JEALOUS
"What are you waiting for? Hindi ka sasakay.. just tell me if you don't want to?" Masama ang tinging tanong ni Zach pagkatapos akong pagbuksan ng pinto ng kaniyang kotse.
Hindi na ako nagsalita pa sa halip ay napatungo na lamang at pumasok na sa passenger seat. Ang sama naman ng araw na 'to, galit halos lahat ng tao sa 'kin dahil sa patimpalak ko kanina at ngayon ay galit din siya. Dati naman na siyang naiinis sa 'kin pero sa ngayon talaga ay kakaibang galit ang nakikita ko sa kaniya. Mata pa lang niya ay talagang nakakasindak na.
Ang mga titig niya kanina kay Chad, sobrang sama. Kinilabutan din ako nang mahagip kung pa'nong kumuyom ang isang kamay niya. Kung hindi ko lang siya kilala ay iisipin ko ng malaki ang naging kasalanan sa kaniya ni Chad. Nakakatakot talaga siya kanina, parang nag-aapoy ang kaniyang mga mata at kulang na lang talaga ay sapakin niya na si Chad. Mabuti na lang talaga at hindi niya ginawa.
Nako-konsensiya tuloy ako para kay Chad. Siguradong nadamay lang siya sa galit sa 'kin ni Zach kaya gano'n na lang niya itong pakitunguhan kanina.
Hindi ko nga maintindihan si Zach eh, alam ko namang mayroon siyang karapatang magalit pero no'ng sabihin ko sa kaniya no'ng una, ay parang wala lang naman 'yon sa kaniya. Ngayon lang talaga siya sobrang nagalit, kung pa'no niya kong tingnan, ganoong-ganoon 'yon noong una niya 'kong makita.
Baka inakala niyang babawi ako sa second game kaya hindi siya nagalit no'ng una at nang malaman ngang mas lalo lang lumala ang kinalabasan ay do'n na siya nadisappoint kaya ganito na lang kung magalit sa 'kin. Nakakatakot pala talaga siyang magalit, nadamay pa si Chad. Sana naman mapagtanto niyang mali ang ginawa niya. Best friend niya 'yon, eh!
Katahimikan ang namutawi rito sa loob ng kotse habang nasa gitna ng biyahe. Hindi ko magawang magsalita, nananatili lang akong nakatungo pero walang mangyayari kung ganitong tahimik lang kaming dalawa. Tsaka may kasalanan ako kaya kailangan ko ding humingi ng tawad sa kaniya.
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kaniya at dumoble ang kaba ko dahil bakas na bakas ang pagkairita sa kaniyang mukha. Jusko, gabayan niyo po ako. Nakakatakot siya!
"Sorry," sa sinabi ko ay napangiti siya, pero hindi 'yon yung ngiting dapat kong ikasaya.
"Sorry? Now you're being sorry for what you did, why, guilty?" Tanong niyang hindi ko malaman-laman kong pinasarkasmo niya ba o ano.
Napatungo ako, "oo," pag-amin ko.
"What? Fck! So your guilty, huh?" Sigaw niyang galit na galit ang mukha at tono ng pananalita.
Jusko, ano bang nangyayari sa lalaking 'to?
Nag-aalangan akong tumango-tango.
"Okay, guilty nga ako," sambit ko habang wala pa ring pagbabago sa galit at nakakatakot niyang mukha. "Sino bang hindi mako-konsensiya, inaway mo ang best friend mo dahil lang sa pagiging palpak ko sa patimpalak kanina. Sinama mo siya sa galit mo sa 'kin-"
"What? Are you fcking serious?" Putol niya sa eksplinasyon ko.
"Hindi naman ako nagbibiro," naguguluhan sa mga ikinikilos at mga sinasabi niyang sagot ko.
"But... but... fck!" Sa nakikita ko sa kaniya ay parang wala siyang makapang salita sa sobrang panggagalaiti ng mukha. "I'm not fcking mad about that!" Sagot niyang mas lalo lang nagpagulo sa utak ko.
"Eh bakit galit ka?"
"Because of what I saw earlier!" Mas lalo lang nablanko ang utak ko sa sinabi niya. Ganito na lang ba talaga siya kalabo para hindi ko talaga maintindihan? Nakatitig lang ako sa kaniya habang bigay na bigay ang galit sa pagsasalita. "He's... he's with you while you we're crying under that fcking tree!"
