GUSTO
"Just tell me if you want to get hit okay? I'll throw the stone myself alone to make sure it'll hit straight at your head, hm?" Inis niyang hinawakan ang kamay ko at hinila patayo.
"Ay niligtas siya ni fafa Zach, oh."
"Ang sabihin mo, epal lang talaga 'yan!"
"Kahit kailan ambisyosang nerd talaga ang babaeng 'yan!"
Hindi ko na pinansin pa ang kung ano-anong bulong-bulongan ng mga taong nakapaligid ngayon sa 'min dito.
"You btches!" Gulat akong napaangat ng tingin nang sumigaw si Zach. Hindi pa rin binibitawan ang palapulsonan ng kamay ko. "Keep your mouth all fcking shut before I get rid of it, understood?!"
Banta niya at takot namang nagsitanguan ang lahat.
"Now, leave!" Tumakbo silang lahat at naiwan kaming dalawa ni Zach at ng dalawang sina Chad at Cai.
May halong inis ang mukha ni Zach. Para siyang galit. Napalingon naman ako sa direksyon ng dalawa. Pareho silang walang emosyon ang mga mukha sa totoo lang, pero malaki ang pinagkaiba n'yon.
Dahil wala mang emosyon ang mukha ni Cai, medyo light pa rin at hindi nga masasabing bad mood. Kabaliktaran naman doon si Chad. Talagang nakasanayan ko na ang palaging pagiging blanko ng kaniyang mukha. Pero mas nakakatakot pa rin talaga ang mukha ni Zach, lalo na kapag sobrang irita't galit.
"We're going," paalam ni Zach sa dalawa. Hindi niya na hinintay pang makapagreact ang dalawa at hinila na kaagad ako patalikod. "I've been watching you the whole time you're walking at the side of the court and I only noticed one thing."
"Hm? Ano naman 'yon?"
"You're acting abstracted again. Why? What are you thinking, huh?" Tanong niya habang pinagbubuksan ako ng pinto ng kotse niya. Kasalukuyan na kami ngayong naririto sa may parking lot, pauwi na rin.
"Wala naman..." wala sa sarili kong sagot.
"Ano nga 'yon? Sabihin mo kung anong iniisip mo at natutulala ka roon?"
"Wala ka naman na siguro ro'n 'di ba?" May kaunting sarkasmong saad ko pagkaupo niya sa may driver's seat.
"Anong wala? I'm your boss and I'm also the one who fcking saved you to get hit by a fcking ball." Malalim siyang napabuntong-hininga, pinipigilan ang inis niya. "So spit it out now. Are you thinking about something? What is that, huh?"
"Hindi ano, sino kamo." Diretsong saad ko. Naiinis na rin talaga ako sa utak ko, kanina pa siyang iniisip. Nawawala tuloy ako sa sarili ko at maya-maya'y matatagpuan ko na lamang ang sarili kong nakatulala.
"Sino? You mean, tao ang iniisip mo?" Bago pa man ako makasagot ay sumunod kaagad siyang nagsalita. "Tell me and I'll kill whoever that fcking person is!"
Gulat akong napatingin sa kaniya matapos sabihin ang mga katagang iyon. "Ano-"
"Kaiisip mo sa kaniya, halos matamaan ka na ng bola. He deserves to die."
"Pero-" Napugto ko na ang sariling hininga ko nang lumapit siya't itinukod sa likuran ko ang isa niyang kamay at malapitan akong tinitigan sa mata.
"O baka naman ibang lalake na 'yan?" May pagbabanta ang tono ng kaniyang pananalita. Kaagad ko siyang tinulak palayo. Hindi ako makahinga!
"Tumigil ka nga! Ano naman kung ibang lalaki ang iniisip ko, bakit? Gusto mo ikaw lang ang isipin ko?" Diretsong tanong ko sa kaniya.
"Of course! You should only think of me-"
"At bakit naman, huh?"
"Because..." Nag-iwas siya ng tingin, nangangapa ng maisasatinig.
"Ano 'di ka makasagot, dahil alam mong wala namang dahilan para ikaw ang isipin ko."
"Because I'm your boss."
