OFFER
My Personal Maid...
My Personal Maid...
My Personal Maid...
Paulit-ulit lang ang mga katagang 'yon sa utak ko at nang tuluyan na ngang marehistro ay literal na napaatras kaagad ako saka siya gulat na binalingan ng tingin.
"Personal Maid?" Tanging katagang lumabas sa bibig ko.
"Yea, your going to be my personal-"
"Pasensiya na, pero may trabaho na 'ko." Putol ko sa mga sasabihin pa nito.
Gustong-gusto ko talaga ang trabahong 'yon, ayaw ko sana siyang tanggihan pero pinigilan ko pa rin ang sarili ko. Sa tingin ko'y nararapat sigurong tanggihan ko ito, kung kapalit naman nito'y katahimikan ng buhay ko.
Naiisip ko pa lang kung um-oo ako't pumayag sa alok nito ay siguradong katapusan na ng mundo ko. Hindi naman siya literal, pero ayaw ko talaga.
Nakakatakot siya, high tempered lagi, ngayon pa nga lang hindi niya 'ko personal maid ay napapasunod na lang ako sa utos niya sa takot e! Hindi ko yata kayang gampanan ang trabahong 'yon kaya mas mabuting makontento na lang ako sa trabahong mayroon ako ngayon.
"What? You're refusing my offer? Maganda ka?" Nang-iinsulto ba siya?!
"Pero may trabaho na 'ko."
"Who cares? Mabuti ka pa nga inaalok ka e, yung iba nga riyan papayag na even without salary pa!"
"Edi sa kanila mo na lang ibigay ang trabaho?"
"What the! Hoy nerdo-" tumahimik ito at malalim munang huminga na parang pinapakalma pa ang sarili. "Ayaw mo talaga?" Iritang-irita pa rin ang mukha at boses nito. Jusko, kailan ba 'ko hindi matatakot sa lalaking 'to.
"Sorry, pero-"
"I don't need you fcking sorry! I need you to fcking work with me, nerdo!"
"Pero may trabaho na rin kasi ako!"
"Tss, fine! 70 thousand for your first month and if you're lasting 'till the next and many more months, expect the 100 thousand payment! Is that enough for your fcking service? Magkano ka ba, huh?"
Napakurap-kurap ako sa sinabi niya, hindi sa 100 thousand o kung ano man, kun'di sa huling sinabi niya. Anong magkano ako. Kaya ko namang magtrabaho kahit magkano ang sweldo e! Huwag lang sa kaniya.
"Ayoko-"
"What?!" Napangisi siya, pero hindi 'yon yung ngising masaya o natatawa, 'yon yung ngisi ng taong sobra ng naiirita. "Ayaw mo pa rin? Akala mo naman kung sino kang maganda, nerd ka lang naman! Ako na ngang Evilord ang nag-aalok sa 'yo choosy ka pa? Bakit? Magkano ba 'yang presyo mo at ng matapatan ko?"
"Ano bang problema mo?" Kalmado kong tanong kahit sa loob-loob ko ay naiinis na talaga ako. Bakas ngayon ang bahagyang gulat sa kaniyang mukha. "Nasa malapit lang naman ako e, hindi mo kailangang sumigaw."
"I can't fcking help it! You're bringing out of my fcking worst!"
"Pasensiya na, pero may trabaho na 'ko. Hindi ko tatanggapin 'yang offer mo dahil may trabaho na 'ko, hindi ko tatanggapin 'yang offer mo dahil may trabaho na 'ko. Hindi ko tatanggapin 'yang trabaho mo dahil may trabaho na 'ko —alin ba roon ang hindi mo maintindihan?" Tanong ko.
"I wan't you to fcking work with me!"
"E hindi ko nga-"
"Shut up!" Sigaw niya at napakurap-kurap ako. Inis na inis na talaga siya. Ano bang magagawa ko, ayaw niyang tanggaping ayokong magtrabaho sa kaniya.
Lumapit siya bigla at pinakatitigan ako.
"Sa 'kin pa rin ang bagsak mo. Keep that in mind, nerdo, " bulong na naman niya saka naglapag ng pera sa mesa at walang ano-anong naglakad palabas. Naiwan naman akong nakatulala lamang sa kawalan.
Bakit naman kasi ako pa ang gusto niyang kuning personal maid niya, e ang dami dami naman diyang nagkakandarapa sa kaniya. Siguradong kahit walang bayad ay tatanggapin ang trabahong 'yon na inaalok niya e!
