OPEN
Wala na siyang ibang sinabi at nagpatuloy lang kami sa paglalakad papuntang cafeteria. Napasulyap ako sa kaniya. Hindi man lang ba siya magagalit sa akin? Maiintindihan ko naman siya kung ba't gano'n ang ipakita niyang reaksiyon. Nagpakahirap siyang i-train ako pero ganito lang ang gagawin ko kaya may karapatan naman siguro siyang magalit, bagay na hindi niya ginawa.
"Why are you looking at me like that? From the hallway 'til now." Nag-iwas siya ng tingin na para bang nahihiya pa. "You're making me feel uncomfortable, Nerdo," napahilot siya sa kaniyang batok at hindi pa rin makatingin sa 'kin ng diretso.
Napakurap-kurap ako. Hindi ko man lang napansing kanina ko pa siyang tinititigan. Mula sa hallway hanggang sa nakarating na kami rito sa cafeteria ay gano'n pa rin. Kasalukuyan na kami ngayong nakaupo rito sa bakanteng table at kumakain.
"Pasensiya na," ako naman ngayon ang nag-iwas ng tingin.
"I know I'm handsome but still, I'm curious, you're spacing out for unknown reason," sambit niya habang ginagalaw ang pagkain sa harapan niya.
"Nagtataka lang ako... kung bakit hindi ka man lang nagalit," pag-amin ko.
"Tss!"
"Bakit?"
"'Cause I don't really care," sagot niyang nagpatiklop sa 'kin.
"Sabagay..." wala nga naman siyang pakialam. Napayuko na lamang ako at nagsimula na ring galawin ang pagkain ko.
"You did your part and I'm pretty sure you also did your best, so don't expect me to care for the rest," hindi ko inaasahang sambit niyang awtomatikong nagpatigil sa paggalaw ng mga kamay at pagnguya ko.
Dahan-dahan akong napaangat sa kaniya mg tingin ngunit agad din naman iyong nabaling sa iba nang sabay-sabay na dumating sina Chad, Cai, Esther at Laira.
"Hey, dude, what's up!" Cai sabay fistbump kay Zach. Sumunod naman si Chad. "You're being selfish, you didn't even bother to ask lunch with us. Only on Yeri, huh? By the way, hello, Yeri," sambit niya sa 'kin sabay kindat pa. Tinanguan ko siya sabay ngiti sa kaniya.
"Tss! Lunch with your ass, Cuesta!" Medyo naiiritang balik naman ni Zach sa kaibigan niya.
"Ouch, ayaw mo na kaming kasabay ni Chad?" Pagbibiro pa ni Cai.
"Yea, dati lang hindi makapaglunch kapag hindi tayo ang kasama, but now..."
"Oh, shut the fck up, Riel. I'm not like that!"
"No you are like that, you can't live without us, but now... our youngest was developing now... this must be a great day, he's getting more matured," pang-iinis pa ni Chad.
"Shut the fck up, Riel! Geez!" Naiinis na talaga siya. Natawa na lang tuloy ako sa naging hitsura niya gano'n na rin ang iba. Parang bata.
Naupo na sila palibot sa silya at pagkatapos umorder ng pagkain ay nagsimula na ring kumain. Masaya kaming nagkwentuhan habang kumakain at napatahimik ako nang tanungin nila ako kung kamusta na raw ba ang game ko.
Kasi silang lahat ay maayos naman liban na lang yung kina Esther at Laira, pero kaunting problema lang naman. Ang akin lang talaga yung malaki at talagang kahiya-hiya. Hindi ko talaga deserve ang mapunta rito para sa ganitong klase ng kompetisyon. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay nasagot na 'iyon ni Zach.
"She only answered half of the entire whole number of items," sambit niyang walang pakialam.
Napatungo na naman ako sa nararamdaman kong hiya sa mga oras na 'to. "Pasensiya na."
"Hey, it's not your fault, Yeri!" Esther.
"Yeah, don't feel sorry for yourself. I know you did your best," Laira.
"They're right, mayroon pa naman mamaya 'di ba?" Cai, tumango ako. Babalik pa kami mamayang ala-una ro'n para sa second game ng Humanities. "So may chance ka pa!" Nakangiting sambit pa nito.
"Just don't mind it and focused on the second game this afternoon. Makakabawi ka and I'm sure of it," may bahid na ngiti sa mga labing sambit naman ni Chad.
