MISSING
"May tao ba riyan? Tulungan niyo po ako pakiusap! Buksan niyo po 'tong pinto!" Ayaw ko ng magsisigaw sa totoo lang, dahil maging ako sa sarili ko ay alam kong wala talagang tao sa buiding na 'to.
Iyon na lamang kasi ang tanging pag-asa ko para mabuksan itong pinto pero dinadaya ko lang ang sarili ko. Umaasa pa ring may taong maliligaw na pumunta rito para buksan itong pinto kahit siguradong wala naman talagang pupunta rito.
Kanina ko pa pilit na binubuksan ang pinto pero hindi ko talaga siya mabuksan. Sumilip ako sa may bintana at saka lang napagtanto ang unti-unting pagsakop ng dilim sa buong kapaligiran.
Naibuhos ko na ang lahat ng lakas ko para mabuksan ang pinto pero sa huli ay napaupo na lamang ako sa mismong tapat ng pinto habol ang hininga sa sobrang pagod pero wala pa ring nangyayari.
Hindi ko pa rin mabuksan ang pintong 'to. Hindi na alintana ang luhang tumutulo sa mga mata ko sa sobrang kaba ng nararamdaman ko. Takipsilim na at siguradong ilang minuto na lang ay maggagabi na.
Hindi ko na mapigilang hindi maiyak sa sitwasyon na pinasok ko ngayon. Bakit kailangan kong makulong sa silid na 'to? Hindi pa masiyadong madilim ngunit nakakaramdam na ako ng takot. Ano pa kaya mamaya kapag tuluyan ng gumabi.
Sa mga naiisip ko ay mas lalo lamang akong mapapahagulgol, nakatungo habang yakap-yakap ang dalawang tuhod ko. Sa ngayon ay gusto ko na lamang umuwi ng bahay at magpahinga.
Ayoko na rito, natatakot na 'ko.
Sa mga posibleng mangyari sa 'kin rito ay mas lalo lamang akong nanghihina. Malaki ang posibilidad na rito na 'ko malipasan ng gabi at 'yon ang ayaw kong tanggapin sa sarili ko. Halos mawala ako sa sarili ko sa sobrang takot sa dilim. Ayaw na ayaw ko sa kahit saang lugar na wala akong makita kun'di itim.
Jusko, tulingan niyo po akong makaligtas sa araw na 'to... tulungan niyo po akong makalabas sa gusaling ito... huwag niyo po sana akong hayaang manatili sa lugar na ito... Gabayan niyo po ako at bigyan niyo po ako ng lakas ng loob na labanan itong takot na lumulukob sa buong pagkatao ko...
Mula pa pagkabata ay takot na 'ko sa dilim, katulad ngayon ay umiiyak lamang ako ng umiiyak kapag na sa gitna ng dilim. Hindi ko maiwasang hindi manghina kapag gano'n, hindi ko maiwasang hindi matakot kapag na sa iisang lugar ako na walang ibang nakikita ang mga mata ko kun'di tanging itim.
Patuloy lamang ako sa marahang pag-iyak nang marinig ko ang huni ng pusang ilang segundo lang ay nakaligtaan ko.
"Meow..."
Agad akong tumayo nang mapagtanto ang panghihina nito. Nakikita ko pa ang dugo sa may paanan nito. Kaagad ko iyong nilapitan at dahan-dahang iniangat ang isang paa nito kung sa'n nanggagaling ang dugo. Kaya pala kanina pang dumodugo dahil ang lalim ng sugat nito.
Nagpalingon-lingon ako rito sa buong silid para may magamit ako kahit papa'no para magamot ang paa nitong kawawang pusa ngunit tanging mga sirang silya lang ang naririto. Sa kawalan ng kahit anong gamit rito sa buong silid ay napagpasiyahan ko na lamang na pumunit ng kahit kaunting tela rito sa mahabang palda ko. Ginawa ko iyong benda at itinali sa may sugat na paa ng kawawang pusa.
