ADDED
Hindi pa man ako nakakabawi sa pagkabigla ko ay nagsalita na ito.
"Make sure you're done dealing all that books only 'til tomorrow," aniya ngunit nananatili pa rin ang mga mata ko sa maraming makakapal na libro.
Sa huli ay pinilit ko na lamang ang sarili kong bukal na tanggapin sa puso ko ang mga librong nasa harapan ko. Ako naman ang pumili nito kaya wala akong karapatang magreklamo. Nagsimula na rin kaming magbuklat ng libro. Sinimulan ko sa Sociology habang siya naman ay nakatuon din sa binabasang libro ang tingin.
Gano'n lang ang nangyari hanggang sa lumipas ang nakakapagod na sandali at apat na makakapal na libro na ang natatapos ko. Napasulyap ako sa kaniyang nananatili pa rin ang mga mata sa librong hawak.
"Apat na natapos ko, pwede na ba akong matulog?" Inaantok na sabi ko. Ang kakapal ng mga libro, hindi na kaya ng utak ko. Inaantok na rin ako.
"You have ten books overall, just finish that Anthropology and you can sleep after. Leave the remaining five books for tomorrow afternoon." Sambit niya habang nakatungo na 'ko sa sobrang antok.
"Inaantok na 'ko," pag-amin ko. "Isasabay ko na lamang itong Anthropology bukas-"
"No, finish that right now."
"Pero-"
"No buts, malapit na ang NIO and we have a lot of things and books to deal with so just finished that last book for tonight."
"Umaga na po, kamahalan," 12:33 na kaya!
"Whatever, just finish that task. I'm commanding you as your mentor and as your boss here."
"Tss!"
"What did I heard? Did you just hissed at me?" Bahagya pa niyang inilapit ang kaniyang mukha sa 'kin, hindi makapaniwala pero sobra na ang antok ko para kabahan pa sa kaniya.
"Hindi naman ako pumaswit, uh!" Agarang tanggi ko. "Bakit? May narinig ka?" Patay-malisya kong tanong.
"Tss, whatever!" Nag-iwas siya ng tingin at bumalik na lamang sa pagbabasa.
Wala naman akong ibang nagawa kun'di ang mapanguso na lamang pagkatapos ay bumalik na sa pagbabasa ng librong nasa harap. Lumipas ang mahabang sandali at namalayan ko na lamang ang sarili kong nasa maliit kong kwarto.
Medyo maliwanag na rin kaya pagkatapos kong maisuot ang salamin ko ay mabilis akong bumangon at ng makapaghanda na rin ng agahan ng boss ko. Matapos kong maihain ang agahang luto ko sa mesa ay saka ko naman siya nakitang pumasok rito sa may kusina.
Halatang katatapos lang niyang mag-jogging, pawisan ito pero nang lagpasan ako at dumiretso siya sa may ref ay naamoy ko pa rin ang mabangong amoy niya. Napapatanong tuloy ako kung imported ba ang pawis niya.
"Good morning," pormal na bati niya habang naglalagay ng tubig sa kaniyang baso.
"Magandang umaga rin sa 'yo," may ngiti sa mga labing balik ko naman sa kaniya. "Nakapaghanda na 'ko ng agahan, kumain kana." Sambit ko at pagkatapos uminom ng tubig at magpunas ng kaniyang pawis ay naupo siya sa silyang pinakamalapit sa kaniya.
"Geez! What the fck are this foods?" Nagulat ako sa naging reaksiyon niya. Bakas do'n ang gulat, binalingan ko ng tingin ang pagkain pero wala namang nakakagulat.
Pwede naman siyang hindi na magmura at nagtatanong lang naman siya. Kung titingnan ay mukhang ngayon lang yata siya nakakita ng ganitong pagkain kaya siguro ganito na lang ang reaksiyon ng kaniyang mukha.
Napangiti na lamang ako dahil umagang-umaga pa ngayon para masira ang magandang gising ko. Kahit na talagang pinagsikapan kong maging masarap ang luto ko at mumurahin lang nitong amo ko. Itinuro ko isa-isa ang mga luto ko sa bawat plato at pinangalanan iyon sa kaniya.
"Tapsilog, Tosilog, Cornsilog."
