AWARDING
Dahan-dahan kong naimulat ang mga mata ko nang mapansin kong parang may mali sa niyayakap ko. Kinapa ko iyon at do'n ko mas lalong napagtanto na hindi talaga unan iyon katulad ng madalas kong yakapin sa bawat tulog ko. Sa oras na ito ay kinabahan na ako, hindi siya malambot – oo nga't malambot siya pero... matigas.
Jusko, ano itong yakap ko? Randam ko sa mga palad ko ang parang bato-batong tiyan nito. Kaagad na nakaramdam ako ng bahagyang pagbaliktad ng tiyan ko nang mapagtantong katawan ang hinahawakan ko.
Bakit may tao akong katabi ngayon dito?!
Nakapatong pa ang isang paa nito sa binti ko. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin dito para masilayan kung sino itong katabi ko kahit pa may ideya na talaga ako. Gusto ko lang makasigurado, mahalagang bagay ito.
Babae ako at lalaki siya, hindi naman kami magkasintahan at lalong hindi kami kasal kaya maling-mali ang may makatabi akong kahit sinong lalaki sa pagtulog ko.
Hindi nga ako nagkamali at ang napakaganda niyang mukha ang sumalubong sa aking mga mata. Pansamantalang humiwalay muna ang huwisyo ko sa sarili ko.
Nalalanghap ko ang natural na napakabango niyang amoy, talagang nablanko ang utak ko. Idagdag pa ang napakaamo niyang mukha na pumupuno sa pagkamangha ko sa panlabas niyang anyo.
Umaga na, kaya gumising ka, Miel!
Saway ng aking isipan na siyang nagpabalik sa 'kin sa riyalidad. Saka ko lamang napagtanto ang bisig niyang ginawang unan nitong ulo ko. Sigurado akong nangangalay na ngayon itong kamay niya, ngunit hindi mo iyon akalain sa mahimbing na mahimbing na pagkakatulog niya.
Maingat kong kinuha ang mga kamay ko sa matigas niyang tiyan saka dahan-dahang iniangat ang sarili ko paupo mula sa pagkakahiga rito sa tabi niya. Sinikap kong tanggalin ang paa niyang nakatanday sa binti ko pero hindi ko pa man din iyon naiaalis ay naramdaman ko na lamang ang kamay niyang ipinalibot sa baywang ko at hinila ulit pahiga.
Pigil na hininga akong nagpadala sa agos ng kamay niyang hanggang sa mga oras na ito ay nakayakap pa rin sa baywang ko. Ang bilis na naman ng tibok nitong puso ko! Ramdam na randam iyon ng dalawang kamay kong nakatapat ngayon dito sa dibdib ko.
Para na talaga siyang sasabog sa sobrang bilis ng tibok! Bakit ba kasi dito siya natulog? Hindi hamak namang mas malaki ang kama niya kumpara rito sa kama ko kaya bakit dito pa talaga sa tabi ko?
Sinisikap kong maging maingat habang tinatanggal ang kamay niyang nakayakap sa baywang ko pero hindi ito nakipagkasundo. Nanginginig ito sa sobrang kaba na nararamdaman ko.
"Uhm..." Ungol niya, hindi ko pa man nagagawa ang kagustuhan kong tanggalin ang kamay niyang nakayapos sa baywang ko. Sa kaba ay mariing naipikit ko na lamang ang dalawang mata ko.
Sa halip na kumawala ay mas lalo ko pang naramdaman ang mas mahigpit na yakap nito sa baywang ko. Sobrang lapit ng kaniyang mukha sa leeg ko, tumatama roon ang hininga nito na hindi nga maitatangging napakabango. Pero ayoko! Nakikiliti ako sa dumadampi niyang hangin sa leeg ko! Ayoko ng ganito!
"Yeri, hija! Tama na ang tulog at baka mapagalitan ka pa ng amo mo?" Mas lalo pang naging komplikado ang isipan ko nang marinig ko ang boses ni yaya Niña. Palapit ng palapit ang yabag ng mga paa nito!
"Jusko..."
"Gising na, hija – ay, DiyosMariaJosep!" Nakita ko ang gulat na gulat na mukha nito at sa sigaw nito at naramdaman kong naalimpungatan itong na sa tabi ko.
Sa hiya ay tinakpan ko na lamang ang mukha ko gamit ang dalawang palad ko.
