Chereads / Hidden Persona Zarie Series / Chapter 36 - Chapter 36

Chapter 36 - Chapter 36

STRANGE

Nagsimula na ang second game, nandito na sa harapan namin ang mga test questionnare na siyang sasagutan ulit namin. Kailangan kong mas lalo pang pag-igihan sa pagkakataong ito. Dumaan ang ilang sandali at habang abala sa pagsagot ang lahat ay masasabi ko ngang mas mahirap ito ngayon kumpara kanina.

Hindi pa man ako nangangalahati ay maraming beses ko ng nahuhuli ang sarili kong tulala habang iniisip ang pinag-usapan namin ni Trixie. Hanggang ngayon kasi ay pinoproseso pa lang ng utak ko ang mga sinabi niya.

Hindi ko sukat akalaing may cancer siya at ngayon nga ay tatlong buwan na lang ang natitira sa kaniya. Marami rin ang galit sa kaniya dahil sinaktan niya ang puso ng taong mahal niya. Ang Shawn na iyon at isa na nga ro'n ang Hellion3.

"Miss Delay!" Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko sa sigaw na iyon. "You came here for the competition, not to fly with your brain in the middle of this game!"

Agad akong nataranta nang mapagtantong natulala na naman ako at ngayon nga ay nahuli na ako ng guro.

"Baka naman gusto mong ihagis kita sa labas," narinig ko ang tawanan ng ilan at wala na 'kong iba pang nagawa kun'di ang mapatungo na lamang. "Are your thoughts going to help you answer your test paper huh? Nahiya naman ako sa 'yo, kamusta? Nadala kana ba niyang mga imahinasyon mo sa outer space, huh?"

"Sorry po," nakatungong sambit ko.

"Sa 'yo na 'yang sorry mo, balik na sa pagsagot!"

Bumalik kaagad ako sa pagsagot matapos ang kahiya-hiya na namang pangyayari. Hanggang ngayon ay naririnig ko pa ang tawa ng ilan dito sa silid. Sinubukan kong pansamantala munang tanggalin sa isip ko ang nangyari at magpokus na lamang ngayon sa pagsagot.

Pero hindi nagtagal ay nagulat ako nang nagbell na kaagad hudyat ng pagtatapos ng tatlong oras. Katulad ng nangyari kanina ay nagbaba kaagad kami ng ballpen sabay taas ng dalawang kamay pagkatapos. Pero nakapako ang mga mata ko sa testpaper na sinagutan ko. 493 pa lang ang nasagutan ko.

Hanggang do'n lang at blanko pa ang iba! Ano bang nangyayari sa 'kin, mas malala pa ito kumpara kanina! Kinuha na ang mga sagot namin. Katulad ng nangyari kanina, pinahiya na naman ako ng guro at pinagtawanan ako ng mga estudyante rito sa silid. Jusko, maling mali 'to!

"What's happening to you Miss Del Rey? I thought you could suit in this competition, I thought you're that smart enough but you just disappoint me!" Bulyaw sa 'kin ni Prof matapos ang patimpalak.

"Sorry po, Prof," tanging sambit ko.

"How come, there is no results yet as to who will won, but we surely don't have a chance right now. When did it happen that you answered only half of all the items given? Hindi pa nga nangangalahati Yung isa? Now, what face are we going to present to Mr. Principal and the other faculties, huh? Miss Del Rey, I'm serious about this, sana man lang nagseryoso ka rin!"

"Sorry po, Prof."

"Your sorry can't change anything. Humanities is a very important position, that's where the NIO admins will hire a representative to represent the country for the International Intelligence Olympiad, and now it's gone! Even only a bit chance."

Sa ngayon ay parang gusto ko na lamang umiyak sa sobrang galit niya.

"We don't have, because of what you did! Kampante pa akong may chance tayong manalo. If you just want to embarrassed me with Mr. Principal and the other faculties, our University for other Universities, Mr. Principal to his friends then you just did a great great job! You embarrassed everyone that are expecting you to suit the position given to you!"

Kasabay ng pagpatak ng luha sa mga mata ko ay ang pag-walk out ni Prof. Galit na galit siya, hindi ko naman intensyong ipahiya ang lahat ng tao sa HHU at ang University pa mismo pero nangyari na at kasalanan ko talaga. Binigo ko si Prof, binigo at pinahiya ko silang lahat. Dinamay ko sila sa kahihiyan ko at sobrang sakit n'yon sa parte ko.

Naupo ako sa nag-iisang bench rito sa pinakalikod nitong University at dito ko muna binuhos ang pag-iyak ko. Hindi ko napanindigan ang posisyon ko sa halip ay ipinahiya ko lang lahat ng tao sa HHU, lalo na si Prof. Pinagkatiwalan niya 'ko pero sinira ko 'yon kung kaya't galit siya sa 'kin ngayon.