"Para lang malaman mo, Zach, kahit amo kita labas ka na sa kung ano ang laman ng isip ko. Wala ka ring karapatan para sabihin mong ikaw lang dapat ang isipin ko dahil una sa lahat utak ko 'to kaya mag-iisip ako ng walang kinalaman sa katayuan mo bilang amo ko. Saka isa pa, pa'no mo naman mapapatay 'yang sarili mo?"
"Wait... what?"
"Oo, ikaw ang kanina pang iniisip ko-"
"You're thinking of me? But... why?!" Pasigaw iyon at mukhang hindi makapaniwala na maririnig niya iyon sa tanang buhay niya.
Tumikhim siya.
"I mean, why?" Kung kanina ay gulat, ngayon naman ay sobrang seryoso na. "Why are you thinking about me?"
"Dahil iniisip ko kung bakit ganiyan ka." Sagot ko, hindi sigurado kung kaya ko bang sabihin sa kaniya ang kanina pa talagang nanggugulo sa utak ko.
"Ganiyan? Anong ganiyan?" Kunot-noo niyang tanong.
"Nitong mga nagdaang araw napapansin ko ngang sa halip na pasama ng pasama ay pabait ng pabait ka makitungo sa 'kin. Na parang hindi personal maid ang turing mo sa 'kin."
"What do you mean?" Nawala ang kaninang saya na nakikita ko sa kaniyang mga mata.
"Halos buong maghapon ikaw lang ang laman ng isip ko. Totoo 'yon dahil lahat-lahat ng mga ginawa mo para sa 'kin, lahat ng tulong na binigay mo sa 'kin, sa ugali mong hindi ko napapansing dahan-dahang nagbabago at tuluyang bumabait, lahat ng magagandang nangyaring kasama ka inalala ko. 'Yon ang naging batayan ko para siguraduhin at malaman na rin kung totoo ba ang sinabi nina Laira at Esther."
"What did they tell you?"
"Na kung may..." Jusko, bakit sobrang kinakabahan ako! Nandito na 'to kaya ayaw ko nang umatras!
Gusto ko naman na ring matahimik na ang utak ko kaiisip sa kung gusto niya ba talaga ako katulad ng sinasabi nina Laira't Esther. Kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng kabaitang ipinapakita niya sa 'kin, dahil ba 'yon do'n sa gusto niya 'ko? Siya lang ang makakasagot nito kaya wala ng atrasan 'to. Kung kailangang kapalan ko ang mukha ko para matahimik ay gagawin ko.
"Na kung may... gus-"
Hindi na natuloy pa ang sasabihin ko nang mabilis na nagvibrate ang phone niya mula sa bulsa niya. Irita niya iyong kinuha sa bulsa niya at namilog ang mga mata ko nang makita kung ano ang pangalang nakalagay ng tumatawag sa phone niya.
"Baby"
Nang makita ko 'yon ay may naramdaman akong kakatwa sa dibdib ko. Para iyong kakaibang sakit na mas lalong nagpababa sa kung pa'no kong tingnan ang sarili ko.
"Hey, baby can we talk later, I'm with..." Nilingon niya 'ko at hindi na pinakawalan ang mga mata ko, "...someone and we're discussing something important."
Bakit kailangan niya pang sambitin ang salitang baby sa tabi ko. Pero ano namang karapatan ko para magreklamo at makaramdam ng bahagyang sakit dito sa dibdib ko, eh hindi naman kami. May baby naman na pala siya, bakit pinag-iisipan nilang sa 'kin siya may gusto. Ang malala pa nito ay umasa na ako kahit hindi ko alam kung anong magiging tugon ko sakaling sabihin niya 'yon sa harap ko.
Ibinaba niya ang tawag matapos magpaalam sa katawagan niya saka niya 'ko malalim na tinitigan sa mata.
"What are you going to say?"
Nag-iwas muna ako ng tingin bago sumagot, "wala, huwag na pala."
"What? What do you mean, wala na pala, huh?"
"Hindi naman 'yon importante kaya huwag na," ano pang dahilan para itanong ko sa kaniya kung may gusto ba siya sa 'kin gayong may baby naman na pala siya.
Pero ano 'tong nararamdaman ko? Parang nasasaktan ako.
Sa halip na itanong ko sa kaniya kung gusto niya ba 'ko ay sarili ko ba dapat ang dapat na tanungin ko... kung sa 'ming dalawa ay ako ang may gusto sa kaniya?
