Chereads / Hidden Persona Zarie Series / Chapter 45 - Chapter 45

Chapter 45 - Chapter 45

VACATION

Pumasok na ako sa room ko pagkatapos akong maihatid ni Chad. Hanggang dito sa loob ng room ay marami pa rin ang nakatingin sa akin ng masama. Alam kong dahil iyon sa nakita nilang paghatid sa akin ni Chad kaya ganito na lamang kasama nila akong tingnan.

Kaagad na nahawi patalikod ang katawan ko nang biglang may humila ng braso ko mula sa likuran ko at iniharap iyon sa kaniya. Napatili ako sa gulat hanggang sa napagtanto kong si Princess iyon. Ang isa sa mga kaklase kong bully. Ang alam ko ay fan din ito ng Hellion4.

"Masakit, bitiwan mo ang braso ko." Pilit kong hinihila ang braso ko pero mahigpit ang hawak niya roon. Walang planong bumitaw, sobrang diin ng pagkakahawak niya. Parang do'n nabubuntong ang galit na nakikita ko sa mga mata niya.

"Bakit ba ang landi mo, huh? Eh, nerd ka lang naman?" Dilat na dilat niya kong pinakatitigan sa mga mata.

"Dapat tinuluyan na 'yan ni Kelly kanina, eh!"

"Eh, dumating daw ang Prince Charming, kaya naudlot!"

Rinig kong boses ng dalawang babaeng na sa likuran niya. Kailan ba magmamature ang ganitong uri ng mga tao? Nakakapagod na palagi na lang ganoon ang nakakasalamuha ko.

"Who's next? Cai? Pinagsasabay-sabay mo talaga, ah!"

"Aray, Princess masakit!" Halos mapatili na 'ko sa sobrang sakit ng pagkakahawak niya sa braso ko. Bumabaon ang mahahaba niyang kuko sa balat ko. Siguradong sugat ang punta nito pagkatapos nito.

"Masakit? Kasing tindi kasi 'to ng kati riyan sa katawan mo!"

Napaikot na lamang ako para sundan ang ritmo ng kamay niyang mahigpit na nakayapos sa braso ko dahil pakiramdam ko ay mababali na iyon mula sa mga kamay niya. Talagang napakasakit na!

"Princess, tama na, masakit na!" Sa halip na bitawan niya ang kamay ko at tulungan ako ng mga tao rito sa paligid ko ay tawa lang nilang lahat ang naririnig ko.

"Ano bang iniisip mo at palagi kang nakabuntot kay Zach, huh?"

Dahil amo ko siya't personal maid niya ako!

"Sumagot ka kung ayaw mong baliin ko 'tong braso mo! Sagot!"

Gustong-gusto kong isagot sa kaniya ang katotohanang amo ko si Zach para matapos na 'to, pero wala kong ideya kung hanggang saan hahantong ang lahat kapag sinabi ko. Malaki rin ang posibilidad na magalit sa 'kin si Zach kapag sinabi ko 'yon at kumalat dito sa loob ng University.

"Magkaibigan kami kaya gano'n – aray! Bitawan mo na ang braso ko!" Namimilipit na ako sa sobrang sakit, kulang na lang ay mabali na ang boto sa braso ko!

"Sabihin mo ang totoo kung gusto mong bitawan ko 'tong kamay mo!"

"Iyon talaga ang totoo! Magkaibigan naman talaga kami – aray!"

"Hindi kami tanga! Alam ng lahat na galit sa 'yo si Zach no'ng una, kaya sabihin mo ngayon kung bakit sa isang iglap palagi ka ng nakabuntot sa kaniya!"

Hindi naman ako bubuntot kay Zach kung hindi 'yon kasama sa trabaho, eh!

"Hindi ko naman siya binubuntutan-"

"Kahit na, gusto ko pa ring mawala ka! Inaagaw mo sa 'min ang Hellion3, eh nerd ka lang naman?!"

Binitawan niya ang kamay ko at nang akma na niya akong sasampalin ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa n'yon si Prof. Na sa mga librong hawak ko ang tingin ni Prof at hindi pa man ito nakakakapag-angat ng tingin ay nakababa na ang kamay ni Princess.

Tahimik silang lahat na bumalik sa kani-kanilang silya habang hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hawak-hawak ko pa rin ang braso ko sa sobrang sakit. Mabuti na lang talaga at dumating si Prof. Siguradong pati pisngi ko ay mangangamatis na rin kung hindi siya dumating.

"Ms. Del Rey," napalingon kaagad ako kay Prof ng tawagin niya ang pangalan ko.

"Po... Prof?" Kinakabahang tugon ko.

