CONFUSE
Nanigas ako nang malalim siyang bumuntong hininga saka mas lalong lumapit sa akin para mas matitigan ang aking mga mata.
"Look, nerdo, I brought you here to eat and now you haven't even ordered yet and you wanted to go back already?"
"Pero tingnan mo naman ang presyo ng mga pagkain nila rito?" Iniharap ko sa kaniya ang hawak kong menu pero kaunting tingin lang ang itinuon niya roon dahil kaagad iyong bumalik sa 'kin. "Ang mahal oh-" natigilan ako nang hawiin niya ang menung hawak ko at pinakatitigan ako.
"Hindi naman ikaw ang magbabayad 'di ba?"
"Pero ang mahal nga-"
"Just order, trust me, you won't get pesos out of your pocket."
"Hindi pa naman tayo nakakaorder kaya bumalik na lang tayo, ako na lang ang magluluto mas makakatipid ka pa," akmang tatayo na sana ako nang magsalita na naman siya.
"You know your hand was burnt, right?"
"Paso lang naman 'to, halika na. Balik na lang tayo sa mansion mo. Ang mahal ng mga pagkain dito."
"H'wag mo 'kong punuin nerdo."
"Mas napupuno ka sa 'kin kaysa sa presyo ng mga pagkain dito?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
Hindi siya sumagot kaya kusa akong tumayo.
"Babalik na ako, kumain ka na lang dito kung gusto-"
"Sit-"
"Zach naman, ayokong kumain dito-"
"You'll sit or I'll kiss you on your lips?"
Natigilan kaagad ako nang marinig ko ang mga katagang 'yon mula sa kaniya. Kaagad na namang bumilis ang tibok ng puso ko, mas lalo pa iyong bumilis nang maglapat ang tingin naming dalawa.
"Anong... sinabi... mo?" Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko!
"I know you heard me, but sure. I'll say it again. If you don't sit right now, I'll kiss you... right here. Now, sit."
Sa halip na umupo ay nanatili lamang akong nakatayo nang hindi pa rin inaalis sa kaniya ang tingin.
"What? You don't want to?"
Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin lang sa kaniya.
"Sure, you want me to kiss you-"
Hindi pa man siya natatapos magsalita ay mabilis na kaagad akong naupo sa silyang inupuan ko kanina.
Ngumiti siya saka mahinang tinapik-tapik ang ulo ko. "That's right, behave ka lang dapat."
Ngumuso ako saka iniwas ang ulo ko sa kaniya. "Huwag mo akong gawing aso."
"Why, aso lang ba dapat ang nagbebehave?"
Sa halip na sumagot ay inismiran ko lang siya. Tumawa lang din siya.
"Ako na lang ang oorder, baka maghanap ka lang ng mura rito sa may menu, wala kang makikita."
Nakangiti pa rin siya hanggang sa dumating na ang order para sa 'ming dalawa.
"Eat," alok niya kaya sinunod ko na lang siya.
Sa isang subo ay napapikit ako sa sobrang sarap. Bahagyang nakalimutan ko ang napakamahal na presyo nitong kinakain ko sa sobrang sarap. Nakangiti niya lang akong tiningnan pero hindi ko na siya pinansin sa halip ay nagpatuloy na lamang sa pagkain. Napahawak ako sa tiyan ko matapos kong maubos lahat ng pagkain sa plato ko. Sobrang dami ng nakain ko. Lahat halos ng seafoods naubos ko.
"Aray..."
"Hey, are you okay?" Nag-aalala kaagad niyang tanong nang mapansin ang medyo pananakit ng tiyan ko.
"Ang sakit ng tiyan ko."
"Pa'no, ang dami mong kinain. But that's okay, at least kumain ka... ng marami."
"Ikaw kasi, ang dami mo ba namang in-order!" Sigaw ko pero nagkibit-balikat lang siya.
"Tama lang 'yon ang payat mo kaya dapat ka lang pakainin ng marami."
"Hindi naman ako mapayat, ah?!"
"Tss! Ang payat mo nga sabi. Iyang ano mo lang yata yung malaki, eh!"
"Huh? Anong ano?" Naguguluhang tanong ko.
"Iyang ano mo," nag-iwas siya ng tingin.
"Ano ngang ano?"
"Basta, 'yang ano mo!"
"Ano ngang ano 'yang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan?!"
"Iyan! 'Yan lang naman 'yong malaki sa-"
Nag-init kaagad ang pisngi ko nang tumapat ang hintuturo niya ang dibdib ko. Natigilan din siya sa pagsasalita matapos mapagtanto ang sinabi niya. Nag-init na rin ang pisngi ko at hindi makagalaw sa kinauupuan ko. Nangingibabaw na rin ang pamumula ng dalawang tainga niya.
