Chereads / Hidden Persona Zarie Series / Chapter 44 - Chapter 44

Chapter 44 - Chapter 44

CARE

"Our future representatives are just the same with the same winners of the SignificanScience! Mr. Zach Ecleo Evilord and Ms. Yeri Miel Del Rey!" Sa narinig ko ay napatulala ako.

Nakita ko ang tinginan ng mga tao. Pasimple kong kinurot ang sarili ko dahil parang nag-flashback lang ang nangyaring ito kanina. Pareho ring binanggit ang pangalan naming dalawa ni Zach ng emcee kaya hindi talaga kapani-paniwala.

Nasilayan ko ang napakagandang ngiting sumilay sa mukha ni Zach nang tapunan ko ito ng tingin. Ang saya-saya niya, ito na yata ang pinakamagandang ngiti niya para sa araw na ito.

Katulad ng nangyari kanina ay dalawa pa rin kaming naglakad paakyat ng stage, kasama sa likod namin ang mga propesor namin. Nagbigay lang ng kauting speech at hanggang ngayon ngang nandito kami sa cafeteria ay lutang pa rin ako sa hindi kapani-paniwalang pangyayaring iyon. Hindi pa rumirehistro sa utak ko ang katotohanang nanalo ako.

Naaalala ko pang pinagalitan ako ng guro sa harapan at pinagtawanan ako ng mga naging kakompetensiya ko dahil sa halos kalahati lang ang nasagutan ko. Kaya pa'nong nangyaring ako ang nanalo, gayong kalahati lang niyon ang nasagutan ko. Gisingin na sana ako kung panaginip lang ang lahat ng ito.

"Hoy, Yeri, gumising ka nga!"

"You're daydreaming!"

Napakurap-kurap ako. Ang akala ko ay talagang nanaginip lang ako, akala ko boses iyon ni nay pero kay Esther pala. Talagang totoong ako talaga ang nanalo.

"Why are you looking so shocked there, you're supposed to celebrate yourself, girl," Laira.

"Yes, you won so you should be happy," Esther.

"Hindi ko lang kasi inaasahang ganito ang mangyayari. Hindi ko inaasahang mananalo pala ako. Kaya ngayon, hindi pa matanggap ng utak ko na nangyayari talaga ito."

"Matalino ka, kulang ka lang talaga sa confidence na mananalo ka, right Esther?"

"Mm, Laira's right, you just don't trust yourself to win the game and you yourself proved that you can," Esther

"This is really great! Two HHU students will represent the country for the International Intelligence Olympiad!" Masayang saad naman ni Laira.

"Sinabi mo pa! I'm sure if Raila's here, masayang-masaya rin siya para sa 'yo," sambit pa ni Esther.

Napangiti ako. Ang sayang pagmasdan na may kaibigan kang katulad nila na masaya sa tagumpay na nakukuha mo. Maliit man o malaki, nandiyan sila at nakikihalo ng saya sa tuwing may magandang mangyayari.

"Hey, congrats to us!" Naagaw ang atensiyon naming tatlo sa boses na iyon ni Chad. Kasama niya ang dalawa niyang bestfriend na sina, Zach at Cai.

"Yeah right, hindi man nakuha ng lahat ang first winner at least lahat tayo may nasungkit na winner. Katulad ko, second winner!" Saad ni Cai ng may pagmamalaki sa tono ng kaniyang boses.

Naupo sila sa bakante pang silya at pati 'yon ay hindi pinalagpas ni Cai. Pati sa pag-upo ay sa tabi pa ni Laira. Inusog pa nito lalo ang silya para mas makalapit siya. Wala namang nagawa si Laira kun'di ang umirap na lamang. Naiinis talaga siya kay Cai. Hindi ko naman siya masisisi. Playboy eh!

"Kailan naman gaganapin iyong nasabing International Intelligence Olympiad?" Kuryosong tanong ko sa gitna ng aming pagkain.

"Aywan, I think next school year pa yata." Hindi siguradong sagot ni Esther.

"Next school year pa, makakapag-ready ka pa," sagot ni Chad. Napatango-tango ako. Matagal-tagal pa pala 'yon. Tama si Chad, makakapaghanda pa kami ni Zach.

"Dalawa talagang galing sa HHU, huh?" Cai.

"Ang tatalino naman kasi ng HHU students," sambit ni Laira.

"Kaya nga bagay tayo eh, parehong matalino," napairap na lamang si Laira.