"Anong hindi importante, everything you say always makes sense. Now tell me what it is."
"Hindi na kailangan, sa sarili ko pala dapat na itanong 'yon at hindi sa 'yo," sambit ko sa mababang boses.
"Bakit, ano ba 'yon?" Nagsisimula na naman siyang mairita.
"Wala nga, kalimutan mo na lang 'yon." Wala na rin namang silbi kung itanong ko pa sa kaniya. Baka isipin niya pang sinisira ko ang relasyon nila ng baby niya. "Ituon mo na lang 'yang pansin mo sa pagdri-drive at baka bumangga tayo." Sambit ko at humilig na sa bintana.
Aywan ko ba, parang hinang-hina na kaagad ako. Halo-halong emosyon din ang nararamdaman ko sa loob ko magmula lang no'ng nakita ko ang pangalang nakalagay nang tumawag sa cellphone ni Zach. Naiinis ako na parang nagtatampo na para ring galit. Hindi ko maunawaan lahat pero malinaw na malinaw sa 'kin na nasaktan ako kaya ganito na lang ang naging reaksiyon at naramdaman ko.
May gusto ba ako sa kaniya, kaya ako nagkakagan'to?
Kaya ba ako nagkakaganito ay dahil nasaktan ako nang may baby akong nakita sa screen ng cellphone niya? Pagseselos ba ang tawag dito? Pero teka, pwede bang magselos gayong hindi naman kayo?
Pero kung may baby naman na pala siya, ano iyong napapansin ng dalawang sina Esther at Laira. Na sinasabi pa nilang may gusto siya sa 'kin. Pinapagulo lang nila ang isip ko! Mas naguguluhan ako lalo, sinabi nilang gusto niya ako. Tapos ngayon ay may girlfriend na pala siyang iba. Umabot pa sa puntong 'to na pinagdududahan ko na rin ang sarili ko, kung sa 'ming dalawa ay ako ba ang may gusto sa kaniya?
Hindi naman ako tanga para hindi mapansin 'to. Sarili ko 'to, kilalang-kilala ko ang sarili ko. Alam na alam ko lahat ng gusto at ayaw ko. Alam ko kung sa'n lahat nanggagaling ang kung ano mang saya at sakit na nararamdaman ko. At higit sa lahat, sarili ko 'to kaya maluwag kong tatanggapin kung ano man ang nararamdaman ng puso ko. Kung ano o sino man ang nagugustuhan nitong puso ko, maluwag ko iyong tatanggapin sa sarili ko.
Totoo akong tao sa lahat ng mga nakakasalamuha ko at lalong-lalo na sa sarili ko. Naisip ko ng gusto ko siya, pero hindi 'yon lubos at alam ko ang hangganan nito kaya sa ngayon ay kailangan ko pa muna ng kaunting panahon para masigurado kung gusto ko nga ba talaga siya at kung mapatunayan ko man iyon sa sarili ko siguradong sa akin na lamang iyon.
Mananatili iyong lihim na kukubli sa pagkatao ko. Titiyakin kong walang kahit sino mang makakaalam niyon ng hindi ako makasira ng kanilang relasyon. Hinding-hindi ko hahayaang makasira ng kanilang relasyon sakaling mapatunayan ko man na gusto ko siya.
Malinaw na malinaw na wala siyang gusto sa 'kin, sapat na batayan na ang nakita ko sa screen ng cellphone niya. Ako na lang talaga ang malabo, kailangan ko ng kaunting panahon para sa reyalisasyon ko, kailangan ko rin ng kasagutan at nang matahimik na itong dibdib kong kung masaktan ay parang sinaktan ng taong mahal. Pero matatahimik ba itong naghuhuromintadong puso ko kapag nakuha ko na ang sagot?
"Nerdo-"
"Huh?!" Nag-over react ba 'ko? "Hindi- Sorry... uhm... bakit?" Ilang segundo muna siyang natulala pero nang makabawi ay tumikhim muna bago nagsalita.
"Get dressed later."
"Bakit?"
"Birthday ni tita, mommy ni Chad pupunta tayo."
"Pero hindi naman ako inimbita-"
"I don't care, iniimbita kita kaya wala silang magagawa."
