Chereads / Hidden Persona Zarie Series / Chapter 39 - Chapter 39

Chapter 39 - Chapter 39

LOCKED

Natapos ang buong araw ng hindi kami nagkakahiwalay ni Zach. Sa tingin ko ay kailangan kong i-treasure ang araw na ito. Mas lalo pa kasing bumait si Zach, hindi rin kami nag-away o ano man nitong araw kaya kahit nakakapanibago ay masaya pa rin ako. Habang tumatagal ay mas lalo lang siyang bumabait, hindi naman pala siya gano'n kasama tulad ng iniisip ko dati sa kaniya.

At ngayon ngang pangatlo at panghuling araw na namin rito sa Dise de Para University ay nagiging busy na ang lahat.

"Miss Del Rey, I only want to tell you to stay calm and do your best at that General Olympiad Quiz, okay?" Tumango ako at magalang siyang tiningnan.

"Ibibigay ko po ang best ko sa larong ito Mr. Principal," nakangiting sambit ko.

"Aasahan ko iyan hija at ng buong HHU." Huling sabi niya bago ako tuluyang sumama sa isang guro rito sa Dise de Para University na siyang magdadala sa 'kin sa panibagong silid kung sa'n gaganapin ang nasabing General Olympiad Quiz competition.

Umuwang ang labi ko nang tuluyan na akong makapasok sa napakalaking silid kung sa'n daw gaganapin ang laro. Mas doble ang laki ng silid na ito kumpara sa dalawang silid kung sa'n ginanap ang dalawang posisyon ko. Eleganteng-elegante ang ayos ng buong silid at talaga nga namang napakaganda.

Napalingon ako sa mga estudyanteng nakaupo na ngayon rito at masasabi ko ngang lahat sila ay mayayaman. Nakikita naman iyon sa nga hitsura, suot at koloreteng nakalagay sa mga mukha nila. Nagbaba na lamang ako ng tingin at dumiretso sa bakanteng silya, hindi ko makayanan ang mga tingin nila. Lahat ang sasama.

Umayos kaming lahat ng upo nang may pumasok na guro mula sa entrance door.

"Good morning students coming from different Universities," mainit na pagpapaunlak nito, pero napahiya lang nang walang may nagbalik ng bati sa kaniya. "I just wanna tell you that this GQO position is as important as any other positions here on this Olympiad. So please give your best and fight for the name of your Universities!"

Napangiti naman ako, ang bait naman nitong teacher na 'to. Ang layo-layo niya sa gurong unang nakasalamuha ko rito sa Dise de Para University.

Hindi nagtagal ay nagsimula na rin ang General Quiz Olympiad at lahat ay naging abala na sa pagsagot. Nagsimula na rin ako katulad ng iba. Walang ingay lang ang lahat at nagpupukos sa kani-kaniya naming mga ginagawa. Bawat bilang ay talagang nahihirapan ako, talagang pinag-isipan ng mabuti ang pagkakagawa nila sa mga tanong rito.

Bagaman kasama na rito ang iba sa mga nireview ko ay mahirap pa rin talaga. Oo nga at mayroong choices ang iba pero ang lapit-lapit naman sa bawat isa, dapat mo ring halukayin ang utak mo para lang masagutan ang ibang mga tanong na kung minsan ay wala ng choices. Talagang napakahirap.

Natapos na ang oras kaya kinulekta na rin sa amin ang aming mga sagot. Nakahinga na 'ko ng maluwag. Bago pa kasi matapos ang oras ay natapos ko ng masagutan ang lahat.

Habang naglalakad rito sa may pasilyo ay nahagip ng paningin ko si Chad na naglalakad rin mula sa 'di kalayuan. Ngumiti siya nang magtagpo ang aming mga mata, ginantihan ko naman ito ng ngiti.

"Tapos ka na?" Tanong ko sa kaniya nang magkalapit na kaming dalawa.

"Yeah, katatapos lang actually, how about you, kamusta?"

"Ayos naman, katatapos nga lang din namin, nagpapasalamat nga ako't naging maayos ang lahat." Sabi ko at nalilito naman niya 'kong tiningnan.

"Nagpapasalamat?"