Sa halip na manghinayang sa 100 thousand na 'yon na isu-sweldo niya ay nagpatuloy na lamang ako sa trabaho. Bahala na ang 100 thousand na 'yon, hindi-hindi ko talaga ipagbibili ang kapayapaan ko.
Pero hindi naman maalis sa isip ko ang mga huling sinabi niya bago siya galit na umalis rito. Pa'no nga ba kapag sa huli personal maid niya na 'ko?
Aish! Para namang mangyayari 'yon!
Pagkatapos ng trabaho ay umuwi na 'ko sa bahay at diretso sa kwarto pagkatapos icheck si nay sa kabilang kwarto saka natulog.
"Miel, gising na!" Sigaw ni nay na pumukaw sa magandang tulog ko. Bagaman inaantok pa ay napilitan na kaagad akong tumayo pagkatapos isuot ang lumang eyeglasses ko.
"Miel-"
"Nandiyan na po, nay!" Sigaw ko naman, "hayy... panibagong araw na naman," bulong ko na lamang sa sarili ko saka lumabas na ng kwarto.
Pagkalabas ko ng maliit kong kwarto ay naabutan ko si nay na nakasandal sa may lababo at hinihimas ang dibdib nito. Kaagad naman akong binalot ng kaba kaya dagli ko itong nilapitan.
"Nay, ayos lang po ba kayo? Masakit po ba ang dibdib niyo? Namumutla po kayo, nay," nag-aalalang tanong ko sa kaniya habang hinihimas-himas ang likod nito.
"Ayos lang ako, nak, medyo sumikip lang ang... dibdib ko."
"Maupo po muna kayo rito at ikukuha ko kayo ng tubig," inalalayan ko siyang makaupo sa silyang malapit sa mesa at nagmamadaling ikinuha ito ng tubig.
"Gusto niyo po bang pumunta tayong hospital, nay?" Sinisikap kong maging kalmado sa harap niya.
"Ay nako, huwag na at magsasayang lang tayo ng pera pamasahe't pambayad!"
"Pero, nay-"
"Wala ng pero-pero anak, wala rin naman tayong pera."
"Pwede naman po akong mangutang-"
"Huwag na anak, kumirot lang naman ng konti e. Saka hindi na naman masakit kaya ayos na 'ko."
"Hay nako, ang kulit niyo talaga nay, e!" Ba't ba kasi ayaw niyang pumuntang hospital, kahit magpacheck-up man lang.
"Ayos lang ako anak, malakas ang nay mo sinasabi ko sa 'yo!"
"Oo na, hindi ko na po kayo pipilitin," kinuha ko ang sandok na na sa kamay nito.
"Aba! Akin na nga 'yan at hindi pa 'ko tapos magluto-"
"Maupo na lang kayo riyan at huwag niyo na lamang pagurin ang sarili niyo." Aangal pa sana siya nang magsalita na naman ako. "Kasama po 'yan sa lifestyle and home remedies niyo kaya dapat po sumunod kayong hindi dapat na magpakapagod, para mabilis po 'yang paggaling niyo."
Maagang pangangaral ko rito.
"Kaya maupo lang muna kayo riyan at panuorin niyo 'kong gawin ang dapat talagang ginagawa ko at hindi ko hinahayaan sa inyo," napairap na lang siya at napangiti na lang rin ako saka ipinagpatuloy ang nasimulan nito.
Matapos mag-agahan ay halos sabay lang din kami ni nay na lumabas ng bahay saka nagpunta sa kaniya-kaniya ng pupuntahan. Gusto ko sanang huwag muna siyang pumasok sa halip ay magpahinga na lang rito sa bahay, e ang tigas ng ulo kaya heto ngayon at bi-biyahe na naman papunta sa kaniyang trabaho.
Nang makarating akong school ay nagpasiya akong dumiretso munang library para magbasa-basa at magreview na rin, medyo maaga pa naman kaya ro'n na muna ako magpapalipas. Kahit na exempted ako sa afternoon class ay hindi pa rin pwedeng hindi ako mag-aral. Kawawa naman yung ibang mga subjects na malilibanan ko kung hindi ko aaralin.
