TEMPORARY
"Hinanap? Dude hinanap mo lang talaga siya ro'n?" Balik na tanong na naman sa kaniya ni Cai.
"Oo nga, umabot ka talaga roon?" Maging si Laira ay hindi rin makapaniwala.
"Yeah, if she's not there, then I'll continue finding her in different places."
"Seriously?!"
Hindi nga nagtagal ay napailing na lamang si Zach. "Well yes, no matter where that Nerdo goes, I can and will still find her."
"You really are unbelievable, Zach," Cai.
"Why, Cai? You can't do it yourself, alone?" Si Chad na parang may naglalarong ngiti sa manipis niyang labi.
"Takot yata 'yang Cai niyo," pambabara ni Laira.
"Well, that building was terrible. I have no doubt for that, but that doesn't mean I can't manage to go on that building-"
"Just admit it, you're scared!" Laira.
"I have nothing to admit being a coward, my love." Aniya ng nakataas ang kilay ngunit titig na titig sa mga mata siyang tiningnan si Laira. "Especially when your locked there too, I won't hesitate to save you. That building is just scary, but I'm more handsome."
"Tsk, ano namang connect do'n?" Taas-kilay na tanong ni Laira at ngumisi lang si Cai.
"Mas nakakatakot pa rin ang kagwapuhan ko kompara sa kapangitan ng building na 'yon."
"Corny mo, uh?" Diretsong saad ni Laira at tinawanan lang siya ni Cai.
"At least gwapo 'di ba?" Umirap lang sa kaniya si Laira at 'di nga nagtagal ay bumukas na ang pinto at iniluwa n'yon si Mr. Principal at Miss Hace.
"It's time, we're going back home now. The bus will take us back to HHU is ready," Miss Hace.
"Can you manage to go home now, hija?" Tanong ni Mr. Principal at tumango naman kaagad ako.
"Ayos naman na po ako," sa tingin ko.
"Good," aniya at bumaling ang tingin sa Hellion3. "Boys, alalayan niyo si Miss Del Rey. Uuwi na tayo."
"Okay po, tito, I'll take care of her," sambit ni Chad sabay tayo. Aalalayan na sana niya akong tumayo ngunit nauna nang hawakan ni Zach ang kamay ko.
Natigilan ako sa biglang paghawak ni Zach sa kamay ko. Hindi lang ako, dahil pati na rin ang iba ay natigilan din habang takang nakatingin lang sa dalawang kasalukuyan ngayong nagtititigan.
"You don't have to, I can take care of her." Blankong saad ni Zach pero parang may namumuong tensyon sa pagitan ng titigan nilang dalawa.
"It's okay with me, ako na ang aalalay sa kaniya."
"She's my personal maid, Chad Reil," parang nagbabanta ang boses ni Zach pero nananatiling blanko lamang si Chad. Hindi apektado sa masama na ngayong tingin sa kaniya ni Zach.
"I didn't ask Zach, I just wanted to help her."
"She doesn't need your help. I can take her on my own."
Wala ng nagsalita pa sa kanila nang tanggalin ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak kay Zach. Kaagad na bumaling ang masamang tingin sa 'kin ni Zach pagkatapos makawala ang kamay ko mula sa kamay niya.
"Kaya ko namang tumayo ng mag-isa, hindi niyo na 'ko kailangang alalayan." Sambit ko ngunit nang akmang tatayo na ako ay hindi nakayanan ng katawan ko. Kaaagad na kumilos ang dalawa para maalalayan ako.
"Hindi mo kaya, let me help you-"
"No, you're not," pambabara na naman ni Zach sa kaibigan niya.
Hindi ko na naman siya maintindihan.
"Your help isn't needed, I can take care of her so put your hands off." Matigas na sabi ni Zach na para bang nagbabanta. Hindi naman binibitawan ni Chad ang kamay ko.
