Chereads / Hidden Persona Zarie Series / Chapter 30 - Chapter 30

Chapter 30 - Chapter 30

BEGIN

Walang buhay akong naglalakad rito sa may hallway patungo sa room ko. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin tuluyang natatanggap ang katotohanang wala na 'kong trabaho. Bakit ganoon, kahapon at ngayon. Parang isang saglit lang ay nawalan na kaagad ako ng tatlong mahahalagang bagay na tumutostos sa pang-araw-araw naming pangangailangan?

Tuluyan lamang akong nabalik sa riyalidad ng mabunggo ako sa isang matigas na dibdib ng 'di ko alam kung sino. Napaangat ako ng tingin at nakita siyang nakatingin lang sa 'kin ng nakataas ang isang kilay. Na sa likod niya sina Chad na blanko lang ang mukha at si Cai naman na nakangiti lang sabay kindat pa sa 'kin.

Hindi rin mawawala ang mga taong nakatingin sa 'kin ng masama sabay bulongan pa habang naglalakad paalis. Medyo matagal ko ng nakakasabay at nakakasama ang masungit nilang hinahangaan kaya nasasanay na rin ako habang lumilipas. Hindi ko na lamang ito pinagtutuonan pa lalo ng pansin.

"Pasensiya na," tanging tugon ko at hahakbang na sana palayo ng bigla siyang nagsalita.

"Looking lifeless, huh?" Nang-iinis na aniya. Dahan-dahan niyang hinawakan ang baba ko at inangat ito para tingnan ang kaniyang mukha. "Is that the face of someone who lost three jobs looks like?" Dagdag niya pa malapit sa 'king mukha.

Napatitig naman ako sa kaniya. Pa'no niya nalamang wala na ang tatlong trabaho ko, gayong ang alam kong sinabi ko lang naman sa kaniya ay ang tungkol sa pagiging ice cream vendor ko?

"Pa'no mo nalamang wala na ang tatlong trabaho ko?"

"I don't think it's necessary to tell you." Aniya habang nakatingin lang sa mga kuko niya. Ang galing naman niya, pati 'yon alam niya.

"Okay," tanging sambit ko at nilagpasan sila. Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad nang biglang lumapit sa 'kin sina Esther at Laira.

"Hey!" Bakit dalawa lang sila?

"Nasaan si Raila?"

"Hala, hindi mo alam? Ngayon na alis niya," Esther. Napatulala ako, bakit ba nakalimutan kong ngayon na pala ang alis niya. Hay, mamimiss ko siya.

"Nakalimutan ko," pag-amin ko.

"As expected," umirap si Laira sa hangin. "Ang dami mo kasing iniisip hmp! Let's go to the cafeteria first, I didn't have my breakfast!"

"...nakakainis! He's getting to my- hey!" Namalayan ko na lang ang nakanguso niyang mukha. "Your spacing out?"

"Pasensiya na," nakatungong tugon ko. Sa sobrang pag-iisip kong makahanap ng panibagong trabaho ay hindi ko man lang napagtatantong tuluyang lumalayo ako sa huwisyo.

Naramdaman ko na lang ang paghawak niya sa kamay ko at ng mag-angat ako ng tingin rito ay nakatingin na rin ito sa 'kin.

"What's bothering you?"

Ngumiti ako, "wala naman-"

"I know there is, Yeri, we're friends now right?" Tumango ako. "Then you can open up on me — on us! That's what friends are for."

Sa huli ay napabuntong-hininga na lamang ako at kasabay ng pagdating ni Esther dala ang pagkain ay nagsimula ko na ring ikuwento sa kanila ang kanina pang bumabagabag sa aking isipan.

"Hindi ko lang talaga akalaing kahapon at ngayon lang ang lumipas ay wala na kaagad ang tatlo kong trabaho," pagpapatuloy ko pa.

Malungkot lang ang mukha ni Esther ng balingan ko ito ng tingin habang si Laira naman ay napatango-tango lang at parang ang lalim pa yata ng iniisip.

"You think it's just a coincidence?"

"Yea, I'm thinking about it, too, I feel like something strange has happened about that," ani Laira at Esther.

"Anong ibig niyong sabihin?" Naguguluhan kong tanong. Hindi ko sila maintindihan.