Umuwang ang labi ko sa huling sinabi niya. Bakit alam niyang umiyak ako kanina at higit sa lahat ay bakit galit siya?
"Ano naman ang masama kung kasama ko siya kanina?" Tanong ko.
"I... I don't know! I just... I just... fcking hate it!" Tila nag-aalangan niyang sagot habang nababalot pa rin ng inis ang tono ng kaniyang pananalita.
"Bakit naman galit kang kasama ko siya kanina?" Tanong ko, hindi pa rin maunawaan ang ipinupunto at ibig niyang sabihin.
Hinanap ko ang kaniyang mga mata pero nananatiling na sa harapan lang ang tingin niya, salubong na salubong ang kilay habang nakahawak sa manibela ng kaniyang sasakyan. Hinintay ko na siyang sumagot pero wala na siyang imik pa.
Ilang minuto akong naghintay ng sagot niya pero hindi na siya nagsalita pa kaya naman sinimulan ko nang isipin ang mga sinabi niya. Tila hindi maproseso sa utak ko ang kanina lang lumabas sa bibig niya.
Paulit-ulit kong tinanong sa sarili ko kung bakit galit siyang kasama ko raw si Chad kanina. Hindi talaga siya maintindihan, mas katanggap-tanggap pa yatang galit siya sa 'kin dahil palpak ako kanina sa patimpalak kumpara sa sinabi niyang galit siya dahil kasama ko si Chad kanina.
Ano bang mali sa paglapit sa 'kin ni Chad kanina noong umiiyak ako sa isang bench roon sa likod ng isa sa mga building ng Dise de Para University at para siyang nagwawalang lasing kung umasta? Talagang galit na galit!
Lumipas ang ilang sandali at nakarating na nga kami rito sa mansion ni Zach. Matapos pagbuksan ng gate ni mamang guard ay inihinto niya ang kotse sa tapat mismo ng kanilang mansion.
Napasinghap ako nang umusog siya bigla sa 'kin para buksan ang pinto ng passenger seat. Habang ginagawa iyon ay parang bumabagal ang ikot ng mundo ko lalo na nang tumapat ang kaliwang bahagi ng kaniyang mukha at malapitan kong napagmasdan ang napakagandang tanawin ng kalahati niyon.
Mabilis lang 'yon dahil nabuksan niya kaagad ang pinto nitong passenger seat pero sa kabang biglang naramdaman ko ay parang umikot ang pangyayaring 'yon sa loob ng napakahabang panahon.
"Pumasok ka na." Blankong aniya pagkatapos akong ipagtulak ng pinto.
Tumango ako. Tatalikuran ko pa lang sana siya nang bigla niyang hawakan ang ibabaw ng pulso ko at iharap iyon sa kaniya. Napasigaw ako nang makaramdam ako ng sakit sa ginawa niya.
"What's this?"
"Masakit-" napatigil ako sa sarili kong sasabihin ng mapangko ang tingin ko sa sarili kong pulso. Namumula at nakapalibot ang parang... hindi parang dahil talagang mga pasa iyon.
"I... I'm sorry... I didn't mean..."
"Ayos lang, kaunting pada lang naman 'to." Sabi ko saka nag-iwas ng tingin. Kukuhanin ko na sana ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero hindi niya 'yon binibitawan sa halip ay ang kabilang kamay ko na mismo ang kaniyang hinawakan at lumakad na papasok ng pinto.
"No, let me take care of this." Wala na 'kong nagawa at napasunod na lamang sa kaniya.
Hindi sumalubong sa 'min si yaya Niña kaya siguradong na sa likod ng mansion 'yon.
"Hindi naman na kailangan, maliit na sugat lang naman 'to." Sabi ko pa pero sa huli ay dinala niya ko sa kwarto niya at do'n maingat na nilagyan ng bandage ang pasa sa may pulso ko matapos niya iyong malinisan. Nakaupo ako sa napakalambot na king sized niyang kama habang siya ay nakaupo sa isang silya sa harap ko.
"I'm sorry," seryosong aniya at napangiti ako.
"Sa bilang ko ay higit pa sa sampung beses mo ng sinabi 'yan magmula pa kanina." Natatawang sabi ko.
"Tss!" Paswit lang niya habang inaayos ang pagkakatali sa may pulso ko.
"Bakit nga ba galit ka? Kung hindi 'yon dahil sa patimpalak kanina?" Tinanong ko na 'yon kanina sa kaniya pero hindi rin niya iyon nasagot kaya gusto kong malaman.