"I won't-"
Para maging patas na ay pareho akong bumitaw sa kanila. Akala ko ba ay magbestfriend sila, bakit parang nagkakainitan sa 'di malamang dahilan.
"Both of you, move aside. Esther and I will take care of her. Just supporting her will keep you two fighting, huh? 'Di naman halatang nag-aaway na kayong dalawa, huh?" Pambabara ni Laira at pinatabi ang dalawa.
Sila na ni Esther ang tumulong at umalalay sa 'king makatayo at makapaglakad hanggang sa sasakyan naming bus.
Mahaba ang naging biyahe at nang makarating na nga kaming dalawa ni Zach sa kaniyang mansion ay sinalubong kami ni yaya Niña sa may pinto.
"Oh hija, hijo andito na pala kayo. Magandang gabi." Sambit nito habang inaalalayan akong makapaglakad ni Zach.
Sa nangyayaring 'to ay hindi ko mapigilang hindi mahiya. Ako ang personal maid niya pero siya ngayon ang umaalalay sa 'kin.
"Careful with your steps."
"Diyos ko! Ano bang nangyari sa iyo, hija?" Gulat na sambit ni yaya Niña nang mapansin ang nanghihinang katawan ko.
Sa halip na hintayin ang sagot ko ay tinulungan na rin ako nitong makapaglakad papasok sa loob ng mansion nitong amo ko. Inihatid nila ako papuntang sa kwarto kung sa'n ang tinutulugan ko sa mansiong ito.
"Sandali lamang at may niluluto pa ako sa kusina. Babalik kaagad ako."
Mabilis na umalis si yaya Niña at naiwan naman kami ni Zach rito sa kwarto.
"Rest first,"
"Salamat... ulit, saka pasensiya na rin."
"For what?"
"Pasensiya na kasi, ikaw ang amo ko pero ako ang inaalalayan mo."
"Tss! it's nothing. i can be your temporary personal maid 'til you get back your strength."
"Personal maid?" Hindi makapaniwalang sambit ko.
"Yes, I can do that."
"Talaga? Gagawin mo 'yon?"
"Of course-" hindi na natuloy pa ang sasabihin niya nang masamid ako sa sariling laway ko at biglang naubo. "Hey, are you okay?" Bigla kaagad siyang nag-alala.
"Tubig... Zach..." Sambit ko sa gitna ng pag-ubo ko.
"Wait I'll go get some, stay still nerdo." Para siyang nagpapanic na nilisan itong kwarto para kumuha raw ng tubig.
Nang makaalis ay natawa na 'ko. Seryoso ba talaga siya? Ang saya siguro n'yon... masubukan nga.
"Here's your water." Sambit niya nang makabalik, bakas pa rin ang pag-aalala sa kaniyang mukha.
Inabot niya sa 'kin ang baso ng tubig at pagkatapos kong uminom ay kinuha na niya iyon at inilagay sa may side table.
"Salamat."
"Are you okay now." Tanong niya at tumango naman ako. 'Di nagtagal ay pumasok na si yaya Niña dala ang tray ng pagkain.
"Oh hija, dinalhan na lamang kita rito ng pagkain at baka 'ko nagugutom ka at hindi mo kayang tumayo."
Inabot naman iyon ni Zach mula sa kaniya.
"Hala, maiwan ko na muna kayo at ako'y may lilinisin pa sa kusina." Huling sambit nito bago tuluyang nilisan itong kwarto.
"Susubuan na kita." Nagulat ako sa sinabi niya at saka tiningnan ang seryoso niyang mukha. "What?" Taas-kilay niyang tanong nang mapagtanto ang gulat na mukha kong nakatingin sa kaniya. "Tss! Say ahh..."
Kaagad kong ibinaba ang kamay niyang hawak ang isang kutsara ng pagkain at kunot-noo siyang tiningnan. Nagbago na ang isip ko! Ayaw ko na pa lang subukang maging personal maid siya!