Napasinghap ako nang may biglang maupo sa tabi ko. "You maybe need this," iniabot niya sa 'kin ang isang itim na panyo. Sa halip na kunin 'yon sa kamay niya ay napatitig lang ako sa kaniya.

"Chad?" Wala sa sariling usal ko. Bakit siya nandito?

Ngumiti lang siya at hindi na hinintay pang kunin ko ang iniaabot niyang panyo sa akin dahil siya na mismo ang nagpunas ng luha sa mga mata ko.

"I'm just taking a moment to stay here, out of people when I suddenly saw you here... crying, is this about the game of your position?"

Wala sa sariling napatango-tango ako.

"Pinagalitan ako ni Prof, kaunti lang kasi ang nasagutan ko sa dalawang laro kanina," pagsasabi ko ng totoo.

Ngumiti lang siya matapos magtagpo ang mga mata naming dalawa.

"Para lang do'n, iiyak ka na?" Natatawang aniya.

"Hindi naman maliit na bagay 'yon, eh!" Sambit ko habang nagpupunas ng mukha ko.

Tumawa siya, "you're like a kid."

Napanguso na lamang ako at nakakainis siya. Umiiyak na nga ako tapos tinatawanan niya lang ako. Ang akala ko pa naman mabait siyang kaibigan.

"Bakit ka ba nakangiti riyan?" Inis ko siyang tiningnan.

"Para ka kasing bata habang umiiyak? Ang weird nga eh, hindi ka naman cute."

"Tama ka hindi naman talaga ako cute," sabi ko saka pinakatitigan siya at hinawakan ang baba niya at hinarap iyon malapit sa mukha ko. "Ikaw ang cute oh!"

"Tsk!" Mabilis niyang iniwas ang kaniyang mukha at hindi makatingin sa 'kin ng diretso.

Ilang segundo rin bago ko napagtanto ang pamumula ng kaniyang mukha. "Teka... nagba-blush ka?" Kuryoso kong tanong sa kaniya, pero hindi pa rin siya makatingin sa 'kin ng diretso.

"Of course not!"

"Uy, nagba-blush siya oh..." tudyo ko pa. Ang cute niya.

"Tsk!" Parang naiinis na siya pero tinawanan ko lang siya. Namumula talaga ang pisngi niya haha.

Ilang sandali pa muna kaming nanatili rito sa likod nitong school at pagkatapos ay nagpasya na ring bumalik. Salamat kay Chad at medyo gumaan din ang pakiramdam mo kahit papa'no, pero hindi pa rin talaga kaya n'yong tanggalin ang kaba at hiya ko sa magiging reaksiyon at sasabihin ng mga tao sa HHU.

Si Mr. Principal, mga teachers, mga kasama ko rito at gano'n na rin ang mga tao sa HHU. Siguradong mas lalo lang nila akong kaiinisan, parang nilaglag ko na rin kasi ang Humanities na pinaka iingat-ingatan nila. Sina Cai, umasa silang lahat na mas pag-iigihan ko pa sa pangalawang laro pero mas lalo pang lumala. Nakakahiya!

Sumakay na ng bus ang ilan sa mga kasama ko kaya pumasok na rin ako. Naupo ako kung sa'n ako umupo kaninang umaga. Tahimik lang ang lahat, mukhang mga pagod sa buong araw. Pagkaraan ng ilang segundo ay maliban sa masamang tingin sa 'kin ng fan ni Zach na nasa kabilang upuan lang ay  nahagip ko rin ang pagpasok ni Zach.

Saktong nagtama ang mga mata namin nang mag-angat siya ng tingin pero blanko niyang iniwas sa 'kin ang kaniyang mga mata at malakas ang presensiya na humakbang patungo rito sa kaniyang upuan. Hinintay kong maupo siya rito sa tabi ko pero nagulat ako nang makitang sa tabi siya ng fan niya naupo. Wala sa sariling napatitig ako sa kaniya.

"Tss!" Tanging narinig ko sa kaniya nang sa pangalawang pagkakataon ay magtagpo ang aming mga mata. Bakas din ang gulat sa mukha ng fan niya pero mas nangibabaw roon ang saya sa kaniya kaya naman agad nitong niyakap ang braso ni Zach. Nakita ko pang nakataas ang kilay niya 'kong tiningnan na para bang nanalo siya sa isang kompetisyong ako lang ang kalaban niya.

Napatikhim na lamang ako at umayos sa pagkakaupo rito sa kinauupuan ko. Ang akala ko ay tatabi siya sa sa 'kin sa pag-upo pero sa fan niya siya dumiretso. Alam ko namang palagi siyang masungit sa 'kin pero ng tingnan niya 'ko kanina ay parang may iba. Hindi ko alam pero parang galit siya.