"It's just..." hinanap ko ang mga mata niya habang nag-aalangan siyang magsalita pero nag-iiwas siya ng tingin. "It's just... that... I'm pissed because..."
"Dahil...?"
"Because I'm annoyed... because..."
"Dahil...?"
"Because... nevermind, tss!" Nagulat ako sa biglang sigaw niya. Namumula ang kaniyang mukha, hindi makatingin sa 'kin sa mga mata, at naiinis na lumakad at iniwan ako rito sa kaniyang silid.
Hinabol ko siya ng tingin palabas ng kwarto at nang mawala na nga ay saka ko naman ibinaling ang tingin sa may palapulsunan ko. Tapos niya na iyong lagyan ng bendahe at ang ganda pa ng pagkakalagay.
"Ano bang problema ng lalaking 'yon?" Tanong ko sa hangin pagkatapos tumayo mula sa pagkakaupo sa malambot niyang kama.
Matapos makapagbihis ay nagtungo kaagad ako sa kusina para ipagluto ng hapunan ang amo ko. Tatlo lang naman kami sa bahay na 'to kaya adobo na lang muna ang lulutuin ko. Mas maganda siguro kung 'yon na lamang, mas makakatipid pa.
Sakto namang pumasok siya ng kusina pagkatapos kong makapagluto. "Nakahanda na ang hapunan-"
"I'm not hungry, eat or throw that if you fcking want, I don't care, tss!" Blankong putol niya sa sinabi ko.
Tumungo siya sa ref at kumuha ng tubig sa may pitcher.
"Galit ka pa rin?" Tanong ko pero hindi man lang siya nag-abalang sumagot.
Ang buong akala ko kasi ay ayos na kami. Hindi na siya galit sa 'kin, ginamot pa nga niya ang sugat ko pero bakit ganito? Galit na naman siya. Hindi ko talaga siya maintindihan, tinatanong ko kung bakit hindi naman sumasagot.
Blanko ang mukha lang siyang umalis pagkatapos uminom ng tubig. Naiwan na naman ako ritong hinahabol siya ng tingin at mag-isa rito sa kusina. Sa huli ay kaming dalawa na lamang ang kumain ni yaya Niña rito sa kusina. Siguro ay na sa kaniyang kwarto na yung si Zach ngayon.
"Yaya Niña..."
"Hm?"
"Alam niyo po ba kung anong problema ng amo ko?" Tanong ko, nagbabakasakaling alam niya.
"Abay malay ko! Hindi naman 'yon galit nang umalis rito kaninang umaga. Ikaw nga dapat ang tatanungin ko hija dahil siya ang kasama mo roon sa saan nga bang Unibersidad iyon?"
"Dise de Para University po."
"Iyon nga, talagang galit, hija? Ano bang ginawa mo?"
"Wala po akong ginawa, yaya Niña, alam niyo naman pong masama ang magbintang ng walang sapat na batayan!" Dipensa ko, natawa naman siya.
"Baka naman kasi nag-away kayo?"
Napaisip ako, hindi naman kami nag-away. Sinabi na nga niya kanina, hindi naman siya galit dahil sa pagpalpak ko sa patimpalak kanina. Kaya hindi ko talaga malaman kung sa'n nanggagaling ang galit niya.
"Hindi ko naman po siya inaaway kaya hindi kami magkakaaway. Siya lang naman po ang umaaway sa 'min at hindi ako."
"Nga pala, kumain na ba ang amo mong 'yon?"
Umiling ako, "ayaw po, eh."
"Patay ka! Talagang matindi ang galit ngayon ng batang 'yon." Nanindig ang balahibo ko sa sinabi ni yaya Niña. Talagang ang hirap paamuhin ng lalaking 'yon.
"But... but... fck!"
"I'm not fcking mad because of that!"
"It's because of what I saw a short time ago!"
"He's... he's with you while you we're crying alone!"
Naalala ko pa ang mga sinabi niya kanina. Galit siya dahil kasama ko si Chad kanina habang umiiyak ako.
Napaisip ako... ano namang nakakagalit do'n?
"Hay nako talaga ang batang 'yon. Pagpasensiyahan mo na, hija, huh at intindihin mo na lang muna." Huling sambit ni yaya Niña bago kami tuluyang natapos sa pagkain.