"Maraming malanding matalino naman diyan sa paligid Mr. Cuesta. Kaya nga maraming bagay sa 'yo, pinagsasabay-sabay mo pa nga, remember?"

"Hindi ko sila pinagsasabay-sabay Ms. Emerald, kusa lang silang sumasabay."

"Pareho na rin 'yon! Ba't 'di ka kasi tumulad diyan sa mga kaibigan mo, hindi mga womanizer?"

"I'm the only handsome one, that's why."

"Ang hangin, uh!" Tumawa lang si Cai sa naging tugon ni Laira. Mukha talaga silang asong malandi saka pusang maldita.

"Mga womanizer din 'yang mga 'yan, hindi lang halata," Cai. Napalingon ako sa katabi kong si Zach.

"Womanizer ka?" Kuryusong tanong ko sa kaniya nang mahuli niya akong nakatingin sa kaniya.

Narinig kong tumawa si Cai, pero nakatuon lang kay Zach ang mga mata ko. Kuryoso ako. Oo nga't maraming babae ang may gusto sa kaniya pero wala roon ang nakakalapit sa kaniya. Aywan ko, pero medyo natatakot yata silang lumapit kay Zach. Pwede ring nahihiya, hindi ko alam pero wala talagang babae ang madalas na lumalapit kay Zach.

Napabuntong-hininga ako. Kung hindi niya 'ko personal maid ay hindi rin naman ako magsasayang ng oras na lapitan siya. Pero iba talaga 'yon sa maraming kababaihan sa HHU na nagkakagusto sa Hellion3. Maraming may gustong makalapit sa kanila, pero sadyang hindi sila pinapayagan ng pagkakataon.

"Like Cai, marami rin akong ka-flirt..." Hindi pa man natatapos sa pagsasalita si Zach ay bigla kaagad bumaliktad ang laman ng tiyan ko.

Wala sa oras akong napatayo at walang sabi-sabing tumakbo. Hindi ko kaya, parang susuka na ako anumang oras! Kaagad akong nagtungo sa isang banyo saka sa inidoro na ibinuhos ang sama ng loob ko. Biglang umakyat ang laman ng tiyan ko! Parang may nakain akong hindi katanggap-tanggap sa loob nito.

Ilang minuto muna akong nanatili sa loob ng cubicle at matapos makapaghilamos at malinis ang sarili ko ay saka lamang ako nagtungo palabas nitong banyo.

Habang naglalakad ay sapo-sapo ko pa rin ang tiyan ko. Nananakit pa rin ito. Wala naman siguro akong nakaing panis o nainom na maduming tubig dito?

Malapit lang naman ang C.R. sa exit door rito sa cafeteria kaya ro'n na muna ako nagtungo. Naupo ako sa may pinakamalapit na bench dito sa may ilalim ng puno para palipasin muna itong masamang pakiramdam ko. Mabuti na lang at may kendi akong nakapa sa loob nitong totebag ko. Kakaiba ang daloy ng lalamunan ko, nasusuka talaga ako. Abala ako sa pagbubukas ng balot nitong kendi nang biglang may humawak sa dalawang braso ko.

"Huli ka!"

"Wah, Zach anong ginagawa mo rito? Ba't nanggugulat ka?" Malapit ko pang maihagis itong kending binubuksan ko! S halip na sumagot ay tumawa lang siya at naupo sa tabi ko.

"Why are you here?" Tanong niya pagkaraan ng ilang segundo.

"Bigla kasing nag-init 'tong lalamunan ko. Parang nasuka ako bigla," sagot ko.

"Yung totoo."

"Huh?"

"Tss! Just tell me the truth."

"Huh? Ano bang sinasabi mo, totoo naman ang sinasabi ko, uh?"

"Tss, you're lying."

"Pero-" nahigit ko ang hininga ko nang ilapit niya ang kaniyang mukha sa mukha ko at pinakatitigan ako sa mata.

"Wala namang mawawala sa 'yo kung sasabihin mo ang totoo."

"Totoo naman kasi ang... sinasabi... ko."

"Why are you stuttering then?"

"Kasi..."

"Kasi nagsisinungaling-"

"Kasi ang lapit ng mukha mo!" Sigaw ko at itinulak siya palayo.

Ano bang nangyayari sa lalaking 'to?!

"Why can't you just tell me you're jealous?"