Matapos kong magsalita ay binalingan lang niya 'ko ng masamang tingin. Kinabahan tuloy ako, kung makatingin siya parang nilagyan ko ng lason ang pagkaing inihahain ko sa kaniya.
"Didn't you read about the menus for the foods that you are going to cook for me from breakfast to dinner? Don't tell me you didn't, it's in the contract?"
"Pasensiya na, hindi ko naman kasi alam ang mga nakalagay do'n. Hindi ko rin maintindihan ang marami ro'n, may breakfast burrito, belgian style waffles, toasted english muffin, e hindi ko naman alam lahat ng 'yon, pictures lang ang nakalagay do'n pero wala namang nakalagay pa'no lutuin kaya 'yan na lamang ang niluto ko," paliwanag ko.
Ayaw ko namang magpadalos-dalos lang dito sa mansion niya at baka sa halip na makaluto at makasunog pa 'ko rito.
"You don't know the procedure? You can search it online for fcks sake!"
"Hindi ba alam mo naman na wala 'kong selpon?"
"Tss!"
"Huwag kanang maghanap ng wala rito sa hapag," sambit ko at nagsandok ng tapsilog sa plato ko. "Masarap rin naman 'to, hindi ko masasabing mas masarap sa mga nakasulat do'n sa may menus dahil hindi pa naman ako nakatikim ng mga 'yon. Pero sigurado naman akong masarap 'tong agahan na luto ko."
Nagsimula na 'kong kumain habang siya ay nakikita ko sa gilid ng mata kong na sa 'kin ang tingin.
"Mm, ang sarap!" Sambit ko ng nakapikit pa ang mga mata pagkatapos sumubo.
Humawak naman siya sa kutsara niya, wala naman akong nakikitang pandidiri sa mukha niya habang nakatingin sa pagkain pero makikita kaagad talaga sa kaniyang hindi sanay sa pagkaing ganito. Kanina habang nakatingin do'n sa mga pictures ng menus namamangha ako.
Ang sosyal-sosyal ng hitsura ng mga pagkain do'n tapos itong tapsilog ngayon ang nasa harap ni Zach. Medyo nakakahiya talaga siya, pero 'yon lang talaga ang alam ko at masarap din naman 'yon kaya hindi siya masiyadong magsisisi.
Pagkaraan ng ilang sandali ay nagsimula na nga rin siyang magsandok ng tosilog at pagkatapos ay nagsimula na ring sumubo. Napatulala pa 'ko sa kaniya habang sumusubo at kinakabahan na rin kung pasok ba iyon sa panlasa niya kahit alam ko naman na talagang pasok 'yun sa sobrang sarap at sa galing kong magluto.
"Ano? Masarap ba?" Atat na tanong ko matapos niyang sumubo.
Hindi niya 'ko pinansin, ni balingan ng tingin ay hindi niya ginawa sa halip ay sumandok pa ng maraming tosilog sa kaniyang plato at mabilis iyong sunod-sunod na isinubo. Nagulat man ay napangiti ako. Pasok sa kaniya ang luto ko! Sa halip na pagmasdan ito ay nagpatuloy na lang din ako sa pagkain.
"Pasensiya nga pala, hindi ko natapos yung Anthropology kagabi. Pero huwag kang mag-alala tatapusin ko 'yon mamayang hapon."
Sambit ko pero gano'n pa rin, parang wala lang siyang naririnig at patuloy lang sa pagkain.
"Siya nga pala, ang alam ko... nakatulog ako sa sala kagabi. Na sa kwarto naman na 'ko kinaumagahan, ginising mo ba 'ko kagabi? Wala na kasi akong matandaan kagabi sa sobrang kaantukan."
"Of course I wake you up, no wonder you didn't remember 'cause you're like drunk while I'm leading you to your room. Alangan naman buhatin kita, yuck!"
Hindi na lamang ako nagsalita pa. Ang sakit niya talagang magsalita. Nakasakay na ako sa passenger seat ng kotse niya habang siya naman ang nagdr-drive. Papunta na kami ngayon sa HHU para pumasok. Sasabay na raw ako palagi sa kaniya, wala na rin akong iba pang nagawa dahil makakatipid din naman ako sa pamasahe at do'n din naman siya pupunta.
