SAVED
"Hmm... Hmm... Hmm... Hmm..."
Hindi ko na alam ang gagawin ko, naninikip na ang dibdib ko. Hindi na ako halos makahinga sa sobrang kaba at takot na naramdaman ko. Nanghihina na ang katawan ko sa sobrang panginginig, sa sobrang takot. Gusto kong ng maiyak pero hindi na kaya ng mga mata ko, wala na 'kong lakas sa sobrang takot.
Patuloy ko lang naririnig ang boses na iyon at parang hinihigop niyon ang lakas ko. Takot na takot ako at hindi makagalaw. Namamanhid iyon at dahan-dahang nanghihina. Sa mga oras na ito ay wala na 'kong ibang magawa kun'di ang manalangin. Iasa sa itaas ang lahat, ipaubaya sa kaniya ang takot na namamayani ngayong emosyon sa aking katawan.
Biglang tumigil ang mundo ko nang sa pag-ilaw ng paligid ay lumantad sa labas ng bintana diretso sa harap ko ang babaeng nakaputi at naghehele ng bata. Wala sa sariling nasapo ko ang bibig ko sa nakikita ko. Hindi ko makita ang mukha ng babae, dahil tagiliran lang nito ang natatanaw ko. Pero hindi ko na papangarapin pang makita iyon ng harap-harapan.
"Hmm... Hmm... Hmm... Hmm..."
Wala sa sariling napailing ako, gusto kong isigaw ang salitang ayaw ko na pero takot na takot akong baka dahil doon ay lumingon sa 'kin ang babaeng ngayon ay narito sa harapan ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko, mas lalo lang lumala ang takot na nararamdaman ko.
"Hmm... Hmm... Hmm... Hmm..."
Bakit ganito, bakit nandito ang mag-inang ito? Sa isiping iyon ay mas lalo ko na lamang ipinikit ang mga mata ko at yumuko sa nanginginig na dalawang tuhod ko.
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin nang sa isang iglap ay hindi ko na narinig pa ang boses ng babaeng naghehele ng kaniyang sanggol pero gano'n na lang ang gulat ko nang pagdilat ng mga mata ko ay ang dahan-dahang pagtirik ng leeg pakaliwa ng babae at dahan-dahan niyong paggalaw papunta sa direksiyon ko.
"Diyos ko..." Gusto kong sumigaw sa nakikita ko pero wala ng boses ang lumalabas sa bibig ko.
Pagkalingon ng babae ay lumantad sa mga mata ko ang duguang mukha nito. Habang nakatitig sa babaeng na sa harap ko ay nakarinig ako ng yabag mula sa labas nitong kwarto.
"Tulong..." nanghihinang sambit ko sabay nanginginig na hawak sa may pinto.
Ayaw kong tingnan ang babaeng na sa harap ko, nanghihina na ako. Wala ng lakas ang katawan ko. Naramdaman ko na lang ang pagbagsak ko nang bumukas ang pintong sinasandalan ko. Pero hindi ko naramdaman ang pagbagsak ko sa sahig dahil mabilis akong nasalo dahilan para maagapan ang pagbagsak ko.
"Yeri!" Boses iyon ni Zach.
Hindi ko na halos maimulat ang mga mata ko sa sobrang panghihina pero pinilit kong tingnan siya ng dalawa kong mga mata.
"Z-Zach..." Nanghihinang sambit ko pero hindi ko na nagawa pang magsaya dahil sa wakas may nakakita na sa 'kin rito. Sobra na 'kong nanghihina, naramdaman ko na lang ang dahan-dahang pagkawala ng imahe ng kaniyang mukha sa harap ko at ang unti-unting pagdilim ng paningin ko.
Zach's POV
"Don't worry, nerdo, I'll get you out of here," I said and lifted her up.
While walking out of the building she was still unconscious, I didn't know what I was going to feel. I'm angry because this is happening. I'm angry because until now, I can still feel the shivering and coldness in her body. But I feel like I'm also melting at the same time. I can't take the fact that she faced those fears with me being late to come and save her.