"Tiisin mo na lang muna ang sakit. Ipapagamot natin 'yan kapag nakalabas na tayo rito," saad ko sa pusa.
Natuyo na lamang ang luha na nagsitulo kanina sa may pisngi ko habang inaayos ang bendahe ng paa nito. Kahit papa'no pala ay maswerte pa rin ako. Nakulong man ako rito, hindi pa rin ako dapat na mawalan ng pag-asa dahil may kasama naman ako rito, kahit pusa pa man siya.
Tuluyan nang nagdilim ang paligid na wala 'kong ibang ginagawa kun'di ang haplusin lang ang pusang nakahilig rito sa paa kong naka-indian lang ang upo. Hindi pa rin nababawasan ang kaba at takot na nararamdaman ko sa mga oras na 'to, nasasaktan rin ako sa katotohanang nagpaloko ako sa kaibigan ni Trixie. Ang Kelly na 'yon.
Napakalaki ko talagang tanga, gano'n na lang ba 'yon para paniwalaan ko ang lahat ng sinabi niya? Oo, ako na ang tangang naniwala sa kaniya pero hindi ko pa rin maintindihan kung anong nagawa ko sa kaniya. Tinanong ko lang naman siya pero kasinungalingan lang ang sinagot niya. Naniwala naman kaagad ako kaya 'yon ang katotohanang kasalanan ko pa rin kung bakit ako napasok sa sitwasyong 'to.
Naniwala kasi kaagad ako, saka hindi naman niya 'ko maloloko kung hindi ako nagpaloko. Oo nga't may kasalanan siya pero malaking mali na isisi ko ang lahat sa kaniya. Tinuro lang naman niya ang building na 'to, naniwala naman kaagad ako at maliwanag na labas na siya kung ba't ako nakulong sa silid na 'to.
Si Zach pa, hindi nasasagot ang mga katanungang kani-kanina lang ay nabuo sa utak ko. Mabait na siya, eh, hindi na kami madalas na magkaaway, hindi na siya naiinis sa mukha ko pero pa'no kung pagpapanggap lang ang lahat ng iyon, katulad ng sinabi nina Laira at Esther.
Pa'no kung may plano pala siyang pahirapan at saktan ako. Naiinis siya sa 'kin, malabo talagang sa isang iglap ay bumait siya sa 'kin. Bakit? Ano ba talagang plano niya? May plano ba talaga siya?
"Meow..." Huni nitong kawawang pusa na nagpabalik sa 'kin sa huwisyo.
"Huwag kang mag-alala, makakalabas din tayo rito." Saad ko habang pilit na nakangiti sa harap niya.
Gusto ko sanang tingnan kung ano na ang lagay ng sugat niya pero madilim na. Talagang gabi na. Ilang sandali pa ay napaisip ako kung gumagana pa ba ang ilaw sa silid na ito. Kahit papa'no ay nakaramdam ako ng kaunting pag-asa.
"Dito ka lang muna at titingnan ko kung gumagana pa ba ang ilaw sa silid na 'to." Sambit ko at maingat na inilapag sa sahig ang pusa. Ayoko talagang tumayo sa totoo lang, halos wala na kasi akong makita sa sobrang dilim, pero walang mangyayari kung mananatili lamang akong nakaupo rito sa tapat ng pinto.
Nakita ko na ang switch na iyon kanina kaya hindi na 'ko nahirapang tunguhin iyon. Nang makapa iyon ay pinindot ko kaagad. Napangiti ako nang kahit papaano ay umilaw iyon ngunit kumukurap-kurap nga lang.
Medyo nakakatakot lang siya dahil mahina ang kaniyang pagkurap. Dahan-dahan iyong namamatay at dahan-dahan na namang umiilaw, pero wala na 'kong pagpipilian pa. Maswerte pa nga ako't umiilaw pa ito kahit papa'no.