Magbabasa-basa na rin ako rito ngayon ng mga librong related din sa mga posisyon na gaganapan ko sa NIO. Para naman handa ako mamaya sa training namin ng mentor ko kuno na si Zach. Para na rin hindi siya masyadong stress sa 'kin mamaya, katakot pa naman 'yon. Marami-rami rin akong naaral bago tuluyang magbell hudyat ng pagsisimula ng unang klase.
"Class dismissed!" Ani Sir Vella na siyang pinakahuling guro sa morning class namin. Naglabasan naman kaagad ang mga estudyante habang ako ay matapos magligpit sa sarili kong mga gamit ay naglakad na rin palabas.
"Yeri!" Rinig kong sabay-sabay na tawag ng tatlong walang iba kung hindi sina Esther, Laira at Raila lang naman. Ngumiti naman ako at hinintay na makalapit sila. "Tara, lunch tayo?" Tumango naman kaagad ako at sumabay sa kanila sa paglalakad papuntang cafeteria.
"Sa'n ka nga pala kahapon?"
"Oo nga, dinaanan ka namin para sumabay maglunch but you weren't in your room?"
"We haven't seen you all day."
Magsasalita pa lang sana ako nang bigla na lang mabilis na kumilos ang mga kamay nila at kinuha ang mga tinidor nila saka iyon itinapat sa 'kin. Gulat kong binalingan sila ng tingin pero naguluhan ako ng may pagbabanta ang mga mata nila akong tiningnan.
"Don't tell us may jowa ka na?!"
"Don't tell us may kalunch ka ng iba?!"
"Don't tell us may ka-date ka?!"
Sabay-sabay na sigaw nilang tatlo.
"Kaya hindi ka namin nahagilap kahapon?!"
Sabay-sabay na naman ulit nilang sigaw, napakurap-kurap na lamang ako ng bakas pa rin ang gulat sa mukha.
"Kumalma nga kayo, hindi 'yon. Si Zach-"
"What?!"
"Anong si Zach?!"
"Kyah! What about him?!"
Sabay-sabay na naman sila pero si Raila nakangiti lang.
"Si Zach, sabay kaming naglunch-" Magrereact pa lang sana sila nang ako na mismo ang pumigil dito. "Hep! Patapusin niyo muna kasi ako."
"K, spit it out girl!"
"Magre-review sana kami-"
"Sana?" Sabay-sabay na namang usisa ng tatlo.
"Oo, kaso nakatulog ako. Kaya yata ganoong hindi niyo ko nakita buong maghapon. Hindi rin natuloy ang pagtrain niya sa 'kin kaya ngayon na lang daw namin 'yon itutuloy, do'n nga rin niya ko gustong mag-lunc-" literal na napatakip ako ng sarili kong bibig ng maalala ang mga sinabi niya sa 'kin kahapon.
"Why? What's wrong?" Laira.
"Pasensiya na, pero kailangan ko na palang umalis," dahan-dahan kong paalam sa tatlo saka ng makatalikod ay mabilis na mabilis kaagad akong tumakbo papunta sa napakalayong likod ng katapat nitong building ngayon kung na sa'n ako.
Lagot na 'ko nito, bakit ko ba kasi nakalimutang do'n sa tambayan niya ko magla-lunch! Habol ang sariling hininga akong nakarating rito sa tambayan niya at naabutan ko naman siyang nakaupo roon at nagce-cellphone.
"Ang tagal mo!" Ani Zach ng makalapit ako.
"Pasensiya na, nakalimutan ko kasi."
"Tss, let's eat," mlamig na sabi nito at sumunod naman ako. Pagkatapos naming kumain ay nagsimula na rin siyang magbuklat ng libro.
"Ano na gagawin natin?" Kuryosong tanong ko.
"In that competition, there are only 30 simple rules that you must follow. If you dared to violate those rules, then you'll immediately disqualified."
Napatango-tango ako.
"Number one, no smartphones or other personal devices inside the room where you're position takes place. Under no circumstances should phones be used on that competition otherwise they will be confiscated and never give it back unless of course if you have enough money to deal with the punishment and return it back. So make sure you don't have any phone inside that room, mahirap na."
"Huwag kang mag-alala, hindi mangyayari 'yon," sabi kong nakangiti at binalingan naman niya 'ko ng nakataas ang isang kilay na tingin.
"How did you say so?"
"E wala naman akong cellphone."
"Yea, whatever, I forgot, pulubing nerd ka lang pala. Let's proceed to the next rules. next is as easy as coming well prepared, because if you got there unprepared it will surely create a lot of distractions that will surely make you unfocused dealing with your said position.