Napatungo ako, "salamat sa inyo." Sambit ko, nangangako sa sarili kong gagawin ko ang best ko para mamaya sa pangalawang laro.
"Tss, ang drama mo, kumain ka na nga lang!" Si Zach. Ano namang madrama sa pagpapasalamat?
Nagulat na lamang ako nang lagyan niya ng cinnamon roll doughnuts ang plato ko. Narinig ko ang hagikhik ng ilan sa mga kasama namin.
"Pampatalino 'yan," blankong aniya nang balingan ko siya ng tingin.
Hindi na lamang ako umimik pa at kinain ko na lamang ang bigay niya. Napakurap-kurap ako pagkatapos iyong tikman.
"Ang sarap naman nito!" Hindi makapaniwalang sambit ko. Ngayon lang ako nakatikim ng ganito kasarap na doughnuts.
"Here, sa 'yo na rin 'to," nagulat ako nang magkasabay si Chad at si Zach na magsalita. Sabay rin nilang inilapag sa plato ko ang doughnuts nila at pagkatapos ay nagkatinginan sila. Nagpalipat-lipat naman ako ng tingin sa kanila. Maging ang iba pa ay napatingin na rin sa kanila.
Naunang nakabawi si Zach at awkward na napatikhim sabay lapag ng kaniyang siko sa mesa. Gano'n na rin si Chad, umayos siya ng upo at bumalik sa blanko ang mukha.
"Uh... sa 'yo na rin 'to," nag-aalangang sambit ni Cai at pilit na ngumiti. "Hiyang-hiya naman ako sa dalawang kaibigan ko," pagbibiro niya pa.
"Hello, ebrebadi!"
Naagaw ang atensiyon naming lahat sa biglang nagsalita. Lumingon ako sa pinanggalingan ng pamilyar na boses at hindi nga ako nagkamali. Ang babaeng fan ni Zach, si Trixie at ang dalawa pang magkamukha.
"Can we join?"
Nilingon ko sila at nakita ko ang pag-aalangan sa mukha ni Cai habang si Chad ay blanko pa rin ang mukha at si Zach na pasimpleng pumaswit lang sa hangin, si Laira naman ay nagtaas lang ng isang kilay at ipinakita lang ang maldita niyang mukha.
"Don't you see that we're full here?" Zach.
"He's right, don't push yourselves further to a place that you know you weren't belong," sarkastikong sambit pa ni Laira.
"But we wanna join you, guys!" Sambit ng isa sa dalawang magkamukha.
"Are you dumb? You can eat even if you sit at another table," Zach.
"Pwede namang dito na lang kayo maupo kung gusto niyo, malawak naman 'tong table," sambit ko sabay tayo. Naghila ako ng upuan para sa kanila. Malawak pa naman ang espasyo kaya kasyang-kasya pa.
"Ayan, dito-"
"Thank's nerdy btchin," sarkastikong sambit ng babaeng fan ni Zach sabay upo sa silya ko sa tabi ni Zach. Inuusog niya pa lalo ang silya palapit kay Zach. Halos magdikit na ang silyang inuupuan nilang dalawa.
"Hey, that's Yeri's chair!" Saway ni Laira pero pinigilan ko na lamang siyang magsalita pa.
"Ayos lang, dito na lamang ako mauupo," sambit ko sabay upo sa silyang bakante sa tabi ni Trixie.
"No, you're gonna sit here," matigas na sambit ni Zach.
"But Zach?" Fan niya.
"Hindi na, ayos lang talaga. Dito na lamang ako mauupo."
Sa huli ay wala na siyang nagawa at nagpatuloy na lamang kami sa pagkain. Hindi ko alam pero habang tumatagal mula ng dumating sila rito sa cafeteria ay parang may namumuong tensyon na hindi maintindihan. Hindi yata iyon napapansin ng mga bagong dating maliban kay Trixie dahil kinukulit lang nila ang Hellion3.
Hindi na halos maipinta ang mukha ni Laira na iritang-irita na habang napapatingin sa katabi niyang si Cai na kinukulit ng ex niyang Biy yata ang pangalan habang si Esther naman ay animong wala lang nangyayari sa katabi niyang si Chad kahit na alam kong hindi na rin siya natutuwa sa ginagawa ng babaeng kamukha ni Biy sa crush niyang si Chad.
