Chereads / Hidden Persona Zarie Series / Chapter 34 - Chapter 34

Chapter 34 - Chapter 34

REVILE

Nagsidatingan na ang iba pang mga teachers na siyang magiging coach namin. Kasama na ro'n ang Professor kong si Prof Armani Baltasar at ang iba pa. Dumating na rin ang bus na siyang sasakyan namin papunta sa Dise de Para University kaya nagsimula na rin kaming pumasok.

Naunang maupo si Laira at kitang-kita ko kung pa'no siya nagulat ng maupo sa kaniyang tabi si Cai. Nakangisi lang naman si Cai na parang batang nakakuha ng kendi. Plano ko sanang tabihan si Esther dahil mag-isa lang siya roon nang marinig ko ang kong nagsalita ni Zach sa likod ko.

"What are you waiting for? Aren't you gonna sit?"

Tumango ako at lalakad na sana palapit kay Esther nang pasimple niyang hawakan ang siko ko.

"Sa'n ka pupunta?"

"Sa tabi ni-"

"No, you are to sit her," matigas niyang sabi.

"Pero-"

"I'm your boss, nerdo, you're my maid, so follow what I've said or else-"

"Oo na, oo na. Mauupo na," nakangusong pabulong na sabi ko.

Nakita kong napangisi siya bago naupo sa tabi ko at umirap na lamang ako sa hangin. Nilingon ko si Esther at napangiti ako ng makitang nasa tabi niya si Chad. Katulad ng dati ay blanko pa rin ang mukha nito at nang magtama ang mga mata namin ni Esther ay napangiti siya.

Alam kong masaya siyang makatabi si Chad, crush niya 'yon e. Pero kasabay ng kaniyang pagngiti ay nakikita ko rin ang kaniyang kaba. Normal lang naman siguro 'yon sabi ng iba. Kakabahan ka talaga kapag malapit lang sa 'yo yung taong gusto mo.

Nakasakay na rin ang mga makakasama naming teacher sa ibang upuan at napalingon naman ako kay Trixie. Katabi niya ang babaeng nang-away sa 'kin sa park no'ng ice cream vendor pa 'ko noon. Nahagip naman ng mga mata ko ang nanlilisik na tingin sa 'kin ng babaeng fan ni Zach. Yung babaeng sasampalin na sana ako kung hindi siya napigilan ni Zach.

Kahit na na sa kaniya na ang tingin ko ay hindi pa rin siya nag-iwas ng tingin. Nananatili pa rin iyon sa 'kin na sobrang nanlilisik. Nakakatakot ang kaniyang mga mata. Katabi niya ang babaeng kamukha ng babaeng na sa tabi ni Trixie. Nabalik lamang ako sa huwisyo ng may pumitik sa noo ko.

"Aray," bulong ko sabay hawak sa noo ko. Ang sakit!

"Umayos ka nga, kung saan-saan napupunta 'yang mata mo!" Aniya.

"Hindi naman kita inaano ah?" Pagmamaktol ko sa mababang boses.

"Tss! Ako ang tingnan mo, not the other way around." Aniya habang nakatitig lang sa 'kin ang mga mata. Malalim akong napatitig sa kaniya nang mapagtanto ang mga sinabi niya.

"Ano?"

"Tss, deaf!"

Napanguso ako. Ang ganda pa kaya ng pandinig ko, 'yon lang naman ang nasabi ko para masigurado, hindi para ulitin niya dahil hindi ko narinig. Pero bakit gusto niyang siya lang ang tingnan ko at hindi sa iba?

Aish! Baka nga bingi na talaga ko!

Ilang sandali pa ang lumipas at sa wakas ay nagsimula na ring gumalaw ang bus na sinasakyan namin. Nagsign of the cross na rin ako at taimtim na ipinalangin sa isipan ko na gabayan kaming lahat dito ng sa gayon ay walang mangyaring hindi kanais-nais hanggang sa makarating kaming Dise de Para University ng ligtas.

"Tss! Anong ginagawa mo?" Napabaling ako sa kaniya ng tingin nang mahuli niya 'kong nagsi-sign of the cross. Nakangiti siya na para bang katawa-tawa ang ginawa ko.