"I mean..." Lumapit na ang waiter sa 'min para sa bill kaya hindi na natuloy pa ang kung ano mang sasabihin niya.
Matapos niyang bayaran ang bill ay tahimik na kaming nasa loob ng kotse. Bibiyahe na pabalik. Wala lang kaming kibuang pareho. Nahihiya na rin naman ako, bakit ba kasi kailangan niya pang sabihin 'yon. Naging awkward tuloy ang lahat.
Hindi ko pa man din alam kung mao-offened ba ako sa sinabi niyang malaki ang dibdib ko o magsasaya. Sa ngayon kasi ay nangingibabaw talaga ang hiya. Hindi ko alam kung bakit, napakalaki ba talaga nitong dibdib ko?
"Hey! Nerdo, I'm sorry... I didn't mean to... say that, I... just..."
"Hindi mo kailangang magsorry, ako dapat ang magsabi n'yon. Sorry kung nalalakihan ka sa... dibdib ko-"
"Hey, stop! Ano naman ngayon kung nalalakihan ako sa... uhm... dibdib mo. You don't have to say sorry just because of that."
Napatungo ako, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko nga rin alam kung dapat bang pag-usapan 'to ng babae at lalaking hindi naman magkasintahan o ano. Hindi na siya nagsalita pa. Hindi na kami nag-usap hanggang sa makabalik kami sa mansion niya.
Kinaumagahan ay naging normal na ulit ang lahat. Hindi na napag-usapan pa ang nangyari kagabi kaya medyo nawawala na rin ang hindi akmang pakiramdam ko sa t'wing kaharap si Zach.
Sabay na kaming pumasok sa HHU at habang palapit ng palapit ang bakasyon ay mas lalo pa ngang naging abala at excited ang lahat. Walang nakakaalam kung anong uri ba ng bakasyon iyon, basta malalaman na lang daw iyon kung saan man hihinto ang bus na sasakyan 'pag nakarating na roon.
"So what now? Bukas na ang bakasyon." Rinig kong tinig ni Laira. Kasalukuyan kaming naglu-lunch dito sa may cafeteria kasama si Esther.
"Yeah, I wonder what kind of vacation that was going to be like," Esther.
"I would really like it if it was a beach vacation," sambit pa ni Laira.
"I heard that was a vacation with a lot of activities enclose. I don't know, that's all I heard."
"Activities? Vacation nga para magrelax, tapos activities, tsk!"
"I'm not sure about that yet so let's just change the topic first," Esther.
"Okay let's jump in to Yeri." Napalingon ako nang marinig ko ang pangalan ko kay Laira.
"Huh?"
"Don't 'huh' me, Yeri tell us, are you and Zach already?"
Nagulat man sa naging tanong ni Laira ay mabilis din akong napailing. "Hindi, hindi naman siya-"
"Oo nga, spit the truth out, Yeri. Kayo na ba?" Nanunukso ang mga mata ni Esther na nakatingin sa 'kin. Todo iling naman ako dahil 'yon naman ang totoo.
"Hindi nga. Bakit niyo naman naisip 'yon?" Saad ko.
"And why can't we think of that, these past few days he's been overprotective of you like... excessively, duh!" Mataray kaagad na sagot ni Laira.
"You're even with Zach more often than with your two best friends here," singit ni Esther.
"I wonder if the two were deeply jealous because of you."
"Hindi naman 'yon sa gano'n. Personal maid niya 'ko at siya ang amo ko kaya gano'n. Huwag naman kayong-"
"Is there a boss who is overprotective of his personal maid?" Balik kaagad ni Laira.
"Does any other boss simply hedge when his personal maid is talking to another man?" Esther.
"Pero 'yon nga ang totoo-" sinasadya na talaga nilang hindi ako patapusin hanggang hindi nila ako napapaamin. Pero wala naman akong sasabihin dahil wala naman akong dapat aminin!
"Does there any boss who get jealous when his personal maid talks to another man?"
"Is there a boss who has too much care to his personal maid?"
"Patupusin niyo muna kasi-"
"Is there a boss who's always looking for his personal maid?"
"Does any boss prefer to always have his personal maid with him instead of his long time best friends?"
"May boss bang-"
"Stop!" Kaagad silang natigilan sa sigaw ko kaya sinamantala ko na ang pagkakataon para idepensa ang sarili ko. "Hindi lang tayo nagkakaintindihan rito. Makinig kayo, una sa lahat walang namamagitan-"
"No, you listen to us first," putol na naman ni Laira.