"Maybe they're all connected, I mean... that's really strange! Imagine, three types of different part-time jobs disappear at the same time?" Laira

"Can it be possible, someone's behind why Yeri's facing this?"

Hindi naman ako makapagsalita dahil hindi ko naman sila maintindihan.

"Mayroon ka bang kaaway or kagalit or something that wants you to lose your job?" Napaisip naman ako sa sinabi ni Esther.

"Kung galit lang, maraming galit sa 'kin. Pero 'yung kagalit, sa tingin ko wala naman. Si Zach, hm..." napaisip ako, siya kasi ang may pinakamatinding galit sa 'kin. "Alam ko namang galit siya sa 'kin... pero hindi naman ako galit sa kaniya, naiinis lang."

"Zach?"

"Oo, nagulat nga ako kanina, e. Ang galing-galing niya, hindi ko naman siya sinabihan pero alam niyang wala na ang tatlong trabaho ko."

"I'm sure it's Zach," Esther.

"Zach?" Naguluhan ako bigla.

"Zach is the only one I know who can do that towards you."

"Matinding galit — aray!" hindi na natapos pa ang sasabihin ko ng batukan ako ni Laira sa ulo.

"Hindi ka ba nag-iisip, Zach is the only reason why you've lost your three jobs!"

"Huh? Pa'nong si Zach ang rason?"

"Tss! First if all, he's the only one who has a lot of hate for you and how did he know you don't have a job anymore? It's because he's the one behind all of this, Yeri! Do you now get the point?" Laira.

"Binigyan ka na nga niya ng hint e, 'yon lang, hindi mo naintindihan."

Napatulala ako, bakit ba ang tanga ko? Hindi ko man lang naisip na sinadya ang pangyayari.

"So what now? Gusto mo samahan ka namin?" Esther.

"Yea, sulungin natin?" Laira.

Hindi na 'ko nakapagsalita pa ng biglaang nagbell hudyat ng pagsisimula ng klase.

"Yah! I have to go. Lagot ako kay Prof!"

"Yea, I have to go na rin. Let's go, Yeri!"

Sabay-sabay kaming tumayo at naghiwa-hiwalay na rin. Naglakad na sila papunta sa kani-kanilang mga room habang ako ay naglalakad patungo sa room ni Zach. Hindi ko alam kung sa'n 'yon sa totoo lang, pero bahala na! Gusto kong malaman kung bakit niya ginagawa sa 'kin 'to. Kung bakit niya 'ko pinapahirapan ng ganito.

Nararamdaman ko na ang namumuong luha sa mga mata ko habang naglalakad rito sa may hallway ng bulding na 'to kung sa'n naro'n ang room niya. Mas gugustuhin ko pa sanang sisihin ang pagiging malas ko, ang tadhana, ang pagkakataon kung bakit ako minamalas ng gan'to. Hindi ang sinumang tao, napakasakit lang kasi. Napakasama!

"Diba representative natin 'yan?"

"Oo nga, what is that doing here?"

"Ang alam ko rin taga ibang building 'yan?"

"Malamang, do'n kaya building ng mga first year."

"So why is she here?"

"Baka lalandiin na naman si fafa Zach."

At kung ano-ano pa ngang bulungan ang naririnig ko sa mga taong nadadaanan ko, pero nawala na kaagad iyon sa isip ko nang mahagip ng paningin ko ang tatlong likod ng matatangkad na lalaking naglalakad sa gitna ng maraming tao rito sa hallway. Kaagad akong tumakbo at nang makalapit ay kaagad na hinawakan ang braso nito at hinila paharap.

"Sandali!" Napalingon kaagad hindi lang ang Hellion3 kun'di pati na lahat ng tao rito sa hallway.

Hindi muna ako nakapagsalita sa halip ay tinitigan lang siyang nakataas ang isang kilay, habang ang dalawa ay nananatiling blanko lang ang mga mukha.

"Sabihin mo ang totoo, ikaw ba ang may gawa kung bakit nawala lahat ng trabaho ko?" Lakas-loob kong tanong at bahagyang napangisi lang siya.

"I already gave you a hint, but your so slow."

"Sagutin mo ang tanong ko!"

"What if I say yes?" Diretso niyang tugon. Na siyang nagpatigil bigla ng mundo ko.