"Nagsi-sign of the cross," sagot ko naman.

"Tss!" Paswit niya saka nag-iwas ng tingin.

Hindi mapanatag ang paghinga at paggalaw ko dahil pakiramdam ko ay maraming mga mata ang kanina pa nakatuon sa 'kin. Malakas ang pakiramdam ko at alam kong sa pagkakataong 'to at hindi ako nagkakamali.

Ang mga bagong dating maliban kay Trixie, alam ko namang hindi nila ako gusto at siguro nga naiintindihan ko sila. Napalingon na naman ako sa katabi kong si Zach nang ilagay niya sa tainga ko ang kabilang kable ng kaniyang headsets.

"It's going to be a hard day, just relax." Ani Zach, napansin yata ang medyo kakaibang pakiramdam at kilos ko.

Hindi na lamang ako umimik pa at ipinilig na lamang ang ulo ko sa harap. Ang ganda ng kanta sa totoo lang, 'di nagtagal ay humikab ako sa naramdamang kaantukan. Sa maayos kong pagkakaupo ay dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata. Hindi ko na namamalayan ang pansamantalang paghiwalay ng kaliwanagan ng aking isipan.

"Students, wake up! We're already here at Dise de Para University, kindly move out now!" Boses iyon ni Miss Elsher. Napakusot pa 'ko sa sarili kong mga mata pagkatapos ay isinuot ang salamin ko habang nakasandal pa rin sa matigas na braso ng katabi ko.

Pagkatapos maisuot ang salamin ko ay kaagad akong napaayos ng tayo nang makita ko ang gwapo niyang mukha. Kagigising lang din niya at saka ko lang napagtanto ang naging posisyon naming dalawa habang tahimik na natutulog sa gitna ng biyahe.

Nakasandal ako sa braso niya habang siya ay nakahilig naman ang ulo sa ibabaw ng ulo ko. Gulat akong napasulyap sa kaniya habang siya ay parang wala lang na nagising. Napansin niya ang titig ko kaya tinaasan niya 'ko ng kilay.

"What?" Tanong niya.

Hindi na 'ko nakasagot pa dahil nagsalita na naman si Miss Elsher. Bumaba na kaagad kaming lahat at namangha ako nang mapagtantong na sa harap na pala kami ngayon ng Dise de Para University. Napaawang ang labi ko habang nakatulala sa kabuoan nitong University.

Sobra niyang ganda, hindi naman siya kasing laki ng HOuLYn Hellion University pero masasabi kong malaki rin talaga siya. Pumasok na kami ng University at mas lalo lamang akong natulala sa sobra talagang ganda nitong Dise de Para University. Bawat buildings rito ay sobrang gandang tingnan, sa sobrang ganda ay napapaisip ako kung kahapon lang ba 'tong lahat nagawa. Sobra niyang ganda at sobrang laki!

Hindi makita ng maayos ang paligid kung napapanatili rin ba nila rito ang kalinisan dahil ang dami ng tao rito sa mga oras na 'to. Sigurado akong galing din lahat ang mga estudyate rito sa iba't ibang mga Universities. Bawat estudyante kasi rito ay iba-iba ang mga uniporme kaya walang dudang galing ito sa iba pang mga paaralan.

Marami pang mga nangyari bago tuluyang nagsimula ang competition ng bawat estudyanteng may hinahawakang posisyon. Ang sabi ni Prof ay tanggalin ko na muna raw sa isip ko ang SignificanScience Olympiad at ang isa pa dahil para bukas at makalawa pa naman daw iyon. Ang kailangan ko lang talagang pagtuonan ng pansin ngayon ay ang Humanities.

Sa ngayon ay magkasama kami ni Prof na naglalakad patungo sa room kung sa'n gaganapin ang kompetisyon para sa Humanities. Inihatid niya 'ko hanggang sa loob ng nasabing room at nang makapasok na ako at nagtungo sa nag-iisang bakanteng silya sa may pinakalikod ng row.

Tahimik 'kong inilibot ang tingin sa buong room at napapaawang ang labi ko sa sobrang ganda rito. Malawak at may aircon pa, medyo marami rin ang nariritong mga estudyanteng magiging kalaban ko sa kompetisyong ito.

