Chereads / Hidden Persona Zarie Series / Chapter 46 - Chapter 46

Chapter 46 - Chapter 46

BLUSH

Tatlong araw na ang lumipas at palapit na ng palapit ang nasabing bakasyon dahilan para iyon ang pagkaabalahan ng marami rito. Sa bawat lakad at malalagpasan ko ay 'yon ang halos bukang-bibig ng lahat ng tao rito sa University.

Marami-rami kaming naging representatives kaya marami-rami rin ang pupunta. Kulang siguro ang limang bus para sa biyahe papunta roon, pero naisip ko ring magiging masaya iyon. Sabi nga nila kapag marami ay mas lalong masaya.

Katulad na lamang ngayon, kasalukuyan akong nakaupong mag-isa sa isang mesa at pilitin ko mang hindi sila pakinggan ay naririnig ko pa rin ang excitement nila sa nasabing bakasyon na iyon.

"Gosh! I'm so excited, bakasyon na naman!"

"But I wonder what kind of vacation it is?"

"Right, hindi ko rin alam kung anong klaseng bakasyon iyon. Hmm..."

"Maybe a beach vacation?"

"An excursion vacation?"

"I don't know basta bakasyon!"

"Baka naman honeymoon vacation?"

"Tanga!"

"Eh, anong klase bang bakasyon?!"

"I don't care what kind of vacation that was, what matters is we're going to a vacation together with the hellion3!"

"Yeah, right!"

"A vacation with the Hellion3!"

Matapos kong kumain ay naglakad na ako palabas ng cafeteria at nagulat na lamang nang salubungin ako ni Zach, unang tapak ko pa lang sa labas nitong exit door. Halos tumalon na ako sa gulat pero parang wala lang sa kaniya ang lahat.

"Zach? Gusto mo ba talagang patayin ako sa gulat?!"

"Why did you eat alone?"

"Huh?"

"You heard me, why didn't you ask me first before deciding to eat alone here."

"Wala naman sa kontrata kong kailangan sabay tayong kakaing pareho."

"It's on the contract, you just missed to read it but it's really on the contract," matigas na aniya, pero sigurado akong wala 'yon do'n, tanda ko lahat ng nakalagay sa kontrata ko bilang personal maid niya. Bawat letra, bawat salita, bawat pangungusap lahat do'n alam ko, at wala ro'n yung sinasabi niyang kailangan kong ipaalam sa kaniyang sabay dapat kaming kumaing dalawa.

"Hindi ko nga mababasa 'yon dahil wala 'yon doon."

"Then I'm suggesting you to reread it."

"Oo ba, sigurado akong wala 'yon do'n!"

"Are you really that sure?" Mapaglaro niyang tanong.

"Oo,"

"Then let's make a bet."

"Bet?"

"Yeah, a bet, a deal-"

"Alam ko, hindi ko lang maintindihan kung ano 'yang deal na iniisip mo?"

Nakita ko ang dumaang ngiti sa labi niya bago magsalita.

"If you're right, that it's not on the contract, then you'll win. But if I'm the one who's right, that it's in the contract, then you'll lose," nakangisi niyang tugon.

"Oh, tapos? Anong mangyayari kapag alam na nating pareho kung sinong talo?"

"Hmm..." Umakto siyang nag-iisip kahit kita naman na sa mukha niyang planado na ang lahat sa utak niya.

"Ano?"

"When I win... you will kiss on my cheek."

"Ano?!" Hindi lang ako ang wala sa sariling nagsalita n'yon, dahil lahat ng tao halos narinig ang sinabi niya. Fan sila ni Zach, kaya hindi na 'yon nakakapagtaka.

Napalingon-lingon si Zach sa mga nakisabay sa reaksiyon ko at kaagad din silang nagbaba ng tingin. Ibubuka ko pa lang sana ang bibig ko para tumutol sa sinabi niya nang sumunod na naman siyang magsalita.

"And if you're the winner, then I'm the one who's gonna kiss you, weather on the cheek... or on the lips-"

"Zach!" Kaagad na saway ko. Hindi ba siya nahihiya sa pinagsasasabi niya? Kasi ako halos matunaw na!

"Hahalikan talaga ni fafa Zach ang nerdy girl na 'yan?"

"Syempre hindi! Tingnan mo yung girl, mukhang tanga!"

"Iyang mukhang 'yan, kahit sa panaginip hinding-hindi mangyayari ang pinapangarap niyan, duh!"

"Nerd na nga, stupid pa!"

"Fafa Zach won't ever kiss that nerdy btch, akala niya kung sino siya, ah!"

"Akala mo kung sinong maganda kamo!"

Halos mapatungo na lang ako sa naririnig ko. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit hindi nahihiya si Zach sa kung ano-anong mga sinasabi nila.

