MAHAL
"Bakit, may kailangan ka?"
"No, wala naman. Galing kasi ako sa kabilang room, so naisipam na kitang daanan dito." Sagot niya at napatango-tango naman ako pero kalaunan ay kunot-noo rin siyang tiningnan.
"Kabilang room? Bakit, anong ginawa mo ro'n."
"Ah... may itinanong lang ako sa homeroom teacher do'n, not that important naman so... let's go, sabay na tayo if you... don't mind?"
Hindi ko maintindihan, parang may iba ngayon sa kaniya. Parang nangangapa siya ng maisasalita, mukha pang nag-aalangan at hindi sigurado sa sasabihin. Isinantabi ko na lamang iyon saka sumang-ayon sa kaniya.
"Mm, sige, sabay na tayo."
Habang magkasabay kaming naglalakad ni Chad ay napapaisip pa rin ako kung bakit naiilang pa rin ako hanggang ngayon sa mata ng maraming tao. Napapansin ko ring kahit papaano ay may pagbabago naman. Medyo nasasanay pero minsan yung kasanayan kong iyon ay bigla-bigla na lang nawawala kaya hindi ko maiwasang hindi mailang o mahiya minsan lalo na kapag kasabay ko ang kahit sino sa Hellion3.
Lahat pa naman sila kaibigan ko. Oo na't maliban kay Zach, alam ko naman kasing hindi kami magiging magkaibigan kung hindi ako nagtatrabaho sa kaniya. Pero kinukonsidera ko na rin naman siyang kaibigan kahit papa'no. Saka kung tutuosin ay sa kaniya naman ako mas malapit kumpara kay Chad at Cai.
"Look oh! Si Chad naman ngayon ang kasama ng malanding nerd na 'yan!"
"Alam niyo, naniniwala na talaga akong mangkukukulam 'yang nerd na 'yan!"
"Mangkukulam? So that does mean that nerd has a lot of potions right?"
"Well... gano'n na nga..."
"Ano kaya kung humingi tayo?"
Sa naririnig ko ay wala sa sarili akong napahawak sa pisngi ko. Kalabisan na yata sa kanilang pag-isipan akong isang mangkukulam. Pero hindi siguro sila magiging ganito kung hindi rin kalabisan ang kapangitan ko.
Nabalik lamang ako sa huwisyo ko nang marinig ko ang ngisi ni Chad sa tabi ko.
"What do you think you're doing, huh? Checking if you're really a witch?" Nakataas ang isang kilay na aniya pero binalewala ko lang iyon sa halip ay malalim na napaisip, hindi pa rin alintana ang kamay kong nananatili pa ring nakahaplos sa pisngi ko.
"Sobra na ba talaga ang kapangitan ko para maisip ng ibang tao na mangkukulam ako?" Seryosong tanong ko pero ngisi lang ang narinig ko mula sa kaniya. Napabuntong-hininga ako, "hindi ko na dapat tinatanong iyon, hindi naman nalalayo ang mukha ko sa hitsura ng isang mangkukulam."
Tahimik lang akong nakayuko nang matigilan ako sa biglang pagharang niya sa dadaanan ko.
"Look," nakangiti niyang hinawakan ang ulo ko at hinanap ang tingin ko. "It's enough for some people especially yourself to believe that you aren't a witch."
Narinig ko siyang malalim na napabuntong-hininga.
"I don't actually want to hurt your fellings but I... just wanted to say that even you weren't that pretty on the outside don't forget to think that pretty isn't just 'bout the outside. There's a lot of rare beautiful things that you can't always see on the outside appearance of a single individual."
Natagpuan ko na lamang ang sarili kong nakatulala sa kaniya. Hindi ko inaasahan ang mga katagang 'yon.
"A rare beautiful things that lasts more than ordinary beauty on the outside." Mas lumapad pa ang ngiti niya habang ginugulo ang magulo kong buhok.
"Salamat..." Tanging 'yon lang ang mga katagang lumabas sa bibig ko.
"So, don't doubt yourself, Yeri, your perfect personality was beyond the perfection of others outside beauty."
Sa pangalawang pagkakataon ay natagpuan ko na naman ang sarili kong nakatitig lang sa nakangiti niyang mukha habang marahang ginugulo pa rin ang ibabaw ng buhok ko.
Sa mga sandaling 'to na natagpuan ko ang sarili kong nakatitig lang sa kaniya ng diretso ay dahan-dahan kong napagtanto na sa mga oras na 'to ay mas lalo pa siyang gumwapo. Napakabait niya, masaya ako kay Charity dahil ang katulad ni Chad ang standards niya.