"Yaya..." Tulala pa rin ang mukha niya hanggang sa dahan-dahan na nga siyang nakabawi.
"Mga bata talaga ngayon ano! Matuto naman kayong maglock ng pinto at ng hindi ko naiistorbo ang magandang tulog ninyo! Hala aalis na muna ako!"
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya pagkatapos makalabas nitong kwarto. Bakit iyon yung naging reaksyon niya? Bakit iyon ang sinabi niya?
"Tss!" Napalingon ako sa direksiyon ni Zach.
"Jusko, bakit ka kasi dito natulog?!" Sigurado akong iba na ngayon ang na sa isip ni yaya Niña.
"Tss! This is my house."
"Pero hindi 'to ang kwarto mo?!" Sambit ko pero parang wala lang siyang pakialam.
"Who cares?"
"Ano ka ba, Zach? Hindi ka man lang ba nag-aalala? Siguradong iba na ngayon ang iniisip ni yaya Niña."
"Why? what will she think?"
"Na magkasintahan tayo?!" Natulog kami sa isang kwarto ng magkatabi, kaya alam kong 'yon ngayon ang na sa isip ni yaya Niña. Umiling lang siya ng may kaunting ngiti sa kaniyang mukha.
"Sounds good then."
"Ano?" Gulat na tanong ko. Ano namang maganda ro'n?! "Zach, magseryoso ka naman, siguradong 'yon ang iisipin ni yaya Niña!"
Wala na akong mukha maihaharap sa kaniya. Nakakahiya!
"Look, she already saw what she saw. We can't change that!"
"Pero pwede pa nating mabago yung iniisip niya."
"Tss! what now? that's not a big of a deal anyway."
"Anong hindi? Zach, iisipin n'yong tayo? Big deal sa 'kin 'yon. Hindi naman tayo magkasintahan, eh. Ayokong 'yon ang isipin niya! Ayokong maging kasintahan ka, hindi naman kita gusto-" Natigilan ako nang mag-angat siya ng tingin. Seryosong-seryoso na ang kaniyang mukha.
"Then talk to her! As if I wanted to date you!" Sambit niya at nilagpasan akong nakatulala. Narinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pinto kaya walang buhay akong napaupo sa kama.
Bakit parang nagalit siya sa sinabi ko? Bakit parang nakakaramdam ako ng guilt sa sarili ko?
Sa halip na ang isipin ngayon ni yaya Niña ang pr-problemahin ko ay hindi ko magawa. Ang nangyari ngayon-ngayon lang ang iniisip at nagpapakaba ngayon sa puso ko. Nagalit ba siya sa sinabi kong ayaw ko siyang maging kasintahan? O sa sinabi kong hindi ko siya gusto – Aish! Ano ba itong pumapasok sa isip ko!
Bakit naman siya magagalit, eh hindi rin naman niya 'ko gusto. Gusto ko naman talaga siya sa totoo lang. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kaniya. Oo no'ng una hindi ko siya gusto, pero ngayong mabait na siya, wala kong rason para hindi siya magustohan. Gustong-gusto ko siya. Napakabait niyang kaibigan.
Tulala akong lumabas ng kwarto at tinungo ang kusina. Nadatnan ko roon si yaya Niña na bumubungisngis sa may counter top.
"Mali po ang iniisip niyo, yaya Niña," inunahan ko na siya.
"Aba'y wala pa naman akong sinasabi ah?" Dipensa niya.
"Pero alam ko na po ang sasabihin niyo," sambit ko habang umiinom ng tubig.
"Alam mo hija... Bagay kayo,"
"Eh sinabi ko na nga pong mali ang iniisip niyo. Hindi po kami."
"Hay nakong bata ka, sige at magsinungaling ka pa."
"Pero nagsasabi nga po-"
"Mas naniniwala ako sa nakikita ng mata ko kaysa riyan sa sasabihin mo, kaya tanggapin mo na lang na alam ko na ang sikreto niyo." Nanunukso niyang tugon. Pikon naman ang mukha ako. "Sige na at tapusin mo 'yang niluluto kong agahan at maaga kayong aalis ngayon 'di ba?" Tumango ako.
Nang makaalis siya ay saka ko naman tinuloy ang niluluto niya. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina.