"What's wrong? Are you okay? Is there something I miss here?" Makahulugan niyang tiningnan ang mga kaklase ko. Nagbaba lamang sila ng tingin at umiling na lang ako.

"Wala naman po, Prof, ayos lang ako." Kaagad na tugon ko. 'Kita ko sa mukha niyang hindi siya kumbinsido pero napabuntong-hininga na lamang din sa huli.

"Okay, you can sit now to your chair."

Tumango ako at sinunod ang sinabi ni Prof. Tahimik akong naglakad papunta sa may desk ko. Nag-iwas na lamang ako ng tingin nang nagbabanta pa rin akong tinitingnan sa mga mata ni Princess habang nilalagpasan ko ito.

Tahimik nang muli ang klase at pagkaraan ng ilang sandali ay nagsalita na si Prof sa harap.

"Good morning everyone, I just wanted to tell you that we will be having a vacation-"

"What? Vacation?!"

"Gosh, I'm so excited!"

"Why daw?"

"I don't know, let's listen first, I'm so excited!"

Kung ano-ano pa muna ang mga bulong-bulongan ang namuo rito sa buong silid kahit hindi pa tapos magsalita si Prof sa harapan. Marami talaga ang mga taong kulang sa respeto sa panahon ngayon. Pero bakit nga mayroong pabakasyon?

"All the sections where the representatives of this HHU belong to the NIO competition are included. Including the molave ​​section, all thanks to Ms. Del Rey, this group will have the opportunity to rest for one whole week!"

Hindi ako nakagalaw nang nagsilingunan sa direksiyon ko ang lahat. Kasabay na rin doon ang bulungan na naman nilang lahat. Alam kong hindi rin sila makapaniwala, pero lalo naman ako. Ako pa ang nakakaramdam ng hiya sa loob nitong silid kahit ako pala ang dahilan kung bakit kasama ang section namin sa isang linggong bakasyon.

"Just so you know, she won the Humanities and because of that, she'll going to be our country's representative for the History Intelligence Olympiad that will be held at the foreign country. No one knows yet in which country it will be held."

Alam kong masaya ang mga kaklase ko na magkakaroon ng bakasyon, pero hindi lang nila mailabas sa pagkakataong ito dahil hindi siguro nila matanggap na dahil sa 'kin kaya mangyayari ang gano'n. Mas magiging masaya siguro ako kung sina Esther lang ang kaklase ko. Kontento na ako ro'n. At least sila, mga taong tanggap ako, kaysa rito na pagkadami-dami nga pero kahit isa walang may gusto sa 'kin.

"When is it, Prof?" Tanong ng isa sa mga kaklase ko.

"Apparently, next monday." Sagot ni Prof. Marami ang natuwa, ngayong lunes pala iyon.

One whole week. Kung hindi ko lang siguro responsibilidad si Zach ay hindi na ako pupunta. Mas magiging masaya pa ako kung mananatili sa bahay. Isang linggo ko pang makakasama si nay, sobra-sobra na para sa 'kin 'yon kaysa sa isang linggong bakasyong wala siya.

Nagsimula na ang klase matapos mapag-usapan ng lahat ang tungkol sa nalalapit na bakasyon. Hindi ko maintindihan kung bakit pa may pa-gano'n.

Hindi naman sa kill joy ako o ano, hindi ko lang kasi mapigilang hindi isipin na pwede naman wala na lang gano'n. Panalo naman na kung sinong panalo, pero sadyang kailangan lang sigurong ipagdiwang sa kanila ang ganitong pagkapanalo.

Hindi ko na lang muna inisip ang tungkol sa bakasyon sa halip ay nagpokus na lamang sa pakikinig sa gurong na sa harap.

Matapos ng mahabang sandali ay nagbell na rin sa wakas para sa lunch. Ang inaasahan ko ay sina Laira at Esther ang sasalubong sa akin, pero nagulat na lamang ako nang si Zach ang tumambad sa harapan ko.

"Let's have lunch."

"Pero sina Esther-"

"They're still gonna eat even without us, nerdo." Putol niya kaagad.

"Alam ko naman 'yon, baka pwede lang kasi natin silang makasabay kumain."

"So, 'bout the vacation,"

"Hm?"

"Are you... excited?"

"Mm... hindi naman masyado, aywan sakto lang siguro."

"Why is that, minsan lang 'to sa mga busy na katulad mo. Dapat nga magmamakaawa ka sa 'kin, kasi kung hindi ako pumunta ro'n, hindi ka rin makakapunta."