"Oo?"

"Kanino naman?"

"Edi sa na sa taas! Kanino pa ba?" Sabi ko at ngumiti lang siya.

"Tsk! Let's go," nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at hinila ako palakad.

"Sandali, sa'n tayo pupunta?" Tanong ko habang sumusunod sa kaniya. Hindi ako makapalag, hawak niya ang kamay ko.

"Cafeteria, libre kita." Saad niyang nakangiti.

"Hindi ba pupwedeng hinntayin na lang natin ang iba para sabay-sabay na tayo? Huling araw na rin naman natin dito ngayon."

"Babalik pa tayo rito bukas."

"Eh?"

"Awarding for the winners, don't you know?"

Napatango-tango ako. Sabagay, hindi pa nga pala naipapahayag ang nanalo sa bawat posisyon at bukas na kaagad iyon.

"Let's go?"

"Sige tayo na?" Aya ko sa kaniya.

Habang naglalakad rito sa hallway ng hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko ay nahagip ko mula sa 'di kalayuan si Cai.

"'Yon si Cai, oh!" Itinuro ko si Cai at lumingon naman siya... ng blanko na ang mukha. Bakit nawala na ang ngiting nakita ko sa mga labi niya kanina? Nakita kami ni Cai kaya dagli itong lumapit sa 'min.

"Hey!" Nakangiting aniya sabay fistbump nila ni Chad. "Where's the others?"

"They aren't done yet, tayo pa lang yatang tatlo," Chad.

"Gusto mo sumabay ka sa 'min? Libre raw ni Chad." Sabi ko at nag 'O' lang ang bibig niya.

"So manlilibre raw si Daddy Chad," tukso niya kay Chad. "Gutom na rin ako, eh!" Aniya ng nakakamot pa sa kaniyang ulo.

"Kaya nga, gusto mo sumama sa 'min?"

"Of course sasama ako! Ang sarap kaya kumain kapag libre ni Daddy Chad!"

"Oh, shut up Cuesta!" Chad, tumawa lang si Cai pati ako ay nahahawa na.

Tatlo kaming naglakad papuntang cafeteria at matapos makaorder ay nagsimula ma ring kumain.

"Si Laira wala pa?" Tanong ni Cai habang na sa 'kin ang tingin.

"Hindi pa yata tapos eh." Sagot ko at ngumiti naman siya.

"It's okay, sasamahan ko na lang siyang kumain dito mamaya."

"Ang sweet mo naman, Cai." Saad ko.

"Tsk! Sweet lang talaga 'yan sa lahat ng babae." Sabat ni Chad at pikong tiningnan naman siya ni Cai.

"Oo nga eh, magbago ka na kasi para bigyan ka niya ng chance." Sambit ko kay Cai.

"I'm trying okay, bibigay din 'yon."

"Hindi 'yon bibigay, Cai, mauuna ka pa nga yata, eh."

"Tama si Chad, ayaw na ayaw talaga n'yon sa mga playboy na katulad mo."

"Tsk! Itong mukhang 'to, huh?" Pinarada kaagad niya ang mukha niya at umaktong gwapong-gwapo. "Ako ang hindi bibigay kaaakit sa kaniya."

"Let's see kung sino man ang bumigay sa inyong dalawa."

"Yeah, dude, I'll make sure she'll gonna be mine." May pagmamalaking aniya. "Nga pala is it true that you're Zach's personal maid?"

"Yeah, hindi ko rin alam 'yon," Chad.

"Ang totoo niyan... tama si Zach... personal. maid niya 'ko."

"Woah! What happened?! Zach didn't even tell us about this?" Sambit niya nang na kay Chad ang tingin. Nananatiling blanko lang naman ang mukha ni Chad. Nagpaalam muna si Cai na magbabanyo kaya nagpatuloy na lamang kaming dalawa ni Chad sa pagkain.

"Ikaw, Chad? May nagugustuhan ka na?" Pag-iiba ko ng usapan pagkaalis na si Cai.

Dahan-dahan siyang tumango at napangiti naman ako.

"Ang swerte naman ng babaeng 'yon." Saad ko at tipid lang siyang ngumiti.