Hanggang sa nakarating na kaming Dise de Para University ay hindi pa niya 'ko pinapansin. May nasabi talaga akong hindi niya nagustuhan pero hindi ko naman makuha kung ano iyon at bakit.
Ngayon na ang huling araw namin dito sa Dise de Para University. Ngayon na kasi gaganapin ang awarding para sa mga nanalo sa lahat ng posisyong hinahawakan ng mga representatives. Iniisip ko ngang hindi na ako dapat na sumama rito. Alam ko namang wala akong maipapanalo. Pero kailangan kaya wala akong magagawa.
Nandito kami ngayong lahat sa may gymnasium rito sa DdP University. Puno lahat ng tao rito sa loob. Lahat din kaming taga HHU ay nandito. Nagsisimula na ang awarding at lahat ng nasabing NIO admins ay nandoon na sa may stage.
Lumipas ang mahabang sandali pero hindi pa rin natatapos ang awarding. Bawat announce kasi ng mga nananalo ay marami pa muna ang magaganap. Masaya akong nanalo ang ilan sa amin. Nanalo si Chad habang second winner naman si Cai sa kaniyang posisyon.
Maraming naipanalo ang HHU sa totoo lang. Kasama na rin akong umakyat sa stage, katulad kasi ng mga kasama ko ay naipanalo ko ang isa sa posisyon ko. Forth winner nga lang. Hindi lang ako at mga kasama kong taga-HHU ang nagulat dahil maging ang crowd mula sa iba't ibang schools ay nagulat din.
"And now, before we announce the winners of the special positions. I'm going to announce first the winners of the significant science!" Saad sa microphone ng emcee at nagpalakpakan naman ang crowd.
Hindi ko naman masyadong itinutuon ang atensiyon ko roon dahil hindi ako mapakali kakatingin sa kung saan-saan kay Zach. Kasama naman namin siyang dumating dito, pero ba't wala siya rito sa gym ngayon?
"Mr. Zach Ecleo Evilord and Ms. Yeri Miel Del Rey!" Narinig ko na naman ang malakas na palakpakan ng crowd pero hinahanap pa rin ng mga mata ko si Zach hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagyakap sa 'kin ni Esther at Laira.
"Yey, nanalo kayo ni Zach!" Laira.
"Ang galing niyo!" Esther.
"Huh?" Nanalo? Kami ni Zach? Nagkamali lang ba ako ng dinig?
"Haven't you heard it? You and Zach just won the game?!" Laira.
"Ms. Del Rey, umakyat na kayo sa stage," boses iyon ni Prof.
"But where's Zach?" Tanong ni Chad.
"Yeah, hindi ko pa siya nakita rito sa gym," Cai.
"Hindi ko po alam, Prof." Sagot ko kay Prof nang ibalik nito ang tingin sa 'kin.
"Saan naman nagpunta ang batang iyon?" Muling sambit nito at nag-iwas lang ng tingin ang lahat na walang alam kung nasaan si Zach.
"Again, Mr. Zach Ecleo Evilord and Ms. Yeri Miel Del Rey, kindly come here at the stage to receive you're awards." Muling saad na naman ng emcee sa stage na mas lalo pang nagpakaba sa nararamdaman ko.
Nakikita na rin namin si Mr. Principal na nakatingin sa direksiyon namin. Kasama ng iba pang mga principals ay nakaupo rin sa espesiyal na mga silyang na sa pinakadulo ng stage. Sa tingin pa lang nito ay alam na namin kong ano ang gusto nito. Hindi pa pumupunta roon ang nanalong galing sa eskwelahan niya. Apo niya pa man din ang isa.
"Okay, Ms. Del Rey, Mr. Evilord wasn't here so we don't have a choice. Mr. Principal was watching us and all the people there was waiting for the two of you."
"Ano po ang gagawin, Prof."
"We don't have a choice. Zach wasn't here so you'll need to go to the stage alone. It's Okay, Ms. Del Rey, magrerecieve ka lang naman ng awards and a li'l speech so no worries," pangungumbinsi nito at wala naman akong ibang magagawa kun'di ang sumunod.
Nakakakaba sa totoo lang, lalakad at aakyat ako papuntang stage habang nakatingin ang maraming tao rito sa gym. Pero katulad nga ng sinabi ni Prof, kukunin ko lang naman ang award na certificate at medal doon.