Hindi na syempre maiiwasan ang iilan-ilang nagbubulungan habang na sa 'kin ang tingin habang tumatawa. Nag-iwas na lamang ako ng tingin at umaktong hindi sila napapansin at 'di na nga rin nagtagal ay may dumating ng magandang babae sa harapan. Naagaw nito ang atensiyon naming lahat kaya nawala na ng tuluyan ang kaninang ingay na namumutawi sa buong silid.

Sinuri ng mga mata ko ang babaeng na sa harap. Ang ganda niya kahit halatang sobrang kapal na ng make-up niya. Matangkad at makurba ang kaniyang katawan. Isang tingin lang din sa kaniya ay malalaman mo na kaagad ang pagiging estrikta niya.

"Good morning student's from different Universities." Blankong bati nito at pabulong na nagbalik ng good morning naman silang lahat. "All the chairs here are now occupied and that means all the representatives are already here."

Nilibot niya ang tingin pero nagulat ako nang mahinto iyon sa 'kin, tinaasan niya 'ko ng kilay kaya dahan-dahan akong nag-iwas ng tingin sabay tungo.

"Miss, at the edge of this row." Napaangat ako ng tingin at kinabahan ng mapagtantong ako ang tinawag niya.

Wala sa sariling dahan-dahan akong napatayo pagkatapos niyang magsalita.

"Can you tell us where University you represent?" Hindi mawala-wala ang sarkasmo sa kaniyang mukha.

Magsasalita pa lang sana ako para sumagot ng sumunod na naman itong nagsalita.

"Maybe like yourself, you represent the poorest University living and trying to compete even from the very start, they'll know they're gonna lose, right, Miss?" Tanong niya, napatungo ako kasabay ng marahang tawanan ng mga taong nakapalibot sa 'kin. "Can you tell us your name and your University's name?"

"Uh... HOuLYn Hellion University po." Sagot ko sa walang galang na babaeng na sa harapan. Umugong kaagad ang bulungan rito sa loob ng silid matapos kong magsalita.

"HOuLYn Hellion University?What the heck!"

"Gosh, ang swerte naman ng nerd na 'yan! Nakikita niya palagi ro'n ang Hellion4!"

"My God! 'Di ba sikat 'yon?"

"Sinabi mo pa! Ang sasarap ng mga nando'n girl, especially the Hellion4!"

At marami pa ngang kung ano-anong mga bulungan ang narinig ko. Hindi ko akalaing gano'n pala talaga kasikat ang Hellion4, abot-abot kahit saan mang University.

"Ows, so you're from HHU." Napatango-tango ako. "But only rich kids are the only qualified to study there right? Well you look like you're not?"

"Scholar lang po ako," sambit ko.

"Okay, whatever. You may now sit down Miss...?"

"Del Rey po."

"Okay, Miss Delay, sit down," aniya pa ng babae na ikinatawa ng ilan.

Hindi na lamang ako nagsalita pa at tahimik na lamang na naupo.

"Okay everyone, first I'm gonna tell you some of the rules and regulations that are necessary to follow," katulad ng sinabi niya ay ipinaliwanag niya muna sa aming lahat ang napakaraming patakarang dapat sundin sa gitna ng kompetisyon.

Kasama rin sa paliwanag niya ang kahalagahan ng pagkakapantay-pantay ng laro at ang kompetisyong ito. Nabanggit rin niyang mayroong CCTV na nagbabantay rito sa loob ng room para sa mga estudyanteng magtatangkang mandaya at napakarami pang iba.

"This competition play a role in motivating students to perform, excel and offer a lot more reward than just a winning prize. This competition offer a chance for all of you that are here to gain substantial experience, showcase skills, analyze and evaluate outcomes and uncover personal aptitude."

Sabi pa ng gurong na sa harap.

"I know everyone that are here right now are very competitive students from different ways coming from different Universities. So you just have to avoid toxic, competitive dynamics with your peers."

Sambit niya pa.