"Ano?" Nakita kong may ngiting kumawala sa kaniyang mukha at kahit naiinis na ako sa kaniya ay ang cute pa rin niya.

"That's why you walked out."

"Hindi naman 'yon sa gano'n. Bigla kasing nag-init ang lalamunan ko kaya kinailangan kong pumuntang banyo."

"Of course not, you're just making some excuses to hide your jealousy."

"Hindi naman ako nag-eembento, saka bakit naman ako magseselos at kanino?"

"Sa 'kin!" Hindi ko mapigilang matawa sa sagot niya.

"Bakit ka natatawa?" Pikon niyang tanong.

"Kasi nagpapatawa ka. Rude ko naman siguro kung hindi ako tumawa 'di ba?"

"But... I'm not joking, Nerdo! Sabi ko kaninang marami akong flirt at hindi pa ako natatapos nagwalked out kana-"

"Eh sinabi ko na naman 'di bang-"

"No, nagwalk-out ka dahil nagseselos ka," hinawakan niya ang ulo ko at inilapit iyon sa kaniya. Sa pagkakataong 'to ay ang lapit-lapit na talaga ng mukha naming pareho sa isa't isa.

Nanigas ang buong katawan ko. Para akong naestatwa ng hindi tinatanggal ang mga mata sa kaniya.

"Yeah, I have a lot of flirt girls, but that was before I met you-" Hindi pa man siya natatapos ay tinulak ko na naman siya palayo. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa, hindi ako maayos na nakakahinga.

"Hindi naman ako interesado sa mga flirt mo na 'yan."

"What?"

"Saka bakit mo sinasabi 'to sa 'kin? Para mong dinedepensa ang sarili mo."

"It's because I'm defending myself. I'm telling the truth because your jelous-"

"Eh, hindi nga ako nagseselos, kanina mo pang pinagpipilitan ang walang katotohanang bagay na 'yan. Sinabing hindi, pinipilit. Hindi mo naman ako girlfriend kaya walang dahilan para idepensa mo ang sarili mo dahil lang sa iniisip mong nagseselos ako. Ano bang nangyayari sa 'yo, Zach? Bakit bigla kang susulpot dito tapos sasabihin mo sa 'king nagseselos ako?"

Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng sakit habang tumatagal na nagkakatitigan ang mga mata naming dalawa at nakokonsensiya ako ro'n.

"Yea right, ba't ko pa nga ba ginagawa 'to. Nakalimutan kong hindi mo nga pala ako gusto."

Hindi na ako nakapagsalita at naiwang nakatulala nang maglakad na siya palayo. Hindi ko na naman siya maintindihan at ang weirdo dahil nakakaramdam ako ng sakit sa loob ko.

Malapit ng gumabi nang makauwi kaming pareho ni Zach sa mansion nila. Awarding lang naman ang nangyari pero nakakapagod. Pero at the same time, masaya rin naman ako. Kami ni Zach ang magiging representatives ng bansa para humawak sa dalawang mabibigat at mahihirap na posisyon. Marami ring students na galing sa HHU ang nanalo. Hindi man first place, at least lahat kami merong napanalunan.

Matapos maasikaso ang hapunan naming tatlo kasama si yaya Niña rito sa mansion ay nagsimula na rin kaming kumain. Sa nakikita ko ay plano yatang manukso ngayon ni yaya Niña pero hindi nangyari dahil napansin din niya ang pagka-bad mood ni Zach kaya nanahimik na lamang siya. Hindi na rin ako umimik pa at baka kung saan pa mapunta ang magiging usapan kapag ipinagpatuloy ko.

Tahimik lang ang lahat nang padabog na ibinagsak ni Zach ang tinidor at kutsarang hawak niya sa mesa. Sabay kaming napalingon ni yaya sa ginawa niya at naisip kong hindi na sana ako lumingon pa. Nakakatakot ang kaniyang mukha, kahit hindi pa man nakatuon sa akin ang kaniyang mga mata ay nararamdaman ko talaga ang matinding galit niya.

Pumaswit lang siya mula sa kawalan at walang pakialam lang na tumayo mula sa kaniyang upuan at humakbang na paalis. Hinabol namin siya ng tingin ni yaya Niña at nang mawala na nga ito ay sabay kaming nagkatitigan ng may pagtataka sa mga mata.

Siguradong tungkol 'to sa kanina. Napabuntong-hininga na lamang ako.