Napabuntong-hininga ako. Siguradong alam na ng lahat ang naging resulta sa kompetisyon ko kanina at siguro ay galit nga siya. Naiintindihan ko naman siya, sino ba naman ang hindi magagalit, siya ang nagsilbing mentor ko para i-train ako pero katulad ng ginawa ko kay Prof, binigo ko rin siya.

Nagsimula ng umandar at gumalaw ang sinasakyan naming bus, nanatili namang tahimik ang lahat. Hindi ko alam pero panay ang sulyap ko sa gawi ni Zach at ang hindi ko pa maunawaan at palaging napapako ang mga mata ko sa braso ni Zach na yakap-yakap ng fan niya. Ano bang nangyayari sa 'kin?

Sa hindi malamang dahilan ay nakakaramdam ako ng inis. Hindi ko alam kung sa'n nanggagaling iyon kaya sumandal na lamang ako sa bintana rito sa gilid ko habang na sa labas ng bintana ang mga mata ko.

Zach's POV

"She's unbelievable! Almost all the teachers are disappointed with her especially, Mr. Baltasar and Mr. Principal!"

I haven't even gotten close to them yet, but I can clearly hear the loud voices of Prof Kareem. I'm done with my position and as usual, everything goes well and effortless. It's just that nerdo make's all different and... hard.

"From the very start, I know that student won't do something good. How many branches of knowledge will she just drop, huh? The other two remaining?" Ms. Lindsay.

"Everyone did great for this day, no one had a problem... only by Miss Del Rey."

"If only we can replace that student for the two remaining positions for tomorrow and the next day!"

"But like what Miss Hace said, we can't do anything to change it."

"May pa volunteer pa siyang nalalaman, hindi naman niya kayang panindigan!"

"She can't even stand the first position, how much with the rest two, right?"

"What can we do now? The country's representative for the IIO depends on the Humanities but we haven't gotten the chance only because of that girl!"

"I really won't really be sorry for the punishment that will be inflicted on her-"

"Can you just all shut up!" My voice echoed which stopped the ill-headed teachers from talking non-sense. "The results of that humanities haven't been seen yet!" I shouted again.

"But there's no hope Mr. Evilord."

"How can you say so? Even she just answered half of the whole items of that fcking game doesn't mean you can all say anything bullsht's you want! You all don't know a thing so don't you all dared to say shts about her!" I mouthed roughly. They just stay in silence while heading their heads down.

"My Grandson has a low quality of words coming from his mouth everyone, but he's right."

Lolo's voice dominated the whole place, grabbing all of our attention. I saw how lolo's presence filled all of their selves with dread. It was obvious that they were all shocked and slightly confused by lolo's sudden entry into the conversation.

"We all don't have any rights to blame our representative who just gave her best even it's less than we all expected. This is not all about the items she just answered, the results always the matters and whatever the result is, everyone here did their best so no one here deserves blame."

Grandpa said and sighed after.

"You are all teachers but you don't act like one. I'm not disappointed with Miss Del Rey's because I'm more disappointed to all of you here who did nothing but to blame her."

"Sorry, Mr. Principal," they all said together.

"Tss!" I just hissed and started walking away from them.

"Where are you going, my grandson?" I heard lolo's voice.

"I'll just look for her," I'm sure she's crying already!

"Yeah, find her at nang makauwi na tayo."

"I'll look for her, too," Charity.

"Yea me too, baka mapa'no pa 'yon."

"Samahan na kita, Laira," Cai.

Nagkaniya-kaniga kami ng direksyon to find nerdo. How special, tss!

I just continue walking to search for her but I can't find her. Apart from the fact that this university is also wide, there are also a lot of fcking people in her. I can't find her!

Right! I can't really find her here among many people because she doesn't really like it. I remembered the first time I saw her at the back of one main building at HHU where I was used to hang out. No one even told me, even she herself but I know she doesn't want a specific place with crowded people. Maybe I'm right in thinking that she prefers a quiet place.

I have already been to a lot of buildings in this place but fck! I can't find her! I didn't stop, of course I won't stop 'til I find her but I wish I just didn't. I saw her on a bench... crying.

Fck!

I immediately step to go and comfort her when I saw Chad sitting right next to her. Using her handkerchief, he wipes those tears on her face. In a couple of seconds, I find myself getting annoyed with my fist clenched.

I don't know what's happening to me. This is also the first time I feel a strange dangerous emotion towards Chad. I saw how he changed her face from crying to smiling and I can't help but to get more annoyed.

Fck!

I don't even know why I'm just standing here and just being stupid, getting dumbfounded staring at the both of them that are now laughing. Fck! I don't even care! Ano naman ngayon kung kasama niya ang nerd na 'yan! For fck's sake I don't care!