"Ayos lang naman sa 'kin kung hindi ka pumunta, nakadepende lang naman ako sa kung anong disesyon mo. Pero kung ako ang tatanungin, mas gusto kong manatili na lang sa bahay kaysa sa isang linggong bakasyon na 'yon."

"Tss! i know, that's what nerds usually do right? Stay at home, read and other boring stuffs-"

"Sandali nga! Mang-iinsulto ka lang ba, saka akala ko ba galit ka?"

"Well in the first place, i'm not leaving you with an insulting remarks. i'm just telling facts that you usually do that make's me fall-" kuryoso ko siyang tinitigan sa mga mata nang bigla siyang huminto sa pagsasalita.

"Hm?"

"Nothing – fuck! Let's go."

Hindi la lamang ako umimik pa at sumunod na sa kaniya nang hilahin na niya ang kamay ko papuntang cafeteria.

Hanggang sa makarating kaming cafeteria ay hindi pa rin mawawala ang mga matang nakatingin sa 'kin ng masama. Ang mapalapit lang kay Zach ay isang napakalaking kasalanan na para sa kanila.

Ako na ang nagprisentang kumuha ng pagkain para sa aming dalawa. Ayaw pa niya no'ng una pero dahil nagpumilit ako ay wala na siyang nagawa. Ako naman ang personal maid niya, kaya ayos lang kung ako na ang kumuha ng pagkain para sa 'ming dalawa. Saka isa pa, gusto ko talagang ako na ang kumuha. Mukhang masasarap kasi ang nando'n kaya ako na talaga.

Kasalukuyan na kami ngayong nakaupo sa isa sa mga bakanteng mesa rito at habang kumakain ay hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa kaniya. Para siyang galit na kumakain. Sa medyo matagal-tagal na panahon ko siyang kasama, hindi naman siya ganito kumain. Katulad din naman niya ang kinakain ko at wala namang problema sa lasa.

"May problema ba sa kinuha kong pagkain?"

"Sino bang nagluto nito at ang dumi ng lasa?" Galit niyang sabi.

"Huwag ka namang magsalita ng gano'n sa pagkain."

"Eh, ang dumi nga ng lasa nitong pagkain-" mukha na siyang magwawala nang tumayo siya kaya wala na 'kong nagawa kun'di ang hilahin siya paupo ulit.

"Sandali Zach! Huwag ka namang magwala."

"Lagot sa 'kin ang sino mang gumawa ng pagkain-"

"Sandali, may biko nga pala ako rito sa bag ko."

"No fucking way I'll let whoever – wait... What?"

Nakalimutan kong may biko pala akong ginawa para sa kaniya kaninang umaga. Mabuti na lang at naalala ko at mabuti na lang din, gusto niya ang bikong gawa ko. Sana naman mapigilan n'yon ang pagwawala ng lalaking 'to.

"Heto, 'yan na lang muna ang kainin mo. Huwag ka ng magwala, please."

"Bakit ngayon mo lang sinabi, huh? Baka naman hindi para sa 'kin 'to?"

"Ano bang sinasabi mo! Nakalimutan ko lang at para sa 'yo talaga 'yan! Kung ayaw mo, ako na lang ang kakain-"

"Hindi, para sa 'kin 'to kaya wala ng bawian!"

"Hindi pa naniniwala, ah!"

"Baka naman lumaki na ulo mo niyan, isipin mong sobrang adik ko rito sa biko mo."

"Bakit hindi ba?"

Sa huli ay nagkibit balikat lang siya at nagsimula na ring kumain. Patuloy lang siya sa pagkain, hindi alintana ang mga mata kong nakatitig lang sa kaniya. Ang cute niyang tingnan, para siyang batang kakakain pa lang ng candy.

"What?" Tanong niya nang mapansin akong nakatingin sa kaniya.

"Para kang bata." Wala sa sariling sambit ko.

"Sinong nagsabing para akong bata, huh?" Nagulat ako ng bigla na lang siyang sumigaw. "Baka gusto mong halikan kita, para malaman mo kung ga'no kasarap humalik ang isang Zach na inaakala mong bata?"

Literal na napatulala ako sa sinabi niya. Ngayon ko lang narinig ang ganitong biro sa kaniya. Nag-iwas siya ng tingin nang mapansin akong nakatulala lang habang nakatingin sa kaniya.

"Tss! Baka naman totohanin mo, I'm just kidding ayaw kong halikan ang nerd na katulad mo, yuck!"

Sa ngayon ay hindi ko alam kong anong mararamdaman ko. Dapat ba akong masaktan sa sinabi niya. Na gano'n na lang ako kapangit para pandiriang halikan ng isang katulad niya? Pero naisip kong mas mabuting gano'n ang sinabi niya kaysa sabihin niyang gusto niya talaga akong mahalikan. Sa puntong 'yon, talagang hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko.

Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit parang nakaramdam ako ng sakit do'n sa sinabi niyang ayaw niyang halikan ang isang katulad ko. Aywan ko, ang weirdo talaga! Hindi lang pala siya ang weirdo, pati na rin pala itong nararamdaman ko.

Pagtapos naming kumain ay kinuha ko na ang bag ko at saka tumayo.

"Where are you going?" Aniya sa galit na boses.

"Sa silid-aklatan, magbabasa." Sabi ko sa kaniya at lalakad na sana ako paalis nang bigla na naman siyang magsalita.

"Wait,"

"Hm? May kailangan ka?"

"Sasama ako." Seryoso niyang saad, kumunot naman ang noo ko.

"Hanggang do'n ba naman, sasama ka?"

"Bakit, may angal ka?"

"Wala!"

"Good, let's go."

"Mabo-bored ka lang naman do'n."

"Who cares! How can you even say that, you're even more boring than the library, nerdo."

Hindi na lamang ako nagsalita pa sa halip ay pikon na lamang akong napairap sa kaniya. Ang lakas niya talagang mang-insulto, eh mas nakakatakot din naman siya sa halimaw.

Nang makarating na kaming library ay dumiretso kaagad ako sa may book shelves para kumuha ng libro. Nakita kong nakaupo na sa isang banda si Zach habang may hawak na isang libro, nagbabasa na rin siya kaya naglakad na rin ako pagkatapos ay naupo na rin sa silyang nakaharap sa kaniya dala ang tatlong librong nakuha ko.

Mabuti naman at nagbabasa siya, hindi siya masiyadong maboboring dito. Pagkatapos kong buklatin ang isa sa mga librong kinuha ko ay nagsimula na rin akong magbasa.

Kasalukuyan akong abala sa pagbabasa pero hindi ako makapagpokus. Ramdam kong may nakatingin sa 'kin. Sa isiping si Zach iyon ay nag-angat ako ng tingin sa kaniya, pero nakatuon naman ang kaniyang mga mata sa librong hawak niya. Saka ko lang napagtanto baliktad yung librong hawak niya.

"Zach, baliktad 'yang librong binabasa mo." Kinuha ko ang libro sa kamay niya. "Nagbabasa ka ba talaga?" Nagdududang tanong ko.

"Of course," nag-iwas siya ng tingin.

"Eh, bakit baliktad?"

"It's because..."

"Kita mo na, hindi ka naman nagbabasa eh. Ano bang trip mo, huh?"

Sa puntong 'to ay hindi siya makatingin sa 'kin ng diretso. Nakikita ko ang hiyang mapride na nananatili ngayon sa kaniyang mukha.

"Okay fine, I'm not reading!"

"Lessen your voice, Mr. before I sent you out-"

"Shut up, before I make you jobless!"

"Zach! Huwag ka ng mang-away ng guro."

Grabe talaga siya, pati librarian hindi pinapalagpas. Naawa tuloy ako ro'n, hindi na lamang umimik at nanatiling tahimik.

"I... I don't know! You know? Magbasa ka na nga lang, don't bother me. I'm minding my own business, so mind your own."

"Pwede ka naman kasing umalis kung ayaw mo talaga rito."

"Who said I don't want to be here?"

"Nakikita ko 'yon sa 'yo," kalmadong sagot ko.

"I like here, tahimik. Perfect because I want to sleep."

Hindi pa man ako nakakapagsalita ay humilig na siya sa mesa. Ginawa niyang unan ang sarili niyang braso saka ipinikit ang mga mata. Sa huli ay napabuntong-hininga na lamang ako at hinayaan siya. Hindi ko naman siya pipigilan, ako rin naman ay natutulog din dito. Kung minsan nga ay ang matulog lang ang ipinupunta ko rito.

Habang natutulog ay hindi kaagad na nawala ang tingin ko sa kaniya. Dapat ngayon ay nagbabasa na ulit ako, pero sobrang gwapo ng kaniyang mukha para ibaling ko sa libro ang mga mata ko. Hindi nga talaga nakapagtatalang maraming babae ang nagkakagusto sa tulad nitong kaharap ko.

"Tss! I know I'm handsome, but it's not right for you to focus your attention on my handsomeness more than your studies," nagulat na lamang ako sa biglang aniya.

Minsan talaga ang kapal ng mukha niya. Mabuti na lang at hindi ako nagtatangkang purihin ang kagwapuhan niya, tsk!