Ako naman kasi ang napapahiya at hindi siya.

Nagulat na lamang ako nang akbayan niya ako at hinarap sa mga babaeng nagbubulong-bulungan.

"Zach..."

"Do you think I won't kiss this girl?" May mapaglarong ngiting nakaukit sa kaniyang mga labi.

"Of course you won't!" Aniya ng isang babaeng fan niya sa galit na boses.

Napalunok ako sa sariling laway ko nang dahan-dahang inilapit ni Zach ang kaniyang mukha sa 'kin.

Jusko, hahalikan niya ba 'ko?

Hindi ako makagalaw, titig na titig lang sa mukha niyang palapit lang ng palapit sa mukha ko. Nawala na sa isip ko ang nangyayari sa paligid ko, ang mga taong paniguradong gulat ngayon sa eksenang ito.

Nakatuon lang talaga ngayon sa kaniya ang mga mata ko at gustuhin ko mang pigilan ang pangyayaring ito ay hindi nakikisama ang katawan ko. Naninigas ako. Walang lakas para pigilan ang taong 'to sa halip ay ipinikit ko na lang ang mga mata ko at pinakiramdaman ang sandaling 'to.

"Do you really want me to kiss you?"

Napamulagat ako nang marinig ko ang mga katagang iyon na nanggaling sa kaniya. Sa mga sandaling ito ay tuluyan na nga akong nablanko. Narinig ko ang tawa ng maraming nakapaligid ngayon sa 'min nang masaksihan ang pagkapahiya ko.

Tiningnan ko ang kaniyang mga mata. Seryoso iyon at walang halong katawa-tawa. Parang maingat niya iyong tinatanong sa 'kin at alam ko, kung iba lang akong tao ay sasamantalahin ko na ang pagkakataong 'to. Sasabihin kong oo para hindi ako mapahiya sa mga taong nakapalibot ngayon dito, pero tulad nga ng sinabi ko, kung iba lang akong tao.

Hindi ako mapagsamantala, siguro gano'n din ang iniisip niya na mapapahiya talaga ako dahil inasahan na ng mga tao ngayon dito, pero wala kong magagawa. Wala akong pakialam kung mapahiya man ako, wala namang maidudulot kung hahalikan niya ako at maling-mali ang gawin niya 'yon.

Sigurado akong ayaw niyang mahalikan ang isang katulad ko, kaya walang rason para gawin namin 'yon sa harap ng mga tao rito. Tahimik akong umiling at ilang segundo muna ang lumipas, bago niya tuluyang ilayo ang mukha niya sa mukha ko.

"Sabi ko na, eh!"

"Hindi talaga gagawin ni fafa Zach ko!"

"Sino ba ang babaeng 'yan para halikan ng isa sa Hellion4 'di ba?"

"Nerd lang naman ang babaeng 'yan!"

Rinig na rinig ko ang sinasabi nila pero hinila na ni Zach ang kamay ko paupo sa isa sa maraming bakanteng puwesto rito sa cafeteria. Kumuha na siya ng pagkain habang nanatili lang akong nakaupo rito at hinihintay siya.

Pero teka. Bakit nga pala ako nandito, eh katatapos ko pa lang namang kumain dito. Napaisip ako, pero hindi ako umalis at hinintay muna siyang makabalik. Ang sama ko naman kung iwan ko siyang walang paalam dito, pagalitam pa ako.

"Here's your food." Aniya nang makabalik, inilapag niya sa harap ko ang tray ng pagkain.

"Kagagaling ko lang dito-"

"Kumain ka ulit," maliit niyang tugon.

"Ano-"

"So 'bout the deal-"

"Deal? Seryoso ka ba talaga ro'n?"

"I'm dead serious about that, nerdo." Sumeryoso bigla ang mukha niya.

"Pero ang isang katulad ko ang ka-deal mo?"

"So what, tss," mukha lang siyang walang pakialam na kumakain.

"Dalawa lang 'yon tulad ng sinabi mo, ako ang hahalik sa 'yo o ikaw ang hahalik sa 'kin. Ordinaryong tao lang ako, big deal sa 'kin 'yon – oo ayokong mahalikan mo o humalik sa 'yo, pero sa ibang tao ang swerte-swerte na n'yon. Isa ba namang Zach Evilord. Isang malaki ng achievement 'yon."

"What are you trying to point out, then?"

"Na ako lang naman 'to, ordinaryong tao at isa kang Zach Evilord. Walang may gustong mahalikan ko o halikan ako-"

"Puwes ako gusto!"

Gulat akong napaangat ng tingin sa kaniya.

"Gusto ko! Ano naman ngayon?"

"Pero..." Nablanko na naman ako, walang pumapasok sa utak ko. "Zach, huwag ka ngang magbiro, alam ko namang-"

"Seryoso ako, nerdo."