"Bakit?" Walang-buhay kong tugon na nagpawala sa kaunting ngiting nakaukit sa mga labi niya. "Dahil ba hindi ko tinanggap ang offer mo?"

Bahagya niyang niyuko ang ulo niya para magkapantay kami ng tingin. "Hindi ba sinabi ko sa 'yong sa 'kin pa rin 'yang bagsak mo?"

"Akala mo ba tatanggapin ko ang offer mo pagkatapos ng ginawa mo?" Bahagyang dumaan ang inis sa maganda niyang mukha matapos kong magsalita. Tsk! Bakit ganito, pinupuri ko pa talaga ang ka-gwapuhan niya kahit ganito na ang ginawa niya?!

"You said you already have a job so you refused to take my offer, ngayong wala na siguro naman tatanggapin mo na?"

"Sinayang mo ang tatlong trabaho ko dahil lang sa pansariling interes mo. Bakit? Dahil ba kaya mo?" Hindi siya nakasagot lalo na ng makitang tumulo ang mga luha ko sa mga mata ko. "Akala mo ba madaling makahanap ng trabaho? Na kasing-dali lang ng kung pa'no mo 'yon kuhanin sa mga kamay ko?"

Nasapo ko na lamang ang mga mata ko ng maglandas na naman ang mga luha nito.

"Hindi Zach! Hindi. Pantustos 'yon sa pang-araw-araw namin ni nay, pambili 'yon ng mga gamot niya! Bakit ba ganiyan ka?"

Nanlalabo na ang mga mata ko sa sobrang dami ng mga luhang namumuo rito. Ang sakit lang! Sobrang sama naman niya kung ang kasiyahan niya ay ang paghihirap ko!

"Wala naman akong ginagawang masama sa 'yo! Bawat trabaho ko pinaghihirapan ko naman. Wala 'kong kinukuha sa 'yo, pero bakit dinedepende mo ang buhay ko sa mga kamay mo? Bakit mo 'ko pinapahirapan ng ganito? Masaya ka bang ginagawa mo 'to, na nakikita mo 'kong naghihirap ng ganito? Nasaan ba ang saya roon Zach? Nasaan ba, huh?"

Tanong ko pero hindi man lang siya nag-abalang magsalita. Sa huli ay napapunas na lamang ako sa sariling mga luha ko at pinigilan ang emosyon ko.

"Wala na ang tatlong trabaho ko. Sana naman masaya kanang nangyari 'yon?" Tugon ko bago tumakbo palayo.

Nang matapos ang klase ay maaga akong namasahe pauwi ng bahay. Pagkabukas ko ng pinto ay naabutan ko si nay na nanghihinang nakatayo habang nakahawak sa may dibdib nito. Namumutla ang mukha niya at talagang nanghihina siya ng bumaling ang mukha nito sa 'king bagong dating.

"Ayos ka lang po, nay?" Agaran kong tanong rito ng makalapit. Hinihimas ko pa ang likod niya, nag-aalala na 'ko sa kaniya, hanggang ngayon ay wala pa rin sa tamang kulay ang mga labi niya.

"Naninikip ang dibdib 'ko, anak..." nanghihina niyang tugon.

"Umupo ka muna po, nay, kukuha lang ako ng tubig pagkatapos ay pupunta tayong-"

"Alam mo namang wala na tayong pera anak, ikuha mo na lamang ako ng tubig at lilipas din ito."

"Hindi po nay, pupunta tayo ro'n." Pagmamatigas ko.

"Pero wala na nga tayong pera, anak?"

"Ako na po ang bahala ro'n, ang mahalaga ngayon ay maidala kita ngayon sa hospital." Sambit ko at tinungo ang kusina para kumuha ng tubig.

Mabilis kaagad akong naghanda ng mga gamit na kakailanganin namin sa hospital. Sumakay kami sa isang tricycle at napaluha na lamang ako dahil wala pa ring pagbabago sa kaniyang mukha. Namumutla pa rin siya hawak-hawak ang dibdib niya. Mas lalo lang nanghihina.

"Malapit na po tayo, nay."

"Diyos ko, Yeri hindi ako makahinga." Napatalikod na lamang ako para itago sa kaniya ang mga luhang nag-uunahang tumulo sa mga mata ko.