"Hindi mo 'ko kailangang subuan, kaya kong kumaing mag-isa."
"Tss! Let me be your temporary personal maid, magpalit muna tayo ng puwesto. Ako na muna ang magbabantay sa 'yo."
"Pero, ayoko!"
"I'm your boss, you don't have a choice."
"Kaya nga, eh! Ikaw ang boss ko kaya hindi mo kailangang gawin 'to, kahit pansamantala lang 'yan."
"That's it, I'm your boss and you don't have a choice but to follow my command so now, say ahh... Nangangalay na ang kamay ko."
"Eh, hindi mo nga kaila-"
"Just say ahh... Nerdo," hindi na 'ko nakapalag pa at dahan-dahan ngang ibinuka ang bibig ko para salubungin ang subo niya.
Bagaman nahihiya ay itinago ko na lamang iyon sa pikong tingin ko sa kaniya. Ano ba itong nangyayari sa kaniya, alam kong bumabait na siya pero huwag namang ganitong pinagmumukha niya akong abuso sa kabaitang ipinapakita niya.
Sa pangalawang subo niya ay kinuha ko ang kutsara sa kamay niya. "What are you doing? Sinusubuan na nga kita umaarte ka pa."
"Oh sige na! Ikaw na bahala kung anong gusto mong gawin, personal maid, hindi kita pipigilan ikaw naman ang may gusto niyan eh." Narinig ko lang siyang ngumisi pagkatapos kong magsalita.
"Good."
"Pero hayaan mo naman akong kumaing mag-isa at hindi yung para akong sanggol na sinusubo-subuan mo."
"Why? Ayaw mo sa isang Zach Evilord na sinusubuan ka?" Tanong niyang may naglalarong ngiti sa mga mata.
"Hindi naman sa gusto kong saktan 'yang damdamin mo, pero may kamay pa naman ako kaya kaya kong subuan ang sarili ko." Sambit ko at katulad pa rin ng dati, pumaswit lang siya.
Habang kumakain ay hindi ko maiwasang hindi mailang. Hindi ko alam kung nananadya ba siya o ano. Wala kasi siyang ibang ginagawa kun'di titigan lang ako habanag kumakain.
"Gusto mo bang kumain? Ipaghahanda kita-"
"I'm not hungry, Nerdo, just continue eating." Wala na 'kong nagawa at nagpatuloy na lamang sa pagkain ko. Binilisan ko rin ang bawat subo ko para matapos kaagad akong kumain at ang mga mata niyang nakatuon lang sa 'kin.
Ngayon at nakahanda na 'kong matulog pero nandito pa rin siya sa kwarto ko rito sa mansion niya at hindi pa rin umaalis. Wala yata talaga sa plano niya ang umalis rito. Naupo ako sa kama paharap sa kaniyang nakaupo lang sa maliit na sopa. Nananatili lamang ang kaniyang mga matang nakatingin sa 'kin.
"Malalim na ang gabi, hindi ka pa matutulog?" Tanong ko.
"When you sleep first."
"Pwede ka namang maunang matulog eh, hindi naman kasama sa pagiging personal maid mo 'kuno' sa 'kin ang bantayan ako hanggang makatulog."
"Well, kasama 'yon."
"Oh sige, bilang amo mo pinapayagan kitang matulog na ro'n sa kwarto mo at ako'y matutulog na rin." Sambit ko para makaalis na siya.
"I won't leave 'til you fall asleep."
Hindi na lamang ako nagsalita pa at wala talaga akong laban sa katigasan ng ulo niya.
"Magandang gabi sa iyo, katulad ng gusto mo. Matutulog na ako ng sa ganoon ay makapagpahinga ka na rin."
"Mm..."
Nahiga na 'ko sa kama at pagkatapos ay tinalikuran siya saka ipinikit ang mga mata. Imbis na mailang ako dahil matutulog akong nasa likod ko lang si Zach at nagbabantay, pero hindi ko 'yon maramdaman.