"Eh, kanina pa nga kayo salita ng salita!" Nakanguso nang saad ko sa inis ko sa dalawang makukulit na 'to.
"We can understand why you always go to and from school together. The times both of you are always together, you often eat together because just like what you said, you're his personal maid and he is your boss. But how can you even explain her excessive care, territoriality and being overprotective of you, huh?"
"Hindi ko... alam," nauutal ng saad ko. Bahagya akong napaisip sa sinabi ni Laira. Nang mapagtanto ko ang mga bagay na 'yon mula kay Zach, sa kung pa'no niya 'kong tratuhin ay naguluhan din ako kung bakit. Hindi ko alam, pero isa lang ang malinaw. Walang namamagitan sa amin ni Zach! 'Yon yung katotohanang kanina ko pang sinasagot na hindi rin nila matanggap.
"You know, Yeri, I'm really going to sulk with you. You know you're our best friend but you're keeping secrets to us huhu," nakapoot na siyang umiiyak habang sumusobsob sa balikat ni Esther.
"Wala nga akong sekreto."
"Maybe there really isn't a secret, lilac. Zach is just being territorial even though he and Yeri aren't together yet."
Kaagad na nabuhayan si Laira sa sinabi ni Esther habang ako ay naguguluhan pa rin sa pinagsasasabi nila.
"Right! Nahihiya pa yata si Zach. Maybe he was just shy and scared to confess," Laira.
"Confess?" Kanina ko pang hindi maunawaan ang dalawang 'to!
"Confess that he's inlove!"
"Inlove? Kanino?"
"Kanino pa, edi sa 'yo? Ikaw naman kasi ang subject sa conversation na 'to, Yeri," Esther.
"Ako? Sa 'kin? Inlove si Zach... sakin?" Tinuro ko pa ang sarili ko para kahit papa'no medyo luminaw ang malabong usapan na 'to.
"You know how numb you are, girl? Do you even know that? Everyone in HHU already notices that. Then you, the one he's making you feel, can't feel it?" Laira.
"Wala talaga akong mararamdaman dahil wala naman akong dapat maramdaman." Wala sigurong patutunguhan ang usapang 'to. Mukhang tinutukso pa 'ko nilang pareho kay Zach na alam ko namang walang gusto sa 'kin.
"You know it yourself, Yeri. Maybe you don't feel anything, but deep down to your numb feelings you really do feel something and you're just covering it with your personal thoughts."
"She's right, I'm kinda sure you have that feeling that he wouldn't going to fell but you know he already fell. You just don't want to accept it because it seems like it's impossible to happen," Laira.
Sa totoo lang ay sa mga oras na 'to, nagfla-flashback ang lahat sa utak ko. Ang mga oras na palagi ko siyang kasama. Kung pa'nong nagkakatugma ang ipinupunto nila sa mga kinikilos ni Zach. Kaya ba habang tumatagal ay mas lalong bumabait sa 'kin si Zach?
Mas madalas na ang mga araw na magkabati kami kaysa noong mga araw na magkaaway at nagkakainitan kami. Dahil ba 'yon sa sinasabi nila Laira at Esther na gusto niya 'ko? Dahil totoong gusto niya 'ko?
"Pero posible ba 'yon... na magustohan niya 'ko?" Wala sa sariling tanong ko.
"Ano ka ba, Yeri, oo naman! There's no impossible word that can hinder the like of a person," Esther.
"And because there's nothing impossible, that like can turns into love eventually," saad pa ni Laira.
"So don't block the occasional little things you feel for Zach, so you can convince yourself that everything is impossible."
"You're just fooling yourself if you continue to be numb and insensitive that way."
"Kailangan ko pa siguro ng kaunting panahon, para mapakiramdaman ang mga kilos ni Zach. Kung talaga bang gusto niya ako-"
"Zach's actions and feelings are not the things that you need to check, because that's obvious. What you have to check is your feelings. If you like him?" Putol ni Laira.
"Kung may pag-asa ba siya? You need to clear your feelings first before he confess. Maybe if you're not clear about your feelings, it will lead to something you'll regret at the end."
"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko kay Esther.
"Maybe you'll neglect him right away when he confesses and in the end you'll realize that you like him," Esther.
"Tapos no'ng narealize mo nang gusto mo pala siya, nakamove-on na siya!" Dagdag pa ni Laira. "So if I were you, I would start feeling myself so that I can answer something in case he confesses, so I won't have any regrets at the end."
"Pero hindi pa naman tayo siguradong magcoconfess siya-"
"Magcoconfess 'yon ipusta ko pa ang branded na minaudaire bag ko, Yeri!" Laira.