Kaagad siyang inihiga sa stretcher saka idineretso sa isang kwarto. Admitted na naman siya pagkalabas ng doktor, ilang araw din ang dapat asahang pananatili niya rito kaya dapat na rin akong mag handa ng malaki-laking halaga ng pera.

Nakatayo lang ako rito sa labas ng silid ni nay habang walang tigil sa pag-iyak. Ayaw kong tanggaping ang katotohanang habang tumatagal at pahina lang ng pahina ang tibok ng puso niya. Ayon sa doktor ay tanging mga medisina na lamang ang bumubuhay sa kaniya kaya kailangan talagang hindi mawala 'yon sa pang-araw-araw niya.

Pero paubos na 'yon at hindi ko alam kung sa'n ako kukuha ng pera pambili ulit niyon, e kahit pambayad nga rito sa hospital ay wala ako! Wala na ang tatlong trabaho ko.

My personal maid...

Rinig kong bulong sa likod ng aking isipan. Kaagad namang pumasok si Zach at ang offer niya sa utak ko. Ano kaya kung tanggapin ko ang offer niya? Malaki-laking halaga rin 'yon — pero hindi! Hinding-hindi 'yon mangyayari.

Pero tama ba 'to? Tama bang tumanggi na 'ko gayong si nay na ang pinag-uusapan rito?

"Aish! Jusko, anong gagawin ko?" Tatanggapin ko na lamang ba o magmamatigas pa rin ako rito kahit na si nay na ang nakasalalay rito?

Napatungo na lamang ako sa sarili kong mga braso nang biglang may nalaglag na kung ano mula sa totebag ko. Mukhang calling card 'yon, pero sa'n naman kaya galing 'yon at bakit na sa totebag ko?

Kuryusong kinuha ko naman iyon sa sahig at ilang sandali lang ay napagtantong numero ito ng isang telepono. Kaagad namang pumasok sa isip ko ang mukha ng magandang babaeng nagpatuloy sa 'kin sa bahay niya, no'ng gabing may niligtas akong bata sa daan.

"That's my number. You can call me anytime you want if you really need a job. It's my pleasure to help a girl like you, baby."

Napangiti ako nang bumalik sa utak ko ang huling sinabi ng babar bago 'ko tuluyang umalis sa napakaganda niyang mansion. Nakitawag ako sa isang nurse na na  sa may counter line at tinawagan ang numerong na sa card. Ibabayad ko pa sana sa kaniya ang bente pesos kong natitira, pero ngumiti lang siya saka 'ko sinabihang itago ko na lamang 'yon.

Unang pa lang ay nagsisimula na kaagad akong kabahan. Sana naman ay may patunguhan 'tong ginagawa ko. Nakakahiya pa naman sa magandang babae, todo tanggi pa man din ako no'n tapos ngayon ay tatawag-tawag ko para bawiin at kuhanin ulit ang iniaalok nitong trabaho.

"Yes, hello?" Binalot kaagad ng kaba ang katawan ko at gustuhin ko mang magsalita ay walang lumalabas sa bibig ko.

"Hello?" Sambit nito sa pangalawang pagkakataon.

"Uhm... h-hello p-po?"

"Yea, who's this?"

"Uhm... a-ako p-po si Y-Yeri.."

"Yeri?"

"Opo, yung iniaalok niyo pong trabaho noong una?" Sambit ko pero wala kong narinig sa kabilang linya pagkatapos. Hindi niya na yata matandaan. Pero hindi dapat ako mawalan ng pag-asa. "Yung binigyan niyo po ng-"

"Yea, I remember you baby." Napakurap-kurap ako sa hangin sa sinabi niya. "Bakit ngayon ka lang tumawag? Three weeks na 'kong naghihintay, I thought you're not even planning to call my number but I'm glad you did!" Napangiti ako at nararamdaman ko na rin kahit papa'no ang dahan-dahang pagkawala ng kaba ko. Napakabait niya.

"Uhm... Pasensiya na po, tinanggihan ko kayo noong-"

"It's okay, baby don't be sorry, forget it. I'm gonna send you my address right away after this call and you can come anytime you want to talk about it."

"Uhm... pwede po ba kung... bukas kaagad?"

"Yea! That would be great actually. See you tomorrow then I guess?"

"Opo, makakaasa po kayo, maraming salamat po, mam."