"Salamat naman at kahit papa'no umiilaw pa, matitingnan ko na ang sugat-"
Lumukob ang kaba sa dibdib ko nang sa isang lingon ko lang ay wala na ang pusa sa tapat ng pinto kung sa'n ko itong iniwan.
"Meoww... nasaan ka na..." Lumapit ako sa may pinto kung sa'n ko ito huling iniwan ngunit sa bawat pag-ilaw ng bombilya ay walang pusa akong nakikita.
Kaagad akong napaupo sa sahig sa tapat ng pinto nang may marinig akong malakas na huni ng paggalaw ng silya. Nagpalingon-lingon ako sa harap ko pero kataka-takang wala namang gumagalaw.
Pero hindi ako dapat na magkamali, nanggaling mismo sa silid na ito ang tunog pero nang suyurin ko na itong lahat ng tingin ay animong walang nangyari at nananatiling tahimik lang ang buong silid.
Tumutulo na ang malamig na pawis sa noo ko pababa sa mukha ko sa sobrang takot. Mabilis na rin ang paghinga nitong dibdib ko at nanlalamig ang dulo ng mga daliri ko. Hindi ko na halos makayanan itong takot na nararamdaman ko, gusto kong maiyak ngunit walang lumalabas na luha sa mga mata ko.
Jusko, ayaw ko na po rito.
Ilang sandali ay namayani ulit ang katahimikan sa silid na ito, ngunit hindi man lang niyon nabawasan ang kaba ko. Malalim pa rin ang paghinga ko sa sobrang kaba at takot, bukas na bukas ang mga mata ko sa bawat pag-ilaw ng bombilya pagkatapos ng dalawang segundong kadiliman.
Takot na takot na ako. Mag-isa na lang ako. Wala na ang pusang kasama ko. Ayaw ko na rito. Gusto ko ng makaalis dito. Sa dilat na dilat na mga mata ko ay ang walang pakundangang tulo ng mga luha sa mga mata ko. Tumatayo na ang balahibo ko at nanginginig na ang buong katawan ko sa sobrang kaba at takot.
"Hmm... Hmm... Hmm... Hmm..."
Napugto ko ang sarili kong hininga nang marinig ko ang huni na iyon. Nakakatakot.
Hindi! Guni-guni ko lang iyon!
Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na talagang guni-guni ko lang kung ano man iyong narinig ko pero nabalot ng takot ang buong katawan ko nang marinig ko na naman iyon sa pangalawang pagkakataon. Jusko, hindi guni-guni ang lahat ng ito!
"Hmm... Hmm... Hmm... Hmm..."
Mas lalo lamang akong naiyak, pilit na hinahawakan ang bibig kong huwag makagawa ng kahit anong tunog. Mas lalo lamang humigpit ang hawak ko sa dalawang tuhod ko sa sobrang takot. Hindi ko mawari kung sa'n nanggagaling ang nakakatakot na boses na iyon.
"Hmm... Hmm... Hmm... Hmm..."
Jusko, ayoko na! Tulungan niyo po ako! Nakakatakot! Para siyang huni ng isang babaeng naghehele ng sanggol.
Nakakatakot – ayaw ko na!
Gamit ang dalawang kamay ko ay tinakpan ko ang dalawang tainga ko, umaasang sa pamamagitan niyon at hindi ko na marinig pa ang nakakatakot na boses na iyon.
"Hmm... Hmm... Hmm... Hmm..."
Mas lalo lamang akong naiyak nang mas lalo pang lumakas ang nakakatakot na boses na iyon.
"Jusko, ayaw ko na po!" Umiiyak na sambit ko habang pilit na tinatakpan ang tainga ko. Wala kong magawa kun'di ang matakot. Palapit lang ng palapit ang huni ng boses na iyon.
Trixie's POV
It was afternoon when I finished my position. I went to the HHU room to say hello to the others.