"C.R. lang ako," paalam ko pagkatapos tumayo.
"Wait, I'll go with you," narinig kong sambit ni Trixie kaya naman sabay kaming naglakad papunta sa comfort room mula rito sa Cafeteria.
Nakaharap na siya sa lifesize na salamin at nagmimake-up pagkalabas ko ng cubicle. Lumapit din ako ro'n sa malaking salamin at naghugas ng kamay ko.
"I'm sorry," sambit niya bigla.
"Huh, para sa'n naman?"
"For disturbing your lunch with your friends."
"Hindi naman gano'n 'yon, saka HHU students rin naman kayo kaya hindi kayo nang-iistorbo."
"Of course we are, I told them to sit at another table but they didn't listen."
"Ayos lang naman siguro 'yon, saka huwag ka sanang magagalit... pero napapansin kong hindi ka masyadong malapit sa Hellion3 katulad ng tatlo mong kasama. Hindi ko alam kung hindi ka lang talaga mahilig magsalita at sadyang tahimik ka lang talaga kaya gano'n?"
Sa sinabi ko ay natigilan siya at mapaklang ngumiti. "The truth is that... I'm not really friends with Hellion3."
Gulat akong napatingin sa kaniya. "Bakit?" Tanong kong hindi pa rin makapaniwala sa sinabi niya. "Nagkaaway ba kayo ng Hellion3?"
Mapakla na naman siyang natawa. "No, not like that. Just for some private reasons," sa sinabi niya ay napaiwas ako ng tingin.
"Pasensiya na, kung ano-ano yata ang natatanong ko."
"No, of course not. You just ask that out of curiosity, so it's okay," nakangiting aniya at napangiti na lang din ako.
Kung ako ang tatanungin ay masasabi kong iba siya sa tatlong kasama niya. Hindi ko naman sinasabing ang sasama nila, pero sadyang mabait lang talaga siya. Pareho sila ni Raila.
"Katulad ng sinabi mo, pribado ang rason kung bakit hindi kayo magkabati ng Hellion3 kaya wala akong karapatang pilitin kang sabihin sa 'kin kung ano mang rason 'yan. Saka bago pa lang naman tayong magkaibigan kaya, wala talaga akong karapatan. Pero sigurado akong magkakaayos din kayo sa tamang panahon."
Mabait siya kaya alam kong deserve niyang mamuhay na walang kagalit na ibang tao. Pilit siyang ngumiti at nag-iwas sa 'kin ng tingin sa halip ay tiningnan ang sarili niya sa salamin.
"Hindi na siguro mangyayari 'yon, saka kasalanan ko naman," nakangiting aniya, pero mababakas ang lungkot sa mga mata.
Naramdaman ko ang lungkot sa dibdib ko. Bakit ba lagi akong nakakaramdam ng sakit sa bawat ngiti niya. Lagi akong nakakakita ng lungkot sa t'wing nagtatama ang mga mata naming dalawa. Napepeke niya ang ngiti niya, pero alam kong hindi nagsisinungaling ang mga mata niya.
Naaawa na 'ko sa kaniya, kahit hindi ko pa alam ang rason ang kalungkutan niya. Alam kong wala kong karapatang manghimasok sa kaniya, pero gustong-gusto kong maging daan para kahit papa'no gumaan ang pakiramdam niya.
Umisang hakbang ako palapit sa kaniya at sinalubong siya ng mahigpit na yakap. Naramdaman ko ang gulat sa naging reaksiyon ng katawan niya pero niyakap ko lang siya ng mas mahigpit pa.
"Alam kong may mabigat kang pinagdadaanan, hindi ka lang handa kaya hindi mo masabi sa iba. Pero nandito lang ako, bago mo pa lang akong kaibigan pero, pwede mo akong malapitan, ano mang oras, pakikinggan kita."
Naramdaman ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga at mas lalo ko lang naramdaman ang pait na pinagdadaanan niya ng manlambot siya at dahan-dahang ginantihan ako ng yakap.
"Salamat," gusto kong maluha sa bigong sambit niya. Marahan niyang isinandal ang baba niya sa aking balikat at do'n ko na naramdaman ang marahang paghikbi niya. "Bakit gano'n, galit sa 'kin ang lahat."
Hindi ko inaasahang sambit niya sa gitna ng paghikbi niya sa aking balikat. Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi hagurin ang likod niya.