"Yeah, she's must lucky that I like her."

"Huhulaan ko kung sino?!"

Nagkibit-balikat lang siya habang nakangiti.

"Si Esther!" Sagot ko at nag-aalala ko siyang tiningnan nang mapawi ang kaniyang ngiti. "Bakit?"

"No she's... not," nasapo ko ang bibig ko sa sinabi niya.

"Pasensiya na."

"It's okay, don't mind it. Let's just continue eating."

Wala na 'kong nagawa at kumain na lang din kasabay niya. Naoffened ko yata siya sa pag-aakalang si Esther ang nagugustuhan niya. Nakakalungkot man na hindi si Esther iyon ay wala na rin naman akong magagawa. Hindi naman pwedeng pilitin si Chad na magustuhan niya si Esther. Dapat na lang sigurong tanggapin ni Esther na iba ang gusto ni Chad.

Huwag sanang saktan ng babaeng 'yon ang nararamdaman ni Chad. Maraming tao ang nagkakagusto sa kaniya at isa na ro'n si Esther kaya wala siyang karapatan at marami talagang magagalit sa kaniya kapag sinaktan niya ang lalaking maswerteng pinili siya sa maraming kababaihang nagkakagusto sa kaniya.

Bumalik na si Cai at nang matapos kumain kalaunan ay nakasalubong na namin ang iba pero kataka-takang wala roon si Zach.

"Sa'n si Zach?" Tanong ko sa kanila.

"Ewan eh, hindi naman namin 'yon nakita. Tara lunch na tayo?" Esther.

"Tapos na ako maglunch, sige maiwan ko muna-"

"No, you're not leaving. Sasama ka sa 'min maglu-lunch tayo." Matigas na saad ni Laira.

"Pero tapos na 'ko-"

"Samahan mo na lang kami." Nagulat ako nang sabay iyong sabihin ni Laira at Esther. Ngunit sa magkaibang tono, parang nakikiusap ang kay Esther habang may pagbabanta naman ang kay Laira. Wala na 'kong nagawa dahil hinila na nila ako pabalik sa Cafeteria.

"Guy's hindi ko na pala kayo masasamahan. May kailangan pa pala akong gawin." Cai habang nakahawak sa cellphone niya.

"Oh, edi umalis ka! Hindi ka naman namin pinilit na sumama. Do'n ka na sa mga babae mo!" Si Laira napangiti naman si Cai at inakbayan ito.

"Uy, nagseselos ang baby ko..."

"Nagseselos? Tumigil ka nga!" Aniya at iwinaksi ang kamay ni Cai na nakaakbay sa kaniya pero hindi niya matanggal.

"Don't worry, hindi sa mga girls ang punta ko, kaya huwag ka nang magselos diyan."

"Sino namang nagsabing nagseselos ako, huh?"

"Tsk! Deny ka pa, gusto rin naman kita."

"Bitiw, umalis ka na nga!"

Bumitiw naman si Cai at kinindatan pa si Laira bago tuluyang umalis. Inirapan lang ito ni Laira at natawa naman kami ni Esther. Ang cute nilang tingnan.

Umalis na rin si Chad at nang maiwan kaming tatlo ay nagpatuloy na kami sa paglalakad papuntang cafeteria. Tapos naman na akong kumain kaya silang dalawa na lang ang omorder.

"Why didn't you tell me you're Zach's personal maid?" Laira.

"Yeah, is it true, Yeri?" Esther.

Iyan din ang naging tanong sa 'kin ni Cai at Chad kanina. Tumango ako.

"Personal maid niya 'ko, pasensiya na hindi ko nasabi."

"How did that happen?" Balik na tanong ni Esther.

"Baka naman isa lang 'to sa mga plano niya?!" Laira.

"Yeah, I've got that feeling, too. He's mad at you right from the start? So how can you be his personal maid?" Esther.

"Alam ko namang galit siya sa 'kin no'ng una, pero sa tingin ko ay nagbago-"

"No! I'm telling you, Yeri! Stay away from him. Who knows this is all part of his plan para mas lalo ka lang pahirapan," Laira.