"The role of this competition in the world of education is to motivate them to excel and this creates a generation of every individual that will surely help in the creation of a better society with higher standards in all areas. Just do your best on this for the sake of your improvement of everyone's conditions and work for progress."

Malalim siyang napabuntong-hininga.

"We can now start the game. Here are the test papers that you are going to answer. These thick test papers have 1,000 items of questions that you are going to answer, so good luck everyone."

Lumipas ang ilang sandali at inilatag na sa harapan namin ang nasabing makapal na mga testpapers na siyang sasagutan namin.

"The test papers in front of you now is none other than Humanities, your all positions. That is also one of many more disciple of Humanities. The Humanities olympiad. This is a branch of learning consisting of academic disciplines that includes the arts, philosophy and history etc.. but not the maths or sciences, it is also defined as the study of the human condition using methods that are primarily analytical, critical, or speculative and not objective."

Seryosong sambit niya pa.

"These studies mean to provide general knowledge and intellectual skills rather than occupational or professional skills. It can also be said that this is an area of ​​human interest that deals with arts and literature. And like the Humanities, the test papers in front of you consist a lot of disciplines like History, Language and Linguistics, Literature, Performing arts, Philosophy, Religion and Religious Studies and also Visual Arts."

Napayuko na naman ulit ako ng sarkastiko niyang sinalubong ang aking mga mata. Hindi nagtagal ay narinig ko ang kaniya ring sarkastikong ngiti.

"So now, you only have 3 hours available to answer this test papers and finish or unfinished, you don't have any choice but to pass it, understood?"

Kahit papa'no ay medyo nabawasan ang kaba ko. Lahat ng nabanggit niya ay nabasa ko na. Iyon yung mga makakapal ma librong binigay at pinaaral sa 'kin ni Zach no'ng nagtraining kami para sa kompetisyong ito. Ang galing naman ni Zach.

"Yes, Miss!" Sigaw ng marami.

"Okay, the time is moving now so answer now your test papers briefly... and wisely."

Ilang sandali pa muna akong nakatitig lang sa test papers. Sinimulan ko ng galawin 'yon at sa mga oras na 'to ay kinukwestiyon ko na rin ang sarili ko. Hindi ko yata kaya 'to.

Parang nalalabuan ako sa sarili kong masasagutan ang gano'n karaming tanong sa loob lang ng tatlong oras! Sobrang kapal, hindi na talaga nakakapagtakang isang libong tanong ang kailangang sagutan sa napakakapal na test paper na 'to.

Kailangan pang kompleto ang bawat sagot, walang labis at walang kulang dahil kung hindi ay awtomatikong ekis na kaagad ang iyong sagot. Natalakay namin 'yon ni Zach habang nirereview namin ang tungkol sa mga rules and regulations sa kompetisyong ito.

Lumipas ang mahabang sandali at hindi pa nga ako nangangalahati ay nangangalay na ang leeg ko sa kakasagot dito. Walang magaganap na break-break dito at diretso dapat ang pagsagot. Parte rin daw iyon ng plano para maiwasan ang mga magtatangkang mandaya.

Hindi ko na namamalayan ang oras nang biglang nagbell hudyat ng pagtatapos ng tatlong oras sa pagsasagot.

"Finish or not finish ballpens down and stop writing everyone!" Sigaw ng gurong na sa harap at awtomatikong nagsibabaan naman kaagad ang mga hawak naming ballpen.

Kinabahan ako, habang pinagmamasdan ang test papers kung sa'n na rin nando'n ang sagot ko. 503 items pa lang ang nasasagutan ko! May 497 pa akong kailangang sagutan pero naabutan na 'ko ng oras.

Tama nga ako, hindi ko magagawa 'to! Halos kalahati lang ang nasagutan ko.

Kinuha ng babae sa harap ko ang testpaper at nakataas ang kilay na chineck iyon. Nakita ko ang dumaang gulat sa kaniyang mga mata ng makitang halos kalahati lang ang nasagutan ko.

"As expected! How can you compete here when you can't answer all the questions of your own position? Over 1,000 items, only 503 were answered! I thought all nerds are smart, you proved me wrong Miss Delay from the famous HOuLYn Hellion University."