"I was also hurt, I know I deserve everyone's blame but I just did what I think is best."
Wala akong ibang ginawa kun'di makinig lang habang yakap siya. Hindi ko makuha ang pinanggagalingan niya pero ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. Humiwalay siya ng yakap at nagpunas ng kaniyang mga mata.
"I'm the one who once broke their best friend's heart."
"Si Shawn?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Ang alam ko ay kasintahan iyon ngayon ni Raila.
"Yeah, Shawn. I loved him so much, but I choose to break up with him. I know it's my fault why everyone hates me for hurting him, but it's nothing compared to the pain I felt before I took their blames."
"Pero mahal mo naman siya 'di ba?" Tanong ko.
"Yeah, I have no doubts for that. He's the guy I only loved so much from the start 'til now."
"Pero nakipaghiwalay ka sa kaniya?"
"It's because... I'm... sick."
"May sakit ka?"
"I'm in a short distance away from death. Maybe before or after three months... I don't know! I'm ready to die, so death can come anytime he or she wants."
Napatulala ako sa gulat matapos siyang magsalita. "May taning na ang buhay mo?" Nauutal na hindi makapaniwalang tanong ko.
Tumango-tango siyang may pilit na ngiti sa kaniyang mga labi.
"Pero, maganda naman ang katawan mo? Healthy ka naman? Pa'no nagkaroon ka ng sakit at nagkaroon ng taning ang buhay mo?" Tanong ko ulit, umaasang nagbibiro lang siya pero hindi ko 'yon makita sa kaniyang mga mata.
"I have a mesothelioma cancer."
"Mesothelioma?"
"Yeah, it's an aggressive and fatal desease," nag-iwas siya ng tingin. "Malignant tumor to be exact. Apparently, there is no cure for this cancer."
"Wala na talagang gamot?"
Napakabait niya. Ang bata pa rin niya, pero kung mawawala man siya, hindi dapat na kinukwestiyon 'yon. Diyos ang may hawak ng buhay ng tao, at pinagkaloob lang iyon ng Diyos sa tao.
Kaya walang karapatan ang sino mang taong sisihin ang Diyos sa kaniyang kamatayan dahil una sa lahat, hindi siya ang makapagpapasiya kung mabubuhay ba siya o hindi rito sa mundong pag-aari at pinahiram lang din ng Diyos sa ating lahat.
"It's because of this cancer, why misfortunes keep coming all the time to ruin my remaining days in this world. This is the only reason why I have to leave the only person that I love."
"Hindi mo naman siya kailangang iwan 'di ba?"
"But I have no choice, I need to end our relationship before our love get worst."
"May pagkakataon ka, natakot ka lang talagang sobra siyang masaktan."
"Why should I take it longer if I know what will happen in the end. I will leave him and it will only hurt him more if I take it any longer."
"Sa naging desisyon mo, ikaw naman ang sobrang nasaktan. Pwedeng makapag-move on na siya, pero ikaw... mahal na mahal mo pa rin siya."
"I don't care, if I can accept the pain that he will experience in the future, then I'll take it! Mamamatay na rin naman na ako and besides, I don't really want him to get hurt," aniya, humihikbi.
Niyakap ko na naman siya sa saktong pagtulo ng luha sa mga mata niya. Ang sakit lang, sinong mag-aakala na marami ng luha ang naglandas sa napakaganda niyang mukha.
"Hindi mo na kailangang sabihin 'yon, oo nga't nasaktan mo siya. Pero nilayo mo naman siya sa posibilidad na madudurog siya sa maaga mong pag-iwan sa kaniya," sabi ko habang marahang hinihimas ang kaniyang likod.
"I know I left him and I'm telling you, Yeri, it's not as easy as everyone thinks. But I know the pain will going to be worth it."
"Tama na yung naibigay mo sa kaniya. Mas makabubuti kung kalimutan mo na siya-"
"I know I have to, but it's not that easy, Yeri. It's really hard to forget someone who gave you so much to remember," umiiyak niyang tugon.
"Pero kailangan mo ring isipin ang sarili mo, 'di ba kaunting panahon na lang ang natitira sa 'yo? Sarili mo naman ang isipin mo at huwag na ang ibang tao."