"Ang totoo niyan, minsan lang akong makarinig ng ganoong salita mula sa isang tao kaya salamat sa sinabi mo. Ilan lang ang mga taong tanggap ako, sa kung ano o sino man ako kaya... salamat," tahimik siyang napangiti.
"You don't have to thank me, Yeri, I'm just stating facts 'bout you that you don't notice yourself and besides, good girls deserve praises, not criticizes."
"Chad ini-spoil mo na ako niyang praises mo, ah!" Pabirong sambit ko at tumawa lang siya. "Dahil sa 'yo unti-unti ng nawala sa isip ko ang kaninang narinig ko mula sa mga fans niyo roon."
"They're not my fans. Don't think too much of those people who called you witch 'cause first of all you're not a witch, they're just btches who envy you for being a good girl who's close with the famous people here in HHU."
"Mukhang gano'n na nga siguro 'yon." Napatango-tango ako.
"So, let's go?"
"Mm!"
Masaya kaming nagpatuloy na ulit sa paglalakad. Ramdam ko ang magaan na ngayong dinaramdam ko at lahat ng iyon ay dahil kay Chad. Sa mga sinabi niya, ay mas lalo ko pang natingnan ang munting ganda sa sarili ko. Dahil sa kaniya, mas nakilala at nakita ko ang value ko bilang isang simpleng tao. Ang kakaibang ganda na meron ako na nakikita lang ng kakaunting tao.
Lahat ng sinabi niya ay tumatak hindi lang sa utak ko kun'di pati na rin sa puso ko. Kaya naman hindi na nakakapagtakang kahit nakabalik na ako ngayon dito sa bahay ng amo ko ay siya pa rin ang naging laman ng isip ko.
Nagulat na lamang ako ng biglang umapaw ang tubig na pinapakuluan ko kaya naman wala sa sariling kinuha ko ang takip ng kaldero pero kaagad ko iyong nabitawan ng dumikit ang daliri ko sa mainit na parte nito.
"Aray..." Tahimik na sambit ko sa sakit ng hintuturo kong napaso. Hinimas ko iyon pero mas lalo lamang siyang nag-iinit sa daliri ko kaya mas lalo rin iyong humahapdi.
"Hindi ka kasi nag-iingat, tss!"
Bago pa man ako makapag-angat ng tingin sa biglang nagsalita ay kinuha na niya ang kamay ko at inilapit iyon sa kaniyang mukha.
"Zach..." Wala sa sariling sambit ko nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya kasabay ng pag-angat ng kamay kong palapit sa kaniyang mukha.
"You're spacing the hell out, look what happened to your hand!" Aniya sa iritang boses. Hindi naman ako nakapagsalita dahil talagang kasalanan ko naman.
Nakatitig lang ako sa kaniya habang hinihipan ang kamay ko.
"Stay still, I'll get something that can lessen the pain on your finger."
Hindi pa man ako nakakasagot ay parang nagpapanic na kaagad siyang tumalikod saka nagmamadaling binuksan ang lahat ng cabinet dito sa kusina na kaniyang nalalapitan.
"Zach hindi na kailangan, kaunting paso lang naman-"
"Found yah!"
Nakita ko ang ngiting umukit sa gwapo niyang mukha kaya tiyak akong may nahanap na siya.
"Give me your hand." Sambit niya nang makalapit. Iniabot ko naman iyon sa kaniya saka niya iyon maayos na nilagyan ng band aid.
Abala pa siya sa pag-aayos ng band aid sa daliri ko at nang mag-angat ako ng tingin para sulyapan siya ay natigilan ako nang mapagtanto ang seryosong-seryoso niyang mukha habang abala pa rin sa pag-ayos ng band aid sa daliri ko.
"Iyan maayos na!" Para siyang batang katatapos lang gumawa ng activity sa eskwela, tsk! "Tapos matulala ka pa, para sa susunod buong kamay mo na, ha nerdo?" Punong-puno ng sarkasmong saad niya. Napakabait talaga!
"Maraming salamat, Zach ah, hindi pa ako tapos magluto kaya sige lumabas ka na." Sarkastikong saad ko rin sa kaniya.
"Sino namang nagsabing magluluto kapa, eh napaso ka na nga?"
"Pero-"
"Just shut up and leave this to me."
"Pa'nong leave this to me, eh hindi ka nga marunong magluto."
Sambit ko pero ngumiti lang siya saka itinuon ang mga mata sa mga kasangkapang na sa harap.