Tama si yaya Niña, hindi ko man talaga maintindihan kung sa'n nanggagaling ang galit niya ay mas makabubuti kung iintindihin ko na lamang siya. Buong araw kong kasama 'yon kaya alam kong hindi pa 'yon kumakain kaya naglagay na lamang ako ng pagkain sa isang tray para dalhin na lamang sa kwarto niya. Wala yata talaga siyang planong lumabas.
Kung ano man ang nagawa ko, ang dahilan ng kung ba't siya galit ay sana matuldukan na. Naramdaman ko na ang kaunting kabaitan niya at ayokong magbalik na naman katulad ng una naming pagkikita.
Alam kong hindi naman siya masiyadong naging mabait sa 'kin pero kahit papa'no naramdaman ko ang magandang side niya at ayos na sa 'kin 'yon kumpara sa ganitong parang sobra na naman siyang naiinis sa 'kin.
Sa bawat pag-iwas kasi ng kaniyang mga mata sa t'wing napapatitig ako sa kaniya ay naaalala ko lang ang mga araw no'ng mga panahong nandidiri pa siya sa mukha ko. Nagbago naman na siya lalo na no'ng maging personal maid niya 'ko kaya sana naman hindi na 'to umabot pa hanggang bukas.
Hindi ko alam pero... ayoko ng ganitong galit siya sa 'kin at ang lamig niya 'kong pakitunguhan. Mas gugustuhin ko pang nilalait niya 'ko ng masasama niyang mga salita kumpara sa ganitong halos hindi na niya 'ko pansinin at galit siya kung makatingin sa 'kin.
Kumatok ako sa pinto ng kaniyang kwarto dala ang pagkain na inihanda ko sa kaniya pero parang wala siya sa loob at hindi man lang nag-aabalang pagbuksan ako ng pinto. Pinihit ko ang doorknob at kahit papa'no ay nagpapasalamat akong bukas iyon.
Itinulak ko ang pinto ng kasya lang sa katawan ko at nang makapasok ay nadismaya lamang sa pag-aakalang naririto siya. Nilibot ko ang tingin ko sa kabuoan nitong kwarto at walang Zach akong nakita. Maging sa banyo ay wala rin.
Sa'n naman kaya nagpunta ang amo kong 'yon? Lumabas ako ng kwarto at pagkatapos ay kinatok si yaya Niña kung nakita ba niya si Zach, pero hindi. Inakala rin niyang na sa kwarto niya lang iyon pero wala talaga siya ro'n. Tahimik ko namang siyang iniwan sa kaniyang kwarto pagkatapos na ring humingi ng pasensiya, natutulog na kasi siya ng katukin ko.
Sinimulan ko ng suyurin ang buong napakalaking mansion pero wala talaga kahit anino niya akong nakita. Hanggang sa napadpad na 'ko sa labas ng mismong mansion ay saka ko lang napagtantong wala ang kaniyang kotse rito sa kung sa'n niya ipinark pagkarating namin. Naglakad ako papunta sa may gate kung sa'n nando'n at nagbabantay ang dalawang mamang Guard.
"Mam, ano pong ginagawa niyo rito sa labas at malalim na ang gabi?" Wika ng isang mamang guard na unang nakakita sa 'kin.
"Itatanong ko lang po sana si Zach, wala po ro'n kung sa'n niya ipinark ang kotse niya kanina, pati siya ay wala rin... umalis po ba siya?"
"Opo mam, umalis po kanina, ako pa nga po ang nagbukas ng gate rito para sa kaniya, eh."
Napatango-tango ako, "gano'n po ba... alam niyo po ba kung sa'n ang kaniyang punta?"
"Hindi po mam, eh," sagot niyang nakakamot pa sa batok niya.
"O... eh... sige po at hihintayin ko na lamang po siya sa loob." Sabi ko at saka naglakad pabalik sa loob ng mansion.
"Good night po, mam!" Pahabol pa ni mamang guard at tumalikod naman ako para ngitian ito.
Sa huli ay napagpasiyahan ko na lamang na rito maghintay sa isang salas dito sa baba para makita ko kaagad siya pagkabalik niya. Kinuha ko na rin ang mga librong pwede kong mareview para mas makapaghanda pa para bukas. Ayaw kong maulit na naman yung nangyari kanina sa Humanities.