"Ako naman... 'yong quilted bag na bigay sa 'kin ng mommy ko," sunod na saad pa ni Esther.
"Ano bang pinagsasasabi niyo?" Naguguluhang tanong ko sa dalawa.
"Listen, Yeri, mas malinaw pa sa liwanag ng araw na gusto ka ni Zach and I'm sure he's accumulating guts to finally confess his feelings to you."
"Tama si Laira, gusto ka niya kaya ro'n din ang punta no'n," sang-ayon ni Esther.
"Oh, sige na! Pag-iisipan ko ang lahat ng mga sinabi niyo... kasama na rin doon ang sinasabi niyong gusto ako ni Zach at sa confession na 'yon na wala namang kasiguradohan, 'yon ding magiging sagot ko sakaling magconfess niya. Siguro naman sapat na 'yon para tumigil na kayo sa pangungulit niyo sa 'kin?" Suko na talaga ako sa dalawang 'to.
"We're not done yet, you'll be even more annoyed when we ask you what your answer would be. But don't worry, we'll give you enough time to think 'bout that," Laira.
Ngiting sang-ayon lang ang itinugon ni Esther sa sinabi ni Laira. Pasimple na lamang akong napairap sa hangin sa sobrang dami ko na tuloy iniisip. Lahat pa ng 'yon ay konektado kay Zach, siya na talaga pumupuno sa isip ko!
Hanggang ngayong tapos na ang afternoon class ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi nina Esther at Laira sa 'kin kanina. Talagang pumasok at hindi na nakawala sa utak ko, wala sa sarili tuloy akong naglalakad rito sa may gilid nitong basketball court dito sa University.
Kanina pa akong lakad ng lakad, hindi ko man lang maramdamang nananakit ang paa ko kahit marami na 'kong nalibot sa loob nitong University kakaisip kay Zach at doon sa sinasabing gusto raw niya ako at kung ano ang sasabihin ko kapag nagconfess na siya ng nararamdaman niya sa 'kin. Pero mayroon ba talaga?
Baka naman nagkakamali lang ang dalawang 'yon? Na wala naman talagang gusto sa 'kin si Zach at feeling lang ako?
Pero bakit sa t'wing naiisip ko 'yon ay lumalabas sa imahinasyon ko ang maraming mga sandaling tina-trato ako ni Zach na katulad na katulad sa kung pa'nong trumato ang isang lalake sa isang babaeng kaniyang nagugustuhan. May gusto ba talaga siya sa 'kin?
"Kasi ako wala!" Wala sa sarili akong napasigaw sa sobrang kawalaan sa sarili at sa rami ng iniisip!
"You need to clear your feelings first before he confesses. Maybe if you're not clear about your feelings, it will lead to something you'll regret at the end."
Kaagad na bumalik sa isip ko ang mga katagang 'yon na galing kay Esther.
"Bakit parang babala ang dating n'yon? Na pagsisisihan ko 'yon sa huli? Hindi ba talaga ako sigurado sa sagot kong 'yon o hindi ko pa talaga alam kung ano ang isasagot ko?"
"Miss! 'Yong bola!" Napalingon kaagad ako sa likod ko para tingnan kung saan nanggagaling ang boses na 'yon nang tumambad 'di kalayuan ang bolang palapit ng palapit sa 'kin.
Hindi kaagad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Para akong nablanko at tangang naghihintay lang na lumanding sa mukha ko mismo ang bolang lumilipad ngayon para head-shotin ako.
Nagulat na lamang ako nang maramdaman kong may mabilis na humawak sa kamay ko at malakas ang pwersang hinila iyon dahilan para pwersahan din akong mapasunod sa ritmo ng hatak nito. Mas lalo pa ngang namilog ang mata ko nang masaksihan ng dalawang mata ko ang bolang dumaan ilang dangkal lang ang layo ng mismong mukha ko.
Sa sobrang bilis ng pangyayari ay namalayan ko na lamang ang sarili kong nakahiga sa damuhan habang nakaunan ang ulo sa medyo may kalaparang malambot na kamay.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at parang huminto ang mundo ko nang mapagmasdan ko ang mukhang kanina pa laman nitong isip ko.
Ang makakapal at na sa magandang hugis niyang mga kilay...
Ang mapupungay niyang mga mata...
Ang matangos niyang ilong...
Ang medyo mapula at manipis niyang labi...
Ang umiigting niyang panga...
Ang mariwasa niyang mukha...
Sa sobrang perpekto mong mukha, bakit parang labag sa kalooban kong hindi gustuhin ang isang katulad mo, Zach?