She really looked piteous being alone in this kind of place. I can't take that! Why did it took me so long to come here to save this girl?!
Vulnerability burst on my eyes when I quickly opened the door right at the moment I saw her losing her consciousness, I felt my weakness. I don't want her getting into this, I don't want her getting fainted like this. I don't want her getting miserable like this, fck!
Whoever locked that door will be held responsible, intentionally or not, I won't give a sht. Just pray that I won't recognize whoever that fcking animal is. I'm gonna kill that sht for fck's sake!
Many people greeted me when we got out of that building.
"Oh my God, they're here!"
"What happened to her?!"
"Zach? What happened? Sa'n siya nanggaling?"
"Calm down students," Ms. Hace. "Let us take care if this."
We quickly took her to the clinic to check if her body is okay while still being unconscious.
"What happened to her, hijo? Where did you find her?" Lolo asked me out after taking Nerdo to the clinic.
"She got locked buy that fcking building," I response.
"That building? How did she got there?" Cai.
"I don't fcking know. I only wanna know who locked her up. I'll kill whoever the fck did that to her," I said thinking on what am I gonna do to that fcking person being the reason why she got stuck up. Hinding-hindi ko 'yon palalagpasin.
"Zach calm down. Maybe that happened unintentionally," Ms. Elsher.
"I don't fcking care! Hindi ko papalagpasin 'to!"
"You don't have to do this, apo. If someone's behind on this, I will punish that person myself," I didn't speak anymore after Grandpa spoke. I don't want to say something inappropriate to him this time.
After a while, I decided to leave them waiting on her to wake up. I want to be alone for at least a short time. I don't want her to wake up like this, I'm still damn mad!
From here at the clinic, I went up to the second floor and bent myself forward on this veranda in front. I was just looking at nowhere, but the image of her crying in fear at that fcking abandoned building is still manifesting on my head. I can't help but to feel sorry for her and mad at myself. Why did she even have to be so scared before I came to save her?
I'm such an idiot – fck!
Yeri's POV
Puting kisame lang ang nakita ko nang dahan-dahan kong imulat ang mga mata ko.
"Yeri," napalingon ako pagkatapos marinig ang sabay na boses na iyon ni Esther at Laira.
"Oh thank God you're awake!"
"Guys, Yeri's back in concious now!" Sigaw ni Esther dahilan para sunod-sunod na pumasok silang lahat rito sa silid kung nasa'n kami. Pero wala roon si Zach. Tanging si Mr. Principal, Ms. Hace, Cai, Chad, Ms. Elsher at iba pang teachers na kasama namin ang pumasok dito.
"Kamusta, hija, ayos na ba ang lagay mo?" Sa naging tanong ni Ms. Elsher ay hindi kaagad ako nakatugon. Ilang segundo muna bago ako tuluyang dahan-dahang napailing. Alam kong hindi pa ayos ang pakiramdam ko.
Hanggang ngayon kasi ay na sa isip ko pa rin ang mga nakita ko sa abandonadong gusaling iyon. Kahit nakalabas na ako roon ay hindi pa rin mawala-wala ang kaba at takot sa dibdib ko. Nararamdaman ko pa rin ang panlalamig at panginginig ng buong katawan ko. Hindi pa ako nakakabawi ng lakas ko, sa halip ay takot pa rin ang namamayani sa loob ko.
"Bakit ka napunta sa building na 'yon?"
"Yeah, that building was abandoned for years ago. No one goes to that building, even DdP students don't go there anymore?"
"Can you tell us what really happened Ms. Del Rey?"
Sa sunod-sunod na naging tanong nila ay wala akong naisagot kahit isa. Sa ngayon ay ayaw ko na munang magsalita, gusto ko na munang magpahinga. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin kay Mr. Principal at nang magtama ang mga mata naming dalawa at saka ko pinilit ang sarili kong magsalita.