I walk away trying to fade this outrage emotion filling inside me before this gets worst. But really fck! I can't help it!

"Hey, bud! Nakita mo na?" Salubong sa 'kin ni Cai.

"She's with Chad," I answered blankly while passing them with the two.

From a distant, I saw Chad enter the bus and after a minutes, there I find Yeri with her tote bag walking to enter the bus as well. Tumayo na 'ko sa kinauupuan ko pagkatapos ay naglakad na rin palapit sa bus. I don't know, it looks like I waited for her to enter first before me and I find it confusing. Only I know is that I'm annoyed with her seeing with Chad. I'm fcking... I'm fcking... I fcking hate that!

I entered the bus when suddenly, our both eyes met. I forced myself to cut those gazes and ignored her eyes staring at mine. Naiinis ako sa kaniya!

For the second time, our eyes met again. I saw it myself how she think I will sit beside her, but I change what she thinks will happen. Instead of sitting next to her, I sat beside Kelly.

I glance at her and form a half smile on my lips when I saw how her eyes get disappointed thinking I'm sitting next to her.

The bus started to moved at habang tumatagal ang biyahe ay pinagsisisihan kong naupo pa 'ko rito. Sobrang nakakainis ang babaeng 'to na na sa tabi ko. Kinukulong niya ang braso ko sa kaniya at sobra siya kung makadikit. Nakakarindi pa ang mga english na lumalabas sa bibig niya!

I don't know why she's like this, I mean she can speak tagalog or any other language she knows and comfortable to speak to. Hindi niya kailangang pilitin ang sarili niyang mag-english kung hindi naman niya kaya. Pwede naman siyang magtagalog, besides nandito naman siya sa Pilipinas.

She's really stupid. I know mas naiinis ako sa nerd na 'yon but it can't change the fact that this girl is more stupid than that nerd who I already hate for her Betty-like face.

The bus already stop at exactly three at the afternoon here at HHU. Our cars are her so dito tumigil ang sinasakyan naming bus. Maraming HHU students ang sumalubong sa 'min but half of us just ignore them.

Like the faculties that stand there as our coaches, we're exhausted. Yung tatlong kasama lang yata ni Trixie yung feel na feel sa mga estudyante na sumalubong, hindi na rin naman nakakagulat 'yon.

"I'm tired, hastle naman ng araw na 'to!" Reklamo ni Cai.

Hindi naman na kailangang sabihin 'yon, lahat naman ng kasama napagod, tsk!

"Me as well, uuwi na 'ko. Ikaw, Yeri sabay ka na?" Biglang tanong ni Charity. I know her because her family was close to us.

"If you want, sa 'kin ka na sumabay?" Laira.

"No, I insist, ako na maghahatid sa-"

"Sa 'kin siya sasama," I cut Chad's sentence.

Napatingin sa 'kin ang lahat. What's wrong?

"Ows, why is that, bud? Tapos naman na ang training niyo 'di ba? Hindi ka na niya mentor so why is this all about?" Tumawa siya. "I thought you hate our friend, Yeri?"

"Yeah, it's okay with me. Ako na ang maghahatid sa kaniya," Chad speaks again tss! "Let's go."

He stepped and hold nerdo's wrist but I immediately hold the other wrist of her hand to stop Chad holding and pulling nerdo's wrist making them all dumbfounded keeping an eye at us. I stared at him almost terrifying when he doesn't let go of nerdo's wrist.

"What's with this, huh?" Blanko niyang tanong.

"She's with me," his other brow rose up and plastered a half smile after what I said. My hands slowly turned into fist.

"Stop this bullsht, Zach. I'm taking her home. Let's go, Yeri," sabi pa niya and then pull Yeri thinking I'll let him.

I didn't take off my hands on nerdo's.

"Aray!" I heard merdo's voice when Chad pull her with my hands not releasing her.

I'm sorry but I can't take this off. I'm annoyed of what happened earlier at Dise de Para University but that doesn't make any sense right now. Hindi ko bibitawan ang palapulsunan niya.

"Get your hands off, Zach. Nasasaktan siya!"

"Ako ang maghahatid sa kaniya," I said while staring at him darkly.

"Come on you two! This is not a big deal. Ako na ang maghahatid sa-"

"No, it's really oka with me. Ako na," Chad cut Cai's words.

"Ano ba kayo-" I didn't let nerdo's words finish when I immediately drag her up to mine making Chad getting off her hands. Nerdo just pinned on my chest.

I like this position, para siyang nakayakap sa 'kin. Tss! Kita ko ang gulat sa mata nila but I don't give a sht. We leave them with a dumbfounded face as we walked at the parking lot.