"Pero hindi naman ikaw ang magbi-birthday-"
"I said, I don't care if it's my birthday or not, as long as I said you're going with me, you'll go with me! Do yeah understand, nerdo?"
"Oo na! Oo na sasama na ako! Pero yung kasuotan doon?" Mayayaman sila kaya siguradong ang gagara ng lahat ng kasuotang susuotin ng mga bisita roon.
"You can wear whatever you want to wear."
"Huh? Kahit anong gusto ko?" Hindi makapaniwalang sambit ko.
"You heard it right, wear anything you want."
"Pero pa'no kapag hindi magandang dress ang isuot ko?"
"Kahit ano nga 'di ba?" Supladong saad niya.
"Pa'no kapag pangmatandang dress ang isuot ko, papayag ka pa rin? Kahit yung pinakapangit na dress sa buong mundo, isasama mo pa rin ba ako?"
"Oo nga! Whatever you want as long as you're comfortable wearing those... I won't mind."
"Oh, sige, may naisip na akong isusuot ko mamaya!"
"Good, but wait."
"Huh, bakit?"
"You might be thinking a bit far from the things I want."
"Ano, you want? Akala ko ba kahit ano?" Naguguluhang tanong ko kaagad sa kaniya.
"No you can wear what you want. But what I want for you also."
"Alam mo, Zach, ang gulo mo."
"Simple, you wear the clothes you want to wear and I want you to wear, too. Not because I said 'whatever' does mean you wear whatever you like yourself. Just so you know, that stands for 'whatever we both wan't' obviously."
"Akala ko ba ako ang magdedesisyon?" Nakangusong tanong ko.
"Yeah right, you decide as long as it's okay for the both of us, no problem."
Ano ba 'yan! Baka mapangitan lang siya sa isa pang dress na ipinamana sa 'kin ni nay Maria, hindi ako isama o 'di kaya bilhan ako ng dress na classy nga tingnan pero kulang naman sa tela. Lantad sigurado buong katawan ko!
Dumating kami ng party sa mansion nila Chad suot-suot ko 'yong dress na isa sa mga ipinamana sa 'kin ni nay Maria. Wala naman siyang ibang sinabi sa dress kong hanggang paa ang haba at hanggang palapulsonan naman ang haba ng manggas. Sinabihan niya lang akong ang pangit ko raw, pero ayos lang naman sa 'kin 'yon. Hindi ako apektado dahil matagal ko naman nang alam 'yon.
Halos malaglag ang panga ko sa sobrang laki ng mansion nila Chad. Alam kong mas malaki 'yong mansion nila Zach pero siguro mas masaya rito. Mag-isa lang kasi si Zach do'n sa mansion nila, oo nga't kasama kaming katulong niya pero hindi niya kasama ang pamilya niya. O baka naman gano'n din si Chad. Pero sigurado namang nandito ang parents niya, mommy naman niya magbi-birthday.
Basta ang alam ko,.hindi batayan ang isang maliit na bahay para ika'y maging masaya. Na sa bilang iyon ng taong nakapaloob do'n, naniniwala naman ako sa kasabihang kapag mas marami, mas masaya.
"Let's go." Sambit ni Zach at pumasok na kami sa loob ng gate. Binati pa muna siya ng maraming guards na nagbabantay doon bago kami tuluyang nakapasok.
Sa pangalawang pagkakataon ay namangha na naman ako ng sobra sa dami na ngayong taong nandito. Pero hindi ako nakahakbang nang pinagtinginan kaagad ako ng maraming tao ng may panlalait sa mga mata.
"It's okay, hanggang tingin lang sila, you just have to calm yourself down, I won't leave you here," rinig kong sambit ni Zach.
"Zach! Hijo! I'm so happy you've come. Where are my friends and comrades? Where's your parents?" Salubong sa kaniya ng magandang babae.
"They're in London, tita."
"It's okay, at least you came," cute siyang nagpoot.
"Here's actually their gift for you, tita, babawi na lang daw sila next time." Iniabot ni Zach dito ang isang regalo sa ginang.
"Wow, a gift! don't worry, hijo, I'm okay with this gift but I would really appreciate it if they come." Bahagyang bumahid ang lungkot sa kaniyang mukha pero pinilit niya pa ring ngumiti.