"Pasensiya na po, pero gusto ko na pong umuwi," sa mga oras na 'to at wala 'kong ibang gustong hilingin kun'di ang kahit pansamantala lamang na katahimikan. Nais ko munang mapag-isa at magpahinga. Ramdam na ramdam ko ang sobrang pagod sa katawan ko. Daig pa nito ang buong araw na pagtatrabaho.
"Sure hija, I heard you're my grandson's personal maid so don't worry. He will take care of you," saad ni Mr. Principal habang na sa 'kin ang tingin.
Tumango ako tanda ng pasasalamat ko at ilang segundo lang ay ibinaling na ni Mr. Principal ang tingin sa lahat.
"Everyone, let's let Miss Del Rey rest first. She lacks vitality at the moment so let's give her time to at least rest. This is not the right time to poke her about this, there is still tomorrow and the next few days. For now let's let her rest and regain her strength first," anito at nagsitunguan naman ang lahat.
Sa huli ay hindi na sila nangulit pa sa halip ay nag-aalala lang akong tiningnan sa mga mata bago tuluyang umalis para makapaghanda sa pag-alis namin pabalik, naiwan na lamang rito sina Laira at Esther. Naupo si Laira sa kama rito sa gilid ko habang si Esther naman ay hindi pa rin umalis sa kaninang inuupuan nito.
Nakikita at nararamdaman ko ang pag-aalala nila at naaappreciate ko sila, napakaswerte ko at naging kaibigan ko ang mga taong katulad nila sa mundong 'to. Bagaman nasisiyahan ay hindi ko pa rin magawang mailabas iyon dahil sa sobrang panghihina ng katawan ko.
"Don't worry, we won't force you to tell us what really happened why you got stuck and locked up by that abandoned building. As what Mr. Principal said; just rest yourself to regain your strength," Laira.
"Mm... we just want you to rest. You're still pale to this day," naramdaman ko na lang ang kamay ni Esther na humawak sa nanlalamig kong kamay. "Don't worry, you're safe now here," anito at nginitian ako.
Napatingin kaming tatlo na.g bumukas itong pinto ng kwarto.
"Let's go get ready our things, Esther. Zach is here, he will take care of Yeri." Ani Laira, nagtagpo namam ang mga mata naming dalawa ni Laira nang balingan niya 'ko ng tingin. "Yeri, we're leaving first," aniya at marahan naman akong tumango.
"Ikaw na muna ang bahala sa kaniya, Zach," sambit ni Esthet bago nila tuluyang nilisan itong kwarto.
Nang makaalis ay dahan-dahan akong nag-angat sa kaniya ng tingin. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko ngayong nakita ko na siya. Talagang nanlalamig at nanginginig pa rin ang katawan ko, pero isa lang ang sigurado ako.
Na masaya akong makita siya ngayon dito, inakala ko kasing hindi siya darating dito para puntahan at makita man lang ako. Inaamin kong nakaramdam ako ng bahagyang kabiguan sa loob ko nang wala siya rito pagkagising ko, pero ramdam ko ang dahan-dahang pagkawala n'yon nang pumasok na siya rito.
Nakita ko ang pag-aalangan sa kaniyang mukha nang maupo sa silyang malapit kung saan ako nakahiga.
"Are... you feeling better now?" Bakit ba nauutal siya ngayon?
Tumango ako. Gusto ko siyang pasalamatan pero ayaw ko na munang magsalita, marami pa naman sigurong araw para pormal ko siyang mapasalamatan sa pagliligtas niya sa 'kin.
"I'm sorry..." Aniya pagkaraan ng ilang sandali naming pagtititigan. Napaiwas kaagad siya ng tingin matapos iyong sabihin.
Bakit naman siya humihingi ng tawad? Hindi niya ba alam na napakalaking tulong ang nagawa niya? Siya ang nagligtas sa 'kin kaya bakit siya nagsosorry?
"Ba't ka humihingi ng tawad?" Pilit na tanong ko sa kaniya.
