COMMAND
Maayos na ang lagay niya bago ako pumasok sa kwarto ko at nahiga. Malinis na siya at nilagyan ko na rin ng unan ang likod ng ulo niya para naman hindi mangalay ang leeg niya. May kumot na rin siya at naglagay na rin ako ng arinola sa gilid niya para kapag gusto niyang sumuka ay hindi na siya magkalat pa.
Habang nakahiga ay hindi pa rin ako makaramdam ng antok. Hindi ko yata magagawang makatulog sa ganitong lagay. Okupado ang isip ko ng lahat ng mga sinabi niya, ultimong isang salita ay hindi ko makalimutan.
"I'm mad because I'm jealous, do you get it nerdo? I'm jealous and I don't want to see you with any other guy even Chad nor Cai, isn't that clear huh?"
Paulit-ulit lang ang mga katagang 'yon sa utak ko. Dinig na dinig ko pa sa imahinasyon ko ang tono at boses niya habang sinasabi iyon sa 'kin.
"Selos? Nagseselos daw siya?" Para na talaga akong ewang tinatanong pati ang kisame sa sobrang kabaliwan. "Iyon daw ang dahilan kaya galit siya?" Wala sa sariling tanong ko pa.
Kung nagseselos siya ay ibig sabihin may gusto siya sa akin?
Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko sa naisip ko. Napahawak ako sa dibdib ko kung sa'n naroroon ang puso ko. Ramdam na ramdam at dinig na dinig ko ang malalakas na tibok nito. Anong ibig sabihin nito? Bakit ganito na lang ang kaba nitong puso ko? Sa mga sinabi niya ay may parte sa 'king umaasang totoo ang lahat ng narinig ko sa kaniya sa hindi ko alam na kadahilanan.
"Lasing lang siya, Yeri." Sambit ko sa sarili ko.
Tama! Lasing lang talaga siya kaya niya nasabi ang mga katagang iyon. Hindi naman niya siguro sasabihin 'yon kung na sa tamang pag-iisip siya. Yung hindi siya galing sa inuman at ganitong lasing. Isa kaya 'yon sa mga taong ayaw na ayaw sa mukha ko kaya pa'no niyang gugustuhan ang may ari nito.
Sigurado akong walang katotohanan iyon at epekto lamang iyon ng kaniyang kalasingan. Sigurado akong makakalimutan niya rin iyon pagkagising niya bukas kaya dapat ko na rin iyong kalimutan at baliwalain na lang.
Pero kahit ano talagang pigil ko ay hindi ko magawang isantabi na lamang. Paulit-ulit kong naririnig ang boses niyang nagseselos daw siya sa aking isipan kahit alam ko namang wala iyong katotohanan.
Iyon lang ang na sa isipan ko hanggang sa makatulog ako at ngayong kagigising ko lang ay ang boses at sinabi niya na kaagad ang narinig ko. Bakit ba hindi ko makalimutan 'yon?
Bumangon na 'ko at nagtungo kaagad sa kusina matapos kong ayusin ang kamang tinulugan ko. Pangalawang araw para sa NIO competition, gabayan sana ako ng maykapal sa pagkakataong 'to na maging magaan at maayos ang lahat.
Naging busy ako sa pagluluto at paghahanda para sa dadalhin namin ng amo ko pabalik ulit sa Dise de Para University kaya medyo nawala muna sa isipan ko ang sinabi ni Zach na malaki talaga ang naging epekto sa sarili ko.
Matapos makapagluto at nagpasiya na 'kong lapitan siya sa sopa para gisingin. Hindi pa man nakakalapit sa kaniya ay nararamdaman ko na naman ang dahan-dahang pagbalik ng mabilis na tibok ng aking puso. Wala naman sigurong sakit itong puso ko?
"Zach?" Dahan-dahan ko siyang niyugyog ngunit mahimbing pa rin ang kaniyang pagkakatulog. "Zach? Gumising ka na at maaga ang alis nating Dise de Para University."
"Mm... my head aches," wala sa sariling aniya.
"Hindi mo kailangang mag-alala, normal lang 'yan dahil lasing ka kagabi." Tumayo ako. "Bumangon ka na riyan at ikukuha kita ng gamot para riyan sa sakit ng ulo mo." Sambit ko at iniwan siya para ikuha ng gamot.