"Sorry po, tita-"
"No it's okay really, like what you've said may next birthday pa naman. Lagot lang talaga nila sa 'kin kapag hindi sila pumunta," narinig kong tumawa si Zach.
"Promise po, pupunta na 'yon next birthday niyo."
"Dapat lang! Uhm... may I mind asking on who's with your side right now?"
"Yeah, I forgot! She's Yeri nga pala my..."
"Girlfriend?"
"No!" Kaagad na tugon ni Zach. Tama talaga ako, walang-wala siyang nararamdaman sa 'kin. "I mean... yeah!"
"Huh?" Tama ba ang nadinig ko?
"Girl na friend po, tita."
"Tsk! Kayo talagang mga bata kayo, ang dami-dami niyo pang paligoy-ligoy. Sige ka," hindi ako nakagalaw nang lumapit ang ginang sa 'kin at dahan-dahang inayos ang takas kong buhok at inilagay iyon sa likod ng tainga ko. "Maganda 'tong kasama mo, kapag naagawan ka hindi na niya kasalanan 'yon. Right, baby girl?"
"Uh..." Sa totoo lang ay hindi ko alam kung anong sasabihin ko!
"Hey, honey!"
"Wait, my husband is calling me. He doesn't seem to want far from his side, hihi! Oh, sige na-"
"Hey guys." Napalingon kaming lahat sa nagsalita.
"Chad, hijo." Sambit ng ginang.
"Mom, happy birthday." Nagbeso sila ng mommy niya.
"Ikaw na ang bahala rito sa kaibigan mo at sa girl na... friend niya, okay?"
"Okay..." Tila nawiwierduhang sambit ni Chad.
"Hey, dude!" Nagtapikan sa dalawang braso ang dalawa at 'di nga nagtagal ay nagsimula na rin sa wakas ang party.
Dumating na rin sina Esther, Laira syempre ang isa sa Hellion3 dito, si Cai. Gano'n na rin ang mga parents nila at Lolo ng emerald princess at marami pang mga mayayamang sikat na business tycoon at may iilan-ilan ding mga artista. Grabe naman talaga ang yaman ng mga pamilya rito sa mundong pinasok ko, talagang nakakamangha.
Habang lumilipas ang bawat oras ay talagang napakasaya rito. Maraming pagkain, inumin kahit hindi naman ako umiinom. Mayroon silang dancefloor dito sa loob ng kanilang mansion at do'n na nga nagsasayawan at nag-eenjoy ang lahat habang ako ay kuha lang ng kuha ng mga pagkain doon. Ang dami pa rin ng pagkain ka't ang daming tao.
Medyo malalim na rin ang gabi kaya marami-rami na akong nakikitang medyo lasing. Parang wala na sila sa balanse kung kumilos, talagang marami na ang lasing. Pero magkagayon man, kitang-kita pa rin ang saya sa birthday celebrant na siyang mommy ni Chad.
Kasalukuyan niya ngayong kausap ang Lolo ng emerald princesses, parents ni Cai at marami pang iba. Ang saya niyang tingnan, parang likas na sa kaniya ang buong araw na masaya sa sobrang liwanag ng kaniyang mukha.
Galing ko lang sa comfort room nila rito at habang naglalakad pabalik ay bigla na lamang akong bumagsak sa sahig ng may biglang bumunggo sa 'kin.
"Ew! Pati ba naman dito, makikita ko pa ang mukha ng babaeng 'yan?!" Nang mag-angat ako ng tingin sa pinanggalingan ng boses ay nakilala ko agad siya kasama ng mga alipores niya na kasalukuyan na rin ngayong nakapalibot sa 'kin. Kilala silang mga bullies sa loob ng HHU.
"Pasensiya na," sambit ko at akmang tatayo na sana nang may biglang bumuhos sa ulo ko ng malamig na beer.
"Oh my gosh! Video-han mo dali!" Sambit ng isang babaeng katabi lang ng nagbuhos sa 'kin ng beer.
Nakita ko namang nagvideo kaagad ang babae at huli ko na lamang naramdaman ang pagpapaligo nila ng beer sa 'kin.
"Dapat lang 'to sa 'yo! Flirt ka kasing nerd ka-"
Basang-basa na ang damit ko. Mula ulo hanggang paa gano'n na rin.