Nagtawanan ang ilan at napatungo na lamang ako sa nararamdamang hiya. Hindi sa kanila at sa mapanglait na guro ngayong na sa harap ko kun'di sa University na nirerepresent ko.

"That's all for this first game. You can have your lunch and then come back here at exactly 1 PM in the afternoon," pagkatapos magsalita ay bumaling sa 'kin ang tingin nito habang nakataas ang isang kilay. "You, Miss Delay, it's up to you if you come back. But I suggest you not to come if you only answer half of all the items. You're just embarrassing your University."

Nakatungo ako ngayong naglalakad rito sa may hallway at napapatungo pa lalo sa mga naririnig kong bulongan habang na sa akin ang mapanghusga nilang mga mata.

"Hindi ba 'yan yung girl sa nakalaban natin sa Humanities?"

"Yea, ang bobo nga niyan, e!"

"Imagine, 503 lang ang nasagutan over 1,000 items?!"

"Sayang, galing pa naman 'yan sa HHU."

"Oo nga e! Hindi ko nga alam kung pa'nong nakapasok ang nerdy girl na 'yan sa HOuLYn Hellion University!"

"Yea, whatever. Stupid!"

"Nakakadiri pa!"

Gusto kong maiyak sa mga naririnig ko, pero nagpipigil ako. Bakit ba gano'n na lang kadali sa kanilang tawaging bobo ang isang tao? Ako kasi wala 'kong lakas ng loob na magsalita ng gano'n, alam ko naman hindi totoo 'yon.

Na wala naman talagang bobo, sadyang may kahinaan lang ang bawat tao. Lahat ng taong sinasabihang bobo, makitid ang utak at hindi nag-iisip ng ibang tao ay hindi totoo. Oo nga at mahina sila sa ibang mga bagay, pero hindi sa lahat ng bagay.

Sadyang mayroon lang talagang bagay kung sa'n nababagay ang kanilang kalakasan, kagalingan at katalinuhan. Katulad lang din 'yon ng mga sinasabing matatalinong tao, kailangan nilang maunawaan na mayroon rin silang kahinaan.

Kung titingnan lahat ng taong malawak ang pang-unawa at nakakapag-isip ng naaayon sa tama ay makikita nilang pantay-pantay lang ang lahat ng tao. Iba-iba talaga ang pag-iisip ng mga tao. Mas naniniwala pa sila na may tao talagang bobo kumpara sa katotohanang lahat ng tao ay matatalino.

Habang nakatungong naglalakad dito sa hallway ay nagulat ako nang biglang may umakbay sa braso ko. Ang bigat naman ng kamay niya!

Nakita ko kung pa'nong mag-iba at mas lalong lumala ang tingin sa 'kin ng mga taong nakakakita ng pag-akbay sa 'kin ngayon ni Zach. Ang dami talagang nakakakilala sa Hellion4 lalo na kay Zach.

"How's your game?" Si Zach.

Napatungo ako, alam kong binigay niya rin ang best niya para i-train ako tulad ng napag-usapan at nakakahiyang kalahati lang ang nasagutan ko kung kaya't ganito na lang makatingin ang madaming tao, lalo na sa mga nakalaban ko sa Humanities. Pinahiya ko pa ang HHU, sa ginawa ko. Talagang wala 'kong karapatang pumunta rito at hawakan ang mahahalagang posisyon para lang sa wala.

"Uh..." hindi ako makapagsalita, jusko, nahihiya ako.

"What?" Tanong niya ulit habang na sa harap lang ang mga mata.

"Kalahati lang ang nasagutan ko," nauutal kong tugon. Wala naman akong narinig na kahit isang salita sa kaniya. Mabilis ko rin siyang tiningnan at kaagad din namang umiwas matapos makitang wala pa ring pagbabago sa ekspresyon ng kaniyang mukha.

"Pasensiya na – aray!" Hiyaw ko ng bigatan niya pa lalo ang kamay niya sa balikat ko.

Ang bigat na nga, eh!

"Don't say that, it's not your fault, tss!"

"Pero... pinahiya ko pa ang University natin."

"Tss, you didn't and I don't care if you did. Let's just have lunch at the cafeteria."