Tulala ako napatitig sa kaniya. Hindi ko makuha kung ano ba dapat ang mararamdaman ko sa mga sandaling ito.

"Pero... kung seryoso ka talaga... nagkaroon ka na ng pagkakataon kanina. Bakit... hindi mo... ginawa?"

Alam kong ang kapal ng mukha ko para sabihin ang mga katagang 'yon sa kaniya pero 'yon ang tanong sa likod ng aking isipan na bumabagabag sa aking kalooban.

"Because you shook your head. What do you want me to do after you shook your head that was meant for a no? Kiss you inducedly? Hell i wouldn't do that! I just did what you answered."

Napaatras ako nang bigla na naman niyang inilapit ang kaniyang mukha sa mukha ko.

"Bakit? Dapat bang salungat ang ginawa ko sa naging sagot mo?" Mapaglarong ngiti ang umukit sa gwapo niyang mukha at sa ngayon ay wala akong ibang nararamdaman kun'di kaba at mabilis na tibok nf puso sa loob ko.

"Hindi... naman sa... ganon-"

"Then why are you stuttering if it wasn't?"

"Ano... Sige, payag na 'ko sa deal na 'yon!" Paglayo ko sa tanong niya. Hindi ko alam ang isasagot ko, nabablanko ako!

Parati namang gano'n kapag siya ang kausap ko, tsk!

"Good,"

Tumango ako at nang akma na akong tatayo ay galit niya 'kong inangatan ng tingin kaya wala sa sariling napatigil ako.

"Where do you think you're going?"

"Aalis na, tapos naman na akong kumain, hinila mo lang ako papunta rito."

"Upo,"

"Pero tapos na nga akong kumain-"

"I didn't say eat, I said sit."

"Wala ka namang sinabing sit, ah! 'Upo' kaya ang sabi mo kanina hindi-" hindi na natuloy pa ang sasabihin ko nang galit niya kong tiningnan. "Sabi ko nga, uupo na." Sapilitan akong umupo, dahil ayaw ko mang aminin nakakatakot siya.

"Tss!"

"Ano bang gusto mo, ba't ayaw mo akong paalisin, huh?" Marami pa akong kailangang gawin kaysa panuorin siya ritong kumain. Wala naman siyang mahalagang ipapagawa o iuutos sa 'kin, aywan ko kung gusto niya lang yatang mang-inis, eh.

"That's your punishment, you didn't wait for me to eat together, so stay. If you don't want to eat, then just watch me eat."

Sa puntong 'to ay gusto ko ng makauwi kami sa mansion niya para malaman kung nando'n ba talaga sa kontrata ang sinasabi niyang dapat ay sabay kuno kaming kumain. Kainis talaga!

"Lagot ka talaga sa 'kin kapag wala ro'n sa kontrata 'yang ginigiit mong sabay tayong kumain."

"Exited ka na?" Kuryoso niyang tanong.

"Oo!" Para magkaalaman na!

"Exited ka ng mahalikan ako?"

"Ano?" Bahagya akong natulala sa sinabi niya.

Pero sa halip na sagutin ako ay nakangiting parang nagday-daydream pa siya.

"O excited kang ako ang hahalik sa 'yo."

"Abay-"

"Or maybe both?"

"Zach tumigil ka nga-" ang kapal ng mukha niyang magsalita ng wala namang batayan.

"Arte mo, ah, isang Zach Evilord 'to, maraming nagkakandarapa rito."

Hindi na ako nakapagsalita sa sobrang kahambugan nitong kaharap ko.

"Don't worry, I know deep inside you're excited. You're just shy," nakangiting aniya at sa galit ay wala sa sarili akong napatayo sa harapan niya.

"Ano bang sinasabi mong kinikilig saka halik-halik na 'yan, huh?" Mas lalo lang kumulo ang dugo ko nang ngitian niya lang ako ng nakakaloko. "Para lang malaman mo, wala kong interes na halikan 'yang pisngi mo, saka hindi rin ako kinililig. Kung gusto mo, sa 'yo na 'yang labi mo!"

Hindi ko na mapigilang hindi sumigaw sa sobrang inis sa kaniya sa mga oras na 'to. Wala na din akong pakialam kung pinagtitinginan na ako. Hanga na talaga ako sa lalaking 'to ang galing-galing niyang mang-inis, jusko!

"Tss, h'wag ka na ngang indenial diyan!"

"Ang lakas ng loob mo, huh?"

"Alam kong kinikilig ka. Isang Zach Evilord kaya... 'to-""

Natigilan siya at biglang kinabahan nang ilapag ko ang dalawang palad ko sa mesa at tinitigan siya ng pagkalapit-lapit sa mata.

"What... are you... doing?" Hindi ko akalaing kakabahan siya ng ganito.