Komportable pa nga ako dahil naririto siya at napakagaan ng pakiramdam ko dahil binabantayan niya ako. Magmula talaga nang maging amo ko siya ay naging mabait at marami ang naitulong niya at magagandang nangyari sa 'kin.
Ako pa no'ng una ang umaayaw na maging personal maid niya, hindi ko akalaing ganito kalaki ang maitutulong niya. Wala na kaming problema ni nay pambayad lahat ng upa, kuryente, tubig, pambili ng gamot lahat nababayaran na namin, nakakaipon pa nga kami at lahat ng 'yon ay dahil kay Zach.
Dahan-dahan kong naimulat ang aking mga mata ng maalala ang sinabi ni Laira at Esther sa 'kin no'ng nakaraan tungkol kay Zach. Na baka may plano siyang masama na siyang pinaka-dahilan niya kung bakit kinuha niya 'kong personal maid. Na malabong ganito ang mangyari gayong galit na galit siya sa 'kin no'ng una.
Tumagilid ako ng pagkakahiga paharap sa kaniya. Kaagad na nagtagpo ang mga mata naming dalawa dahil nakatingin na siya sa 'kin bago pa ako maglipat ng tingin sa kaniya.
"Zach..."
Taas-kilay lang ang itinugon niya sa 'kin habang nakaupong nakakrus pambabae ang mga paa.
"Wala ka naman sigurong masamang gagawin sa 'kin hindi ba?"
"Of course I would never do that if that's what you think. Why did you even asked that fcking stupid question?"
"Bigla ka kasing bumait sa 'kin. Parang malabong bigla kang maging gano'n gayong ang sama-sama mo akong ituring no'ng una. Naisip kong... baka may... plano kang masama."
Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa at sinasabi ko. Hindi ko intensiyong akusahan siya at alam kong hindi nga malabong masaktan ko siya pero gusto kong tanungin siya ng diretso at hindi iyong nag-iisip ako ng mga posibleng sagot sa tanong kong alam kong siya lang ang makakasagot.
Alam kong siya na ang makapagdedesisyon niyon kung magsisinungaling man siya o hindi pero wala na akong ibang gagawin kun'di ang paniwalaan siya. Gusto ko lang maging malinaw sa kaniya na pinagkakatiwalaan ko siya at na sa sakaniya na 'yon kung itutuloy niya ang masamang balak niya... kung mayroon man.
Ayaw ko talagang pag-isipan siya ng masama, sa totoo pa nga niyan ay hindi ako naniniwalang may binabalak siyang masama kaya ganito na lang siya kabait ngayon sa 'kin, nararamdaman ko naman 'yon.
Pero hindi ko rin dapat na baliwalain ang sinasabi nina Esther at Laira, mga kaibigan ko sila at alam kong wala silang ibang gusto kun'di ang makabubuti para sa akin kaya hindi talaga nararapat na baliwalain ko ang mga opinyon nila sa mga bagay na konektado sa akin. Minsan kasi, mas malinaw na nakikita ng mga kaibigan mo ang mga bagay na na sa mismong harapan mo.
Naramdaman ko na lamang ang paglapit niya at tinitigan ako sa mga mata. "I don't wanna lie to you. Yes, I have planned to hurt you."
May dumaang kirot sa dibdib ko nang sabihin niya ang mga katagang iyon. Pero nananatili pa rin akong nakatitig sa kaniya at nakikinig sa sunod pang sasabihin niya.
"But everythings change everytime I see you. I don't want to be part of the hard things you are going through, so now I'm trying my best to help you."
"Bakit?" Bakit nagbago ang plano niyang pahirapan ako at ngayon ay gusto niya ng tulungan ako?