Kasalukuyan na siyang nakaupo sa silya sa may mesa at hawak-hawak pa rin ang ulo. Tapos na siyang uminom ng gamot pero wala yatang epekto. Pumasok na si yaya Niña ng kusana saktong kahahain ko pa lang ng agahan. Sa ngayon ay tatlo kaming nakaupo sa silya kaharap ng pagkain.
"Oh, masakit ba ang ulo mo, hijo?" Basag ni yaya Niña sa katahimikan nang mapansin ang panghihina ni Zach, panay pa ang hawak sa ulo nito at halata talagang nananakit.
Sinulyapan ko si Zach at ng makuhang wala siyang planong sumagot ay ako na ang sumagot para sa kaniya. Tumikhim pa muna ako bago magsalita.
"Huwag na po kayong mag-alala yaya Niña, nakainom naman na po siya ng gamot at mawawala na rin 'yan mamaya. Epekto lang po talaga iyon ng alak." Sagot ko.
"Hay, mabuti naman at uminom iyang amo mo ng gamot."
"Huh?" Anong ibig niyang sabihin?
"Ang sabi ko at mabuti naman at uminom iyang amo mo ng gamot. Para lang malaman mo, hija, hindi 'yan umiinom ng gamot. Maging si mam Clea nga ay nahihirapan siyang painumin sa t'wing nagkakasakit-"
"You're talking too much, yaya," malamig na putol ni Zach at napangiti naman si yaya Niña.
"Hay! Mga bata talaga ngayon, sige na at madami pa akong gagawin."
"Tapos na po kayo agad kumain?" Tanong ko, halos kasisimula pa lang namin tapos siya ay aalis kaagad.
Ngumiti naman siya. "Diet kasi ako, hija." Bulong niya at wala sa sarili akong napatitig sa kaniya. "Secret lang dapat, hehe."
Napakurap-kurap ako habang hinahabol siya ng tingin palabas ng kusina. Sakto lang naman ang katawan niya, ah. Hindi naman niya kailangang magdiet, hindi naman sa masama iyon, pero pwede namang healthy lifestyle ang gawin niya at hindi ang magdiet. Pero siya pa rin ang makapagdedesisyon, katawan niya naman 'yon, eh at wala akong magagawa tungkol do'n.
Nabalik lang ako sa huwisyo sa tikhim ni Zach at ng lumaon nga ay nakaramdam ng pagkailang ng maalala ang mga sinabi niya kanina lang mismo. Kahit anong ulit ko pa kasing isiksik sa utak kong hindi totoo ang lahat ng iyon at dala lang talaga ng kalasingan ay wala akong magawa kun'di isipin lang ng isipin, hindi ko man alam kung paniniwalaan ba iyon o hindi.
"Galit ka pa rin ba?" Pambabasag ko ng katahimikan.
"Only if you tell me you'll avoid Chad nor Cai or any other male species that you'll encounter." Literal na napatulala ako sa sinabi niya.
"Huh?" Mas lalo lang niya 'kong tinitigan sa mata.
"Don't tell me you forgot what I've said earlier, nerdo?"
"Ah... eh... wala ka namang sinabi uh... natulog ka kaagad pagkarating at pagkarating mo?" Nauutal na pagsisinungaling ko. Baka naman maisip niyang panaginip lang lahat ng mga sinabi niya kaninang madaling araw at wala talaga siyang sinabi... kahit meron naman talaga.
Kinilabutan ako ng may ngising gumuhit sa kaniyang mukha. Nag-uunahan na naman sa pagtibok itong puso ko at hindi ko talaga gusto 'to!
"Yes, I'm drunk when I've got here, but that doesn't mean I forgot what I've said earlier," mas lalo lang niyang inilapit ang mukha niya sa 'kin at sa puntong 'to ay nagyelo na yata ang buong katawan ko. Naninigas at hindi talaga ako makagalaw, jusko! "Did you forgot what I've said... especially your 'yes'?"
Diyos ko, anong sasabihin ko?!
"Aren't we clear about it?"
"Eh, pa'no namang hindi ako o-oo, binantaan mo kaya akong hahalikan mo ako kapag hindi ako sumagot!" Dipensa ko at ngumisi lang siya.
"Tss! Whatever, sundin mo na lang ang gusto ko," sabi niya pa.
"Gusto mo?"
"Yes, alangan naman yung gusto mo 'di ba?" Ang pangit niya talagang kausap.