Isama na rin ang konting speech at pagkatapos ay makakababa na rin ako. Mas mabuti sana kung nandito si Zach, hindi ko man maintindihan pero sa sarili ko, alam kong hindi ako masiyadong kakabahan kapag narito siya.
"Huh, is she the girl?"
"She's also the one I fought against in the humanities, the one I'm telling you who got scolded?"
"Is that really her? But she won?!"
"But why is she alone, as far as I know, there is two representatives for the significant science?"
"So fafa Zach! Bakit mag-isa lang 'yang nerd na 'yan na aakyat sa stage?"
"I don't know! Nasaan ba si fafa Zach ng HHU?!"
"He could have been the one who didn't exist, it would have been fafa zach who was walked up to the stage!"
"That ugly winner of really, tsh!"
"Oo nga! Kaya naman pala nanalo, nerd e!"
"She's disgusting!"
Hindi ako makapagpukos sa paglalakad dahil bawat hakbang ko ay siyang ibinubulong ng marami. Halos lahat pa hindi magaganda. Halata ang pagtataka sa kanilang mga mukha, kung bakit kesyo mag-isa lang daw ako, kung bakit wala dito ang companion ko, kung bakit ganito ang hitsura ko, kung bakit ang pangit ko.
Wala sa sarili kong inihahakbang ang isang paa ko sa may stage nang saktong paghakbang ko ay mawalan ako ng balanse. Saka ko lang napagtanto na sa sobrang kalutangan ay kaunting paa ko lang pala ang naisalpak ko sa paghakbang ko sa hagdan.
"Ayy, mahuhulog siya!"
Parang nag-slow motion ang lahat, habang pahiga akong bumabagsak sa sahig. Ang tanging nakikita ko na lamang ay ang dahan-dahang pagtayo ng mga Principals na laglag ang mga panga at sobrang gulat ang mga mukha. Gano'n na rin ang sigaw ng mga tao rito sa gym.
Gusto kong tanggalin itong ilusyon ko pero mabagal talaga ang galaw ng mga pangyayari sa paningin ko. Pero isa lang ang alam ko, wala akong takas sa pagkakataong 'to at inaasahan ko na talaga ang baling katawan ko at pagyanig nitong ulo ko pagkatapos ng pangyayaring ito.
Pero mas lalo pang natigil ang mundo ko nang maramdaman kong may mabilis na kamay ang humawak sa likod ko dahilan para maagapan ang posibilidad ng literal na pagbagsak ko.
Wala sa sariling napahawak ako sa braso nito habang ramdam ko pa rin ang kamay niya sa likod ko. Para akong nakahiga sa iisang kamay niya na na sa likod ko at iisang kamay niya pa sa may batok ko. Ang weirdo, pero nararamdaman kong ang gaan ko sa mga kamay niyang sumalo sa katawan ko.
Mahigpit na mahigpit akong nakahawak sa manggas niya habang dahan-dahan kong iminumulat ang aking mga mata.
"Z-Zach?" Wala sa sariling sambit ko ng unti-unting luminaw ang mga mata ko.
"Clumsy stupid nerdy girl, tss!" Sambit nito at iniangat ako para maayos na makatayo. "Let's go," saad niya pa at pagkatapos ay walang ano-anong hinawakan at hinila ang kamay ko.
Magkahawak ang mga kamay naming dalawang naglakad paakyat sa stage. Parang wala lang ang lahat sa kaniya pero hindi ako halos makahinga sa gulat at kaba. Parang may koryente ang kaniyang kamay na siyang nagbibigay ng kakaibang nararamdaman sa buo kong katawan.
"Hey! Look at their hands oh!"
"Why are they holding each other's hand?"
"Are they dating?"
"Shut up! Of course not! Zach is too much for that nerdy girl!"
"But they're holding each other's hand?!"
"That nerd was a fcking flirt!"
"Malanding nerd!"
Napatungo na lamang ako sa mga naririnig ko. Hindi ko madinig ang sinasabi ng iba, pero isang tingin pa lang sa kanilang mga mata ay alam kong nanglalait na.
"Focus," napalingon ako sa nagsalitang si Zach hanggang sa mahinto kami sa harapan ng dalawang teacher na siyang may hawak ng medals at certificate.
Na sa likod namin si Prof Baltazar at ang Professor ni Zach na hindi ako pamilyar sa pangalan.