Nakakahiya sa totoo lang, hindi lang sa kaniya kun'di pati na rin sa mga estudyanteng makakakita sa 'min. Alam ko namang ayaw sa 'kin ni Zach at ayaw niya... siguro takot siyang mapahiya kaya nagpapasalamat akong pumayag siyang makipagkasundo na sa medyo malayo-layo pa sa HHU ihinto ang kotse niya para walang makakita na sa kotse niya 'ko sumasakay.
Ayaw pa niya no'ng una, hindi ko alam kung bakit pero mabuti na lang talaga at napilit ko siya. Ilang sandali pa ang lumipas nang makita ko na ang banda kung saan niya palaging inihihinto ang kotse para ro'n na 'ko makababa pero bahagya akong nagulat ng hindi man lang niya iyon inihinto at dumiretso lang. Malapit na sa may parking lot ng HHU.
"Zach, lumagpas na tayo."
"Tss, why do you wanna stop there when I can take you exactly at the school?"
"Pero..." hindi ako nakapagsalita, hindi ko alam kung anong isusunod o kahit idudugtong ko ro'n.
"Why? Nahihiya ka? What are those fcking thing that you're ashamed of?"
"Ikaw lang naman ang iniisip ko, e!"
"You're scared people might caught you up... with me?"
"Oo," pareho na rin 'yon, ang makita nila ang fafa Zach daw kuno nila na kasama ang isang katulad ko.
"Why is that? Am I that shameful?" Napakurap-kurap ako, hindi ko na naman siya maintindihan.
"Ano bang sinasabi mo?"
"Just answer my fckng question! Why are you so scared to see by everyone being with me? Am I really that disgusting, huh?"
"Hindi naman ikaw yung ikinahihiya ko, e! Hindi mo ba maintindihang sarili ko yung kinakahiya 'kong kasama ka?" Nakita ko ang dumaang gulat sa mukha niya pagkatapos kong magsalita. "Alam ko namang ayaw mo ring makita ng mga tao sa HHU na sumasakay at sumasabay ako sa 'yo, tinutulungan na nga kitang maiwasan 'yon tapos nagagalit ka pa."
"Did I tell you to do that? What did I say to think you that way?"
"Wala, pero alam ko naman na 'yon at naiintindihan-"
"I'll never think or even feel ashamed being with you, for fck's sake I don't care on what's on their mind's thinking! Do you really think that way?" Tanong niya ng balingan ako ng tingin, napatungo naman ako.
"Oo at naiintindihan ko naman 'yon-"
"There's nothing that you have to understand. If you think I'm ashamed walking or even being with you around, then I'm telling you that I'm not."
Huminto ang kotse sa may parking lot ng HHU kung saan marami na rin ang mga taong naglalakad. Mabilis niyang binuksan ang pinto ng kotse niya saka siya lumabas habang ako ay hindi pa rin gumagalaw.
Ayokong lumabas sa totoo lang, siguradong marami na naman ang mas lalo pang magagalit sa 'kin kapag nakita nila akong lumabas sa kotse ni Zach. Agaw pansin pa naman ang kotse niyang 'to at marami na ang nag-aabang sa kaniya. Nagsitilian pa ng lumabas na si Zach. Pero nagtataka pa rin ako kung bakit sinabi niya ang mga katagang 'yon kanina.
Hindi ba talaga siya nahihiyang kasama ako, samantalang no'ng una ay sobra siyang nandidiri sa mukha ko? Binuksan niya ang pinto ng kotse habang nanginginig naman ako sa kaba rito sa kinauupuan ko.
"Aren't you gonna get out of the car?"
"Pero-"
"No but's, move out, nerdo."
Napalingon ako sa mga taong nakapaligid at nag-aabang sa kaniya. Ang dami nila, medyo nawiwierdohan na rin. Hay, gabayan niyo po ako, jusko! Malalim muna akong huminga bago tuluyang bumaba sa mamahaling kotse ng amo ko.
"What the heck?!"
"That nerd!"
"She's at Zach's Bugatti Chiron Sports Car?!"
"My God, for real?!"
"No, tell me this is not real, No! My fafa Zach!"
"That nerdy btch!"
"Woolly worm!"
Marami ang nagulat sa paglabas ko sa mamahalin niyang sasakyan at napayuko na lamang ako sa mga naririnig ko. Kung nakamamatay lang talaga ang masamang tingin ay nakalibing na siguro ako.