Tumango ako, hindi naman siguro ako mahihirapan sa simpleng rule na 'yon.
"Next is very common and also very important for every representative to follow. Always behave yourself in an honorable fashion. It is meant on every competitors for the word 'no cheating' or even copying another student's answers."
"Huwag kang mag-alala, hindi naman ako mangongopya."
"Good, cheating is never a good idea, and if you need extra help for a certain area, just ask for help. You'll also need to pay attention to the teacher there and also their instructions, always keep on your mind that no one wants to wait for the student who wasn't paying attention to catch up. Your lack of attention can slow down your entire position and cause unnecessary disruption."
Hindi ko na namamalayang nakatulala na pala ako sa kaniya at parang wala sa sariling pinagmamasdan lamang ang mala-Mario Maurer niyang hitsura. Bakit ba ang perpektong-perpekto ng pagkakagawa sa kaniya?
Ang gwapo niyang mukha...
Ang maganda niyang mukha...
Ang maamo niyang mukha...
"Hey, are you fcking listening?!" Napakurap-kurap ako sa gulat sa biglang sigaw niya sa harap ko.
"Oo... nakikinig ako," sabi ko, umaasang maniniwala 'tong kaharap ko.
"But looks like your not? You're spacing out weren't you?" Bakas ang irita sa boses niya.
"Uh, hindi... nakikinig ako," tanggi ko kaagad.
"Then, what did I say if you're really listening?"
Sa sinabi niya ay bigla na lamang akong kinabahan. Ano ngayon ang sasabihin ko? Bakit kasi may patulala-tulala pa 'kong nalalaman e!
"Uh..."
"See? You're spacing out!"
"Pasensiya na,"
"Tss, focused if you want me to train you!" Galit na aniya at pinilit ko naman ang sarili kong huwag magpaapekto sa kung ano-anong mga pumapasok sa isip ko at ituon na lamang rito ang buong atensiyon ko.
Natapos ang buong maghapon at sa wakas ay natapos rin nito ang napakaraming rules and regulations na kailangang sundin sa loob ng NIO competition. Napakarami! 'Yon lang ang nakapagpaubos ng buong maghapon naming pananatili rito sa likod ng building na 'to.
From easy to difficult rules and regulations naidiscussed niya na sa 'kin at nalaman ko naman kaagad 'yon lahat. Nag take notes rin ako ng mga importanteng rules na hindi talaga kailangang kalimutan para naman mabasa ko ulit sa bahay at ng wala talaga akong makalimutan.
"That's all the rules, but we'll recap it again for you to keep it all in mind. We'll still focused 'bout the rules and regulations for the whole three days and then jump to study are both different positions and of course the SignificantScience Olympiad that we're both in position as well. So, you can leave now and then come back here tomorrow afternoon."
Malamig niyang sabi at sa halip na ako dapat ang mauunang umalis ay kaagad na siyang naglakad palayo at naiwan na naman akong nagliligpit rito ng mga gamit ko. Lumipas ang mga araw at gano'n lang ang laging tagpo nitong simpleng buhay ko.
"Languages and Linguistics," paunang sabi ni Zach habang inilalapag sa harap ko ang isang napakakapal na libro. "Book of Literature, Performing arts, Philosophy, Religion and Religious Studies, Visual Arts, and lastly the book of History." Nalaglag ang panga ko habang nakatingin sa anim na makakapal na librong patong-patong na inilapag niya ngayon sa harap ko.
"Ang dami naman nito?" Wala sa sariling usal ko habang namamangha pa ring nakapangko ang tingin sa maraming makakapal na libro.
"Yea, that's plenty, so better start reading that now."
"Huh?! Babasahin?!" Bakit ganito kadami Hindi man lang siya nag-abalang sagutin ang tanong ko at walang pakialam lang na naupo sa kabilang bench.
"You'll need to finish reading all that books before this week ends," namilog ang mga mata ko sa gulat sa huling sinabi niya.
"Pero hindi ko 'to mababasang lahat sa loob lang ng isang linggo?"
"That's not part of my problem anymore." Walang pakialam lang niyang tugon.
"Pwede bang hindi ko sundin 'yang mga sinasabi mo?"
"Of course not! I'm your mentor so don't you dare, nerdo!"