"Tss! Watch me, nerdo."
"Pero pwede namang ako na lang-"
"No, Just sit there and don't bother me. Manood ka lang, nerdo!"
"Nag-aalala lang naman ako rito sa mansion mo, baka masunog."
"Is that how small you see me as your boss?" Pinagsingkitan niya ako ng mata.
"Hindi naman sa gano'n, ang taas pa rin naman ng tingin ko sa 'yo bilang amo ko. Sadyang wala lang talaga akong tiwala sa 'yo pagdating sa mga bagay na ganito."
"Tss! Ang honest mo, ah!" Medyo sarkasmo iyon at napangiti lang ako. Totoo naman ang sinabi ko.
"Totoo naman, saka ayaw ko namang pagaanin at pataasin ang self confidence mo gamit ang wala namang katotohanang mga sasabihin ko."
"You're right, I'm that kind of person too. But what you said has nothing to do with this. My cooking is really good and that's the truth that you don't know."
"Oo na, oo na, huwag mo ng ipagyabang."
"Talagang ipagyayabang ko!" Kahit na malayo ay ramdam ko ang dahan-dahan niyang tingin papunta sa mga mata ko. "This kind of skill is very rare for all guys nowadays at isa ako sa mga rare na lalaking 'yon na marunong magluto!"
Hahayaan ko na muna siya sa pagkakataong 'to. Minsan lang naman siya magyabang kaya sige magyabang siya hanggang't gusto niya. Palagi kasing galit ang nakakasanayan kong emosyon sa kaniyang mukha kahit hindi naman bagay sa kaniya.
Pero sa totoo lang, habang pinagmamasdan siya ngayong abala sa pagtadtad ng mga kasangkapan habang umiikot din ang mga kamay sa nakatokang kaldero sa kalan ay hindi ko mapigilang hindi mapahanga.
Seryosong-seryoso lang siya, kung abalahin ang sarili ay parang walang nakatingin sa kaniya at kung meron man ay wala siyang pakialam. Marunong pala talaga siyang magluto.
Pero kanino naman niya 'yon natutunan? Hindi naman talento ang pagluluto para madiskobre na lang niya sa sariling marunong pala siya. Skill naman 'yon na kailangan lang matutunan. Marahil siguro sa parents niya o baka naman siguro culinary ang gusto niyang kuning kurso o meron lang talaga siyang culinary skill?
Pwede rin sigurong natuto siya sa family niya, aywan. Hindi ko alam, siya lang naman kasi ang tao sa pamilya nila rito. Si Aling Niña lang ang nandito kasama na rin akong personal maid niya at ang mga housekeepers na paminsan-minsang dumadalaw nitong mansion.
Sa mahabang paghihintay ko ay sa wakas, natapos din siya sa pagluluto.
"Try this one first." Inilapag niya sa harap ko ang pagkaing sa totoo lang ay hindi naman na bago sa paningin ko. Medyo unique lang 'to ng kaunti.
Namangha naman ako sa pagkaing sunod niyang inilapag.
"Patatas ba 'to?" Kuryoso kong tinuro 'yong panghuli niyang nilagay sa harap ko.
"Yeah, that's actually gnocchi."
"Gnocchi?"
"Italian dish, small rounds of potato dough lang 'yan."
"Italian dish, eh itong isa? Ano naman 'to?"
"That's Risotto, Northern Italian dish."
"Mukhang parehong masarap."
"Pareho talagang masarap, ako nagluto, eh" Ipinagkrus niya pa talaga ang dalawang braso niya, talagang nagyayabang.
Hindi ko na lang siya pinansin at kumuha na ng kutsara para matikman 'yong una niyang sinerve na Risotto raw ang 'ngalan.
Hindi ko pa man iyon nasusubo ay nakikita ko na siyang kinakabahan. Bagaman nanatili pa ring krus ang mga kamay at umaaktong walang pakialam, hindi pa rin nakaligtas sa akin ang kaniyang bahagyang kaba.
Isinubo ko na nga iyon at habang nginunguya ay sinusubukan kong lasapin para mas lalong makilala ng dila ko ang lasa.
"Ano? Masarap ba? Tss! No need to say it, luto ko 'yan kaya alam kong masarap."
Habang nilalasap ang lasa ay dahan-dahan akong napatango-tango.
"Masarap, luto ko, eh!"
"Ayos naman siya." Sambit ko pero biglang nag-iba ang ayos ng kaniyang mukha.
"Ano? Ayos lang? Tango lang? How could you, nerdo!"