Hindi pa man ako nakakapagbuklat ng libro ay pumasok na naman kaagad si Zach sa isip ko. Mag-aalas-dies na at wala pa siya rito sa bahay niya, sa'n naman kaya siya nagpunta, galit pa naman 'yon sa 'kin.
Hindi rin naman ako pwedeng matulog na lang kaagad kahit hindi pa siya dumarating. Hindi ako pwedeng matulog ng hindi siya ang nauuna, hindi ako pwedeng umalis ng hindi siya kasama, dapat nga hindi rin dapat siya umaalis ng hindi ako kasama dahil personal maid niya 'ko, pero heto at wala nga 'kong kaalam-alam sa pag-alis niya at kung sa'n siya pumunta.
Lumipas ang ilang sandali at habang nakatutok ang mga mata sa libro ay humikab ako. Inaantok na 'ko.
Sumulyap ako sa wall clock at doon napagtantong 12:53 AM na. Wala sa sariling napalingon ako sa pinto pero hindi pa rin talaga siya dumarating. Pinilit ko na lamang ang sarili kong magreview pa hanggang sa 2 AM na ng umaga at wala pa ring Zach na dumadating.
Pati ako ay napupuyat ng dahil sa kaniya, bakit wala pa siya? May nangyari na kayang masama sa kaniya?
Habang nag-iisip ng mga posibleng nangyayari sa kaniya ay nakarinig ako ng makina ng sasakyan. Kaagad akong tumayo at tinungo ang pinto at 'yon na nga ang kotse niyang pula sa harapan mismo ng mansion. Humakbang ako palapit sa kaniyang sasakyan at saktong sa pagbukas niyon ay ang giray-giray niya ring paglabas rito.
"Zach-" naputol ang pagsasalita ko nang mawala siya sa kaniyang balanse at kung hindi ko pa talaga nasalo ay paniguradong nakahiga na siya ngayon sa sahig.
"Hey, nerdo..." nakangiting sabi niya habang nakaakbay sa balikat ko.
"Lasing ka." Sambit ko.
"Tss! It's your fault." Sabad niya habang gigiray-giray na naglalakad papasok sa mansion.
"Alam kong kasalanan ko pero hindi ko pa rin maintindihan kung ano eksakto ang kasalanan ko, sinabi mo lang na galit ka dahil kasama ko siya kanina habang umiiyak ako pero hindi ko maunawaan kung alin ba ang kagalit-galit doon – aray! Woii! Umayos ka namang maglakad, ang bigat mo!"
Nasa third floor pa ang kwarto niya at hindi ko siya kayang ihatid doon sa ganitong lagay niya.
Sa huli ay sa mahaba at medyo may kalakihang sopa siya bumagsak. Mas mabuti sigurong dito na lamang siya matulog at baka pareho pa kaming mahulog sa hagdan kapag inihatid ko pa siya sa kwarto niya.
Kumuha ako ng tubig at malinis at maliit na twalya para ipamunas sa kaniya. Lumuhod ako sa sahig at nagsimula nang punasan ang kaniyang mukha, leeg at buo niyang braso.
Habang nagpupunas ay nakita ko ang kaunting pagmulat ng kaniyang mga mata. Namumungay iyon at halatang lasing pa. Napasinghap ako nang bigla niyang hinawakan ang batok ko at inilapit iyon sa kaniyang mukha. Mulat na mulat ang mga mata kong nakatitig sa kaniya.
"Bakit?" Nararamdaman ko na naman ang mabilis na tibok ng puso ko. Lasing man ay napakagwapo niya pa rin talaga.
"I'm mad because I'm jealous, do you get it nerdo? I'm jealous and I don't want to see you with any other guy even Chad nor Cai, isn't that clear huh?" Lasing man ang kaniyang mukha ay alam kong naghihintay siya sa maisasagot ko pero sa sinabi niya ay naiwan akong tulala sa mga mata niya.
"Answer me if you don't want to get a kiss from me."
Hawak pa rin niya ang batok ko at nang hindi nga ako makasagot ay mas iginigiya pa niya ako lalo sa kaniya. Palapit lang ng palapit hanggang sa pinigilan ko ang sarili kong magpadala sa mga kamay niya sa halip ay tumango-tango kaagad.
"Oo na, oo na!" Sambit ko habang tumatango-tango. Ngumiti siya sa naging sagot ko at ibinaba na niya ang kamay niyang nakahawak sa batok ko.
"Good," maliit na tugon niya bago tuluyang ipinikit ang mga mata.