"Pero ang dami talaga nito-"
"Woi, nandito lang pala 'tong dalawang 'to!" Rinig kong boses ni Raila. Sabay kaming napalingong dalawa ni Zach at hayon na nga sina Esther, Chad, Raila, at Cairo na kinukulit si Laira na halata na ring naiinis na.
"Our HHU's genius students!" Ani Cai ng makalapit silang lahat sa direksiyon namin.
"What are you all fcking doing here? Haven't you fcking noticed that where fcking busy reviewing here?!"
"Hay nako. High blood ang isa riyan!" Sarkastikong wika ni Laira.
"Gusto yatang masolo kaibigan natin, e!"
"Ows... Is that true bud?" Nang-iinis pang tanong ni Cai sa naiiritang mukha ni Zach.
"Shut up, Cai. Don't give me a reason to fcking cut your neck."
"Yah! Lalagutan mo 'ko, hindi ko pa nga nakukuha si Laira e!" Kaagad namang gumuhit ang inis sa mukha ni Laira matapos marinig iyon.
"Ano nga pa lang ginagawa niyo rito? Hindi ba kayo mag-rereview para sa forthcoming NIO?" Kuryuso kong tanong sa kanila.
"Uh, we just wanna review here with the both of you," si Esther.
"Yea, pinilit nga lang namin ang dalawang 'to na sumama e... no, si Chad lang pala. Hindi naman kailangang pilitin 'yang si Cai, dahil hindi pa natatanong oo na kaagad ang sagot. That's Laira's effect," si Raila naman.
"Pwede ba kaming dito na lang din magreview?" Nakangiting tanong ni Esther.
"Fcking No!"
"Oo naman!"
Nagkatinginan kaming pareho ni Zach sa sabay ngunit hindi pareho naming sagot. Hindi naman kaagad na nakapagreact ang lima sa naging sagot naming dalawa.
"Don't be an asshole Zach, I'll accept that as a yes. Marami pa 'kong babasahin." Blankong tugon na lamang na tugon ni Chad na siyang pinakamabilis na nakabawi sa eksena. Naka-number 4 itong naupo sa pinakagilid na bakante ng mahabang silya saka nagsimula nang basahin ang libro niyang dala.
"Yea, don't worry Zach, pwede ka pa rin namang magparaparaan diyan kay Yeri, even when we're here." Si Cai na biglang inakbayan si Zach. Ano na namang pinagsasasabi niya, binabanggit-banggit pa ang pangalan ko. Hindi ba niya alam na nandito ako?
"Shut the fck up, Cai!" Inis na lamang na tugon ni Zach, napahagikhik na lamang si Cai saka naupo na rin sa tabi ni Laira at nagfocus na rin sa pagbabasa.
"Kailan nga pala alis mo, Raila?" Tanong ko sa na sa tabi kong si Raila sa mababang boses.
"Tomorrow, tommorow na kasi ang schedule ng flight namin."
"Uh, bukas na pala alis mo."
"Yea, mamimiss nga kita, e!" Aniya sabay pasimpleng yakap sa 'kin.
"Hindi ka naman siguro magtatagal do'n hindi ba?" Ewan ko ba, pero bakit ayaw ko siyang umalis at gustong manatili na lamang siya rito.
"Maybe after one month, kasama si Shawn."
Pagkatapos pasimpleng mag-usap ay bumalik na kaagad kami sa kaniya-kaniya naming pinagkakaabalahan. Sa gitna ng pagbabasa ay napaangat ako ng tingin sa kanilang lahat at napangiti na lamang habang isa-isa silang pinagmamasdang abala sa pagbabasa.
Si Chad na seryoso lang ang mukha na nagbabasa habang si Esther naman ay pansin kong nagpapasulyap-sulyap rito. Hay... kailan kaya siya mapapansin ni Chad.
Binalingan ko naman ng tingin ang dalawang sina Laira na kanina pa kinukulit ni Cai. Hindi tuloy makapagpokus sa pagbabasa kaya heto't mukhang sasabog na sa sobrang inis. Habang si Raila naman ay patuloy lang rin sa pagbabasa, kahit hindi naman siya kasama sa NIO competition. Trip lang yata.
Taka ko namang binalingan ng tingin si Zach na kahit tahimik lang na nagbabasa ay hindi pa rin maipinta ang mukha. Ano ba ang problema niya? Buti nakakapag-review pa siya sa ganiyang mukha. Sa pagkakaalam ko'y ayos naman ang temperatura niya kanina, pero ngayong dumating sila ay naging ganito siya bigla.