"Tumigil kayo, wala naman akong ginagawa sa inyo!" Naluluhang sambit ko.
"Wala! Ang kati kasi niyang katawan mo girl!"
Halos mamanhid na ang mukha ko nang sampalin ako ng isa sa kanila.
"This is our chance girls, purohan na natin ang babaeng 'to!"
Wala na 'kong ibang nagawa kun'di ang maluha habang pinagtutulungan nila ako. Marami sila, walang tigil sa kapapaligo sa 'kin ng beer, hindi pa nakontento't pinagsasampal at pinagpupunit din ang damit ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil wala 'kong magawa kun'di hayaan ang mga taong 'to na alipustahin ako.
"Stop it!" Kaagad silang napatayo nang marinig ang boses na iyon.
"Si Chad..." Rinig kong sambit ng isa sa kanila.
"How can you do this to her?" Hindi ko na magawang patahanin ang sarili ko at nananatili lang akong nakayuko habang tinatakpan ang punit na damit ko, tahimik na humihikbi sa kalapastanganan ng mga taong malulupit na katulad nila!
"It's her fault, she doesn't fit in here."
"Yeah, she's a flirt!"
Sa halip na tugonin ang sinabi nila ay humakbang siya palapit sa 'kin sabay hubad ng coat niya at ibinigay iyon sa 'kin.
"Are you okay?" Hindi ako nakasagot, sa halip ay pinalis ko lamang ang luhang kanina pa tumutulo sa aking mga mata.
Nakita ko ang gulat sa mga mukha nila habang tinutulungan akong makatayo ni Chad.
"Chad why are you helping that nerdy girl, huh?!"
"Yeah, she doesn't belong here so just get her out of here!"
Tahimik niyang inisa-isang tingnan ang mga mukha at walang emosyong nagsalita."It's not right for anyone of you to hurt this girl."
"And why is that? That girl is just a nerd, so get rid of her-"
"You leave here. This is my house, now leave before I lose my patience."
"No! H'wag mo ng ipagtanggol ang babaeng 'yan!"
"H'wag niyong sagarin ang pasensya ko, umalis na kayo rito sa pamamahay ko."
"Bakit mo pinagtatanggol ang babaeng nerd na 'yan, huh?"
"Don't tell me gusto mo na rin 'yan-"
"Yes, I like her."
"What?!" Sabay-sabay iyon mula sa kanila. Maging ako ay nagulat din sa sinabi niya.
"I do like her-"
"Hindi Chad! Hindi kami naniniwala!"
"Ayaw niyong maniwala?" Blankong saad niya at kinakabahan namang napailing ang ilan sa kanila.
"Hindi kami naniniwala, walang magkakagusto sa babaeng nerd na 'yan!"
"I don't care if she's a nerd for hell's sake. I also don't care if you won't believe me, i just want you to know, all of you to know that I like this girl that all of you were bullying. By the time this happens, expect it to happen triple times hard for each and everyone of y'all."
Hindi lang sila ang napatulala sa kaniya, dahil maging ako ay gulat ring napatitig sa kaniya. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kaniya o isa lang iyon sa mga paraan niya para mapaalis sila. Pero sa ekspresyon ng kaniyang mukha at tono ng kaniyang pananalita parang totoo ang lahat ng mga sinabi niya.
"I'm not wasting my time to just kid the hell out of you around. Weather you believe it or not, I like her and I don't want my girl being abused by anyone. you won't want it when it's me who... abuse you when it happens again."
"Girls, let's... just... go..." Nagtakbuhan kaagad sila paalis sa sobrang takot kay Chad.
"They're gone, let's go get some clothes so you can-"
"Chad," putol ko.
"Hm?"
"Totoo ba 'yong sinabi mo? Gusto mo... ako?" Nauutal at kinakabahang tanong ko sa kaniya.
Ngumiti siya, "yeah, I like you quite a lot," diretso niyang tugon, tila wala lang ang kaniya and sinabi.
"Pero Chad-"
"No it's okay, I know it's shocking but I want to be honest. I'm not in a hurry and if you don't like me, it's also okay for me. I won't expect anything but expect me to date you... because I like you," magrereact pa lang sana ako ng hatakin na niya ang kamay ko. "Let's go get yourself some clothes, I want to take care of you from now on."