Ngumiti ako. "Sige, ano bang gusto mo?" Amo ko naman siya kaya natural lang na sumunod ako sa gusto niya.
"Like what I told you, don't ever go near every guy you are friends for even not, just don't go near them. Simple right?" Nakangisi niyang tanong.
"Simple? Pa'nong naging simple ang hindi lumapit sa kahit sinong lalaki, kaibigan ko man o hindi? Alam kong babae ako, kailangan kong sabihin sa 'yo na tao rin ako kaya hindi na maiiwasan 'yon?"
"Whatever you say, just follow my command so we wouldn't have a problem." Maigsi niyang tugon.
"Kapag sinunod ba kita hindi kana galit?" Tanong ko na ikinangisi niya.
"Yeah, I won't get mad ever again, only if you disobeyed me. Gagawin mo ba?" Tanong niya. Nag-isip muna ako bago sumagot. Hindi ako sigurado at wala na 'kong kawala kapag um-oo kaagad ako.
"Eh, pa'no naman kapag sila ang lumapit sa 'kin?"
"Tss! That's not my problem anymore."
Kapag hindi ako um-oo, ibig bang sabihin no'n araw-araw siyang galit sa 'kin? Gano'n na nga siguro 'yon. Pero kapag um-oo naman ako ay hindi na 'ko pwedeng makalapit kina Chad at Cai pati sa iba pa? Sa ngayon siguro ay mas makabubuting isipin ko na muna ang trabaho ko para kay nay. Si Zach ang amo ko kaya mas mabuti sigurong siya muna ngayon ang sundin ko.
"Oh, sige, payag ako. Pero hindi ko maipapangakong hindi ko lalabagin iyon dahil tao rin naman ako. Hindi lahat ng oras ay maiiwasan ko 'yon."
Sa sinabi ko ay ngumisi na naman siya. "Tss! Fine, pwede ka namang makalapit sa ibang lalaki kung kasama mo lang ako. But if I'm not around, you'll know what's gonna happen next." Huling sabi niya pagkatapos tumayo at naglakad palabas ng kusina. Naiwan naman akong nakatulala habang hinahabol siya ng tingin.
Kailan kaya masasagot ang katanungan kong bakit ang hirap niyang maintindihan. Lumipas ang mahabang sandali at kararating nga lang namin ngayon sa Dise de Para University. Ito na ang pangalawang araw namin rito at sana naman walang mangyaring hindi maganda.
Kami na lamang magkasama ni Zach rito dahil naging busy na kaagad ang iba para sa kani-kanilang posisyon. Na sa harap namin ang Professor yata ni Zach na siya raw magiging coach namin. Kung hindi siguro galit sa 'kin ngayon si Prof ko, narito sana siya ngayon.
"Okay, this is our second day here at DdPU, so probably the both of you are now in hands of SignificanScience Olympiad. Are you guys ready?" Tumaas ang isang kilay niya ng mapunta sa 'kin ang mga mata. "Specially you Miss Del Reeyyy?"
Sa biglang kaba ay tumango-tango ako. Naramdaman ko na lang ang paghawak ni Zach sa kamay ko.
"Of course, she's ready." May kaunting ngiti sa mga labing sambit ni Zach.
"Okay! Now is the time, both of you get inside to the SignificanScience room now. Do your best, huh? Ipanalo niyo ang HHU!" Habilin niya pa.
"Tss!" Paswit lang ni Zach ng may ngiti pa rin sa mga labi. Good mood na good siya, ah.
Pumasok kami sa nasabing silid kung sa'n gaganapin ang SignificanScience Olympiad ng hindi alintana ang magkahawak naming mga kamay.
"Wow! Ang gwapo naman ng guy."
"Yeah, really really really handsome and hot!"
"Gosh, laglag na panty ko sa kaniya girl!"
"But look, oh! Kaholding hands niya nerdy girl na 'yan."
"Don't tell me girlfriend niya 'yang nerdy girl?"
"Of course not! Sino ba naman ang papatol diyan?!"
"Dinudumihan niya hands ng fafa, oh?!"
Sa mga bulong-bulongang naririnig ko ay do'n ko lang napagtanto ang magkahawak naming kamay. Bibitiw na sana ako ng hindi niya iyon pinakawalan. Ikinulong niya ang kamay ko sa kamay niya! Nilingon ko siya pero tinaasan niya lang ako ng isang kilay kaya wala na 'kong nagawa.