"'Cause it's my fault. It took me so long to come there to save you. I'm such a fcking asshole!"
Sa sinabi niya ay napatulala ako sa mukha niya. Seryosong-seryoso. Wala iyong bahid ng kahit kaunting biro at wala kong ibang maramdaman kun'di guilt sa sarili ko at ang maawa sa kaniya. Nakatungo lang siya at hindi pa rin makatingin sa 'kin sa mga mata. Wala naman siyang kasalanan, bakit humingi siya ng tawad?
Ngayon ko lang siya nakitang ganito kaseryoso at higit sa lahat ay ang sambitin ang salitang 'sorry'. Ang dami-dami niyang masasamang nagawa sa 'kin, pero kailanman ay hindi ko siya narinig na humingi ng tawad. Bakit ngayon niya pa itong sinabi sa 'kin gayong wala naman siyang ginawang masama sa halip ay iniligtas pa nga ako.
Mataman ko siyang tinitigan. Bigong-bigo ang kaniyang mukha, nakakaawa siyang pagmasdan ng dalawa kong mga mata. Sa ngayon ay hindi ko na halos maramdaman pa ang takot, panlalamig at panginginig sa katawan ko. Awa sa mukha niyang sa pakiramdam ay punong-puno ng pagkakasala ang bumabalot ngayon sa loob ko.
"If only I had come right away, you wouldn't have lost consciousness, you wouldn't have stayed there for long, you were so scared..." Hindi na natuloy pa ang sasabihin niya nang hawakan ko ang kamay niya.
"Salamat..." Sambit ko at nag-angat siya ng tingin dahilan para magtagpo ang mga mata namin. "Kung hindi ka pumunta ro'n, marahil ay hanggang ngayon nando'n pa rin ako. Takot na takot. Pero dumating ka, niligtas mo ako kaya maraming salamat, Zach. Inalis mo ako sa pag-aakalang doon na matatapos ang buhay ko."
"No, I won't let that happen," sa sinabi niya ay wala sa sarili akong mapatingin sa kaniya. "I-I mean... Of course, I-I won't let that happen, your-your my p-personal maid after all. I don't want to... loss you... as my personal maid, that's it!"
"Eh, ba't nauutal ka?" Sasagot lang naman siya pero bakit parang bigla siyang kinabahan at ganitong nauutal kung magsalita?
"No, I'm not. Just be ready, we're going home after a short minute from now. Is your body will able to travel?" Tanong niya at tumango naman ako.
"Kaya ko naman siguro."
"If you want, I can asked my driver to send my car here so you can return home comfortably," aniya at umiling kaagad ako.
"Hindi, hindi na kailangan. Masyado na iyong malaking abala-"
"No, it's not, that was my car I'm goin' to get here and I can drive you myself to go back home. Who will be bothered by it, huh?"
"Ikaw? Malaki na ngang abala ang naibigay ko sa 'yo tapos kahit hindi naman kailangan, magpapahatid pa 'ko sa 'yo. Nandiyan naman na ang bus kaya hindi mo na kailangang mag-abala pa."
"But you might be uncomfortable-"
"Sino ba namang nagsabing hindi ako komportable? Saka, Zach, umayos ka nga."
"What? What do you mean?" Enosente niyang tanong.
Sa halip na sagutin siya ay nilagay ko ang likod ng palad ko sa may noo niya. Umaaktong pinakikiramdaman kung may lagnat ba siya.
"May lagnat ka ba? O baka naman mayroong pumasok na mabait na kaluluwa riyan sa katawan mo-"
"Stop it, tss!" Inis niyang iniwas ang mukha niya sa kamay ko at natawa naman ako.
"Ba't masiyado ka ng bumabait?" Hindi ko alam kung iniinis ko lang ba siya o kuryoso talaga ako sa dahilan kung bakit bigla siyang bumabait.
"Tss, hindi ako bumabait-"
"Bumabait ka nga, seryoso."