Naagaw ang atensiyon ko sa mga taong na sa paligid ng itapon sa 'kin ni Zach ang mismong bag niya. "Let's go," aniya pagkatapos ay nauna ng naglakad.
Napasunod na lamang ako sa kaniya kahit na medyo nasasakal na 'ko sa mga tingin pa lang ng mga tagahangang malapit ng mabaliw sa kaniya. Habang naglalakad rito sa may hallway ay napapakunot ang noo ko. Hindi ito ang building ng room niya, alam ko dahil building ito kung nasaan ang room ko.
"Zach, nagkakamali yata tayo ng nilalakaran?"
"Hm... how can you say so?" Tanong niyang nakataas ang isang kilay.
"E, building kaya 'to ng mga first year students? 'Yon yung building niyo oh?" Turo ko sa malayo-layong building ng year level niya.
"Tss, isn't it obvious? I'm taking you to your room nerdo." Bahagyang umuwang ang labi ko sa sinabi niya.
"Pero hindi naman na kailangan, kaya ko namang maglakad papuntang room ko ng mag-isa."
"I don't care, I'm taking you to your room, dot for a period."
"Hindi na kailangan, na sa fifth floor pa ang room ko. Malayo pa at malapit na ring magbell para sa first class, baka malate ka pa, ang layo pa ng lalakarin mo papunta sa building kung sa'n naroon ang room mo?"
Paliwanag ko sa kaniya pero parang wala lang siyang naririnig at dire-diretso lang siya sa paglakad.
"Zach?!" Naiinis ng tawag ko sa kaniya. Hindi man lang kasi siya nakikinig. Malelate lang siya sa klase niya sa ginagawa niya e!
"Just shut up and walk, we're almost there."
"Ano? Malayo pa kaya!"
"Tss!"
Hindi na 'ko nakaimik pa nang na sa kabilang hallway na kami. Maraming tao na ang nakakasalubong namin at lahat ng 'yon naririnig ko pang nagbubulong-bulungan habang na sa 'kin ang masasamang tingin. Napatungo na lamang ako at mabilis na naglakad.
Sa wakas at nakarating na rin kami sa room ko pagkaraan ng mahabang paglalakad. Ang kulit naman kasi nitong amo ko at ayaw papigil, wala namang makukuha kung maihatid ako.
"I'll go, don't forget to bring your books for our training later afternoon." Tumango ako at umalis naman na siya.
"Gosh, is that fafa Zach, Del Rey?!" Gulat na sambit ng kaklase kong si Kiana Madeira nang mahagip ang papalayong bulto ni Zach.
Kahit na alam kong si Zach talaga iyon ay napailing-iling na lamang ako at binigyan siya ng mukhang hindi-ko-alam na sagot at sa huli ay inirapan niya lang ako. Napatungo na lamang akong naglakad papunta sa may desk ko at 'di nga nagtagal ay dumating na si Prof, kaya nagsimula na kaagad ang discussion.
Pagkatapos ng morning class ay katulad ng inaasahan, magkasama kami ni Zach na nagreview sa tambayan niya sa likod ng isa sa mga main buildings rito sa HHU. Sinundan ito ng ilan pang mga araw at gano'n lang ang parating ginagawa namin, nagrereview hanggang sa sumapit na nga ang araw ng mismong pagpunta namin kung sa'n gaganapin ang NIO competition.
Kasalukuyan kaming naghihintay sa labas ng HHU para sa sasakyan naming bus papunta sa kung sa'n gaganapin ang competition. Hinihintay rin namin ang iba pang mga faculties at coaches na makakasama namin, kasama rin syempre si Mr. Principal pero may sarili siyang sasakyang gagamitin papunta roon.
Busy ang lahat no'ng nakaraan habang papalapit ang NIO, halos hindi na nga nagka-klase sa sobrang busy ng mga teachers ang lecturers para sa gaganaping competition. Marami pa silang inaayos kung kaya't kami pa lamang representatives ang naririto.
"Go, HHU representatives!"
"Galingan mo fafa Zach!"
"Ikaw rin daddy Chad!"
"Go, baby Cai!"
"Good luck, Charity!"
"Emerald Princess Laira, chicken lang sa 'yo 'yan!"
