me to."

"Talaga?" Nauutal kong tanong, binababa ko na talaga ang pride ko para sa bikong 'yan. Hindi ko naman kasi matiis, pinaghirapan kong lutuin kanina ang pinakapaborito kong kakanin tapos hindi man lang ako nabusog. Kulang pa kaya ang isang maliit na mangkok na biko sa 'kin!

"Nah, I've change my mind. Magpaluto ka na lang kay tita, ang sarap niyang maglu-"

"Ako kaya nagluto niyan!" Nasamid siya bigla sa sinabi ko. "Ayos ka lang? Sandali, kukuhanin ko kay nay yung tubig!"

"Hindi pala masarap!" Aniya matapos makainom ng iniabot kong tubig.

Napanguso na lamang ako sa sinabi niya, alam ko namang masarap. Wala pa kaya akong lutong hindi masarap! Nahihiya lang yata siya, tsk!

"I have to go na po tita," tumayo si Zach at magalang na nagpaalam kay nay. First time,.uh!

"Tumila na ang ulan. Hala Miel, ihatid mo na 'tong kaibigan mo sa labas at nang makauwi na. Mag-aalas dos na."

"Opo, nay," naglakad na kaming dalawa at inihatid ko pa siya hanggang sa may kotse niya.

Pero kataka-takang hindi pa siya pumapasok at nang makaalis na. Nananatili lang siyang nakatayo malapit sa 'kin.

"Thank you nga pala ulit, uh," pambabasag ko sa katahimikan at baka 'yon yung hinihintay niya kaya hindi umaalis.

"I don't accept thank you," aniya at mabilis naman akong napaangat ng tingin sa kaniya.

"Pero inubos mo na yung biko ko, kaya pa-thank you ko na 'yon sa 'yo!" Nakanguso kong tugon at tumaas lang ang kilay niya.

"I won't accept that as a thank you, 'cause once and for all, tita gave it to me, not you."

"Pero-"

"No buts, dalhan mo ako ng biko bukas sa school-"

"Ano?"

"If you don't know, I only accept payment and not that stupid 'thank you'!" Mas lalo lamang kumunot ang noo kong nakatingin sa kaniya.

"Bayaran mo ako ng biko bukas then your paid, as simple as that."

Pumasok na siya ng kotse niya at naiwan naman akong nakatulala.

"Bye, nerdo!" Aniya matapos buhayin ang makina ng kaniyang sasakyan at may kaunting ngiti sa mga labing umalis.