"I only care for you..."
"H-huh?"
"As my personal maid!"
"Salamat."
"Tss!"
Ilang mahabang sandali muna ang lumipas bago biglang bumukas ang kwarto at sunod-sunod na pumasok doon sina Esther, Laira, Cai at Chad.
"Hey, nasira ba namin ang moment niyo?" Cai.
Napaisip ako kung ano ang ibig niyang sabihin pero sa huli ay ngumiti na lamang ako. Ano bang moment ang sinasabi niya?
"Tss," rinig kong paswit lang ni Zach.
"Are we disturbing the two of you guys here?" Sunod namang tanong ni Laira.
"Hindi naman," nag-aalangang sagot ko, hindi sigurado kung hindi nga ba o nakakaabala talaga.
"Good," Laira.
"How are you now, Yeri?" Si Chad naman habang sabay silang nauupo sa sopang malapit lang rito sa hinihigaan ko. Naupo naman si Laira at si Esther sa dalawang pang-isahang sopa.
Ibubuka ko pa lang ang bibig ko para sana sumagot pero naunahan na 'ko nitong si Zach na magsalita.
"She's okay," aniya at napatingin ako sa kaniya. Pero tinaasan niya lang ako ng isa niyang kilay.
Hindi naman siya ang tinatanong eh. Pero siya ang kusang sumagot. Awkward na napatango na lamang si Chad pagkatapos ni Zach na magsalita.
Sa ngayon ay maayos naman na ang lagay ko, alam kong hindi pa rin matanggal sa utak ko ang nakakatakot na babaeng nakita ko sa bandonadong building na iyon pero kahit papa'no ay hindi na gaanong kalala ang takot at kaba ang nararamdaman ko.
Medyo nakakahinga na 'ko sa katotohanang nakalabas na ako roon at ngayon nga ay uuwi na kami, lahat ng 'yon ay dahil sa amo kong hindi naman gaanong kabaitan, pero alam kong maasahan at hindi ka talaga pababayaan.
Hindi ko nga alam kung dahil ba sa pagpunta niya rito ang dahilan kung bakit hindi na masyadong malalang takot ang nararamdaman ko. Kaninang wala pa kasi siya ay sobrang takot na takot ako, nanginginig at nanlalamig ang buong katawan ko, pero hindi man tuluyang nawala, kahit papa'no ay naramdaman ko ang bahagyang pagkalma at paggaan nitong pakiramdam ko.
"So, Zach, how did you find Yeri by the way?" Biglang tanong ni Cai na diretsong na kay Zach ang tingin.
"Oo nga pala, how did you find her? That building was all dark and already years abandoned, you said earlier that you found her on the third floor?" Kuryoso ngunit seryosong tanong din ni Laira.
Lahat kami ay na sa kaniya lamang ang tingin at hinihintay ang kaniyang sasabihin. Kahit ako ay kuryoso rin, kung paano nga bang natagpuan niya ako sa abandonadong gusali na iyon.
Alam kong matapang siya, wala siyang inuurungan, nakakatakot siya pero hindi ba siya natakot. Kahit mag-alangan man lang na akyatin ang third floor do'n kung sa'n ako nalock. Kung ako kasi ang tatanungin ay wala talaga akong lakas na pumunta sa buiding na iyon sa gabi. Takot pa naman ako sa dilim.
"I... I saw the light's open on the third floor of that abandoned building so I climbed it out and found her locked up on that room where the lights are on, even it's flinching actually."
"How did you know, she's in there, on that building?" Cai, bumaling naman kaagad kay Zach ang mga mata ko para malaman ang sagot ni Zach sa tanong na iyon ni Cai na siya ring tanong na nangangailangan din ng sagot sa aking isipan.
Malalim na nakatuon lang sa kawalan ang kaniyang mga mata. Tila maging siya ay hindi rin alam kung ano ang isasagot niya.
"Well... I... Don't know actually, I've didn't expect to see her on that place too, I just found her on that place."