"Congratulations," sambit ng babaeng nagbigay sa 'kin ng certificate, ngiting tagumpay naman ang iginawad sa 'kin ni Prof habang sinasabitan ako ng medalya.
"Can you give us a small speech, Ms. Del Rey?" Saad ng emcee kaya humarap ako sa microphone. "Let's give a round of applause to one of the winners of the SignificanScience Olympiad, Ms. Yeri Miel Del Rey!"
Narinig ko ang palakpakan ng ilan, pero mas marami pa rin talaga ang nanlilisik ang mga mata akong tinatapunan ng tingin. Nag-iwas na lamang ako ng tingin at nagpokus sa dapat kong gawin.
"Masaya akong maging parte ng mga representatives na nanalo mula sa Universidad na aming pinanggalingan," panimula ko habang hindi pa rin inaalis ang masasamang tingin sa 'kin ng marami. "Magkaganoon man ay nagpapasalamat pa rin ako sa panginoon na siyang gumagabay sa lahat ng tao. Nagpapasalamat din ako kay Mr. Zacharias Evilord, our Mr. Principal sa pagbibigay sa 'kin ng pagkakataon na maglaro sa patimpalak na ito. Sa Coach at Propesor ko na si Prof Armani Baltazar, binigo ko man kayo, alam kong hindi kayo umalis. Gusto ko ring pasalamatan ang mga kaibigan ko, at kay Zach na siyang naging mentor ko at nag-train sa 'kin para mapaghandaan ng maayos ang patimpalak na ito. Marami man anong kapalpakang nagawa, hindi ko naramdamang may pagsisisi siya sa tulong na ibinigay niya," sambit ko at nahihiyang nagbaba ng tingin.
"Okay, thank you Ms. Yeri Miel Del Rey for that wonderful speech, now let's give a round of applause, also for Ms. Del Rey's companion. One of the handsome Hellion4, Mr. Zach Ecleo Evilord!"
Nagsitayuan sabay palakpakan ang halos lahat ng tao pagkatapos banggitin ng emcee ang pangalan ni Zach.
Tumikhim muna ito para patahimikin ang lahat at hindi nga siya nabigo. Walang ingay na ngayon ang buong crowd at kung titingnan ay parang takam na takam ang mga itong marinig ang boses ni Zach.
"This winning doesn't actually matter to me," paunang saad nito at umugong naman kaagad ang bulungan ng buong crowd. "I don't know, it's really strange. I suddenly wanted to prove myself and forced me to do my best just to win this f-" Nakahinga ako ng maluwag ng mapabuntong hininga siya. Mabuti at hindi niya naituloy ang pagsambit ng salitang dapat na iniiwasan sa ganitong pagkakataon. "...competition. In just a snap, I became so serious dealing to win my positions and that's all because of something you all don't wanna know."
Sambit nito at naiwan namang nakatulala ang mga tao. Maging ako ay hindi rin makuha kung ano ang ibig sabihin ng kaniyang mga sinabi. Hindi ko mawari kung ano ang ipinupunto ng mga katagang kaniyang binigkas sa harap ng napakaraming tao.
Bumalik na kami sa aming mga silya habang sinasalubong ng masasayang ngiti ng aming mga kaibigan. Nakita kong nagfistbump pa si Zach sa dalawang sina Chad at Cai. Habang ako ay niyakap naman ng dalawang sina Laira at Esther.
Lumipas muna ang mahabang sandali bago sumunod na namang magsalita ang emcee. Naagaw nito ang pansin ng lahat at tahimik na nakinig sa kaniya.
"And now the most awaited! I'm going to announce now the winner of the Humanities and the Math Collision Olympiad! That two winners are going to be the country's representatives for the International Intelligence Olympiad! The winner of the Humanities will be the one who will hold the International History Olympiad while the winner of the Math Collision Olympiad will be the one who will hold the hardest position in the name of IIO, the International Mathematics Olympiad!"
Ramdam ko ang kaba ng marami rito, maging ako ay kinakabahan din. Hindi dahil sa ako sa representative sa Humanities kun'di dahil si Zach ang representative namin sa Math Collision Olimpiad. Alam ko namang hindi ako mananalo, pero malaking-malaki ang posibilidad na si Zach ang manalo sa kaniyang posisyon. Gusto kong siya ang manalo, deserve naman niya 'yon.