Galit siya sa 'kin kaninang umaga, matagal-tagal man pero nagkabati rin kami kalaunan. Pero bumalik na naman dahil lang sa napag-usapan namin kanina. Sinabi ko lang naman ang totoo sa kaniya. Na hindi ako nagseselos o ano man iyon, wala rin akong gusto sa kaniya, kaya wala talaga akong dahilan para magselos. 'Yon ang katotohanan at hindi ko maintindihan kung bakit siya biglang nagalit.

Maraming beses na talaga siyang bigla-biglang magagalit at isa man do'n ay wala kong maintindihan kung sa'n nanggagaling. Hindi ko siya maintindihan, ugali na yata niya 'yon. Yung sa hindi malamang dahilan ay 'di mo namamalayang galit na pala.

Mood swings yata ang tawag nila ro'n. Pero ang alam ko ay sa babae lang madalas na nakikita 'yon. Kakaiba talaga si Zach. Para siyang lalaking kumikilos babae.

Kasalukuyan na ako ngayong naglalakad sa isa sa mga hallway rito sa school dala dala ang paper works na kailangan kong ipasa mamaya kay Prof. Napahinto ako nang harangin ako ni Kelly dito sa dinadaanan ko.

"Kelly?" Saad ko kahit kapansin-pansin na ang masamang tingin nito. "May kailangan ka?"

Sa halip na sumagot ay mabilis ang mga kamay ako nitong tinulak sa braso ko paatras. Namalayan ko na lamang ang sarili kong bumagsak sa sahig. Maging ang mga paperworks ay nabitawan ko sa lakas ng kaniyang pagkakatulak. Ang sama ng tingin niya nang tapunan ko siya ng tingin.

"Hey Girls, tinulak siya oh!"

"Bagay lang 'yan sa kaniya!"

"Nilalandi niya fafa Zach ko kaya mabuti nga sa kaniya 'yan!"

"Kelly also hates that girl, huh?"

"Of course girl, lahat naman ng girls rito sa HHU naiirita sa mukha ng babaeng 'yan."

"Tama lang 'yan sa kaniya."

"No, kulang pa 'yan!"

Sa nangyari ay hindi ko namamalayang parami lang ng parami ang mga tao rito. Samo't saring opinyon pa ang naririnig ko mula sa ibang mga estudyante rito. Pinulot ko ang nagkalat na paper works ko at pinilit ang sarili kong tumayo. Naririnig kong pinagtatawanan na ako ng ilan habang itong si Kelly ay malademonyo lamang na nakangisi.

"Ano bang problema mo?" Tanong ko rito nang magpantay ang mga mata naming pareho.

Nanigas ang katawan ko nang kasabay ng kaniyang hindi magandang ngiti ay ang paghakbang niya palapit pa lalo sa 'kin.

"Ang problema ko?" Halos ibulong na lamang niya iyon sa tainga ko. "Ikaw, btchin, ikaw ang problema ko."

"Bakit, ano bang ginawa ko sa 'yo," ganito ba talaga siya kapag mayroong problema sa isang tao, bigla ka na lang itutulak?

"Ang landi mo kasi!" Parang naiangat niya ang sarili ko nang kasabay ng mga katagang iyon ay ang pagkakatulak na naman niya sa 'kin sa pangalawang pagkakataon.

Sa mga oras na 'to ay parang nag-slow motion ang lahat. Inaasahan ko na ang pagkakabagsak ko nang biglang may humawak sa likod ko para pigilan ang posibilidad na iyon. Gamit ang isang kamay na sumalo sa likod ko ay naramdaman kong ligtas ako. Napakalakas ng puwersa ng pagkakatulak ni Kelly ngunit sadyang ang lakas niya dahil nasalo niya ko ng walang kahirap-hirap.

Hindi ko inaasahang sa pagmulat ko ng mga mata ay siya ang aking nakita. Kasalukuyan pa rin akong nakaliyad habang na sa likod ko ang kaniyang kamay. Nanginginig na nakahawak ang aking mga kamay sa kaniyang braso at sa pagkakataong ito ay hindi ko mapigilang hindi isipin na para kaming nagsasayaw.

"Chad..." wala sa sariling usal ko pagkatapos ng ilang sandaling pagkawala ng huwisyo ko. Walang emosyon lang ang kaniyang mukha hanggang sa tulungan na niya kong maayos na maitayo.

"Are you okay?" Tanong niya at tumango ako.