"Baka naman... ikaw ang kinikilig sa ating dalawa?" Sinikap kong umaktong sigurado ako sa sinabi ko at nang hindi siya makahanap ng butas para malamang sobra ang kabang nararamdaman ko. Ang totoo ay kinakabahan ako, pero gusto kong siya naman ngayon ang mainis sa pagkakataong 'to.

"Ako? Kinikilig? No... fcking... way-"

"Eh, ba't nauutal ka?"

"No! Hell, I'm not stuttering. Why would I, for fck's sake-"

Mas lalo pa akong lumapit sa kaniya.

"Eh, ba't parang kinakabahan ka?" Nakangising tanong ko ulit.

"Of course not, sino ka ba para kabahan-"

"Eh, ba't namumula ka?"

"No, I'm not!" Napangiti ako ng malalim at galit siyang humugot ng hininga, tila punong-puno na at wala ng makapang salita.

Gigil niyang hinawakan ang dalawang braso ko at gigil din itong idinestansya palayo.

"You know what, fcking stop, nerdo." May diin ang bawat katagang iyon habang hawak niya pa rin ang dalawang braso ko. Pero hindi ko magawang matakot, mas natatawa ako sa sobrang pula ng pisngi niya.

"Bakit? Pikon ka na?" Pang-iinis ko pa pero nag-iwas siya ng tingin na parang guilting batang may itinatagong secret.

"Tss!" Napangiti ako nang bigla na lang siyang nagwalk out. Mula sa likuran niya kitang-kita ko kung pa'nong pulang-pula ang likod ng tenga niya.

Ang lakas-lakas niyang mamikon, ah! Pero kapag siya naman itong pinipikon bigla-bigla na lang magwa-walk out. Ako dapat sana kasi 'yon, inunahan niya lang ako. Asar-talo talaga ang lakaking 'yon.

Kasalukuyan na kami ngayong naghihintay sa first period namin ngayon para sa afternoon class. Mag-dadalawang minuto pa lang naman siyang late kaya ayos lang. Tahimik lang akong nakaupo rito sa silya ko, pero hindi ko mapigilang mapangiti. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang pulang-pulang mukha ni Zach kanina sa Cafeteria. Sobrang cute niya!

"Tingnan niyo nerd na 'yan, weird."

"Nagtaka ka pa! Nerd nga 'di ba?"

"Tsk! Ngayon lang ako nakakita ng adik na nerd haha!"

Sinaway ko kaagad ang sarili kong hindi na ulit mapangiti sa naririnig kong mga bulong-bulongan mula sa mga ka-blockmates ko. Bakit ba napapangiti ako? Mukha na talaga akong tanga! Pero grabe naman sila para tawagin akong adik. Baka nga mas malala pa tawa nila kaysa sa 'kin kapag nakita nila kung pa'nong namula ang mukha ni Zach kanina. Parang bata.

Pumasok na ang guro kaya tumahimik na rin ang lahat. Nagsimula na ang discussion kaya pilit ko nang tinanggal ang mukha ni Zach sa utak ko para makapag-pukos ako. Bigla-bigla pa naman akong nawawala sa sarili ko kapag malalim ang iniisip ko. Baka mahuli't mapagalitan pa ako ng guro.

Ayaw ko namang mangyari 'yon kaya pilit kong inurong ang namumulang larawan ni Zach sa isip ko ng magkaroon ng espasyo sa utak ko para naman matuon sa guro ang atensiyon ko.

Lumipas ang mahabang sandali at natapos na rin ang klase ng pinakahuling guro para sa araw na ito. Kalalabas lang din ng guro habang nililigpit ko pa lang ang mga gamit ko sa desk ko.

"Nerdy btch, bilisan mo riyan may gwapong naghihintay daw sa 'yo sa labas!" Sambit ng isa sa mga kaklase ko.

"Sayang, akala ko ako na hinihintay, 'yang babaeng 'yan pala!"

"Akala ko nga rin ako, eh!"

"Ano bang nakikita nila sa nerd na 'yan at dumidikit ang Hellion3 diyan!"

"Nagmamaganda lang naman!"

Napabuntong-hininga na lamang ako at ipinagpatuloy ang pagliligpit ng gamit ko. Hindi alintana ang sinabi nilang bilisan ko raw dahil may naghihintay sa 'kin sa labas. Alam ko namang si Zach lang iyon at mang-iinis lang. Gusto sigurong gumanti, siya kasi pikon kanina, pero hindi niya ako matatalo, dahil mas mabilis siyang mapikon sa 'ming dalawa haha!

Malalim muna akong humugot ng hangin at nang handa na para asarin siya ay humakbang na ako palabas ng pinto. Pero sa halip na asarin siya ay natigilan ako.

"Hey, Yeri!"

"Chad..."