Nag-iwas siya ng tingin. "It's because I saw you're already tired even though your staying loud and mighty facing your misfortunes. Naisip kong sobra ka ng kawawa kung sumabay pa 'ko sa nga nagpapahirap sa 'yo, so I-"
Hindi na natuloy ang mga sasabihin pa niya nang salubungin ko siya ng yakap. Mahigpit na yakap, naramdanan ko sa katawan niya ang gulat, hindi siya makagalaw pero wala na sa isip ko iyon.
"Salamat, Zach," wala na 'kong ibang maisip na sasabihin pa sa kaniya kun'di ang pasalamatan siya.
Alam kong napakalaki talagang problema kung sumabay pa siya, kaya sobra ang pasasalamat ko sa kaniya. Hindi niya tinuloy ang plano niya sa halip ay malaki pa ngayon ang tulong na ibinibigay niya.
"Tss! It's nothing, go back to bed now, Nerdo." Naramdaman ko ang parang pag-iwas niya sa sarili niya mula sa pagkakayakap ko at ang paghawak niya sa dalawang braso ko palayo kaya naman nahihiyang humiwalay na 'ko. "Ang baho ng buhok mo."
"Pasensiya na," bakit ba ang bilis kong madala.
"Tss!"
Sa huli ay bumalik na ako sa pagkakahiga at dahan-dahang ipinikit ang mga mata hanggang sa 'di ko na alintana ang pagdalaw sa 'kin ng antok.
Zach's POV
I'm just sitting at the single sofa near at her bed and just continue watching her getting asleep. Her breathing is deep and I feel that she is really asleep. But I'm not leaving yet, I'm still sitting here looking at her. Thinking about her direct question, if I would do something bad to her, 'cause honestly I wouldn't really do something that'll gonna hurt her.
All what I have said to her was only the truth, I don't know but I really can't hurt her. A few days since I first saw her, I don't know everything that happened to me. Yes I was mad at her the first time we've met, following the other day, yes, I hate her that time to the point that I'm planning to like what she said... hurt her.
There are many things that come to my mind that I can do to her, but all of that are just my plan. I don't know, I've seen her many times, watching her, following her with my eyes, but even once. I never felt bored. I always watched her, looked at her from a distance. She has no idea about all that.
I didn't notice that was continuously happening everyday. I didn't realize that I was watching and thinking about her every day, to the point that I was like her bodyguard without her, knowing it.
That's when I gradually entered the cycle and movement of her life. I saw everything. Her efforts, on how she takes care of her studies, how she takes care of her mother, how she values small things and on how she's being responsible dealing with her three part-time jobs.
By that, I saw the hardships she went through. She was so selfless. She spares nothing and gives everything. Love for her mother, her studies, her work, everything she can do despite the fact that a lot of people socially bully her at school and outside the school, all because of her looks. And she just ignored that and continued fighting to survive for her unlucky life.
And there I just realized... Sobrang hirap na ng pinagdadaanan niya, dadagdagan ko pa ba?
Before she had come and met me, I was already a bully man. I don't give a fck to all the people I don't like, but when she came, she gave me the chance to witness how hard the life is for the people like her. I felt pity, I haven't given a fck to bully her and I already pity her. It's like I don't already have the strength inside to do that to her. So I didn't continue with my plan to torture her. Torture someone like her.
I already know all about her at that time. She literally has no rest. Of all the eyes of people, I know she is tired and she is struggling. But it's not in her vocabulary to give up and rest so she just keeps going with the flow of the difficult life she's going through.
So I thought of it myself and made a way to somehow help her. There I decided to help her by working with me so it wouldn't be too obvious. She didn't want at first. I understand her, I'm mad at her at first so it's really vague that she agreed right away. I can't think of anything else to do next, I just wanted to help her and there she is making myself full of embarrassment by refusing my offer.
So I was forced to fire her from her three part-time jobs. I know I hurt her that time but I don't have a choice. Besides, that's for the better of her. Until she was forced to work with me. I helped her, I didn't get any benefits but I feel so happy not because I helped her, but because of something I don't want to admit myself.