"Sa mga nagdaang araw habang personal maid niya 'ko ay hindi naman ako masiyadong nahihirapan. Kaya hindi ko masasabing pinahihirapan niya 'ko." Sambit ko habang iniisip ang mga araw bilang personal maid niya ako.

"Kahit na, Yeri. Hindi mo kilala ang lalaking 'yon kaya huwag kang masiyadong magtitiwalang wala siyang gagawing masama," seryosong saad ni Esther.

"Esther's right. You need to take care of yourself not to get hurt by that guy."

"Pasensya na, hindi namin gustong maoffened ka or what. We're just giving you a warning, kaibigan ka namin kaya ayaw naming may mangyaring masama sa 'yo," Esther.

"We're not also judging your boss, we're just explaining what we think will happen in the future," Laira.

"Naiintindihan ko naman ang ipinupunto niyo. Pero sige, mag-iingat ako." Pilit akong ngumiti sa harapan nilang dalawa.

"Yeah, better. We know how virtuous you are but please, please, please... spare some kindness also for yourself, huwag mong masyadong ibigay ang tiwala mo sa kahit sinong tao."

"Yeah, this is the first time actually. Walang rason para gawing personal maid ang taong una pa lang ay kinaiinisan mo na."

Ayaw ko mang tanggapin pero hindi ko mapigilang hindi mapaisip. Ano nga bang rason kung bakit niya 'ko gustong maging personal maid? Alam kong wala pa siyang ginagawa ngayon pero pa'no sa mga susunod pang araw? Galit siya sa 'kin no'ng una, talagang himalang gusto niya 'kong maging personal maid kalaunan.

Pagkatapos maglunch ay humiwalay na rin ako sa kanila. Hahanapin ko pa ang amo ko at baka kung ano na namang mangyari ro'n kapag wala ang personal maid niya sa tabi niya. Sa may pasilyo ay nakasalubong 'ko ang dalawang kaibigan ni Trixie, naglalakad habang na sa 'kin ang tingin.

"Hey, nerdy btchin?" Nakataas ang kilay na sambit niya, ngumiti naman ako.

"Maari ko bang malaman kung nakita niyo si Zach?" Tanong ko at mas lalo lang nainis ang mukha nitong ex-girlfriend ni Cai.

"Tanungan ba kam-"

"Shut up ka nga, Biy!" Saway ng isang... kung hindi ako nagkakamali ay Kelly yata ang kaniyang pangalan. "Ah, yes, we seeing Zach kanina. Nando'n siya sa..." Nagpalingon-lingon pa muna siya bago nagpatuloy. "Pinakahuling room na 'yon sa may third floor. Do'n kasi ang mismong room ng position niya." Sagot niyang weirdong nakangiti pa.

"Salamat," tanging tugon ko at tinungo ang room na tinuro ni Kelly sa may thirsd floor. Mabait naman pala siya. Habang naglalakad ay napapalingon-lingon ako sa paligid. Mukhang abandonado na ang building na 'to. "Tama ba 'tong pinupuntahan ko?" Tanong ko sa sarili ko.

Nandito na ako sa may third floor at kapansin-pansin na ang kalumaan sa kabuoan nitong building. Pero rito naman yung tinuro ni Kelly, kaya nandito lang siguro 'yon. Nakarating na 'ko sa tinurong room rito sa may third floor ni Kelly. Na sa harap na rin ako ng mismong pinto.

Dahan-dahan ko iyong binuksan at do'n ko napagtantong mali ako ng pinuntahan. Hindi ito ang room, mga sira-sirang silya lang ang naririto at maraming alikabok at lawa sa nakapalibot sa may kisame. Hahakbang na sana ako pabalik nang may marinig akong kaliskis sa ilalim ng sirang mesa sa may pinakagilid nitong silid.

"May tao ba riyan?" Tanong ko pero wala namang sumasagot.

Iignorahin ko na lamang sana iyon nang sa pangalawang pagkakataon ay mayroon na namang kaliskis akong narinig. Humakbang na 'ko papasok para puntahan iyong tunog na nanggagaling sa sirang mesa sa gilid.