Hindi na siya nagsalita pa at nagpatuloy lang sa pag-iyak sa balikat ko. Naaawa ako sa kaniya, gano'n ba talaga dapat kapag nagmahal ka? Kailangan mong isakripisyo ang mga bagay na mahihirapan kang pakawalan para lang maiiwas mo siya sa napakatinding sakit na pwede niyang maramdaman?
Mas una mo pang iisipin ang kaniyang kaligayahan kumpara sa sarili mong kaligayahan. Higit sa lahat, kailangan mo siyang pakawalan para mapunta siya sa panghabang-buhay na kaligayahan.
Hindi pa naman ako nagmahal, pero alam kong sobrang sakit n'yon. Na pinalaya mo nga siya, pero masasaktan ka kapag nakita mo siyang may kasama ng iba. Lalo na kapag ang taong 'yon ay mahal na mahal mo naman pa lang talaga.
Nakakatakot naman pala talagang magmahal. Katulad ni Trixie, nakakaawa siya dahil pinili niyang iwan ang taong pinakamamahal niya. Yung tatlong mga kaibigan niya, palagi na lamang naghahabol sa mga taong gusto nila na kahit kailan ay hindi naman masusuklian.
Si Cai, hindi sumusuko kay Laira kahit palagi siya nitong nire-reject. Si Esther na hindi man lang maramdaman ni Chad na gusto siya nito. At marami pang iba. Na naghihirap dahil walang lakas na sumugal. Na naghahabol kahit alam nilang wala naman silang mapapala, nakukulong sa sakit at pagdurusa.
Talagang nakakatakot pala talagang magmahal. Sa sitwasyon ko, alam ko sa sarili ko na maraming beses na akong nasaktan... pero ayoko pang madurog.
Namumugto ang kaniyang mga mata sa sobrang pag-iyak niya kaya medyo natagalan pa siya sa paglalagay ng kolorete sa kaniyang mukha para matakpan niyon ang namumula niyang mga mata.
"Thanks, Yeri, you're really a good friend." Aniya at pekeng ngumiti. "Kahit papa'no gumaan ang pakiramdam ko."
"Wala lang naman 'yon, ang mahalaga gumaan kahit papa'no ang pakiramdam mo. Maraming luha ang lumabas sa mga mata mo kaya marami ring sakit ang nailabas diyan sa puso mo," sa huli ay niyakap lang namin ang isa't isa.
"Salamat talaga," humiwalay siya at pinakatitigan ako ng diretso. "But, can you keep this as a secret. All what I've said from this... cancer, about Shawn... all."
Ngumiti ako, "makakaasa ka." Huling sabi ko at lumabas na kami ng comfort room.
Bakas ang pagtataka ng ilan sa kanilang mga mukha kung bakit siguro natagalan kami pero hindi naman nila iyon pinagtuonan masyado ng pansin kaya medyo nakaiwas kami sa sinungaling na mga paliwanag.
Mabilis na dumaan ang oras at 12:43 na kaagad. Malapit ng mag 1 PM, kasalukuyan ako ngayong naglalakad papunta sa room kung sa'n nabibilang ang posisyon ko, ang Humanities. Kasama ko ang amo kong si Zach sa paglalakad rito sa hallway.
Hindi mo syempre maiiwasan ang tinginan ng ibang tao. Hindi ko na lamang masiyadong pinagtuonan ng pansin dahil kinakabahan na 'ko ngayon. Pa'no kung mas mahirap pa ang pasagutan sa 'min mamaya at halos kalahiti na naman ang masagutan ko over all items.
"Heyy!" Namalayan ko na lang ang sarili kong hinahawakan ng katabi kong si Zach ang ulo ko at ipinipilig iyon papunta sa direksiyon ng mga mata niya.
"Huh?"
"Your spacing out, tss! I'm asking if you're ready for your second game," napatungo ako.
"Iyon na nga ang iniisip ko ngayon sa totoo lang. Hindi ako handa, baka maparehas na naman noong kanina. Hindi lang ako ang pinagtatawanan, maging ang University natin," inangat na naman niya ang ulo ko paharap sa kaniya.
"Tss, you're just pulling your confidence down. It's not about how you answer all the items, it's using your brain to answer every items always matters."
Huling sabi niya at iniwan na ako't naglakad na paalis. Namalayan ko na lamang ang sarili kong na sa tapat na pala ako ng room kung sa'n naririto ang posisyon ko pagkaraan ng ilang segundo.