"Oh, Miss Wound, you're here. I'm sorry your Professor isn't there. He's back at HHU now for some important reason."
"It's okay, Miss Elsher, there's no problem," I told her with a smile, she just nodded.
"Good to hear that," she replied and gave me a small response as I went straight to my bag. "We're just waiting for others so we can go back now."
"Okay," I replied and sat down on a chair and started fiddling with my phone.
Only Cai, Chad, Emerald Princess Laira, and Charity Leigh are still here. I and the other teachers who are with us are also here, also Miss Elsher. A few minutes later, I saw Kelly and Biy laughing at the entrance door, along with Abbea.
"Hey there students, are you done with your perspective positions?" Miss Elsher greeted them.
"Is it obvious, Miss Elsher?" I saw how Biy rolled her eyes at Miss Elsher.
"Are we coming here if we're not done yet?" Abbea.
"Hindi niya alam girls. Wala kase siyang common place hahaha!" Kelly.
"Common sense kasi 'yon, Kels!"
"Tsk! Whatsoever!" Miss Elsher was speechless after my three very kind friends passed her.
"Are you insulting, Miss Elsher? She's just asking about your positions. You can simply answer it properly and unsarcastically," I said while sitting next to them.
"Is it our fault that she's that stupid, Trix?" Abbea raised her eyebrows.
"For once, my sister is right. Besides, just shut your mouth up, this is such a great day to be ruined by your preaching boring words," Biy said.
"Yea, shout up ka na lang diyan," Kelly, "don't ruin the good day."
"What's with this day to be great, huh? Did something happen?" I asked, confused but they only smiled even more. They're really acting strange right now and I don't know where it comes from. I'm sure they did another 'good thing' again right at my back.
"You'll find out later, Trix," her words was so meaningful, like it was meant for something regretful.
"Ang alin ba?" I asked, confused.
"Just wait, you'll find out later, too, so just shut up 'til that 'later' comes out," Biy smiled.
I just kept quiet and didn't insist anymore. I'll find out later and besides, I'm not that interested, I'm just curious. So, I just went back to scrolling on my phone until I didn't care about the passing of the moment. I looked at my watch and it's past 4:30 PM. Zach entered from the entrance door with Mr. Principal and Ms. Hace.
"Ready your things and yourselves everyone, we're getting back now at the HHU. The Olympiad for this day was already done," Mr. Principal.
I saw the three looked at each other and exchanged meaningful smiles with each other. I really don't get them, are they still even my friends? We all started to get ready after Mr. Principal spoke and when we're finished, we went out of the room and everyone was stunned after Zach spoke.
"Wait, where's Nerdo?" His question made me wonder of Yeri. I haven't seen her all day.
"Hala, si Yeri nga pala!"
"I haven't seen her yet! Kanina pa yung umaga, but this whole afternoon, hindi ko naman na siya nakita!"
"Nasa'n na nga pala ang batang iyon?" Mr. Principal.
"Emerald Princess Laira, Ms. Leigh you are often with Miss Del Rey, do you know where she is?" Ms. Hace asked the two calmly.
The two shook their heads at the same time as their faces started to get nervous.
"We didn't see her. We thought Zach was with him," it's Charity.
"How can that fcking happen? I haven't even seen her in this fcking whole noon! I was busy with my fckung position!" Zach shouted angrily.
"Can you please stop yelling?" Emerald Princess Laira fired back.
"Students! Stop the quarrel, we need to find Ms. Del Rey and not to shout each other," Mr. Principal scolded.
"Emerald Princess Laira, didn't we leave Yeri with you?" Chad spoke.
"Yeah, we did and after that she already bid her goodbye to us 'cause she was going to go find Zach. Then we didn't see her again after that."
"We didn't worry 'cause we thought she's with Zach but all this time... she isn't," Charity.
"They didn't meet each other, I was with my grandson the whole afternoon and we haven't seen Miss Del Rey around in there," Mr. Principal.