Medyo maaga pa kaya maraming representatives pa ang hindi dumarating. Ngunit ilang minuto na lamang ay magsisimula na rin kaya habang hinihintay ang pagsisimula ay hinawakan ko muna ang isang dalawang kamay ng kaharap kong si Zach.
By partners ang game at ang sitting arrangement ay magkaharap ang bawat partners. Nakapagitan do'n ang medyo may kahabaang desk.
Gulat niya 'kong tiningnan ng hawakan ko ang kamay niya. "What are you doing?"
"Wala pa naman, kaya magpray muna tayo." Sambit ko ng wala pa ring pagbabago sa kaniyang mukha.
"What?!" Bingi ba siya?
"Manalangin muna tayo." Ulit ko sabay pikit ng mga mata.
Hindi pa man ako nakapagsisimula ay nagmulat na naman ako ng mata. Hindi nga ako nagkamali, hindi pa rin siya nakapikit sa halip ay diretsong nakatitig lang sa 'kin.
"Pikit ka." Bulong ko at awkward na pumikit naman siya. Natawa ako, ang cute niyang tingnan. Dahan-dahan ko ng ipinikit ang aking mga mata at nagsimula na ring manalangin.
Gabayan niyo po sana kami sa kompetisyong ito. Hindi lang kami ni Zach kun'di lahat ng representatives sa larong ito. Bigyan niyo po sana ang bawat isa sa 'min ng lakas ng loob na siyang mag-uudyok sa 'min na ibigay ang lahat ng aming makakaya. Wala po sanang maging problema na siyang magdadala sa hindi pagkakaunawaan sa halip ay maunawaan at mapahalagahan ang pagsisikap ng bawat isa. Maraming salamat po sa magandang simula ng magandang araw na ito.
Nagsign of the cross ako pagkatapos kong manalangin at nang magmulat nga ng mata ay saka ko lang napagtanto ang mga matang nakatitig sa 'kin ni Zach. Nag-iwas kaagad siya ng tingin matapos kong mahuling nakatingin sa 'kin.
Hindi nagtagal ay nagsimula na rin ang laro. May inilatag na napakakapal na siyang sasagutan yata namin sa ibabaw ng desk na nakapagitan sa 'min ni Zach. Ayon sa gurong na sa harap ay kaming dalawa ni Zach ang magsasagot ng lahat ng katanungang nakapaloob sa aming sasagutan.
Ito na ang main game sa SignificanScience Olympiad, ito na rin ang first game kaya wala ng kasunod pang second game mamayang hapon. Eksaktong limang oras lang din ang nakapaloob na oras para masagutan ang lahat ng katanungang nakapaloob na siya naming sasagutan.
Nagsimula na ang laro at hindi nga maitatangging mahirap, pero habang tumatakbo ang oras ay nagiging magaan ang lahat. Magkasama kami ni Zach sa pagsagot pero hindi ko na naman mapigilan ang sarili kong hindi napatitig sa kaniya. Habang nagsusulat ay talagang hindi pa rin maitatanggi ang mas lalo lamang gumaganda niyang mukha.
"Just continue staring at me and we'll done at a couple of minutes." Nakangiting sambit niya at nag-init naman ang pisngi ko. Sa halip na patulan ang sinabi niya ay nagpatuloy na lamang ako sa pagsagot.
Kailangan kong magpokus sa pagsagot. Tama na ang isang araw, ayokong ipahiya ko na naman si Prof at ang buo naming University. Tumalim ang tingin ko sa papel na sinasagutan ko at humigpit ang pagkakahawak ko sa ballpen ko. Kailangan kong gawin ang makakaya ko para maipanalo ang laban na 'to. Sana naman maging sapat itong lakas at katalinuhan ko.
Dumaan ang ilang oras at kami ni Zach ang pinakaunang nakatapos sa pagsusulit. Natapos namin iyon sa loob lang ng tatlong oras at dalawang oras pa ang natira. Nakita ko kung pa'nong dumaan ang gulat sa mukha ng marami rito sa buong silid, maging ang gurong nagbabantay sa harapan ay nagulat rin sa maaga naming matapos.
"Unbelievable..." ani ng gurong na sa harap.