"Yea, thanks to you, too, I'm so excited to see you again baby. I'll wait for you tomorrow, bye!"

"Bye po," naiilang na sambit ko at saka na nga nito tuluyang pinatay ang tawag.

Napangiti ako ng maibaba ang teleponong hawak ko. Maraming salamat at may panibagong trabaho na 'ko. Magkakaroon na rin ako ng pambayad rito sa hospital kapag bumuti na ang lagay ni nay, maibibili ko na rin ito ng gamot, gano'n na rin sa pantustos sa pang-araw-araw naming pangangailangan at higit sa lahat, hindi pa rin kay Zach ang bagsak ko katulad ng sinabi niya.

Hindi ako pumasok kinaumagahan dahil naghanda kaagad ako para makapunta sa address na sinend ng babae pagkatapos ng tawag. Sa ngayon ay nasa may gate na 'ko ng isang napakalaking mansion. Hindi ko akalaing makakapasok ulit ako rito sa pangalawang pagkakataon.

"Hello po, ako po si Yeri Miel Del Rey-"

"Alam na po namin, mam," niluwagan ni manong Guard ang pagkakabukas ng gate at pinatuloy ako. "Kanina pa po kayo hinihintay ni mam Clea," dagdag pa nito. Clea pala ang pangalan niya.

May isang maid na nagguide sa 'kin papasok sa loob hanggang sa makarating kami sa may living room.

"Maupo ka muna hija rito sa may sopa at tatawagin ko si mam Clea." May ngiti sa mga labing wika ng isang matandang katulong.

Ilang sandali pa muna akong naghintay habang nakaupo rito sa may sopa nang mahagip ng mga mata ko si mam Clea na ayos na ayos ang pananamit at para pang nagmamadali.

Tumayo kaagad ako pagkababa ito. "Hello-"

Hindi na natuloy pa ang sasabihin ko nang salubungin kaagad ako nito ng yakap. "Hello baby."

Bakit po ba "Baby" ang tawag niyo sa 'kin? Mukha po ba akong bata?

Tanong ko sa kaniya sa likod ng aking isipan. Naupo kami ng magkatabi sa sopa.

"Tamang-tama ang dating mo, nabago kasi ang schedule ng flight ko. Medyo napaaga but it's okay, what's important is that you're here." Napatango-tango na lamang ako.

"Salamat po,"

"I'm sorry, baby, I can't accompany you here because I'm in a hurry. I might be late for my flight." Nakangusong aniya at napangiti naman kaagad ako. "But you can start your job now."

"Ayos lang po sa 'kin 'yon. Pero ano po ba ang magiging trabaho ko?" Magalang na tanong ko rito. May inabot naman sa kaniya ang katulong na na sa tabi niya na hindi ko malaman kong ano.

"You're going to be the personal maid of my only son and also, here's your contract. Sign this and we'll be done." Iniabot niya sa 'kin ang nasabing kontrata at isang ballpen. "All you're responsibilities as a PA, you're schedule, also you're breaks, etc. are all enclosed to that contract. Just sign it baby and we're done."

Nabasa ko pa kung ga'no kalaking pera ang sweldo sa isang buwan kaya hindi na 'ko nagdalawang isip na pumirma.

"Uhm... may hihilingin po sana ako mam Clea." Nahihiyang sambit ko at napangiti lang siya.

"Sure, what is it baby, hm?"

"Uhm... pwede po bang magadvance-"

"Yea, of course. Yaya Niña will take care of that, I really have to go now. You can also have a copy of the contract to review and at least be guided by it. Yaya Niña will take care of it as well, she will also assist you here to be the personal maid of my son. I really have to go now, bye, baby!" Aniya pagkatapos akong ibeso sa pisngi saka nagmamadaling naglakad paalis.

"Heto na ang kontrata hija, nakalagay diyan ang mga kailangan mong gawin sa buong umaga, hapon, at gabi. Katukin mo na muna si Sir doon sa may pinakadulong kwarto sa third floor at ako na ang bahala sa agahan nito."

"Opo," aakyat na sana ako ng tawagin nito ang pangalan ko.

"Po?"

"Mag-iingat ka, uh!"

Bagaman nawi-wierd-uhan ay tumango na lamang ako at nagpatuloy sa pag-akyat.