"Okay, let's find he. Maaga pa naman, so let's split up first, she's definitely here at DdP University. The gate doesn't open here for only one student especially without the permission of their couches so she's just here," Miss Hace.
"Let's go, bud, let's find on that side," Cai said to his two friends. Next, Charity and Emerald Princess Laira left together as well as the rest of our fellow teachers also helped to find her.
I approached my three friends and told them to help us find Yeri. Abbea was with me in the search while Biy and Kelly were together.
"That's where Yeri went. It's like... she suddenly disappeared," I said while looking for her everywhere around the cafeteria. Abbea told she'll just buy snacks, I didn't mind and just focused myself to search for Yeri.
I know they don't take the search for Yeri seriously, I'm not stupid to not know they really hate her. But Yeri is important to me. She is my friend, so I don't want anything bad to happen to her. I've been searching for a few minutes but I stopped when in the middle of my search for her, I heard the loud laughter of Biy and Kelly.
"Hahaha, I'm sure takot na takot na 'yon ngayon!" It was Biy's voice.
"Mabuti nga kung mamatay na sa takot ang babaeng 'yon, tsk!" Kelly.
"Talagang mamamatay na 'yon, nakakatakot kaya ro'n! Teka, yung pagkalock mo ng pinto maganda ba? Baka nabuksan niya na 'yon ngayon?"
"Don't worry, Biy, hindi na makakalabas ang nerdy btchin na 'yon."
In my anger, I came out of my hiding place. So this is what they're talking about that I will know soon?
"Where did you both take Yeri?" I said and the same shock was now on their faces. But I care less anymore, all I really want right now is there answers on Yeri's location.
"So now you know, Trix." Nakangiting wika ni Biy na para bang magandang info ang narinig ko.
"Where's Yeri?" I blankly asked on the two.
"Ba't ka nagagalit?" Kelly said sarcastically while playing with my hair.
"I said, where did you take Yeri?" I couldn't help but scream in Kelly's face.
"Secret..."
"Kels? You won't tell her?" Biy hesitantly asked Kelly, she just smiled as she turned her eyes at her and later back at me.
"We locked her up."
"Where did you locked her."
"Oh now that's the secret," she smiled, evilly.
"Kels... you know this is wrong. She didn't do anything bad to you, but why did you do that to her?" My voice was almost begging while talking to Kelly.
"You can't understand us, Trix, so just shut up."
"No... they need to know," I said but I stopped when Biy held my hand.
"Trix please don't, we're your friends. You're our best friend, I'm sure we'll be expelled if you report us. Please Kels," Biy pleaded.
I know she's right, but this is all wrong.
In the end, it was already dark when we returned to the opposite room where we had split up earlier and we were all the same. Walang Yeri na nahanap.
"What, still not find her?"
"We already searched the whole library, the football field but we still didn't find her."
"Yeah, me too, I already toured the Music Hall, all the benches at the backs of the buildings but I haven't found her, too."
"I went to the room where the actual event of her position was, but still the same like others. We didn't see her either."
"Baka naman umuwi na?" Abbea's sudden words grabbed all of our attention.
"Are you deaf? They're not allowing a single student to get outside the campus! If you want, go with your ass alone!" Zach shouted angrily. His two best friends reprimanded him.
"I'm just telling my opin-"
"Lunukin mo 'yang opinyon mo!" Zach cut her off.
I really want to tell them that my two friends are to blame for this, I don't know if Abbea is included or not. But I can't do anything if I don't shut my mouth and just keep quiet. They are still my friends, they are still my best friends who never left me, but is it right for me to consider this things that they're doing?
"Okay, I'm gonna call the principal of this University so they can help with the search. Come on, let's go back on finding her," before Mr. Principal finished speaking, Zach immediately ran away.
He had been worried about Yeri for a while, he just became more aggressive. I know I'm not the only one who sees it because I'm sure others notices it too.