"Ano bang problema sa sinabi ko?"
"Tss! Forget it! Tikman mo na lang 'tong isa, aywan ko na lang kapag hindi ka mapatalon diyan sa sobrang sarap!" Mukha na siyang galit kaya medyo kinabahan ako.
Hindi na ako nagsalita at katulad ng gusto niya sumunod ko namang tinikman ang Gnocchi na luto niya at sa mga oras na 'to ay medyo kinabahan na 'ko. Bumabalik na naman ang nakakatakot na emosyon niya sa kaniyang mukha.
"Ano masarap 'di ba?" Kaagad na sabi niya matapos ng isang subo ko.
"Mm! Ang sarap!" Tumango-tango ako saka mas siniglahan pa ang pagkakasabi ko n'yon para mapaniwala siyang sobrang sarap ng luto niya kahit sakto lang naman sa panlasa ko. "Pa'no mo ba naluluto ang ganito kasarap Zach? Hm!"
Sumubo pa ako para medyo kumalma siya at huwag tuluyang magalit.
"Pa'no mo ba naluluto ang ganito kasarap na pagkain, Zach?" Masiglang tanong ko pero sa halip na gumuhit ang masayang emosyon sa kaniyang mukha ay mas lalo lamang iyong bumlanko.
Nag-aalangan pa akong sumubo ng isa pang kutsarita habang kinakabahang nakatitig pa rin sa kaniya. Ramdam ko na rin ang panginginig ng kamay ko habang siya ay nananatili pa ring blanko.
"Ang... sarap..."
"Oh, shup up, nerdo, alam kong hindi mo gusto ang lasa."
Napatungo ako sa sobrang takot. Inaasahan ko ng sisigawan niya ako o 'di kaya ay paaalisin niya ako pero hinawakan niya lang ang kamay ko at hinila palabas nitong kusina.
"Zach, saan tayo pupunta?"
"Kakain tayo sa labas." Sambit niya at sa huli ay pinapasok na niya 'ko sa kotse niya.
"May malapit na kilalang restaurant dito."
"Pero hindi naman na kailangan-"
"What then, you're gonna force yourself to eat the foods I cooked?"
"Pero masarap naman-"
"Tss! Stop lying, nerdo, hindi bagay sa 'yo." Malamig na saad niya at napatungo na lamang ako.
"Pasensiya na. Nagkataon lang talaga na hindi ko gusto at hilig kainin ang mga pangunahing sangkap do'n sa mga niluto mo. Pasensiya na."
"Forget it, just eat a lot later at the restaurant."
"Hindi ka... galit?" Tanong ko na bahagyang nagpataas ng isa niyang kilay.
"Why would I? Magagalit lang ako kung pati sa restaurant hindi ka din kumain."
"Huwag kang mag-alala, kakain ako ng marami ro'n."
Nag-half smile muna siya bago ibinalik sa harapan ang tingin. Ang bilis talagang magbago ng mood niya. Nakakapanibago, nasobrahan yata siya sa bait sa pagkakataong 'to.
Huminto kami sa harap ng isang seafood restaurant. Pinagbuksan niya pa 'ko ng kotse niya saka kami pumasok doon. Hindi ako mapagsamantala pero sa ngayon ay parang gusto kong samantalahin ang kabaitan niya.
"Good evening, Mam, Sir. This way po." Sambit ng isang waitress at sumunod naman kami.
Naupo kami sa bakanteng table habang namamangha sa ganda nitong paligid. Ang gagara ng lahat. Lahat din ng customers mukhang mayayaman lahat. Nabalik lamang ako sa huwisyo matapos akong senyasan ni Zach na maupo na sa silyang hinila niya para sa 'kin.
"Here's the menu, Mam." Iniabot sa 'kin ng isa pang waiter ang nasabing menu at pagkatapos ay sunod niyang ibinigay kay Zach ang isa pang menu na na sa kamay nito.
Namilog ang mga mata ko matapos kong makita ang laman ng menu. Sobrang mahal na ng salmon saka tuna pero mas lalo pa akong nagulat ng nakita ko kung ga'no kalaki pa ang itinaas ng whole lobster, mussels kahit 'yung shrimps saka crab sobrang mahal din.
Sana pala kinain ko na lang 'yong luto ni Zach kanina. Jusko, mamamatay ako sa sobrang mahal ng mga pagkain dito.
"Zach... Sa bahay niyo na lang kaya tayo kumain... Ako na magluluto..."
Kinabahan ako ng bigla kaagad dumilim ang kaniyang mga mata matapos kong magsalita.