Maaga kaming pinalabas sa silid na iyon matapos naming magsagot. Habang naglalakad ay naramdaman ko na lamang ang paghila ni Zach sa kamay ko at naglakad papunta sa kung saan.
"Let's go to the cafeteria, libre ko na."
Kunot-noo ko siyang tiningnan, "ba't mo naman ako gustong ilibre?"
"Tss! Bakit, may pera ka?"
Mukha siyang galit pero hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. Magkagano'n man ay hindi pa rin ako nakaligtas sa tinginan ng ibang mga taong nakakasalubong at nadadaanan namin. Talagang kahit saan ay hindi talaga mawawala ang ganitong uri ng mga tao lalo na sa kababaihan.
Naupo kami sa isang bakanteng table at nang makaorder ay nagsimula na ring kumain. Dito na kami nagpalipas ng ilang sandali at pagkatapos ay naglibot-libot.
Hawak niya pa rin ang kamay ko habang naglalakad kung saan-saan rito sa Dise de Para University. Ayoko sana sa totoo lang, ang dami kasing nagtitinginan at talaga nga namang nakakailang pero hindi naman ako ang amo, kaya hindi ang gusto ko ang masusunod.
"Hanapin na lang kaya natin ang library dito? Hindi ko pa kasi nakikita ang library sa University na ito, eh. Tara?" Aya ko sa kaniya habang naglalakad kami rito sa may gilid ng napakalawak nilang football field.
"Tss! Mas maganda pa library sa HHU kaysa dito. Ang chi-cheap!"
"Hindi naman siguro, sige na kahit ilang minuto lang, Zach?"
"Tss!" Aniya pero um-oo na rin kalaunan.
"Yey!" Favorite place ko yung library sa buong parts ng University at kung maaari ay gusto kong mapuntahan ang kahit saang library ng lahat ng universities.
Lalo na kapag katulad nitong hindi ko pa nakikita ang pupuntahan naming library, bagong-bago sa aking mga mata at mga bagong uri ng libro. Pagkapasok at pagkapasok pa lang namin ng library ay nalaglag na ang panga ko sa sobrang pagkamangha.
"Wow..." pabulong na tanging sambit ko habang manghang-manghang ipinalilibot ang paningin sa kabuoan nitong library.
"Now you're satisfied," rinig kong boses ni Zach sa likod ko. Nilingon ko siya at 'yon ang mga mata niyang hinahagod ng tingin ang mga librong na sa mga shelves.
Ngumiti ako sa kaniya ng tapunan niya 'ko ng tingin saka nagpasalamat. Ang saya naman dito, pwede na nga yata akong mabuhay ng hindi lumalabas dito, eh.
Nang mag-angat ako ng tingin para maghanap-hanap ng bago at magandang libro ay napangko iyon sa nahagip kong librong ginto ang kulay na siya talagang nakaagaw ng atensiyon ko. Sigurado akong magandang libro iyon!
Nasasabik kong iniangat ang braso ko para kuhanin iyon pero hindi ko makuha. Ang taas naman ng librong 'yon. Halos mabali na ngang paa ko kapipilit na maabot iyon pero hindi ko talaga siya makuha.
Nang mapagod ay sumuko na rin. Hay, gusto ko pa naman sanang mabasa 'yon, pero baka hindi talaga para sa 'kin kaya hindi ko maabot. Hayaan na nga! Maghahanap na lang ako ng iba, ang dami pa naman dito.
Nilibot ko na lamang ang aking paningin at kumuha ng isang libro saka naupo sa isang bakanteng mesa. Hindi ko na alam kung sa'n na si Zach, basta't kanina ay hindi ko na naman iyon naramdaman sa likod ko.
Bagaman na sa harapan ko na ang librong kinuha ko ay na sa isip ko pa rin ang gustong-gusto ko kaninang makuha dahil gustong-gusto ko talaga siyang mabasa, bakit ba kasi pagkataas-taas ang pinaglagyan niyon?
Sa huli ay napabuntong hininga na lamang ako at handa na sanang tanggaping hindi ko na mababasa ang librong iyon nang makita ko bigla ang imahe niyon sa harap ko.
Napaangat ako ng tingin at napagtantong si Zach ang nagtapon niyon sa harap ko. Gumuhit ang napakalapad na ngiti sa aking mga labi habang nakatutok ang mga mata sa librong kanina ko pang gustong mabasa.
"Salamat," sambit ko at mabilis na kinuha ang libro.