Sa totoo lang ay kinakabahan ako, walang katao-tao akong nakasalubong sa lumang building na ito. Halatang hindi na ito nadadalaw ng mga tao dahil talagang pinaglumaan na ng panahon, tapos ngayon ay may maririnig ako rito. Hindi naman siguro multo ang naririto?

Bagaman kinakabahan ay sinikap ko pa ring makalapit sa sirang mesa kung sa'n nanggagaling ang tunog.

Nang makalapit ay dahan-dahan akong tumungo para makita kung ano iyong kaliskis na naririnig ko. Kalaunan ay sumalubong sa mga mata ko ang isang pusang itim na siyang gumagawa ng tunog na iyon. Sa wakas ay nakahinga na rin ako ng maluwag.

"Ikaw lang pala, akala ko kung ano na." Wala sa sariling sambit ko habang nakahawak sa may dibdib ko.

"Meow..."

Napangiti ako nang marinig ang huni niya at nang buhatin siya ay saka ko lang napagtantong may sugat ang paa niya. May kaunting dugo iyon, sumisilaw sa itim niyang balahibo.

"May sugat ka?" Sambit ko na naman na animong sasagutin niya 'ko. "Huwag ka nang mag-alala, gagamutin natin 'yang sugat mo mamaya." Saad ko at tinungo ang pinto. "Ilalabas muna kita rito saka natin gagamutin-"

Hindi na natuloy pa ang sasabihin ko nang hindi ko na mabuksan pa ang pinto. Hindi ko naman ito nilock kanina pero bakit ayaw na ngayong magpabukas?

Maingat ko munang inilapag ang pusa sa malapit na sirang silya at saka ko iyon binuksan pero ayaw talaga. Nilock talaga siya sa labas. Pero hindi naman pwede 'yon, walang kahit isang tao akong nadaanan kaninang paparating ako rito kaya imposibleng may naglock sa labas.

Biy's POV

"Kels why did you pointed that abandoned building? Obvious namang wala ro'n ang fafa Zach mo?" I asked Kelly after that disgusting nerdy girl left.

"Kasalanan ko bang bobo siya?" She said, forming an evil smile on her face. Ang galing talaga nitong Kelly namin. May third floor pa talaga tinuro ah!

I a looked at that abandoned building and gosh! Even if it's worth a hundred dollars I won't go in there. This building's appearance is so old, so old that this has become scary. But if Cai is there, well... I might go, I don't know! At least he wasn't, so I don't need to go there!

"You do have a point, that woman is really stupid. Ba't pa kasi sinama 'yan dito? That building looks so scary."

"But we have to... to... following her-"

"What? No, I already said it's scary, I'm not going to follow-" I couldn't finish what I was going to say when she pulled my hand to follow that nerdy girl "Kels! You know this place is damn scary!" If we weren't behind her right now, I probably would have yelled at Kelly, fck!

"Shout up ka nga, Biy! Baka marinig tayo!" She whispered.

"Eh, sa nakakatakot rito, Kels!" I almost hugged her as we followed that nerdy girl. It's almost dark in here! Ang dumi pa rito! Maraming alikabok gosh!

"Don't worrying, hindi naman tayo magtatagal dito!" Nakita ko siyang malademonyong ngumiti. "Makakaganti na rin ako sa nerdy btchin na 'yan," she said while carefully following that nerd.

We waited for her for a few minutes, we even thought she wouldn't come in! But I smiled when she finally entered. My hair was standing on end with nervousness and fear, especially when we heard scales from inside the room where that nerdy girl was.

It's really scary here but it's just me because I can't see it on Kelly. We briefly locked the door when she got in but of course it was so careful so we couldn't make a sound.

"That's it!" I whispered to Kelly who carefully locked the door. "Let's go!"

We quickly walked out of this abandoned building and when we got out I was able to breathe better. That building was really scary, except that dirt was dominating on the whole place! I can't stay in that area even only on one day. But with Cai... sige na nga!

"Pa'no kung hanapin 'yan Kels? Well I'm sure hahanapin talaga ang babaeng 'yan?" Napaikot ako ng mata sa kawalan. "Feeling special!" Saad ko pa.

"Hahanapin nga... kung mahahanap naman," she lastly said with a devilish smile plastered on her face.