Napapangiti na lamang ako habang pinagmamasdan ang mga estudyanteng nagch-cheer sa mga HHU representatives habang naghihintay ng bus na sasakyan namin. Iyon yung bukang-bibig na laging isinisigaw ng mga tao, may mga banners pa ang ilan.
"Gosh! I'm so excited!" Laira
"Excited na rin ako," sumunod na sambit naman ni Esther.
Sa ngayon, hindi pa naman ako nakakaramdam ng kaba pero sigurado akong do'n na sa mismong competition ako dadalawin n'yon.
"Sa'ng school nga pala gaganapin ang competition." Tanong ko sa dalawang na sa harap kong sina Esther at Laira habang ang tatlong sina Zach, Chad at Cai ay may sariling pinag-uusapan lang sa kabila.
"Dise de Para University." Sagot ni Esther, napakunot naman ang noo ko.
"Last year kasi dito sa HHU ginanap ang mismong event ng competition and since it's already done in here, sa ibang University naman."
"Gano'n pala 'yon," napatango-tango ako.
"Yea, that's the NIO's rolling of event."
Napalingon kaming lahat kay Miss Hace at isa sa mga head teachers na si Miss Elsher, pero hindi ro'n natuon ang atensiyon ko kun'di sa mga na sa likod nitong kasamang naglalakad din papunta sa direksiyon namin.
"HHU's representatives, kindly listen up." Ani Miss Elsher ng makalapit, nakalapit na rin ang apat na mga kasama nito.
Nasa kanila lang ang tingin ko at gano'n rin sila sa 'kin. Tatlo sa kanila ang mga namumukhaan ko. Isa na ro'n si Trixie yata 'yon, yung niligtas ko sa mall na siyang tumulong sa 'king magkaroon ng trabaho. Nginitian niya 'ko kaya nginitian ko rin ito pabalik.
Matalim naman ang tingin sa 'kin ng tatlo. Hindi ko makakalimutan 'tong babaeng nag eskandalo sa park. Hindi ko siya maintindihan kung bakit ang tindi ng galit niya sa 'kin, sinasabi niya pang ako ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Cai kahit ang totoo ay wala naman akong alam.
Hindi ko rin makakalimutan ang isa sa kanilang apat, yung babaeng inaway ako sa hallway, siya rin yung naghahabol kay Zach. Siya rin yung babaeng... hindi naman sa pagmamayabang, pero baluktot gumamit ng lengguwaheng ingles. Hindi ko naman kilala yung isang babaeng kasama nila, pero ang talim din ng tingin niya sa 'kin.
"What are they doing here?" Zach.
"They are the additional HHU's representatives." Blankong sagot naman ni Miss Hace.
"The NIO admins added some positions, no worries for the necessity of there abilities 'cause the positions are just newly added, so they can be capable of holding the new said position. We have talk about this at the ACR the day before today, of course with Mr. Principal and the four of them, we didn't have time to announce about this for lack of time so our sorry about that, HHU representatives."
Lumingon siya sa apat pagkatapos ay ibinalik rin nito ang tingin sa 'min.
"They're now also part of HHU representatives so care to welcome them if you want." Huling sabi ni Miss Elsher.
Sinulyapan ko ang mga kasama ko ngunit wala man lang nagsalita sa Hellion3 habang blanko rin ang dalawang si Esther at Laira. Hindi ba nila narinig ang sinabing welcome them ni Miss Elsher?
"Hello sa inyo," sambit ko sa apat.
Nakaramdam ako ng hiya ng inirapan lang ako ng tatlo sa kanila kaya napatungo na lamang ako.
"Hello, Yeri!" Napalingo ako sa magandang babaeng Trixie yata ang pangalan.
Lumapit siya sa 'kin at hindi lang ako ang nagulat do'n. Kun'di sina Esther din, Laira, Miss Elsher, Miss Hace at marami pang iba, habang nananatiling blanko lang mukha ng dalawang si Zach at Chad. Pero na sa 'min pa rin ang mga tingin, sinulyapan ko si Cai at nakikita ko rin ang dumaang gulat sa mukha nito.
"I didn't know you're one of the representatives of this University, also that you're doing your studies here. What a great coincidence!" Napangiti ako.
"Ako rin, hindi ko rin inaasahang makikita kita rito sa University, hindi ko nga rin alam na nag-aaral ka rito, masaya akong maging parte ka ng HHU representatives," masayang sambit ko.