"Mm... Ayos lang ako," muli akong nagbaling ng tingin kay Kelly, hindi ko siya maintindihan. Kung saan nanggagaling ang galit niya at kung bakit nagkakaganito siya. "Kelly..."

"Wala kang karapatang agawin sa 'kin ang Zach ko!" Kasabay ng sigaw niya ay ang pag-amba niya sa 'kin ng sampal.

Namalayan ko na lamang ang paghawak ni Chad sa kamay ko at hinila ako ng lingid sa inaasahan ko. Narinig ko ang gulat na boses ng mga taong na sa paligid at nang mag-angat ako ng tingin ay nasaksihan ko na lamang kung pa'nong pinigilan ng kamay ni Chad ang nakaambang pagsampal sa akin ni Kelly.

Kitang-kita ko ang gulat na naging reaksiyon ni Kelly habang wala pa ring pagbabago sa ekspresyon ng mukha ni Chad.

"You can't hurt her when I'm around, especially when I'm just in her side."

"Pero... Pero-"

"Papalagpasin ko 'to, and if you try to hurt her again, your palm won't be able to come close to her because my fist will come close to your face."

"Of course not! You can't do that-" tulala lamang ako nang ilapit ni Chad ang mukha niya kay Kelly at masama itong tiningnan.

"Yes, I can, so don't try me. Kapag sinabi kong h'wag mo siyang saktan sumunod ka na lang. Masama akong magalit-"

"Masama rin akong magalit Mr. Arevallo." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay masama niya muna akong tiningnan. "Hindi pa tayo tapos, btchin!" Huling saad niya saka kami tinalikuran.

Hinabol ko pa muna siya ng tingin at nabalik lamang sa huwisyo nang kuhanin ni Chad sa kamay ko ang paperworks na hawak ko.

"Sandali-"

"Let's go, I'll take you to your room," tatanggi pa lang sana ako nang magpatiuna na siyang maglakad. Wala naman na akong nagawa kaya tumakbo na lang din ako para mahabol siya.

"Salamat nga pala, Chad."

"You're welcome, by the way are you okay? Hindi ka ba napa'no, may masakit ba sa 'yo?"

"Ano ka ba, hindi naman ako napa'no kaya hindi mo kailangang mag-alala."

Wala ng sumunod na nagsalita pa kaya nagpatuloy na lamang kami sa paglalakad. Hindi ko mapigilang hindi isipin yung nangyari kanina. Tumatayo ang balahibo ko sa t'wing naaalala ko ang nanlilisik na mga matang nakatuon sa akin ni Kelly. Ayaw ko mang isipin pero para siyang... papatay sa sobrang sama ng pagkakatitig sa 'kin.

"Hey?" Kaagad akong napalingon kay Chad nang marinig ko ang boses niya.

"Huh?"

"Why don't you seem like yourself? What are you thinkinh, are you okay?" Tanong niya bigla.

"Iniisip ko kasi si Kelly. Alam kong matagal na niya kong pinag-iinitan pero ngayon ko lang siya nakitang nagkagano'n. Hindi ko inaasahang ganoon siya kaagresibo. Medyo nakakatakot." Bahagya akong nakaramdam ng kapanatagan nang makita ko ang ngiting sumilay sa napakaamo niyang mukha.

"I've known that girl for a long time, she's obsessed with zach."

"Obsessed?"

"Mm... Why?"

"Akala ko fan lang," narinig ko na naman siyang ngumisi.

"But you don't have to worry about her. I won't let her hurt you and you just have to trust me. If I won't be here to protect you, then Cai and Zach will do, they won't leave you."

"Bakit? Saan ka ba pupunta at mawawala ka?" Kuryosong tanong ko sa kaniya, napangisi lang siya.

"That's not it, stupid girl. What I mean is that, when I am not around and then Kelly or whoever that was trying to hurt you, I'm sure someone will defend you. You're friends, the hellion3... especially me."

Napatungo ako. Napakabait niya, ang simpleng salita niya ay sobrang pinaniniwalaan ko na. Alam kong totoo ang sinasabi niya. Kung bakit ay hindi ko alam. Basta ramdam ko lang 'yon sa kaniya.

Parang pareho lang ng kay Zach, nararamdaman ko rin yung ganoong klase ng pakiramdam sa kaniya. Iyon bang, hindi ka pababayaan. Pero ramdam ko man 'yon sa kanilang dalawa ni Zach, alam na alam ko sa sarili ko na mayroon iyong pinagkaiba.